Pages

Saturday, June 2, 2012

Hospital Diaries (Part 8)

By: Piero

Nagising ako sa alarm ng aking cellphone. Bumangon na ako at nagising na din si Bjorn. Inunahan nya ako sa pagluto ng breakfast ni Bjorn kasi dati madalas ako ang nagluluto. Natuwa ako kasi natuto na magluto si Bjorn, dati kasi bumibili lang sya ng lutong pagkain dahil mag isa lang sya sa unit nya at tamad sya magluto, pero ngayon marunong na sya at proud ako dun.

Nang matapos kami magbreakfast ay nag ayos na ako at nilabas nya ang maleta na dadalhin ko. Nang ayos na ang lahat ay umalis na kami. Nang makarating kami ng airport nagpaalam na ako kay Bjorn.
"Sige na dito na lang ako, be a good boy" sabay ngiti.
"Wag kang magpapadala sa Daniel na yun ah?" ang tila paalala ni Bjorn sa akin. Pinaalis ko na sya at baka matrapik pa sya pabalik ng unit nya.
"Itetext na lang kita pag boarding na" at kumaway ako sa kanya. Excited ako at malungkot nung mga sandaling iyon. Excited kasi first time kong makapunta ng Singapore at malungkot kasi hindi ko kasama papunta dun ang mga barkada ko. Nag expect ako na magiging boring ang isang linggo ko dun.
"bahala na" nasabi ko sa isip ko habang nasa pila.

Pagkatapos ko mag-check in at magbayad ng terminal fee ay tinext ko na si Doc Daniel kung nasaan na sya. Talagang matipid sya magtext o tamad lang siguro pumindot ng keypad

"entrance" ang reply nya sa text ko. Maya maya pa ay may papalapit sa akin na lalaki, hindi ko pinansin kasi sa unang tingin mukha syang teenager. Nagfocus na lang ako sa binabasa kong libro. Nahalata ko na papalapit na ng papalapit sa akin ang binata at si Doc Daniel pala yun, nagpakalbo kaya lalong nagmukhang bata at lalong lumitaw ang kanyang kagwapuhan. Lalaking lalaki si Doc Daniel sa bago nyang itsura, hindi ko maiwasan na mamangha nanaman sa kagwapuhan nya.
"Kanina ka pa?" tanong nya sa akin habang papaupo sa tabi ko.
"Medyo lang, mga 35 minutes siguro" tinago ko ang librong hawak ko, pinag-check in ko na sya at pinagbayad ng fee, pagkatapos nun ay naupo sya sa tabi ko. Pinilit kong makipagkwentuhan sa kanya ngunit wala akong alam na topic na gusto nyang pag usapan kaya tinanong ko na lang sya sa magiging set up namin sa hotel tutal interesado sya sa trip namin sa Singapore, inalam nya lahat ng detalye.
"Doc Daniel, ano ba yung room natin sa hotel? Tig isang single room o share sa isang kwarto?"
"Share sa isang kwarto, may dalawang kama, mukhang ok naman kasi tinignan ko sa internet kagabi maluwag naman"
"Ah ganun. Ayos naman pala kung ganun" sa totoo lang alam ko na maiilang ako sa kanya pag nasa kwarto na kami pero hindi ko muna pinagtuunan ng pansin yun. Mas gusto kong mapalapit sa akin si Doc Daniel, sa di ko maintindihang dahilan kung bakit nakakaisip ako ng mga bagay bagay na ikakaakit nya, eh kung yun ay maakit sya sa akin.
"At Piero, kung ok lang pag wala na tayo sa ospital wag mo na ko tawaging Doc Daniel, Daniel na lang, nakakatanda kasi pag may Doc pa na kasama" napangiti na lang ako sa sinabi nya
"Ako naman Pier na lang o Pi wag mo na buuin para di hassle kasi 2 syllables pa yun" at sa wakas napatawa ko din sya.

Nang magboarding na tinext ko ang mga barkada ko pati si Bjorn. Nagreply naman sila at pasalubong daw. Sinet ko na sa roaming mode ang phone ko.

Magkatabi kami ni Daniel sa plane. Gusto ko pa sana syang makakwentuhan kaya lang matutulog lang daw sya muna. To think na hindi naman ganun katagal ang byahe namin gusto ko man sya payuhan na baka mabitin lang sya ay hindi na ko nakialam. Habang nasa ere na kami nag isip ako ng paraan kung paano makukuha ang loob ni Daniel, task ko yun at sana pagbalik namin ay mas maging close kami ng bago kong crush. Mangyari lang yun ay solve na ko.

