Pages

Wednesday, July 4, 2012

My Gullible Heart (Part 1)

By: Dean

(Don't say things that you can't prove, I'm gullible and expect that I'll believed in anything you say.

Chapter 1

"Sorry Mirco, pero I need to end this." si kielo.
"Pero bakit? What's wrong." naluluhang sabi ni mirco.
"I think, this is not us anymore, lagi na tayong nagkakagulo." si kielo.
"BULLSHIT! KIEL, then let me rub this to your face! Alam kong may iba ka! someone saw you last month with another guy. And pinasundan na kita since then! magsisisi ka din." pagalit na sabi ni Mirco.

I walked away from him as if nothing happened. Ganun ako pagdating sa break-up. Si kielo ang pangatlo kong boyfriend. I mean EXBOYFRIEND. So here I go again, free, single but am I ready to mingle? Well, I am not really sure about that. Siguro nga magiging man hater na ako nito. Kasi ba naman, dun sa tatlong demonyitong naging boyfriend ko, lahat sila ay niloko ako! But still, di ko pa naman itutuloy ang pagiging man-hater ko. Joke lang yun. Siguro, I need time to heal these fuckin' wounds. Sabi nga nila, people come and go, but there's still this one person who'll come and make your life colorful. Ang corny diba? Pero true yan friend. As far as I'm concerned, di pa naman ako nag-gigive up sa concept ng love. I'm still hoping and believing (fingers crossed) that there's this young prince, in a white horse ready to rescue me and fuck me all night long. HAHAHAHA. Baka sabihin niyo masyado akong malibog. Joke lang yung fuck me all night long part. Basta, I know that there's still my knight in shining armor, riding his white horse that would bring me to his castle and make him his prince. Kaya sa mga kabebreak lang jan! Don't give up. Well any way, back to my story after kielo's time.

So eto ako ngaun, hindi alam kung saan pupunta. So I decided to buy something for myself. Ganun ako pagnalulungkot, I will buy something for myself, kahit ano pa yan. Food, things, etc. etc... I went to the mall that fucking day, naglibot-libot. Tapos, pumasok ako sa isang botique. Shoot! andito na naman ako, for sure, mapapasubo na naman ako sa kamahalan ng mga damit dito. Pero para maibsan ang pamatay na kalungkutan kong nararamdaman ay pumili ako ng tatlong t-shirt and dalawang polo shirt.

Habang nasa fitting room ako, at ififit na ang mga napili ko, ay may napansin ako. Tumingin muna ako sa salamin habang hubad at pinagmasdan ko ang aking buong katawan at ang aking pagmumukha. Bakit kaya ako iniwan ng mga dumuhong sina Jeff, Santi at Kielo? Gwapo naman ako, Maganda naman ang mata ko. Matangos naman ang ilong ko, maninipis ang labi. Makapal ang kilay na bumagay naman sa pagmumukha ko. Sa katawan naman, eh athletic naman ang built ko, pero hindi yung tipong pangbody builder ha! Okay naman ako pagdating sa looks. Hmmmmm.. Mabait din naman ako, I gave them the right time to be with them at di ko naman sila dinedeprive sa personal time nila. Is it that di pa sila kuntento sakin? Professional naman ako, may stable job. At a very young age, naging manager na ako sa isang bank. Hmmmmm.. pero meron akong napansin na common factor sa kanilang tatlo, lahat sila lapitin ng tukso at mahilig gumimik. Well, napaka-obvious naman nun. Well enough of them, Sa akin ang focus ng story, hindi sa kanila. So balik sa akin. After I fit the shirts, i decided to buy them all. Then, umuwi na ako.

Pagkadating sa bahay, I went back to my room and cried! Yes I cried as in cry me a river ang dating. Di ko kasi dinadaan sa alak ang mga ganitong pangyayari sa buhay, masyadong cliche. Kasi, ang paniniwala ko sa alak ay para lamang sa celebrations. Kaya, hindi ako nag-iinom pagnalulungkot. Mejo napagod din ata ako sa kaiiyak kaya nakatulog ako. Mga 8:30 pm na nung nagising ako, biglang may nagtext.

"Are you ok?" kielo

Eh putanginang gagong demonyo pala to eh, pagkatapos niya makipagbreak sakin earlier tatanungin nya ako kung ok lang ako. Ano to nakadrugs? Out of courtesy nang pagiging concern niya sa akin, nagreply naman ako.

"Yup, I'm ok." ako.

