m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, October 12, 2014

Si Safety Officer at Si Medic

By: Gary

Hindi ko alam kong dapat ko bang sisihin ang aking sarili sa mga nangyayari sa aking buhay, sa mga hindi magandang kapalaran na aking nararanasan, hindi ko alam kong ito ay parusa sa akin dahil sa mga nagawa kong pag kakamali sa buhay, lalo na sa aking pamilya. Wala akong ibang hinangad kundi ang mag karoon ng isang masayang pamilya, isang matatawag na bou at masayang pamilya na hindi ko naranasan sa aking pag kabata.
Mga bata pa lang kami ng iwan kami ng aking ama at sumama sa kanyang kalaguyo, natatandaan ko pa grade 2 ako noon at ang kapatid ko namang babae ay nasa grade 1, lagi na lang nag aaway angaming mga magulang dahil sa kahirapan ng buhay, si tatay ay isang ordinaryong empleyado lang sa gobyerno samantalang si nanay naman ay teacher sa isang pampublikong school sa Zambales, dahil nga sa maraming bisyo si tatay kaya kulang ang aming pantustos sa pang araw araw dahil si nanay lahat ang gumagastos sa bahay at ang sweldo naman ni tatay ay sa kanya lang napupunta.
Di nag tagal siguro nag sawa si tatay sa amin kaya iniwan kami at sumama sa ibang babae, ngunit itinaguyud kami ni inay hanggang sa kami ay makatapos ng kolihiyo, ako bilang isang Nurse at ang kapatid ko naman ay isang Guro din gaya ni inay.
Isinumpa ko sa sarili ko na hinding hindi ko mapapatawad si itay sa ginawa niya sa amin, kahit na minsang humingi na siya ng kapatawaran sa amin, pinatawad na siya ng nanay at ng kapatid ko, pero ako hindi, at ng bumalik siya sa aming tahanan ay umalis ako.
May trabaho na ako noong ako ay nag layas sa amin dahil nga sa bumalik ang aking tatay sa bahay, hindi alam ng mga magulang at kapatid ko kong saan ako pumunta kasi nag resigned ako sa ospital na pinapasukan ko, lumuwas ako ng maynila at doon nakipag sapalaran, napasok akong Pivate Duty Nurse sa isang mayamang pamilya sa may Sta. Cruz. Tumagal ako sa kanila ng halos dalawang taon hanggang sa pumanaw na ang aking inaalagaang matanda.
Minsan sa paghahanap ko ng trabaho ay napdpad ako sa may Luneta, nag taka ako kong bakit maraming tao sa may bandang harap ng Jollibee, at ng puntahan ko kong ano ang nangyayari doon, napag alaman ko na mga seaman pala ang mga nakatambay doon, at mga nag hahanap din ng trabaho sa barko, lakad lakad ako hanggang sa makarating sa dulo, naupo ako sa silong ng isang puno doon, nag tanong sa akin ang katabi kong naka upo, Bro. anong barko mo? Sabi niya, ha? Hindi po ako seaman sabi ko, napadaan lang po ako dito, kwentuhan kami, napag alaman ko na isa pala siyang seaman at safety officer ang trabaho niya sa offshore, naging intresado ako sa pag tatanong sa kanya kong paano ba ang maging seaman, sinabi niya lahat sa akin, madali lang daw ang trabaho ng safety officer, pero kilangan ng training para maka kuha ng mga certificate, napag alaman din niya na isa akong Nurse, sabi niya tamang tama bro, pwedi kang mag rig medic sa offshore, ano yun, tanong ko sa kanya, sabi niya Nurse daw sa barko, kong makakapasok daw ako sa offshore ay tiyak malaki ang sweldo ko, naging intresado ako sa usapan namin dahil ang medic pala nila ay isa din Filipino at sumasahod daw ng malaki, at pwedi din daw ako mag training sa safety officer kong gusto ko.
Binigay niya sa akin ang Training center na pwedi kong kuhanan ng training as a safety officer, sa Makati ako nakarating dahil nandoon ang opisina ng training center na binigay niya, nag enroll ako at nag simula ng mag training, hindi nag tagal ay natapos ang training, at ito na ang pag kakataon ko upang maka pag trabaho abroad.
Unang trabahong napasukan ko ay sa Qatar, isang petro chemical company, maganda naman ang patakaran at pasahod kaya umabot ako ng isang taon, dito ko nakilala si Jazmine, isa ding nurse sa isang government hospital sa Qatar, hindi kami kasal pero may isa kaming anak at ng matapos ang kanyang kontrata ay napag kasunduan namin na umuwi na lang sa pilipinas, siya na lang ang mag alaga ngaming anak habang ako ay nasa ibang bansa.
at ng mag bakasyon ako sa Pilipinas ay sinubukan kong mag apply sa offshore, kumuha ako ng Basic Seaman Training para makakuha ng seaman’s book, natapos ko ang lahat ng mga trainings, HUET/MARPOL/SDSD/ at marami pang ibang trainings na kilangan para maka pag trabaho sa offshore, at naka pag apply nga ako sa isang offshore company bilang safety officer, sa North sea ang unang distinasyon ko.
Mahal na mahal ko ang pamilya ko, sila ang buhay ko, hindi ako mabubuhay ng wala sila sa akin kaya naman pinag buti ko ang aking trabaho para sa kanila, mabuti na lang at may internet na kaya madalas din kami nag uusap at madalas ko din sila Makita kasi naman 28 days ang duty ko tapos 28 days din ang bakasyun ko sa pinas kaya hindi ako gaano na homesick pag nasa barko ako.
Nakaka ilang balik na din ako sa barko at masaya naman ako sa takbo ng aking trabaho, sabi ko wala na akong mahihiling pa, may magandang trabaho at mapag mahal na asawa at anak.
Pang apat na taon ko na sa barko ng may nagbago sa buhay ko, ang dating medic namin na Briton ay pinalitan ng Filipino, si eddie, taga Batangas, binata.
Pag sampa ng mga bagong crew sa barko, dapat deretso siya sa camp boss/ captain secretary upang ibigay ang kanyang mga papeles para ma scan para sa records sa barko para kong sakali na aakyat ang port authorities ay may maipakikita ang kapitan, kasunod noon ay sa vessel induction naman, familiarization sa barko, ito ay Gawain naman ni second mate o yung DPO namin, at ako ang pinaka huli, sa akin nag rereport lahat ng mga project crew, binibigyan ko sila ng briefing tungkol sa kong ano ang gagawin sa barko, personal protective equipment(PPE), mga do’s and don’ts at kong ano ang project na gagawin, hired kasi ng kompanya namin ang barko kaya depende sa project kong ano ang gagawin, halimbawa, mag lalagay kami ng mga tubo sa ilalim ng dagat o kaya naman ay trenching kami gamit ang ROV (remote operating vehicle) parang robot na bumababa sa ilalim ng dagat para ayusin kong ano man ang mga nasira sa ilalim.
Noong una wala akong napansin kay ed, normal lang, lagi kami mag kasama kasi nga malapit lang ang sick bay (clinic sa barko) niya sa aking opisina, at araw araw din kami mag kasama sa daily progress meeting namin tuwing alas nuwebe ng umaga sa conference room, normal lang ang samahan namin, trabaho lang walang iba.
Sir ang tawagan namin, minsan sabi niya, sir may asawa ka na ba? Mayron na pero di pa kami kasal sabi ko naman, so, hindi mo pa asawa sagot nya, pero may anak na kami sagot ko ulit sa kanya, ikaw may asawa ka na ba? Tanong ko, hindi siya umimik at iniba ang usapan, gusto mo kape sir sabi nya, o sige kukuha kaba? Kuha mo din ako sagot ko.
Binalewala ko na lang yung tanong na yun sa kanya, inisip ko na lang na baka ayaw niyang pag usapan yung ganun dahil baka may hindi magandang karanasan sa kanyan buhay.
Lumipas ang mga araw at nakatapos na kami ng kontrata namin, ganun din kasi siya 28/28 din siya kaya naman sabay kami umuuwi sa pinas at doon din sa barko na yun ang balik namin.
Nang muli pagsampa namin ay may napansin akong kakaiba kay ed, dati hindi siya madalas sa aking cabin, pero ngayun ay napapadalas na ang kanyang pag punta sa aking cabin at nakikinoud ng palabas, e lahat naman ng cabin sa barko ay may DVD at TV, minsan nga naiinis na ako pero di ko naman masabi sa kanya dahil ayaw ko naman siyang mapahiya.
Katatapos ng project namin at nasa port kami sa Harwich para sa mobilization ng susunod na project namin, gabi lumabas kaming dalawa ni ed upang maka inum man lang, napadpad kami sa isang bahay ng Filipina, uso kasi dito yun sa UK, mga Filipino nag aanyaya ng mga seaman para doon uminum sa bahay nila, syempre may bayad at may mga Filipino foods din doon, nataon naman na may birthday pala ng isang Filipina na nandoon sa bahay, kaya nag karoon ng kasiyahan, inuman hanggang sa malasing ang mga bisita, kasama na din ang mga babae, may isang babae na tingin ng tingin sa akin, alam ko may gusto sa akin dahil sa tuwing nag tatama angaming mga mata ay ngumingiti siya sa akin, bagay na kanina pa pala napapansin ni ed, pagkatapos noon sabi niya, sir tara na uwi na tayo, sabi ko naman mamaya na maaga pa, at simula noon ay hindi na niya ako kinibo, lalo na nang lapitan ko yung babae na tingin ng tingin sa akin, lumabas si ed ng bahay at pumunta sa may hardin, may sumunod din sa kanyang pinay pero parang wala daw siya sa mood maki pag usap sabi ng pinay kaya iniwan na lang siya sa labas ng garden, kwentuhan kami ng pinay at ng pauwi na kaimi ay ibinigay niya ang number niya sa akin, tawagan ko daw siya kapag bumalik kami sa port.
Nag lalakad kamipabalik sa barko, sabi ko, sir ed, ito number ng pinay binigay sa akin (nakasulat sa maliit na papel) pinakita ko sa kanya ang papel, baka gusto mo tawagan sabi ko sa kanya, hinablot niya sa akin ang papel at saka pinag pupunit at itinapon sa kalsada sabay lakad ng mabilis, iniwan ako.
Hanggang sa makarating kami sa barko, hindi niya ako kinakausap, pumunta ako ng crew mess para kumuha ng kape tapos dumeretso ako sa TV lounge, andoon si ed naka upo tahimik at masama ang tingin sa akin.
Na upo din ako sa tabi niya, sir, may problemaba? Tanong ko sa kanya, hindi siya umimik, parang walang narinig, sabi ko, o sige bukas na lang tayo mag usap pag wala na ang alak sa katawan natin, tumayo ako at lalabas nasana ako ng pinto ng sabihin niya, Fuck! Anong sabi mo tanong ko sa kanya, hindi siya nag salita at sabay tayo at lumabas ng pinto at deretso sa kanyang cabin.
Hindi ko alam kong ano ang nangyayari sa kanya, hinayaan ko na lang baka may problema sa pamilya, umaga, nag kita kami sa crew mess paramag almusal, good morning sir, bati ko sa kanya habang nakuha kami ng pag kain sa buffet line, ganun pa din parang walang narinig, okay, sabi ko lang sa kanya at lumayo na ako, hindi siya umupo sa table na dati naming inuupuan kapag kaming mga Filipino ay nakain sa crew mess, humiwalay siya ng lamesa at naki halo sa ibang lahi.
Oras ng daily progress meeting namin, pumunta ako sa clinic niya upang ibigay ang mga safety observation card (SOC) inabot lang niya sa akin ang mga card tapos lumabas na siya ng sick bay at pumunta ng conference room. Matamlay siya habang isa isa niyang binabasa ang mga safety observation card. (sa medic kasi naka assigned ang Gawain na iyun ang pag babasa ng mga safety observation card) Pag katapos ng meeting namin, hinintay ko siya sa labas ng conference room at ng makalabas siya ay inakbayan ko siya at bumulong ako sa kanya, sir ano ba ang problema mo? Bakit hindi mo sabihin sa akin baka maka tulong ako, wala! Wala akong problema sagot niya, e bakit parang kahapon ka pa ganyan sagot ko naman, ano ba paki alam mo, sagot niya sa akin, o sige kong ayaw mong sabihin ang problema mo, bahala ka, handa naman akong tumulong e, sagot ko sa kanya.