At nakarating na kami ng Singapore. Namangha ako kasi napakaganda ng bansa nila at napakalinis dun. Sinundo kami ng shuttle ng hotel. Pagdating sa hotel ay nakilala namin ang ibang representatives na galing sa ibang bansa. Konti pa lang kami dun at maaga kaming nakarating kasi hindi naman ganun kalayo ang Pilipinas sa Singapore. Hinatid kami ng staff sa aming kwarto. Ang ganda ng napuntang kwarto sa amin kasi halos tanaw mo na ang buong Sentosa. Muli kong kinausap si Daniel para malaman ang mga gusto nyang mangyari.
"Daniel, mahilig ka ba gumala? Kasi hanggang 3pm lang ang seminar natin sa buong 7 days at may oras pa tayo gumala eh yun ay kung gusto mo"
"Oo naman basta wag lang tayo masyadong magpagabi ayokong mapuyat" at nilabas na nya ang mga gamit nya. Napansin ko na karamihan ng dala nya ay puro boxers pero hindi na ko nag usisa pa kasi personal na yun.
"maliligo lang ako" ang paalam nya sa akin. Maya maya pa ay lumabas na sya na naka boxers lang, napansin nya na napatitig ako sa kanya. Dahil sa hilig ni Daniel sa pagbabasketball maganda din ang katawan nya, tamang tama lang ang chest nya, may abs sya pero hindi pa masyadong defined. Sa busy nyang schedule nakukuha pa nya na mag gym at maging fit.

Dahil na din siguro naninibago pa ay hindi sya agad nakatulog. Napansin ko yun kasi hindi sya mapakali sa kama. Hindi na din sya kumain nung gabing yun kasi gusto na daw nyang matulog. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pakikipagchat, dahil libre naman ang wifi at mabilis ito. Nang hindi na talaga sya makakuha ng tulog ay kinausap na nya ako.
"Kachat mo ba si Gerald?"
"Hindi eh, mommy ko kachat ko"
"Ah. Pwede bang magtanong? Sana wag ka ma-offend" mukhang alam ko na
ang itatanong nya
"basta hindi below the belt ang tanong mo ayos lang"
"Bakla ka ba?" At nagulat ako sa tanong nya, napatigil ako sa pagchat
at tila napaisip ako ng isasagot.
"Daniel gusto ko maging tapat sayo yung tipong walang tinatago, bisexual ako, alam ko na magugulat ka at baka ipagkalat mo sa ospital pero nasa sayo na yun. At baka mailang ka din ngayon lalo na nalaman mo na bi ako pwede naman siguro mag single room na lang tayo basta sabihin mo lang ayos lang sa akin yun" nagmukhang defensive ang sagot ko sa kanya. Yung tanong nya na ang sagot lang ay oo o hindi ay napahaba ko.
"Ok lang sa akin yun Pier wala naman akong issue sa mga katulad mo, tsaka matagal ko na napansin yun nung una tayong magkita sa ospital at nung mag inuman tayo napapansin ko na tumititig ka sa akin, pero ayos lang yun kasi hindi ka naman halata at hindi naman kita masisi kasi gwapo naman talaga ako eh" imbis na mainis ako ay natawa pa ako sa sinabi nya.
"kung may mga pagkakataon na naiilang ka sabihin mo lang para maging maayos ang pagstay natin dito"
"Sabi ko sayo Pier, wala akong problema sa mga katulad mo, ayos lang yan wag mo masyadong dibdibin" gumaan ang pakiramdam ko ng mga oras na yun at first step na din yun para maging mas close kami.

Nagpatuloy pa ang pag uusisa ni Daniel sa akin, hindi din nakaligtas sa kanyang paningin ang pagiging close namin ni Bjorn, kahit bihira lang nya kaming makitang dalawa ay nagtaka din ako kasi paano pa nya nalalaman yung mga ganung bagay eh hindi naman kami nagkikita araw araw.
"Boyfriend mo ba si Bjorn?"
"Wala akong boyfriend tsaka uso pa ba yun?" ang pabirong sagot ko sa kanya.
"Tsaka Daniel kahit ganito ako hindi naman kailangan may boyfriend agad"
"Ah ok" at medyo ngumisi sya na parang nang aasar.
Dahil naka-quota na sya ng pagtatanong sa akin ay ako naman ang nagtanong.
"Daniel, may girlfriend ka?"
"Wala, pero may dine-date ako"
"Ah, naku dun na din papunta yun, Doktor din ba sya?"
"Hindi, dentist"
"Ah ayos yan!"
"Pero i don't think na magiging kami, although mabait naman sya pero
wala sa kanya yung hinahanap ko eh"
"Anu ba yung hinahanap mo sa babae?"
"Basta"
"Ang killjoy mo naman"
"Basta, body part yun at wag mo na alamin akin na lang yun" Napansin ko na may pagkamalibog din pala si Daniel, likas na din siguro yun sa kanya kasi lalaki sya.

