Pages

Monday, February 18, 2013

Eng21 (Part 16)

By: Cedie

XVI. Bestfriends

Natapos ang Valentines Day at bumalik sa normal ang pagsasamahan ng mga magkakaibigan. Hindi nila iniisip ang sakit ni Ced dahil yun ang gusto ng binata. Sa tuwing sumasakit ang ulo nito ay inaalalayan lang nila ito para makainom ng gamot at para maturukan ang sarili. Nakakapagaral nang muli sila at hindi nila itinatrato si Ced na parang may sakit dahil iyon naman ang gusto ng binata. Tuwing weekends naman ay sinasamahan na ni Kiko si Ced sa doktor para maupdate tungkol sa kalagayan nito. Ang sinasabi ng doktor ni Ced ay ituloy tuloy lang ang therapy at malaki ang tsansang mawala na ang bukol sa kanyang utak. Medyo napapanatag si Kiko sa mga naririnig niya mula sa doktor at nababawasan ang pag aalala niya kahit papaano sa kaibigan. Lumipas nang muli ang mga araw at nalalapit na naman ang finals nila para sa 2nd year 2nd sem nila. Nagsagawa pa din ang barkada ng nakasanayan nilang "review picnics" at masaya pa din si Ced na turuan sila. Nagbibiro pa ito ng, "Kapag ako nawala at least hindi kayo babagsak sa exam", naiinis naman si Sarah at Emily sa tuwing binabanggit niya ang birong ito. Masaya naman si Ced sa mga natagpuan niyang mga kaibigan, ngunit sa loob naman niya ay iniisip niya pa din kung hanggang kelan tatagal ito, gusto niyang masulit ang bawat oras at minutong kasama niya ang kanyang mga kaibigan lalo na ang kanyang bestfriend na si Kiko.

Sumapit ang finals ng 2nd sem. Katulad ng dati, wala na namang bumagsak sa kanila, si Ced ay nakakuha na naman ng matataas na marka na nagsilbing tulay niya upang mapanatili ang scholarship para sa susunod na semester. Tuwang tuwa silang magkakaibigan sa mga nangyayari. Maging ang kanilang adviser na si Sir Paul ay natutuwa dahil sa ganda ng performance nilang mga magkakaibigan. Minsan ay nakausap nito sila Ced at sinabing, "Ced, pagbutihin mong maging good teacher sa mga kaibigan mo, sa susunod na sem gusto ko bumawi ka dahil isasali ka muli ng school para sa Engineering Quiz Bee na lalahukan ng mga eskwelahan sa buong bansa. Aasahan ko yan ha.", nagulat ang mga kaibigan ni Ced dito. Hindi alam ng kanilang adviser ang kalagayan ni Ced. Sumenyas si Ced sa kanyang mga kaibigan at sumagot sa kanyang professor, "Ou ba ser, November pa naman yun dba? Magrerebyu na ko para makapaghanda at hindi na mapahiya sa inyo", nakangiting sagot ni Ced. Natuwa ang kanyang adviser at nagpaalam na sa kanila. Kinausap siya ni Jared, "Bakit pumayag ka? Diba bawal sayo ang ma-stress?" "Naku ayos lang, halos 7 buwan pa naman eh, dadahan-dahanin ko na pagrerebyu para pag malapit na eh hindi na ko masyadong mapepressure sa pagrereview. Kakayanin ko to. Salamat sa pag-aalala", isang matamis na ngiti ang ibinigay ng binata sa kanyang mga kaibigan. Bago matapos ang semester ay nagsama sama muli ang magbabarkada para gumala at gawin ang mga bagay na nakasanayan nila dati. Ang kumanta, kumain at maglibot sa iba't ibang mall. Sa dalawang taon nilang magkakasama ay masasabi mo na talagang matibay na ang kanilang pagiging magkakaibigan at parang kapatid na ang turing nila sa isa't isa.

Sa pagtatapos ng second semester ay nagsimula na naman ang lahat na magbakasyon sa kani-kaniyang mga probinsiya maliban kay Kiko. Si Ced naman ay hindi talaga nagbabakasyon at mas ginugusto niyang magpahinga laman sa kanilang bahay sa Maynila. Napagpasyahan ni Kiko na hindi na muna siya magbakasyon sa China at dumito na din muna sa Maynila upang samahan ang kanyang kaibigan. Naitanong ng kanyang mga magulang ang dahilan kung bakit hnd siya uuwi ng China at sinabi niya dito ang katotohanan. Nang minsang natulog muli si Ced sa kanila ay tumawag dito ang mga magulang ni Kiko at kinamusta siya. Alalang alala ang mga magulang ni Kiko para sa kaibigan ng kanilang anak at nagsabing magpapadala ng pera para pandagdag sa gastusin ng mga gamot na binibili ni Ced. Hindi naman makatanggi ang binata sa mga magulang ni Kiko at nagpasalamat na lamang siya sa mga nasabi ng mga magulang ng kaibigan. Sa tuwing natutulog doon si Ced sa bahay nina Kiko ay laging pinatutugtog nito ang parang naging theme song ng kanilang pagkakaibigan.

