Pages

Monday, June 4, 2012

Hospital Diaries (Part 9)

By: Piero

Nagising kami ng medyo malapit na magtanghali, namili kami ng mga ipapasalubong namin. Na-touched ako kasi binilhan nya ng pasalubong ang buong barkada at may binigay din sya sa akin. Doon ko lang nalaman na thoughtful pala sya. Kinagabihan ay umalis na kami ng Singapore at back to reality na ulit.

Pagdating namin sa NAIA ay sinundo kami ni Gerald, hindi na ako nagpasundo kay Bjorn kasi pang umaga pala sya sa ospital at mabibitin lang sya sa tulog. Pagdating sa amin ay pinababa ko muna sila para makakain pero tumanggi sila at next time na lang daw.

Tinext ko agad si Bjorn na nasa bahay na ako. Paggising ko ay binasa ko ang reply nya
"Akala ko pa naman ako ang susundo sayo" Alam ko na nagtatampo sya kasi hindi ako nagpasundo sa kanya kaya pinuntahan ko sya nung umaga. Dala ko ang pasalubong sa kanya at nagkwentuhan kami. Napansin nya ang suot kong kwintas.
"Ang ganda nyan ah? Silver ba yan?"
"hindi, platinum"
"Magkano bili mo?"
"Actually bigay lang sa akin ni Daniel"
"Ah ok"
Pagkasabi ko nun ay bigla syang tumahimik. Pero naging makulit ako sa kanya kasi parang nagseselos sya. Maya maya pa ay dumating na si Gerald, pinatawagan ko sya kay Bjorn na pumunta para sya na lang ang magdala ng mga pasalubong sa mga kasamahan namin.

Nanonood kami ng tv nun, dahil sa mahilig ang dalawa sa basketball ay yun ang pinapanood nila, nang magcommercial ay nilipat ko sa ibang channel at napadpad yun sa isang travel show. Gandang ganda ako sa Santorini at sinabi ko na pag nag 21 years old na ako ay pupunta ako dun.
"Kasama ba ako" sabi ni Bjorn na sinagot ko na lang ng tawa. Alam ko na hindi nila sineryoso yun pero sa sarili ko gagawin ko talaga yun.

Nung makaalis na si Gerald ay naging mapusok si Bjorn, humahawak sya sa bewang ko pero tinatanggal ko yun. Nung halikan nya ako sa leeg ay tumanggi ako at nagpaalam na aalis na. Nag sorry sya sa akin at hindi na daw nya uulitin. Dati gustong gusto ko yun pero ngayon parang naiinis na ako pag ginagawa nya sa akin yun.

Naging back to normal ulit ang buhay ko sa ospital. Pagbalik ko ay kinausap kami ni Doc Cruz at natutuwa daw sya kasi maganda daw ang feedback sa amin. Pumirma na din ako ng kontrata na dagdag isang taon dahil na din sa impluwensya ng mga malalapit kong kaibigan na pumirma na din ng kontrata. Ganun na din sina Gerald at Bjorn at halos wala na din umalis sa batch namin.

Habang lumilipas ang panahon ay parang nakakalimutan ko na si Bjorn, alam ko na mali yun pero dahil na din siguro sa tapos na kami ay napalitan na din sya ni Daniel, madalas kaming nagkikita ni Daniel sa ospital at minsan sabay kami sa pag uwi kung pareho kami ng shift. Simula noon ay hindi na ako pinapansin ni Bjorn, dahil nagalit na siguro sya sa akin sa pagbabalewala ko sa kanya.

Isang araw pumasok ako sa ospital, may bagyo nun pero signal number 1 pa lang, hindi ko alam na lalala pa ito at lumakas nga ang bagyo. Ayoko naman matulog sa ospital at nagpumilit na umuwi. Wala akong masakyan papalabas nun nang may humintong sasakyan sa harap ko. Bumaba ang salamin nito at si Daniel pala yun.
"Tara, sakay na"
Dahil sa walang masakyan ay sumakay na din ako. Pagdating sa highway
bahang baha ito at wala nang dumadaan bukod sa mga 10 wheeler na
truck.
"Pano yan hindi madadaanan papunta sa inyo"
"Sige Daniel baba na lang ako makikisakay na lang ako sa truck ayun o tutal nagpapasakay naman sila"
"Ayoko, sa bahay ka na lang matulog" At hindi pa nya hinihingi ang sagot ko ay lumiko na kami sa isang kalsada. Mataas ang lugar nila Daniel kaya hindi sila binabaha. Pagdating namin sa tapat nila ay namangha ako sa ganda nito. Malaki ang bahay nila. Pumasok na kami at napansin ko na puro kasambahay at iilang security guard lang ang kasama nya sa bahay.
"Tara sa taas para makapagpalit ka" ang aya nya sa akin. Maganda ang kwarto nya at malaki ito, binigyan nya ako ng pamalit at naligo na, hindi ko pala nailapat ang pinto mabuti kaya nung naghubad ako ay nakita nya ang buong likod ko, habang naliligo, nung lalabas na ako ay nakita ko syang nakatingin pero hindi ko ito pinansin. Nagpalit na ako ng damit at nanood na kami ng tv. Sobrang lakas ng ulan at hangin nung mga panahong yun.

