Pages

Monday, July 16, 2012

Notebook (Part 2)

By: Thon

Kinabukasan  ay masayang pareho ang gising namin ni Vince. Nakipag kulitan pa siya sa mga batang kapitbahay namin.  Para siyang batang nakikipaghabulan sa mga ito.   Bandang hapon ng magpaalam ako kina tatay na sasabay na ko kay Vince pabalik ng Laguna. Alam kong gusto din ni Vince na sabay kami bibiyahe.  Medyo madilim na ng umalis kami ng Pampanga. Habang nasa loob kami ng sasakyan ay magkahawak kami ng kamay habang ito ay  nagmamaneho.  Paminsan minsan ay  hinahalikan pa nga niya kamay ko. Bigla ko tuloy naibulong sa sarili  ko, "Sana hindi ka ka niya katulad." Narinig niya yata ako at ito'y nagsalita, "Oh anong binubulong bulong mo diyan ha?"  "Ha ah eh wala po," sabay  sandal ng ulo ko sa balikat niya. Ginabi na kami sa biyahe. Mga  dalawa’t kalahating oras na din siguro kaming nagbibiyahe. Nang makarating na kami ng Edsa ay nagstop over muna  kami sa isang  gasolince station na may convenience store.  Nagpagasolina muna si Vince at nagpaalam ako sa kanya na  magbabanyo muna at bibili na rin ng makakain namin.  Pagkatapos kong magbanyo ay dumiretso ako sa convenience store. Paglabas  ko ng convenience store ay may dala dala na kong pagkain at dalawang bote ng inumin. May napansin akong isang grupong nag-iinuman sa may gilid ng convenience store, dalawang lalaki at apat na babae, nang di sinasadyang mapatingin ako sa mga ito.  Usual na tingin lang naman ang ginawa ko ng biglang tumayo ang isang lalaki. Dali dali itong lumapit at sinigawan ako. “Brod anong problema? Sama mo makatingin ah? Naghahanap ka ba ng gulo?” Sa mga oras na iyon hindi ko alam kung bakit hindi ako nakapagtimpi, imbes na manahimik ay sinagot sagot ko pa ang lalaki.
“Bakit bawal ba tumingin? At ako lang ba ang tumitingin sa inyo? Kung ayaw mu pagtinginan kayo ng mga tao. Eh di umalis kayo dito?”  Sa sinabi kong iyon ay alam kong lalo lang itong nagalit. “Eh tarantado ka pala eh! Eh kami nauna dito tapos pinapaalis mo kami.”  Tumalikod na ko at akmang aalis na sana ako  pero bigla nitong hinawakan ang braso ko ng malakas at hinila pabalik.  “Huwag kang bastos, kinakausap pa kita.”  “At ako pa itong bastos, umayos ka at huwag mo ko utusan kung ano gagawin.”  Alam kong galit na ang lalaking kausap ko, hindi na ito at nakapagpigil. Sumuntok ito papunta sa mukha ko, pasalamat na lang at nakailag ako kaya hindi ako natamaan. Sa pagkabigla ay itinapon ko sa  kanya ang pagkain at mga inuming dala-dala ko. At itininulak ko ito ng malakas. Bigla itong tumayo ulit at nagtangkang sunggaban ako pero hindi na niya ito nagawa at inawat kami ng security guard at mga kasama niya.    Nagwawala at nagsisigaw  pa rin ito at kumakawala sa pagkakahawak ng mga kasama niya. Lahat yata ng customer sa may gasoline station at convenience store ay nakatingin na sa amin.  Hindi ko namalayan na si Vince na pala ang humahawak sa akin. “Thon ayos ka lang ba?  Nasaktan ka ba?”  “Ok lang ako, umalis na nga tayo dito baka hindi ako nakapagpigil tuluyang kong awayin at masapak ang lalaking iyan.  Akala niya uurungan ko siya”  Umalis na nga kami at isinakay muna ako ni Vince sa kotse at bumalik ito sa grupo ng lalaking nakasagutan ko.  Nagtataka ako kung bakit ang tagal niyang bumalik nang makita ko siya ay kinakausap niya yung lalaki at sa tingin ko ay magkasundong magkasundo sila.  Labis akong nagtaka sa nakita ko. Ang taong kanina lang akala mo kung sino akong pagsalitaan ngayon ay kasundong kasundo niya.  Imbes na puntahan siya at tanungin ay kinuha ko ang mga gamit ko at bumaba ng sasakyan at pumara ng bus papuntang Alabang. Tinext ko na lang siya “Nauna na ako. Ako na nga ang napahiya sa ugali ng tarantadong iyon tapos kasundong kasundo mo pa siya.” Panay ang tawag ni Vince sa celphone ko ngunit hindi ko sinasagot. Kahit na text ay di ako nagrereply sa sobrang inis sa nangyari.  Hindi ko namalayan na nasa bahay na pala ako ni Tito.  Magdamag pa ring tumatawag at nagtetext si Vince ngunit talagang ayaw ko itong sagutin. Nagtext pa siya na pupuntahan daw niya ako sa bahay ngunit sinabi ko sa kanya huwag na at baka lalo lang akong mainis.  Tumigil din siyang mangulit siguro ay nagsawa din ito.  Kinabukasan ay hindi ako nagparamdam kay Vince at itinuon ko ang atensyon ko sa trabaho.  Nang mga sumunod na araw ay halos gabi gabi kung maghintay siya sa park pagkatapos ko sa trabaho.  Para manahimik na lang at hindi na magtalo ay hindi ko na binabanggit sa kanya ang nangyari noong nagbibiyahe kami.   Ayoko din naman na magkalabuan kami dahil lang doon.

Isang Sabado ng gabi ay niyaya ako ni Vince na manood ng laro nilang basket ball sa may clubhouse ng subdivision.  Pinauna ko na siyang magpunta doon para makapag ensayo at makapaghanda. Ang makakalaban yata nila ay galing pa sa ibang lugar.  Nagpaaalam ako kay Tito na sa may club house lang ako at manonood ng laro.  Dinala ko ang bisikleta ni Tito. Nag-ikot ikot muna ako sa buong subdivision at nang papunta na ko sa may clubhouse ay may isang sasakyang halos sumabay sa takbo ko. Hindi ko naman maaninag kung sino dahil sobrang tinted ng sasaskyan.  Bumubisina pa ito ng pagkalakas lakas dahilan upang mabwist ako dahil masakit talaga sa tenga. Para itong nang iinis at binilisan ang takbo at tuluyang iniwan ako.  Napaisip na naman tuloy ako kung sino yung kaya ang taong iyon. Kahit masakit pa rin ang tenga ko ay binilisan ko na ang pagbibisikleta at baka di ko maabutan ang laro nina Vince.  Pagdating ko sa club house ay itinabi ko lang ang bisikletang dala ko at dumiretso na  ako sa  mga naglalaro ng basketball.   Hinanap ko si Vince at nakita kong naglalaro na pala ito.  Naupo ako sa may bandang harapan para agad niya  kong makita.  Tinawag ko siya at sabay kinawayan.  Pagkakita ko sa kanya ay parang nagmayabang ito sa paglalaro at laging gustong nasa kanya ang bola.  Lamang ang koponan nila . Tumawag ng timeout ang referee ng biglang umalis ang isang manlalaro ng kabilang koponan at nagulat ako sa nakita kung sino pumalit.  Ang lalaking nakaaway ko sa may convenience  store. Ang ngiti ko kanina ay napalitan ng inis. Kung nakakamatay lang ang masamang pagtitig ay baka pinaglalamayan na ang lalaking ito sa isip ko.   Gusto ko na sanang umalis ngunit nahihiya naman ako kay Vince at baka mag-away kami kasi nga expected niya akong nandoon.  Kahit asiwa akong manood ay tiniis ko na lamang. Pag napapadaan si Vince sa pwesto ko ay ngumingiti ito at sinusuklian ko din naman ito.  Simula ng pumasok sa court ang lalaking nakasagutan at muntik ko ng makaaway ay naging maagkadikit ang scores ng dalawang koponan. Minsan lamang ang koponan nina Vince at minsan ang kabila naman.  Sa huli ay sina Vince pa din ang nanalo.

 Pagkatapos ng laro ay nagpaalam na si Vince sa mga kasama niya at pinuntahan na niya ako. Pagkalapit nito sa akin ay napansin agad nito na parang wala ako sa mood. “Oh napaano ka? Parang biyernes santo yang mukha mo. Ang saya saya ko kasi nanalo kami at dahil yun sayo kasi nandito ang inspirasyon  ko.”  Sa sinabing iyon ay napangiti tuloy ako nang magsalita ulit ito.  “Siya nga pala may ipapakilala ako sa iyo. Best friend ko sobrang tagal ko na itong hindi nakikita at nakakasama kaya niyaya ko rin siya dito.  Isa siya sa mga nakalaban namin kanina.”  Pagkasabi noon ay papalapit ang lalaking nakaaway ko. Pagkakita pa lang sa kanya ay hindi na maipinta ang mukha ko. Bigla itong umakbay kay Vince. “ Hey Vince! Nice game! Mukhang mapapadalas na pagpunta ko dito hehehe!”  Sa isip ko hindi ko talaga kayang makiharap sa lalaking ito kaya nagpaalam ako kay Vince. “Vince, sige aalis na ko, baka mapaaaway na naman ko.” Dali dali akong umalis at hindi na hinayaang magsalita pa si Vince at kinuha ko ang bisikleta at mabilis na pinatakbo ito.

