Pages

Sunday, July 1, 2012

Notebook (Part 1)

By: Thon

Ako pala si Thon Thon nagmula sa lalawigan ng Pampanga. Im on my late 20’s right now. May taas na 5’9 semi kalbo, medyo singkit ang mata (namana naming magkakapatid kay tatay) minsan napagkakamalan Chinese o Korean. May hitsura naman at katawang pwedeng ipagmalaki.  Lumaki ako sa isang barrio dito sa Pampanga na masasabi ko probinsya pa talaga.

Panganay ako sa apat na magkakapatid, para sa akin ito ay napakalaking resposibilidad. Masasabi ko medyo hirap kami sa buhay.  Ngunit hndi ito naging hadlang para itaguyod ako ng aking mga magulang para makatapos ako ng aking pag-aaral. Simula pagkabata ay may gumugulo na sa isipan ko tungkol sa aking pagkatao ngunit ito ay binabalewala ko na lamang dahil nga mas matimbang ang hangarin ko sa buhay na makapagtapos at matulungan ang pamilya ko. Nang makatapos ako ay napag pasyahan kong sumama kay Tito sa Laguna upang hanapin ang aking kapalaran.  Sinabi niya na madaming mga kumpanya na pwede kong mapag-aplayan na malapit sa kanila at sa kanila na lang daw ako tumira.  Kinausap ko sina nanay at tatay, pumayag naman sila at binilinan akong lagig mag-iingat.  Nalulungkot man ako na mawalay sa kanila ngunit kailangan ko yung harapin at lagi ko na lang itinatanim sa aking isipan na para rin sa kanila itong gagawin ko.
Dumating ang araw ng pagpunta namin ni Tito sa Laguna. Sa isang subdivision pala sila nakatira ng kanyang pamilya at sa kauna-unahang pagkakataon ay mapupuntahan ko na rin ang tinitirhan nila.  Bale si tito , ang kanyang asawa at isa kong pinsan na babae  lamang ang nakatira sa kanilang bahay.  Kung tutuusin si tito lamang ang lagi ko kasama sa bahay , dalawa beses sa isang lingo lamang kung umuwi ang asawa niya kasi stayin ito sa kumpanyang pinagtatrabauhan nito at ang pinsan ko naman every weekends lang kung umuwi kasi medyo malayu kasi ang pinapasukan nitong eskwelahan kaya nangungupahan na lang ito ng kwarto malapit sa eskwelahang pinapasukan.

Sinuwerte naman akong makapasok sa isang kumpanya doon siguro dahil na rin sa pagtiyatiyaga at pagsisikap kong makahanap ng trabaho. Sinabihan akong mga isang buwan ang hihintayin ko bago magumpisa dahil ang papalitan ko ay inaayos pa ang mga trabahong ipapasa nito sa akin. Naging maayos naman iyon para sa akin at least sigurado na may trabaho na ako.
Sa pagtira ko sa kanila ay wala naman naging problema. Naging maayos naman ang mga bagay bagay at sitwasyon.  Tumutulong ako sa mga gawing bahay, sanay naman ako sa mga ganoong gawain dahil sa maagang edad pa lang ay tinuruan na kaming magkakapatid na maging responsable ng aming mga magulang.
Halos araw araw ay ganoon ang ginagawa ko ang tumulong kay tito habang hinihintay ko ang itinakdang araw upang ako ay magumpisa. Minsan ay di ko maiwasang malungkot dahil nangungulila ako sa pamilya ko, kaya pagdating ng hapon o pagkatapos ng mga gawaing bahay ay naglalakad lakad ako kasama ang alagang aso ng tito ko o kaya nagbibisikleta ako sa buong subdivision.
Minsan habang naglalakad akong mag-isa ay di ko naiwasang mapatingin sa isang bahay doon.  Kaagad akong humanga sa taglay nitong kagandahan. Napaka simple at napaka elegante. Lumapit ako sa may gate nito at sumilip at lalo ako namangha sa nakita ko dahil may sarili itong swimming pool sa loob.  Di ko namalayan na isang oras na pala ako nakatayo doon at nawili akong magmasid sa kabuuan ng bahay.
Habang pinagmamasdan ko ang bahay ay may narinig akong paparating na sasakyan ngunit di ko iyon pinansin sa pag aakala dadaan lang iyon sa daan.  Nabigla ako ng biglang  binuksan ang gate  at nawalan ako ng balanse dahil nakadikit ang katawan ko sa gate, dahil dito bigla ako bumagsak at muntik ng mauna ang mukha ko. Mabuti na lang at agad ko nailapag ang mga kamay ko, kung hindi sigurado gasgas at basag mukha ko.
Akmang tatayo na sana ako ng bigla akong mabundol ng isang itim na kotse na naging dahilan ng pagtumba  at pagkawalan ko ng malay. Pagmulat ng mata ko nasa loob na ko ng isang maliit na kwarto. Sa mga sandaling iyon ay may dalawang tinig akong naririnig. Tinig ng dalawang lalaki na nagtatalo kaya tumayo ako sa aking pagkakahiga at dahan dahang binuksan ang pinto. Dalawang nakatalikod na lalaki ang aking nakita at nagsisigawan.  Sa tantya ko mga 5’9 at 5’10 mga taas nila. Pareho maporma at kita kita mu na may kaya talaga kahit na di ko maaninag mga itsura nila.  “ Ano  ka ba tanga ? Muntik ka ng makapatay ng tao? Ang sabi ng unang lalaki. “Ako pa ngayon ang tanga eh yang lalaking iyan ang tatanga tanga , malay ko ba may tao dyan sa gate. It’s not my fault, wala ako pananagutan diyan.  At Manang bakit ninyo dinala yan dito sa bahay sana pinabayaan nyo na lang yan doon sa daan,” Sumagot ang ikalawang lalaki. “Muntik ka na ngang  makapatay ikaw pa ang may ganang magalit.”  Bigla ko nakita pumagita at narinig ang ang matandang babae.  “ Mga iho tama na yan, Ok naman siya nawalan lang siya ng malay sabi ni Dr. Cruz. kaya hayaan nyo na lang muna siyang magpahinga.”   “Manang nasaan ba si Daddy.”  “Ha? Ah Eh umalis na po sir importante lang daw po. Tinawagan siya ng hospital kaya nagmamadali.” Akmang may sasabihin pa ang matandang bababe ng bigla na lang siyang iniwanan ng kausap at mabilis na sumakay ng sasakyan at tuluyang umalis.
“Manang pagpasensiyahan niyo na po si Kenjie,”   “Kenjie pala pangalan ng isang  iyon,”  sa loob loob ko “ Wala iyon Vince sanay na ko sa kanya.”   “ At Vince naman pala tong isang ito, ang naibulong ko sa sarili ko”  “Ewan ko bakit nagkaganyan ugali niya simula ng mamatay mommy niya.  Nung dumating naman kayo ng mommy mu sa buhay nila mag-ama akala ko magbabago na siya.  Napakabait ng Mommy mo lalo ka na at hindi kayo nawawalan ng pasensiya sa kanya. Siya nga pala kelan ba balik ng Mommy mo?”   “ Baka matagalan pa daw po siya sa province may inaasikaso kasi silang magkakapatid. Manang igagarahe ko lang po yung kotse ginamit ko kanina. At umalis na si Vince.
Nang mga oras na iyon ay wala ako ka ide ideya sa hitsura nina Kenjie at Vince maliban na lang sa nakita kong matangkad sila pareho gaya ko. Pagkaalis nya ay dali dali akong lumabas at nakita ako ng matandang babae kaya sinalubong niya ko.  “Iho ayos na ba pakiramdam mo?  Halika kumain ka muna. Kaya mo na bang tumayo?”   “ Ayos lang po ako pasensiya na po kayo sa abala, uuwi na po ako, hinahanap na po ako ni Tito, medyo dumidilim na po kasi.”   “Ang batang ito, sigurado ka ba kaya mo na?  Ipapahatid na kita.”  “Huwag na po, sobra sobra na po ang abalang ginawa ko. Maglalakad na lang po ako”  Pagkasabi ko noon ay dali dali na ko umalis at narinig ko na lang si Manang na tinatawag ang pangalang Vince.  “ Vince! Vince! (sumisigaw) dalian mo umalis na yong lalaki nabundol ni Kenjie baka mapaano pa yon ayaw magpapigil.  Ihatid mo na sa kanila.”  Nahihilo man ay dali dali akong lumabas ng gate at nakalayo sa bahay na iyon .
Pagdating ko ng bahay ay napansin ko na nawawala yung maliit ko note book.  Ang huling naalala ko ay nasa bulsa ko yun kasama ng celphone ko ngunit wala ito samantalang nandito pa din ang celphone ko. Mga reminders, telephone numbers at mga address ang nakasulat doon.  Nanghihinayang man wala na ko magagawa.  Inisip ko na lang na nahulog siguro ito kaninang dumukot ako ng barya ng may binili ako sa tindahan kaya pinabayaan ko na lang ito.

(Sa bahay nina Vince)

“Ano Vince inabutan mo ba?   Kawawa naman yung batang iyon.  Buti konting gasgas at bukol lang inabot niya sa pagkakabundol ni Kenjie.  Naiiisip ko pa tuloy yung mukha niya,  mukhang napakabait na bata tapos nagpakaganda ng mga mata niya. ”   “Naku si Manang ohh nag ka crush pa doon ,hahaha!” biglang  tawananan sila.  “Hindi na po eh, paglabas ko ng gate wala na siya.”   “Ganoon ba , di ko man natanong pangalan niya. Siya nga pala Vince pupunta muna ko sa anak ko sa bayan ha? Kayo na muna ni Kenjie bahala dito.  I lock ninyo yung gate sa may harapan at yung mga susi nasa kwarto ko, doon sa kama . Sige!  alis na ko.”   Pagkatapos magbilin ay umalis na si Manang at naiwan si Vince.
Pumasok si Vince sa kwarto ni manang at nakita nya sa may kama nito ang mga susi nang may nakita siyang maliit na notebook na kulay asul sa may gilid ng kama.  Tinignan niya ito, mga reminders numero, address at pangalan ang nakalagay dito.  Binuklat buklat niya ang mga pahina ng note book ng mapansin niya ang isang larawan ditto at ang pangalang nakasulat dito.  Di niya maintindihan kung bakit napatitig siya sa larawang iyon. Napangiti siya ng matagal. Ibinalik niya  ang larawan sa note book at itoy kanyang kinuha kasama ng susi at siya ay lumabas na ng kwarto.