Tinawagan ko ang mga kapatid ko at sinabing sa bahay ng katrabaho ko ako matutulog, buti na lang off ako bukas at hindi ko poproblemahin ang uniform na isusuot ko.

Nang matapos na sya maligo ay tumabi na sya sa akin. Medyo nalilibugan ako nun kasi naka boxers lang sya nun. Nagpapakiramdan lang kami nun at walang kumikibo. Mamaya pa ay bigla nyang hinawakan ang kamay ko at bigla nya itong hinalikan.
"Alam mo Pier, hindi ako pumapatol sa kapwa lalaki, pero para sayo
willing ako maging bisexual" Nagulat at kinabahan ako sa sinabi nya, halatang seryoso sya nung mga oras na yun.
"Mahal na yata kita Pier" at bigla nya akong hinalikan sa labi, naging intimate ang halikan namin ni Daniel na umabot ng ilang minuto pero hindi ito natuloy sa sex.
"Gusto ko mag-sex tayo pag sinagot mo na ako, gusto muna kitang ligawan Pier, eh kung yun ay papayag ka"
"Hindi kita pahihirapan Daniel" at hinalikan nya ulit ako. Pagkatapos nun ay nakayakap na sya sa akin para kaming mag-asawa na nasa kama habang umuulan sa labas. Pakiramdam ko ay first time ko ulit mainlove.

Lumipas ang gabi at nakatulog na ako habang yakap ni Daniel, tumatawag si Bjorn nun at naka ilang missed calls na pala sya. Tinatanong nya ako kung saan daw ako nun, tinext ko na lang na kina Daniel ako nakitulog. Nagreply sya "talaga bang wala na ko sa buhay mo? At laging si Daniel ang kasama mo? Kayo na ba?" Hindi ko na lang nireplyan si Bjorn dahil sa away din naman ang kauuwian nun. Nag off na lang ako ng phone at nagpatuloy sa pagtulog.

Kinabukasan ay nagising kami ni Daniel, hinalikan nya ako sa pisngi. Sabay kami nagbreakfast. Dahil sa humina na ang bagyo ay nagpasya na ako umuwi. Hinatid nya ako sa bahay namin at nakilala nya ang kuya ko at ang mga kapatid ko. Magkakilala na pala sila ng kuya ko kasi schoolmates sila nung high school, what a small world talaga. Napatagal ang pagstay ni Daniel sa amin kasi nagkwentuhan pa sila ng kuya ko. Dun na din sya naglunch sa amin at ramdam ko naman na welcome sya sa mga kapatid ko.

Maya maya pa ay biglang dumating si Bjorn sa bahay, dahil kilala sya sa amin ay pinapasok na sya ng mga kasambahay namin. Alam nya na andun na ako kasi tinext pala sya ni Daniel na iuuwi na nya ako.

Naging awkward bigla ang atmosphere. Parang nag aangasan sila Daniel at Bjorn sa hindi ko din maintindihan kung bakit parang mainit ang dugo ni Bjorn kay Daniel. Naisip ko na baka lang nagseselos sya dito.
"Tara basketball na lang tayo" ang paanyaya ni Bjorn kay Daniel.
"Wag na Bjorn, basa ang court at baka kung mapano pa kayo tsaka isa pa
wala namang dalang jersey at basketball shoes si Daniel" ang sagot ko
kay Bjorn.
"Tara game, may dala akong jersey at sapatos nasa compartment" at lumabas si Daniel para kunin ang mga gamit nya. Nang matapos sila magpalit ay naglaro na sila pati ang mga kapatid ko. 2 on 2 ang laro nila at ang kuya ko ang referee at taga nood lang ako. Basa pa ang court dahil sa kakaulan pero nung panahong yun wala nang ulan pero medyo makulimlim pa din.

Habang naglalaro sila napansin ko na nagiging pisikalan na ang laro sa pagitan nila Daniel at Bjorn hanggang umabot sila sa punto na nagkapikunan na sila.
"Ano bang problema mo pre kanina ka pa ah?" ang reklamo ni Daniel kay Bjorn
"Tangina kaw nga tong namimisikal eh" at lumalapit na si Bjorn kay Daniel at naghahamon na ito ng suntukan, bigla akong pumagitna pati na din ang mga kapatid ko. Hindi ko alam ang uunahin ko sa kanilang dalawa pero dahil sa mas matimbang sa akin si Daniel ay sa kanya ako lumapit na ikinapikon lalo ni Bjorn at umalis na sya na galit nagalit.

Pagkatapos nun ay umalis na din si Daniel at nagsorry sya sa akin atsa mga kapatid ko.
"Wala yun, kalimutan mo na yun" sabi ko sa kanya habang hinahatid ko sya sa kotse nya.