Sa daan habang umaaandar ang bisikleta ay biglang tumabi sa akin ang parehong sasakyan kanina nang papunta ako bago manood ng laro. Tumigil ako at bigla din itong tumigil nang biglang lumabas si Vince at ang lalaking kaaway ko. Kahit humihingal ay nagsalita pa din ako. “Pwede ba iwanan nyo na ako. Vince please lang  ayoko makipag-away sige na umalis na kayo. Saka na tayo mag-usap.”  “Thon sandali huwag ka naming ganyan. Sorry hindi ko kaagad sinabi sa iyo.” Biglang lumapit ang lalaking kaaway ko at nagpatuloy sa pagsasalita si Vince. “ Thon I would like you to meet my best friend Zandro.. and Zandro meet my buddy Thon Thon.”  Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. “What? Vince niloloko mo ba ako o pinagtitripan mo ko? ”  “Thon naman ugali ko ba iyon? Sorry,  if I wasn’t able to tell you . Remember last time nung mag-away kayo, I was surprised noong makita ko kung sino ang kaaway mo.  Hindi ba iniwan kita saglit sa car  tapos pinuntahan ko siya. Bigla mo kasi ako iniwan  eh gusto niya sana makipag-ayos sayo noon. I talked to him  na hindi niya dapat ginawa iyon sayo.  Nakinig naman siya, matagal ko na siyang best friend since high school kaya kilalang kilala ko na siya. Mabait siyang tao.  Tahimik lang ako at hindi nagsasalita nag lumapit si Zandro at kinuha ang kamay ko at nakipag kamay. Nang bigla itong magsalita. “Hey Thon, I’m sorry for what I’ve done. Sorry na! Please?  Medyo lasing lang kasi at maiinit ang ulo ko last time.  I know you’re still mad at me. Biniro pa kita kanina.  Hindi ko kasi expect na ikaw pa ang unang makikita ko  kesa kay best friend. Sorry ulit. Dapat hindi ko ginawa yun sayo kasi parang si best friend na rin ang inaway ko.” Tahimik pa din ako hindi umiimik medyo nabigla kasi ako sa nalaman ko nang magsalita ulit si Vince.  “Tara doon na tayo sa bahay tambay muna tayo at nang makakain. Nagpaluto ako kay manang.”   Hindi sana ako sasama ngunit bago pa ako tumanggi ay sinakyan ni Vince ang bisikletang gamit ko at pinasasakay ako sa sasakyan ni Zandro. Nanigurado itong hindi ako makakaalis. “Oh best friend ikaw na muna bahala sa baby ko ha? Mauna na ako. Sumunod na lang kayo!”  Pagkarinig ko sa sinabing iyon ni Vince ay namula at nahiya ako kasi may ibang taong nakakarinig. Nakatayo pa din ako at di sumasakay nang magasalita si Zandro. “Ehem, naiwan na tayo pare. Sakay ka na don,t worry hindi kita aawayin promise yun.” Sumakay na din ako at habang nagmamaneho ito ay nakipagkuwentuhan ito.  “Finally, nakilala ko din ang baby ng best friend ko.” Sa narinig kong iyon ay napayuko ako at iniwasang tumingin sa kanya. Napansin niya iyon at nagsalita ulit. “There’s nothing to worry.  Matagal ko na alam na may special na pagtingin sa iyo si best friend. Lagi niya akong sinasabihan tungkol sa iyo.  It’s ok I do understand your situation. Ako kaya ang laging hinihingan niya ng advice noong time na nahihirapan siya. Kahit yung sa inyo ni Kenjie na step brother niya ay alam ko. Kaya huwag ka na mahiya sa akin. Dapat nga ako ang dapat mahiya sa iyo hindi ba? So napatawad mo na ba ako. Can we be friends?

Sa narinig ko mula sa kanya ay nawala ang pangamba ko dahil nga alam nitong kami ni Vince.  Napangiti ako at tumango na lang sa kanya nang magsalita siya ulit. “Now I know kung bakit ganoon ka na lang kamahal ni best friend. Napakabait mo pala talaga at maunawain and sa smile mo pa lang ay talagang maiinlove  iyon sayo.”  Napatawa ako sa sinabi niyang iyon. Hindi naming namalayan na nasa bahay na pala kami nina Vince.  Nasa gate na si Vince at naghihintay sa amin. Pagkababa ay agad niya kaming sinalubong at  inakbayan ako. “Oh best friend ayos na ba kayo ni baby ko?” Tumango lang si Zandro at ngumiti. “Hindi ba sabi ko sayo mabait ito at maunawain. Kaya love ko to. Oh tara na kain na tayo at madami pa tayo pagkukuwentuhan. Matagal tagal din tayong di nagkasama best friend simula nang umuwi kayo ng Davao. Ngayong nandito ka na ulit kailangang bumawi ka hehehe. Pati na din sa baby ko siyempre.”  “ Oo naman sige sa susunod na buwan punta kayo sa bahay birthday ko.  Expect ko kayo  ha?”  “Mamaya na nga yang kulitan niyo tara kumain na tayo.” Ang pangungulit ko sa dalawa.  Pumasok na nga kami at kumain.   Hindi pa rin nagpapigil ang dalawa.   Habang kumakain ay tuloy pa rin ang biruan at kuwentuhan nila.

Pagkakain ay tumambay kami sa may hardin at doon ay ipinagpatuloy pa rin nila ang kanilang kuwentuhan. Matagal din kasi silang hindi nagkakasama although magkatxt at nagtatawagan naman sila ay iba pa rin siyempre ang personal na komustahan at kuwentuhan. Nang medyo lumalalim na ang gabi ay nagpaaalam na ko sa kanila na kailangan ko nang umuwi.  Si Zandro ay nagpaalam na din na kailangan na din nitong umuwi at babalik na lang daw sa mga susunod na araw.  Pinigilan ako ni Vince at sinabihang ihahatid ako nito.  Biglang nagsalita si Zandro “ Best friend isasabay ko na lang si baby mo. Idadaan ko na siya sa kanila. Pwede namang isakay dun sa likod ng sasakyan ko yung bike niya.” Ayaw ko sana kaso biglang sumangayon si Vince at wala na ko nagawa nang isakay na nito sa likod ng sasakyan ang bisikleta. “O sige best friend mag-iingat kayo.   Malapit lang naman si Thon.”  Umalis na nga kami ni Zandro at tinahak na ang daan patungo sa bahay nina Tito.  Habang nasa loob na sasakyan ay tahimik lang ako at nakikinig sa radio habang tumutugtog ito. Pagdating sa harapan ng bahay ay ibinaba naming ang bisikleta. Biglang lumabas si Tito at nakita kami. “ Oh Thon, papasukin mo muna yang bisista mo, ikaw na bahala, matutulog na ko maaga kasi ang punta ko bukas sa Tita mo.”  “Tito si Zandro po pala.”  “Magandang gabi po!”  “Magandang gabi din. Oh sige maiwan ko na kayo.”  Natulog na nga si Tito at iniwan kami ni Zandro. “Oh halika na dito sa loob. Ano ba gusto mo juice, kape o softdrinks?”  “Ha ah eh kape na lang para hindi antukin sa biyahe. Thon doon na lang tayo sa labas doon sa may malaking puno doon.  Mas masarap magkuwentuhan doon ” Itinuro ni Zandro ang puno sa may mini park.  “ O sige mauna ka na doon at magtitimpla lang ako ng kape.”  Nauna na siyang pumunta sa may park at sumunod ako pagkatapos magtimpla. Umupo ako sa tabi niya iniabot ko sa kanya ang isang tasa at sinimulan niyang inumin ito. Mga ilang nagparamdaman kami at nauna siyang magsalita. “Dito pala yung park na sinasabi ni Vince sa mga kuwento niya sa akin.  Pwede ba kitang matanong Thon? Sana huwag ka magalit? Hindi ba magakaibigan na rin naman tayo?”   Kinakabahan man sa magiging tanong ni Zandro ay umoo na lang ako.  “Sige wala namang problema doon.”  “Pwede mo namang sagutin o hindi nasa sa iyo iyon. Are u gay? Coz I’m looking at you, the way you carry your self, the way you speak wala kang bahid ng kabaklaan.  Sa tikas mong iyan madami kang mapapaibig na babae.   Why Kenjie and Vince?  Bakit sila pa?  Nang hihinayang lang ako.” Hindi ko alam kung sasagutin ba siya o mananahimik na lang ako. Nagsalita ulit ito at huningi ng paumanhin.  “ I’m sorry kung nabigla ka sa mga tanong ko.”  Napabuntong hininga na lang ako ng maalim at biglang nagsalita. “It’s ok, no need to worry. I don’t know. Hindi ko alam kung bakit ako nagkagusto sa kanila. Mahirap iexplain. Siguro bakla na nga but not the usual gay na nasa isip mo.  I still do have the feelings na humanga sa opposite sex. Mas nanaig pa din naman ang pagiging lalaki ko. Matagal ko nang nararamdaman ito but I never open it to my family and friends. Probably my family knows about this but we do not talked about it.   My priority is them. Naging  medyo open lang ako when I met Kenjie and Vince. Kahit na parang naging best friend ko si   Kenjie ni minsan ay hindi ko sinabi sa kanya that I’m falling in love with him.  Natatakot din ako. Napilitan akong umamin sa kanya para layuan ako but opposite ang nangyari. He confessed to me that he’s falling in love with me too. Doon nagumpisa ang lahat. Hindi na rin ako natakot ng umamin sa akin ang best friend mo.  Tinanggap ko siya kasi napamahal na ako sa kanya.   Hindi ko pa nga siya kilala ay minahal na niya ako. Laging nandoon si Vince kapag kailangan ko ng karamay. Hindi ko man siya sinansabihan ay lagi itong nakaantabay. Huwag mo sanang isipin na kasalanan ko kung bakit biglang nagbago ang isang bahagi ng buhay nila.” Umiiyak na pala ako habang nagsasalita.  “Gusto ko na ding tapusin ang lahat kasi nasasaktan na din ako lalo na sa nangyari sa amin ni Kenjie.  Ayoko sanang mahulog kay Vince ngunit hndi ko rin napigilan ang sarili ko.” Hindi ko namalayang marami na pala akong nasabi at naikuwento  kay Zandro. Nagpatuloy ako sa pag-iyak nang inakbayan ako niya ako at pinakalma.  “Sorry pare. Pasensiya ka na.  It’s ok huwag mo sisihin sarili mo.  As long you’re happy and you’re not hurting someone walang masama doon.   Sabi ko nga sayo kanina, na napakabait mo and now sa nalaman ko, hindi mo sila masisisi kung mahuhulog din ang loob nila sayo. Just be happy and enjoy life.” Napangiti akong bigla  sa sinabi niya.  Biglang tumunog ang celphone ko, tumatawag si Vince at agad ko naman itong sinagot “Nasa bahay ka na ba baby Thon Thon? Pasensiya ka na hindi kita naihatid. May pinapatapos kasi si Mommy. Si best friend Zandro ayos na ba talaga kayo. Talagang bati na ba kayo.?  “Ikaw talaga at kailan mo pa ako tinawag na baby hahahah. Ayos lang iyon. Sabi ko nga sa iyo kahit ako na lang eh may bisikleta naman.  Oo naman bati na kami ng best friend mo. Nandito pa nga siya pinagkape ko muna para hindi antukin sa biyahe niya. Gusto mo bang kausapin?”  “Hindi na.  O sige good night na baby. Matulog ka na din pag-alis niya ha?” “Baby ka na naman diyan. O sige na good night din.” Pagkababa ko ng celphone ay napansin kong sobrang nakatitig si Zandro sa akin.  Bigla akong nagsalita at parang natauhan ito. “Ehem ehem? May problema ba? May dumi ba ko sa mukha.” Kahit na biniro ko siya ay nakangiti pa rin naman ako para hindi siya mahiya. “Ha ah eh wala naman. Cute lang ng mga mata mo tsinito hehehe. Oh mauuna  na ako medyo late na din!  See you next time.”  Bago siya umalis ay nagpalitan kami ng cellphone number.