After nun nagtext pa siya, pero di ko na nireplyan. I'm tired of those bullshit things. Kesyo sorry daw, he didn't mean it, na minahal naman daw niya talaga ako. Hay nako. In-off ko nalang yung phone ko para di na makita mga bagong dating na messages niya. I'm sick and tired of it. Syempre, hindi ako makakain, di naman kasi ako manhid. Nasaktan naman talaga ako grabe. To think na 4 years din kami ni Kielo baby, mahirap sa akin tanggapin na sa isang iglap eh mawawala siya sa sirkulasyon ng buhay ko. So umiyak na naman ako, hindi na ako lumabas ng kwarto. Dinamdam ko ang lahat, at pinangako sa sarili ko na, bukas paggising ko ay wala na ang lahat. Gigising ako na para bang hindi ko siya naging boyfriend at ang lahat ay ayos na. Natutunan ko kasi na wag damdamin masyado ang mga pangyayari, ang bigat lang kasi sa feeling. Ayan ang natutunan ko sa aking first love na si Jeff. Kasi nung nagbreak kami ni Jeff, super duper di ako makamove on, inabot din ng 5 months bago ako maka move on. So nung naging boyfriend ko naman si Santi at hiniwalayan ako, parang hangin na lang dumaan ang break up, swabe kong nalagpasan. Pero hindi naman sa ok lang sa akin na lokohin ako at makipagbreak sa akin ang mga damuho, pero the tears won't bring them back and the thoughts as well. Aba, ang swerte naman nila kung masyado ko silang iisipin pagkatapos ng break-up. Hindi rin naman kasi ako yung tipong naghahabol, di naman kasi nakalawit ang dila ko with matching kawag ng buntot. Kaya nung nakipagbreak ang tatlo sa akin, no questions asked, break kung break.

Seconds, Minutes, Days, Months and Isang taon na pala ang nakakalipas nang magbreak kami ni Keilo. Parang wala na sa akin ang nangyari. Maraming nag-attempt manligaw, may mga pinayagan akong mga casual dates pero siguro, di pa oras na ako'y umibig ulit. I gave time to myself. A year had passed, natatawa na lang ako nung binabalikan ko yung mga plano namin ni kielo. Mejo trivial din naman kasi, plan kasi namin magpatayo ng bahay at mamuhay na parang mag-asawa. Ay mali, hindi pala trivial yun, fictional pala. HAHAHAHA. Kasi naisip ko din, di siya yung type na pangbahay. Mahilig kasi gumimik. OK na din ang nangyari, bawas sa stress. Stress na nga sa work, stress pa ang lovelife? Ano ako superman? Well, tao lang ako, marunong mapagod.

At some point, nakakamiss din magkaboyfriend. Nakakamiss din kaya yung, may magtetext sayo kung ok ka lang. Yung tatawagan ka everynight just to check if you're doing fine. Yung malalapitan mo pag may problem ka at handang makinig sa paulit-ulit mong problema. Yung makikicelebrate sa happy moments ng buhay mo. Yung mang susurprise sayo out of nowhere. Hay, nakakamiss talaga.

Kaya naman I decided to pamper myself. MY GOD! after a year ng break up tsaka ko naisip to. Parang late bloomer lang ang dating. So I decided na magpafacial, at nagcommit na ako na everyy month magpapafacial. Then, I buy new clothes, I changed my perfume and change my hairstlye. Dahil dito, hindi ko naman maipagkakaila na gwumapp naman talaga ang bida niyo. Mas napansin pa yung killer eyes ko with matching deadly smile. Hay, if looks could kill, then for sure marami ng patay. HAHAHAHA! Napansin din ito ng mga co-workers ko sa bank. Sabi nila, kung may pinopormahan ba daw ako sa bank, pero sabi ko wala, kasi wala akong type sa kanila. ANG SAMA KO sa part na yun.

Then one time sa bank, may nakita akong nag-open ng bagong account. Gwapo siya. Matangkad, moreno, semikalbo at machong macho. Nalaglag nga yung brief ko nung nakita ko siya. Kaya naman, nagpapansin ako... Inutusan ko yung nasa table ng new accounts at ako ang nag-asikaso sa kanya. Nalaman ko na may business siya, malapit lang sa bank. he's 27 years old. Hay, nasabi ko sa sarili ko na sana bi din siya para may chance ako. Kasi naman hindi halata si mokong kung bi talaga siya.

So then, I have a plan. At kung matutuloy man to. First time kong gagawin...

...Itutuloy....

9 comments:

  1. hei...ang galing...nakakatawa...nakakarelate ako....thanks ha

    ReplyDelete
  2. Thanks for the compliment... really appreciate it... mas gusto ko kasi yung parang nakikipagkwentuhan ako sa readers.. - author

    ReplyDelete
    Replies
    1. nice same tau pag break break! lolz chp2 pls.

      Delete
  3. naka relate ako nang konti hehe im also home person but i like to travel around the country...... good job

    ReplyDelete
  4. Next na agad! Soooooper birin naman. :)

    ReplyDelete
  5. wait lang tayo guys.. busy si admin eh.. nasend ko na yung susunod.. :) - author

    ReplyDelete
  6. Its very exciting, and funny. I like it.

    >will wait!

    ReplyDelete
  7. sa lahat ng nabasa ko d2.. sayo aq natuwa.. nkkarelate din aq sobra. hehehe. im smilin while reading this..sana ung next episode agad. hahaha

    ReplyDelete
  8. To the author...two thumbs up!nice... Mark here;)

    ReplyDelete

Read More Like This