Pages

Monday, February 18, 2013

Saltwater Room (Part 12)

By: Travis

Pagkatapos namin magbreakfast ay umalis na ako. Pumunta ako sa mall para bilhan ng cake si Xander. Para mawala ang kung anu mang sama ng loob na meron sya sa akin. Umuwi ako sa bahay sandali para makapagpalit ng damit at pumunta kina Xander. Natutulog sya nung dumating ako pero ginising ko din dala ang cake na paborito nya.

"Galit ka? I'm sorry"
at inabot ko sa kanya ang Cake.

"Hindi naman, may tiwala naman ako sayo. Ayoko lang yung natutulog ka kasama si Rob, dun ako nagseselos"

"Hindi naman maiiwasan yun since matagal kami magkasama ni Rob, pero kung yun ang kinagagalit mo, titignan ko ang magagawa ko"
at nginitian ko sya. Sinimulan nyang kainin ang cake.

"Ang sarap ng cake, just like you"
ang compliment ni Xander.

"I know"
at nagtawanan kami. Binuksan ko ang TV at nanood kami samantalang si Xander ay naligo. Paglabas nya ay wala syang suot pang itaas at nakaboxers lang sya.

Tumabi sya sa akin at umakbay, maya maya pa ay naramdaman ko ang mga halik nya sa leeg ko, nasarapan ako nun at hindi ko sya pinatigil nung gumapang na ang mga halik nya papunta sa labi ko ay bigla akong kumalas sa paghahalikan namin.

"What's wrong?"
ang tanong sa akin ni Xander

"I'm sorry, wala ako sa mood"

"Fine!"
at pumunta si Xander sa banyo para magsuot ng pang-itaas.

Halatang galit si Xander ng mga oras na yun. Tila ba parang napakalaking issue na hindi ko sya napagbigyan sa sex. Kaya nagpasya na ako umuwi.

"Uuwi na ko"
Sabay hawak sa cellphone ko.

"Ayan, tatawagan mo nanaman si Rob, bakit hindi ba kita kayang ihatid?"

"Hindi si Rob ang tinatawagan ko. Tsaka kung sya man, may problema ba?"

"Wala! Lagi na lang si Rob. Pucha!"

"Non-sense na to. Matulog ka na lang para lumamig ulo mo"
habang papalabas ako ng kwarto nya.

"Sya nga pala. Gusto ko lang ipaalala sayo Xander, hindi ikaw ang dahilan ng pag-uwi ko. Tsaka baka nakakalimutan mo, hindi tayo mag-on."

At tuluyan na akong umalis. Sobrang inis na inis ako nun dahil sa sagutan namin ni Xander. Tinawagan ko si Rob para magpasundo at naghintay ako. Natatakot ako nung mga oras na yun baka sundan ako ni Xander at mag-abot sila ni Rob. Paniguradong magagalit si Xander pag nakita si Rob. Mabuti ay hindi na sumunod si Xander at dumating na si Rob.

"Ano bang nangyari? Nag-away nanaman ba kayo?"
Hindi ako umiimik nung mga panahong iyon.

"Sabi na nga ba eh! Gago talaga yang Xander na yan. Pag nagkita kami sisitahin ko yan"

"Wag na, gulo lang yan"

"Wala akong pakialam. Ayoko ng ginaganyan ka. Ilang taon kitang inalagaan sa Canada tapos gaganyanin ka lang nya"

"Kaya pala walang nakikipagdate dati sakin sa Canada kasi bantay sarado ka"
at nagtawanan kami.

"Syempre"
habang nagtatawanan kami ay naalala ko si Xander. Bakit kaya parang hindi ko na kilala si Xander? Ano kaya ang nangyari kung bakit tila bumabalik ang dati nyang ugali.

Bigla akong nakonsensya sa mga ginagawa ko kay Rob. Lagi ko syang iniistorbo sa tuwing magpapasundo ako.

"Rob, sorry ha lagi na lang kita naabala sa mga ganito. Pero promise ko babawas bawasan ko na. Kasi naiistorbo na kita. Wala lang kasi akong ibang matawagan eh"

"Magagalit ako sayo kapag tinigil mo 'to. Kaya nga ako ang bestfriend mo diba? Masaya ako na ginagawa ko ito, so please wag maging damp blanket"
at nagngitian kami.