Lumipas ang mga araw at ganoon pa din ang naging takbo ng buhay ko. Isang araw ay nagpaalam ako kay Tito na mamamasyal at naisipan ko pumunta ng bayan. May maliit na mall doon kaya doon ako nagpaikot ikot, kahit papaano ay nawili din ako. Nang makaramdam ako ng pagod at pagkagutom ay kumain ako sa isang fast food doon. Pagkatapos ay lumabas na ko at hinanap ang cr.  Papunta na ko ng cr ng biglang may nagmiscol sa celphone ko at may nag txt. “Hi is this Thon?  Pwede makipagkaibigan? This is your secret admirer.”   Reply ko “ Wala ako panahon makipag lokohan sayo , humanap ka ng ibang lolokohin!” pero kahit nag-astang galit ay napatawa din ako at pumasok na ko sa cr. 
Pagpasok ko ay normal lang naman na tanawin ang makikita mo. Mga tatlo lalake yung nakita ko nakatayo sa may urinal.  Mga edad trenta pataas. Wala naman ako iniiisip that time. Nagtaka lang ako halos 5 minuto na nakatayo ang tatlong lalaki kung bakit ang tagal umihi ng mga ito. Ako kasi’y nagsipilyo muna habang nakaharap sa lababo at salamin tapus naghihintay ng may matatapos sa kanila. Una umalis yung isa lalaki, medyo chubby pero gwapo  at humarap sa may salamin at nghugas ng kamay.  Pagpunta ko ng urinal ay napansin ko nagkakatinginan ang dalawa lalaki sa kanan ko at nabigla ako sa nasulyapan ko pareho matigas ang burat ng dalawa nasa average sizes ang mga ito.  Walang anu ano yung chubbyng lalaki ay inilabas ang burat at nagjakol ng nakaharap sa salamin at hinihimas ang mga isang dibdib.  Bigla tumalikod ang dalawa samantalang ako ay naiwan ng nakaharap sa urinal. Di ko maipaliwanag sa sarili ko para nasisiyahan ako sa maga makikita ko kahit natatakot ako.Bigla na lang tumigas ang alaga ko. Lalo ako nagulat ng lumapit ang chubbyng lalaki at bigla itong lumuhod at isinubo ng salitan ang mga burat ng dalawang lalaki.. Sarap na sarap ang dalawa at di mo maipinta ang reaksiyon sa mga pagmumukha nila.  Di ko namalayan na yung isang lalake pala ay titig na titig sa ari ko kahit nakatalikod pa ako. Ilang sandal lang at hawak na pala niya ito at simulang paglaruan. Di ko namaipaliwanag ang sarap at kabanag nararamdamn ko, kasi ano mang oras ay pwede kaming mahuli ng gwardya sa may labasan. Nakita ko na pabilis ng pabilis ang hingal ng dalawa hudyat na lalabasan na . Sarap na sarap naman ang chubbyng lalake sa pagsuso habang nagjajakol. Gusto ko na ding labasan sa mga oras na iyon sobrang nasasarapan ako sa ginagawa ng mama ng biglang may pumito sa labas na parang may kaguluhan sa labasan. Sa pagkabigla at takot ay dali dali ko ipinasok ari ko at lumabas sa cr na iyon. Hindi ko lang alam kung umalis na din ang tatlo. Natatawa tuloy ako sa sarili ko kung bakit ko nagawa yon. Iba pala pakiramdam pag naghalo ang takot at libog.     
    Di ko namalayan na 10:30 na pala ng gabi napasarap ako sa panood ng libreng mini concert sa may parking area ng mall.  Tinext ko na lang si Tito na gagabihin ako ng uwi. Nagreply naman siya na mag-ingat na lang ako at matutulog na daw siya tutal may duplicate naman ako ng susi ng bahay.  Pauwi na ko sa may subdivision ng mapansin kong may videoke bar pala sa  harapan nito.  Bigla ko tuloy naalala mga kaibigan ko na mahilig mag videoke kapag kami ay nag iiunuman sa aming barrio. Namalayan ko na lang na nasa loob na pala ako ng bar.  Di naman ako kumanta naaaliw lang ako sa  mga ilang customer doon na masayang masaya. Umorder ako ng 2 bote ng red horse at umupo sa may bandang likuran.  Hindi ko napansin na mag aalas dose  na pala. Bigla ko naalala na kailangan ko na pala umuwi nang bigla tumunog sa videoke ang kantang Hanggan ni Wency Cornejo.  Walang gustong kumanta nito, di ko alam kung ayaw nila iyon o nagkamali lang ng pindot kaya hiniling ko na lang na ako ang kakanta . Sa isang iglap bumirit ako kahit na medyo nahihiya. Kahit mga lima na  lang siguro mga tao doon ay napuno ang lugar  na yon ng hiyawan ng may mapansin akong lalake sa isang sulok na halos kasing edad ko ang nakatitig sa kin at ngumingiti. Medyo may pagka mestizo at matangos ang ilong nito. Mukhang artistahin. Tuloy tuloy pa din ako sa pagkanta di ko na lang pinansin ang lalaki sa isip ko nagandahan lang siguro ito sa boses ko.
    After kong kumanta ay nagpahinga na ako at napagdesisyunan kong umuwi na kasi nga mag-uumaga na. Umupo ako sa pwesto ko at yung ibang customer ay nagsipaguwian na at magsasara na pala  ang bar. Ang tanging natira na lang ay ang lalaki nakaupo sa isang sulok at ako nang bigla itong tumayo at unti-unting lumapit sa akin. Bigla itong natumba at nagmamadali ko itong tinulungan at inakay.  Di na man ako natatakot sa kanya, kung maghahamon ito ng away di ko naman ito aatrasan sa isip ko. “ Ahhhhh Pareee galing mo pala kumanta hikk, request naman kanta ka pa pleasssse, hikkkkk?” ang tanging nasambit nito.  “Salamat ah? Kaso magsasara na sila tignan mo tayo na lang natira dito. Next time na lang,” sabi ko sa kanya. Di ko alam kung maaasiwa ba o matatawa sa kanya.  Namalayan ko na lang na wala ng malay itong lalaking akay akay ko ng bigla lumapit ang kasera at sinabi magsasara na daw sila. Aalis na sana ko kaso nakatulog na sa sobrang kalasingan itong lalaking akay ko. Naaawa naman akong iwanan ito to baka ano pa mangyari dito. “Miss may kasama ba tong lalaki ito aalis na kasi ako, baka ano pa mangyari dito?”  “Sir, akala ko po kayo ang kasama niya, pasensiya na po kailangan na po kami magsara baka kasi kami mapagalitan sa barangay.”  Wala akong nagawa kundi alalayan siya palabas ng bigla siya magising at itinuro ang sasakyan niya. Naisip ko paano pa to magddrive eh sarili nga lang di nito makaya. Nang biglang lumapit ang Security Guard ng subd.  Siguro napansin niya ako na di ko alam ang gagawin.  “ Sir may problema po ba? Kasama nyo pala anak ni Dr. Cruz ,” ang sabi niya ng maaninag  niya ang mukha ng lalaki akay akay ko. “Dr Cruz?” napaisip tuloy ako kung saan ko huli narinig ang pangalang iyon?  “Kilala niyo pala siya kuya?”  “Oo naman taga dito lang yan sa subd.  Lagi ganyan iyan pag umiinom dyan, palibhasa mayaman, lagi nga naming hinahatid yan sa may bahay nila. Eh mag-isa lang ako dito kaya hindi ako pwede umalis nagayon. Napaisip tuloy ako paano ang gagawin nang bigla magasalita ulit ang ggwardiya “Sir ang mabuti pa ay sa may rest house na lang nila  niyo siya ihatid kesa sa bahay nila. Baka mapagalitan at masabon na naman yan ng Daddy niya,” ang mungkahi ng gwardiya. Sa tono ng kanyang pagsasalita ay kilalang kilala na niya ang lalaking akay akay ko.
    “Manong ganito na lang po iiwan na lang po namin yung kotse niya diyan, pakitabi na lang po,  heto po susi.” Kinuha ko sa may banding bewang niya at nakachain ito. “babalikan na lang niya bukas, di po kasi ako marunong mag drive. Magttrycycle na lang kami.  Akin na po yung address ng rest house.”  Pagkabigay niya ng address ay natuwa naman ako kasi mga limang bahay lang naman pala mula sa bahay nina Tito.  “Bago ka lang sa subd. noh?” “Opo Tito ko po si Tito Hener.”  “Ah ganoon ba  at least iisa lang naman pala daan niyo , kaw na bahala sa kanya.”  Kinuha ko ulit ang susi at tsineck na mabuti ang sasakyan niya. Tinanong ko pangalan ng gwardya at ni log din niya ang  mga detalye tungkol sa akin para kung may mangyari man ay may pananagutan kaming pareho.  
    Nang sumakay kami ng tricycle ay inalalayan ko siya sa loob, sa labas na lang sana ako ngunit nakita kong nahihirapan siya sa pwesto niya , kaya sa loob na din ako pumuwesto  at isinandal ko ulo niya sa may dibdib ko habang hawak hawk ko ito. Hindi ko tuloy mapigilan mapatitig sa mukha niya. Para siyang inosenteng bata. Namalayan ko na lang na hinahaplos ko mukha niya. Bigla akong natauhan ng biglang huminto ang tricycle at sinabihan akong nandoon na daw kami.  Nagbayad na ko sa driver at nagpatulong ako na ibaba siya. “Grabe namang lasing niyan sir parang mauubusan ng alak yang kaibigan niyo.”  Natawa na lang ako sa sinabi niya at tuluyan ng siya umalis.
    Napudpod na yata daliri ko sa kakadoorbell hindi pa din binubuksan ang gate.  Maya maya ay sumisigaw na din ako “ Tao po, tao po!”   ngunit wala pa ding sumasagot  nang biglang nagsalita ang lalaking akay akay ko. “ Naaaasaaan ako hikkkk!? Sisisinoo ka?” Pilit niya inaaninag mukha ko. Imbes na sagutin ko tanong niya iba ang sinagot ko.  “ Paano kita maihahatid sa loob kung  ayaw tayo pagbuksan, kanina pa ko nahihirapan sayo ah?”  Kahit na lasing ay naintindihan niya siguro ako kaya nakita kong hinahagilap niya yung mga susi sa may tagiliran niya.  Buti na lang at naikabit ko ulit ito after kong kinuha kanina. Nakita kong nahihirapan siya kaya ako na kumuha ng susi at isa isa kong sinubukan sa nkakandadong gate at sa wakas nabuksan ko din ito. Pagpasok namin sa bakuran ay nakita ko kaagad ang kabuuuan ng rest house napakaraming mga halaman na nakapalibot dito at ito ay yari sa kahoy at sawali Napaka presko ng bahay na to sa isip ko. Meron din itong maliit na  swimmimg pool, talagang bahay bakasyunan. Pagdating sa pinto ng bahay ay hindi na ako nahirapan. Dalawang subok ko lang sa mga susi ay nabuksan ko kaagad ang pinto.
    “Nandito ka na, siguro naman pwede na kong umuwi.?” Imbes na sumagot ay nginitian lang niya ako habang namumungay ang mga mata nito.  Para ako matutunaw sa ginawa niyang iyon. Namula man ako ay siguradong hundi niya ito napansin dahil nga sa sobrang lasing niya. “Nasaan ba ang kwarto mo? Kailangan mo ng magpahinga?”  Itinuro naman niya at tinulungan ko siyang makapasok. Pagkahiga niya sa kama ay nagpaalam na ako ngunit bigla niyang hinawakan ang braso ko  at hinila ako, dahilan upang matumba ako sa tabi niya. Nabigla ako sa mga sumunod na pangyayari niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko alam ang gagawin at dali dali akong lumayo sa kanya. Bigla itong nagsuka ng nagsuka. Kumalat sa kama at sa buo niyang katawan. Naawa akong bigla sa kanya at ayokong iwanan siya sa ganoong sitwasyon. Pinadapa ko ito at ibinitin ang ulo nito sa gilid ng kama Itinutok ko ang nakita kong basurahan sa kwarto at doon ko siya pinasuka habang niyapos ang likod ito. Nang alam kong wala na itong isusuka pa ay  nilinis ko muna ang kalat nito at iniayos ko na ito ng higa. Hinubad ko mga damit niya at tinira ko lang ang brief. Di ko mapigilang mapalunok sa nakikita ko.  Napakakinis ng katawan niya. Alam kong nag-iinit ang pakiramdam ko ngunit pinaglabanan ko pa din ito.  Kumuha ako ng bimpo sa may cr, sinabunan ko ito binanlawan at ipinanglinis sa katawan niya. Habang pinupunasan ko ang mukha at katawan niya pababa ay napansin kong medyo lumalaki ang bagay na nasa loob ng kanyang brief, kayat di ko na itinuloy ang ginawa ko.  Nakita ko ang mga damit na malinis na nakapatong sa may drawer( sando at basketball shorts) na malapit sa aparador kaya pinasuot ko yun sa kanya. Inaayos ko sa pwesto ang mga gamit niya  at sinigurado makikita nya ang mga ito pagkagising niya  (celphone at ipod  na nasa bulsa at mga susi niya).
    Nakakita ako ng isang notebook at nagsulat ako ng mensahe dito na nasa guard house ang kotse niya at kunin na lang niya ito doon. Sinulatan ko din ito ng isang paalala “P.S kung di mo rin kaya umuwi mag isa huwag ka magpakalasing at di kung sino sino pa iniistorbo mo. Pasalamat ka at hindi halang ang kaluluwa ng mga nakakasalamuha mo.  Mabait pa rin sayo ang Diyos…………………………………’” Halos mapuno ang isang buong pahina ng notebook sa mga paalala at pangaral ko.  Tinitigan ko muna siyang mabuti at sobrang hilik nito. Halatang napakasarap ng tulog. Napangiti ako at umalis na ako.  Pagkalabas ko ng gate at nang isasara ko na ang pinto nito ay bigla akong hinawakan ng mahigpit sa braso ng isang lalaki.
    Nabigla ako at napasigaw at muntikan  ko na itong masuntok. Mga 5’10 ang taas nito, Moreno, malaki ang katawan at mukha bumbay.  Mabuti na lang at nakailag ito. “Ano ba ginagawa mo dito nang ganitong oras?” ang mahinahon niyang tanong? Dala pa rin ng gulat at pagkabigla ay di pa din ako makasagot. “Uy tinatanong kita? Di ka naman siguro pipi no?”   Nang medyo nawala na pagkabigla ko ay nakasagot din ako “May hinatid ako diyan sa loob,” ang mahina kong sagot. Pagkasabi ko noon ay dalidali siyang pumasok sa resthouse at ilang minuto lang ay bumalik na ito at nakangiti sakin. Parehas silang gwapo ng lalaking inihatid ko nginit magkaiba nag itsura sa isip ko. “Pasensiya na po kung pumasok ako sa bahay ninyo hindi na  po mauulit. Hindi naman po ako magnanakaw , lalong hindi ako masamang tao kahit tignan niyo pa mga gamit niyo pati gamit nung lalaking nakahiga,” hindi pa man ako tapos magsalita ay bigla niya akong kinamayan at pinasalamatan. “Maraming salamat sa paghatid mo sa brother ko at pag aalaga sa kanya. Ikaw pa lang ang gumawa ng ganyan sa kanya. Dati ay iniiwan lamang siya diyan sa may gate, buti at nagkakataong may tao dito, Ikaw pa mismo nagpasok sa kanya  thank you ulit.” Ako naman ay di makapagsalita nagtataka ako kung magkapatid ba tong dalawa ito eh ang layo ng itsura ng dalawa. Nang bigla ko naalalala na kailangan ko na umuwi at baka magising si Tito at wala pa ko sa bahay.
    “ Magpapaalam na po ako  pasensiya na sa abala sige po.” Paalis na ko ng bigla siyang sumunod “Im Vince.  Ihahatid na kita sa inyo”   “Ha? huwag na po malapit lang po ako, dyan lang ako sa kanto! “Alam ko!” Nagtaka ako sa sinagot niyang iyon.  Dali dali na din ako umalis at iniwan siya sa may gate na alam kong nakatingin siya sa akin.

