Pages

Monday, June 4, 2012

Hospital Diaries (Part 10)

By: Piero

Nung isang araw ay napansin ko na balisa si Daniel
"May problema ka ba?"
"Wala to ok lang ako"Pero dahil sa kakakulit ko sa kanya ay napaamin ko din sya.
"Uuwi dito ang ex girlfriend ko at gustong makipagbalikan sa akin, pero ikaw na ang gusto ko ngayon Pier" Hindi ako nakapagsalita agad kasi nakita ko na parang hindi totoo ang sinasabi nya parang mahal pa nya ang ex nya na nahalata ko agad.
"Ano naman kung uuwi eh ex mo lang naman yun tsaka hindi mo naman na
mahal diba?" Sa pagkakataong iyon hindi na sya nakapagsalita at napansin ko na may suot sya na singsing at nasa ring finger nya iyon. Kahit na nanliligaw pa lang sya sa akin ay nakaramdam ako ng selos pero hindi ko ito pinahalata.
"Anu yan?"
Tinuro ko ang singsing na suot nya at yumuko na sya at tumulo na ang luha nya.
"Yung ex gf ko na yun ay engaged na kami dati pa, napagkasunduan namin na magpakasal, pero dahil sa bata pa kami noon ay hindi pumayag ang magulang nya, nasaktan ako kasi hindi nya pinaglaban ang relasyon namin pero kahit matagal na yun mahal na mahal ko pa din sya. Pero
Pier, wag ka sanang magalit, mas mahal kita" Gusto ko man maniwala sa sinasabi nya ay alam ko sa sarili ko na mahal na mahal pa din nya ang ex gf nya.

"Daniel, kung mahal mo pa ipaglaban mo, habang hindi pa huli ang lahat" at tumalikod ako sa kanya kasi hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Napansin nya yun at niyakap ako kaagad.
"Ikaw ang mahal ko Pier, binago mo ako at pinaramdam mo sa akin na may pamilya ako, dahil dun mas lalo kitang minahal at kailangan kita sa buhay ko"
Hindi na ako nakapagsalita noon pero napigilan ko ang pag iyak ko at ngumiti sa kanya. Nung pagkakataong iyon bigla kong naalala si Bjorn sa hindi ko maintindihan ay parang hinahanap hanap ko sya nun.

"Pupunta daw sya sa bahay bukas at mag uusap daw kami, gusto ko andun ka"
"Kailangan nyo na mag usap na kayo lang, wag na muna ako" at napapayag ko din syang mag usap silang dalawa.

Kinabukasan ay nakalimutan ko na magkikita na nga pala ulit sina Daniel at ang ex gf nya. Hindi ko masyadong inisip yun kasi wala naman akong dapat ipagalala lalo na hindi pa naman kami official ni Daniel. Nung malapit na matapos ang shift ko ay nagtext sya na kung pwede daw ba na mag dinner kaming tatlo kasi gusto daw ako makilala ng ex nya at pumayag ako.

Nang makarating ako sa restaurant ay andun na silang dalawa, mukhang ok naman na sila, nang makita ako ni Daniel ay pinaupo nya ako at pinakilala sa ex nya.
"Sab, this is Pier, my friend" medyo nadismaya ako nun kasi friend lang ang pakilala nya pero naintindihan ko din naman kasi hindi naman nya ako ipapakilala as nililigawan nya.
"Hi Pier, finally na-meet na kita, madalas kang maikwento sa akin ni Daniel"
Nagtaka ako sa term nya na "madalas" kasi wala naman syang naikwekwento na may communication pa pala sila ng ex nya. Simula noon ay nagduda na ako kay Daniel, alam ko na madami pa syang hindi pinagtatapat sa akin pero nakisakay na lang ako sa dinner na hinanda nya.

Naging ok naman ang dinner, mas madalas silang magtawanan at na out of place ako. Pakiramdam ko kaya ako pinapunta dun ni Daniel ay para ipamukha sa akin kung gaano pa din nya kamahal ang ex nya. Walang maipipintas kay Sab, mabait ito at hindi maarte, kung hindi lang sya ex ni Daniel ay sa malamang ay nakagaanan ko na sya ng loob pero alam ko na kaagaw ko sya kay Daniel at sa agawang yun dehado ako.