Umabot ng tatlong araw ang sitwasyun naming ganoon, hindi din ako naka tiis at ako na ang pumunta sa kanyang cabin, kumatok ako, pinag buksan niya ng pintuan, bakit? Anong kilangan mo? Tanong niya sa akin, wala, gusto ko lang nang kausap, sagot ko naman, wala kaming imikan habang nanonood ng palabas sa TV, at pag katapos noon, sabi ko, musta na sir? Unang beses kong nakita na umiyak si ed sa harap ko, naka titig lang siya sa palabas sa TV habang tumutulo ang kanyang mga luha, lumapit ako sa silya na kinauupuan niya, inakbayan ko siya, sir, ano ba talaga ang problema mo? Tanong ko ulit.
Hindi ko alam kong papaano ko sasabihin sa iyo itong problema ko, sabi niya, sobrang nahihirapan na ako sa sitwasyun ko, sige ilabas mo kong ano man yang bumabagabag sa iyo, sagot ko naman, nagulat ako sa sinabi niya, ikaw ang problema ko, sabi niya sa akin, ha! Bakit ako? Anong nagawa ko sa iyo? Balik tanong ko sa kanya.
Alam mo ba noong una tayong mag kita sa gang way (Entrance/Exit ng barko) parang iba yung naramdaman ko, hindi ko alam, pilit kong inaalis sa aking isipan kong ano man itong nararamdaman ko sa iyo pero pilit naman na bumabalik sa akin ang walang hiyang kong ano man itong nararamdaman ko sa iyo, akala ko nakakita na ako ng isang maituturing na kuya, dahil wala akong kapatid na lalake, akala ko nangungulila lang ako na mag karoon ng kapatid na lalake, at wala din akong naka gisnang ama, kaya sinabi ko sa sarili ko na ikaw na lang ang kuya ko at parang tatay na din, twelve years lang naman ang agwat natin di ba, 22 ako 34 ka naman, sabay tawa niya, ….sandaling katahimikan……pagkatapos sabi niya, (binanggit niya ang pangalan ko) kuya gary…..hindi niya masabi kong ano man yung gusto niyang sabihin sa akin……..kuya gary….higit pa sa isang kapatid ang turing ko sa iyo. Anong ibig mong sabihin na higit pa sa kapatid ang turing mo sa akin? Tanong ko sa kanya, kuya mahal kita sabi niya, ngumiti ako at sabi mahal din naman kita bilang isang kapatid, naka akbay pa din ako sa kanya, hindi ganon ang nararamdaman ko para sa iyo kuya, ibang klaseng pag mamahal, sabi niya.
Nasasabi mo lang yan kasi wala kang kapatid na lalake at wala kading nagisnan na ama, pareho lang tayo, ako din walang kapatid na lalake at wala ding ama, sagot ko. Sige kong hindi mo ako kayang mahalin ng gaya ng pag mamahal ko sa iyo okay lang, at least nasabi ko na sa iyo kong ano yung tunay na nararamdaman ko para sa iyo, sabi niya, ……kuya alam mo ba noong nagalit ako sa iyo last week? Kasi nag selos ako doon sa babaeng tingin ng tingin sa iyo, at ikaw, gustong gusto mo naman kaya nakikipag titigan ka, sabi niya, tapos ng ayain pa kitangumuwi na e ayaw mo pa sabi mo maaga pa kaya ngalit ako sa iyo, Aha! Selos ka pala ha sabi ko sabay batok sa kanya, hindi ko naman ipag papalit ang asawa ko doon ano, mahal na mahal ko ang pamilya ko at ayaw kong lukuhin ang asawa ko, kahit mag hubad pa sa harap ko ang babaeng yun hindi ko papatulan sagot ko naman sa kanya, weh! Sabi lang niya.
Kuya gary, hindi kaba nagagalit sa ipinag tapat ko sa iyo? Tanong niya sa akin, e ano naman ang ikagagalit ko, wala ka naman ginawang masama di ba? Saka di mo naman kasalanan na maging ganyan ka.
Bumalik ang dating samahan namin ni sir ed, balik dati sa dating gawi, dati kapag nag sho shore leave kami noong hindi pa niya ipinag tapat sa akin ang nararamdaman niya ay lagi akong may regalo galing sa kanya, damit, minsan pabango, o kahit ano na magustuhan niya para sa akin, hindi ko naman alam na may purpose pala yung mga binibigay niyang mga regalo sa akin, at kong ako naman ang mag tatanong sa kanya kong ano ang gusto niya, sasabihin lang niya na ‘wag na daw kasi pamilyado ako samantalang siya ay wala pang pamilya,
Minsan nga ay ayaw ko ng tanggapin ang mga binibigay niyang mga regalo sa akin. Pero simula ng mag tapat siya sa akin ngnararamdaman niya, sinabihan ko siya na ‘wag na akong bigyan ng mga regalo, ibili na lang niya ng para sa kanya.
Patuloy ang pag lakad ng mga araw, ganoon pa din ang samahan namin, walang malisya para sa akin, hindi ko lang alam kong ano sa kanya, pag nasa port kami ay lumalabas kaming dalawa, pero kapag kasama ko naman ang ibang mga pinoy o ibang mga lahi ay sinasabihan ko siya na baka ma out of place siya, kasi may pag ka tahimik si ed, hindi gaanong nakikipag usap sa ibang pinoy at ibang lahi, syempre kapag kasama ko ang ibang crew sa barko ay hindi na siya sumasama at saka ayaw ko din kasi na nakikita ko na nasasaktan lang siya kapag may mga babae kaming kasama sa table, ayaw ko ng ganoon, habulin din naman ng babae si ed, kahit nga daw bading ay may nanliligaw sa kanya kwento niya sa akin, pero sadyang hindi daw niya type ang mga bading na nanliligaw sa kanya, gusto daw niya ay siya yung manliligaw ng straight na guy at matured, sabi ko, bakit nasa akin ba ang mga katangiang hinahanap mo sa isang lalake? Naman!! Sagot niya, lumalabas ang medyo kalambutan niya kapag kaming dalawa lang ang nag uusap pero napaka formal niya sa trabaho at sa labas, ikaw na talaga kuya gary sabi niya sa akin, ikaw ang nag pa tibok ng puso kong pihikan sabi niya, nasa sa iyo na ang lahat ng katangian na gusto ko sa isang guy, matured na, mabait pa at guwapo pa, sus! Nambola ka nanaman sabi ko, hindi nga sagot nya, kahawig na kahawig mo talaga si Joel Torre noong kabataan niya, sabi niya sa akin, kibit balikat lang ako, kasi noon pa man yun ang sabi sa akin ng mga kakilala ko, Joel Torre look alike daw ako, sabi ko, matanda na yun at saka mas guwapo ako doon, sabay tawa, kulang nga lang sa height 5’9” lang ako, si ed naman 5’7” at may ibubuga din naman sa gandang lalake, mas maputi siya sa akin dahil may lahing kastila ang nanay niya, ako, pinoy na pinoy ang kulay.
Hindi nag bago ang pag tingin kokay ed, itinuring ko pa rin siyang parang nakababatang kapatid, sabi niya sapat na daw yun para sa kanya kong hindi ko man siya kayang mahalin, masaya na daw siya na lagi kaming mag kasama at masaya, di nga naman kasi maiiwasan sa trabaho namin na palagi kaming mag kasama, magka team work talaga ang safety officer at medic.
Minsan nga sa cabin ko, pumapasyal siya, at nakikipag kwentuhan, hindi alam ng mga kasama namin sa abrko ang tunay na pag katao ni ed, ayaw ko siyang mapahiya kaya inilihim ko na lang sa mga kasama namin.
Minsan pagod ako sa trabaho at medyo masakit ang katawan ko, sabi ni ed, kuya gusto mo ma relax? Marunong akong mag massage, sige maganda yan sagot ko sa kanya, nag hubad ako ng damit at naka boxer short lang ako, pinadapa niya ako sa sahig at sinimulang imasahe ang aking likod, aba! Totoo nga magaling siyang mag masahe, ang galing mo ah, sabi ko sa kanya, syempre naman, para ano pa at Physical Therapy ang kinuha kong kurso sabi niya, oo nga pala, licensed PT pala siya, kaso maliit lang ang sweldo sa rehabilation center na napasukan niya sa probinsiya kaya nag training din siya as Rig Medic, kaya napasok din sa offshore.
Simula noon ay madalas na niya akong imassage, pero may mga pag kakataon na nararamdaman ko na iba na yung hagod niya sa katawan ko, lalo na pag dating sa groin ko, parang sadya niyang tinatamaan ang aking dalawang bola sa ibaba, tapos sasabihin ko lang oppsss!!!! Baka saan na mapunta yan ha…..tatawa lang siya saka ipag papatuloy ang masahe.
Pag katapos ng isang project namin sa Trenching sa may parte ng Netherlands, nag aya ang mga kasama kong Briton na lumabas, ako lang at si edang pinoy na kasama, e syempre sa Netherlands legal doon ang mga bayarang babae at ang daming mga show, pumasok kami sa isang bar at sabi ng offshore manager namin na order lang kami ng gusto namin, kinuhanan din kami ng mga babae na ka table namin, tig iisa kami, bale apat kami, ako, si ed, yung offshore manager at yung survey engr. namin, ayaw ko sana kumuha ng babae pero mapilit si offshore manager kaya napilitan din ako at ganun din si ed, Thai yung babae na binigay sa akin samantalang puti naman yung kay ed, pero napansin ko na habang naka table yung mga babae sa amin e panay ang sulyap sa akin ni ed, alam ko naiinis siya sa tagpong iyun, ako naman parang bale wala lang hindi ko na lang hinawakan yung babae para walang masabi si ed sa akin at wala na kaming pag awayan, pero sadyang malikot ang kamay na babae, habang nasa table kami ay panay ang himas niya sa aking alaga kaya naman hindi ko maiwasang hindi tigasan, medyo madilim ang lugar, at lasing na din ang mga kasama ko pero si ed hindi gaanong nainum, mahina siya sa inuman, nang Makita niya na hinihimas ng babae ang aking ibaba ay lumabas siya, nag paalam doon saka table niya na mag sigarilyo muna daw sa labas at mag pahangin, at mula doon, bumaba yung babae sa ilalim ng mesa at saka isinubo ang aking tigas na tigas na ari hanggang sa ako ay labasan, walang paki alam ang mga kasama ko alam nila kong ano ang nangyayari sa ilalim ng mesa, hindi ko alam na nakikita pala kami ni ed dahil nga malapit lang kami sa bentana at tanaw niya kong ano ang kaganapan doon.
Pagkatapos noon ay bumalik na kami sa barko, ito nanaman hindi ako kinikibo ni ed, hindi naman ako lasing, may tama lang, pag dating namin sa barko ay deretso kami sa cabin ni ed, nag sorry ako sa kanya sa mga nangyari kasi di ko naman alam na ganoon pala ang mangyayari akala ko inuman lang at walang babae, okay lang sabi niya, naupo ako sa sofa at nanood ng TV, sakit ng ulo ko sabi ko sa kanya, alin sa taas o sa baba sagot niya, sira ulo ka talaga sabi ko, lumapit siya sa akin at sinimulang I massage ang aking ulo, nakaka relax ang bawat hagod ng mga kamay niya, tapos sabi niya, higa ka sa sahig para ma massage ko boung katawan mo, yun nga ang ginawa ko, nag tanggal ako nag damit at pantalon, naka brief na lang ako at humiga sa sahig, bale wala lang sa akin yun kasi may tama na din ako. Kuya Gary nasubukan mo na ba ang Lingham massage sabi niya, ano yun? Tanong ko naman, basta gusto mo subkan tanong niya, hindi ko alam yun sagot ko sa kanya, basta masisiyahan ka balik naman niya sa akin, paano ba yun tanong ko ulit, pinaliwanag niya sa akin, pati na rin ang prostate massage o yung prostate milking, alam ko yung prostate massage kasi napag aralan din namin sa anatomy and physiology about prostate sa male reproductive system, sige try natin sagot ko naman, unang ginawa niya nilagyan niya ng baby oil ang boung katawan ko, tapos nilaro ang mag kabilang nipples ko, medyo nakakaramdam ako ng kiliti habang nilalaro niya ang mga nipples ko.