    Kinabukasan ay medyo masakit ulo ko dahil sa puyat at konting tama ng alak.  Mabuti na lang at di ito napansin ni Tito sigurado rin ako na di niya alam ang pag uwi ko na ng madaling araw. Biglang nag ring celphone ko may tumatawag .  “ Hello sino po sila?” Wala namang sumasagot sa kabilang linya “kung ayaw mu sumagot eh di huwag, ang aga aga nambubuwisit ka.” At binabaan ko kaagad.

    Sa resthouse…

    Habang nag aalmusal si Vince para itong bata sa kakatawa,“Hahahahahah, kakatuwa talaga reaksiyon nito. Masyado hot. Sabihin ko na kaya” nang biglang lumabas sa kwarto si Kenjie. “ Ahh sakit ng ulo ko. Paano ako napunta dito? Manong papaano po ako nakauwi dito?”  “ Hindi ko po alam sir! Kakarating ko lang po kanina galing po ako sa kabilang bayan.”  Si Sir Vince po ang tanungin niyo?  Di pa man nagsasalita si Vince ay nagmamadali bumalik si Kenjie sa kwarto. Tinignan nya ang mga gamit at nikita niya ang celphone, ipod at mga susi nito pati na ang notebook na may sulat. Natauhan ito sa nilalaman ng sulat. Nang paglabas niya ng kwarto ay nakita siya ni Vince na binabasa pa rin niya ang sulat. “That answers your question bro!”

    Pagkatapos kong maglinis ng bahay ay napag pasyahan ko tumambay sa ilalim ng puno sa may mini park sa harap ng bahay nina tito. Kabilang daan lang naman iyon anytime na hanapin ako ni tito ay makikita niya ako.  Sa di kalayuan ay may natanaw ako lalaki na nakaupo din sa ilalim ng isang puno doon sa park. Parang familiar ang mukha nito at tama nga ako si Vince  iyon ang kapatid ng lasenggong hinatid ko.  Napaka kisig talaga ng taong ito sa  isip ko. Lumapit sa kin at binati ako. “ Hi! Kumusta tulog mo?  Pasensiya na ulit kagabi ah?”   “Wala  po yun! Ginawa ko lang po dapat.”    “Vince na lang at huwag ka nga mag po magkasing edead lang tayo hahaha.” Napangiti ako sa sinabi niya.  “ Thon thon po” ang sabi ko.   “Alam ko.”  Nagtaka na naman ako sa sinabi nito at bakit pati pangalan ko ay alam niya..  “ Kagabi ka pa ah parang andami mong alam tungkol sa akin. Bakit alam mo kung saan ako nakatira, pangalan ko, anu pa ba Vince? Tanging ngiti lamang ang sagot niya. Nang bigla akong tinawag ni Tito at sinabihang may importante akong tawag mula sa telepono. “Sige Vince aalis na ko.” Magsasalita pa sana siya ngunit iniwan ko na ito.
    Tinawagan ako ng kumpanyang inaplayan ko at sa wakas maguumpisa na rin ko. Nang mga sumunod na araw at Lingo ay naging super busy ako sa trabho. Trabaho at bahay lang lagi ko destinasyon. Heto naman talaga ang gusto ko diba, para matulungan ko nga pamilya ko. Nakakapag padala na ko sa kanila kahit papaano at nakakapagbigay na ko kay Tito although dina naman siya humihingi.  Kahit pagod ako ay alam ko namang sulit lahat iyon.  Pag may pagkakataon ay nakakauwi na din ako sa amin.. Simula ng makapagtrabaho ako ay nakalimutan ko na din ang mga nangyari sa kin sa pagtita ko kila Tito.
Araw ng lingo ay nagkayaan ang pamilya ni Tito na magswiswiming sa sa malapit na resort.  Ayoko sana sumama kaso nahihiya naman ako sa kanya at sa pamilya niya dahil minsan lang naman to.  Kaya sumama na rin ako. Naging Masaya naman ang pakikipagbonding ko sa pamilya ni Tito.  Nagswimming pa nga  ako kasama ang pinsan ko. Nang magsawa na ay nagpaalam na ko na magshoshower na at uuwi na at kumuha na lang ako ng maiinom habang sila ay kumakain pa. Di naman nila ako pinigilan.  Sa pagmamadali ko pumunta sa shower room ay di ko napansin ang isang grupo ng lalaking paparating at aksidenteng nabunggo ko ang isa  sa mga ito ng di sinasadya at bigla kong natapon sa damit nito ang dala kong inumin na naging dahilan para akoy sigawan at ipahiya sa mga kasama niya. “Ano ka ba bulag? Napakatanga mo. Ang luwang ng daanan.”  “Pasencya na di ko naman sinasadya, hindi ko naman kagustuhan ang nangyari.” ang tanging nasabi habang nakayuko. Pag-angat ng mukha ko ay isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ko na naging dahilan para bumagsak ako. Nabigla ako ng makita ko kung sino ang taong gumawa nito, ang taong tinulungan ko na makauwi sa bahay nito nung gabing malasing ito ng sobra, ang taong inalagaan ko.  Imbes na gumanti ay nagtimpi na  lamang ako. Akmang susugurin na naman ako ng lalaki ng may bigla pumagitnang isang lalaki at biglang  nagsalita.  “Kenje tumigil ka na.  Mahiya ka naman sa mga tao dito. Pinagpipiyestahan na tayo.” Familiar ang boses na iyon at nang lumingon ito sa akin ay nakilala ko ito kaagad si Vince. “Alam mo, ang laki ng kasalanan mo sa kanya at napakalaki rin ng utang na loob mo sa kanya. Kaya please lang tumigil ka na.”  “What are you saying I don’t even know this stupid guy.” Di na rin ako nagsalita at baka lalo pa gumulo ang sitwasyon.  Imbes na sumagot si Vince ay inalalayan ako nito at inilabas ng resort at isinakay sa kotse niya. Akala ko ay ihahatid na ko ni Vince sa bahay ngunit dinala niya ako sa rest house. Buti na lang at nasa kabilang dulo sina Tito ng magpang-abot kami ni Kenjie at hindi nila ito napansin. Tinawagan ko ang pinsan ko at sinabihang nauna na kong umuwi dahil may pupunthan lang ako.
Pagdating namin ng rest house ay sinalubong kami ng isang matandang babae na familiar sa akin “Vince anong nangyari?” “Sinuntok po siya ni Kenjie.”  “Naku yang batang yan talaga kahit kelan ay dina gumawa ng matino.  Iho ayus ka lang ba?” Pagkababa ko ng kotse ay nabigla ang babae pagkakita sa kin?  “Ay sus ginoo ikaw?  Yung nasagasaan ni kenjie. Tingnan mo nga naman sa dinami dami ng aawayin ni Kenjie ay ikaw pa.”  Sa aking narinig ay napagtanto ko sa aking sarili na ang magkapatid na Kenjie at Vince ang dalawang lalaking aking narinig at nakitang nagsasagutan ng ako’y magising nung oras na mawalan ako ng malay dahil sa pagkakabundol sa sasakyan.
Wala pa din akong imik.  Napagpasyahan ko umalis na sa lugar na iyon at baka dumating pa si Kenjie at lalong lumaki pa ang gulo. “Vince aalis nang ako.  Malapit lang naman yung inuuwian ko.”   Pagkasabi noon ay umalis na ako at naglakad ng mabilis.  Di ko namalayang humabol si Vince “Thon sandali lang gamutin muna natin yang pasa at sugat mo. Baka anu isipin ng mga kasama mo sa bahay.”  Parang wala akong narinig at tuluyan ng umalis.  Mga ilang oras lang siguro ay umuwi na sina Tito, mabuti na lang at nasa loob ako ng kwarto at nagtulugtulugan  para di mapansin ang nangyari sa mukha ko.  Di na ko inusisa ni Tito at kumatok na lang ito’t nagpaalam  na ihahatid niya sina Tita at pinsan ko dahil sa may pasok ang mga ito.  Sinabi rin nito na huwag ko na siyang antayin dahil bukas ng gabi na uwi niya at ako na lang bahala sa bahay.  Pabor din iyon para sa akin di ko na kailangan itago pa amg mukha ko. 

Sa kabilang banda…..sa bahay nina Vince …
Biglang dumating si Kenjie pagkababa pa lang sa sasakyan ay  sumisigaw na ito, “Vince Vince ….. Nasaan ka?”  “O ano na namang problema mo?  Pwede ba hinaan mo boses mo!” ang malumanay sa sagot ni Vince.  “Ano ba mga pinagsasabi  mo kanina at bakit tunutulungan mo pa yung lalaking iyon. At bakit kailangan ko magpasalamat sa kanya? Nasisiraan ka ba?”  Biglang pumasok si Manang.  “Sir Kenjie pasensiya na po kung makikisali ako sa usapan niyo.  Sir kailangan niyo pong humingi ng tawad sa lalaking iyon.” “At bakit naman po Manang?” Biglang sumagot si Vince “Siya lang naman ang lalaking sinagasaan mo dati sa may gate.” Pagkarinig noon ay bigla nanahimik si Kenjie. Nagpatuloy si Vince, “heto pa ang dapat mong malaman. Remember last time ng nalasing ka ng sobra? Siya lang naman ang taong nagmagandang loob na iuwi ka at alagaan dito Bakit di mo tanungin ang gwardiya para malaman mo ang totoo. Yung sulat niya na iniwan sayo. Natatandaan mo ba? Nag effort ka ba malaman kung sino siya? Hindi! Anong ginawa mo wala?  Parang natauhan si Kenjie sa nalaman at mabilis na umalis. Pinaandar nito ang sasakyan at dali daling pumunta sa may guard house.
    “Manong guard pwede po ba kayo maistorbo?  May natatandaan po ba kayo tumulong daw sa kin nung minsan malasing ako. Last time kasi nung kunin ko yung car ko dito may hang over pa kasi ako kaya hindi na ako nakapagtanong. Pasensiya na po.” “Hindi ko alam eh hindi kasi ako yung nakaduty noon. Baka yung isa naming kasama. Kailan po ba nangyari iyon baka sakaling may detalyeng nailagay sa logbook yung kasama namin. Sinabi ni Kenjie ang araw kung kailan nangyari at nagpaalam saglit ang gwardya. “Saglit lang po ah titignan ko sa logbook.”  Ilang minutong naghintay si Kenjie nang bumalik ang gwardya ay ay may iniabot itong papel. Mabilis na binasa ito ni Kenjie at napangiti ito dahil nakalagay ang pangalan at address ng taong tumulong sa kanya. “Manong guard salamat! mauna na po ako,” at mabilis na umalis si Kenjie.