"Its getting late na, ok lang ba kung mauna na ako sa inyong dalawa?" ang maayos ko na pakiusap kina Daniel at Sab.
"No, aalis na din kami, Pier thank you for coming" ang sabi ni Sab sa akin
"Ah wala yun"
"Pier, ihahatid kita sa inyo, unahin lang natin ihatid si Sab"
"Wag na Daniel, parating naman na si Bjorn tinext ko sya may pinuntahan pala sya malapit lang dito kaya nagpadaan na din ako tsaka pareho kami ng way pauwi kaya ok lang, ihatid mo na si Sab sige na"
"Tatawagan ko si Bjorn sasabihin ko na ako na ang maghahatid sayo" tinapik ko ang kamay ni Daniel at sinabing "Ihatid mo na, i insist" at nakuha nya ang gusto kong mangyari. Maya maya pa ay nakita ko na ang sasakyan ni Bjorn at lumabas na kaming tatlo. Bumaba si Bjorn at pinakilala ni Daniel ang ex nya kay Bjorn.

"Sige na guys una na kami, ingat kayo, thank you sa dinner and nice meeting you Sab." Naging sarcastic ang tunog ko nun na nahalata din ni Bjorn.

Tahimik lang ako habang binabaybay namin ang Edsa. Nahalata yun ni Bjorn at bigla syang tumigil sa isang parking lot. Bumaba sya at pinababa nya din ako at sumakay kami sa likod na parte ng sasakyan nya.
"Nasaktan ka ba sa ginawa nyang Daniel sayo?" At tuluyan na kong umiyak. Niyakap ako ng mahigpit ni Bjorn at napayakap na din ako sa kanya, para akong bata noon na umiiyak sa kanya.
"Magiging ok din ang lahat" at hinalikan nya ako sa noo. Naramdaman ko na may masasandalan pa din ako sa piling ni Bjorn, damang dama ko ang malalaki nyang braso na nakabalot sa akin na tila pinoproteksyunan ako.
"Sige iiyak mo lang yan, andito lang ako" ang paalala sakin ni Bjorn. Sa dinami dami ng mga kaibigan ko si Bjorn pa din ang umalalay sa akin. Humagulgol ako sa sakit na naramdaman ko hindi ko inakala na masasaktan ako ng ganun kahit na hindi pa kami ni Daniel, dahil siguro nag expect ako na mamahalin nya ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Nang mahimasmasan na ako ay kumalas na ako sa pagkayakap kay Bjorn "Ok ka na? Alam mo naman ayaw kita nakikitang umiiyak" habang pinupunasan ni Bjorn ang mukha ko
"Thank you" ang tanging nasabi ko. Basang basa ang damit ni Bjorn sa kakaiyak ko, dahil gusto ko na magpalit sya ng damit ay pinapunta ko sya sa amin.

Nang makarating kami sa amin ay agad ko syang pinagpalit ng damit at bumaba kami kasi gusto kong kumain. Nung makita ko na nasa ref na ang ulam ay tinamad na ako kumain, kaya inaya ako ni Bjorn na magfood trip. Pumayag ako agad at tila nakalimutan ko ang nangyari kanina. Ang saya saya namin nun ni Bjorn, kung titignan kami parang mag-syota ulit kami pero hindi naman nagtetake advantage si Bjorn sa sitwasyon at alam naman nya na may pinagdadaanan ako. Natapos ang gabi na masaya kaming pareho.

Makalipas ang isang linggo ay nagtext sa akin si Daniel at gusto daw nya kaming mag-usap. Dahil sa wala naman kaming relasyon ay naging madali sa akin na makalimutan ang kung anumang nararamdaman ko sa kanya, pero hindi ko maitatanggi na mahal ko pa din sya.

