Pages

Saturday, June 23, 2012

Fallen (Part 8)

By: Drake Cantillon


Lumipas ang mga araw, linggo at buwan na kaming dalawa lagi ang magkasama. Tuwing darating ang monthsary o anumang okasyon, pupunta kami sa paborito naming lugar, isang beach sa may Puerto Prinsesa.

Naaalala ko pa nung unang beses naming magpunta doon. November 17 yon, 1st monthsary namin. Sinorpresa ko siya sa isang dinner date sa tabi ng beach. Private naman kaya ayos lang sa kanya. Wala pa rin kaseng nakakaalam sa relasyon naming dalawa.

"Happy 1st monthsary bunso. I love you." Panimula ko. Malamig ang simoy ng hangin, madilim ang paligid. Noong panahong ding iyon, ninais kong ipagtapat sa kanya ang lahat. "Bunso, may gusto akong sabihin sa'yo."

Yumakap siya sa akin ng mahigpit, sabay sabing "Kuya, alam ko na iyan." "Huh? P-pero panu mu naman nalaman?" gulat kong sabi. "Eh matagal ko nang nararamdaman eh. Kuya, kahit 'di ka pa magsalita kitang-kita na sa mga mata mo."

Napayuko naman ako sa kanyang tinuran. Ni hindi ko matitigan ang kanyang mata. "So, what do you want to do now? How do you feel about it? Galit ka ba?" nauutal-utal kong tanong sa kanya.

"Galit? Bakit naman ako magagalit?" sabi niya. Sabi ko, "Dahil sa sasabihin ko pa lang sana sa'yo ngayon."

"Bakit ano ba sasabihin mo kuya? Di ba sasabihin mu nanaman ng pang isang milyong beses na mahal na mahal mo ako? Na hindi mo ako kayang saktan at lokohin? Na hindi mo ako iiwan? Di ba yun naman yung sasabihin mo kanina? May iba pa ba kuya?"

Agad akong natigilan sa sinabi niya. Hindi ko alam kung makakahinga ba ako ng maluwag dahil magkaiba pala kami ng iniisip o kung manghihinayang ba ako at akala ko'y alam na niya at okay lang sa kanya iyon. Na-blangko ang aking mukha. Naguluhan ang aking pag-iisip.

"K-kuya? Ayos ka lang ba? May nasabi ba ako?"

"Ahm wala naman bunso. Pasensya ka na at medyo magulo utak ng kuya mo ngayon. Aning-aning. Hehe."

Gumuhit naman ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Napagaan noon ang aking pakiramdam. Muli, nagdalawang isip ako sa aking gagawin at hindi ko nagawang ipagtapat sa kanya ang lahat, ang tungkol sa pustahan, at ngayon, pati ang tungkol kay Mae.

Matapos ang dinner, dumeretso kami sa aming cottage room at naupo sa may kama. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata tanda ng paghingi ko ng pahintulot para sa gabing iyon. Hindi ko naman siya minamadali ngunit dahil monthsary namin iyon, at talaga namang ako'y isang malibog na tao, nagbakasakali akong may mangyayari.

Nagdikit ang aming mga labi. Mainit. Masarap. Mapusok. Ngunit sadyang hindi pa handa ang aking bunso para sa akin noong gabing iyon. At dahil mahal ko siya, handa akong maghintay kung kailan man niya ibibigay ng kusa ang lahat-lahat sa akin.

"I love you, kuya."

"I love you, too bunso."

At magkayakap naming pinalipas ang gabi.

ITUTULOY…

No comments:

Post a Comment

Read More Like This