Pages

Tuesday, February 26, 2013

Saltwater Room (Part 13)

By: Travis

Late na akong nagising kinaumagahan. Nakita ko na wala na si Rob sa tabi ko. Akala ko nasa cr lang sya at hinintay ko syang bumalik. Nakatulog ulit ako kakahintay sa kanya at nung magising ako at tumayo na ay nakaalis na pala sya. Nalaman ko lang nung nagtext sya sa akin na maaga syang umuwi para ayusin ang mga gamit nya para sa aming trip papuntang Baguio. May dalawang araw pa bago kami pumunta dun pero nakita ko sa kanya ang excitement na makasama ako.

Hindi nagtetext si Xander pagkatapos namin mag-away. Nagtaka ako kasi si Xander yung tipong hindi pinapatagal ang pagsosorry lalo na kung kasalanan naman nya. Ilang araw na ang lumipas pero parang wala lang sa kanya. Hindi na din ako nag-expect na magsosorry sya dahil para sa kanya kasalanan ko na hindi makipagsex sa kanya.

Dumating ang araw na pagpunta namin sa Baguio ni Rob. Sya ang nagdrive at ako naman ang nag-asikaso ng lahat ng kakailanganin namin. Mabilis magpatakbo si Rob ng sasakyan pero kampante naman ako na walang mangyayari sa aming masama. Nagstop over kami ng dalawang beses para kumain sa Jollibee at sa Mcdonald's. Paborito kasi ni Rob yun at para syang bata na madaling i-please.

Malapit na kami sa Baguio nung nakatulog ako sa sasakyan. Makalipas ang ilang minuto ay nagising ako pero hindi ako dumilat agad. Pinakiramdaman ko si Rob. Hininto nya ang sasakyan at bumaba, pumunta sya sa pwesto ko, nirecline ang upuan at nilagyan ako ng unan. Sobrang kinilig ako sa ginawa nyang iyon pero hindi ako nagpahalata. Makalipas ang ilang minuto ay gumising na ako at nagkunwaring hindi alam ang ginawa nyang pag aalaga sakin.

"O, bakit may unan na ako tsaka nakarecline yung upuan?"

"Nakatulog ka kasi, gusto ko komportable ka kaya yan"
at nginitian nya ako.

"Thank you, ang sweet mo ha. Teka, malapit na ba tayo?

"Yep malapit na"

"Good!"
at binaba ko ang bintana ng sasakyan. Damang dama ko ang malamig na hangin at nakita ko kung gaano kaganda ang Baguio.

Maya maya pa ay narating na namin ang hotel. Naabisuhan naman ang staff na kaming dalawa ni Rob ang pupunta kaya hindi naman nagkaroon ng problema. Hinatid kami ng Bellboy sa kwarto at nagandahan kami pareho ni Rob sa kwarto. Pang honeymoon suite nga ito at talagang kahit sinong couple na matulog sa kwartong iyon ay mamamangha sa ganda. Napakaromantic ng ambience.

"Wow, this is great. Ang ganda ng taste ng Tita mo mamili ha"
ang sabi ni Rob.

"Oo nga eh, I wonder kung magkano per night dito but wag na natin isipin yun tutal bayad naman na eh. Enjoyin na lang natin"

"Exactly, gutom ka na ba? Come on let's eat"
at hinawakan ni Rob ang kamay ko at inaya ako sa baba.

May sariling restaurant ang hotel kaya hindi na din kami lumayo. Maganda ang restaurant kasi yung pinili ni Rob na pwesto namin ay tanaw mo ang mga Pine Trees. Ang ganda ng view. Pero masasabi ko na nagpadagdag ng ganda ng view ay ang kasama kong si Rob.

Nag dinner for two kami ni Rob. Literal. Dalawa lang kasi kami. Kung titignan kami ay parang nagdedate kami. Hindi ko maiwasan pero kinikilig ako na kasama ko si Rob ng mga panahong iyon. Nakita ko din na masaya syang kasama ako. Habang kumakain ay tuloy tuloy ang aming kwentuhan. Nang matapos na kami ay nag-ayang lumabas si Rob.