I always thought you were the best
I guess i always will.
I always felt that we were blessed,
And i feel that way, still.
Sometimes we took the hard road,
But we always saw it through.
If i had only one friend left,
I'd want it to be you.
Sometimes the world was on our side;
Sometimes it wasn't fair.
Sometimes it gave a helping hand;
Sometimes we didn't care.
'cause when we were together,
It made the dream come true.
If i had only one friend left,
I'd want it to be you.
Someone who understands me,
And knows me inside out.
And helps keep me together,
And believes without a doubt,
That i could move a mountain:
Someone to tell it to.
If i had only one friend left,
I'd want it to be you.
Instrumental break.
'cause when we were together,
It made the dream come true.
If i had only one friend left,
I'd want it to be you.
Someone who understands me,
And knows me inside out.
And helps keep me together,
And believes without a doubt,
That i could move a mountain:
Someone to tell it to.
If i had only one friend left,
I'd want it to be you.

Sa tuwing tutugtog to ay hindi naiiwasan ni Ced na balikan ang simula ng kanilang pagkakakilala. "Kuya Kiks, masaya ako na nakilala kita at naging kaibigan, alam mo isa na siguro to sa pinakamasayang nangyari saken, yung nagkaroon ako ng mga tunay na kaibigan na nagpapahalaga sa akin", nakangiting sabi ni Ced. "Ako din naman masaya eh, madaming nabago sa akin nung nakilala kita, nung nakilala ko kayo", sagot ni Kiko. "Sana magtagal to, hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala kayo, at kung ako man yung mawawala, gusto ko maalala niyo lahat ng mga masasayang alaala na pinagsamahan naten, lalo na yung sa ating dalawa", si Ced. Ang naging sagot naman ni Kiko ay talagang naramdaman ni Ced, "Bunso, kahit nasaan man kami, asahan mo na may nagpapahalaga sayo, kung mawala man ako sa tabi mo hindi ibig sabihin nun ay hindi ka na namen mahal, gusto kong maging matatag ka at kakayanin mo lahat ng bagay na dadaan sayo, kailangan mong matutong harapin ang lahat ng kahit may kaunting takot ay haharapin mo pa din at malalampasan mo. Kapag nawala ka saken hindi ko din naman alam ang gagawin ko, pero alam mo sabi ko pa din sa sarili ko na kahit ako na lang ang kuhanin niya, gumaling ka lang, papayag ako, ayokong nakita kang nasasaktan kasi mas masakit saken, Mahal na Mahal kita Ced.", tumulo ang mga luha ni Ced sa mga narinig niya kay Kiko. Tila may mga laman ang nais ipahiwatig ng kaibigan, ngunit niyakap na lamang niya ito bilang sagot sa mga sinabi nito at nagwika, "Kuya Kiks, maraming salamat, hinding hindi ko pinagsisihan na dumating ka sa buhay ko, mahal na mahal din kita." Nagyakap ang dalawang magkaibigan hanggang sa sabay uli silang makatulog ng gabing iyon.

Hindi nila alam na sa pagpasok ng 3rd semester ay may isang malupit na pangyayaring babago sa mga magkakaibigan, lalong lalo na kay Ced.

Itutuloy..

*******************************************************************************
It's me again. Pasensya na po kayo at medyo maikli ang post ko ngayon. Anyways, yung song po dyan ay yung One Friend ni Dan Seals. Salamat po sa patuloy niyong pagbabasa at pag follow sa aking blog. Gusto ko lang pong mag share sa inyo ng aking karanasan at kahit papano ay gusto kong ilabas ang tunay kong nararamdaman sa pamamagitan ng blog na ito.

Abangan ang mga susunod na mangyayari sa aming barkada, may isang event po na talagang babago sa buhay nameng lahat lalo na sa akin. Kaya abangan nio po sa next 2 chapters. Maraming salamat po! Keep on following!

-Cedie-
*******************************************************************************

2 comments:

  1. mr author wala na yata ngbabasa nito at wala n nkkapreciate. give way to other stories. pakitapos na to!!1 end n pls

    ReplyDelete
  2. author , next chapter po pleaseee :)) ang ganda na po ng flow nung story eh .

    ReplyDelete

Read More Like This