Naging masarap ang kwentuhan namin ni Daniel, kulang na lang beer at parang nag iinuman lang kami. Hindi ko inakala na aabot kami sa ganitong punto, ang dating kaaway ko na doktor heto kasama ko sa kwarto at masayang nakikipagkwentuhan. At that point alam ko may feelings na ako sa kanya pero paghanga lang siguro yun. Bihira lang kasi yung ganung tao na halos nasa kanya na lahat, pero alam ko may kulang pa din sa buhay ni Daniel kasi sa buhay hindi naman binibigay ang lahat. Mas naging open si Daniel sa pagkwento, nalaman ko na hindi daw talaga nya gusto ang pagdodoktor, dahil sa yun ang gusto ng magulang nya para sa kanya sinunod na lang daw nya iyon. Nag iisang anak si Daniel at mayaman ang pamilya nya dahil na din sa mga gas station na pag aari nila.
"Daniel bakit nagtatrabaho ka pa kung pwede ka naman na magmanage na
lang ng business nyo?"
"Iba pa din kasi kapag alam mo na pinaghirapan mo yung perang ginagastos mo at hindi mo yun hiningi sa magulang mo, tsaka wala din naman akong hilig sa negosyo, mas ok na ko sa trabaho ko ngayon, nagtotroubleshoot ng tao" mas nakilala ko ng mas mabuti si Daniel, ang nakilala ko dati na maangas ay puno pala ng pagsusumikap na patunayan ang sarili.
"Naku kung ako lang yan hindi na ako mag-nunurse, magmamanage na lang ako ng business, mahirap ang trabaho namin tapos sisigawan ka pa ng pasyente o relatives tapos yung iba dyan" sabay tingin sa kanya at natawa lang sya kasi alam nya na sya yung pinapatamaan ko nun. Nagsorry naman sya at nagsorry din ako at sinabing wala na yun sa akin. Sa di ko maipaliwanag parang interesado sya tungkol sa akin, dahil siguro gusto din nya akong makilala ng mas mabuti at nabaling nanaman sa akin ang tanungan.
"Kasama mo ba sa bahay ang parents mo?"
"Ah hindi nasa States sila"
"Eh di mayaman pala kayo?"
"Hindi naman ng lahat ng nandun ay mayaman, nagtatrabaho sila dun at sabi ko sayo diba kung mayaman kami ay hindi na ako magtatrabaho"
"Pareho pala tayo, andun din magulang ko, bihira naman sila umuwi" at nakita ko na medyo nalungkot sya. Puro kasambahay lang kasi ang kasama ni Daniel sa bahay, ang tanging pamilya na lang nya dito ay ang pinsan nyang si Gerald, hindi katulad ni Bjorn na kahit namumuhay na mag isa ay may mga kapatid sya na pumupunta sa unit nya, Si Daniel ay solong anak lang. Naramdaman ko na nangungulila din sya sa mga kaibigan at alam kong kailangan nya ito. Sa totoo lang hindi naman sya mahirap pakisamahan, may mga taong intimidated lang siguro at ayaw makipagkaibigan sa kanya.

8:30pm na nun at nakaramdam na ako ng antok. Kahit ayaw ko pa na matigil ang kwentuhan at ganun din sya ay nag paalam na ako na matutulog na.
"Daniel, tulog na ako antok na ko, gisingin mo na lang ako kapag nauna kang magising, mga 8am dapat nasa venue na tayo"
"O sige, Good night!"
"Sweet dreams" sabay tango sa kanya.

Nagising kami ng 6 am. Maaga kami sa venue kasi ayaw namin na magkaroon ng bad impression sa amin lalo na't nirerepresent namin ang ospital at ang Pilipinas na din. Medyo boring ang seminar, kasi puro may edad na yung mga speaker at kulang sa sense of humor para kahit papaano ay gumaan ang environment. Ang tanging bonus na lang na nakuha namin ay ang mga giveaways. Dahil sa pagkaboring ng seminar ay kung ano anu na ang ginagawa ni Daniel, andyan yung nagta-thumb wrestling kami sa ilalim ng lamesa na hindi nila nahahalata.