Patuloy pa di siya sa pag masahe sa akin, hanggang sa ibinaba na niya ang kanyang dalwang kamay sa ilalim ng aking dalawang bola, at nararamdaman ko ang pag sagi ng kanyang mga kamay sa aking bayag, kuya tanggalin na natin itong brief mo sabi niya, nag aalangan pa ako, pero sabi niya okay lang yan ganyan talaga pag nag pa lingahm massage ka dapat naka hubad, sige bahala ka na sabi ko naman sa kanya, ibinaba niya ang aking brief hanggang sa naka hubad na lang akong minamasahe niya, mula ulo hanggang talampakan minasahe ni ed, sarap ng pakiramdam ko, lalo na pag napapadaan siya sa maselan kong bahagi ng katawan, medyo tinamaan na ako sa ginagawa niya kasi unti unti nabubuhay ang aking alaga, ano ba yan kuya nalilibugan ka sa akin ano? Tanong niya, sino ba naman ang hindi titigasan sa ginagawa mo, sagot ko naman.
Pagkatapos ng masahe sa katawan, kumuha siya ng lotion sa aking cabinet at nilagyan niya ng lotion ang kabuan ng aking alaga na semi erect, napa igtad ako ng hawakan ni edang aking alaga, parang my kuryente na dumaan sa aking katawan, napatawa lang si ed sa akin, may mas masarap pa dyan kuya sabi niya.
Walana din ako sa katinuan kaya nag pa ubaya na lang ako kong ano ang gusto niya, first time moba kuya na mahawakan ng ibang lalake ang ari mo? Tanong ni ed, oo sagot ko naman, wala pang ibang nakakahawak na lalake dyan kundi yung mga naging girlfriend ko lang, swerte ko naman pala dahil ako ang una, sabi ni ed, kaya pag butihin mo, sagot ko naman. Ang sarap ng pakiramdam habang ginagawa niya yung sinasabi niyang Lingham massage, at kapag alam niyang malapit na akong labasan ay hihinto siya ng pag masahe sa aking ari, sumunod naman ay binhusan niya ng lotion ang ilalim ng aking bayag hanggang sa aking butas, at dahan dahan niyang nilalaro ang aking butas, pero sabi ko wag dyan kasi masakit, akong bahala sabi niya, wala kang mararamdamang sakit, nilaro niya ng nilaro ang aking butas pero hindi niya ipinapasok ang kanyang daliri sa loob nasa labas lang ito, matagal niyang nilalaro ang aking butas sabay taas baba ng kanyang kanang kamay sa aking ari, nang alam niyang naka relax na ang aking butas sabi niya kuya hinga ka sa bibig ng malalim, at pag hinga ko ay sabay niya ipinasok ang kanyang isang daliri sa loob, wala naman akong naramdamang sakit, ang naramdaman ko na lang ay may bagay na nag lalaro sa aking loob at minamasahe ang aking prostate, hindi ko alam kong ano ang gagawin ko sa tindi ng sarap na ginagawa ni ed sa mga sandaling yun, ang sarap sobra, sarap na hindi ko nararanasan sa mga naging girlfriend ko, tapos bigla niyang isinubo ang aking matigas na alaga at nag taas baba siya, nawala ang tama ko ng mga sandaling iyun, hindi ko akalain na makakaranas ako ng ganoong sarap.
Ed lalabasan na ako sabi ko sa kanya, sige pa rin siya sa pag subo sa akin hanggang sa pumutok na nga ako sa loob ng kanyang bibig, pakiramdam ko ang daming lumabas sa akin, kasi yung iba ay tumulo pa galing sa bibig ni ed, nanghina ako pag katapos kong labasan, yun na yata ang pinaka masarap na orgasm na naranasan ko, kakaiba.
Pinunsan ni edang mga langis ko sa katawan at nag bihis na ako, naka tingin lang sa akin si ed habang ako ay nag bibihis, at pag katapos kong mag bihis sabi niya, kuya gary, sorry ha,baka sa nangyari ay magalit ka sa akin, hindi dapat nangyari ito, pasinsiya ka na, nadala lang ako ng libog kanina, nakita ko kasi yung ginawa sa iyo ng babae sa club, ano kaba ed,sagot ko, naman, ginusto ko din naman e saka naligayahan din naman ako sa ginawa mo, sa totoo lang ngayun ko lang naranasan ang ganun, magiging bakla na din ba ako kapag nakipag sex ako sa lalake, tanong ko sa kanya ng pabiro.
Doon nag simula ang malalim na samahan namin ni ed, kasi sa tuwing pumupunta siya sa aking cabin o minsan ay ako ang pumupunta sa kanyang cabin madalas ay may magaganap sa aming dalawa, pero kadalasan naman ay ako lang ang nag papalabas, sabi niya masaya na daw siya kapag masaya ako kaya kahit na hindi siya mag pa labas ay okay lang daw, hanggang ganun lang naman, walang lips to lips at hanggang subo lang ari ko sa kanya, pag katapos massage naman.
Naka ilang balik na din kami sa barko na laging mag kasama sa bakasyun, walang nakaka alam sa lihim namin ni ed. Ilang beses ko na din siyang naisama sa aming probinsya sa zambales at kilala na siya ng aking pamilya, ipinakilala ko siya sa aking hipag bunsong kapatid ni misis, sabi ng hipag ko type daw niya si ed, sinabi kokay ed yun at sabi sa akin, sige liligawan ko ang hipag mo para may dahilan ako na laging pumunta dito sa inyo pag naka bakasyun tayo para lagi tayong mag kasama, wag kang ganyan sagot ko naman sa kanya, bakit hindi mo ibaling sa babae ang nararamdaman mo?
Ganun nga ang nangyari niligawan ni edang hipag ko at naging sila, kaya naman sa tuwing mag babakasyun kami ay laging nasa bahay din si ed, pero hindi dahil sa hipag ko kundi dahil sa akin, pero pinipigilan ko siya sa mga gusto niyang mangyari sa aming dalawa habang nasa bakasyun kami mahirap na baka mahuli pa kami ng aking asawa o di kaya ng aking hipag, normal lang ang galaw namin na parang talagang mag kaibigan lang, pero ni minsan hindi ko nakitang natulog si ed sa kuarto ng hipag ko.
Masaya din si misis kasi masaya ang kapatid niya kay ed, pero kong alam lang nila na niloloko lang ni edang hipag ko, hindi ko naman kayang sabihn sa aking asawa at sa hipag ko ang tunay na dahilan.
Naganap ang kinatatakutan ko, nahulog ang loob sa akin ni ed ng tuluyan, sabi niya hindi daw niya kayang mawala ako sa kanya, mas gugustuhin pa daw niya ang mamatay kong mawawala din lang ako sa kanya, sabi ko naman, wag kang mag biro ng ganyan, hindi ako nag bibiro sagot niya, marami ka naman pweding mahalin, hindi lang naman ako ang lalake dito sa barko, may pamilya ako, may anak, sabi ko sa kanya, hindi naman kita aagawin sa pamilya mo sagot niya, makikihati lang ako sa asawa mo, sagot ni ed, hindi pwedi sagot ko, yung mga nangyari sa atin pang palaya lang ng libog natin yun sa katawan, tinanong niya ako kong wala daw ba akong nararamdaman sa kanya, sabi ko mahal kita bilang kaibigan at kapatid, hanggang doon na lang iyun, umiiyak siya ng lumabas ako ng cabina.
Simula ng sabihin sa akin yun ni ed na mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa mawala ako sa kanya, nag isip ako, medyo dumestansiya ako sa kanya, dahil gusto kong ipa alam sa kanya na mali yung ginagawa namin, pero mapilit si ed, lahat ginagawa niya upang mabalik yung dating samahan namin, sabi ko, tigilan na natin ito sir, huwag na natin palalain pa ang sitwasyon, humanap ka na lang ng iba dyan, hindi ako karapat dapat sa iyo, mabuti ka namang tao, may hitsura ka naman sigurado maraming mag kandarapa sa pag habol sa iyo, tigilan na natin ito sir ed.
Wala siyang imik ng sabihin ko iyon sa kanya, at mag mula noong araw na iyun ay hindi na niya ako ginambala pa, trabaho na lang talaga ang namagitan sa aming dalawa, at hindi na din ako nadalaw sa kanyang cabin.
Pag katapos ngaming kontrata ay nauna siyang umuwi sa akin ng isang linggo dahil ako ay may aasikasuhin pang training sa Aberdeen Scotland, apat na araw ang aking training at pag katapos noon ay umuwi na din ako agad dahil miss ko na ang aking pamilya, subalit nagulat ako ng pag dating ko sa aming bahay ay nandoon si ed, kausap ang aking asawa at ang aking hipag, pag katapos ng hapunan ay nag usap kami sa sala, ipinag tapat sa akin ng aking asawa na gusto na daw mag pakasal ng kanyang kapatid at si ed, hindi ako maka pag salita, gusto ko man sabihin na hindi pwedi pero walang salita na lumabas sa aking bibig, pag karaan ng ilang sandal, sabi ng misis ko, o ano na dad bakit hindi ka maka pag salita, naka tingin ako kay ed, blanko ang laman ng isip ko, wala akong alam na sasabihin, kaya nasabi ko na lang pag karaan, kilan kayo mag papakasal?
Sumagot ang hipag ko na sasakay muna daw si ed ng isa pa at pag nag bakasyun daw siya ulit ay saka sila mag papakasal, sige kong iyan ang disiyon nyo e wala na kaming magagawa ng ate mo, sagot ko naman sa aking hipag.
Pag katapos ng usapan ay niyaya kong lumabas si ed, sabi ko sa asawa ko na pupunta lang kami sa labas at iinum ng tiga dalawang beer, pero ang talagang pakay ko ay kausapin si ed tungkol sa nalalapit nilang kasal, pag labas namin ng bahay, hindi ko kinausap si ed habang ako ay nag mamaneho hanggang makarating kami sa bar.
Seryoso kaba sa hipag ko? Tanong ko sa kanya, hindi siya umimik, matagal bago siya nag salita, ano ba sa tingin mo? Tanong niya, na naka ngiti at parang nanunudyo, ed, kong hindi ka rin lang seryoso sa hipag ko huwag mo ng ituloy ang balak mo, sabi kokay ed, seryoso naman ako sa kanya ah, sagot niya, ed, hindi ako manhid, alam ko kong ano ang balak mo, aminin mo sa akin na kaya mo pakakasalan ang hipag ko dahil ayaw mong mapalayo sa akin ano? Tanong ko sa kanya, walang sagot na galing sa kanya, naka tingin lang siya sa bote ng beer na hawak niya, pagkatapos sabi niya, nag seselos kaba at pakakasalan ko yung hipag mo? Bakit naman ako mag seselos ano naman ang dapat kong pag selosan, gusto ko lang malaman kong totoo nga ang hinala ko na kaya mo siya pakakasalan ay dahil sa akin, di ba sinabi mo na minsan na ayaw mong mapalayo sa akin, di ba napag usapan na natin ito sa barko noon pa na tapusin na natin ang kalokuhang ito?.......hindi ganun kadaling tapusin para sa akin ito kuya gary, pinipilit kong maging straight, kaya nga pakakasalan ko ang hipag mo para mapatunayan ko sa sarili ko na pwedi din akong mag mahal ng babae, pero yung sinasabi mo na tapusin natin kong ano man yung nasimulan natin, mahirap kuya, sagot niya, hindi mo mahal ang hipag ko, gagamitin mo lang siya paasahin at pag lalaruan baling ko sa kanya, masasaktan ka din ba kong ganoon ang plano ko? Tanong niya, oo naman hipag ko iyun kapatid ng asawa ko, hindi na iba sa akin yun, parang tunay na kapatid ko na din siya.
Huwag na huwag mong lulokuhin ang hipag ko baling ko sa kanya, bakit ano basa tingin mo ang ginagawa natin? Tanong niya, di ba’t panloloko sa asawa mo at sa hipag mo? Hindi ako nakasagot, tama siya, niloloko nga namin ang asawa ko at hipag ko, gustong gusto ko siyang suntukin ng mga sandaling iyun pero nag pigil lang ako dahil nasa bar kami, pag katapos noon, naki usap ako sa kanya, nag mamaka awa, please ed, wag mong gawin sa akin ito wag mong idamay ang pamilya ko, wala pa naman akong ginagawa sagot niya, alam ko, may magagawa ka na hindi maganda sa akin at sa pamilya ko, nakikiusap ako sa iyo, tigilan na natin ito, hindi ko alam kong ano ang nakita mo sa akin bakit nag kaka ganyan ka, kuya gary, mahal na mahal kita, ikaw lang kasi ang nag turing sa akin nang ganyan, hindi ka nag bago kahit nalaman mo ang tunay kong pag katao, andyan ka pa rin lagi, kaya siguro nahulog ako ng tuluyan sa iyo, patawarin mo ako kong minahal kita ng labis, talagang hindi ko makakaya pag nag hiwalay tayo, sabi niya sa akin.