Pagkadating ko sa bahay nila ay nagdoorbell ako at agad naman nya akong pinagbuksan. Pinatuloy nya ako at nagsimula na kaming mag usap.
"Pier, simula nung makilala kita nag iba ang tingin ko sa mundo, dati puro babae lang ang nagugustuhan ko pero nung makilala kita nagustuhan kita agad kahit na lalaki ka, sa totoo lang hindi ka mahirap mahalin at lagi mo akong inaasikaso kaya lalong nahulog ang loob ko sayo pero may gusto akong ipagtapat sayo, mahal na mahal ko pa din si Sab at buntis sya"
Umiyak si Daniel sa harap ko habang napanatili kong composed ang aking sarili, siguro dahil natanggap ko na din kahit papano na babae ang kailangan ni Daniel at hindi ako.
"Ituloy nyo na ang kasal nyo Daniel, after all kayo naman talaga ang para sa isa't isa"
"I'm sorry Pier, alam mo naman kung gaano kita kamahal, pero mas importante sa akin ngayon ang baby, I'm sorry"
"Wag ka magsorry, Naintindihan ko yun, alam ko naman na dati pa gustong gusto mo na magkaanak at yun ang hindi ko maibibigay sayo, mas bagay kayo ni Sab" at ngumiti ako para gumaan ang aming usapan.
"Alam kong nasaktan kita Pier kaya humihingi ako ng sorry kahit na hindi mo ako mapapatawad agad"
"Daniel, napatawad na kita, gusto ko lang maging masaya ka sa buhay mo, deserve mo naman yun tsaka hindi naman naging tayo kaya wag mong isipin yun wala ka din dapat alalahanin, oo inaamin ko masakit sa akin na hindi naging tayo pero naging masaya din naman ako kasi nahanap mo na talaga yung taong magbibigay sayo ng kakaibang happiness"
"Salamat Pier, napakabait mo talaga, nagusap kami ni Bjorn at sya na ang mag aalaga sayo simula ngayon, alam ko mahal mo pa din sya Pier, wag mo na pakawalan" at ngiti lang ang naisagot ko sa kanya.
"Tsaka nga pala napagkasunduan namin na sa States na kami titira, nagpasa na ako ng resignation letter kanina at sa isang araw na ang flight namin. Sana makapunta ka bukas dito inaya ko na ang mga kaibigan natin para makasama ko kayo ulit"
"Sige ba walang problema, hindi na din ako magtatagal uuwi na ako, tandaan mo ha be a good boy kay Sab"
"As you wish" at niyakap ako ni Daniel. Kitang kita sa mukha nya na gumaan ang loob nya. Inihatid nya ako hanggang gate at pagbukas nya ay andun na si Bjorn hinihintay ako.
"Pre, pinaiyak mo nanaman ba ang mahal ko?" ang pabirong sabi ni Bjorn.
"Hindi Pre, O ikaw na ang bahala kay Pier ha, iiwan ko na sya sa mahal nya" At napangiti kaming tatlo.
"Bjorn, usapang lalaki to ah wag mong sasaktan si Pier, kundi uuwi ako dito para lang bugbugin ka"
"Syempre, hindi ko naman yun gagawin sa kanya at hindi ko na pakakawalan to" sabay akbay sa akin at halik sa pisngi.
"Tara na nga kung anu ano na sinasabi nyong dalawa" at kumaway ako kay Daniel"

Nung pauwi na kami sa amin ay dumaan kami sa drive thru. Mahilig si Bjorn sa cheeseburger kaya binilhan ko sya nun at sinubuan sya habang nagdadrive. Masayang masaya ako ng gabing yun kahit na hindi kami nagkatuluyan ni Daniel ay masaya ko naman syang pinaubaya sa taong mahal nya at mahal din sya. At sa amin naman ni Bjorn na kahit na hindi pa kami official na magsyota ulit ay ramdam ko na parang kami na ulit. Bumalik sa dati ang turingan namin ni Bjorn. Totoong love is sweeter the second time around.

