Pages

Tuesday, February 26, 2013

The Four Evangelists and a Saint (Part 8)

By: Yuan

Chapter 8: Labels

Buong hapon ng araw na iyon ay parang wala ako sa aking sarili.  Matapos ang mga sinabi sa akin ni Mark kaninang umaga ay sinubukan ko siyang iwasan.  Kaninang kumain sa mess hall ay sa table ng mga kaklase ko ako nakisabay ng lunch at siya naman ay sinamahan ni Marlon sa kabilang lamesa.

Lutang.  Iyan ang nararamdaman ko habang kami ay nagpapractice ng aming sayaw.  Madalas akong kinakagalitan ng ibang members ng aming grupo dahil sa napapansin nilang wala ako sa mood sumayaw.  Ngunit ipinangako ko na ibibigay ko ang aking 100% sa laban na gaganapin kinagabihan.

Dumating ang oras ng contest.  Bago kami isalang sa stage ay nag-alay muna kami ng isang panalangin.  Magkakahawak ang aming kamay at hindi ko alam kung papaanong nangyaring nagkatabi kami ni Mark habang nagdadasal.  Mahigpit ang pagkakahawak ng kaliwang kamay niya sa aking kanang kamay.  At alam kong nararamdaman niya ang lamig ng mga ito.

Sa backstage habang nagpeperform ang grupo bago kami ay tinanong ako ni Mark.  "Are you okay?", pag-aalala niya.  "I'm a bit nervous", paliwanag ko.  At bigla niya akong niyakap.  "Let's break a leg.  Okay?", bulong niya habang yakap ako.  At narinig ko na lamang na pinapakilala na ang aming grupo.
Pagpunta sa entablado ay di magkamayaw sa paghiyaw ang mga hakot (mga members ng aming organization na sumusuporta sa aming grupo para sa dance contest).  Di makakailang maraming sumisigaw para kay Mark.  Nagsimula na ang tugtog at ako ay nadala na sa pag-indak.  Alam ko na ibinigay ng bawat kasapi sa aming grupo ang kani-kanilang "best" para sa performance na iyon.

Natapos ang aming performance at may portion na kailangang magbigay ng comment ang mga judges.  Positive naman lahat ng comments.  Pagdating sa backstage ay sinalubong kami ni Ate Rona at iba pa naming co-officers ni Mark.  Di kami magkamayaw sa pag-eestima sa kanila.  Akala namin ay sasabihin din sa gabing iyon ang mananalo na grupo ngunit bukas pa pala (last day ng convention) sa awarding ceremonies sasabihin ang mga nagsipagwagi.  Kung tutuusin ay nakakawala ng momentum.

Natapos na ang contest at nagsisibalikan na sa kani-kanilang villas ang mga members.  Nagkayayaan na mag-inuman ang mga members sa villa namin.  At doon nga ginanap ang "party party".  Nakakapagtakang nakapagpuslit ng baraha, alak at sigarilyo ang iba naming mga members sa resort na pinuntahan namin sa Batangas.  Maparaan ika nga.

Nang halos lasing na ang lahat ay isa-isa na ring nagsisibalikan ang aming mga members sa mga villas nila.  Ngunit naiwan si Marlon sa villa namin.  Ewan ko kung nananadya pero natulog na siya sa puwesto ko sa kama namin ni Mark.  Kaming apat na officers (Mark, Jonathan, Richard at ako) ay naglinis at nag-ayos pa ng mga kalat sa inuman at sugal na ginanap sa aming villa.

Para medyo mabawasan ang tama ng alak ay napagpasiyahan kong maglakad-lakad muna sa labas at gustong sumama ni Mark.  Ayoko sana siyang payagan na sumama pero baka magtaka si Richard at Jonathan.  Kaya wala akong nagawa kundi hayaan siyang sumama sa akin.