    Kinabukasan ay tumawag ako sa opisina na hindi ako makakapasok. Masakit pa din kasi ang pasa sa mukha ko. Nagdahilan na lang ako.  Pinayagan naman ako.  Dahil nga mag-isa lang ako ay ako lahat ang gumawa ng mga  gawaing bahay.  Nakakahiya naman kung dadatnan pa ito ni Tito.  Pagkatapos kong magawa ang trabaho ay naisipan kong tumambay sa mini park. Nakita ko ang swing at naisipan kong sumakay dito para mahanginan. Iilang tao lang naman ang nandoon ng mga oras na iyon.  Mga ilang pabalik balik lamang siguro iyon at inihinto ko na.  Bigla ko na lamang naisip ang mga nangyari sa akin simula nang dumating ako dito kila tito, nang biglang may narinig akong boses sa likod ko. “Thon pwede ka ba makausap?” Pamilyar ang boses ngunit mahinahon ang pagsasalita. Ayaw kong lumingon kasi sigurado akong may mangyayari na naman.  Aalis na sana ako ng magsalita ulit ito at biglang hinawakan ang braso ko. “Thon sandali lang gusto lang kita makausap.” Bigla ako lumingon at di napigilang magsalita ng malakas.  “Ano na naman ba ang problema mo? Nanahimik ako dito pwede ba umalis ka na.  Sinira mo na nga mukha ko, please lang  huwag ka namang manira ng araw.” Tahimik lang si Kenjie tapos nagsalita ulit ito.  “Thon alam ko na lahat sory sa nagawa ko. Im really sorry. Siya nga pala salamat pala sa pag-aalaga mo sa akin.  Di man lang ako nag-effort na alamin kung sino iyong taong iyon at pasalamatan ka.” Nang bigla nito inilabas ang notebook. “Naitago ko pala sa drawer ko yan, iyan yung sulat na iniwan mo.  Salamat uli ah!”  Tahimik lang ako at bigla siya iniwan. Alam ko kabastusan ang ginawa ko.  Nasabi ko na lang sa sarili ko marunong din pala magpakumbaba ang hambog na iyon.
     Magtatanghali na iyon kaya nagluto na ko ng pananghalian baka dumating din kasi si Tito ng biglaan kahit sinabi niyang gagabihin siya. Nagluto ako ng sisig. Sa totoo lang especialty dish ko iyon. Nang may bigla may tumawag sa gate.  Akala ko si Tito na ngunit iba pala nang buksan ko ang gate laking gulat ko - si Kenjie.   “Good afternoon Thon.” Di pa man ito tapos magsalita ito ay nagsalita na ko.  “Oh ano na naman. Pwede ba umuwi ka na.  Iniwan na nga kita, pumunta ka pa dito.” Parang batang nagmamakaawa si Kenjie “Please! sorry na. Di naman ako umalis eh, nandoon lang ako hinihintay kang bumalik kaso di ka na bumalik.  Sorry na talaga.!” Nang bigla kong naamoy niluluto ko. “Pumasok ka na nga dito ang init init diyan baka mangitim ka at gulpihin mo na naman ako.  May Niluluto lang ako saglit.”  Pumasok na kami ni Kenjie at sinabihan kong hintayin ako sa sala. Pagbalik ko kahit galit ay niyaya ko siyang kumain. “Halika na dito! Samahan mo na kong kumain.”   “Ha ah eh sige salamat na lang busog pa ko.”  “Busog o ayaw mo lang kumain ng pagkaing pangmahirap? Sige kung ayaw mo umalis ka na.”   “Ang sungit naman nito sige na sasabay na,” at pumunta na siya sa may hapag kainan. Pagkaupo ko ay binuksan ko ang pagkain nakatakip sa may mesa at pagkakita niya ay nabigla ito.  “Oh ano ayaw mo ba? Tara na nga ihahatid na kita sa may labasan. Tumayo ka na diyan.” Nang bigla itong nagsalita. “Heto naman nabigla lang ako kasi super paborito ko kaya ito. Crispy Sisig. Patikim aah!” Napangiti ako bigla ng nagsimula siya kumain at sinabihan ako, “Ano pa ginagawa mo? Tititigan mo na lang ba ako?” Bigla kami tumawa dalawa.. “Thon, sarap nito napakalayo sa niluluto ni Manang, sa susunod ulit ah?”  Ngumiti naman ako “Oo ba basta bigyan mo ko pambili ng mga sangkap at ipagluluto pa kita,” tawanan ulit kami. Pagkayapos naming kumain ay sinabihan ko si Kenjie na doon na muna sa may sala maghintay at magliligpit lang ako ng pinagkainan. Sinabi niya na doon na lang sa may mini park niya ko hihintayin.
    Pagkatapos kong makapaglinis ay pinuntahan ko siya at nakita kong nagyoyosi.  “Gusto mo ba masunog baga mo? Bakit ba ang daming tao di maalis alis ang paninigarilro wala namang kabutihang naidudulot.” Pagkirinig niya sa sinabi ko ay agad niya itong pinatay at itinapon sa basurahan. Nagsimula uli siya magsalita “Thon sorry ulit ha? Pasensiya ka na talaga! Sana naman maging magkaibigan tayo kung ok lang sayo. Hindi ko na ulit gagawin yung mga ginawa ko sayo.” Makahulugang ngiti ang sinagot ko.  “ Oh sige uuwi muna ako ah. Mamaya susunduin kita lalabas tayo ako bahala sa iyo,” sabay kindat.  Di pa man ako pumapayag at nagsasalita ay umalis na ito. Napailing na lang ako at napangiti ulit.
    Alas tres ng hapon ng may tumatawag sa gate.  Ang  akala ko ay si Kenjie na pero nabigla ako si Vince ang nakita ko.   “Oh Vince pasok ka. Napasugod ka ata.?”  “Kinukumusta ko lang naman kalagayan mo after what happens yesterday. Sana ok ka na.”  “Ok na ko. Ok na lahat kalimutan niyo na iyon.  Pasok ka muna.  Ikukuha lang kita ng maiinom.”  “Huwag na napadaan lang naman ako at may sasabihin sana ako sayo…..”  Nang biglang huminto ang isang kotse sa may tapat namin. Bigla ko nakita nag-iba ang maaliwalas na mukha ni Vince.  Si Kenjie pala ang dumating.  “Oh bro, What are you doing here?  Thon ready ka na ba diba sabi mo sayo babawi ako sayo?” Di ako agad umimik, nang biglang magsalita si Vince. “Thon pwede ka ba makausap saglit?”  Nakuha ko ang ibig ipahiwatig ni Vince at sinabihan ko si Kenjie na hintayin ako sa may mini park.  Sumunod naman si Kenjie at nakita kong masama ang tingin nito kay Vince.  Sinimulan ulit magsalita ni Vince, “Mukhang ok na yata kayo ni Kenjie. Naunahan pa niya akong makipagpalagayan ng loob sayo ah?” Tinitignan ko siya ngunit di ito makatingin ng diretso habang nagsasalita. “Pag ginulo ka pa ni Kenjie sabihin mo sa akin ha? Huwag kang mahiyang magsabi, makakatikim yan sakin.” Pagkasabi nito ay nagpaalam na ito. Di ko naman maintindihan ang ibig niyang sabihin na para bang may iba pa siyang gustong sabihin.
    Naligo ako saglit at nagbihis pagkatapos ay tinext ko si Tito na aalis lang ako saglit at nilock ko ang bahay.  Pagkalabas ko ng gate ay nakita kong nakangiti si Kenjie habang papalapit ako. Tumayo na ito sa pagkakaupo at sinalubong ako. Sumakay kami sa kotse nya. Nang may bigla ako naalala at nagsalita  “Heto ba yung gamit mo nung muntikan mo na kong mapatay?  Biglang nawala ang ngiti ni Kenjie at nalungkot at nanahimik. “Uy binibiro ka lang naman oh.  Huwag ka mag-alala kalimutan mo na yon.  Sa palagay mo ba sasama ako sayo kung di pa ok di ba?” Sa sinabi kong iyon ay bumalik ang sigla ni Kenjie. “Relax ka lang ha? Akong bahala sayo sagot ko lahat dahil gusto ko makabawi sayo.
    Dinala ako ni Kenjie sa isang sikat na theme park sa Laguna.  Sobrang saya naming dalawa para kami mga bata. Halos lahat yata ng mga rides doon ay nasakyan namin.  Nang  mapagod ay napagpasyahan naming kumain na lang sa isang fast food doon.  Habang kumakain kami ay panay titig ni Kenjie sa akin. Medyo nailang ako kaya tinanong ko siya.  “May problema ba?”  “Wala naman. Gusto ko lang pagmasdan mga mata mo. Chinito kasi.  Sorry ulit sa mga nagawa ko?”  Namula ako sa sinabi niya at nagsalita na lamang,“Hayan ka na naman naguumipsa ka na naman” ang nasabi ko na lang...Pagkatapos naming kumain ay sinabihan ko siya na kailangan na naming umuwi at papasok pa ko bukas sa trabaho.  Di naman siya tumanggi. Inihatid niya ko sa bahay. Kinuha niya number ko at nagpaalam na siya. Isang text message ang nareceive ko “ Thon salamat ulit. Sa uulitin ! Good night friend!- Kenjie.”
    Naging maayos naman ang samahan naming ni Kenjie ng mga sumunod na araw.  Di niya ako iniistorbo pag oras ng trabaho kasi. Alam niya oras ng break ko at doon siya tatawag at mangungilit na parang bata. Nagkikita rin naman kami pag kauwi ko pag gabi at tumatambay kami sa mini park. Pag wala akong pasok tumatambay kami sa kanila, nagsuswiming at pinagluluto ko pa siya lalo na yung crispy sisig na paborito niya.  Kapag nasa kusina ako ay tyumityempo si Vince na kausapin ako at makipagkwentuhan sa akin kahit saglit lang. Kapag niyaya ko siyang samahan kami ni Kenjie ay umiiwas naman ito. Sa bawat punta ko sa bahay nila ay nakikita ko laging nandoon si Vince.  Alam kong pinagmamasdan niya ako ngunit hindi ito lumalapit at kung makakasalubong man ay ngigiti lang ito ng pagkatamis tamis.