Naging ganoon ang routine namin sa Singapore, seminar-ala-kain-kwentuhan-tulog. Sulit na sulit ang byahe namin dun kasi halos ng lahat ng magandang lugar ay napuntahan namin. Nalaman ko na nakapunta na pala dun si Daniel kaya kabisado nya ang mga lugar na pinupuntahan namin. Pagdating namin sa hotel ay naligo agad ako. Ako kasi yung taong hindi nakakatulog kapag hindi naligo. Pagkatapos ko ay nagtext ako sa mga kabarkada ko, nasa bintana ako nun at nakapantulog na. Lumabas si Daniel sa banyo na nakatapis lang. Nalibugan ako sa tagpong yun pero hindi ako masyadong nagpahalata. Lumapit sya sa akin at pinalo ako sa pwet, yung tipong pang-sex video. Alam ko biro lang yun sa kanya pero hindi ko alam kung biro pa din ba na idinikit nya sandali ang etits nya sa pisngi ng pwet ko, kahit hindi naman ganun kasikip ang daanan ay naramadaman ko ito. Hindi pa matigas yun pero alam ko na may ipinagmamalaki din si Daniel.

Kunwari nagpatay malisya na lang ako at dumapa sa kama. Nag daydream ako na papatong sya sa likod ko pero hindi naman mangyayari un. Nang bumaling ang ulo ko sa kanya para magtanong ay napansin ko na napatitig pala sya sa pwet ko, hindi naman sa pagmamayabang pero maipagmamalaki ko din ang pwet ko kasi malaman din ito, alam ko yun ang nagustuhan din ni Gerald sa akin at pati na din siguro si Daniel, talagang it runs in the family siguro. Napansin ko din na nagkumot din sya agad nung humarap na ko sa kanya. Inaakala nya siguro na hindi ko ito napansin. Syempre sa pagkakataong iyon andun na ang temptasyon pero hindi ako nagpadala, inaamin ko na malandi akong lalaki pag sa kanya at sa kanya lang.

Nauwi ulit kami sa kwentuhan na walang katapusan nang mapunta kami sa usaping sex,
"May nakatira na ba sayo, if u don't mind me asking?"
Nahiya ako bigla sa tanong nya pero dahil sa kagustuhan ko na din na maging ok kami ay napaamin din ako.
"Oo at gusto niyang ulit ulitin" kahit ako ay nagulat sa sinabi ko,
nagtunog pornstar kasi.
"Ano ba pakiramdam?"
"Its for you to find out" sabay ngiti sa kanya. Ngunit kulang pa di ang effort ko nun at nung mga sandaling iyon ay naisip ko na hindi talaga sya pumapatol sa kapwa lalaki.

Gabi gabi ko nakikita ang magandang katawan ni Daniel, halos makabisado ko na yun sa isip ko.

Nung ika 5th day na namin dun ay pinatong ni Daniel ang maleta nya sa kama. Dahil sa pabagsak ang buhat nya ay di inaasahang nabali ang bed frame. Nireport nya iyon pero wala daw maipapalit agad na kama ang Hotel kasi fully booked sila.
"Pier ok lang ba na tabi na lang tayo matulog?
Mukhang nakalimutan ni Daniel na bi ako o kaya ayos lang sa kanya ang makatabi ako kasi tiwala naman sya sa akin na hindi ko sya
pagsasamantalahan habang tulog sya.
"Oo naman malaki naman tong kama"
Natuwa ako ng konti nun. Kasi napansin ko na malikot sya matulog na kahit maglagay kami ng gap ay may pagkakataon na nagkakadikit kami.

Nung kinagabihan ay tabi na kami natulog sa kama. Dahil may kaagahan pa ay nagbukas ako ng laptop kasi gusto ko magchat sa mga kabarkada ko. Online si Gerald kaya lang tulog naman na si Daniel, kaya kami na lang ang nagchat. Nalaman ko na birthday ni Daniel bukas, nagtanong ako kung ano ba mga pwedeng iregalo sa kanya.
"Mas gusto nyan ng strawberry cake, bilhan mo lang sya nun ay masaya na yan"
"Gamit sana Ge, wala ba syang paboritong gamit?"
"Ayaw nya ng mga ganun mas gusto nya mga cake lalo na pag strawberry"
Kinabukasan lumabas ako at naghanap ng bake shop. Mahirap maghanap ng strawberry cake sa Singapore dahil hindi ko naman kabisado ang mga bilihan dun. Hindi naman din ako makakalabas na mag isa lang kasi laging sumasama sa akin si Daniel tumakas lang ako para hindi sya makasunod sa akin.

