By: Cedie
XV. A Sad Valentines Day
Inalalayan ng doktor si Ced dahil halos malaglag ito sa kanyang kinauupuan dahil sa panginginig at sa pagiyak nito. "Dok, ano pong gagawin ko, may taning na po ba ang buhay ko?", tanong ng binata. "Hindi iho, kaya nga mabuti na lamang at nagpacheck up ka na at maagapan naten ang sakit mo, benign tumor lamang siya, ngunit kung lumala ito ay maaring maging sanhi ng blood clot sa iyong utak at maaari mo itong ikamatay. Kaya din nakakaapekto ito sa iyong sense of balance at sa iyong paningin dahil nasa bandang cerebrum ang namumuong bukol", pagpapaliwanag ng doktor. "Ano po ang kailangan nateng gawin?", nagaalalang tanong ni Ced. "Sa ngayon ay kailangan mong magpahinga at iwasan ang stress dahil maaaring makaapekto ito lalo sa iyong pagiisip. Bibigyan muna kita ng gamot para maibsan ang sakit na nararamdaman mo sa tuwing kumikirot ang ulo mo. Mayroon namang gamot na itinuturok sa katawan ng tao para malusaw ang bukol na namumuo sa utak mo, thanks to Science", sagot ng doktor. Ngunit kahit narinig ni Ced ang paliwanag ng kanyang doktor ay napakarami na ng mga tumatakbo sa kanyang pagiisip. Tumango na lamang siya kahit hindi na niya masyadong naintindihana ang ibang paliwanag ng doktor sa kanya. Bago siya umuwi ay dumaan siya sa drugstore para bumili ng mga gamot na inireseta sa kanya. Pagdating niya ng bahay ay dumiretso siya sa kwarto at muling umiyak. Iniisip niya kung ano ang kanyang dapat gawin kapag bigla na lamang siyang nawala. Nakatanggap siya ng text mula kay kiko. Kiko: Bunso, kmsta chckup mo? balitaan mo ko on Monday ah, rest k n muna jn ok?. Hindi na nagreply si Ced at natulog na lamang habang iniisip pa din ang mga posibleng mangyari.
Pagdating ng araw ng Lunes ay matamlay si Ced nang dumating siya ng eskwelahan. Kinakamusta siya ng kanyang mga kasama at isang matipid na ngiti lamang ang kanyang sinasagot sa mga ito. Napansin ni Kiko ang mistulang lungkot ng kanyang kaibigan at pasimpleng sinundan ito ng nagpunta si Ced sa library. "Oi! kamusta, anong nangyayari sayo? Bakit parang iwas ka sa amen ngayon?", pabulong ng tanong ni Kiko. "Ah wala naman, masama lang siguro pakiramdam ko ngayon kuya, pasensya na ha", tahimik na sagot ni Ced. "Sabi mo eh, sigurado ka na okey ka lang ha, andito si kuya mo tandaan mo", ngumiti si Kiko sa kanya at ipinakita ang kanyang maliit na daliri kay Ced bilang pagpapaalala sa kanyang pangako sa kaibigan. "Salamat kuya, sasabihin ko din sayo pag handa na ko", napangiti si Ced saglit at nalungkot nang sagutin niya si Kiko. Lumipas ang ilang araw at nanatiling ganito ang mga pangyayari. Umiiwas si Ced sa kanyang mga kaibigan, maaga siyang umuuwi at hindi siya sumasama kapag may nagyayaya sa isa sa kanila na gumala ang barkada. Samantala, bumalik si Ced sa kanyang doktor para alamin kung papaano gagamutin ang kanyang sakit, nagpaliwanag ang doktor na magkakaron siya ng regular injection ng isang drug na magsisilbing tutunaw sa namuong bukol sa kanyang utak. At dahil ayaw naman ni Ced na umabsent o may makaalam sa nangyayari sa kanya, nagpagpasyahan ng doktor na turuan siya kung papaano iinject ang gamot sa kanyang katawan. Magmimistula siyang isang outpatient na pupunta lamang tuwing sabado at linggo sa hospital para sa regular assessment sa development ng kanyang paggamot. Naging regular niyang gawain to sa loob ng isang buwan. Sa tuwing sumasakit ang ulo niya ay dala dala niya ang gamot at itinuturok niya sa sarili niya ang mga ito para humupa ang kirot sa kanyang ulo. Nagdaan ang mga araw at napansin ito hindi lamang ni Kiko kundi pati na din ng lahat ng kanyang barkada. Dumating ang buwan ng February at sumapit ang Valentines day. May pasok sila Ced at wala namang napagplanuhang lakad ang barkada. Matapos ang kanilang huling period ay biglang sumakit ng sobra ang ulo niya at nagpunta siya ng CR para maginject ng gamot. Nakita ito ni Kiko at sinundan siya hanggang sa CR. Nang makita ni Kiko ang ginagawwa ni Ced ay lumapit ito sa kanya at pagalit na sinabi, "Cedie ano to? Ano tong iniinject mo? Ano bang problema? Bakit ayaw mong magsabi sa aken?!", nagagalit na tanong ni Kiko. "Wala yan, wag mo na ngang alamin!", pasigaw na sagot ni Ced. Inagaw ni Ced ang injection at inilagay sa kanyang bag at nagwalkout papalabas ng CR. Paglabas niya ng CR ay andun ang iba niyang mga kaibigan at hindi niya pinansin ito at tuluyang naglakad papalabas ng eskwelahan ng bigla siyang pigilan at hawakan sa braso nina Emily at Sarah. "Ced ano bang problema mo? Ilang linggo ka nang ganyan ah? Bakit ba parang umiiwas ka na samen at ayaw mo na kaming makasama ha?", tanong ni Emily. Eksaktong nakita din ng mga kaibigan ni Ced ang nangyari. Hindi na niya nakayanan ang itago pa kaya sinabi niya sa harap ng mga ito. "Gusto niyo