Natapos ang usapan namin na walang magandang nangyari, umuwi kami sa bahay, natulog siya sa isang bakante na kuarto na madlas niyang ginagamit kapag siya ay nasa bahay.
Kinabukasan normal pa din ang mga kilos namin, parang walang problemang nagaganap sa aming dalawa, pag karaan ng ilang linggo ay umalis na si ed pabalik ng barko samantalang ako ay naiwan pa at nag request na din ako sa head office namin sa Canyon offshore London na palipat ng ibang barko upang hindi ko na makasama si ed sa dati naming barko, at na pag bigyan naman ang aking request, nalipat ako sa isang barko namin sa Russia, ganoon pa din ang schedule 28/28 pa din, akala ko hindi alam ni ed kong ano ang nang yayari sa akin sa ibang lugar, iyun pala ay nakikibalita siya sa aking hipag na nakukwento naman ng asawa ko sa kanya, nalaman niya kong kilan ako mag babakasyun at sinabi na itaon na lang daw ang kasal pag nasa bakasyun ako para naman daw maka dalo ako.
Nang mag bakasyun ako, wala si ed, hindi siya naka uwi dahil iyung reliver niya na medic ay nag ka problema kaya naman napilitan siyang mag extend ng isang trip pa.
Hindi ko na talaga kayang itago kong ano man ang mang yayari sa hinaharap, kaya kinausap ko ang hipag ko ng dadalawa lang kami sa bahay, sabi ko, mahal mo ba talaga si ed? Oo naman kuya mahal na mahal ko siya, mahal ka ba niya? tanong ko ulit? Syempre naman sagot niya, napaka gentleman nga niya e sabi niya, kasi kong yung ibang lalake dyan siguro sex lang ang habol nila, ( Nurse din kasi ang hipag ko kaya naman open siya sa mga usaping ganoon) pero iba si ed kuya, nererespito niya ako bilang babae………hindi ko alam kong paano ko sisimulan ang topic tungkol sa aming dalawa ni ed, ang nasabi ko na lang na hayaan nyo muna na makilala ang isat isa ng matagal wala pa naman kayong dalawang taon saka hindi mo siya madalas makasama, malay mo may itinatago pala siyang hindi mo gusto, …bakit kuya may alam kaba tungkol sa kanya, tanong ng hipag ko…….wala naman ang pag kakaalam ko ay mabait naman siya at masipag sa trabaho, bukod doon wala na akong alam sa kanya, kasi puro trabaho naman kami sa barko, pero payo ko sa iyo, mag kakilanlan muna kayong mabuti bago kayo mag disisyon na mag pakasal, sabi ko, kuya, parang may ibig kang sabihin ah, sabi ng hipag ko…….wala sagot ko naman, e alam mo naman ang mga seaman, sabi nila seamanloloko daw, ah! Bakit niloloko mo ba si ate? Tanong niya…..namula ako sa tanong niya at hindi agad nakasagot, ……hindi ah, mahal na mahal ko nga ang ate mo, sabay talikod ako sa kanya mabuti na lang at naka harap siya sa lababo hindi niya nakita ang pamumula ng mukha ko, sabay alis at pumasok na sa aming silid. Haaaa…..muntik na akong mahuli sabi ko sa sarili ko.
Isang linggo bago matapos ang aking bakasyun ay dumating si ed sa Pilipinas, dumaan muna siya sa kanilang probinsiya sa pangasinan bago tumuloy sa zambales, nagulat ako dahil hindi ko inaakala na darating siya, nadatnan niya kami sa bahay kasama ko ang aking pamilya, tuwang tuwa ang anak ko sa mga pasalubong niyang mga laruan, nakuha na kasi ni ed ang ugali ng anak ko, kaya naman parang kuya na din ng anak ko si ed, bagay na ikinaiinis ko, ginagamit ni edang bata para lalong mapalapit sa pamilya ko.
Pag dating ng gabi ay nag aya siya na uminum daw kami sa balkonahe, inilabas niya ang dala niyang alak na binili sa Duty Free, pinag bigyan ko siya kahit labag sa kalooban ko, dahil sa totoo lang naiinis ako sa kanya, bakit ka nandito? Tanong ko sa kanya ng masiguro kong kaming dalawa na lang ang nasa labas ng bahay, kuya parang hindi ka naman excited na Makita ang magiging bayaw mo, sagot niya, hindi kita bayaw at ayaw kong maging bayaw kita sagot ko naman, ah anong gusto mo lover mo lang ako, baling niya na nakangiti at parang nang aasar pa. galit na akong nag salita sa kanya, medyo tumaas ang boses ko, ed ano ba!!! Tigilan na nga natin ito, walang magandang pupuntahan ito, okay, payag na akong pakasalan mo ang hipag ko, pero pag katapos ng kasal nyo huwag kayong pipisan dito sa amin, dalhin mo siya sa inyo at ayaw ko kayong Makita dito sa pamamahay ko, galit kong sabi kay ed, ang sama mo namang kuya balik sa akin ni ed, e plano nga namin na patayuan ng bahay ang lupa na binigay ng magulang niya diyan sa may looban ng compound, para daw hindi na kami lalayo pa sa pamilya niya, nanghina ako sa narinig ko, ganun ba? Yun na lang ang nasabi ko, at saka kuya, baka hindi pa matutuloy ang kasal ngayun kasi marami palang dapat asikasuhin pa, mga seminars pa daw, baka abutin pa ng ilang linggo bago matapos lahat ng dapat ayusin, kaya habang nasa bakasyun ako ay iyun na muna ang aasikasuhin namin, at sa susunod na bakasyun ko ay doon na kami mag papakasal.
Bahala kayo! Yun lang ang nasabi ko sa kanya, ganun nga ang nangyari, habang nasa bakasyun si ed ay inayus nila ang mga dapat ayusin sa kanilang kasal, madalas magkasama ang dalawa, nag leave ang hipag ko sa ospital upang maayus nila ang mga kakailanganin sa kasal.
Bumalik ako ng barko pag katapos ng bakasyun ko, tamang tama, sa oras na itnakda ang kasal ay wala ako sa Pilipinas nasa barko ako, pag katapos din ng pag aayus ng mga dapat ayusin sa kasal ay bumalik na din si ed sa barko, wala na kaming communication ni ed, pinutol ko na kong ano man ang nag uugnayan sa aming dalawa.
Pauwi na ulit si ed, tapos na ang kontrata, ako din ay extend na lang din sa barko na aking sinasakyan, talagang nag pa extend ako dahil nga ayaw kong dumalo sa kasal ng dalawa, pero sadyang malupit yata sa akin ang tadhana, hindi alam ng magulang ko kong nasaan ako, ilang taon din nilang hindi alam kong ano ang nangyayri sa akin, hindi nila alam na may pamilya na ako, may magandang trabaho, hindi nila alam kong nasaan ako, ipinag tanong ako sa mga dating kaklase at kaibigan, at nalaman nila na nasa barko nga daw ako, tinanong nila kong may kontak number daw ba ako pero wala akong pinag bigyan ng kahit sino ng number ko maliban sa aking asawa, ang ginawa ng kapatid ko ay pumunta ng POEA at inalam kong ano ang agency na nag paalis sa akin sa Pilpinas, at ng malaman nila ang agency ay pinuntahan nila ito at sabi na may emergency daw sa bahay kailangan daw akong maka uwi kaagad.
Tinawag ako ng offshore manager namin at ipinaalam ang nangyari, ibinigay niya ang number na tatawagan ko daw sa bahay, tumawag ako sa bahay at ang kapatid ko ang naka usap ko, sinabi niya na nasa ospital daw ang tatay dahil na stroke ito.
Wala akong nagawa kundi umuwi ng Pilipinas, ipina alam ko din sa aking asawa kong ano ang nangyari sa bahay, alam naman ng asawa ko kong ano ang kaganapan sa aking buhay tungkol sa aking pamilya, kaya pag dating ko sa Pilpinas ay pumunta kami sa bahay ng mga magulang ko kasama ang pamilya ko para makilala na din nila. Nakaratay sa I.C.U. ang tatay ko, at hindi nag tagal ay pumanaw na din siya.
Isang linggo bago matapos ang bakasyun ko, itinakda ang araw ng kasal, kaya mapipilitan akong dumalo, tuwang tuwa naman ang hipag ko at misis ko kasi makaka dalo ako sa kasal, pero hindi nila alam na ayaw kong dumalo sa kasal, sinakyan ko na lang ang kasiyahang nararamdaman nila.
Anim na araw bago ang kasal, umalis ang asawa ko pumunta ng Manila para sa kanilang tatlong araw na seminar, ako, ang anak namin, hipag ko at si ed lang ang nasa bahay.
3-11 ang duty ng hipag ko sa ospital, pag katapos mag laro ng anak ko at ni ed ay natulog na ang bata, alas dyes ng gabi, hindi ako maka tulog, lumabas ako ngaming silid, himbing na himbing ang anak ko sa kama, umupo ako sa balkonahe habang umiinum ng beer, nasa kalahati na ako ng beer ng biglang may nag salita mula sa aking likuran, hindi ka makatulog kuya? Tanong ni ed, nagulat ako kasi akala ko tulog na din siya, kinuha niya ang hawak kong beer at saka uminum din pag katapos binalik sa akin.
Wala kaming umikan ng matagal, parehong nakikiramdam kong sino ang unang mag sasalita, naka tingin lang ako sa malayo ganun din siya, at di nag tagal sabi niya, hindi kaba masaya para sa akin? Para ano? Sagot ko naman, ikakasal na ako, di ba sabi mo sa akin na ibaling ko na lang sa iba ang pag mamahal ko sa iyo, ito sinunod ko ang payo mo, …….oo sinabi ko sa iyo na ibaling mo sa iba ang pag mamahal mo sa akin, pero hindi sa hipag ko, sasaktan mo lang siya, alam ko mahal na mahal ka niya. Pag hihigante ba itong ginagawa mo sa akin dahil hindi ko kayang ibigay ang gusto mo? Tanong ko.
Sandaling katahimikan, tumayo ako at pumunta sa may gilid ng balkonahe, naka harap ako sa hardin samantalang siya ay nasa aking likuran, bigla na lang siyang yumakap sa aking baywang na ikinagulat ko,…….ed ano kaba….pilit na inaalis ang kanyang pag kakayakap sa akin……baka may maka kita sa atin e ano pa ang isipin nila, sagot ko…….mahigpit ang pag kakayakap niya sa akin……. Huwag kang mag alala, mamaya pa ang uwi ni Clair (hipag ko) pilit akong bumibitaw sa kanya pero itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay sa aking dibdib at ang kanan naman ay ibinaba niya sa aking harapan, ipinasok sa aking pajama, wala akong sout na brief noon kasi nasanay akong naka pajama lang at walang brief habang natutulog. Pero parang may tuksong kong ano na bumalot sa aking katawan, gusto kong labanan kong ano man ang nararamdaman ko, sabi ko, tama na ed……..huli na ito kuya, pagkatapos ng kasal namin hindi na kita guguluhin pa.
Ipinag patuloy niya ang ginagawa sa akin, nakayakap siya mula sa akin likuran habang hinihimas ang unti unti ko ng tumitigas na pag kalalake, sabi ko, o sige pag bibigyan kita ngayun pero ipangako mo na ito na ang huli… oo kuya pangako, sagot ni ed, hinila niya ako sa kanyang kuarto at pinahiga sa kanyang kama, unti unti niyang hinubad ang aking sout hanggan sa wala na akong saplot sa katawan, at doon ay pinag sawaan nanaman ni edang aking katawan, nakadapa siya sa pagitan ng aking mga hita habang subo subo ang aking alaga.
Laking gulat namin ng biglang may nag bukas ng ilaw, kitang kita ko ang hipag ko na gulat na gulat sa aktong kanyang dinatnan sa aming dalawa ni ed…. Mga Baboy kayo….mga walang hiya,,,yan ang huling narinig ko mula sa aking hipag bago siya mabilis na tumakbo sa kanyang silid, nalimutan namin ang oras at nalimutan naming ilock ang pintu ng kuarto ni ed.
Dali dali akong nag bihis at mabilis na lumabas ng kuarto ni ed, samantalang si ed naman ay naka tulala lang doon sa kanyang higaan, hindi ko alam kong ano ang aking gagawin, umupo ako sa gilid ng aming higaan sapo ang aking ulo, nag iisip ng sasabihin sa aking hipag, paano na ito, anong gagawin ko, paano pag nalaman ng asawa ko ito, ano ang mangyayari sa amin? Mga katanungan na bumagabag sa aking isipan, mahal na mahal ko ang aking pamilya at ayaw koitong masira.