Nang pabalik na ako ng Hotel ay napansin ko na may bakery pala ang Hotel na kung saan pwede magbake ang mga guests at babayaran na lang ang mga nagamit na ingredients pati na din ang ilang gamit at ang oven. Swerte naman at merong strawberry. Marunong ako magbake ng cupcake at isang malaking strawberry cupcake ang ginawa ko. Nang matapos ito i-bake nagbayad na ako, may kamahalan sya pero pag gusto mo ang isang tao ay ok lang sayo yun. Pag akyat ko ay nakikipagchat sya. Binigay ko ang cupcake at binati sya
"Happy Birthday Daniel" nakita ko na nasopresa sya.
"Thank you Pier, alam mo ikaw pa lang ang nakagawa sakin ng ganito"
bakas sa mukha na masaya at naappreciate nya ang ginawa ko. Ayaw pa nya kainin hanggat hindi pa daw nya napipikturan at naipopost sa networking site. Pagkatapos nun ay sinungaban na nya ito na parang bata. Nasarapan naman sya at walang tigil kaka-thank you.
"Sobrang thank you na yan ha ok na yun"
"kung alam mo lang Pier kung paano mo ako napasaya, basta simula ngayon magkaibigan na tayo ha?" At nakamit ko na ang "goal" ko.

Naging mabilis ang mga araw at last day na ng seminar. Madami din kaming nakilala dun at pagkatapos ng ilang picture taking ay nagpalitan din kami ng email address para maging friends sa social network. Nung gabing iyon ay naghost ang organizers ng seminar ng ball, medyo boring ito at inaya na ko ni Daniel na umalis na. Dinala nya ako sa isang restaurant at kumain kaming dalawa. Nahiya pa nga ako kasi halos lahat ng andun ay nagdidinner date, magpartner na lalaki at babae. Tinignan ko ang reaction ni Daniel tungkol sa environment dun sa restaurant at napansin ko na panatag naman sya at hindi nahihiya. Ang sarap ng gabing iyon. Pakiramdam ko ay ako si Cinderella at dinate ako ni Prince Charming.

Bago mag 10pm ay bumalik na kami ng Hotel. Nakita namin na yung ibang representatives ay paalis na, ang nakuha kasi naming flight pabalik ng Pilipinas ay bukas pa ng gabi kaya kung titignan ay 8 days kaming nasa Singapore. Natulog na kami kasi pagod na din.

Nagising ako kasi may nararamadan akong humihinga sa gilid ng batok ko, halos nakadikit na ang labi ni Daniel sa batok ko na ikinatuwa ko, hindi na ako kumilos nun, at sa ganong posisyon nya ay pakiramdam ko na safe ako pag kasama sya, di nagtagal ay nakatulog na ako ulit.

Nagising kami ng medyo malapit na magtanghali, namili kami ng mga ipapasalubong namin. Na-touched ako kasi binilhan nya ng pasalubong ang buong barkada at may binigay din sya sa akin. Doon ko lang nalaman na thoughtful pala sya. Kinagabihan ay umalis na kami ng Singapore at back to reality na ulit.

Itutuloy.

8 comments:

  1. Wala ng ksunod??? Sana may update agad katulad dati 3 agad ang post per day. Kinikilig ako!


    Queckenstedt

    ReplyDelete
  2. Next part na kaAgad .ang ganea ng kwento mu.

    ReplyDelete
  3. Next part na kaAgad .ang ganea ng kwento mu.

    ReplyDelete
  4. Next part na kaAgad .ang ganea ng kwento mu.

    ReplyDelete
  5. name ng site kwentong malilibog pero iba yung kwento mo,, nice and good story,, panalo, nakakakilig at nakakarelate ang madami kasi almost every1 nmn hoping ng bonggang love story. keep it up. more to come and good job

    ReplyDelete
  6. ang tibay ng kama ha, nasira sa maleta, alam na!

    ReplyDelete
  7. mas kinilig ako kay doc daniel at mas bagay kayo...sana kayo magkatuluyan.

    ReplyDelete
  8. nakakakilig.... sana may part 9 agad....

    ReplyDelete

Read More Like This