"Pagod ka na ba GF?"

"Hindi pa naman, bakit? Ikaw ba?"

"Hindi pa din, labas tayo?"

"Sure, tara"
at umalis na kami ng Restaurant.

Pumunta kami ni Rob sa SM Baguio, nag ikot ikot at nung mapagod na ay nagpunta kami sa aming favorite coffee shop. Doon ay nagkaroon kami ng pagkakataon na mag-usap ng masinsinan.

"GF, Yung deal ba natin intact pa din ba?"
tinignan ko ang mata ni Rob na tila nagsasabi na umoo ako.

"Oo naman. Intact pa din yun"
at nginitian ko sya.

"I hope hindi ito yung last na out of town natin baka hindi ka na sumama sa akin pabalik ng Canada lalo na nandyan na si Xander, hindi din natin kasi natin alam kung ano pa ang pwedeng mangyari"

"Don't worry, Rob"

"Thank you, for the love sana nagawa ko ang lahat para mapasaya ka.."
pinutol ko ang pagsasalita ni Rob.

"Ang dami mo nang nagawa para sa akin. Kung alam mo lang"
at napangiti ko din si Rob.

"Oh well, what can I do. Talagang hooked na hooked lang ako. Ganun talaga siguro pag inlove"

"True. Very true"
at nagtawanan kami. Pagkatapos nun ay naging masaya na ulit ang aming kwentuhan.

Medyo late na nung nagpasya kaming bumalik ng Hotel. As usual naligo si Rob at pagkatapos nya ay ako naman. Dahil sa pagod ay nakalimutan kong kunin ang twalya ko. Kaya kahit na basang basa ako ay tinawag ko si Rob habang nasa loob ako ng banyo at nagtakip gamit ang pinto ng CR.

"Rob! Yung towel ko pakikuha naman please?"

"Coming!"
pagkalapit ni Rob sa pinto ay kakaiba ang tingin nya sa akin. Tila nadadala ako sa bawat tingin nya pero alam kong bugso lang iyon ng damdamin. Alam kong kahit kelan ay hindi magtetake advantage si Rob sa akin. Dahil sa pagmamadaling makapagbihis ay nakalimutan kong ilapat ang pinto. Alam ko nakita ni Rob ang buong likod at pwet ko pero para sa akin balewala na lang yun.

Paglabas ko ay nakaboxers na pantulog si Rob. Halatang giniginaw sya dahil wala syang suot na pang-itaas.

"Giniginaw ka? Pahiramin kita ng sando gusto mo?"
at nginitian ko sya.

"Mas okay na sa akin yung Human Blanket, Canada style. Namimiss ko na yun eh"

"Sure! Yun lang naman pala eh"
Natuwa ako kasi muli kong mayayakap sa pagtulog si Rob. Nakagawian namin kasi ito sa Canada. Pag malamig dun at sa unit natutulog si Rob ay nagyayakapan kami sa pagtulog. Pero bilang magbestfriend ay hindi namin ito nilalagyan ng malisya, dahil una ayokong mailang si Rob at pangalawa, ayaw ko ding matigil yun.

Nagpasya na kaming matulog na.

"Good night BF"

"Good night GF, hug mo na ako giniginaw na ako eh"
at niyakap ko si Rob habang ang ulo ko ay nasa braso nya. Parang mag-asawa kami ni Rob ng mga oras na yun. Damang dama ko ang laki ng biceps nya at ang abs at chest nya. Hindi ko maintindihan pero parang nakukuryente ako sa pagyakap kay Rob. Kuryente na nagbibigay sakin ng kakaibang init at mas napapahigpit ang yakap ko sa kanya. Tila namagnet ako ng mga oras na yun at pakiramdam ko ay walang may kayang manakit sa akin habang yakap ako ni Rob. Safe and Sound yan ang estado ko nung mga oras na yun. Amoy na amoy ko si Rob, ang kanyang amoy na parang kumakapit sa akin, ang paghinga nya ay ramdam ko din. Kahit na ganun ay hindi gumawa ng kahit ano sa akin si Rob. Ginagalang daw nya ako at hindi kami aabot sa sex. Gagawin lang daw namin yun kapag nasa tamang panahon na kami para gawin yun.