Noong una ay wala kaming imikan ni Mark habang naglalakad lakad sa dalampasigan.  Hanggang sa maupo kami sa isang bahagi ng beach.  "Are you avoiding me?", tanong niya sa akin.  "No, why?", maikli kong sagot.  "Nothing, I just noticed that you're avoiding me since lunch time.", paliwanag niya.  "May problema ba?", muli niyang tanong.  "Wala nga.", mariin kong sagot.  "Balik na tayo sa villa.", anyaya ko.  "See, you are avoiding me!", sigaw niya habang ako ay papatayo.

Pagdating sa villa ay tinawagan ko ang housekeeping upang magdala ng extra na higaan.  Napagpasyahan ko na sa lapag na lamang matulog upang makaiwas kay Mark, dahil kinuhanan nga ako ng puwesto ni Marlon.

Tulog na si Jonathan at Richard sa kabilang kama.  Si Marlon ay himbing na himbing na rin sa dapat ay puwesto ko.  Si Mark ay nanood pa ng t.v. katabi si Marlon.  Habang hinihintay ang nirequest ko na extrang higaan ay nag-shower muna ako.  Tinagalan ko talaga ang pagsashower sa isip na paglabas ko ay sana tulog na si Mark.  Ngunit ng matapos ako at lumabas sa c.r. ay gising pa si Mark!  "Ang tagal mo naman maligo!", puna niya.  Hindi ko na lamang siya pinansin at napansin kong naka-ready na ang nirequest ko na higaan.  Siya namang pasok ni Mark sa c.r. para maligo.  Nakatulog agad ako habang naliligo pa si Mark.

Naalimpungatan ako ng biglang may yumakap sa akin habang ako ay nakatalikod.  Bumalikwas ako upang tignan kung sino ang katabi ko sa higaan ko.  Si Mark!   Tumabi siya sa aking matulog.  Ginising ko siya.  "Mark, mas maluwang doon sa kama kasama si Marlon.  Mag-isa lang siya doon.  Masikip dito makikisiksik ka pa.", naaasar kong sabi sa kanya.  "Ayoko siyang katabi.  Amoy-alak siya. Sumasakit ulo ko kapag nakakaamoy ako ng ganun.  And I'm cold.  Buti dito hindi direct yung tama ng aircon.", paliwanag niya.  "Para-paraan!  If you want ako na lang sa kama.", suhestiyon ko.  At nang akmang tatayo na ako ay hinawakan niya ako sa kamay at kinabig na naging dahilan para mahiga ako ulit sa tabi niya.  "Yu, please?  Dito ka lang sa tabi ko?", pakiusap ni Mark sa akin sa mga matang nangungusap.  "Hay.  Di ako makatulog kapag katabi kita.  Ang lakas mo humilik.", biro ko.  "Uy, di ako humihilik ha!", depensa niya.  "Anong hindi? Ang lakas kaya! Tanungin mo man si Jonathan at Richard.", dagdag ko.  "Matulog ka na nga.  Sige hayaan muna kita matulog para kung humihilik man ako eh tulog ka na.  Atleast di mo na maririnig yung hilik ko.", sabi niya.