Natapos ang Party ni Daniel ng madaling araw, puro picture taking at paalam sa mga kasamahan namin sa ospital na naging close kay Daniel. Sinabi ni Daniel sa akin na alam ni Sab ang tungkol sa amin at tanggap naman nya ito. Bago kami umalis ay binigay ko ang kwintas kay Sab yung kwintas na binigay sa akin ni Daniel.
"This is Daniel's symbol of love" at kinabit ko yung kwintas kay Sab, natuwa sya at nagkayakapan kami at nagthank you sya sa lahat daw ng kabutihan ko. Nagpaalam na kami at masaya kaming umuwi.

Makalipas ng 3 araw ay nakatanggap ng balita si Bjorn, naapruban na ang kanilang Visa papuntang States sa New York, ang ate nya kasi ay nakapangasawa ng doktor na Amerikano at kinuha sila. Ang mga magulang nya na nasa London ay lumipat na din sa New York. Ayaw ako iwan ni Bjorn nung mga pagkakataong iyon pero ako na mismo ang pumilit sa kanya.
"Bjorn, wag mo sayangin ang effort ng ate mo na mapagsama kayong buong pamilya. Ang swerte mo nga kasi hindi ka nahirapan makapunta dun lalo na ngayon na dun ka na titira, yung iba nga halos magpakamataymakapunta lang ng States tapos ikaw sasayangin mo lang yung chance, wag ganun"
"Hindi ko kailangan pumunta dun lalo na andito mga kaibigan ko tsaka
ikaw, ano silbi nun kung wala ka din naman dun"
"Kung ako lang pala makakasira ng future mo eh mabuti na lang kung magkalimutan na lang tayo"
"Yan naman ang hindi pwede" at niyakap nya ako at naglambing sya.
"Bjorn, wag mo paikutin ang mundo mo sa akin lang, kung inaalala mo na baka mawala ako sayo pag umalis ka, i guarantee you, hinding hindi mangyayari yun"
"Mahal mo pa ba ako?"
"Syempre, ginayuma mo kasi ako eh" at kiniliti nya ako.
"Sige papayag na ako pumunta ng New York sa 2 kondisyon"
"Bakit dalawa?"
"Basta, ano deal?"
"Sige" at nagsimula na sya sa pagsabi ng mga kondisyon nya.
"Una, ay susunod ka sa akin dun pag naayos ko agad ang mga papel mo, at pangalawa kung magiging tayo ulit" Ngumiti lang ako at napatango at alam na nya ang ibig sabihin nun. Napasigaw sya ng "yes" sa tuwa at niyakap at hinalikan nya ako. Simula noon ay naging kami na ulit. Isang linggo na lang ang itatagal nya sa ospital kaya't sinulit nya ito at nagpunta kami ng Boracay na kaming dalawa lang. Sya ang nagfile ng leave ko ng hindi ko alam, nalaman ko na lang nung naapruban na. Muli kaming nagsex ni Bjorn, nilalasap ko ang mga pagkakataong andun pa sya. Sa tagal na walang sex ay mas lalo akong namotivate na galingan pa.

Pagkatapos namin maligo sa beach ay dumiretso kami sa hotel na tinutuluyan namin, dahil na din sa kakahawak ko sa etits nya habang nasa dagat kami ay nalibugan sya, binuhat nya ako papuntang banyo at dun nya ko sinimulang hubaran, nasa tapat kami ng shower habang naglalaplapan habang ang isa kong kamay ay hawak ang etits nya, yung kamay naman nya ay nasa butas ko.
"Babe papasukin na kita matagal ko nang di nagagawa yun sayo"
"Sige babe, angkinin mo ako"
At dun na sya nagsimula. Inangat nya ang hita ko at sinabit sa bewang nya. Ramdam ko ang tigas at ang pagtutok ng ulo ng etits nya sa butas ko. Nang maipasok nya ang ulo napaungol ako, hindi sa sakit kundi sa kiliti. Tila nakisama ang katawan ko sa nangyayari sa amin"
"Babe ang sikip mo pa din ahhhh shit"
"Sige pa babe oohh" at tuluyan na kaming naglaplapan. Tila walang kapaguran si Bjorn nun at mas lalong bumilis at sagad sa pagkabaon ang etits nya na tanda ng lalabasan na sya
"Babe lalabasan na ko ahhhhh ahhhhh"
At tuluyan nang pumutok ang masaganang tamod nya sa loob ko. Buti na lang hindi ako babae kasi kung babae ako buntis na ako nun. Napayakap sa akin si Bjorn at naligo na kami.