Maya maya pa ay nakatulog na kami. Nagising ako ng bandang 3:00 AM dahil sa naiihi ako. Hindi na nakayakap sa akin si Rob kaya madali akong nakabangon sa kama.

Pagbalik ko ay naghahanap ako ng tissue pamunas ng kamay ko dahil kakahugas ko lang ng kamay. Pumunta ako sa side table ni Rob, kumuha ng tissue at sa side na yun sya nakabaling. Habang nagpupunas ng kamay ay napatitig ako sa mukha ni Rob. Doon masasabi kong sobrang gwapo nya para sa akin at di hamak na mas lamang sya sa panlabas na anyo kumpara kay Xander. Tuwang tuwa ako habang pinapanood ko matulog si Rob. Hinila ko pataas ang comforter nya at hinalikan ko sya sa pisngi at natulog na din ako. Maya maya pa ay yumakap na sa likod ko si Rob. Mahigpit ang yakap nya at damang dama ko ang paghinga nya sa leeg ko. Niyakap ko na lang din ang braso nya at nakatulog na ako.

Kinabukasan ay nauna syang magising sa akin. Nung dumilat ako ay parang pinagmamasdan nya din ako.

"Good morning BF, hindi ka ba masyadong gininaw?"
ang pagbati at tanong ko sa kanya.

"Hindi naman, effective ang Human Blanket eh"
at nagngitian kami.

"Tara, get dressed na. Kain tayo"
at bumangon na kami sa kama at bumaba na kami.

Habang nagbebreakfast kami ay damang dama namin ang lamig ng Baguio. Talagang napakasarap gumising araw araw lalo na kung ganun kaganda ang lugar at kung gaano kagwapo yung makikita mo sa pagdilat ng mata mo.

"GF, may itinerary kang ginawa diba?, san tayo pupunta mamaya?"

"Ok na yung itinerary natin hanggang sa last day natin dito, mamaya sa Burnham Park tayo pupunta"

"Okay sige prep ko na yung camera natin pagdating sa kwarto"

"Ay Rob! Yung strawberries ha wag na wag mong kalimutan ipaalala. Madami tayong gagawin sa strawberry pagbalik natin sa Manila"
at sinagot ako ng thumbs up ni Rob.

Buong araw kaming nasa labas ni Rob. Pagtulog at paliligo lang ang ginagawa namin ni Rob sa hotel. Gabi na kami bumabalik sa hotel. Kahit na pagod ay sulit naman ang lakad namin. Sa loob ng pamamalagi namin dun ay nagustuhan namin ang Baguio ng sobra. Ayaw pa namin sana umuwi pero may dapat kaming sundin na plano kasi ilang araw na lang ay babalik na kami ng Canada.

Ang dami naming pictures ni Rob. Gabi gabi sya nag uupload, masaya syang pinapakita ito sa kanyang Facebook. Nung paalis na kami ay ang dami din naming nabiling pasalubong. Sobrang saya ng trip namin sa Baguio. Alam ko madami pang pwede mangyari at madami pa kami pwede puntahan in the future pero hinding hindi ko makakalimutan ang biyahe namin sa Baguio.

Bukod sa ganda ng tanawin, mga pictures at mga pasalubong na inuwi namin ay hindi ko inakala na may mas maganda pa palang nangyari sa Baguio. Yun ay ang realization na hindi ko pala talaga kayang iwanan si Rob.

Umalis kami ni Rob ng Baguio bandang hapon na. Nakarating naman kami ng Manila ng safe. Hinatid nya ako at umuwi na din sya sa Condo unit nila. Kahit na pagod kaming dalawa ay hindi naman sayang ang pagod namin.

Makalipas ang isang linggo ay pumunta si Xander sa bahay. Tinawag ako ng kapatid ko at may bisita daw ako. Pagkita ko si Xander pala at may dala syang isang maliit na box.

