Pages

Saturday, July 28, 2012

Eng21 (Part 5)

By: Cedie

Nagsimula na ang ikalawang taong sa kolehiyo nina Ced. Sa unang araw pa lang ay parang napakatagal nagkita ng mga kaibigan para magkwentuhan ng walang humpay sa classroom. Dahil unang araw ng pasukan at orientation lang naman ang mangyayari sa unang araw, nagyaya si Kiko na maggala sa pinakamalapit na mall. "Pagtapos ng orientation, punta tayo sa mall! Sagot ko na lahat tutal ako ang pinakamalaki ang baon sa ating lahat! Hahaha.", pagmamayabang ni Kiko. "Oh sige tara, wala kaming iisipin, happy happy lang!", pahayag ni Robert. Matapos ang kanilang orientation ay nagsimula ng umalis ang barkada nina Kiko papunta ng mall ngunit napansin nilang tila nananahimik si Ced at may malalim na iniisip. "Oi prince, anong iniisip mo?", tanong ni Sarah. Nabigla si Ced sa tanong ni Sarah at sumagot, "Ah wala naman, may naisip lang naman ako, kanta tayo after kumain ah! Haha". Nagtagumpay naman si Ced sa plano niyang ibaling ang atensyon ng barkada sa lakad nila. Pagdating nila sa mall ay nagpunta muna sila sa isang fastfood restaurant para kumain ng tanghalian at sinagot nga naman ni Kiko ang lahat ng kinain nila. Nang magpunta sila sa Karaoke hub ng mall ay si Kiko pa din ang nagbayad. Bumili din sila ng mga chibog para may makain habang kumakanta. Sa kanilang barkada, si Ced at si George lang ang may magandang boses sa kanila. Si Robert naman ay mahilig kumanta ngunit walang hilig ang kanta sa kanya. Si Jared naman ay puro pagpapacute lang ang alam. Si Sarah at Emily naman ang pumipili ng mga kanta at pumipindot ng mga buttons sa karaoke machine. Nagsimula ang unang tugtog at ibinigay nila ang mikropono kay George at sinimulan niyang kumanta.

Kanina pa kitang pinagmamasdan
Mukha mo'y di maipinta
Malungkot ka na naman...

Tinuturo ni George si Ced habang kinanta ang mga unang linya ng Sandalan. Natawa lang ang magbabarkada at inagaw ni Kiko ang isang mikropono kay Robert at sumabay sa Chorus.

Sige lang sandal ka lang
At wag mong pipigilan
Iiyak mo na ang lahat sa langit
Iiyak mo na ang lahat sa akin
Sige lang..

Nakatingin si Kiko kay Ced habang binibigkas ang mga linyang ito. Tila napansin naman ni Ced yun at nagbuntong hininga at nagsabing siya na ang susunod na kakanta. "Oh heto kantahin mo para sa bestfriend mo", wika ni Emily. Hinawakan naman ni Ced ang mikropono at sinimulan ang pagkanta.

I always thought you were the best
I guess I always will.
I always felt that we were blessed,
And I feel that way, still.
Sometimes we took the hard road,
But we always saw it through.
If I had only one friend left,
I'd want it to be you.

Napatingin si Ced kay Kiko at nakitang nakangiti ito sa kanya habang inaawit ang kantang ito. "Kayo naman, one friend tlga? Eh magkakaibigan tayo diba, kahit anong mangyari sana walang iwanan.", nakangiting sinabi ni Ced iyon sa mga kasama niya at naupo. Itinuloy lang nila ang kantahan. Kahit sina Sarah at Emily ay kumanta, maging si Robert ay hindi na rin binitiwan ang mikropono hanggang sa matapos ang kanilang oras at umalis na din sila ng karaoke hub. Pati si Jared ay sumabay na din sa mga kantahan ng barkada. Matapos naman nito ay umikot sila sa department store ng mall para tumingin ng damit na isusuot para daw sa darating na acquaintance party sa susunod na buwan. Nagpunta ng ladies wear sina Emily at Sarah at iniwan ang limang na lalaki para pumunta sa men's wear. Ibinulong ni Kiko kay Ced, "Pre, pili ka ng damit na bagay saken, haha, hindi ako marunong tumingin ng bagay saken eh." "Ok sige, tingin ako, tara mga pare dun sa may banda roon." Nagpunta ang limang magkakaibigan sa side ng mall na puro polo shirts at tshirts ang nakadisplay. Pumili si Ced ng apat na damit na babagay sa kanilang magkakaibigan at isa isa nilang isinukat ito. Napansin ni Jared at Robert na hindi na pumili si Kiko ng damit niya at si Ced ang namili para sa kanya. "Pre bakit si Ced ang pumipili ng damit mo? Haha.. Ayos ah, andami niyo na talagang mga bagay na alam sa isa't isa. Pati damit na isusuot. Kung hindi ko lang kayo kaibigan eh pinagisipan ko na kayo ng kakaiba", wika ni Robert. "Gago ka pre, kung ano anong pinagiisip mo jan, eh syempre bespren ko si Ced kaya marami na siyang alam saken." Tila tinamaan si Ced sa sinabing iyon ni Kiko dahil naisip niya na hindi naman lahat ng bagay tungkol sa kanya ay alam ni Kiko samantalang siya nga naman ay halos alam na ang lahat tungkol sa kanyang kaibigan. Natapos nang mamili ang magkakaibigan ay nagkita kita na muli sila at nagpasya ng umuwi. Inihatid ni Kiko ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga bahay at naiwan na naman silang dalawa ni Ced. "Kiks, punta tayo sa bahay, paalam mo ko kay mama. Sabihin mo dun muna ko matutulog sa inyo ngayong gabi, may kailangan kang malaman tungkol saken", nakatungong wika ni Ced. Nagtaka naman si Kiko sa biglang sinabi ng kanyang kaibigan. Nagpunta sila sa kanilang bahay at agad namang pinayagan si Ced ng kanyang nanay at nagpunta na nga sila sa bahay ni Kiko. Malalim pa din ang iniisip ni Ced, gayun din naman na napaisip na si Kiko sa kung anong bumabagabag sa kanyang kaibigan. "Sana kahit anong mangyari, hindi magbago ang pagiging magkaibigan naten, sobrang lapit na ng loob ko sa'yo kaya ko aaminin sayo pati ang nakaraan ko", ito ang mga salitang naglalaro ngayon sa utak ni Ced habang papunta sila sa bahay ng kaibigan.