Hindi ko na dapat ipag pa bukas pa ang problemang ito, nag disiyun ako, lumabas ako ng aming silid at pumunta sa silid ng hipag ko, kumatok ako, bukas ang pinto, nakita ko ang hipag ko na nakadapa sa kanyang higaan, umiiyak, hindi ko alam kong lalapit ba ako o hindi, …… pero nanaig pa rin sa akin ang awa sa aking hipag kaya lumapit ako sa kanya, umupo ako sa gilid ng kanyang higaan….. Claire….. Parang may naka bara na kong ano sa aking lalamunan, ayaw lumabas ng mga salita na gusto kong sabihin….
Claire….patawarin mo ako sa kasalanan ko sa iyo….pautal utal kong sambit sa kanya, ….Claire hindi ko gusto yung nangyari sa amin ni ed, …. Mga walang hiya kayo.!!!!! Ang baboy nyo, mga Bakla pala kayo!!!!! Nakakahiya kayo…sigaw ni Claire sa akin…. Tumayo ako para lalabas nasana ng kanyang silid…….alam mo kuya… ay ate pala!!!!! Ngayun alam ko na kong bakit sinasabi mo sa akin na dapat muna kaming mag kakilanlang dalawa ng matagal bago mag pakasal, di ba sinabi mo iyun? Ha! Bakla ka, hayup ka…..akala ko napaka desente mong tao, ikaw pa naman ang idol ko, pinangarap nasana ay makahanap ng kagaya mo, inggit nga ako kay ate dahil napaka bait mo, yun pala may itinatago ka ding lihim, mga Bakla kayo!!!! Tumayo si Claire at pinag hahampas ako sa dibdib, tinaggap ko kong ano man ang ginawa niya sa akin, alam kong mabigat sa kanyang kalooban ang nakita niya, alam ko kong gaano niya kamahal si ed.
Niyakap ko na lang siya ng mahigpit at nag sorry ako sa kanya, pero ayaw niyang tanggapin ang aking sorry, sapat na daw ang nakita niya at nalaman kong ano kaming dalawa ni Ed.
Lumabas ako ng kanyang silid, pumunta sa aming silid, hindi na ako naka tulog ng gabing iyun, iniisip ko kong ano na ang pupuntahan ng problemang ito, at bukas darating ang aking asawa.
Kinaumagahan, hinihintay kong lumabas ng kuarto si ed, at kakausapinko na umalis na lang sa bahay namin, subalit hindi siya lumalabas ng kuarto na dati alas sais pa lang ng umaga ay nasa salas na, binuksan ko ang kanyang silid, wala si ed, tiningnan ko ang kanyang mga gamit, wala na din, umalis si ed nang hindi nag papaalam sa amin, siguro umalis na kagabi.
Hindi pumasok ang hipag ko sa trabaho ng araw na iyun, nag kulong na lang ako sa aming silid dahil ayaw kong Makita ako ng aking hipag, nahihiya ako sa nangyari kagabi, hindi ko alam kong anong mukha ang ihaharap ko sa kanya.
Dumating ang aking asawa mula sa Manila, pag pasok niya ngaming silid nakita niya ako na maga ang mata sa kakaiyak ng nag daang gabi, anong nangyari? Tanong niya? Naka upo lang ako sa gilid ng higaan, hindi umimik…… may problemaba dad? Sabi niya….. Tumayo ako at niyakap ko siya ng mahigpit….. I love very much….. yun lang ang nasabi ko sa kanya, patawarin mo ako…. Ano nga ang nangyari, tanong ulit niya na medyo naiinis na….. hindi ko alam kong papaano ko ipapaliwanag ito sa iyo, patawarin mo ako, sagot ko. Lumabas siya ngaming silid at pinuntahan ang silid ng aking hipag, umupo akong muli sa gilid ng kama sapo ang aking ulo, inaasahan ko na ang mangyayari sa akin.
Dinig ko ang usapan nilang mag kapatid sa kabilang silid, dinig ko kong paano iditalye ni Claire ang mga kaganapan na kanyang nasaksihan ng gabing mahuli niya kaming dalawa ni ed habang umiiyak, Mga aboy sila ate, mga hayup sila,wala ka bang nahalata sa asawa mo ate? Bakla yang asawa mo, at alam ko matagal na nila tayong niluluko, tahimik lang ang aking asawa habang nakikinig sa kanyang kapatid.
Tumigil ang kanilang usapan, at pagkaraan ng ilang sandal ay pumasok ang aking asawa sa silid, kita ko ang mga luha sa kanyang mga mata, malumanay, tinanong niya ako, totoo ba ang lahat ng sinabi ni Claire? Hindi ako makasagot sa kanya, nakatingin lang ako sa kanya, sumagot ka! Sabi niya ng pasigaw, lumapit ako sa kanya upang yakapin siya subalit inalis niya ang aking mga kamay sa pag kakayakap ko sa kanya, sabay sampal ng malakas sa aking pisngi, sagutin mo ako!! Totoo ba ang lahat ng iyun! Tanong niya ulit, nakatayo kaming dalawa habang naka tingin ako sa kanya, mag papaliwanag ako, sabi ko sa kanya, lumapit siya at pinag hahampas ako sa aking dibdib, pilit ko siyang niyayakap subalit pakiramdam ko napakalakas niya ng mga oras na iyun at ako ay parang walang lakas para pigilan siya.
Gusto ko ng mamatay ng mga oras na iyun, gusto ko ng matapos ang buhay ko para hindi ko na siya nakikitang nasasaktan, mas gugustuhin ko pang ako ang masaktan kesa Makita ko ang asawa ko na nasasaktan ng dahil sa akin, patawarin mo ako, sabi ko sa kanya, naupo siya sa gilid ng higaan, pag katapos ng ilang taon nating pag sasama bilang mag asawa, bakit hindi mo sinabi na ganyan ka pala sabi niya, habang umiiyak. Mi, mali yang iniisip mo hindi ako bakla sagot ko naman, ano ang tawag sa mga lalakeng nakikipag sex sa kapwa lalake, sigaw niya sa akin, hindi ako naka imik sa sinabi niya, hayaan mo muna sana akong maka pag paliwanag sabi ko sa kanya.
O sige huwag ka sa akin mag paliwanag dahil sa ngayun ay hindi ko maiintindihan kong ano man ang sasabihin mo, mag paliwanag ka kay Claire, pumunta kami sa silid ni Claire at naabutan namin siya na pinag pupunit ang mga gagamitin sa kasal, ang kanyang damit pang kasal ay sira sira na, kalat ang boung silid ni Claire.
Hayan mag paliwanag ka kay Claire sabi ng asawa ko, halos ayaw bumukas ang bibig ko, walang tinig na lumalabas, ….. ano! Sabihin mo sa kanya kong ano kayo ng lalake mo!!! Sigaw ng asawa ko, paunti unti, ipinaliwanag ko sa kanya ang mga nangyari sa amin ni Ed, mula sa simula, kong paano kami nag kakilala at naging mag kaibigan hanggang sa humantong sa mas higit pa sa isang kaibigan, iyak naman ng iyak si Claire, sabi niya sa kanyang ate, alam mo ba ate na yang bakla mong asawa, sinabihan ako na dapat daw ay huwag muna kaming mag pakasal kaagad ni ed, wala pa naman daw kaming dalawang taon na mag BF, kilalanin daw muna namin ang isat isa, yun pala sila ang mag kalaguyo kaya pala laging nandito ang kalaguyo niya kapag nasa bakasyun yang asawa mo, masasakit ang mga salitang binitiwan sa akin ni Claire, ngunit tinanggap ko ang lahat ng iyun dahil alam ko ako ang may kasalanan.
Pag katapos ng pangyayari na iyun ay nag bago na ang lahat sa buhay ko, iba na ang takbo sa loob ng bahay, ayaw na din akong patulugin ng aking asawa sa aming silid kaya sa sala na lang ako natutulog, at kapag nakita niyang karga ko angaming anak ay kinukuha niya ito, huwag na huwag mong mahahawakan ang anak ko, baka mahawa pa ng kabaklaan sa iyu, iyun ang kanyang laging sinasabi sa akin.
Masakit para sa akin ang ganoon, pati anak mo hindi mo mahawakan, parang wala ako sa bahay, parang isa lang akong invicible na tao at hindi nakikita ng sino mang nakatira doon.
Pati ang hipag ko ay hindi na din pumapasok sa ospital ang alam ko ay kumuha ng leave, subalit dalawang araw bago ang kasal, natagpuan ng aking asawa ang kanyang kapatid na bumubula ang bibig, uminum ito ng lason, dali dali ko itong binuhat at itinakbo sa ospital subalit dead on arrival na siya. Panibagong problema.
Isinumpa ako ng aking asawa na hinding hindi daw niya ako mapapatawad sa kasalanang nagawa ko, isinusumpa ko sa ngalan ng kapatid ko, hinding hindi ko mapapatawad ang ginawa mong kasalanan, kong hindi dahil sa iyo buhay pa sana ang kapatid ko, sabi niya, pati ang kanilang magulang ay nagalit na din sa akin.
Pag katapos ng libing, nag empake ng mga damit ang aking asawa, aalis na kami dito sa bahay sabi niya, bahala ka na dito, hindi naman tayo kasal sabi niya kaya wala akong karapatan dito sa bahay, naka tayo siyang nakaharap sa akin habang ako ay naka upo, niyakap ko siya sa kanyang baywang at sabi, maawa ka naman sa akin, huwag na kayong umalis ng anak natin, patawarin mo ako, pinag sisisihan ko kong ano man ang kasalanan ko sa inyo, O sige patatawarin kita kong maibabalik mo ang buhay ng aking kapatid, sagot niya, hindo ako nakapagsallita sa sinabi niyang iyun, pagkatapos sabi ko, ako na lang ang aalis, kong iyan ang makaka pag pagan ng iyung kalooban, ako na lang ang aalis, tumayo ako, kinuha ang malaking bag na gamit ko sa pag bibyahe, at inilagay doon aking mga damit, lumabas ang aking asawa habang nag aayus ako ng mga damit at pag katapos noon ay lumabas ako ng silid dala ang aking malaking bag, nasa kusina ang aking asawa pinapakain angaming anak, lumapit ako sa kanya, mi, sana mapatawad mo pa ako, alam ko hindi madaling mag patawad sa taong nanluko sa iyo, lalo pa’t may isang buhay na nawala, pero hihintayin ko ang araw na mapatawad mo ako, mahal na mahal ko kayo ng anak natin, kayo lang ang tanging buhay ko, pero kong ikaliligaya mo na mawala ako sa inyo, aalis ako, lagi mo sanang tatandaan na mahal na mahal kita at hindi mag babago iyun habang ako ay nabubuhay, sabi ko sa kanya habang ako ay umiiyak, pwedi ba kitang mayakap kahit sa huling pag kakataon? Hindi siya kumibo, niyakap ko siya ng mahigpit habang tumutulo ang aking luha, mahal na mahal kita at ayaw kong nakikita na nahihirapan ka bulong ko sa kanya, mahal na mahal kita at handa akong mag hintay kong kailan mo ako mapapatawad,sumunod naman ay kinarga ko ang aming anak, niyakap ng mahigpit, anak balang araw malalaman mo din ang lahat at sana maintidihan mo at mapatawad mo din ako. Pag katapos noon ay lumabas na ako ng bahay, hindi na ako lumingon pa sa kanila.
Iyun ang huling kita ko sa aking pamilya, nabalitaan ko na lang na bumalik ang aking asawa sa Qatar upang doon ulit mag trabaho, nalaman ko din na hindi niya binabawasan ang allotment na para sa kanya, kasi sa tuwing umuuwi ako ng Bansa walang nababawas sa perang pinadadala ko sa account niya.
Isang taon akong nanirahan ulit sa aking inay at kapatid pag ako ay nasa bakasyun, at pag katapos noon ay nag request ako sa aming kompanya na sa Scotland na lang manirahan dahil mas lalo lang akong nahihirapankapag umuuwi ako sa ating Bansa. Subalit umaasa pa rin ako na balang araw ay mapapatawad ako ng aking asawa kahit tatlong taon na mula ngayun ang nangyaring ito sa aking buhay. Umaasa ako na darating ang panahon na mag kakasama kaming muli ng aking pamilya, malungkot mabuhay ng mag isa, nasa iyo man ang lahat ng karangyaan sa buhay kong wala din naman nagmamahal sa iyo, bale wala ang lahat ng ito, minsan naiisip ko na gusto ko na din tapusin ang buhay ko, pero ang nag papalakas lang ng loob sa akin ay ang isipin na isang araw ay mayayakap kong muli ang aking mag ina. Alam ko na darting ang araw na iyun, at kapag dumating ang araw na iyun, masasabi kong ako na ang pinakamasayang tao sa mundo.
Si Ed? Hindi ko siya sinisisi sa nangyari, ang sarili ko ang sinisisi ko dahil naging mahina ako sa tukso, di ko napag labanan ang tuksong dumating sa aking buhay, at ang huling balita kokay Ed ay nasa London daw siya sabi ngaming kasama sa barko, idinadalangin ko na lang na sana ay huwag mag tagpo ang aming landas dito sa UK.