Parehas kaming nakatihaya ni Mark sa higaan.  Mga ilang minuto na rin ang lumilipas simula ng huli siyang magsalita.  Tumagilid ako ng paharap sa kanya.  Kita ko na hindi pa siya tulog.  Siya namang pagtagilid din ni Mark at ngayon ay magkaharapan na kami.  Nakatitig lamang siya sa akin.  Habang sa utak ko ay nagsimulang magsipasok ang mga katanungan.  Ngumiti siya na siyang ikinangiti ko.  Sinimulan niyang ilapit ang mga labi niya sa labi ko.  Napapikit ako ngunit nagapaubaya sa mga susunod na mangyayari.  Masuyo ang dinamping halik ni Mark sa labi ko.  Punung-puno ng damdamin ang bawat galaw ng kanyang mga labi.  Habang magkadikit ang aming mga labi ay bigla niya akong kinabig papalapit sa kanya na sinabayan ng mahigpit na yakap.  Napansin ko na lamang na lumalaban na rin ako sa halik na binibigay niya at sinusukbit ko ang aking kamay sa kanyang batok.  Mula sa masuyo ay naging mapusok ang aming halikan.  Naging mapaghanap ang aming mga kamay.  At bumalik lang ako sa aking ulirat ng subukan niyang tanggalin ang suot kong t-shirt.  "Mark, please?  May makakakita sa atin dito.", suway ko.  "Sorry Yu, pero everytime na makakatabi kita ng ganito, I can't help myself.", paumanhin niya.  "We better doze off.", suhestiyon ko.  "Okay, but can I hug you hanggang makatulog tayo?", pakiusap niya. Hindi ko pa nasasagot ang tanong niya ay naka-angkla na agad ang mga bisig niya sa akin.  Hindi ko makakaila na tuwing yayakapin ako ni Mark ay napapanatag ang aking kalooban.  Nawawala lahat ng aking alinlangan sa paligid.  I feel so secure everytime I am wrapped inside his arms.  Di naglaon ay nakatulog kami na magkayakap at nakatalukbong sa comforter.

Kinabukasan ay ginising ako ni Richard upang magbreakfast.  "Nasaan si Mark?", ang una kong tanong sa kanya.  "Ayun, kasama ni Marlon, nagjogging ata sa beach.  Tara na at awarding na mamaya.", paanyaya niya sa akin.  Nakaramdam ako ng konting kurot sa puso ko.

Pagdating sa mess hall ay nandun na si Mark at Marlon.  At kung hindi ba naman nang-aasar ang pagkakataon ay sa table nila kami pumuwesto ni Richard.  "Grabe, I'm sorry kung nakatulog ako sa puwesto mo Yuan.  Hindi ko na talaga kayang bunalik sa villa namin.", bungad ni Marlon pagkaupo namin.  "Okay lang yun, I had a good sleep last night.", sambit ko sabay tingin kay Mark na ikinangiti niya.  "Hindi ba kayo tinamaan sa alak? I'm so drunk.", explain pa nito.  "Nagpababa kami ng tama ng alak ni Yu sa beach.", singit naman ni Mark.  "Oh I see.", sagot ni Marlon sabay ang matalim na tingin kay Mark.  Nagtuloy lang kami sa pagkain.  "Siya nga pala, malapit na ang midterms natin.  Wala bang tutorials ang org for review?", tanong uli ni Marlon.  "You better ask Anne kasi siya ang VP for Academics", ang siya namang sagot ni Richard.  "Mark, tulungan mo ako sa review ha? Overnight tayo minsan sa bahay kasi may hindi ako naiintindihan sa Taxation.", pakiusap ni Marlon kay Mark na siyang kinataas ng kilay ko.  "Sure, sige i-set natin yan.", pagsang-ayon naman ni Mark na lalong ikina-inis ko.

Pagkatapos mag-agahan ay bumalik kami sa aming villa upang maghanda na sa awarding ceremonies.  Nauna na si Jonathan at Richard sa venue at naiwan kami ni Mark sa villa.  "Cold treatment na naman?", tanong ni Mark sa akin.  "Ha? Hindi ah.", sagot ko.  "Ano na naman kinakagalit mo?", tanong niya.  "Wala.", walang kagatul-gatol kong sagot.  "You're jealous.", sumbat ni Mark.  "No I'm not.", pagdedeny ko.  "Ayaw mo bang mag-overnight ako kila Marlon?", tanong niya na ikinabahala ko.  "Mark, you have your own choice and you already assured the person that you'll go.", depensa ko.  "If you'll tell me not to go, I will not go.", sumbat niya.  "Go!",  sabi ko.  "Hay nako Yu!  Ang gulo mo kausap.", anas niya.  "Matagal na Mark.  Matagal na.", pang-aasar ko.  Natapos ang aming diskusyon ng bumalik si Richard sa villa.  "Hoy!  Bakit ang tagal niyo!  Inannounce na kaya na kayo ang nagchampion sa dance contest kagabi!", sabi ni Richard na siyang ikinatuwa namin sa binalita niya.