Sa paglipas ng mga araw ay unti unti kong nakikilala si Kenjie pati na din si Vince. Bata pa lang pala siya ay namatay na mommy niya. Nag-asawa pala ulit ang Daddy nito at si Vince ay anak pala ng step mom niya sa una nitong asawa.  Sobrang bait din daw ng Mommy ni Vince kaya pinakasalan ito ng daddy ni Kenjie.  Ngunit di ko pa ito nakikita sa kanila kasi’y nasa province daw at may inaasikaso doon kaya ang Daddy na lamang ni Kenjie ang pumupunta doon. Hindi na nabiyayaan na magkaroon siya ng kapatid.  Kaya pala napakalayo ng hitsura ng dalawa. Lumipas pa ang mga araw at alam ko nahuhulog na ang loob ko kay Kenjie, ngunit ni minsan ay di ako nagtangkang sabihin.  Alam ko kapatid at kaibigan talaga turing nito sa akin. Natatakot ako sa magiging reaksiyon niya kaya’t itinatago ko na lamang ito.
Minsan sa pagpasyal namin ulit sa theme park kung saan ako unang dinala at nagumpisa ang pagkakaibigan namin ni Kenjie.  Naglalakad kami nang mapahinto ako isang free show sa may isang side. Tuwang tuwa ako at ang nagshoshow pa naman ang isa sa maga paborito kong banda ng maga panahong iyon. Nagpatuloy lamang sa paglalakad si Kenjie at nang hahabulin ko na sana siya ay may nakita akong grupo ng dalawa lalaki at tatlong babae at kinakausap si Kenjie.  Sa ayos at mga hitsura ng mga ito ay mayayaman talaga. Nang biglang magsalita ang isa sa mga ito.  “ O pare hinahanap ka namin kanina sa inyo, ang sabi ay lumabas ka daw. Birthday kasi ni Anne bukas eh napagkasunduan na gawin na ngayon. Gusto niya dito daw muna tapos punta ng bar . Akalain mo nauna ka pa amin dito hahaha.”   Huminto ako sa paglalakad at hinintay ko na lamang si Kenjie na balikan ako. “Sino ba kasama mo at may date ka yata.” Tumingin tingin ang tatlong lalaki kung may kasama si Kenjie. Tawanan silang lahat  “Sabi ng kapatid ko last time ay nakita ka daw niya may kasama ka chinitong lalaki, nasa mall daw kayo, sino ba iyon? Wala naman kaming alam na may kaibigan kang ganoon. Siguro nagdadate kayo noh? At lalong lumakas ang tawanan nila. Nang marinig ko iyon ay medyo dumistansya ako.  “Ano ba ginagawa mo dito? Ang balak namin ay babalikan ka na lang namin sa house niyo after namin dito.”  Biglang nagsalita si Kenjie  “Wala, wala ako kasama, inutusan lang ako ni Tita nakisuyo. May fieldtrip daw kasi yung inaanak niya dito na taga Bulacan , pinabigay yung regalo nito. Halos kaalis lang nila. Heto at aalis na din ako.”  “Ganun pala eh tara isabay mu na si Anne sa kotse mo at doon na kami sa van. Tara na ano pa hinihintay mo?” Hindi na nakatanggi si Kenjie. Bigla na lang yumakap sa mga braso niya yung isang babae. Lumabas at umalis na sila. Liningon ako ni Kenjie ngunit saglit lang iyon at sila ay tuluyang umalis na. Ilang minuto din akong natulala dahil sa pagkabigla sa mga narinig ko.  Ang tanging naibulong ko na lamang “Kinahihiya ako ng taong pinapahalagahan ko at bigla na lamang tumulo ang luha ko.”

    Umuwi akong mag-isa na parang tulala. Hindi ko namalayan na nasa gate na ako ng subdivision.  Ayoko pang umuwi ng mga sandaling iyon dahil sa sama ng loob. Puro txt at tawag si  Kenjie. Wala ako reply sa lahat ng txt niya at di ko rin sinasagot tawag niya. Namalayan ko na lang na nasa loob na ko ng Videoke bar kung saan naglalasing dati si Kenjie. Hindi ko alam kung nakailang bote ako. Kumakanta pa nga ako sa mga oras na iyon kahit alam ko wala na sa tono ng may isang lalaki ang inalalayan ako at inilabas sa lugar na iyon.  Di ko siya mamukhaan dahil sa sobrang hilo. Isinakay niya ko sa kotse nito. 
        Bigla akong nagising dahil bumabaligtad sikmura ko at masusuka na ko. Nasa isang kwarto na ko Naramdaman ko na lang na may umalalay sa akin papunta cr at isinubsob ko mukha ko sa toilet bowl at sumuka ako ng sumuka. Nang mahimasmasan ako ako ibinalik ako nito sa kama at inihiga ulit.  Bigla na lang akong umiyak at nagsalita.  “Kung ikinahihiya mo ako sana pala sa simula pa lang ay di na ko nakipagpalagayan ng loob sayo. Sa harap ko pa mismo.  Ipinamukha mo lang talaga ugali mo.”  Nagpumilit akong tumayo ngunit hindi ko talaga kaya. Tinulungan ako ng lalaki at iniuupo sa gilid ng kama.  Kahit di ko ito kilala ay niyakap ko ito at umiyak sa mga bisig niya. Pinapatahan ako nito at niyayapos ang likod ko. Nang bigla itong magsalita “Tama na yan. Huwag ka nang umiyak.  Di ba sabi ko sayo pag sinaktan ka pa niya ulit ay mananagot siya akin.  Hindi kita papabayaan.” Nabigla ako sa narinig ko at nang maaninag ko ang mukha nito buhat sa liwanag ng lampshade -  si Vince. Lalo akong umiyak at lalong humigpit ang yakap nito. Sinabi kong lahat ginawa ni Kenjie habang nakaakap sa kanya. Pagkatapos kong magsalita ay ito naman ang nagsalita. “Siguro ito na ang pagkakataon para sabihin ko sa iyo ito. “Simula pa lang nang makita ko itong larawan mo ay ginusto ko kong makilala ka” inilabas niya sa isang drawer  ang isang maliit na notebook at larawan ko na ikigulat ko.  “Ewan ko ba para kasing ang bait bait mo. Naiwan mo ito sa kwarto ni Manang ng magmadali kang umalis after nung aksidente.  Wala ako ideya sa hitsura mo noong nangyari iyon. Dahil si Daddy at Manong ang nagdala sa iyo sa kwarto. Ako at si Kenjie ay inuna pa ang pagtatalo kesa tulungan ka. Sorry ah. Sinabihan ako ni Manang noon na ihatid ka ngunit napakabilis mong nakalayo. Nung makita ko nga itong note book na ito ay itinago ko ito.”  Bigla niya kinuha ang celphone nito at may akmang tatawagan, ngunit bigla tumunog ang celphone ko sa bulsa ko.  Nagtataka man inilabas ko sa bulsa ko. Nang tignan ko ay may nakaregister na ito sa phonebook at ang pangalan na nakalagay “Buwisit” ito ang pangalan na sinave ko simula ng araw araw na tumatawag at nagmimiscall ito. “ Ikaw?” Magsasalita sana ako ngunit tinakpan niya ng dailiri niya ang labi ko. “Araw araw di mu lang napapansin inaabangan kita .  Kahit pinagtatrabauhan mo alam ko.  . Sobrang naiingit ako kay Kenjie.  Nung makita  ko siya dati sa inyo . Nasaktan ako . Ngayong nasa harapan na kita  sobrang saya ko. Hindi ko alam itong nararamdaman kong ito  wala akong pakialam dahil kaya ko itong paningdigan. Hinding hindi kita ikakahiya gaya ng ginawa niya.. "   Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko, hinanalikan nya noo ko pababa sa ilong at dumampi ang kanyang labi sa aking labi. Napakasarap sa pakiramdam ng kanyang paghalik.Tumayo na siya at nagpaalam at Sinabihan niya ako kailangan ko na magpahinga at sa kabilang kuwarto siya matutulog .Ngunit pinigilan ko siya at sinabi ko samahan niya ako.  Hindi naman siya tumanggi.   Sinabihan ko siya na maliligo lang ako.  Kumuha siya ng tuwalya at mga damit na pamalit . Binigyan niya ko ng sandoat short. Tumayo ako kinuha ang mga iyon  at tinungo ko ang banyo. Sa dami ata ng nainom ko ay umiikot  pa din paningin ko nang bigla ako matumba at  tumama ang gilid ng  ulo ko sa may toilet bowl na naging dahilan upang mawalan ng malay.
   Kinaumagahan ay nagising ako na masakit ang ulo ko dala  ng pagkakabagok nito at dahil na rin sa alak. Pagkahawak ko sa ulo ko ay may nakalagay na benda. Napansin ko na katabi ko pala si Vince. At himbing pa din ito sa pagtulog. Nakadapa ito ka kama at wala suot na damit kundi naka boxers lamang. Napakakisig nito.. Di ko tuloy maalis ang pagkakatitig sa katawan nito. Nang bigla itong mag-unat at magising . Inalis ko ang pagkakatitig sa kanya. " Good morning Thon. Tinakot mo ko kagabi.  Alam mo na siguro nangyari sayo.  Medyo malaki sugat mo kaya nilagyan ko ng benda.. Ang ganda ng gising ko alam mo ba?" di ako sumasagot. "Kasi di ako makapaniwalang nandito ka. Oh tara na almusal na tayo.. " at inalalayan ako ni Vince palabas ng kwarto.. "Uy bagay  pala sayo yang jersey ko ah!. Pati yung short ." Pagkasabi niya noon ay napatanong ako bigla. "Vince ikaw ba nagbihis sa akin. Kakahiya naman, sana hinayaaan mo na lang ako.  Naistorbo pa kita.  Nakaaabala na tuloy ako.”  Nakangiti itong sumagot, “Hindi ba sinabi ko sayo hindi kita pababayaan. Oh maupo ka na dito.  Kumain ka ha para lumakas ka. Tinext ko pala Tito mo gamit phone mo sinabi ko nasa bahay ka ng katrabaho mo. Nagreply naman siya na ingat ka na lang daw. At least dina siya mag-aalala sayo.”
    Tahimik lang ako umiinom ng kape, habang nagkukuwento pa si Vince nang di naming namalayang dumating si Kenjie na medyo lasing pa. Pagkakita sa akin ay mabilis akong nilapitan nito. “Thon, sorry kahapon. Nabigla lang ako. Hindi ko nais gawin iyon.” Tahimik lang ako. “Thon, kausapin mo naman ako sorry na.  Napaano yang sugat sa ulo mo?” Tumayo na lang ako at pumasok sa kwarto. Susundan sana ako ni Kenjie ng pinigilan siya ni Vince. “Umayos ka nga, Tignan mo hitsura mo,”  “Huwag mo ko pakialaman at di ikaw ang kinakausap ko.    “Alam mo ba nangyari sa kanya? Alam mo ba ginawa mo? Kasalanan mong lahat iyan.  Tama ba iwanan mo siya.? Naglasing siya ng dahil sayo.  Pasalamat ka at nakita ko siya. Kung hindi ay ano pa masama nangyari sa kanya.  Sarili mo lang kasi iniisip mo.”
    Bigla ako lumabas at nagpaalam, “Vince salamat sa pagtulong mo kagabi, Mauna na ko. Yung mga damit mo nandoon sa kama.” Pinigilan ako ni Vince  “Anong mauna ka na ? Hindi ka pa ok.”  Tila wala ako narinig at lumabas na sa bahay nila.  Pilit pa din akong pinigilan ni Vice ngunit nanaig pa rin ang kagustuhan ko.  Pagdating ko sa bahay ay nakita ako ni Tito at tinanung niya ako. “Oh Thon ano nangyari sa ulo mo?”  “Ha, wala po nauntog po ako sa pintuan medyo napalakas lang po. Ok lang po ako huwag po kayong mag-alala.  Mabuti at  napaniwala ko si Tito. Hindi na niya ako inusisa.
    Sa bahay nina Vince……
    “Vince mag-usap tayo.” Si Kenjie.  “Saka na tayo mag-usap pag hindi ka na lasing. “Bakit nandito si Thon Thon, bakit magkasama kayo. “Gusto mo ba talaga malaman? Tama ba ikahiya mo siya at iwanan na lang. Kayo ang magkasama tapos nagtatanong ka kung bakit siya nandito?  Sa sobrang sama ng loob niya ay nakita ko siyang naglalasing  sa may labasan. Pasalamat ka at walang masamang nangyari sa kanya.  Sa lahat ng kabaitang ipnakita niya sa iyo, iyon pa igaganti mo. Mahiya ka naman.  Sige Kenjie saktan mo pa siya.” Nanahimik si Kenjie at hindi na  nagsalita pa.