"O bakit napadalaw ka bigla?"

"I just want to say sorry"
Kitang kita ko ang sincerity ni Xander ng mga oras na yun.

"Sige na, okay na yun, ano 'to?"
sabay abot sa box na dala nya.

"Sylvannas. Peace offering ko"

"Kaw talaga"
At kinain ko ang dala nya. Naalala ko na hindi ko pa naibibigay sa kanya yung mga regalong naipon ko.

"Saglit lang, may kukunin lang ako sa itaas"
Pagbaba ko ay may kausap na si Xander, nagtataka ako kung sino yun. Iniwan ko syang mag-isa at ngayon ay may kausap na sya. Malabo naman na kapatid ko kasi paalis na sya nung dumating si Xander, kaya nagdahan dahan ako para makita kung sino ang kausap nya. Laking gulat ko na si Rob ang kausap nya at seryoso ang tono ng usapan nila.

Rob: Let's see kung sino ang pipiliin nya sa atin. Trav and I spent 3 years in Canada together. Hindi mo na mabubura yun bro.

Xander: I don't care. Alam ko naman kung sinong mas mahal nya sa atin.

Rob: Wow! Ang taas ng confidence mo brother!

Alam kong iba na ang pinag uusapan nila kaya nagpakita na ko at nagkunwaring walang narinig.

"Rob! Kanina ka pa?"

"Hindi naman, hinatid ko lang 'tong request mo na pastillas"

"Diba para bukas pa yan? Meron na agad?"

"Syempre pinapunta ko pa si James (driver nila) kahapon para makabili at maibigay ko sayo agad"
at napansin ko na tila inaasar nya si Xander.

"Thank you! Matagal na ko nagkecrave dito, ay Rob dito ka na mag-lunch"
pagkasabi ko noon ay parang nag iba ang mood ni Xander.

"Sorry, maglulunch kasi kami nila Mommy at Dad"

"Ah okay"

"Ah oo nga pala bago ko makalimutan, GF tomorrow ha sa bahay, dinner with the fam bam. Ikaw, Xander sama ka?"

"Hindi ako pwede bukas, may lakad ako"
ang sabi ni Xander na halatang naiinis na.

"Sayang naman. So, paano una na ako, wag mo na ko ihatid GF wag mo iwan si Xander."
ang paalam ni Rob

"Okay sige ingat ka ha?"

"Yeah sure. Hey Xander, Box tom"
nagtaka ako sa mga words na sinabi ni Rob, box tom ano kaya yun kaya pagkaalis ni Rob ay tinanong ko agad si Xander.

"Anong Box tom?"

"Manonood kasi kami ng boxing bukas"

"Bakit hindi ako kasama?"

"For boys lang yun"

"Girl ba ako? Pang lalaki pa din naman 'tong katawan ko ah"
at nagtawanan kami.

"Naalala mo yung barkada ko na si Bryan nung College?"

"Oo naman yung kabarkada nyo, Si Bryan"

"Pinsan pala sya ni Rob, kaya yun magkasama kami bukas"

"Ah talaga? Small world ha, bonding?"

"Maybe, tsaka nga pala bakit GF ang tawag sayo ni Rob?"

"Great friend ang ibig sabihin nun"

"Ah okay"

Inaya ako ni Xander na lumabas at manood ng sine. Pumayag ako dahil wala naman akong gagawin nung araw na yun. Habang nagbobonding kami ay parang iba ang pakiramdam ko. Hindi ako masyadong nag-enjoy at hindi ko ito pinahalata kay Xander. Yung pagmamahal na dati kong nararamdaman ay tila nawawala na. Dati nung hindi pa kami nagkikita ay hinintay ko ang pagkakataong magkita kami muli, pero ngayong nandito na sya ay parang hindi ko na naramdaman na mahal ko pa din sya. Parang isang kaibigan na lang ang tingin ko sa kanya at parang si Rob na ang pumalit sa pwesto nya. Sa pagkakataong iyon naramdaman ko na parang hindi ko na kilala ang Xander na kasama ko ngayon, ibang iba na sya. Tila binago na sya ng tatlong taon na hindi kami magkasama. Madami akong hindi na alam tungkol sa kanya at nagkakaroon pa kami ng maliit na pagtatalo sa mall na ikinawala ng gana ko.