Natapos na ang convention at balik na naman kami sa pag-aaral sa Pampanga.  Ganun pa rin ang routine ko.  Ang pag-aaral, bahay at organization.  Sa bawat araw na dumadaan ay mas nagiging close din kami ni Mark.  Ngunit wala pa ring label sa kung ano man ang namamagitan sa aming dalawa.  At sa pagiging close namin ay mas umiigting naman ang silent war sa pagitan namin ni Marlon.

Sa paparating na Midterm exams ay kanya-kanyang paraan ang mga students sa pagrereview.  May group studies at overnights.  Isa na nga sa pinangangambahan ko ay ang pag-anyaya ni Marlon kay Mark sa isang overnight sa kanila.

Friday night sa school ay nagpapaalam si Mark sa akin tungkol sa overnight na yun.  "Mark, hindi tayo mag-on para magpaalam ka sa akin.  Gawin mo kung ano ang gusto mo.", sabi ko sa kanya.  Sa totoo lang ayaw ko talaga siyang pumunta doon pero hindi ko sinabi sa kanya.

Buong gabi ay hindi ako mapakali sa bahay namin.  Maya't maya ang tingin ko sa cellphone ko.  Umaasa na may message na matanggap mula kay Mark.  Alam kong magkasama sila ngayon ni Marlon.  Hindi ko rin napigil ang sarili ko at tinawagan ko ang cellphone number ni Mark.  "Ahmm Mark?", sabi ko ng may sumagot sa kabilang linya.  "Uy Yuan, si Marlon 'to, si Mark nasa c.r. pa siya.  Naliligo.", sabi ni Marlon sa tonong alam kong nang-aasar.  "Ah ganun ba?  Pakiremind na lang siya sa scheduled outreach ng mga officers ng org para bukas.", palusot ko.  "Anong oras ba yon?  Baka kasi malate kami ng tulog ngayon kasi marami pa akong papaturo sa kanya.  Baka di siya magising ng maaga bukas kung morning yung schedule niyo.", lalo pang pang-aasar ni Marlon.  "Kelan ka pa niya naging secretary para malaman kung anong mga schedules niya ang dapat niyang puntahan o kanselahin?", nanggagalaiti kong tanong.  "Yuan, sinasabi ko lang ang possibility na baka hindi siya makapunta.", pagpapaliwanag nito.  "Just remind him about it. Alam niya ang mga priorities niya.  Thanks.", sumbat ko.  "Okay, bye Yuan.  Have a good sleep because I know I will.", huli niyang sabi at ibinaba na ang linya.

Sa totoo lang, natataranta ako sa mga sandaling iyon.  Ngunit nagreview parin ako para sa midterms namin.  Pilit na winawaglit sa isip ang katotohanang magkasama si Mark at Marlon.  Walang hiyang Marlon, he even rubbed the fact to my face na magkakaroon siya ng mahimbing na tulog!

After a few hours, nag-ring ang cellphone ko.  It was Mark calling.  Dali-dali kong sinagot ang tawag.  "Hello Yu, can I go to your place now?", agad agad nitong tanong.  "Ha? Bakit?", tanong ko na nalilito.  "Saka ko na i-explain pagdating diyan.  Sige na.  I'm on my way.", at binaba na ni Mark ang linya.