    Lumipas ang mga araw.  Normal pa rin naman takbo ng buhay ko maliban na lang ang di ko pagpansin kay Kenjie.  Araw-araw ay tumatawag ito at nagtetext ngunit di ko talaga nirereplyan.  Nandoong pumupunta pa siya sa trabaho.  Kahit sa pag-uwi ko sa hapon ay madalas itong nakaabang. Parang hindi ko ito kilala at hindi pinapansin. Gusto gusto ko na talagang makasama siya gaya ng dati ngunit  alam kong mas makakabuti ito, kesa mas lalo pa akong masaktan.. Isang hapong papauwi na ako paglabas ko ng opisina nandoon na naman si Kenjie at inaabangan ako. This time ay hindi niya  talaga ako nilubayan . Pilit ako nitong pinapasakay sa kanyang sasakyan . Alam kong iba ang  timpla ng kanyang ugali sa mga oras na iyon. Medyo sumisigaw na siya." Thon.. Please lang kausapin mo na ko. Di na ba natin pwedeng ibalik ang dati? Sumakay ka na mag-uusap tayo." Ayoko sanang sumakay ngunit may mga kaopisina na akong nakatingin sa amin kaya napilitan na din ako.  "Ok sige para  matapos na ito ." Habang nasa loob kami ng kotse ay hindi ko pa rin siya kinakausap. Namalayan ko na lang bigla na lamang niya itong iniliko sa isang drive in na hotel. .Pagkababa namin ay dumiretso si Kenjie at sumunod na lang ako.  Pagkapasok ko pa lang  ay sinimulan na ni Kenjie magsalita. “Thon, sobrang miss na kita. Hindi mo na ba talaga ako kakausapin.  Hinahanap hanap ko ang mga bagay na ginagawa mo para sa akin. Please naman bumalik ka na. Miss ko na kaibigan ko.”  Gusto ko siyang yakapin ng mga oras na iyon ngunit nagtimpi pa din ako. Hindii ko namalayang umiiyak na pala ako habang nagsasalita. “Kenjie akala mo ba gusto ko ginagawa ko?  Sobrang nasasaktan na din ako. Hindi  mo ba napapansin o manhid ka lang.?  Alam ko mali ito but Im falling in love with you. Kaya gusto ko mang ibalik ang dati hindi na pwede alam kong hindi mo ko kayang mahalin. Kaya iwasan mo na ko  Kenjie.” Lalabas na sana ako ng kwarto nang pinigilan at bigla akog niyakap ni Kenjie. “Thon, sorry  alam ko naguguluhan din ako. Hindi ko maipaliwanag tong nararamdaman ko. Alam ko mahal na mahal kita . Ayokong iwanan mo ako.  Binago mo na ko. Dati lagi akong malungkot  ngunit ngayon lagi akong masaya dahil nandiyan ka.  Inaamin ko natatakot ako aminin sa sarili ko na nahuhulog ako sayo.  Ang hirap pala kapag nawala ka. Please naman bumalik ka na.”  Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya ng mga oras na iyon. Parehong umiiyak kami ni Kenjie. Naramdaman ko na lang ang dahan dahang pagdampi ng labi ni  Kenjie sa aking labi.  Naging mapusok ang aming halikan. Sinimulan maghubad ni Kenjie at itinira lamang nito ang kanyang puti brief. Tumambad uli sa aking harapan ang kanyang matipunong  katawan.  Lalo akong humanga sa kanya. Iba iba na ang katawan niya nang huli ko itong masulyapan noong lasing ito at inihinatid ko. Napansin niyang nakatitig lang ako sa kanya. Lumapit ito at hinubad ang aking mga damit at itinira ang aking boxers.  Niyakap niya uli ako at naghalikan kami ulit. Kumawala ako sa halikan namin at inihiga ko siya sa kama at sinimulan siyang romansahin. Dinilaan ko ang kanyang tenga pababa sa leeg. Napapaungol siya sa ginagawa ko. “Ohhhh ! Thon ahhhhh mahal na mahal kita. Nang marating ko ang kanyang mga nipples ay dininilaan at marahang kinagat kagat . Sobra sobrang  ungol pa ang naririnig ko sa kanya."Thon sarap naman niyan ahhh. Huwag mong itigil  ahhh.”  Bumaba pa ang labi ko at nang makarating ito sa kanyang pusod ay nilawayan ko ang butas nito at pinaikot ikot ang dila  ko dito na lalo yata nagpalibog kay Kenjie. Dahan dahan ko inalis ang suot na brief ni Kenjie  at tumambad sa kin ang pagkalalaki nito. Nasa 6 to  6.5 inches ito at medyo may katabaan.  Sa una ay hinahalik halikan ko ilang ito at nang maglaon ay isinubo ko ito at nagtaas baba ang labi ko sa pag higop dito. Napahawak sa ulo ko si Kenjie at  sinabayan niya ng pagkantot ang ginagawa ko. Bigla akong pinatigil ni Kenjie at ako naman ang pinahiga niya. Pumatong si Kenjie sa akin at inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko at bigla nagsalita, “Thon napakasaya ko sana huwag na matapos ang araw na to. Hindi ko talaga kakayanin pag nawala ka pa. …..” Hindi pa siya tapos magsalita nang nginitian ko siya at bigla ko inilapat ang labi ko sa labi niya. Bumaba ang halik niya sa leeg ko pababa sa dibdib ko.  Dinilaan niya ang magkabilang nipples ko at kinagat kagat at biglang sinuso na lalong nagpaungol sa akin. “AAHHHHH Kenjie…… ahhhhh… sobrang mahal na mahal kita ahhhh…..” Napansin ko ang  masaya at maaliwalas na ngiti sa mukha ni Kenjie.. “ I love you din Thon.. at pinagpatuloy nito ang ginagawa.  Nang makarating siya sa aking harapan ay pinahinto ko ito kahit libog na ko. “ Kenjie sigurado ka bang gagawin mo?”  ang tanong ko sa kanya.  “ Para sa ikaliligaya ng mahal ko gagawin ko.”  Pagkatapos mabanggit ang katagang iyon ay hinubad niya ang aking boxers at tuluyang kumawala ang tigas na tigas ko ng pagkalalaki. Marahan ang ginawa niyang paghalik dito at nang kalaunan ay isinubo niya ito.  Hindi ako makapaniwala kaya niyang gawin iyon. Nararamdaman ko na sumasabay na pala ang pagtaas babako sa bawat higop niya sa ari ko. Napakasarap pala pag sobrang mahal mo ang taong gumagawa nito sayo. Nang medyo mapagod ay ako naman uli ag nagpaligaya sa kanya. Isinubo ko ulit ang kanyang matigas na matigas na ari.  Pati ang dalawang itlog ni Kenjie ay di ko pinalampas.  Napapasabunot ito sa kin dahil sa sobrang kiliti. Sinabihan ko siya pag malapit na siyang labasan.  “Kenjie pag malapit ka na sabihan mo ko gusto ko sabay tayo.” Tumango lamang ito at kitang kita sa mukha niya na ninanamnanm niya ang sarap na nararamdaman.  “Ahhhhh Thon Malapit na ko ahhhhh…………” Bigla kong huminto sa ginagawa ko at ipinagpatuloy ni Kenjie ang pagjajakol sa kanyang sarili. Naghalikan kami at nagjakol kami ng sabay, nang maramdaman kong malapit na din ako. “Kenjie ahhhhhhh heto na ko ….. ahhhhh.. iiii loveeeeeee you ahhhh.” Bigla pumulandit ang katas ko sa tiyan, sa dibdib at may tumalsik pa sa may dibdib ni Kenjie. Malapit na ding marating ni Kenjie ang sukdulan nang bigla itong pumatong sa akin at nagtaas baba na para bang tumitira ng isang babae at naramdaman ko ang paglabas at pag-agos ng katas niya sa puson at tiyan ko dahilan upang maghalo ang tamod naming dalawa. “Thonnn  ahhhhh ooooohhhhh heto na…… Mahal na mahal kita……. Nagyakapan at naghalikan kami ng matagal at ninamnam naming ang sarap ng aming pagtatalik….
    Nauna na akong pumunta sa banyo upang maglinis. Nagshoshower ako ng maramdaman ko bigla ako niyakap ni Kenjie.  “Thon salamat..” sabay halik sa labi ko. Naglinis na kaming pareho ni Kenjie. Nilisan naming ang lugar na iyon ng may ngiti sa aming mga labi.  Habang pauwi kami ay nakaakap ako kay Kenjie sa loob ng sasakyan habang nagmamaneho ito. At paminsan minsan ay  hinahalikan niya ko. “Thon, huwag mo na ko iiwan ulit ha? Pangako ko hindi hindi na kita sasaktan. Kahit alam ko mali itong ginagawa natin ang mahalaga masaya tayong pareho. Magiging tapat ako sayo sa lahat ng oras kasi nga ayaw na kitang saktan.” Hindi man ako sumamasagot sa kanya ay alam niya masaya ko.
    Hinatid niya ako sa bahay at tumambay muna kami sa saglit sa may park.  Pinag usapan naming kung papaano ang magiging set up namin.  Napagkasunduan naming na para usual na magbest friend pa rin ang turingan naming pag nasa mga pampublikong lugar. Hindi ko rin kasi kaya magpaka PDA.  At isa pa ay wala pa pwedeng makaaalam ng tungkol sa amin dahil na rin sa mga taong nakapalibot sa amin. Nagpaalam na si Kenjie na uuwi na at nangakong magkikita kami at lalabas kinabukasan dahil wala na naman ako pasok at rest day ko sa trabaho. Bago magpaalam ay luminga linga muna si Kenjie at tinitignan kung may mga tao at nang makasiguro hindi rin kami mapapansin dahil sa medyo madilim ang kinauupuan namin ay niyakap at hinalikan ako.  Tawanan kami dalawa at tuluyan na itong umalis. 

    Umalis na din ako sa may park at papasok na ko ng bahay ng bigla may tumawag sa akin sa di kalayuan.  “Thon! Pwede ba tayong maag-usap?”  bigla akong lumingon at nakita ko si Vince pala. “Oo naman sige doon na lang tayo sa park.”  Bumalik ulit ako ng park at umupo kami ni Vince sa isang bench.  Bigla itong nagsalita at nagtanong? “May namamagitan na ba sa inyo ni Kenjie?” hindi ako sumagot. “Nakita ko siyang niyakap at hinalikan ka niya kanina.” Kinakabahan ako sa aking narinig at lalong nanahimik. “ Sana naman maging maayos kayong dalawa. Naunahan na naman niya ako sayo. Ang tanga ko kasi kung dati pa sana sinabi ko na sa yo ang nararamdaman ko hindi sana ako magkakaganito ngayon. Huwag kang mag-alala hindi ko naman kayo guguluhin. Basta huwag mo lang sana ako iiwasan na para hindi mo kilala. Kapag sinaktan ka niya ulit huwag ka mahiya magsabi ako bahala sa kanya. Nandito lang ako para sayo.”    Pagkarinig ko sa mga katagang binitawan niya ay di ko mapigilang mapaiyak at mapayakap sa kanya. “Salamat Vince, at laging nandiyan ka.”  Alam ko mangiyak ngiyak din si Vince ngunit pinipigilan nitong magpahalata. Nagpa-alam na ito at tuluyang umalis.