Habang nasa sasakyan kami pauwi ay napansin nya na tahimik lang ako.

"Okay ka lang?"

"Oo naman"

"Bakit ang tahimik mo?"

"Nag-iisip lang"

"About Rob? Come on"

"Alam mo wala na sa lugar ang pagseselos mo, lagi na lang si Rob"

"Hindi ako nagseselos. I know sa akin ka din naman mapupunta eh. So what's the point diba"

Hindi na ako kumibo nun. Maya maya pa ay nagring ang phone ko.

"Hello"
at biglang hinablot ni Xander ang phone ko.

"Hello, bro, Rob mamaya ka na lang tumawag kasi nasa biyahe kami pauwi.."

"Xander, give it to me"
at tinignan ko nang masama si Xander at binigay naman nya ang phone ko.

"Rob, I'm sorry. Bakit ka napatawag?"
habang kausap ko si Rob ay sumusulyap sulyap si Xander. At nang matapos ko sya kausapin ay tinanong nya ako agad.

"Ano yun?"
ang tanong ni Xander.

"Si Rob, nagpapagawa ng protein shake para daw bukas, dadaanan nya sa umaga"

"Ah okay, the nerve of that guy"
ang pabulong na sabi ni Xander. Narinig ko ito pero hindi ko na lang pinansin at ayoko na din makipagtalo at pagod na din ako nun.

Nang makarating sa bahay ay nagpahinga na ako. Dahil maaga pa akong gigising para sa protein shake ni Rob. Lagi ko itong ginagawa nung nasa Canada pa kami at iniinom ito ni Rob bago sya mag-gym. Ewan ko din ba kahit na marunong naman sya ay parang gustong gusto ko ito gawin palagi.

Maaga akong gumising kinabukasan. Ginawa ko ang protein shake ni Rob ito yung whey protein powder at isang banana na blinend. Nilagay ko ito sa tumbler at hinanda ko ito dahil anumang oras ay kukunin na ito ni Rob.

Maya maya pa ay may nag-doorbell at si Rob iyon. Nakasando lang sya at bakat na bakat ang well defined nyang chest. Napansin ko din na lumaki ang braso nya.

"Parang ang ganda ng katawan mo ngayon, anong meron?"
ang tanong ko kay Rob.

"Wala naman, dati pa naman diba kahit nasa Canada pa tayo, hindi mo lang napapansin kasi si Xander lagi nasa isip mo"

"Loko ka talaga, O ayan na ang protein shake mo, just the way you like it"

"Ewan ko ba kung bakit ang sarap mo gumawa nito"

"Naku nambola pa sya"

"May dala nga din pala ako para sayo"
at iniabot ang canister na three layers.

"Ano yan?"

"Breakfast mo"
at binuksan ko ito.

"Sorry ha kung medyo hindi pa perfect ang pagluto ko, pero pinag aaralan ko naman, para pag nandun na tayo sa Canada ako naman ang magsisilbi sayo, kung babalik ka pa dun kasama ako"

"Ano ka ba okay lang yun nag eenjoy naman ako sa pagluto at thank you kasi nag-effort ka pa talaga. Tsaka oo naman babalik pa ako dun bakit naman hindi"

"Syempre nandito si Xander"

"Hay naku saka na yang mga ganyan"
at nagtawanan kami.

"Alis na ako GF, thank you"

"Okay, sige, thank you din. Ingat ka ha? Magtext!"

"Alright"

Pagkatapos nun ay bumalik ako sa pagtulog. Kinagabihan ay nagdinner kami kina Rob. Naging masaya ang dinner namin. Puro kwentuhan kami ng parents nya at ng mga nakababata nyang mga kapatid. Napansin ko na may pasa sa panga si Rob pero hindi ko ito tinanong agad.

Nang matapos ang dinner namin ay nakapag usap kami ni Rob.