Pumasok na din ako ng bahay nang may nagtxt sa celphone ko.  “Thon salamat ulit napatawad  mo na ako.  Just stay the same. Good night. See you soon…Zandro.”  “Nagreply naman ako “It’s ok, huwag mo na isispin yo. Past is past. Ingat God Bless din.”

            Lumipas pa ang mga araw.  Normal pa rin takbo ng buhay ko. Masaya naman ako sa trabaho at siyempre sa piling ni Vince.  Naging routine na namin ang lumabas ao tumamabay sa kanila pag weekends dahil iyon lang kasi ang mahaba habang oras na meron ako. Si Vince naman kasi ay hawak niya ang oras niya kasi family business din naman ang inaasikaso niya. Pag lumalabas kami ay lagi naming kasama si Zandro. Madalas siya pa ang pinagddrive ni Vince at nakapuwesto kami sa likod ng drivers seat para magkatabi.  Hindi na rin ako nahihiya kay Zandro kasi palagay na ang loob ko dito. Madalas na nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Vince Habang yakap yakap ako.  Sa maga pagkakataong ganito ay alan kong palihim kung makatitig si Zandro sa amin. Lagi ko itong nahuhuli at wala naman ito sa akin kasi nga sobrang tiwala ko na din sa kanya gaya ni Vince.  Nginingitian ko na lamang ito.
            Isang araw pauwi na ako  sana ako ng biglang tumawag si Zandro.  “Thon nasaan ka ngayon?”  “Bakit? Heto papalabas na sa trabaho at uuwi na.”   “Nandito ako sa harapan ng  company building niyo.  Tara sabay ka na sa akin.”  Paglabas ko ay nakita ko kaagad si Zandro at talagang inaabangan ako nito. “Napasugod ka? Ano pala ginagawa mo dito?”  “Wala naman. Inutusan lang ako ni Tita malapit dito. Bagay na bagay sayo uniform mo ah. Napaka formal mong tingnan hehehe. Eksakto namang tumawag si best friend nag-aayang magbasket ball sinabi ko kung nasaan ako. Hayun sabi niya tawagan daw kita at kung gusto mo sumabay sa akin tutal papunta na din ako doon. Nakabihis panlaro na nga ako oh.  Hind ko inaalis yung ibang gamit ko dito sa car. Parang bahay ko na din ito. Pag emergency gaya nito, nag-yaya si best friend ready agad ako.  Tinignan kong mabuti si Zandro . Hindi naman nalalayo ang taas naming sa isa’t isa. Ngayon ko lang napansin kahit hindi kagwapuhan nito ay napakalakas ng sex appeal. Batak na batak ang katawan dahil na rin siguro sa kakalaro ng basketball. Pinoy na pinoy ang hitsura ngunit matangkad ito. I think average height ng Pinoy is 5’6 or 5’7 samantalang siya ay 5’10. Nahinto ang pag-iisip ko ng biglang hatakin nito ang kamay ko. “Hoy tara na, para kang nakaapak ng nuno diyan ah?”  Sabay na lang kaming tumawa. Sa loob ng sasakyan ay nagkuwento si Zandro tungkol sa mga kalokohan nilang mag best friend.  Doon ko napagtanto na kahit tahimik pala si Vince ay loko loko din pala ito kahit papaano. Nasa gate na kami ng subdivision ng may tumatawag sa celphone ni Zandro.  “Hello? Oh best friend nandito na kami sa gate nasaan ka na ba? Kasama ko na baby mo.”  Si Vince pala ang tumatawag. “Best friend pasensiya na baka hindi ako umabot sa laro, emergency lang,  humingi lang kasi ng favor si Daddy. Samahan ko daw siyang pumunta sa meeting niya sa Manila. Wala kasi si Manong walang magmamaneho para sa kanya. Minsan lang naman humingi ng pabor kaya hindi ko matangggihan.  Pwede ka pa rin maglaro doon ibibilin na lang kita sa mga team mate ko.”- si Vince  “Ah ganoon ba? Ayos lang iyon.  Madami pa naman sususnod. Ingat na lang sa pagmamaneho. Best Friend pwede ko ba isama baby mo Mag foofoodtrip lang kami ayos lang ba sa  iyo?   Medyo gutom lang kasi ako.” – si Zandro    “Oo naman sige basta ingat din kayo txt niyo na lang ako. Ikiss mo na lang ako sa baby ko hahahah. Uy joke lang iyon sige na bye…….-“si Vince.  Bigla akong tiningnan ni Zandro,  nahiya ako sa kanya kahit papaano ay narinig ko pag-uusap nila. “Oh Bakit iba ka makatingin. Umayos ka nga.”   “Narinig mo naman si best friend di ba? Sabi niya ikiss ko daw siya sa yo.  Oh ready ka na?” Kahit na nagbibiro lang siya ay sobrang namula ako at kinabahan. “Sige subukan mo suntok abot mo!”   “Hahahaha binibiro ka lang. Inaway pa ako ni best friend! Oh maya ka na uwi hindi ba sabi ko sa iyo kakain tayo. Saan mo ba gustong pumunta at kumain?   “Ikaw itong gutom hindi ako kaya bahala ka na.”  Iniliko ulit ni Zandro ang sasakyan at pumunta kami sa isang eat all you can restaurant . Hindi ako makapaniwala sa sobrang dami ng nakain ni Zandro. Wala man siguro sa sa kalahati ang nakain ko sa nakain niya.  “Ano ka ba may paglalagyan pa ba yang kinakain mo? sobrang dami na iyan ah? Baka pumutok na iyang tiyan mo.”   “Don’t worry paminsan minsan lang to sabi ko nga food trip diba sabay kindat sa akin. Napailing na lang ako kasi nga sa sobra sobrang kinakain niya. Pagkatapos kumain ay sinabi ko sa kanya na uuwi na ko, at magcocomute na lang total malapit lang para hindi na rin siya madis oras sa paguwi.  Ngunit Hindi ito pumayag at pilit pa rin akong hinatid sa bahay.  Habang nagmamanheo ito ay parang pinapagalitan pa ako nito. “Gusto mo bang magalit sa akin best friend ko? Ano na lang sasabihin niya kapag nalaman niyang pinabayaan kitang umuwi ka ng mag-isa. Ako ang pumilit sa kanya na isama ka tapos papabayaan kita. Nagenjoy naman ako kasama ka. Kaya ulitin natin ito ha? At……..” Bigla akong nagsalita kahit hindi pa ito tapos at prang may sasabihin pa, “Dapat kasama na si Vince…..” Bigla itong nanahimik at simpleng ngiti na lang ang sinagot at hindi na ako nito kinibo.  Nagtataka ako kung bakit ganoon na lang ang inasal nito. Pagdating sa bahay ay tumambay muna kami sa park.  Hindi ako mapakali at talagang inusisa ko siya.  “Uy bakit sobrang tahimik mo? Is there something wrong? Kanina napaka ingay at napaka sigla mo tapos ngayon napakatahimik mo. May nagawa ba ako? Magsalita ka naman…”   “Parang natauhan ito at nagsalita na rin sa wakas.  “ Pasensiya kana may bigla lang kasi akong naisip. Huwag mo ko intindihin. …” nang bigla nitong iniba ang usapan. “Oh ayan siguro naman hindi na ko aawayin ni best friend…kasi safe na kitang hinatid.  O paano ba yan mauna na ko ha? Kailangan mo nang magpahinga at medyo malayo pa biyahe ko.”   “ Sigurado ka bang Ok ka lan? Para kasing may gusto kang sabihin kanina. Huwag ka na mahiya magkaibigan naman tayo sige na.”   “Kulit ni Thon thon oh, wala talaga ayos lang ako…. Oh sige na aalis na ko.”  Kakausapin ko pa sana siya ng nagmamadali itong umalis. Pumasok na din ako at nagpahinga na at maaga na naman bukas ang pasok ko sa trabaho.

            Samantala……

            Sa daanan habang nagmamaneho si Zandro ay hindi maalis alis sa isip niya ang ginawa niya kanina. Kung bakit bigla na lamang nag-iba ang timpla ng ugali nito kaninang sinabi niThon na dapat kasama na si Vince. Bigla na lamang nitong kinausap ang sarili  “Zandro mali itong nararamdaman mo huwag ka na maikasali sa kanila……Ahhhh…Ano ba dapat kong gawin? Ang iwasan ka ba Thon.. parang mahirap yata….Ayaw ko ding saktan best friend ko… Isa pa hindi ako bakla para magkagusto sa kanya….. Shit….. Fuck this feeling. Gulong gulo isip ni Zandro… Bigla siyang tumigil sa isang parking area ng isang gasoline station sa may Alabang. Hindi sinasadyang nakita niyang lumabas sa isang shoppe si Vince at may kasamang babae. Kilala ni Zandro ang babae. Dali dali niya itong nilapitan at pinuntahan.  Nabigla si Vince at parang di makapagsalita nang makita niya ang best friend… “Oh best friend I thought ipagmamaneho mo Daddy niyo.  Bakit magkasama kayo ni Candy?