talagang malaman ang totoo? Sige! May brain tumor ako! Oh ayan okey na? Ayoko na sanang malaman niyo pa ang tungkol dito, ayokong kaawaan niyo ko kaya sinasanay ko na yung sarili ko na maging mapagisa, gusto ko din masanay kayo na wala ako sa buhay niyo para kung sakaling mawala man ako ay hindi na kayo mahihirapan pa!", narinig ng lahat ang sinabi ng binata at hindi na kinaya ni Ced at umiyak ito pabalik ng kanilang classroom. "Ayokong isipin lahat ng mangyayari pag nawala ako, gusto kong maalala lang ang lahat ng masasayang bagay kung sakaling mawala ako, ayoko na kayong madamay pa sa problema ko", umiiyak na pagpapatuloy ni Ced. "Ayokong may nakikitang malungkot dahil saken, masyado kayong importante saken kaya ayokong malaman niyo pa to." Nakita ng binata na lumuluha na din si Emily at si Sarah. Nakita nya din ang pagaalala sa iba niyang mga kasama. Hindi naman niya nakita ang kanyang kaibigan na si Kiko sa loob ng classroom. Nagsalita si Sarah, "Sa tingin mo ba magiging masaya kame kapag nalaman na lamang namen na bigla kang mawawala ha? Magisip ka nga!", sabay dugtong ni Emily, "Kaibigan mo kami Ced kaya kahit anong mangyari hindi ka namen iiwanan kaya wag mong sarilinin ang problema mo okey!" Niyakap ni Emily at ni Sarah si Ced at napaiyak na din ang dalawa. Matapos ang pagiyak ng dalawang kaibigan ni Ced ay hinanap nila si Kiko. "Nasaan si Kiks?", tanong ni Emily. "Nasa CR yata, hindi ko din napansin eh", sagot ni Jared na halatang nagaalala din para kay Ced. Biglang pumasok ng classroom si Kiko na namumula ang mata. "Gago ka bunso, bakit hindi mo agad sinabi sa akin yan! Tara sa Luneta dun naten ilabas lahat ng sama ng loob mo!", nagulat ang lahat sa biglaang pagyaya ni Kiko kay Ced at alam nilang kailangan ng karamay ni Ced ngayong araw na ito. "Tara dun naten icelebrate ang Valentines Day!", sigaw ni Jared na halatang pinipilit na ibahin ang mood ng mga tao sa loob ng kwarto. Pinahid ni Ced ang kanyang mga luha at ngumiti at nagsabing, "Sige tara, gusto ko yang ideya na yan, tutal lahat naman yata tayo walang lovelife", napangiti na din ang lahat sa sinabi ng binata at nagpasya nga silang magpunta ng park. Dumaan muna sila sa drive thru ng isang fastfood chain para bumili ng mga pagkain. Isang biglaang picnic ang nangyari sa araw na iyon.
Pagdating nila sa park ay naglatag ng isang malaking kumot si Kiko para paglagyan ng kanilang mga pagkain. Dito sa park ay nagsimula silang magkwentuhang mga magbabarkada kung paano sila nagkakila-kilala at kung pano nabuo ang isang magandang samahan. Habang nagkukwentuhan sila ay nagpatugtog si Kiko ng isa sa paboritong kanta niya,
I'm awake in the afternoon
I fell asleep in the living room
And it's one of those moments
When everything is so clear
Before the truth goes back into hiding
I want to decide 'cause it's worth deciding
To work on finding something more than this fear
It takes so much out of me to pretend
Tell me now, tell me how to make amends
Habang pinapatugtog niya ito ay sinabayan ni Ced ang tugtog at kinanta niya ito.
Maybe, I need to see the daylight
To leave behind this half-life
Don't you see
I'm breaking down
Lately, something here don't feel right
This is just a half-life
Is there really no escape?
No escape from time
Of any kind
Pinakikinggan ng mga kaibigan ni Ced ang binata na kumanta at tuluyan naman muling napaluha ang binata habang kinakanta niya ang awitin. Nagpasalamat siya sa mga kaibigan niyang laging andiyan para sa kanya.
Lumapit sa kanya si Kiko at sinabing, "happy valentines bunso, sana maging ok ka, kahit mapunta saken ang sakit mo o mawala man ako, basta gumaling ka, gagawin ko para sayo", ito ang mga katagang binitiwan ni Kiko sa araw na iyon na tumagos sa puso ng kaibigan...
Itutuloy...
**********************************************************************
Hi guys, sorry sobrang drama ng chapter na to, medyo nakakalungkot din pala pag inaalala mo yung nakaraan mo. Salamat po sa patuloy na pagbabasa ng blog ko. Maraming salamat po. Please comment and still keep on following and reading.. Thanks!
***********************************************************************

Very touching nakakiyak...nice story. next chapter please.
ReplyDeleteRandz of QC
sana magkaroon din aq ng mga kaibigang 2lad nila... Uso na kc ngaun ang plastikan... Kung sino pa ung iniisip mong pnakamalapit sau siya pa pla ung sisira sayo.... Ganda ng story author..
ReplyDeleteBob ng cavite..
ang dami nang parts. utang na loob tapusin mo na to.
ReplyDeletenever ako nag comment from chapter one...
ReplyDeletePERO DITO NKAKAINIS ung may gawa nito PINAIYAK MO AKO lalo n aung sa part na INAMIN NA ni CED ung sakin NIYA tapos sinabayan niya yung tugtog na ni play ni Kiko TUMULO LUHA KO...
PARANG MOVIE<> thumbs up sau SHIRO OF PASIG 22