    Sa paglipas ng mga araw ay wala naman naging problema sa samahan namin ni Kenjie. Naging mas lalo kaming malapit sa isa’t isa. Naenganyo ko pa nga siyang maging responsable sa buhay dahil sa mga biyayang kanyang tintamasa. Natuto din siyang  mag magpahalaga kung gaano kahalaga ang isang bagay kapag pinaghihirapan mo ito. Napakiusapan ko siyang bumalik sa trabaho niya, although family business nila iyon. Hindi ko na nakikita sa kanya ang dati nitong ugali, ang pagiging mayabang at arogante.  Hindi lang naman ako ang may gusto sa mga nangyayari kay Kenjie, lalung lalo na ang kanyang pamilya. Gusto gusto nila ang bagong Kenjie.
    Ang bilis lumipas ng panahon  at ilang  buwan na lamang ay kaarawan ko na naman.  Napagdesisyunan kong uuwi ng Pampanga at isasama ko si Kenjie.  Ipapakilala ko siya kila nanay, tatay at sa mga kapatid ko at nang makapunta na din siya aamin.  Wala naman akong balak na icelebrate talaga birthday ko. Konting salo salo lang kasama ang pamilya ko ay ayos na iyon.  Nang magkita kami ni Kenjie ay masaya ko itong kinausap.  “Uy uuwi ako sa birthday ko, isasama kita ha? Gusto ko makilala mo sina tatay at nanay. Wala na mang celebration na  mangyayari , salu salo lang naman, tayo at family ko lang.”  Napansin kong parang hindi nakikinig si Kenjie at may iniisip. “Ayos ka lang ba? May problema ba? Baka makatulong ako. Para kasi wala akong kausap dito?”  parang natauhan si Kenjie sa sinabi ko. “Ha ah ehh ayos lang huwag mo kong alalahanin. Oo narinig naman kita sige pangako sasama ako sayo.”  Ngumiti na lang ako at hindi ko na siya tinanong. Lumabas man kami ng araw na iyon ay talagang napapansin ko hindi mapakali si Kenjie at may gustong sabihin. Hinihintay ko siyang magsabi ngunit nakuha na naming umuwi ay wala pa rin itong sinabi.
    Nang mga sumunod na araw at linggo at buwan ay hindi nagpaparamdam si Kenjie. Mga txt ko at tawag ay hindi niya sinasagot. Laging unattended ang celphone nito. Nag-aalala na ako.  Nang mapagdesisyunan kong puntahan siya sa kanila.  “Manang magandang araw po! Si Kenjie po? Nandiyan po ba? Galing na po ako sa rest house wala daw po siya doon.”  “Ha ah ehh wala siya dito.  Hindi mo ba alam na umalis ito? Eh kayong dalawa ang  laging magkasama di ba? Dalawang buwan na siyang hindi umuuwi dito. Nagpaalam siya sa Daddy niya na may aasikasuhin daw itong importanteng bagay pero di ko alam kung ano iyon. Nahihiya naman akong magtanong.” Nalungkot ako sa sinabi ni Manang. Napaisip akong bigla kung bakit umalis si Kenjie at hindi man lang ako sinabihan. Kahit simpleng txt message lang ay di pa rin siya nagpaabot. Nang magsalita ulit si Manang. “Thon, alam mo simula ng makilala ka ni Kenjie ay napakalaking pagbabago ang nangyari sa kanya.  Naging responsible siya at tuluyan nang umayos ang buhay niya. Ano ba ginawa mo sa kanya. Kahit Daddy niya ay di makapaniwala sa nangyayayari sa kanya. Sobrang saya ni Dr. Cruz at sa wakas ang matagal na hinahangad niyang pagbabago ng anak ay natupad na at dahil iyon sa iyo. Salamat ha?  Gusto ka daw makausap ni Doc minsan.”  Ngiti lang ang isinagot ko kay manang. Magpapaalam na sana ako ng dumating si Vince. “Thon mabuti napasyal ka?  Halika sa loob magmeryenda ka muna. Manang pa prepare naman po kami ng makakain.”  “Sige Vince ikaw na muna bahala kay Thon Thon,” at umalis na ito. Nagsimula ulit magsalita si Vince, “Ilang linggo ng wala dito si Kenjie. Sabi ni Tito ay may aasikasuhin daw ito ngunit di pinaalam kung saan pupunta. Thon alam mo ba kung saan siya nagpunta?” pagkasabi ni Vince ng mga katagang iyon ay napaiyak na lang ako at pasigaw na sumagot “Wala akong alam Vince!  Walang araw na hindi  ko siyang tinatawagan at tinetext, hindi siya sumasagot. Lagi hindi ko siya makontak. Kung makokontak ko man celphone niya kinakansela pa niya ito.Tama ba iyon. Kung ayaw na niya ko makita sabihin niya. Tapos aalis siya nang biglaan hindi man lang magsasabi. Ginagawa niya akong tanga. Kung hindi pa ako pupunta dito hindi ko malalaman. Kung may problema siya bakit di siya magsabi.”  Medyo pasigaw na ang pagsasalita ko ng mga oras na iyon. Pinakalma ako ani Vince, “Sorry hindi ko alam.” Hindi ko na nagawang magsalita pa at tuluyan ng umalis.
    Pag kauwi ay pumunta ako sa may park nag-isip isip. Tinatawagan ko naman si Kenjie at nagriring lang ang celphone nito. Dahil ditto napaiyak naman ako. Biglang nag ring ang celphone ko mabilis ko itong sinago, akala ko si Kenjie ngunit si Vince pala. “ Hello? pasensya na Vince akala ko si Kenjie, pasensiya ka na kanina pati ikaw nasigawan ko sorry!”  Sa kabilang linya – “Thon ayos ka lang ba? Kailangan mo ba ng makakausap. Huwag ka na umiyak. Kung gusto mo puntahan kita. Sinabi ko naman sayo dati na pag may ginawa ulit si Kenjie hindi ko na palalampasin.” Umiiyak man ay napangiti ako kahit papaano.  “Salamat Vince. Ayos lang. Lilipas din ito. Kung ayaw niyang ipaalam ang problema niya sige ayos lang. Bahala siya, hinding hindi ko na siya pakikialaman. Ayoko lang kasing pinagmumukha niya akong tanga.”    Kahit sinabi ko iyon kay Vince ay walang araw na di ko tinatawagan at tinetxt si Kenjie sa pagbabasakaling sasagot ito.
    Dumating ang araw ng aking kaarawan.  Ipinagdasal ko na lang na sana kahit sa araw na ito magparamdam man lang si Kenjie, ngunit wala talaga.  Nakapangako na ako sa amin na uuwi ako sa araw na ito, kaya kahit mag-isa at masakit ang loob kay Kenjie ay umuwi pa din ako. Pagdating sa bahay ay tuwang tuwa sina tatay at nanay maging ang mga kapatid ko sabik din silang makita ako. Sa isip ko makakalimitan ko si Kenjie kahit panandalian lang kasama ng pamilya ko. Masaya kaming kumakain ng biglang may narinig kaming humintong sasakyan at may tumatawag sa may labasan. “Tao po! tao po!” Tumayo ang isa sa mga kapatid ko at pinagbuksan ito. “Mawalang galang po, ditto po ba nakatira si Thon Thon,?”  Parang familiar sa akin ang boses na iyon at dali dali ako tumayo ng marinig kong ako ang hinahanap nito. Pagkakita ko sa lalaki naghahanap sa akin ay hindi ako makapaniwalang si Vince ang makikita ko. Nabigla man ay napangiti ako. Nang makita ako ni Vince ay nagsalita ito habang kinakamot ang ulo. “Muntik na ko maligaw hehee…Siya nga pala Happy Birthday Thon.” At iniabot nito ang mga dala dalang pagkain at regalo. “Papaano ka napunta dito?” ang tanging nasabi ko.? Imbes na sumagot ay sinuklian na lang ako ng ngiti nito. Ipinakilala ko si Vince kila tatay at nanay.  Wala naming silang gaanong tinanong. Inaya ko si Vince na saluhan kaming kumain at wala akong nakitang pagtutol dito.  Habang kumakain ay nakapagpalagayan ng loob ni Vince ang aking pamilya lalo na si Nanay. “Sarap ng kare-kare ninyo Tita. Ibang iba sa luto ni Manang,” ang pambobola ni Vince. “Hay naku si Nanay oh gustong gusto namang pinupuri.” Tawanan kami lahat…Pagkatapos kumain ay nagpaalam ako kila tatay na doon lang kani ni Vince sa may likod bahay at tatambay lang. Pumuwesto kami sa lilim ng isang puno ng mangga na may mga kawayang upuan na nakapalibot sa katawan nito. Hindi kumikibo si Vince nang magtanong ako, “Papaano mo nalamang kaarawan ko ngayon? At bakit alam mo itong lugar namin? Pasensiya na nagtataka lang ako.  Kahit si Kenjie ay hindi alam ang lugar na ito.” Bigla nitong inilabas ang isang maliit na note book.“Dahil dito.” Natawa ako at napailing pagkakita ko sa notebook. Ang naiwan kong notebook sa kanilang bahay noong maaksidente ako. “ Hanggang ngayon pala na sa sayo iyan. I thought wala na iyan,” ang tanging naisagot ko. “Nasorpresa ka ba? Pasensya na kung hindi ko sinabing pupuntahan kita dito. Alam ko namang si Kenjie pa din ang iniisip mo.  Sugurado ako siya ang makakasama mo dapat dito.”  Bigla kong tinapik ang kanyang balikat. “Salamat at pinasaya mo ako sa araw na ito. Huwag na muna nating isali si Kenjie dito. Hindi ba sabi ko sayo kung ayaw niyang pakialaman ko siya, eh di huwag. Madali lang ako kausap. Ginawa ko na lahat, tama na siguro iyon, kasi hindi naman ako nagkulang. Kaya simula ngayong araw na ito susubukan ko burahin si Kenjie sa buhay ko. Ayos ba iyon? Nginitian ako ni Vince at hinawakan ang aking kamay.  “Tara Vince gala tayo ipapasyal kita dito sa  Pampanga. Ipapatikim ko sa iyo yung mga pagkaing hindi mo pa natitikman.” Sumang ayon naman si Vince.  Nagpaalam ako kina Tatay at Nanay na lalabas kami ni Vince.  Pinayagan naman kami at sinabihang mag-ingat na lang at huwag masyadong magpapagabi.
    Dinala ko si Vince sa may palayan, para kaming mga batang naghahabulan. Isinakay ko pa siya sa likod ng kalabaw na talaga namang inenjoy niya habang kinukunan ko ng litrato.  Nagtampisaw din kami sa ilog at nagbasaan. Dinala ko din siya paborito kong kainan ng halo halo sa bayan ng Arayat. Talagang wala siyag masabi ng matikman niya iyon. Enjoy na enjoy si Vince sa naranasan niya. Nagenjoy din ako kasama siya. Nang malapit na kami umuwi a napadaan kami sa isang simbahan at doon ay pumasok kami. Umupo ako at si Vince ay agad na lumuhod at taimtim na nanalangin. Habang nagdarasal siya ay napagmasdan ko siya mabuti at humanga na naman ako sa taglay niyang kakisigan. Napatulala ako at para nawala sa sariling ilang segundo. Bigla akong natauhan ng magsalita ito. “Ehem…. Hoy Thon Thon ano nagyari sayo?”  “Ha ah eh wala.” Namula ako sa kinauupuan ko.  Sigurado akong napansin ito ni Vince. Para makaiwas sa tanong niya ay dali dali akong tumayo at lumabas.  Sumunod si Vince at ngingiti ngiti ito na para bang nanloloko. Nagyaya na ko umuwi at naunang sumakay sa sasakyan niya.  Habang tinatahak naming ang daang pauwi ay bigla na lamang itinigil ang sasakyan. Nagulat ako at nagtanong. “Vince ano nangyari may nasira ba? Bakit tayo tumigil? Nagaalala kong tanong? “Wala gusto ko lang sulitin tong araw na to na kasama ka, sobrang saya ko. Sana bigyan mo ko ng pagkakataon na patunayan na mahal kita. Ayokong makita kang nalulungot at nahihirapan.  Sana huwag ka mag-isip na sinasamantala ko ang pagkakataong nahihirapan ka dahil kay Kenjie.  Dapat matagal ko na ginawa ito. Ngayong nagkaroon ako ng pagkakataon ayoko lang palampasin. Pag nakikita ko kayo ni Kenjie sa bahay ay nasasaktan ako. Lalo akong nahulog sa iyo noong mapagbago mo si Kenjie walang ibang nakagawa noon kundi ikaw lang. Kung tutuusin napakaswerte niya pero ano ginawa niya pinapabayaan ka niya.”  Pinaandar na ulit ni Vince ang sasakyan. Nang makauwi na kami ay nagpaalam na itong uuwi na ng Laguna ngunit hindi siya pinayagan nina Tatay at sa halip ay sinabihan itong sa amin na matulog. Pumayag naman siya. Kinagabihan dahil nga birthday ko ay nag-yaya uminom si Tatay.  Bumili ito ng apat na bote ng gin.  Nakakatuwa si tatay isang bote pa lang ay umayaw na ito sinabi matutulog na.  Naiwan kaming  dalawa ni  Vince. Nang makaramdam ako na medyo nalalasing at nahihilo na ako ay inaya ko na itong matulog. Dahil sa may dalawang kwarto lang ang bahay naming ay sa sala na lang natulog ang mga kapatid ko at kaming dalawa ni Vince ay sa isang kwarto natulog.  Pagkapasok sa kwarto binigyan ko si Vince ng damit na pamalit at iniwan ko muna ito at naligo muna ako. Pagbalik ko ay nabigla ako sa aking nakita at tumambad sa akin ang kanyang katawan. Bigla kong binawi ang pagkakatitig doon. Wala na itong damit at tanging nakatapis na tuwalya ang suot nito. Sinabi niyang maliligo din daw ito bago matulog.  Sinabihan ko itong mauna na kong matutulog dahil sa nahihilo na ko at sumunod na lang ito pagkatapos nito maligo. Mga ilang minuto lang siguro ay nakatulog na ko. Sando at boxers lang ang suot ko.  Nagising ako ng maramdaman kong may humahaplos sa ulo ko habang nakayakap ang isang kamay nito sa akin. Nang imulat ko mga mata ko si Vince ang nakita ko. Wala pa din itong suot na damit at tanging brief lang ang suot. Nakangiti at pinagmamasdan ako. Hinahawakan niya tenga ko, ilong ko, labi ko , nang bigla akong mapatayo at sinabihang baka may makakita sa amin.  Ngumiti ito at sinabing huwag mag-alala dahil naikandado na niya ang pintuan.
Nahiga ulit ako at niyakap niya ako ulit, sa pagkakataong ito ay para niya akong iginapos sa kanyang mga bisig. Nakatalikod ako sa kanya habang yakap yakap niya. Marahan niyang hinahalik halikan ang tenga ko ang batok ko at balikat ko. Tunigil lang siya nang magsalita ako. “Vince tama ba tong ginagawa natin? Baka pagsisihan natin ito.” Bigla niya akong iniharap sa kanya. “Walang mali dito. Ang mali ay ang pag-iwan sa iyo ni Kenjie. Ginawa mo na ang lahat at hindi ka nagkulang at iyon ay talagang napatunayan mo. Gusto ko ipadama sayo na tunay ang pagmamahal ko sayo. Bigyan mo ko ng pagkakataon Thon at gagawin ko ang lahat upang hindi ka masakatan. Napatitig na lang ako kay Vince nang maramdaman kong dumampi ang labi niya sa labi ko. Ang marahan niyang paghalik ay dahan dahang naging mapusok.  Naramdaman ko na lang na lumalaban na din ako. Naging mapusok ang aming halikan at nararamdaman kong sinisipsip ni Vince ang dila ko. Nasarapan ako sa ginagawa niyang iyon. Naging malikot din ang kamay niya. Tinanggal niya ang suot kong sando at kanyang nilamas ang mga dibdib ko na para lumalamas ng dibdib ng bababe. Pagkatapos ay marahan niyang dinilaan ang mga utong dito dahilan upang masabunutan ko ulo niya. Bumaba ang kanyang halik at pinagapang niya ang kanyang dila papunta sa aking pusod. Nilawayan niya ito at nilaro.  Sobrang kiliti ang idinulot nito. Gusto ko mang sumigaw ay hindi pwede at baka marinig pa kami kaya’t kinagat ko na lang ang aking labi. Para akong kinuryente nang biglang inilabas ni Vince ang ari ko, dinilaan niya ang ulo at tuluyan niya itong sinubo.  Napakainit ng bibig ni Vince. Kahit hindi ito gaano marunong ay kakaiba sensayon pa rin ang idinulot nito. Nang mapanasin ko medyo nangangawit na siya ay siya naman ang pinahiga ko. Sinimulan kong halikan labi niya at ipinasok ko ang dila ko sa bibig niya na para isang ahas na may hinahanap sa loob ng lungga. Bumaba ang labi ko papunta sa kanyang maskuladong dibbib habang ang isa kong kamay ay ipinasok ko sa kanyang suot na brief. Matigas na matigas na ang kanyang ari at naramdaman ko na lang na may precum ito. Dinilaan ko ang mga utong niya at kinagat kagat. Hindi alam ni Vince kung saan ibabaling ang ulo niya. Alam kong pinipigilan niyang umungol ng malakas at baka mahuli nga kami. Alam kong gusto na ni Vince na dumako na ko sa kanyang pagkalalaki  dahil itinutulak niya ang ulo ko pababa.  Marahan kong inalis ang kanyang brief at napaurong ako sa nakita ko. Sobrang taba nito at tnya ko nasa 7 inches ito. Hindi ata kakayaning isubo ito. Nagaalinlangan man ay dahan dahan ko itong isinubo. Nagtaas baba ang bibig ko sa ari niya. Ngunit di ko talaga kaya isubo ito ng buo kaya’t hanggang kalahati lang ang ginawa ko. Habang binoblowjob ko si Vince ay tuluyan na nito inalis ang suot kong boxers.  Hinawakan niya ang ari ko at painaglaruan niya ito pataas pababa.   Bigla siyang bimaligtad at isinubo ito.  Nasa ibaba siya at nasa taas ako habang parehas naming subo subo ang ari ng isat isa. Nakadagdag pa ng sarap na aking nararamdaman ng pinatigas niya ang dila niya pilit na ipinapasok niya ang dila niya sa butas ko sa pwet.  Upang di lumikha ng ingay ay isinubo ko nang maigi ang ari niya para hindi ako makapagingay. Naramdaman kong malapit na kong labasan at sinabihan ko siyang lalabasan na ko. Hindi niya inalis ang ari ko sa bibig niya, mas lalo pa niyang pinag-igi ang pagsubo dito. “Ahhhhh shit Vince lalabas na ahhhhhhh heto naaaaa.” Tuluyan ko na akong nagpalabas sa bibig niya. At ang ibang tamod ko nagkalat sa dibdib niya. Bigla niyang itinaas baba ang kanyang puwitan, sumasabay sa bawat higop ko pataas pababa sa ari niya, hudyat na malapit na ring marating niVince ang sukdulan. “Thonnnn I love you so much…. Ahhhhh.. ohhhhhh. I’m cummminggggggg.” At tuluyang lumabas ang katas ni Vince sa bibig ko. Pagkatapos ay iniluwa naming pareho ang katas ng bawat isa. Hindi na naming nagawang maglinis pa at pinunasan na lang namin ang bawat isa. Nagbihis na kami at natulog kaming magkayakap ni Vince. Bago matulog nagpasalamat pa siVince at isang. matinding halikan pa amg naganap. “Thon salamt talaga… Pangako hindi kita sasaktan asahan mo yan… hindi ka na iiyak..”  Isang matamis na ngiti abg isinukli ko. Sapat na iyon at alam kong alam din ni Vince ang pagtanggap ko sa kanya…..