(*** Si Candy ay kababata ni Zandro. Ipinakilala siya nito kay Vince noong last birthday nito. Hindi alam ni Zandro na lihim palang nagtatagpo at nagdadate ang dalawa. Kung kailan at saan ay wala siyang ideya dahil ni minsan ay walang nababanggit sa kanya si Vince.***)  “Ha ah eh…kwannnn…..”Hindi alam ni Vince ang idadahilan.  Upang hindi mapahiya kinausap ni Zandro si Candy at ipinagpaalam nito si Vince.  “Candy hiramin ko lang saglit best friend ko ha? May paguusapan lang kami. Saglit lang naman.” Sumunod naman si Candy at sumakay na kang sa kotse ni Vince.  Pagkaalis ni Candy ay sinimulan ng magsalita ni Zandro. “Best Friend madami ka dapat ipaliwanag….. Kailan pa kayo lumalabas ni Candy. Kayo na ba? Bakit hindi mo sinabi. Alam ba ito ni Thon?” Hindi makasagot si Vince. Tahimik lang ito. “Kailan pa ba kayo ni Candy?  Mag-aaya kang maglalaro tayo tapos idadahilan mo pa Daddy mo.  Best Friend please lang ayusin mo yan.  Napakabait ni Thon Thon sa iyo. Sana naman huwag mo naman siyang saktan katulad ng ginawa ng step brother mo.  Si Candy din sigurado ako wala iyang alam sa mga nangyayari sayo. Malapit ako kay Candy pati na rin sa baby mo.  Please lang best friend huwag mo akong piliting sabihin sa isa sa kanila ang ginagawa mo. Best Friend kita kaya ayokong gumagawa ka ng kalokohan.  Pagsisihan mo yan sa bandang huli. ”  Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Vince at ito’y nagsalita. “Best friend pasensiya ka na kung hindi ko nasabi sayo ang tungkol sa amin ni Candy.  Hindi ko rin inaaasahan ito. Matagal na kaming walang komunikasyon .  Last month lang nang mag krus ulit ang landas namin.  Simula noon ay parang nahuhulog ang loob ko sa kanya hindi ko maipaliwanag….”  Biglang sumagot si Zandro, “Paano si Thon Thon? Napa ka unfair mo naman.  Ano yung mga pinakita mo sa kanya. Totoo bang lahat iyon?”   “Oo totoong lahat iyon.. Hindi ko rin naman siguro kasalanan na mainlove sa opposite sex.”  Iba ang pagmamahal ko kay Thon Thon mahirap ipaliwanag  pero iba din ang pagmamahal na nadarama ko kay Candy.  Sobrang naguguluhan na ko.  Huwag ka na muna sanang dumagdag pa. Susubukan kong ayusin ito.”  Napailing na lang si Zandro at nagpaalam na aalis na ito. “Sige aalis na ko sana pag nagkita tayo ulit ayos na iyan. Ingatan mo sana ang taong nagpapahalaga sa iyo… Mahirap ibalik ang tiwalang nasira Vince……….”

            Lumipas ang mga araw. Unti unting nagbago si Vince.  Nagkikita pa rin naman kami at nagkakasama pero parang iba ang nasa isip nito pag kasama mo ito. Tinatanong ko pa nga ito kung masaya pa ba ito sa piling ko. Laging umooo naman ito dahilan upang hindi ko na siya kulitin pa. Naging busy man ako sa trabaho ay hindi naman ako nakakalimot na magparamdam sa kanya. Naglalaan pa rin ako ng oras  para sa kanya. Ngunit pakiramdam ko parang wala pa rin ako sa kanya.  Isang araw after ng trabaho ay tinawagan ko si Vince kung pwedeng magkita kami.  Sinabi nito na nasa meeting ito kasama ang mga kliyente nila.  Nagsorry na lang ako sa kanya kasi nga ay nakaistorbo pala ako sa maga oras na iyon.  Papauwi na sana ako ng makiusap magpasama ang isa sa mga office mate ko sa mall at may bibilhin daw itong regalo para sa asawa niya.  Pumayag naman ako kasi nga ay hindi rin naman kami magkikta ni Vince. Pagdating sa mall ay nagyaya muna ang kasama kong magmerienda sa food Court. Pumuwesto kami sa may bandang gilid para hindi masyadong  nadadaanan ng mga tao. Habang Kumakain ay bigla akong napatingin sa mga taong dumaraan sa may bandang hallway.  Parang nakita ko si Vince at may kasamang babae.  Bigla akong tumayo at pumunta sa hallway at tinignan ko kung si Vince nga ang nakita ko. Bigla itong nawala at inisip ko na lang na baka namamalikmata lang ako. Napansin ito ng kasama ko at nagtanong. “Thon bakit? Sino nakita mo at nagmamadali kang pumunta doon?”   “Ha? Ahhh wala kuya akala ko kakilala ko. Hindi pala medyo kahawig lang.”  pagkapaos kumain ay pumunta kami sa loob ng isang jewelry store. Walang customer ang shoppe kaya todo asikaso ang ginawa ng mga sales staff sa kasama ko. “Thon bagay kayak ay misis itong hikaw na ito?”  “Kahit alin pa diyan kuya ang importante galing sa iyo hindi ba?” Nginitian ko na lang si Kuya at nagpaalam na hintayin ko siya sa labas ng shoppe.   Hindi sinasadyang mapatingin ako sa loob ng isang boutique nang makita ko si Vince at may kasama nga ito. Sigurado akong siya iyon. Hindi pala ako nagkamali sa nakita ko kanina.  Pumuwesto ako ng medyo nakatago para hindi mapansin ni ni Vince. Tinawagan ko ito at sinagot naman niya ito ngunit parang mataas ang boses nito. “Ano ka ba? Di ba nasa meeting ako. Mamaya na lang tayo mag-usap,” at binababaan ako ng telepono. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko. Kitang kita ko kung papaanong maglambingan ang babae at si Vince.  Daig pa nila ang magsyota.  Hindi na ko nag-isip.  Ang sigurado ko nagsisinungaling si Vince at niloloko ako nito.   Natauhan lang ako ng may magsalita sa likod ko, si Kuya pala. “Thon napaano ka? Bakit parang nanginginig at namumutla ka? Tara  uwi na tayo. Nabilhan ko na ng regalo si misis.”  “Wala kuya, tara na.”  Umalis na nga kami at nakatingin pa rin ako sa puwesto nina Vince….

            Wala akong sinabi kay Vince sa mga nakita ko.  Kahit alam kong niloloko na niya ako ay hindi nagbago ang pakikitungo ko sa kanya.  Dumating ang araw ng kaarawan ni Zandro. Sinundo ako ni Vince at pumunta kami sa bahay nila.  Akala ko ay simpleng birthday party lang.  halos lahat ng kaiabiga niya ay nandoon at mga kabarkada niya. Pagkakita sa amin agad lumapit ito.  “Best friend akala ko hindi na kayo makakapunta.  I’m happy na magkasama kayo ng baby mo.  Wala na bang problema at ayos na ba?”       Sa sinabing iyon ni Zandro ay napaisip akong bigla.  Kinutuban akong may alam ito sa mga ginagawa ni Vince.”  Sa takot sigurong malaman ko ang mga ginagawa ni Vince bigla nitong iniba ang usapan. “Ahhhh….Problema? Best friend palabiro ka talaga.  Heto gift mo….. Si Thon namili niyan…..”  “Tara pasok na kayo at ng makakain at makainom…”  Pumasok na nga kami.  Pgkakain ay ipinakilala kami ni Zandro sa  mga ibang kaibigan niya.  Ayoko mang uminom ng gabing iyon ay napainom na din ako. Isinali kami ni Zandro sa mga kaibigan niya at isinama kami ng mga ito sa inuman nila. Medyo may tama na si Vince sa nakikita ko hindi kasi ito tumatanggi pag inaalok siya. Kahit na naparami inom ko ay normal pa din takbo ng utak ko. Bigla na lang may umupong babae sa gitna naming ni Vince.  Nang makita ko jung sino ay agad ko itong nakilala. Ang babaeng kasama ni Vince sa mall.  “Ohhhhh Candy   hikkk late ka na dumating sa birthday ni best friend…”- si Vince    “Pasensiya na galing pa kasi ako ng Bulacan buti at nakahabol ako.” – si Candy .  “By the way Candy si Thon thon….ahhhh hik…”   Hindi ako nagpahalata na alam ko ang namamagitan sa kanila. Nakipagkamay ako at kinumusta pa siya.  tuloy tuloy pa din ang inuman ng biglang tumayo si Candy at nagpatulong kay Vince na may kukunin lang daw sa loob ng bahay nina Zandro.   Hindi na lang ako umimik. Dahil na rin siguro sa nainom ko ay lumakas ang loob ko. Sinundan ko ang dalawa sa loob ng bahay.  Abala ang mga bisita ni Zandro sa kasiyahan. Pagdating sa loob ng bahay ay nakitakong pumasok ang dalawa isang kuwarto.  Bigla akong pinagpawisan ng  malamig at sobrang kinakabahan.  Hindi ko pa nararamdaman ang ganito sa tanang buhay ko.  Pumunta ako sa may pintuan at nakiramdam. Lalong bumilis ang tibok ng  puso ko ng marinig ko ang mga ungol na nagmumula sa kuwarto. “Ohhhhhhh. Shit Vince Ahhhhhhhhh. Namisss ko to ahhhhhhhh. Isagad mo pahhh.”  “Aahhhhhh Nkakabaliw ka talaga Candy…… Ahhhhhh.  ”    “Pagsawaan mo katawan ko…. Sige pa Vince ahhhh malapit na ko…. “    “Hintayin mo ko Candy sabay tayoooooooo….” Hindi ko namalayang tumutulo na pala luha ko. Binuksan ko ang pinto ng dahan dahan. Parang akong sinaksak sa nasaksihan ko. Si Vince at Candy magkapatong at ninanamnam ang makamundong pagsasalo. Isinara ko ang pinto at napaluhod akong lumuluha at bumulong sa sarili. “Vince bakit!!! Sabi mo hindi mo ko sasaktan…Napakasinungaling mo” Gusto kong magwala sa mga oras na iyon. Ngunit hindi ako makaalis sa kinalalagyan ko. Naramdaman kong may tao sa likod ko. Sumilip din ito sa pintuan.  Napailing ito sa nakita.  Si Zandro pala. Tinulungan niya akong tumayo at inilayo sa kinalalagyan ko. Lumabas kami ng bahay at umupo sa may garden pero malayo sa mga bisita.

            “Ayos ka lang ba?” Hindi ako makasagot ngunit patuloy ang pagtulo ng luha ko.  Mga ilang minuto akong tahimik at nandoon lang din si Zandro. Tumayo ako, nag-ayos ng sarili at nagsalita.  “Tara na inuman na tayo.”  Hindi pa man ito sumasagot ay nauna na kong umalis at bumalik sa grupo ng mga kaibigan ni Zandro.