46 comments:

  1. Sheeett... ako ang kinabahan kay Gary... ang hirap ng sitwasyon niya... pero i know mapapatawad ka din ng asawa mo...

    ReplyDelete
  2. grabe pang teleserye ang buhay mo ser.. i pray na sana dumating din ung time na hinihintay mo.. at pag dumating un ay hindi pa huli ang lahat (i mean sana hindi sya mag asawa ng iba).. pero kung dumating man ung time na mag asawa sya ng iba.. i think dapat mag move on kna din.. hanap ng iba, ung makakasama mo habang buhay.. tao lang tayo nagkakamali din.. ay mahalaga ay natututo tyo sa pagkakamali natin.. i believe that you also deserve to be happy..

    ReplyDelete
  3. Ang bigat sir Gary. Sana mahanap mo rin ang kapayapaan sa iyong puso at isip.

    ReplyDelete
  4. i salute you mr. author, ang ganda ng story mo.

    ReplyDelete
  5. Grabe ang storya ng buhay mo sir Gary. Ang bigat sa pakiramdam pagkatapos kung basahin to. Sana matagpuan ng iyong asawa ang pagpapatawad sa kanyang puso.

    ReplyDelete
  6. grabe sir,hanggang ngyon hindi ako maka get over sa storya mo..Mapapatawad k den ng yong asawa sir just keep praying..saan ba dito sa qatar ang asawo mo or saang compny xa nag trabaho, im here in qatar nw..

    ReplyDelete
  7. Lksan mo loob mo sir kyanin mo balang araw mpptwad k rin nun sir

    ReplyDelete
  8. Grabe talaga ang storya mo sir. Kagabi ko pa 2 nabasa pero pag.gising ko ngayon ito parin ang nasa isip ko. Baka hindi ako makaget over nito ng mga ilang lingo... Sana sir dumating din ang panahon na magiging maayos ang lahat. Ikanga time heals wounds... Salamat sa pagshare mo ng storya mo sir. Mabuhay ka sir.

    ReplyDelete
  9. Super galing ng story! you can feel and imagine how hard it is. I feel for you Gary. In time, wounds will heal.Lakas ng connect, nakaka antig.

