Pages

Monday, February 18, 2013

Music of My Life (Part 11)

By: Xianne

Dumating ang mga ate ko dito sa cebu... lahat tahimik, lahat umiiyak, lahat hindi makapaniwala... tanging yakap lamang ang aming mga pinagkukunan ng lakas... di namin lubos maiisip na sa isang iglap mawawala ng ganun ganun lang ang aming pinakamamahal at butihing ina...

si shane ang lagi kong kasama habng hinhanda ang bangkay ng aking mama para i.uwi sa Zamboanga city, nagpaalam na rin xa sa kanyang mga guro para makuwi din kahit sa tatlong huling gabi daw ng burol...

mahilig talaga kaming kumanta kaya habang hinhintay ang na maiayos ang laht, kami jhni shane ay kantahan lang ng kantahan, naisip ng ate ko na bakit di kami kumanta sa necrological service ni mommy... di ko yun matanggap, sa huling pagkkataon kakanta ako sa mommy ko... pinili ni shane ang there you'll be na kanta dahil bagay daw yun sa akin... habang nakikinig ako sa linya ng there you'll be, di ko talaga maiwasang humagolhol, lagi namang hinihimas ni shane ang likod ko, pinaptanan ako... masakit pala na ganito, magpreprepare ka ng kanta sa taong hindi muna makikita kailan man.... umiiyak pa rin ako habang pilit na kinakanta ang kanta...nung oras na iyon, bawat titik, bawat salita ay may kahulugan...madadama mo talaga ang sakit at hapdi ng mawalan ng isang minamahal sa buhay...

hindi makaksabay sa amin si shane sa pag uwi dahil may class pa xa,...pero paniguradong andun xa sa tatlong huling gabi ng burol ni mommy kasi may ticket na xa... nasa airport na kami ng may binigay sa akin si shane...binigyan niya ako ng limang panyo na may ibat ibang kulay...tinong ko xa kung bakit magkaiba...sabi niya, basahin mo lang bawat note niyan para malaman mo ang ibig sabihin, nasa loob niyan ang mga note, may isa ding box...limang kandila na may ibat ibang kulay... ganun din ang explanatiojn niya...sabi ko...mamaya na pagdating sa zamboanga city ko xa babasahin... nagyakapan kami bago pumasok sa terminal...mugto pa rin ang mata, yun ang simula ng pagiging malungkot ko..kasama ko nga mga kapatid ko pero medyo natulalal ako,. di na ako maxadong nagsasalita...

nakarating kami ng zamboanga city mga bandang hapon na, handa na lahat sa bahay kasi sa bahay lang namin ibuburol ang mommy namin..maraming mga katrabaho niya sa gobyerno ang nag abang maging ang city mayor namin ay nandun, si vice mayor at lahat ng nasasakupan ng kanyang departamento...maging ang mga barangay captain an sa knya din mag rereport para sa payroll ng mga barangay andun din... kilala ko ang mga taong ito dahil lagi ko din sila nakakasalimuha, dahil tuwing walang kalse nasa opisina ako ng mommy ko... lahat nag iyakan sa pagdating ng bangkay ng mom ko... nauna ako pumasok ng gate, nakita ko si daddy at ang nakababata kong kapatid...mas lalo akong umiyak ng makita kong umiiyak ang napaka inosente naming kapatid...batang bata pa xa...12 years old pa lang ang kapatidko...nilapitan ko xa at niyakap ng mahigpit... maging ang dalawa naming kapatid auy sa amin lumapit habang ang daddy ko naman ay inaantay na mabuksan ang kabaong ng mommy ko... pilit pinipigilan ang pag iyak pero halatang may hinanagpis din sa kalooban niya... lumapit yung pinakamatanda sa amin sa daddy ko, dunko nakita ang daddy ko na labis ang pag iyak...iyakan ang lahat ng mga tao, medyo pagod ako sa byahe kaya pinili kong umakyat ng kwarto ko at matulog, pero pagdating ko sa kwarto ko mas lalo lang akong umiyak... sumunod ang nakababata kong kapatid sa akin.. awang aa ako sa kanya,.,,,iyakan lang kami buong magdamag...tiningnan ko ang mga larawan namin magkapatid kasama si mommy, pumunta din kami sa kwarto ni daddy at mommy, lahat ng mga alaala niya ay pilit naming sinasariwa... mga bandang 3am na ng mapansin kong may isang lalaki na nakatayo malapit sa may pintuan ang nakamasid lamang s amin, nakita ko si josh kanina pa pala xa dun, sa di ko mapaliwanag an sitwasyon makikita kongmugto rin ang mata niya, nilapitanko xa...niyakap niya ako bigla, sabi niya sorry kung di niya daw ako nabalaan sa pangitain na nakita niya bago ang aksidente... di ko xa lubos maintindihan..umiiyak din xa...nagingpangalawang mommy niya na si mommy dahil sa pagiging close ni Fr. Greg at mommy..tinanong ko xa kung ano ang ibig niyang sabihin.. nagkwento xa tungkol sa isang pangitain na nakita niya bago madamay sa plane crashed ang mga magulang niya, sabi niya na nanaginip daw xa ng limang kalapating itim, sa pangitaing daw iyon, ang limang kalapati ay dumapo daw sa balikat ng mommy at daddy niya... limang araw bago naganap ang aksidente... ganun din ang panaginip niya sa mommy at daddy ko, limang itim na kalapti ang pinapakain daw nito sa balikat nila at ganun din limang araw bago naganao ang aksidente... hindi ko alam kung papaniwalaan ko si josh that time pero wala namang mawawala kung maniniwala ako...naging interesado ako sa kwento niya...sabi niya, tatlo daw sa kalapati ang nasa balikat ni daddy pero lumpiad daw ito at di na nagbalik..at tanging ang nanatili ay ang dalawang kalapati s balikat ni mommy... which is different maxado sa mommy at daddy niya dahil wala ni isang kalapati ang umalis..lahat nag stay at silang dalaw ang binawian ng buhay...dagdag pa ni josh na ang pag lipad ng talong kalapti sa balikat ni daddy na di nagbalik ay ibig sabihin nun ay di xa mamatay...

inumaga kaming nag usap ni josh, nakapag decide na akong matulg dahil pagod na talaga ako...dun ko na rin xa pinatulog at tabikami sa kama...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This