            Nagpakalasing ako ng gabing iyom ngunit kahit anong gawin ko ay di pa rin maalis alis sa isip ko ang ginawa ni Vince. Maya-maya lang ay bumalik si Vince mag-isa na lang at wala na si Candy.  Umupo ito kaagad sa tabi na parang walang nagyari. Pagkaupo nito ay binulungan ko siya. “Kumusta? Napalaban ka yata? Akala mo ikaw lang. Napakasinungaling mong tao.” Pagkasabi ko ng mga salitang iyon ay bigla kong siniil ng mapusok na halik ang isa sa mga babaeng kaibigan ni Zandro. Kulang na lang maglaban ang gaming mga dila. Hindi naman ito tumutol. Alam kong may tama ito sa akin dahil Para itong sawa kung makakapit at nagpapahiwatig.  Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para ipamukha kay Vince ang kasalanan niya. Dahil sa lasing na nga ang mga tao doon ay kaagad akong tumayo at lumayo pagkatapos kong gawin iyon.  Tumakbo akong mabilis makalayo lamang ngunit hinabol ako ni Vince . Nang maabutan niya ako ay hindi ako nakapgpigil at isang malakas na suntok ang pinakawalan ko. Tumama ito sa mukha niya at ito’y natumba. Sumunod din pala si Zandro nang makita niyang tumatakbo ako papalayo. Pagkakita sa aming dalawa ni Vince ay kaagad niya iting tinulunganng tumayo, nang magsalita si Vince. “Para saan iyon? And why are you kissing that girl? Sa harap ko pa. Bastusan na ba ito? “Bigla akong namula sa galit at humagulgol ng iyak sa sinabing iyon ni Vince? Hindi ko napigilang sagutin siya “Bastusan ba kamo?   Sino kaya ang mas bastos sa ating dalawa. Napaka sinungaling mo.  Akala mo wala akong alam? Nagbulagbulagan ako sa nakita ko Vince.  Akala ko wala lang iyon.  Hindi pala…… Napakasinugaling mong tao. Nagtiwala ako sa iyo…..Tinawagan kita dati kung pwedeng magkita tayo anong idinahilan mo? Nasa meeting ka? Punyetang meeting iyan.  Akala mo hindi ko kayo nakita ni Candy. Tapos ikaw pa tong may ganang magalit…. Pinalampas ko iyon!!! Wala pa ring nagbago sa akin .. Eh ikaw anong ginagawa mo. Nagpapakasarap at nagpapakaligaya samantalang sinasaktan mo na ko….. Ang masakit pa kanina…. Vince…. Nakita ko  na naman kayo ni Candy…. Hindi na kayo nahiya at ginawa niyo pa kababuyan niyo sa bahay ng best friend mo…....Anooo Vince…… Magsalita ka…..Sino kaya ang mas bastos sa ating dalawa……Mas masahol ka pa kay Kenjie……. Patuloy pa din ang pag-iyak ko at tuluyan kong iniwan ang dalawa.  Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko….

             Katahimikan ang bumalot sa dalawa.  Walang gustong magsalita.  Si Zandro ay naaawa kay Thon Thon.  Hindi na rin ito nakatiis at binasag ang katahimikan.  “Masaya ka ba ngayon best friend?   Hindi ako nagkulang ng paalala sa iyo.   Kahit sinong napakabait na tao pag napuno ay sumasabog din… Naiisip mo sana sa simula pa lang na darating sa ganito.  Nakakalungkot lang sobrang bait at mahal ka ng tao.”  Wala pa ring imik si Vince, tahimik at nag-iisip.  Nagpatuloy sa pagsasalita si Zandro.  “Alam mo sa konting panahon na nakilala at nakakasama ko si Thon hindi siya mahirap pakisamahan.  Masaya siya kung anong meron siya at pinapahalagahan niya iyon. Sige aaminin ko sa iyo best friend, nahuhulog na din yata ako sa baby mo.  Hindi ko rin ginusto ito. Siguro the way na nakikita ko kung gaano ka niya kamahal at alagaan ay naiisip ko na sana maranasan ko iyon. Napaka swerte mo sa kanya…Binigyan ka na nga niya ng pagkakataong maranasan mo ang pagmamahal na ibinigay niya kay Kenjie ngunit anong ginawa mo?  Tama si Thon best friend, dinaig mo pa si Kenjie.”  Unti unting tumulo mga luha ni Vince.   Naguguluhan at nagmamadaling sumakay ng kotse at umalis.

            Mga isang Linggo ang lumipas.   Simula ng mangyari ang insidente sa birthday party ni Zandro ay hindi na ko nagparamdam kay Vince.  Kahit siya ay hindi na din nagparamdam.   Itinuon ko ang oras ko sa trabaho.  Halos araw araw ay nag oovertime ako para hindi ko maisip si Vince.  Bahay trabaho bahay trabaho ang naging routine ko. Kahit papaano ay nakalimutan ko si Vince.  Isang Lingo ng umaga ay naiisipan kong magsimba dahil matagal tagal na din ang huli kong pagsimba.  Pagpasok ko ng simbahan ay naupo ako sa bandang hulihan malapit sa gitna na  ng misa at tinawag ang mga magooffer sa altar.  Nabigla ako sa nakita ko at papalapit sa pwesto ko si Vince, si Manang, si Dr. Cruz at si Kenjie.  Nakita at nilapitan ni Manang. Nagmano pa ako dito.  Si Vince ay hindi makatingin ng diretso.   Si Kenjie ay panay ang sulyap sa akin na parang hindi mapakali at parang gustong makipag-usap.  Nang tapos ng makapag-offer sina Manang ay napansin kong nagmamadaling umalis si Kenjie.  Hindi ko na lang ito pinansin at itinuon ang atensyon ko sa misa.  Ilang sandali lang ay hindi ko napansin na may tumabi sa bandang kanan ko. Pagtingin ko si Kenjie.  Nakangiti lang ito.  Hindi ko na lang siya pinansin.  Sa huling bahagi ng misa ay kinanta na ang Ama Namin.  Lahat ng tao ay naghawak hawak ng mga kamay.   Hindi ko itinaas ang kanang kamay ko para hindi mahawakan ni Kenjie, ngunit siya mismo ang kumuha ng kamay ko at itinaas ito, kinakabahan na ako sa mga oras na iyon.   Pagkatapos ng misa nagmamadali akong lumabas ng simbahan para iwasan si Kenjie.  Habang naglalakad pauwi ay napapabulong ako sa sarili ko.  Kahit galing pa ako ng misa ay hindi ko naiwasang magsabi ng masama kina Vince at Kenjie, nang biglang tumigil ang isang kotse sa tapat ko.   Pagbukas ng pinto nito si Manang “ Thon tara sabay ka na sa amin.  Sa may rest house ang tuloy namin.”   “Huwag na po Manang maglalakad na lang po ako.”   “Ano ka bang bata ka tara na. Parang hindi mo naman mga kaibigan sina Vince at Kenjie.” Nang biglang magsalita si Dr. Cruz “ Tara na Thon sabay ka na sa amin. Gusto rin kitang pasalamatan ng personal. Sige na! May konting salo salo sa rest house pinaluto ko dahil kadarating lang ni Kenjie. Tara na.!! Doon ka na likod sa tabi nina Vince at Kenjie.”  Ayaw ko man sana ay nahihiya naman akong tumanggi kay Dr. Cruz.  Bumaba muna si Kenjie a pinasakay ako tapos ay pumasok na din ito.  Nasa gitna ako ng dalawa.  Tahimik lang ako at walang imik. Si Kenjie naman ay panay ang ngiti sa akin na parang bata. Si Vince naman ay sa bintana nakatingin….at malayo ang iniisip.

            Pagdating sa rest house ay nakahanda na ang hapag kainan.  Halos hindi rin ako makain dahil sa kabang nararamdaman. Habang kumakain ay nagsalita si Dr. Cruz, nagpasalamat sa akin sa lahat ng kabutihang nagawa ko sa anak niyang si Kenjie at sa malaking pagbabago nito.   Hindi rin ako masyadong nagsasalita at panay ngiti lang ginagawa ko. Si Vince ay alam kung tumitingin sa akin ngunit talagang hindi ko siya pinapansin.. Nang matapos kumain at nakapagpahinga ay nagpaalam na ako.  Ayaw pa akong paalisin ni Manang ngunit nagpumilit na din ako dahil hindi ko rin kayang tumagal kasama sina Vince at Kenjie.  Umalis na ako. Habang naglalakad pauwi ay biglang tumigil ang isang kotse.  Sinundan ako ni Kenjie at pinapasakay dito. “Thon usap tayo sige na!! Magpapaliwag ako.  Please sakay ka na.”  Tila wala akong naririnig at itinuloy ang paglalakad.   Bigla itong bumaba at hinila ako at pilit na pinasakay sa kotse. Dahil sa araw iyon ay sumakay na din ako at baka may makakita pa amin sa daan na nagtatalo at baka ano isipin pa ng mga ito. Pinaandar niya ang kotse at lumabas kami ng subdivision.  Nang makakita si Kenjie ng isang bakanteng lote ay ipinarada niya ang sasakyan sa lilim ng isang puno. Sinimulan ulit nitong magsalita. “Thon nandito na ako..…. Sobrang miss kita. Pasensiya ka na kung matagal akong hindi nagparamdam. Hinanap ko sarili ko kaya naisipan kong lumayo.  Sana maintindihan mo.  Gusto kita kaya lang naiisip ko madalas kung tama bang mahalin ka talaga.  Gusto kong alisin ang pag-aalinlangan sa puso ko.  Ngayon nandito na ako, sana mapatawad mo ako.  I love you..mahal na mahal…..”   Hindi pa tapos itong magsalita ng di ko mapigilang maglabas ng sama ng loob.   “Putang inang pagmamahal iyan… Tigilan mo ko Kenjie… Huwag mo na paikutin ulo ko. Sawang sawa na ako.  Mabuti pang hindi ka na nagpakita ulit.  Pagmamahal ba tawag mo diyan.   Ginawa kong lahat Kenjie.  Alam mong minahal kita ng sobra.  Nasaan ka.  Iniwan mo ako. Hindi ako nagkulang sa iyo. Kung may problema ka sabihin mo hindi na lang na parang bula ka na mawawala.  Para ano pa ang silbi ko sa buhay mo kung binabale wala mo ako.  Wala kang tawag, walang text ano  iyon.  Tumatawag ako araw araw sa iyo nasaan ka? Binababaan mo ako pa ko. . Noong kaarawan ko nasaan ka.  May usapan na tayo, Naalala mo ba ko ako. Importanteng araw ng buhay ko gusto kong makasama ang isa sa mga mahalagang tao sa buhay ko, ngunit anong ginawa mo Kenjie.........”   Umiiyak na ko sa mga sandaling iyon.. Akmang yayakapin ako ni Kenjie ngunit itinulak ko ito palayo at nagsalita ulit.  “Sige Kenjie para magkaalaman na para tigilan mo na rin ako…. Noong mga panahong wala ka may isang taong nagparamdam at pinunan ang mga  pagkukulang mo…. Gusto mong malaman kung sino?” Hindi makasagot si Kenjie.  “Ang taong iyon ang step brother mo..   Akala ko makakalimutan ko ang masasakit na mga bagay na ginawa mo. Kaplastikan lang pala ang lahat. Parehas lang kayo. Mga manloloko. Gustong gusto niyong magpa-asa ng tao. Huling beses ko na itong pakikipag usap sa yo. Sabihin mo rin kay Vince magsaya na siya.   Tigilan niyo na ako.” Bigla akong lumabas ng kotse at mabilis na umalis. Hinabol ako ni Kenjie ngunit hindi na ako nito inabutan…..