Pagkapasok nila sa loob ay agad na silang tumungo sa kwarto ni Kiko para magbihis ng damit pambahay, lahat ng damit ni Kiko ay kasya kay Ced dahil medyo payat pa ang katawan ni Ced samantalang si Kiko naman ay nagsisimula nang magbuhat ng mga panahong iyon. Nang matapos silang magbihis ay binuksan ni Kiko ang TV para mabasag ang katahimikan sa kwartong yun. Habang nanonood sila ng TV ay biglang nagsalita si Ced, "Kiks, ano na ba ang tingin mo saken ngayon, nagtitiwala ka ba saken?" Sumagot si Kiko, "Tol, may problema ka ba? Parang kapatid na kita, kaya sabihin mo na yang bumabagabag sa loob mo, handa akong makinig." Pinatay ni Ced ang TV, humiga si Ced sa kama at tumabi naman si Kiko sa kanya. Sinimulan niyang ikwento kay Kiko ang kanyang madilim na nakaraan. Ang pagmomolestiya sa kanya ng kaibigan ng kanyang kuya.

4years ago..

Kinabukasan ng mangyari iyon ay tulala si Ced at halos hindi makausap. Alam niya ang nangyari, hindi siya makapagisip ng maayos kung isusumbong ba niya sa kuya niya ang nangyari or kung itatabi na lang niya sa sarili ito. May kung anong pagkatakot ang lalong bumagabag sa kanya nung nakita niyang muli ang kaibigan ng kanyang Kuya na si Bryan at ang mga matang mapanakot. Lumapit sa kanya ito at nagsabing. "Wag na wag mong sasabihin ang mga nangyari sa atin kagabi ah, tutal alam ko nagenjoy ka naman." Nanginginig sa halong takot at galit si Ced lalo na nang haplusin ni Bryan ang kanyang buhok na para bang may gustong ipahiwatig. Namuo ang takot sa nararamdaman ni Ced at tuluyan na lang itong bumalik sa kanyang kwarto upang magkulong at umiyak.

End Flashback.

Napaiyak na naman si Ced habang kinukwento kay Kiko ang lahat ng pangyayari. Tila nagulat si Kiko, natahimik ito habang nakatingin sa kanyang kaibigan. Hinawakan nia ang kanyang kaibigan sa balikat nito at naramdaman nia na nanginginig si Ced. Niyakap niya ito bigla, hindi niya alam ang sasabihin sa kanyang kaibigan, umiiyak si Ced na nagwikang, "Antagal kong dinala to sa dibdib ko Kiks, hindi ko na alam ang gagawin ko, wala kong mapagsabihan, mula nung nangyari saken to nalilito na ko. Kapag naalala ko to bigla na lang akong matatakot, tapos iiyak. Inamin ko sayo lahat kasi sabi mo para na kong kapatid sayo. Sana walang magbago Kuya Kiks.", hinaplos ni Kiko ang likuran ng kaibigan, "Gago ka ba, walang magbabago, salamat sa tiwalang binigay mo, hayaan mo di ka na nila masasaktan, andito lang ako bespren." Lalong humagulgol si Ced sa mga narinig niya at dahil dun, yumakap na din siya sa kanyang bespren hanggang sa tumahan na ito sa pagiyak. Inihiga ni Kiko si Ced sa kaniyang kama at hindi binibitawan ang pagkakahawak nito sa kamay ng kaibigan, gising pa nuon si Ced nang marinig niyang nagsalita ang kaibigan habang yakap siya nito, mula ngayon ako na ang kuya mo, hinding hindi na kita pababayaan, poprotektahan kita at kahit kelan hindi kita iiwan. Napaluha ng konti si Kiko sa nasabi niya sa kanyang kaibigan at nakatulog sila sa kanyang kama ng magkayakap.

3 comments:

  1. nakakaawa naman si ced..buti nanjan si kiko..nice story sana tuloy tuloy lang pag post:)

    Kali

    ReplyDelete
  2. good story... i can relate with the bespren thing.. :/ kaso when i told ny past.. it ends up in misunderstanding...

    ReplyDelete
  3. ang ganda ng kwento, di nakakasawa basahin.

    hanzsam01

    ReplyDelete

Read More Like This