Kinabukasan, magka duty kami ni Bjorn. Masama ang tingin nya sa akin at napansin ko na mugto ang mata nya. Nilapitan nya ako nung malapit nang mag uwian na kung pwede daw ba kaming mag-usap pumayag ako para matapos na din ang kung anong meron sa amin. Dinala nya ako sa tagong parte sa circle. Halos madaling araw na yun kaya konti na lang din ang tao. Nang makarating kami dun ay naupo na kami sa bench
"Mahal mo pa ba ako?"
"Kung tinatanong mo ako kung mahal pa kita bilang boyfriend ay hindi na, pero mahal kita bilang kaibigan hindi na magbabago yun" at nakita kong umiyak si Bjorn. Naguilty ako kasi naawa ako sa kanya nung umiyak sya pero kailangang maging honest ako sa kanya.
"Pier, kaw kasi mahal na mahal pa din kita, nagkamali ako nung iniwan kita kahit ganun ang ginawa ko sayo ay puro pagmamahal pa din ang pinakita mo sa akin, mga pagsasakripisyo mo na walang ibang nakagawa sa akin kundi ikaw lang" at tuloy pa din sa pagbuhos ang luha ni Bjorn.
"Pero gusto ko din na maging masaya ka kahit na hindi na ako yung kasama mo, pero sana wag mo kalimutan yung pinagsamahan natin Pier, kung may pagkakataon lang sana na patunayan ko ulit sayo ang sarili ko pero alam kong huli na ang lahat"
"Bjorn, hindi naman mawawala ang pagmamahal ko sayo, tandaan mo kaw ang first love ko"
"And I'll never die in your heart?" ang pabiro nyang tugon na
ikinangiti naming pareho. Pinunasan ko ang luha nya at sinabi nyang
"wala nang gagawa sakin nyan, ikaw lang"
"Bjorn, madami mas higit sa akin, meron pa din tao na mas mamahalin ka, mas magpapahalaga sayo, kaya hindi mo pa naiisip yun kasi sa akin lang umiikot ang mundo mo, subukan mong lumabas, malay mo yung taong para sayo talaga ay nandyan lang, hindi mo lang napapansin"
"Salamat Pi, kahit masakit sa akin ay pinapalaya na kita" At nagyakapan kami
"Pero may isa pa akong request mapagbibigyan mo ba ako?"
"Basta kaya ko bakit hindi"
"Pwede bang maging gf kita ngayong gabi at sa huling pagkakataon?"
Medyo nag-alangan ako at tumango na lang. Umalis kami at nagfood trip kami along Sampaloc, naalala ko nung kami pa dati ay lagi namin yun ginagawa. Bumalik ang alaala ko nung kami pa, sa pagkakataong iyon narealize ko na napakaganda ng kung anong meron kami dati. Pero sabi nga nila "All good things must come to an end" at itinuturing ko na best ang dati namin. Puro tawanan kami ni Bjorn nung gabing yun at sinariwa ang dati naming mga ginagawa na kalokohan. Natapos na ang paggala namin at inihatid na nya ako sa amin.
"Ikaw lang Pier, ikaw lang" sabay halik sa pisngi ko at nagyakapan kami sa loob ng sasakyan nya.

Habang paalis na sya bigla akong nalungkot kasi alam ko hindi na ulit ako maihahatid sa bahay ni Bjorn at hindi na din namin magagawa ang food tripping. Dahil sa magkaibang tao sina Bjorn at Daniel, hindi ko alam kung masasakyan ni Daniel ang mga gusto ko.

Lumipas ang mga linggo at lalo kaming mas naging attached ni Daniel. Si Bjorn naman daw ay may dinedate na mga babae pero wala daw sineseryoso iyon ang naging balita ko sa isa naming kaibigan. Bihira na din kaming magkita ni Bjorn sa ospital, sa malamang ay nagpapalit sya ng schedule opposite ng sa akin dahil siguro gusto na din nyang mag-move on.

Nung isang araw ay napansin ko na balisa si Daniel
"May problema ka ba?"
"Wala to ok lang ako" Pero dahil sa kakakulit ko sa kanya ay napaamin ko din sya.
"Uuwi dito ang ex girlfriend ko at gustong makipagbalikan sa akin, pero ikaw na ang gusto ko ngayon Pier" Hindi ako nakapagsalita agad kasi nakita ko na parang hindi totoo ang sinasabi nya parang mahal pa nya ang ex nya na nahalata ko agad.
"Ano naman kung uuwi eh ex mo lang naman yun tsaka hindi mo naman na
mahal diba?"
Sa pagkakataong iyon hindi na sya nakapagsalita at napansin ko na may suot sya na singsing at nasa ring finger nya iyon. Kahit na nanliligaw pa lang sya sa akin ay nakaramdam ako ng selos pero hindi ko ito pinahalata.
"Anu yan?" Tinuro ko ang singsing na suot nya at yumuko na sya at tumulo na ang luha nya.

Itutuloy.

4 comments:

  1. Teh haba ng hair u ah nyahahaha more!!

    ReplyDelete
  2. grabe naiiyak ako dto, i dont know pero naawa ako ke bjorn.

    ReplyDelete
  3. kasalanan din naman n bjorn e..

    ReplyDelete
  4. kamusta naman ang hair mo teh ipatrim mo na ! sayad na sayad sa fLoor . hahaha .

    ReplyDelete

Read More Like This