            Mabilis na umuwi si Kenjie at hinanap Si Vince….nasa garden ito nakaupo at tila may malalim na iniisip. “Vince! Vince!” sumisigaw, pagkakita kay Vince ay agd itong nagsalita, “Vince magtapat ka nga, may dapat ba akong malaman? May namamagitan ba sa inyo ni Thon Thon? Nang mga panahong wala ako dito anong nagyari sa inyong dalawa?  Anong ginawa mo sa kanya?” Wala pa ring imik si Vince tila walang naririnig. “Sumagot ka anong ginawa mo sa kanya?”  Tumayo si Vince at sumagot “Kung makapagtanong ka akala mo wala kang ginawa, bakit nasan ka ba noong kailangan ka niya? Wala ka? Hinahanap hanap ka niya. Kaya huwag mo kong pagsalitaan ng ganyan. Parehas lang tayong may kasalanan  Kenjie.  Nakokonsensiya ako ngayon sa ginawa ko sa kanya. Sobrang nahihiya na ako.  Hindi ko kayang harapin si Thon Thon .  Alam mo bago mo pa siya minahal, minahal ko na siya. Nagkaroon ako ng pagkakataong maramdaman ang pagmamahal niya noong iniwan mo siya.   Sobrang inggit ko sayo noong mga panahong magkasama kayo at sobrang saya niyo.   Ngayon wala na, katulad mo sinayang ko din ang pagkakataon. Hindi ko alam kung kaya ko pang kunin ang tiwala niya…,” biglang tumahimik ang dalawa.

            Dahil sa ginagawa kong abala ang sarili ko sa trabaho ay kahit papaano ay nakakalimutan ko sina Vince at Kenjie.  Isang araw ay kinausap ako ng aking boss kung pwede daw ba akong iassign sa Maynila sa opisina namin doon at sagot daw naman ng kumpanya ang pamasahe at allowance. Pumayag na din ako  dahil mas makakalimutan ko ang mga nangyari  sa akin pag mas malayo ako. Nag-paalam ako kay Tito na bubukod na ako at mangungupahan ako ng maliit na kuwarto sa Maynila dahil sa ililipat na nga ako.  Nalulungkot man si Tito ay wala na din itong nagawa sa desisyon ko. Ang totoo’y kaya ko namang mag-uwian ngunit mas ginusto kong doon na lang mangupahan dahil na rin gusto ko talagang makalimot sa mga nangyari.  Isang araw bago ako umalis kina Tito ay naisipan kong tumambay ng magisa ulit sa park dahil matagal tagal bago ako makakabalik dito. Dis oras na ng gabi noon ng may nakita akong tao sa gate kausap ni Tito. Hindi ko masyadong mamukhaan dahil sa malayo ako at medyo madilim. Nakita kong umalis na ang lalaki at patungo sa kinauupuna ko. Nang mapagtatnto kong si Kenjie.  Pagkalapit nito ay kinausap ako agad nito. “Thon, Ok lang kahit di ka magsalita.  Gusto ko lang malaman mo na aalis na ko. Sasama na ko kay Daddy sa isang araw sa Canada. Doon na kami mamalagi kasama si Kenjie at Mommy niya. Nagpunta lang ako para magpaalam. Sorry sa mga ginawa ko. Maling mali ako ng iwanan kita. Akala ko may babalikan pa ako dito pag balik ko. Kasalanan ko kung bakit ganyan ka ngayon.  Sorry!!!  Naging masaya ako sa mga araw na kasama ka. Binago mo pa ang pagkatao ko. Salamat!   Pangako ko sa yo pag balik ko at libre ka pa hindi ako magdadalawang isip na suyuin at ibigin ka ulit.  Alam kong masakit pa din sayo ang mga nangyari. Kung wala ka pa mahahanap na kapalit mag-aaply ulit ako pag balik ko. Gusto ko lang maging maayos tayo kahit magkaibigan lang bago ako lumisan. Sana bago man lang ako umalis mayakap uli kita.” Tumutulo na luha ko, tumayo ako niyakap siya. Niyakap din niya ako ng mahigpit. Alam kong napaiyak din si Kenjie. Pagkatapos noon ay umalis na ito at nagpaalam. Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil  naging maayos ang paghihiwalay namin ni Kenjie ng walang sakit ng loob sa isa’t isa. Kinabukasan bago ako lumipat ng Maynila ay nakita kong nakaabang si Vince. Paglabas ko ng gate ay agad lumapit ito at niyaya sa loob ng kotse para mag-usap.  “Thon alam kong galit ka pa din. Salamat sa lahat.  Magpapaalam lang ako. Alam ko nabanggit na sayo ni Kenjie na aalis na kami. Tulad niya gusto kong mapatawad mo ako sa huling pagkakataon. Ayokong umalis ng may galit sa akin.  Alam kong mahirap kunin ulit ang tiwala mo, gusto ko lang mapatawad mo ako. Nginitian ko na lang si Vince at ito’y napaluhang yumakap.  “Salamat Thon napakabuti mo talaga. Kasalanan ko din naman.  Sinayang ko ang pagkakataon. Nag-sisisi ako kung bakit sinaktan kita.

Naging masaya ako at naranasan ko ang pagmamahal mo. Pag may problema ka at kailangan mo ng kausap itxt mo lang ako at tatawagan kita. Babalikan kita pangako ko iyan.  Pag balik ko gagawin ko ang lahat para bumalik ka lamang sa akin. “ Namalayan ko na lang na biglang hinagkan ni Vince ang aking labi. Oh sige na mauna na ko at may naghihintay pa sa iyo.” Umalis na ito ng may ngiti sa labi at panatag ang kalooban. Nagtataka naman ako sa huling sinabing iyon ni Vince. Bumaba na ako at nag-abang ulit ng tricycle.  Biglang dumaan ang isang pamilyar na sasakyan at huminto sa tapat ng kinatatayuan ko Bumukas ang pinto nito at lumabas si Zandro.  “Oh anong ginagawa mo dito?”  “Ihahatid kita.”  “Anong ihahatid?  Sa Maynila na ang punta ko! Doon na ako magtatrabaho. Ayan nga dala ko na mga gamit ko. Kaya mauuna na ko. Naghihintay lang ako ng tricycle  papunta na ko ng bus station.” Bigla ulit nagsalita si Zandro.  “Sa palagay mo ba hindi kita ihahatid ng Maynila Friend. Kaya nga ako nandito. Kasi ihahatid kita.”  “Alam namin ni Vince na aalis ka na dito. Last time pumunta kami dito, hihingi   sana  ng tawad si Vince sa iyo. Hindi ka namin inabutan. Eh Tito mo ang dinatnan namin at nabanggit niyang aalis ka na nga.  Oh tara na baka matraffic pa tayo.”  Hindi na rin ako tumangggi sa kanya at inihatid muna namin sa tutuluyan ko ang mga gamit ko. Pag katapos ay dumiretso na kami sa bagong opisinang pagtatrabauhan ko.  Pagdating naming sa office ay nagpasalamat at nagpaalam na ko okay Zandro na kailangan ko nang magtrabaho. Parang ayaw pa nitong umalis kaya inaya ko na lang ito sa loob. “Oh nandito na tayo, salamat pala ha? Tara pasok ka muna tutal sarili ko naman yung isang opisina.  Kaya hindi ka rin maiilang.  Huwag kang mag-alala mababait naman mga tao dito… Hindi naman tumanggi si Zandro  at sinamahan ako sa opisina.. Halos isang oras ito sa opisina at nagtatanung tanong tungkol kina Kenjie at Vince. Nabanggit din nitong umuwi na sa province nila ang kababata niyang si Candy at maayos ang paghihiwalay ng landas ng best friend niya.  “Ok na  ba talaga?  Hindi ka na galit kina Kenjie at Vince?”  “Ano ka ba napatawad ko na sila.  Tao lang naman tayo kaya kailangang magpatawad at magpakumbaba. Ayoko ding magtanin ng sama ng loob sa kanila. Siguro mahirap ibalik yung dati…. pero pangako napatawad ko na sila.  Hindi ko naman totally pinutol ang koneksiyon ko sa kanila.  Mga kaibigan pa rin ang turing ko sa kanila.” “Eh di ayos na pala ang lahat..” Ngumiti lang ako at maya maya pa ay nagpaalam na rin si Zandro.

            Lumipas ang mga araw at tuluyan ng umalis sina Kenjie at Vince kasama ang pamilya. Naging sobrang abala rin ako sa trabaho. Kahit nasa Maynila ay wala pa ring nagbago sa akin.  Pag inaaya akong lumabas ng mga kasama ko ay nanaisin ko pang umuwi at mag pahinga na lang.  Halos ganito lagi ang takbo ng buhay ko. May mga nakilala naman ako at nagpaparamdam sa akin ngunit mas itinutuon ko pa rin sa trabaho ang aking oras. Minsan sa isang linggo ay dinadalaw ako ni Zandro sa boarding house. Nagdadala ito ng pagkain at maghapon doon lang kami, nagpapalipas ng oras.  Minsan ay lumalabas din kami at tumatambay sa KTV bar at doon ay parang bata kaming nagkakantahan.  Kahit alam kong may kakaibang pagtingin si Zandro sa akin ay hindi ay hindi niya iyon sinasabi sa akin.  Hindi ko alam kung ano ang dahilan at pumipigil sa kanya, isa sa mga rason siguro ang pagkakaibigan nila ni Vince.