    ReplyDelete
  10. Ang hirap mag Hanap ng babaeng tatanggapin ka din ng buo. =((

    ReplyDelete
  11. Isa sa pinakamahirap na tagpo ng buhay mo parekoy.naging kwawa ang anak mo dahil sa pinasok mo na gulo.wla kA ng kwala dyn.perohnd pa huli ang lahat sobrang sakit yan sa misis mo ang nagawa mong ksalanan wlang kapatawaran ika nga pero subukan mong isuko yan lahat sa Panginoon at hihilom ang lahat.babalik ang lahat sa isang maayos at buong pamilya.wag kang magsawa na humingi ng tawad sa pamilya khit araw arawin mo na pghingi ng tawad..pero unahin mo muna humingi ng tawad sa Panginoon..praying for you parekoy na malampasan mo yan...i am seafarer too...markjhun024 wechat id if you need some advice.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya nga naman? powerful name of Jesus o holy spirit heal their hearts receive your healing right now

      Delete
  12. hi gary,sana ok ka na..please lang stop blaiming yourself for what happened,icipin mu tao lang tau na nagkakamali..Life must go on..wag na wag mung gawin ang pagpapakamatay..kasi d nman yun ang solusyon,,naging mabuti ka nmang ama at asawa good provider sa kanila..dont felt guilt so much sa ginaw mu.lets hope na sana mapatwad ka din ng asawa mo..ang kung hindi need mo cguro maghanap ng iba uli,,sana nman yung girl na makikita mu ay broad minded..PATAWARIN MU NA DIN ANG SARILI Mo,,para makamove on..wishing good luck..

    ReplyDelete
  13. okey lang yan parekoy... life has to go on. marupok talaga ang tao pag may tukso... 0788138676.

    ReplyDelete
  14. hello Kuya Gary, ur story is by far one of the most painful (from a straight guy's perspective i still really consider u straight sir), i have read here kuya. Suuuuuuuuper i commend u for d courage to write this story of yours... Please please pleeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeease sir u deserve to be happy u were sorry, u were very very very sorry, u know that, we know that, even ur wife knows how u were so sooooorry BUT what ruled with them was pride kuya. That is the very reason they could not forgive you. Even to ur hipag it was her decision to end her life. Ed for once was for all still should be blamed, why would u not blame hm? You see he was not really man enough to be there for u for d sins u both committed. He left u on your own. At least he should have received the same treatment u had received at that time, why did he escape? And why have u supposedly decided to face them on your own, when u planned to ask him o just leave only to find out he has already escaped. Well, of course you would not want to fully just be with him after what happened. He must have been sorry as well kuya. You may have been confused now kuya to love another woman or another gay lover but please remember to NEVER leave urself behind in d process. What happened to u kuya with Ed, ur wife, was u were sooooo selfless. Afterwhat happened u became soooo weak, to drain ur self's energy. U had let guilt take over u sooo much, control u. KUYA, God is a very amazing God, if what u had with ur wife or Ed, was not good or purely concidental. Accep it and trust in Him. Everything has a reason. Really it may be indeed painful but u just have to get up, please get up and be the man that u r. PAINFUL as it may seem but u have to let go of this emotional baggage slowly and slowly. Be determined. Kuyaaaaa please. I believe u'r up for a cause that this won't happen again to any confused man, or to any seafearer's who r currently doing now what u n Ed were doing OR you could be an agent of change n a counselor or what on how to go about/do about these kinds of situations. What happened to you was traumatic but to stay in that state of its after effect n be stagnant is a choice kuya. KUYAaaaaaa please you are very lovable. Love yourself. Give yourself a second chance.

    ReplyDelete
  15. kung totoo man ito o fiction lang... ipagdadasal kita gary. minsan kasi ang hirap manisi pero ako nakakainis talaga si Ed kaso sa ginawa mo sa kanya parang nagkaroon siya ng hope dahil pinapayagan mo siya sa mga gusto niyang mangyari kaya nagkaroon na siya ng attachment sayo. kaya sa iba jan kung may minamahal na wag ng lumandi pa para walang pagsisihan sa huli. pwede lumandi kung wala kayong commitment sa isang tao.

    ReplyDelete
  16. Lahat biktima ng homosexual lust... Sana mapatawad mo ang sarili mo, Gary. Yun ang first step. Tsaka mo na iisipin ang pagpapatawad ng pamilya mo. Kasi if you have forgiven yourself, you will have peace of mind. Start from there, be a blessing to others.

    ReplyDelete
  17. Bro.! nakakapanghinayang ang mga pagkakaton. bigla lng nacra sa isang bagayo tukso. tlaga namang nakapaligid sa atin ang tukso. nasa atin na lng un kong kaya nating labanan.pero wala akong cnicc na inyong dalawa ni ed. nadala lng ksu sa emotion. sayang kc! nawala sau ang ang pamilya mo. i hope na mapatawad u sa magina u someday.

    ReplyDelete
  18. I can relate sa kwento ng author, halos the same sa sitwasyon ng buhay nya ang naging karanasan ng aking nakatatandang kapatid na lalaki. Pero nalampasan ng aking kapatid ang problema nya. Naging maaga lang ang naging desesyon ng brother ko na kausapin ang kanyang asawa ipinaliwanag ng kapatid ko sa wife nya ang kanyang naging katayuan sa lover nyang "bakla" kaya hindi sila humantong sa hiwalayan. Kinausap ng hipag ko ang "bakla" na layuan na ang brother ko at tinakot pa ng hipag ko yung "lover" na bakla ng kuya ko na kung hindi tatantanan ang kuya ko gagawa ang hipag ko ng mabigat na desesyon. Dito lumalabas na, parang na-black mail ang author...ni Ed. Sana kung naging maagap ang kanyang pag open ng problema nya sa asawa at hipag nya....naging maganda sana ang ending.

    ReplyDelete
  19. Kwentong kutsero.... ito ay kwento ng isang bi na gustong ipakita lang sa madlang reader na he is a straight man (though he knew he himself that he is a bisexual - he just pondering himself... hehehe agree ka Kuya Gary? Aminin mo sa sarili mo.). Nakakatuwa sa kwento ni Gary, sa kanya lang bumigay si Ed at maging siya rin si Ed lang ang naging "karanasan". (Nangyayari ito oo...).

    O ano ngayon kung pakasalan ni Ed yung hipag nya baka nga magpaka-straight si Ed. Tama yon.... Ang problema sayo Ate Gary eh alam mo na na bayaw mo na siya hinayaan mo pa na magyari ang di dapat mangyari. Kung talagang ayaw mo eh ang dali, pwede mo i-handle ang sitwasyon (lalo't ikaw ang Kuya) and even to manage Ed to be a good husband (sa kanyang asawa - tulungan bang igabay sila). Eh hindi eh itinuloy mo pa rin ang "kalandian" nyong dalawa... Itiginil ko na ang pagbabasa noong mahuli kamo kayo ng hipag mo. hahaha.. Ang straight na lalaki tumutulong at gumagabay to correct the situation lalong lalo na when it comes to your love ones.... Ewan ko sayo Gary... hahaha man-tsupa ka na lang diyan sa barko... hahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hmmm it seems to me that there are some traces of bitterness in your comment.. ikaw ba si Ed? yong bobang bakla? aminiiiinnnn!

      Delete
    2. papano nya namang maipapakita sa madla an straight siya eh hindi naman siya kilala ng madla? bitter ka Ate Eda!

      Delete
    3. may point ka kung bakit nga naman hinayaan ni Gary na ituloy ang balak ni Ed for the last time. Pero isipin din natin na baka na-feel ni Gary na gagawa ng hindi magandang eksena si Ed pag di nya napagbigyan kaya hinayaan nya na lang ito. Yun nga lang at sabi nga, the means does not justify the end. Nevertheless, it is not appropriate na pagbintangan si Gary na bisexual sya. In fact, maraming straight guys ang pumapatol sa gays na hanggang sa pagpapatsupa lang ng kanilang titi. bukod dun, wala na. Ibig sabihin libog lang yun at hindi nangangahulugang bakla na rin sila. palawakin ang ating pag-iisip pag may time.

      Delete
    4. Oo nga naman bakit pa niya itinuloy ni Ed (kaya sila nahuli, though according to him, mabait si Ed at hindi obvious na bakla, discreet - ayaw magpakabakla at sa kanya lang bumigay (according to Gary)). Parang fiction lang ito, partly may totoo at partly may kathang isip lang (dramatized kumbaga). Kung talagang totoo at nag-iingat sila bakit noong pagbigyan niya si Ed doon sa bahay nya, hindi man lamang isinecured na sarado ang pinto... kalokohan, fiction, kathang isip, dramatized, sensationalizing some other portion hence making untrue...

      Delete
    5. just a thought, kung straight si gary, why is he on this site in the first place..

      Delete
    6. sensya po maka comments man lang, kawawa ka brad gary, naranasan ko rin po yan, noong college pa ako at nangngailangan nang pera para sa tuistion fee at sa ibang gimmik, hindi naiwasang pumatol sa bakla, pera pera lang po labanan, kaso ang ibang bakla subrang makapagseryoso, lahat gagawin masira lang buhay mo after mo sila napagbigyan, hindi sila minsan nakakaunawa, sarili lang inisip at hindi nagpaparaya na alam naman nila na may limistasyon lang .Pero karamihan kasi sa mga bakla gusto naka centro na sa kanila ang pagtingin nang lalaki sa kanila na kahit alam naman na kaya lang sila pinagbigyan nang dahil sa pera. Nagpapasalamat kami sa mga bakla kasi nakakatulong sila sa oras nang pangangailangan namin lalot about sa pera , pero masyado sila selfish lalot inlove na inlove sila sa lalaki. magparaya naman kayo minsan at umunawa , lalot alam ninyong may relasyong masisisira tulad nang kay gary, Thanks,

      Delete
  20. Grabe ka naman bro.kong magcomment. Ikaw ba sa buhay mo ay d nagkamali? instead thatu have to express. the positive words, mas lalo u pinahiya c gary. gary! Dont forget tto ask a forgiveness to Lord Jesus and pray . only God can help ur problem.