"Bakit may pasa ka sa panga"
at hinaplos ko ang paligid nito, pumunta ako sa kusina nila, kumuha ako ng yelo at binalot sa bimpo at pagbalik ay dinampi ko ito sa pasa nya.

"Sa sparring yan kanina"

"What? Sino naman? Don't tell me si.."

"Yep si Xander, mas malaki naman yung pasa na binigay ko sa kanya"

"Alam mo ayoko ng ganyang nagkakasakitan kayo"

"Bakit hindi ko sya bubugbugin eh may ginawa sya sayo"

"Ano naman yun?"
at tumitig sa akin si Rob.

"Gusto mo ba talagang malaman?"

"Syempre, Rob sabihin mo na"

"Diba kilala mo si Bryan, yung barkada nya na pinsan ko? Sinabi nya sa akin na pinagpustahan ka lang daw nila Xander"

"What do you mean?"
nag-iba ang mood ko ng mga oras na yun.

"Pag na-inlove ka kay Xander, bibigyan sya nila Bryan ng 50,000 pesos bilang premyo kung hindi naman ay si Xander ang magbabayad ng same amount, ang cruel diba"
hindi ako agad nakapagsalita ng mga oras na yun.

"Recorded ang lahat ng conversations nyo, sa cellphone nakarecord bilang ebidensya sa mga pag-uusap nyo. Pero sabi ni Bryan umayaw daw si Xander nung tinaasan na daw yung pustahan kasi mahal ka na daw nya. But the point is, minahal ka ba talaga nya?"

"I can't believe this Rob, may ganito pala in real life. Fuck! Akala ko pang soap opera lang to!"
Sobrang inis at galit ang naramdaman ko ng mga oras na iyon at napagbalingan ko si Rob.

"I doubt na magagawa sa akin yun ni Xander"

"So are you trying to tell me na gawa gawa ko lang ito?"

"I don't know, maybe para magkasira kami ni Xander. O that's your plan?"

"Sige nasa sayo naman yan, kung tingin mo ganun ako kadesperado para mapunta ka sa akin, eh di yun ang paniwalaan mo. Simula nung nakilala kita sinabi ko sa sarili ko na poprotektahan kita tapos ganito lang pala. Sana hindi ko na lang pala sinabi para hanggang ngayon nabubuhay ka sa kasinungalingan na minahal ka talaga ng Xander na yan, kahit kinuha nya ang fifty thousand"

"I'm sorry"

"No its okay. Sige na Trav, ipapahatid na kita sa driver, pagod na kasi ako"
pagkatalikod nya ay napansin kong tumulo ang luha ni Rob. Naguilty ako and at the same time naawa. Pero hindi ko maalis sa sarili ko na galit ako. Galit ako dahil baka totoong pinagpustahan lang talaga ako.

Pagkauwi ng bahay ay tinext ko si Zoey na kung pwede ay mag-usap kami bukas. Sinabi nya na sa bahay na lang daw nila ni Raf at para makapag-lunch na din kami.

Itutuloy..

8 comments:

  1. Trav, feeling mo babae ka?

    ReplyDelete
  2. Dapat si Travis kumakanta ng I Knew You Were Trouble ni Taylor Swift...

    And the saddest fear comes creeping in "that you never loved me or her or anyone...yeah! I knew you were trouble when you walked in..."

    ReplyDelete
  3. next plzzzzzzzzzzzzzz........ganda tlga ng story mo !!!!!!1

    ReplyDelete
  4. Haiz kung makapag comment ang iba dito...kung kulang gustong padagdagan, kung sobra pabawasan..labo nyo, just enjoy the story or maghanp kaayo ng ibang mababasa, me magagawa ba kayo kung yan ang takbo ng kwento? Ang engot!

    ReplyDelete
  5. yung totoo travis? hindi ka ba jumujubis? panay ang lamon mo ah! echosera ka! haha!

    ReplyDelete
  6. pinagtyagaan kong basahin kala ko pa nman maganda storya nito... OA pala.. bakit naging sobrang oa nito??

    ReplyDelete

Read More Like This