            Mabilis na lumipas at dumaan ang mga buwan at araw. Sa susunod na linggo ay kaarawan ko na naman. Wala akong balak icelebrate ito dahil mas nanaisin ko pang magtrabaho at pumasok na lang. Sinabihan ko din sina tatay na sa paguwi ko na lang kami lalabas.  Dumating ang araw na aking kaarawan. Nagsimba lang ako at umuwi din kaagad. Pagkauwi ay tinawagan ako ng aking pamilya pati na rin si Tito. Pagkatapos makipagusap ay natulog ako maghapon dahil masama rin ang pakiramdam ko. Mga mag gagabi na nang tumunog ulit ang cellphone ko, tumatawag si Zandro. “Thon, daya mo ah,  birthday mo pala hindi ka man lang nagsasabi.  Papunta ako ngayon diyan.”  Wala akong binanggit kay Zandro na kaarawan ko. Alam kong si Vince ang nagsabi sa kanya. Pagdating ni Zandro ay pinagbuksan ko lang ito bumalik ulit sa pagkahiga sa kama.  Pilit akong pinapatayo nito. “Hoy Thon ano ka ba birthday na birthday mo nakahilata ka lang diyan….. Tara na may pupuntahan tayo dapat magenjoy ka may sorpresa ako sa iyo.……”  “Hmmmmm ayoko,  tinatamad ako masakit katawan ko….. at isa pa bakit mo alam na birthday ko…. Wala akong sinasabi sa iyo… sigurado akong best friend mo ang nagsabi sa iyo..”  Kahit anong gawing pamimilit ni Zandro ay hindi pa rin ako tumayo. Hindi ko namalayan na nakaidlip na ulit ako. Mag-aalas diyes na ng gabi  ng maalimpungatan ako. Nakatagilid ako sa kama ng maramdaman kong may katabi ako at nakayakap sa akin. Bigla kong naalala na tinulugan ko pala si Zandro at inakalang siya ang yumayakap sa akin. Bigla akong nagsalita “Hoy Zandro ano ba ginagawa mo umayos ka nga… Isusumbong kita sa best friend mo…”  Hindi pa rin ito nagsasalita at lalo itong yumakap ng mahigpit at hinahalikhalikan pa ang batok ko. “Ano ka ba tumigil ka na nga hindi ka na nakakatuwa. Please lang itigil mo yang ginagawa mo.” Kinabahan akong ng magsalita ito at napagtanto kong hindi si Zandro ang katabi ko. “Bakit ko naman ititigil? Eh namiss ko ang baby ko…” Bigla akong napatayo at nabigla sa nakita ko. “Vince? ahhh Papaano ka napunta dito?  Ano ginagawa mo dito?  Hindi ba’y nasa Canada ka? Nasaan best friend mo? “   “Oh relax ka lang dahan dahan sa pagtatanong….Di ba sabi ko sayo babalikan kita. Kaya heto na ko ngayon… Akala mo ba nawawalan ako ng balita sa iyo. May taong tumitingin sayo at lagi ka niyang ibinabalita sa akin.  Inihabilin kita bago ako umalis…”  “Vince…..bakit?” “Anong bakit kasi mahal na mahal kita Thon.  Hindi ko kakayanin na mawala ka sa akin.”  “Kahit nasa Canada ako ay ikaw pa rin hinahanap ko.  Si Kenjie ay gusto ding umuwi para suyuin ka ngunit hindi na niya magagawa iyon dahil may pamilya na siyang bubuuin doon. Nagkita sila ng ex gf niya na sa di sina sadyang pagkakataon ay nabuntis na niya ito.  Nagkausap na kami ni Kenjie at nakiusap siyang huwag daw kitang pababayaan.  Kahit di niya sabihin iyon ay talagang gagawin ko iyon dahil nga mahal kita. Mapapanatag din ang kalooban niya kasi nangako akong gagawin ko ang lahat para makuha ko ulit loob mo. Si best friend Zandro ang nagbabalita sa akin tungkol sa iyo. Napakalaki ng utang na loob ko sa kanya dahil inaalagan ka niya. Kahit alam kong may gusto siya sa iyo ay hindi niya sinamantala ang pagkakataon na wala ako. Kanina pa ako naghihintay sayo o sa labas at gusto kitang sorpresahin.  Kaso pagod ka daw sabi ni best friend at ayaw mong tumayo. Kaya nang sinabi niyang nakatulog ka ay nakiusap akong iwanan ka na niya muna at ako na lang ang bahala sa iyo.  Thon bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon, pangako ko sa iyo, hinding hindi na kita sasakatan… Isang pagkakataon na lang…. “ Nakita ko sa mga mata ni Vince ang sinseridad. Hindi ko napigilang mapayuko at mapaluha sa kinatatayuan ko. Dahan-dahang lumapit si Vince  at iniangat ang mukha ko. Pinunasan niya ang luhang tumulo sa aking mga mata.  Sinasabi ng isip ko na hindi ko na siya mahal ngunit iba ang itinitibok ng puso. Akala ko ang mga panahong nawal siya ay sapat na para makalimutan ko ang pagmamahal ko sa kanya. Mali pala ako.  Hindi ako nakapagpigil at nanaig ang isinisigaw ng puso ko. Bigla akong napayakap sa kanya. “Vince mahal na mahal pa din kita.  Pilit kong nilalabanan ang sinasabi ng puso ko ngunit hindi ko kaya….Akala ko kaya ko nang wala ka hindi pala.  Huwag mo na kong iiwan ulit…”  Niyakap din ako ni Vince ng sobrang higpit. Habang magkayakap kami ay namalayan na lang naming na naglapat ang aming mga labi. Habang patuloy kami sa paghahalikan sa isa’t isa marahan akong inihiga ni Vince sa kama . kumalas siya sa halikan naming at dahan dahang idinampi niya ang labi niya sa noo ko, pababa sa ilong sa pisngi sa leeg at ibinalik sa aking mga labi. Unti Unting inalis ni Vince ang mga suot niyang damit at itinira ang puting brief nito. Tatayo sana ako ngunit pinigilan ako ni Vince at siya daw ang bahala sa akin. (Dahil nga nasa boarding house lang ako ay Sando at boxers lang ang suot ko.) Malaya niyang hinubad ang aking sando at tuluyan inalis ang aking boxers. Tumambad kay Vince ang aking pagkalalaki. Hinawakan niya ito at nilaro laro at hindi ko na ito napigilang tumigas. Inilabas ni Vince ang kanyang dila at dahandahang pinagapang ito sa aking katawan at pinaikot niya ito sa magkabila kong utong. Napapasabunot ako sa kanya sa sensasyong dulot ng kanyang ginagawa. Hindi pa siya nakuntento ay pinagapang niya ang dila niya pababa sa pusod ko at dalawang singit.  Napapakagat labi na lang ako para hindi makagawa ng ingay.  Paminsan minsan ay hindi ko mapigilang magsalita., “ Vince ohhhhh. Shit…… ahhhhhhhhh, namisss ko din ito ohhhhhhhhh.”  Sobrang tigas na nang alaga ko ng hawakan niya ang katawan nito at pinaikot niya ang dila nito sa ulo ng aking ari. Ibayong kiliti ang idinulot nito at talagang hindi ko alam kung saan ibabaling an gang ulo ko. Maya maya ay nagtaas baba na ang labi ni Vince sa ari ko. “Aaaaaahhhhh Vince….. Huwag mo itigil… ahhhhh. I love you Vince………” Pati dalawang bayag ko ay hindi pinalampas ni Vince , isinubo niya ang mga ito. Malapit na ko labasan sa mga oras na iyon kaya pinatigil ko siya. “Ako naman ang magpapaligaya sa yo. Tumayo kaming dalawa ni Vince. mula sa pagkakahiga sa kama.  Pinaupo ko siya sa katabing mesa na nasa sulok ng aking kuwarto. Sinimulan kong romansahin ang kanyang matipunong katawan. Sa tagal din naming hindi nagkita ay wala paring pinabago ang kanyang katawan. Matinding halikan pa ang nangyai sa amin, ipinanpasok ni Vince ang kanyang dila sa loob ng aking bibig at paminsan minsan ay kinakagat pa niya ang aking dila at labi ng dahan dahan para hindi ri ako masaktan…Dahil san a brief pa nga si Vince ay tinaggal ko na ito at parang isang sawa na nakawala sa hawla ang kanyang alaga.  Tinignan ko pa si Vince at ito’y  napangiti at nagsabi, “Baby Thon thon namisss ka ni Junjun ko.” Ngumiti din ako at ipainagpatuloy ang ginagawa ko.  Isinubo ko ito ng pakonti konti dahil sa malaki talaga ang alaga ni Vince. Nang matanya ko na ito sa loob ng bibig ko ay sinimulan ko ng magtaas babaa. Alam kong nasasarapan na si Vince. Sobrang hawak ng dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ng mesa ako naman ay hawak hawak ng isa kong kamay ang ari niya at ang isa ay abala sa pagjajakol sa king sariling ari. “Thooonnnnn…… ahhhhh……mhhallll na mahallll kita……” mga ilang minuto kami sa ganoong puwesto ng humiga ulit sa kama si Vince. Pagka tabi ko sa kanya ay naghalikan na naman kami at maya maya’y bumaligtad ito at isinubo ang ari ko.  Bumaligtad na din ako.  Si Vince ang nasa ibaba at ako ang nasa itaas. Malaya kaming nagsubuan ng ari at paminsan minsan ay pilit na ipinapasok ni Vince ang maliit niyang daliri at ang kanyang dila sa may butas ko. Mga impit na ungol ang napapakawalan ko dahil subo subo ko  pa din ang alaga ni Vince. Nang medyo bumibigat na ang pakiramdam ko sa may puson ko alam kong hudyat na ito na mlapit na akong labasan. Iniluwa ko ang ari ni Vince at sinabihan siyang malapi na ako.  “Ahhhh shit Vince ayan na ko ahhhhhhh.”  Hindi tinaggal ni Vince ang pagkakasubo sa alaga ko. Ilang putok sin ang lumabas sa akin at naramdaman kong nilunok lahat iyon ni Vince at hindi niya idinura. Hindi pa rin ako umalis sa ganoong pwesto at itinuloy ko ang ang pagsubo at pagtaas baba sa alaga ni Vince. Maya maya lang ay bumilis ang hingal nito at tuluyang lumabas ang katas niya. “Ahhhh Thon shittt…. Ayan na ahhhhhhhh mahal na mahal kita….. I love you…….. ahhhhhhh. Wala din akong inaksaya at nilunok ko din ito gaya ng ginawa niya. Umalis na ko sa pagkakapatong sa kanya at sabay kaming naligo sa banyo. Pagkatapos mag linis ay hindi na kami nagbihis at nahiga ulit kami sa kama at nagkumot na lamang. Magkayakap pa rin kami ng mahigpit at paminsan minsan ay hinahalikan ako ni Vince. 