Naguguluhan man ay hinintay ko siyang makarating sa bahay namin.  After 15 to 20 minutes ay may bumubusina na sa harap ng gate namin.  Dali-dali akong bumaba para pagbuksan ng gate si Mark at nang maipasok niya ang kanyang dalang kotse.  Pagkababa pa lang ni Mark sa sasakyan ay binomba ko na siya ng mga tanong.  "Ano ba nangyari at napasugod ka bigla dito sa bahay?  Akala ko ba kila Marlon ka matutulog?", sunod sunod kong tanong.  "Di mo man lang ba ako papapasukin?  Sa loob ko na ikukuwento lahat.", pagpipigil niya sa akin.

Pinapasok ko siya sa kuwarto ko at pinaupo sa kama ko.  "Now speak.", utos ko.  "Okay, ganito kasi, tinuturuan ko si Marlon sa isang lesson natin then suddenly I said na break muna kami sa pagtuturo ko at magpapahinga lang ako.  Nung nakahiga ako sa kama, nakatulog ako.  Then naalimpungatan ako, Naramdaman ko na lang na he's touching my private parts na.  Yun, so I decided na umalis na lang sa kanila.  Niyayaya niya akong ituloy na namin yung balak namin sa Batangas.  Remember?", tuloy tuloy niyang pagpapaliwanag.  "So something happened between the two of you?", agad kong tanong.  "Yu, kilala mo ako." sagot niya.  "Yun nga eh!  Kilala kita Mark! Kilalang kilala.", naluluha kong sabi sa kanya.  "Yu, wala.  Nothing happened between the two of us.  Because I know that you'll get angry.  Ikaw iniisip ko sa buong oras na magkasama kami.  Wishing you are the one I'm with during those times.", banggit niya habang pinupunasan ang luha ko. "Alam mo, ang unfair mo eh.  I confide to you during the times that me and John are having a turbulance.  And it seems that you already mastered the things you will do and say to calm my pent up emotions.", pagsisiwalat ko ng mga nararamdaman ko.  "1st year college pa lang Yu, I am fond of you na.  Its just that I'm not sure kung ano ba talaga ang nararamdaman ko noon.  And in denial pa ako sa sarili ko.  Then, years passed.  Nagkamabutihan kami ni Marlon. Naging magkaibigan.  Nawala attention ko sayo.  Tapos naging close tayo ulit.  Thanks sa organization natin.  Nakilala kita ng lubos.  Nagka-chance na magkakilala tayo ng malalim.  I never planned to fall for you or make you fall for me.", depensa ni Mark.  "Wait, who said that I'm falling for you?" agad kong bawi.  "So you are not?" sabi niya habang papatayo sa kama at papalapit sa kinauupuan kong upuan.  "No.", mariin kong sagot. "Walang pagkakataon na nahuhulog ka na sa akin?" sabi niya habang lalo siyang lumalapit. "Wala!", sagot ko.  "Wala talaga?", at ngayon ay magkaharap na ang mga mukha namin.  "Wala talaga!", sagot ko at lalo ko pang nilapit ang mukha ko sa kanya.  "Your eyes says otherwise.  You are not a good liar Yu.",  sambit niya na natatawa at bumalik sa pagkakaupo sa kama.  Alam kong namumula ang mga pisngi ko ng mga panahong iyon.  Lumipat din ako sa kama at humiga.  "Alam mo?  Kasalanan mo rin eh." panimula ko ulit.  "Oh ano na naman kasalanan ko?" tanong ni Mark.  "Kasalanan mo bakit nagnanasa yung tao sa iyo.  Pinaasa mo si Marlon kaya parang patay na patay siya sayo.", paliwanag ko.  "Hey, if he misinterpreted our closeness.  Its not my fault anymore.", depensa niya.  "So, what if I misinterpreted our closeness?  What if umasa din ako?  Will it be my fault too?", seryoso kong tanong.  At napalingon si Mark sa akin sa mga sinambit ko.  "One thing is for sure.  Iba ka kay Marlon.  You are more than a friend for me.  You're someone special.", sabi niya.  At simula siyang lumapit sa akin.  Hanggang sa magkatabi na kami sa kama ko.  "So, ano ba si Marlon? Ano si Marlon sa iyo?", muli kong tanong.  "He's a friend.", diretso niyang sagot.  "And me?", follow up ko.  "What do you want ba?  How do you want me to treat you?", balik tanong niya.  At para bang nagisa ako sa sarili kong mantika dahil sa di ko alam ang isasagot ko.  "I don't know.  Are labels necessary?  All I know is that you have a place here.", sabay muwestra sa puso ko.  At walang kagatol gatol ay hinalikan ako ni Mark.  Masuyo at malambing.  Damang dama ko na puno ito ng emosyon.  Niyakap niya ako ng mahigpit at yumakap din naman ako sa kanya.  "Basta from now on, special ka sa akin.  Exclusive tayong dalawa.  If you dont want labels edi walang labels.  As long as I know you are mine and I'm yours.  Okay na ako dun." bulong niya sa tenga ko habang mahigpit na nakayakap sa kanya.  At nararamdaman ko na lamang na tila namumuo na naman ang masaganang luha sa mga mata ko.  "I never thought na magiging masaya ako ulet.  Namiss ko yung feeling na 'to.", sabi ko sa kanya sa garalgal na boses.  "Pero Yu, can we keep it a secret?  First time ko sa ganitong situation.  Di ako sanay sa mga sasabihing ng iba.  Kapag ready na ako, until I accumulate enough courage to shout to the whole wide world yung tungkol sa atin." pangangamba niya.  "As I said, labels are unnecessary.", paninigurado ko.  At hinalikan niya ako ulet.  "Tulog na tayo.", anyaya ko.