Itutuloy (Abangan sa susunod na Kabanata ang muling pagbabalik ni Kenjie at pagpasok ni Sandro na

31 comments:

  1. nice story author, waiting for the next chapter...kudos

    edward

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you very much!!!! God bless!

      Delete
  2. ang ganda ng story sana masundan agad ito

    ReplyDelete
  3. Sana mahaba-haba din 2nd chapter para atleast sulit ang pghihintay :/

    ReplyDelete
  4. Ang ganda ni thon!! Sya na ang pinagaagwan ng magkaptid... Ikaw na ikw na! -kryptonite

    ReplyDelete
  5. Hindi sila magkapatid. try to read beweem the lines. Any way nice story thon....

    ReplyDelete
  6. Very nice. Ang galing ng love story at twist. Ang ganda ng pagkasulat ng plot, at pag inject ng sex/lovemaking scenes. Its really far from most stories posted here. Pls keep writing. I think you're brilliant. :D - jadedboy

    ReplyDelete
  7. ganda ng story,, kudos sa writer,,

    ReplyDelete
  8. I love the story! Ang ganda ganda ni thon! Dalawang gwapong lalaki ngkagusto sa knya.. Hehehe
    Sana my kasunod agad.., fiction lang ba to? God bless thon..

    ReplyDelete
  9. I'm so excited for the next chapter... Perfect rating!

    Queckenstedt

    ReplyDelete
  10. ganda ng story, kahit mahaba di nakakainip basahin.

    go team vince lol

    ReplyDelete
  11. pro-vince & anti-kenjieJuly 4, 2012 at 10:45 PM

    di ko maipaliwanag ang naramdaman kung tuwa nung nabsa ko ito, maraming salamat sa sumulat ng napakagandang storya na ito..

    ReplyDelete
  12. i really really like the story.. full of excitement on Ch. 2.. i'm so much excited to read that,,
    to writer,, keep it up dude,,\

    -nocturnaljin

    ReplyDelete
  13. Ang ganda sobra ng story. Sana next time mas madami linya c manang. :)

    ReplyDelete
  14. Malapit na lumabas yung Chapter 2

    Bale last and Final Chapter na din iyon.

    Thanks guys for the comment God Bless us all>>>>>

    ReplyDelete
  15. hahaha!!
    s0brang kabaklaan ang st0ryang ito..di ko na tinapos..iw!
    magbasa nga kayo ng Bibliya, Roma 1:25-31

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alam mo bang habang binubuksan mo ang site na ito itinatala rin ang kaluluwa mo sa imperno. Alam ko at syento porsyento sigurado ako na susunugin ang kaluluwa mo sa impyerno. BWAHAHAHAHA .... pa iw iw ka pa susunugin ka lang pala ... Bastos ka walang modo iniexpect mo ba na magbabasa ka ng kwentong bibliya sa pagbukas mo ng site na ito... humayo ka na at pumuntang impyerno... ipokritang bakla!

      Delete
  16. dami ko namang tawa sa comment mo. Bakit ano ba sa palagay mo ang mga istorya dito.... kuwento ni Lola Basyang...Mag-isip ka nga.... O di ka marunong mag-isip..hahahaha

    ReplyDelete
  17. sobrang kabaklaan? eh bakla namanmga tao dito hahaha

    ReplyDelete
  18. alam mo pla na bakla ang mga tao d2 bat k nand2 cguro bakla k rin. kc bat mo binasa kun hndi k bakla... at wala nag sabi sayo u pumilit na mag puntak d2 kusa kang pumunta d2 sa blog n2 kc kinakati ka... alteast sa pagbabasa kmi nahuhumaling hndi sa kababuwan ng laman ng mga callboy o baklang bakla.... mind ur own business... kanya2 tyo trip.

    sa writer kuya saludo ako syo....
    galing ng pagkakagawa mo...


    mj3

    ReplyDelete
  19. haha.. pikon!!! haha baklush

    ReplyDelete
  20. cnu po pikon ako sorry hndi ako pikon. bat ako mapipikon sa gnun.
    ikw b yon nag comment ng di maganda kun hndi basahin mo muna ang comment at intindihin mo tagalog n nga hirap pa maintindihan.

    mj3

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wag mo n lng patulan baka hindi marunong magbasa. Masama pumatol sa mangmang.

      Delete
  21. Oo nga kung hindi kayo nag eenjoy sa binabasa nyo rito wag kayo pumunta rito. Siguro wala png naka chupa sayo? Sorry ha mga bakla ngayun namimili na. Ibig sabihin chakarut ka! Wag masyadong papansin pwede?

    Sa Sumulat po good job! Pero comment ko lng po! Parang feeling ko babae si thon kc hindi sapat ang ginawa nya para mainlove ang mga straight sa kanya. Kung mga baklush din ang mag shupatid pwede! Anyway sobra akong nadala feeling ko sana ako si thon! I think yun yung mahalaga. Yung madala ka ng story infact lumabo ang mata ko matapos ko lng eto. Good job keep it up po.

    ReplyDelete
  22. Natapos ko na ung part 2. Grabe Panalo :)) galing nung writer nito. Good Job. :) keep it up. But I just want to know, totoo po ba tong story na toh? Kasi the story gave me an impact, like really impact. Someone answer my question please?

    ReplyDelete
  23. Mka pag comment namang bkla!ouch!!
    Qng di ka baklush bat ka na pad2 d2???

    Peo ln ol fairnez sa author,ang ganda,hba ng pilik mata ni thon thon ah,,sumakit keke este titi ko kaka bsa ah,

    Peo vince aq,
    Go team vince,

    godblez us mga best,
    Intndihin ang mga papansin

    ReplyDelete
  24. kung toto man o hindi ang story ni thon.... its not important as long na nadala tayo sa creative thinking ni thon....you'r story is the best.... i've already read the 2nd chapter... all i can say is you're a brilliant writer... im hoping na magsulat ka pa ng other stories...keep it up..... good luck...

    ReplyDelete
  25. Halatang work of FICTION lang ang story!

    Girl na girl ang role ng protagonist na si THON! hahahahahhahha

    ReplyDelete
  26. Ayos to maganda..nakikibasa nalang yung iba dami pang...basa basa lang....2nd chapter na :)

    ReplyDelete
  27. Mas gusto ko yung tambalan nila Kenjie at Thonthon kaysa yung kanila ni Vince. Siguro dahil na rin sa mga napapanuod ko na movies kung saan laging ang bad boy ang pinipili at secondary character lang yung good boy. Mahal ni Thon si Kenjie. -Luka

    ReplyDelete

Read More Like This