    ReplyDelete
  21. I feel so sorry for what happen. It breaks my heart. I could even feel the pain deep down in you heart :'(


    Pero hindi ko pa rin maintindihan yung mga taong nagkakamali, you do have a choice kahit tuksong tukso ka na. You can say no! Bakit nila hinahayaang magkamali sila. Kapag dumating ang tagpo na nagkabukingan, sising sis, magmamakaawa, lahat gagawin para lang mapatawad, ang tanong ko lang, Bakit mo hinayaan ang sarili mong magkamali Lalo na't mahal mo Pala yung masasaktan :(

    ReplyDelete
  22. kuya Gary this is not about the issue of religion but I just want to share about the idea of islam when it comes of loving our parents. " “Thy Lord hath decreed that ye worship none but
    Him, and that ye be kind to parents. Whether one
    or both of them attain old age in thy life, say not
    to them a word of contempt, nor repel them, but
    address them in terms of honour. And, out of
    kindness, lower to them the wing of humility, and
    say: “My Lord! bestow on them thy Mercy even
    as they cherished me in childhood.”” (Surah Al
    Isra’ 17:23-24)"

    Abu Hurairah (May Allah be pleased with him)
    reported: Messenger of Allah (PBUH) said, “No
    son can repay (the kindness shown by his father)
    unless he finds him a slave and buys him and
    emancipates him”. [Muslim]
    there were so many preaching on islam on loving our parents as well as also on Christianity belief. in islam kahit paka inin pa natin cla sa ating dalawang palad hinde natin matutumbasan kung bakit tyo nasa mundo ngayon. kung ngkasala man ang iyong tatay sana napatawad mo na sya o humingi man lang katapawaran bgo sya pumanaw.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I forgot kuya Gary. Kung ang diyos ay nakakapagpatawad tayo pa kaya?.Sana mapatwad Mona tatay mo baka yan ang dahilan ng lahat. Our lord will disgraced us if we disgraced our parents. who knows that is the key to your inner tranquility and the cause of forgiveness from your wife

      Delete
  23. Super ganda ng kwento,tiningnan ko ulit ang haba pala ng story.Medjo nka relate ako kasi as gay and sumasakay din sa barko merong times na naiinlove kana sa kasamahan mo kasi pag sa barko kayo lang palagi magkatraho mag kikita sa araw-araw at wla pang paglibangan kaya maghanap ka ng tao na pwedi mong mapagkatiwalaan at pwedi mong pag sheran ng mga problima mo. But I am too scared to tell them that i like them even lasing ako, i tell them that im gay vokal ako sa kanila but too fall inlove with them too seriously I know naman may mga pamilya sila almost they are committed so I just make friends with them na mawala din pagkabagot ko sa barko and they like me being who Iam.Thank you sir gary for sharing your story I know in time everything will be ok :)

    ReplyDelete
  24. Nakakainis si edang

    ReplyDelete
  25. Tnx for the author kuya Gary for writing this. Na warn Ako ng story mo..

    ReplyDelete
  26. Don't lose hope...just jeep on praying.
    Darating ang panahon.makakasama mo muli ang family mo...tiis at tatag pa.

    ReplyDelete
  27. Kasalanan ng mga bakla yan na katulad ko pahamak..............

    ReplyDelete
  28. npa iyak tlga ako sa storya mo sir garry,... :'(

    ReplyDelete
  29. ito ang klasing storya na kahit mhba pro tinapos ko tlga..sana pindla nlng ito sa MMK pra mkta at mlmn na nsasaktan ka sa nangyari and hoping pa din na ptwrin ka ng iyung asawa..

    ReplyDelete
  30. Grabe kuya gary ang bigat ng story mu....parang pang MMK ang kwento....huwag kang mag alala God is good d ka Nya pababayaan....be strong at manalig ka lng....mapapatawad ka dn ng asawa mu in the right time....wag kang susuko kaya mu yan.....

    ReplyDelete
  31. Mr. Gary,

    Sa aking pagkakabasa ng iyong kuwento,,, naantig ang puso ko at nakapulot ng aral. ang masasabi ko lang: "lahat ng tao ay may tinatawag pa ring "CARNAL SIN". kaya wala kang dapat sisihin sa nangyari dahil lahat ay may purpose.. may kanya kanya tayong dahilan bakit nangyayari ito. Wala ni kahit isang malinis sa paningin ng Diyos, lahat ay makasalanan. Kung ilalapit mo ito at ihihingi ng tawad sa Panginoon at maniniwala ka sa Kanya... ikay patatawarin nya. Ipagpasa Dios mo na lang ang lahat at magpatuloy kang mangarap at magmahal. Time heals wound...kaya darating din ang araw na muli mong makakapiling ang asawa mo pero sana available pa sya. in the meantime, pwede mo pa din ipagpatuloy ang suporta mo sa anak mo... bisitahin mo or gumamit ka ng tao para maiparating ang tulong mo at sa tamang panahon naman magkakapatawaran din kayo ng asawa mo. Ituon mo ang pagmamahal mo sa sarili mo at sa mga mahal mo sa buhay.. nawalan ka man ng asawa pero magulang at kapatid meron pa din naman. At hanga ako sa iyo dahil malakas ka pa din.... hindi gaya ng hipag mo na nagpakamatay at si Ed na di ka man lang nya tinulungan sa iyong problema at di na nagpakita pa.

    Mag iingat ka at lumapit ka sa Diyos para mas lalo mong matatagpuan ang tunay na kasiyahan.. hindi nabubulok... hindi nawawala pagkat itoy pang habang buhay... God bless you Gary. if you want me to talk more about God .. just add my skype... Marvin Gambon. :)

    ReplyDelete
  32. All I can say about the story is: "Two Thumbs Up!" It was nicely told (very detailed) and I have to admit that you almost got me into tears Kuya Gary. Some may doubt if this story is true or not, but putting myself into your shoes, definitely, I really don't know what to do also, or maybe, I would end up killing myself too. I know it's way too hard to be in your situation but one thing is for sure, you're really NOT a Gay kuya, 'coz the feeling is NOT Mutual, you're just an open-minded guy who accepted Ed as the way he is and you know how it feels like to live without a Father and a Brother, and I think that makes sense, it's just EMPATHY. And considering how your Hipag freaked out the moment she saw you, having sex with Ed is way too far from the reality. Maybe she thinks that you're both gay 'coz you're doing it with the same sex. But if I were to rely on your descriptions towards Ed, I can't blame youre Hipag 'coz I would not doubt his real sexuality too. Besides, Ed had pretended so well that she find him very gentleman and respectful, not knowing his real motives, if I am going too far, well it's just my hypothesis then! Besides, you find it more pleasurable and very satisfying everytime you're having sex with Ed, right? 'Coz there are some things that only (Gay,Bisexual) could give to a MAN and NO WOMEN can provide it.Given that SEX is really pleasurable, we should also consider it's consequences. Like what happen to you Kuya,(sorry if I may sound like I am blaming someone), I see that you were drag into this situation and you just can't shake it. Things happen so fast and it's too late for you to realize that you're losing control. Please don't blame yourself 'coz we all do our own mistakes, what's more important is we learn something out of it! In fact, I'm willing to know you more. I understand your situation 'coz I've been to it a lot of time. I'm not married and I'm only in my early 20's but I know just how you feel. If you need someone to listen and to talk too, I'm always here for you Gary :)

    -urangel03

    ReplyDelete
  33. Sobrang saklap. Hope mapatawad Ka pa sir Gary. Ang husay ng kwento yet nakakapanglumo. Good Luck Sir.

    ReplyDelete
  34. Ask ko lng po kung anong mga seminars or course pa ang aaralin pra mgung medic...or sang agency po yan...tnx

    ReplyDelete
  35. Sir Gary your story is really amazing . hope you give us readers updates about what will happen. . . . may God bless u ....

    ReplyDelete
  36. Grabe ang bigat ng story.. God will help you to heal those wounds.. Have faith in Him..

    ReplyDelete
  37. Hi Gary, your story touched my heart deeply. To all who drop their comments and advices mabuhay kayo kabayan. Napakasakit pare Ng naging dulot sayo although you are trying to avoid all those circumstances. Your story made me think about myself. It really reflects all my previous relationships na tulad Ng sayo but I will put myself in the character as ed. May damdaming kakaiba Sa mga mas may edad at may asawa. But Hindi ko gusto ginawa nya sayo ang iwanan ka Sa ere. Naging masyado syang duwag na ipaglaban o ipaliwanag na malaki ang naging part nya Sa nangyari. Tao ako na may damdaming tulad nya pero iba ginawa nya. Kung talagang may bahagi ka Sa puso nya sana'y nasabi man Lang nya na sya ang naging dahilan Ng lahat at biktima ka lng Ng tukso at kahinaan. Totoo itong nangyayari at nangyari Sa akin na magmahal Sa kapwa lalaki na may magandang pamilya. Tanging sakit Sa puso, luha at pagpaparaya ang aking nagawa. Dahil alam ko na nanghiram Lang ako Ng kaunting ligaya. At nagpapasalamat ako Sa kanila dahil Sa kabila Ng aking abnormal na pagkatao ako ay napagbigyan, iginalang, nagturo Ng tamang landas at matutong paglabanan at hwag paalipin Sa tawag Ng laman.
    Dalangin ko na sanay maging maayos at maibalik ang iyong nasirang pagsasama ng pamilya. Tao ka lamang tayo pare na nagkakamali. Magpakatatag ka, gawin mong determinasyon ang mabuo uli ang iyong pamilya. Ituwid at maging aral ang nagawang pagkakamali.
    God bless you pare. Ofw pala ako at Uuwi ako Sa Pinas this coming Dec. Kung gusto mo Ng brotherly talk we can meet and drop me a line Sa roaming no 00639186715811. Thanks

    ReplyDelete
  38. Sensya po, totoo pong nangyayari ang ganito, madalas pa minsan, kasi po may mga bakla na hindi marunong magparaya at umunawa at nakakaunawa. pagdating sa pag ibig bulag po tayo sa katutuhanan ke ano kapa, Pero sana man lang ung mga bakla na hindi marunong magparaya ay mag isip isip minsan lalot ung minamahal nilang tao or lalaki ay pamilyado, una po kasi makaksira nang isang relasyon or pamilya tulad nang kay Gary. ..ganito po kasi yan, naranasan kuna po yan noong college ako, may GF ako, matagal na kami, tapus hindi ko naiwasan na pumatol sa bakla nanag dahil lang sa pera, gipit kasi talaga minsan lalot madaming projects at lalot sa pangbayad nang tuition fee, pero ang masakit matapus mong napagbigyan or pumatol sa bakla dahil kapalit ang pera ay siniseryoso na po nila, gusto na agad relasyon , hindi naman pweyde, alam naman nang bakla na kapalit pera lang kaya pinatulan siya. Pero akala ko ung araw na un tapus , okay naman po ang usapan pera pera nga lang po kapalit ang katawan dahil nga sa pangbayad sa tuition fee at kunting pang allowances, Pero laking gulat ko na nakabalita na sa mga barkada na may relasyon daw kami doon sa baklang pinatulan ko, pinagkalat kalat po kasi , kaya ang nangyari nagkahiwalayn kami nang gf ko, iniwan ako,, totoo po ung hindi masisis ang bakla kasi nga may dahilan , pero sana man lang po marunong din silang umunawa kung ano ang limitasyon nila, at hindi lahat gagawin ang paninira magawa lang ang nais nila, ( ito lang po ay para doon sa baklang hindi nakakaunawa, may ibang bakla namang mababait marami, malas malas nga lang sa pagkakilala sa mga bakla lalot makasrili),hayun wala na po kami nang Gf ko, ,,pero ngayon may asawa na po ako at anak, Kuwento ko lang ito na mahirap talaga makipagrelasyon or pumatol sa baklang makasarili, Thanks

    ReplyDelete