We both sleep side by side embracing each other.  Muli ay naramdaman ko ang security habang ako ay yakap ng mga matitipunong bisig ni Mark.  Nang maalimpungatan ako ay dinampian ko ang mga labi niya ng isang halik na siyang ikinagising niya.  "Sorry if I woke you up..", di ko pa natatapos ang sasabihin ko ay hinalikan ulit ako ni Mark.  Mapusok at mapangahas ang sumunod na halik niya.  Parang wala ng bukas at parang ayaw na niyang alisin ang pagkakadikit ng aming mga labi.  Ako'y gumanti sa halik na ibinabato ni Mark.  Tanging paghinga lamang ang aming naging paraan upang matigil ang aming mapusok na eksena.  Maya maya pa ay kinabig ako ni Mark upang pumaibabaw sa kanya.  Halikan na naman ulit ang sumunod na tagpo habang ako ay nasa ibabaw niya.  Nagsimula akong mag-init sa aming posisyon.  Maya maya pa ay umupo ako sa may beywang ni Mark at pilit na inaalis ang kanyang suot na tshirt.  At nang maalis na ang kanyang tshirt ay hinila niya ang ulo ko upang maibalik ang pagdidikit ng mga labi namin.  Maalab na ang mga halik namin ngayon at umikot kami at nagkapalit ng posisyon.  Siya na ngayon ang nasa ibabaw.  Tinanggal na rin niya ang suot kong tshirt.  Bigla niya akong tinayo at niyakag na magshower. Noong una ay nahihiya ako.  First time namin gagawin ni Mark na maligo ng sabay.  Hinila niya ako papunta sa c.r. na katabi lang ng kuwarto ko.  Pagkasara ng pinto ng c.r. ay nagpatuloy ang aming halikan.  Sabik na sabik kami sa paghihinang ng aming mga labi.  Bigla niyang ibinaba ang kanyang suot na shorts at nakita kong naka underwear na lamang siya.  Hinila niya ako sa may shower kahit na nakasuot pa ako ng jogging pants.  Alam ko na ang gagawin ko, at maya maya pa ay tinanggal ko na rin ang saplot ko hanggang matira na lang ang brief ko.  Bigla niyang binuksan ang shower at parehas kaming nabasa.  Patuloy ang halikan.  Sa labi, sa pisngi at sa leeg.  Kahit pareho kaming nababasa ay di namin alintana dahil sa pananabik namin sa isa't isa.  Isinandal ako ni Mark sa isang parte ng dingding at doon ay bumaba ang kanyang halik sa aking balikat pababa sa aking dibdib.  Sinimulan niyang sipsipin ang aking kanang utong.  Para siyang batang mauubusan ng gatas sa ginagawa niyang pagsipsip at paghimod sa aking dibdib.  Maya maya pa ay di ko namalayang naibaba na niya ang aking brief dahilan upang makawala ang kanina pang nagngangalit kong sandata.  Hiniwakan niya ito at sinimulang bayuhin habang bumalik ang mga labi nya sa labi ko.  Wala akong nagawa kung hindi iangkla ang mga kamay ko sa batok niya.  Naging mapaghanap din ang aking mga kamay at nang mahagilapa ang garter ng brief ni Mark ay ibinaba ko ito.  Kasabay ng pagdapa ko sa harapan ng kanyang tarugo.  Dinila dilaan ko ang ulo nito.  Mas malaki ang kanyang alaga kaysa sa akin.  Sinimulan kong isubo ang ulo nito at dinahan dahan na ipasok sa aking bibig ang kanyang kabuuan.  Hindi ko maisubo ng buo dahil medyo may kalakihan nga ang kanyang armas.  "Yu, wag mong ipilit.  Ayokong mahirapan or masaktan ka.", paalala niya sa akin.  Ngunit sinubukan ko pa ring isubo ang kanyang kahabaan hanggang marating ng aking labi ang poon ng kanyang alaga.  Naduwal ako bigla dahil nasasagi na ng ulo ng alaga niya ang aking lalamunan.  I tried deep throating him but his long shaft was too huge for me.  Pinatayo niya ako at binigyan muli ng masuyong halik.  Nagkasya na lang kami sa pagpapaligaya sa isa't isa hanggang parehas kaming labasan.