Habang yakap niya ako ay hinawakan ko ang kanyang mukha at tinititigan ko ito. Hindi ko mapigilang mapaluha.. Ngumiti si Vince at nagtanong. “Oh bait ka na naman umiiyak? Galit ka pa din ba sa akin? Pangako ko magiging tapat ako sa yo. Hinding hindi ko na sasayangin ang tiwalang pinagkaloob mo.”  “Hindi ako galit…. May galit bang ganito…? Masaya ako sobrang saya. Napakagandang regalo nito sa akin, ang makasama ang isa mga importanteng tao sa buhay ko…..Mahal na mahal kita. Huwag mo na ako ulit iiwan…..”  “Hindi na kita iiwan baby ko… Dito na ko sa atin mamalagi.  Sa akin na pinagkatiwala nina Mommy at Daddy ang  mga naiwan nilang kabuhayan namin dito. Hindi rin ako papayag na masaktan kita ulit. Baka tuluyan na kong wala balikan sa susunod. Isa pa baka hindi makapagpigil si best friend na kunin ka sa akin alam ko at nararamdaman mo din siguro na may tama yun sayo.” Nagtawanan na lang kami sa sinabi niyang iyon. Ilang sadali lang ay may iniabot na isang paper bag si Vince. “Ano ito At nag-abala ka pa?”   “Siyempre birthday ng baby ko.”  Pagkabukas ko ng paper bag ay may laman itong isang kwintas. Napayakap ako sa kanya at isinuot niya ito sa akin. “Meron pang laman yung bag.. Tignan mong mabuti.” Nabigla ako isang mamahaling ballpen at planner.. “Masyado kasing madetalye sa buhay ang baby ko at isinusulat pa niya ang mga ito, kaya gusto ko yan ibigay sayo.” Tumulo na naman ang luha ko nag buksan ko ang planner at nakita ko ang simula ng lahat.. ang blue note book ko na naiwan ko kina Vince noong maaksidente ako…. Buo pa din ito at lahat ng nakasulat ay nandoon pa din kahit na ang larawang nakaipit doon. “Vivivince……” ang nanginginig kong nasambit. “Ganyan ako magpahalaga sa iyo baby ko… I love you……” at muling naglapat ang  aming mga labi….. ..

            Naging masaya at makulay ang pagbabalikan namin ni Vince.  Halos araw araw kung magkita kami at lagi din siyang namamalagi sa inuuwian ko. Pag wala naman akong pasok ay umuwi ako sa kanila  at bumibisita kina Tito.  Lagi ko din siyang kasama pag umuuwi ako sa amin. Alam kong nakakahalata na din ang pamilya ko kung anong meron kami ni Vince ngunit hindi ito nabubuksan at napapagusapan. Masaya kami ni Vince sa piling ng bawat isa. Nagkakaroon ng mga tampuhan at hindi pagkakaunawan ngunit ito’y madaling naayos at napag-uusapan.  EN
            Hanggang dito na lamang. Maraming salamat sa mga nagbasa at nag comment , positibo man o negatibo.  God Bless us all. Sana nagustuhan niyo ang takbo ng istorya….

49 comments:

  1. The Best Story....

    ReplyDelete
  2. One word. Nice. :) Super Ganda talaga, :)) the best. I just want to know, totoo ba ung story?? Tanong ko Lang. :P well great job whoever wrote this ;) you're so amazing :)

    ReplyDelete
  3. sana makatagpo din ako ng tulad sa pagmamahalan nyo... Godspeed.

    ReplyDelete
  4. one of the best stories na nabasa ko very emotional and dramatic nakaka inlove ang takbo ng kwento ang tagal ko inabangan ang kwento naito atlast the author surprised me sana makabasa paako ngganito kaganda kwento godbless

    ReplyDelete
  5. the story is great! totoo ba yang nangyari? sana totoo. sana makatagpo din me ng ganyan. hahaha mabait naman ako.:)

    ReplyDelete
  6. kahit antok na ako e pinilit ko pa ring tapusin. Sa ngayong e may isang lalaki din sa buhay ko. Last sundy nyt lng kmi ngkita dhl s text lng kmi ngkakilala pro ang gaan ng loob ko. Sana katulad ni thon e ganun din ang maging takbo ng love story ko. Pano ba mgcontribute dito pra kung skali e magsulat dn ako sa blog na to. More power salamat. Love u all.

    ReplyDelete
  7. Ang ganda! Puro love. Naiyak ako sa pagbalik ni Vince. Nice. Very nice. Good job Mr. Author! :)

    ReplyDelete
  8. ganda story.. kainggit!!!

    ReplyDelete
  9. wow... galing.. parang binasa ko ang buhay ko dito kasama ang baby ko.. hahahaha.. two thumbs up for the author.. malapit na din kami magsama ng baby ko isang bahay..

    ReplyDelete
  10. Kakilig... True to life story ba ito?

    Queckenstedt

    ReplyDelete
  11. nice..sumakit mta ko sa pagbbasa''sana my nxt story pa author''thnks''

    ReplyDelete
  12. now this is what you call a love story, indi puro kangkangan lang!!Hihihihihihi!!! I just wish this story is true!!!

    ReplyDelete
  13. ganda ng story. buti hindi ginawa ng author na maging 3rd guy na makasex si zandro sa buhay ni thon.

    ReplyDelete
  14. Sana mama tagpo run aq Ng ganyan happy ending.

    ReplyDelete
  15. guys thank you for the comments...... GOD Bless Us ALL.

    ReplyDelete
  16. even though mahaba ang story ay masasabi kong may sense ito at hindi katulad ng ibang kuwento dito na trying hard. mahirap ng basahin puro jejemon pa..... to all the writers and contributors try to make this story as example hindi puro kalibugan lang ang nilalaman. please do make sure na balance ang flow ng story niyo.....

    ReplyDelete
  17. execellent u make me cry bihira ako mag basa kht sa libro pero ito ang dabest at nakakilig at nakakaiyak na nabasa ko bravo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  18. sana magustohan aq ni buboy. Sana magkita pa kaming dalawa miz q mga ngiti nyah. Unang beses palang minahal q na syah. ,

    ReplyDelete
  19. the bessssssssssssssstttttttttttttttttttttttttttttttttttttttt.................................

    ReplyDelete
  20. i shouldn't be reading this. may work pa bukas but i can't stop. congrats author, napasakit mo mata ko. :)

    admin, thnx for the updates.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha salamat ...... dakal a salamat.......(maraming salamat)

      Delete
    2. walay sapayan (wlang anuman)
      I'll be looking forward sa mga susunod mong stories.

      Delete
  21. Grebe,.. this is the only story that I really love to read again and again,.... kudos author,....

    ReplyDelete
  22. thon kahit na totoo o hindi ang story mo, kahit based na based lang ito sa creative thinking mo i still admire you for writing such a wonderful story... lets admit that it do happens in real life..
    Congratulations.... Hope to read more of your stories.... Keep it up Good luck!!!!

    ReplyDelete
  23. Bakit ako lang yung hindi natuwa. Hindi ko kaya patawarin si Vince. King ako nasa kalagayan ni Thon hindi lang suntok bngay ko!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Same here. Ayoko kay vince dapat c zandro na lng. Parang tanga tanga lng ni Thom amp

      Delete
    2. B'cuz he love vince very match, he loved also zandro but only just a friend. :)

      Delete
  24. kudos sa author..
    npakagandang pgkakasulat..
    tlgang inabangan ko tlga ung part 2..

    sna mangyari din sken ang
    gnyang story.. ung walang hanggan..
    dami kong emotions s story mo..
    SALAMAT! :)))

    ReplyDelete
  25. GRABE!!!!!!!!!! WOW... thanks 4 sharing

    ReplyDelete
  26. ProVinceAntiKenjieJuly 22, 2012 at 3:32 PM

    di ko na mabilang ang oras na naaksaya sa pagbabasa nito kahit may pasok pa ako sa school at ang ilang beses na pagtulo ng luha ko sa pagbabasa ng story, but in the end masaya pa rin ako sa kinahinatnan ng kwento, worth naman ang pagabsent ko.hehe

    ReplyDelete
  27. two thumbs para sa author!!! atlast nabasa ko na ang kasunod hinihintay ko talaga ito! i love the story! :)

    ReplyDelete
  28. nakabangga pa ako ng mga tao kakabasa sa chapter1 at 2. haha! lesson: basahin ng nakaupo at wag naglakakad lalo na pag sa ganito kagandang story. P.S. icharge mabuti ang phone kung cp mode kau! :)

    ReplyDelete
  29. napakaganda ng story. 3 times akong nalobat just to read it, haba kc. Piling ko it is fiction ung story kc parang lahat nafall in-love with him.

    ReplyDelete
  30. Super ganda ng story. Napaiyak at kinilig tlga aq. At ng overtime tlga aq s work pra lng matapos. Hehehe...
    Great job s author :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you..... God Bless.....

      Delete
  31. galing m talaga author...ganda ng storY...sumakit mata k kc parang telenobela...daig pa mga hollywood movies...

    ReplyDelete
  32. it is a great story...good job mr. author...i am also in a relationship right now, magtwo-two years na kami and sana magtuloy2 na...naiintindihan ko si thon... ganun talaga cguro kung mahal mo ang isang tao, may nagawa man xa in the past pero pag bumalik xa at ramdam mo ung sincerity, tatanggapin mo pa rin xa... ^_^

    ReplyDelete
  33. di ko talaga tinigilan hanggang d ko natapos basahin... ang ganda ng story... napaiyak pa talaga ako at kinilig...

    ReplyDelete
  34. Love every detail of the story..saan yong next chapter nito

    ReplyDelete
  35. wow naman!!

    Obvious na obvious na fiction lang ang story.

    ReplyDelete
  36. a well written story, that talks about love, trust, sacrifice... one of the best stories i have read so far sa km compilations, alam nyo kasi BI pipz, hindi lang puro jerjer ating makukuha dito minsan ay yung mga aral na kapupulutan lalo na sa mga katulad nating my pagmamahal sa ating kapwa. love can stand the test of time...

    ReplyDelete
  37. Hai, sna balikan din ako ng baby ko from Canada... :( miss na kita agad

    ReplyDelete
  38. Maraming salamat sa pag share ng story na to, madami ang natuwa at nag paiyak sa kwento mo at isa na ako dun, maraming salamat

    ReplyDelete
  39. maganda ung kwento ang daming twist dahilan pra hndi ku naexpect ang naging ending..., nagulat tlga aku n c Vince ang nakatuluyan nia s huli..., kala ku n c Zandro..., pero mas gusto ku pa rin c KENJIE pra kay Thon2x..., sna c Vince n lng ang nakabuntis at hndi c Kenjie hahaha..., hndi ku lng tlga n gustuhan s kwento mu kung bkit ganoon n lng ang dahilan ni Kenjiemylabs^^ pra iwanan nia c Thon2x..., well anyway kwento mu yan..., ginagalang ku ang nging disisyon mu s istorya...,


    #TEAM KENJIE

    ReplyDelete
  40. Very nice story! Sarap basahin. Hehe. Kaso mas gusto ko si Kenjie para kay Thon kesa kay Vince. Hahaha. :)

    ReplyDelete

Read More Like This