After 3 days ay bumalik na kami sa Manila, nagpasa na din si Bjorn ng resignation letter. Nalungkot ako pero hindi ko pinahalata sa kanya kasi mahihirapan lang sya umalis pag nakita nya akong nagkakaganun.

Alam na din sa buong ospital ang tungkol sa amin ni Bjorn, pinaalam nya ito at masaya naman sila para sa amin. Pati ang mga seniors ko alam na nila nagulat lang sila kasi pareho kaming may itsura at hindi kami halata. Pero ok lang daw sa kanila yun at hindi naman daw sila tutol at masaya daw sila para sa aming dalawa.

Nagpainom si Bjorn bilang despedida na din kasi aalis na sya. Binilin nya ako sa bespren nya
"Gerald, kaw muna bahala sa girlfriend ko, Gago ka malaman ko lang na bantay salakay ka yari ka sakin"
"Oo pre ako bahala dito sa mahal mo gwardyado yan samin, right guys?"
"Yes!" ang sigaw ng mga kabarkada namin. Iyon na siguro ang pinakamasayang inuman na meron kami pero yun din ang pinakamalungkot kasi mababawasan na ang barkada ng isa.

Dun na ako nakatulog kina Bjorn at hinatid namin sya ni Gerald sa airport. Habang papunta kami ay nakasandal lang ako sa balikat nya habang nakaholding hands kami nung makarating na kami sa airport ay naiiyak na ako pero pinipigilan ko. Nung papasok na sya ng entrance ay nagpaalam na sya kay Gerald at hindi ko na napigilan ang iyak ko
"Babe, alis na ako, susunod ka sa akin ha, kukunin kita just wait, I love you" at napatango na lang ako kasi iyak ako ng iyak. Kahit na madaming tao dun ay hindi sya nahiyang halikan ako sa labi ng ilang ulit at niyakap ako. Kahit na hindi ako makapagsalita ay pinilit ko pa din
"Sige na, mag ingat ka, I love you"
"I love you too babe" at pumasok na sya sa entrance. Inaya na ako ni Gerald at umalis na din kami.

Itutuloy.

12 comments:

  1. Kung totoong story man ito.. nakakatuwa.. kung fiction.. ang galing ng pagkakasulat, kudos!

    ReplyDelete
  2. Heto yung story na may feelings, hindi puro libog lang. Kung sa tunay na buhay man, ang swerte nga nung bida. Kung fictional man, the writer has a good sense of making the story into reality. =)

    ReplyDelete
  3. sana magkatuluyan sila ni daniel

    ReplyDelete
  4. This is so touching... kakatuwa...

    ReplyDelete
  5. i want bjorn for him

    ReplyDelete
  6. bakit di ka pinaglaban ni daniel huhuhu, parang gusto ko lahat for you. sana naman te, hindi mauwi sa wala lahat, baka ang ending lahat nagkkaasawa.

    ReplyDelete
  7. ang ganda ng story n ito, wagas tlga ang love at sna maging mgnda pa ang pagssam ng dalawang ito.

    ReplyDelete
  8. so sad for what happened kay Doc Daniel...kabadtrip!!!arghhhh!!!!

    ReplyDelete
  9. xempre fiction Lng to. wLang straight na naffaLL sa bi/gay not unLess kung same dn xa . tapos parang cLa pa ung patay na patay . HAHAHA ! HALLUCiNATi0N . :DD pero nice story aah .

    ReplyDelete
  10. Sana lang merong pang bi na ganito. Sobrang naiinggit ako sa kanila kasi parang they have found their better half.

    ReplyDelete
  11. wala pa bang part 11? ang ganda ng kwento.. kung totoo man to o hindi two thumbs up sa author...

    ReplyDelete
  12. Very Impressive dude!
    HOPING TO HAVE STORY 11..

    Very Nice!

    ReplyDelete

Read More Like This