Matapos ang mainit na eksena sa shower ay niyaya ko na siya upang matulog.  Lubos ang aming kasiyahan na magkayakap kaming naglakbay sa pagtulog.

Nang mga panahon na iyon ay hindi ko maitatangging nahulog na ang damdamin ko para kay Mark.  Mahal ko na siya.  At kahit sikreto ang aming relasyon ay handa akong suungin ang ano mang laban o intriga na ibabato sa amin basta siya ang kasama kong haharap sa mga ito.

8 comments:

  1. may halong fiction na tong kwento, hehe,
    CPA ka na ba? eh, kailan lang ginanap ang RMYC ng R3 sa Club Balai, last September 2012 lang kaya... hahaha...

    ReplyDelete
  2. alam kuna ang susunod nyang mamahalin si matthew ahahah ^_____^

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama ba?
      ahahaha sya na lang kasi sa apat ang hindi nabanggit eh..

      Delete
  3. haha, matthew!! name ng President ng R3 Council!
    Nice!! :)

    Baka ang setting na is Tanza, Oasis Resort and Hotel, Tanza, Cavite! hahaha

    ReplyDelete
  4. Hmmm kuya bakit ang tagal mareleased ang nxt chapter? Yan na langlang kasi ang sinusubaybay ko eh,,please nxt chapter na po hehe, ^___^

    ReplyDelete
  5. asan na c Luke??!! hahaha.. chapter 3 yung pinka gusto because of your confrontation scene with Luke.. taray ng lines mo teh.. pang Oscars.. hahaha.. sana magkita kayo ulit ni Luke.. parang may spark kayo eh.. naudlot lang dahil sa lecheng Gilbert na yan..

    ReplyDelete
  6. Please tell me that this story doesn't end here,,, i am really excited and pleased reading this story! Why can't i find the next chapter?

    ReplyDelete
  7. hindi na nasundan. ganda pa naman ng kwento.

    ReplyDelete

Read More Like This