Sa totoo lang naisip ko na parang sa akin lang umiikot ang mundo ni Rob. Sa tuwing kailangan ko sya lagi syang nandyan para sa akin. Hindi sya nagdadalawang isip na unahin ako. Minsan nahihiya na din ako dahil sa kung anuman ang gusto ko ay nasusunod. Kaya minsan hindi ko na lang sya tinatawagan o text dahil gusto ko din naman na magkaroon sya ng time para sa pamilya nya.
Pagkadating sa bahay ay inaya ko pa syang kumain. Alam ko na hindi pa sya kumakain nun kaya hindi ko sya pinaalis agad at kumain muna kami ng late dinner. Natuwa naman sya dahil favorite nya yung ulam sa bahay. Muli kong nakita ang mga ngiti ni Rob na parang unti unti nang nawawala simula nung umuwi kami sa Pilipinas at nagkasama kami ni Xander.

Pagkatapos namin kumain ay pinadalhan ko sya ng suman. Paborito kasi ni Rob yung suman na piniprito tapos nilalagyan ng condensed milk. Bilang ganti sa mga ginagawa nya sa akin ay inaya ko na magbonding kami kinabukasan.

"Rob, may lakad o may gagawin ka ba bukas?"

"Wala naman. Bakit? May pupuntahan ka? Hatid kita"

"Kasama ka, kung gusto mo. Para makabawi man lang ako sayo, sa lahat"

"Ano ka ba hindi naman ako humihingi ng anumang kapalit eh. Basta masaya ka dun din ako"

"Naguiguilty kasi ako, lagi na lang kita naiistorbo. Ano mapagbibigyan mo ba ako? Kahit ilang oras lang. O kaya lunch lang. Please?"

"Tsk. Ikaw pa! Kahit isang linggo pa pwedeng pwede ako basta ikaw"

"Thank you! Bukas ako magdadrive ah ako naman"

"Nakapagrenew ka ba ng driver's license?"

"Oo naman after yata ng one week natin dito, sumabay ako ng pagrenew kay Macky (pinsan ko)"

"Ah ganun. Kaya lang ayoko kasi pinagdadrive ako ng prinsesa. Ako ang dapat magsilbi tutal ako ang prinsipe"

"Rob, hindi ako si Cinderella!"
at nagtawanan kami

"Sige, ok na yun. Payag na ko na ikaw ang magdadrive bukas"
ang sabi ni Rob.

"Bukas before 9am na kita dadaanan. Wag ka na masyadong kumain ng breakfast kasi sa labas na tayo kakain hanggang dinner"

"Okay sige. Uuwi na ko para maaga akong magising"

"Sige hatid na kita"
Pagkahatid kay Rob ay natulog na din ako. Makalipas ang ilang minuto ay nagtext sya sa akin na nakauwi na daw sya. At nireplyan ko ito ng good night. Excited ako para bukas dahil sa makakabonding ko ang bestfriend ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at nagprepare para sa "bonding" o "date" mang maituturing nung araw na iyon. Dinaanan ko si Rob at mukhang excited din naman sya.

"Tara na BF! Bilis!"

"Eto na"
at sumakay na sya. Kumain kami sa Pancake House at pagkatapos nun ay nanood kami ng sine sa Resorts World. Gandang ganda ako dun dahil first time ko din makapunta doon. Nakadalawang sine kami ni Rob. Halatang enjoy naman sya sa bonding namin. Kumain kami ng lunch bandang 3pm na. Masayang masaya ako nung araw na yun. Marahil ay ganun talaga pag gusto mo din ang kasama mo. Walang negative vibes nung araw na yun. Lahat ng moment masaya, hindi katulad nung minsan kaming lumabas ni Xander na nauuwi pa sa pagtatalo. Lahat ng minuto na kasama ko si Rob ay enjoy na enjoy ako. Hindi ko din maipaliwanag pero ibang kasihayan ang naramdaman ko ng mga oras na yun. Mahilig umakbay si Rob at hindi sya nahihiya na gawin yun, kahit na nagmumukha na kaming mag-syota ay ayos lang sa kanya. Pinagtitinginan din kami ng bawat lalaki at babae na nakakita sa amin. Malamang inisip nila na kami nga.

Pagkatapos namin manood ng sine ay pumunta kami sa Manila Ocean Park. Sobrang nag enjoy kami doon dahil sa maganda naman talaga ang pasyalang iyon. Nung kinagabihan ay kumain kami sa isang restaurant na malapit dun.

"Thank you Rob kasi pinayagan mo akong i-treat ka"

"Ikaw pa, kelan ba ko tumanggi sayo? Wala yun. Nag enjoy ako, sobra. Thank you GF. Sana hindi ito yung huli"

"Bakit naman magiging huli?"

"Pag sinagot mo na si Xander at naging kayo na, hindi na natin magagawa ito"

"Rob, kahit anuman ang mangyari mauulit at mauulit pa din 'to"

"Thank you"

"Naku wala yun, so paano uwi na tayo?"

"Inaantok ka na ba GF?"

"Hindi pa nga eh"

"Good! May pupuntahan tayo, this time ako na magdadrive"

"Okay sige. Let's go?"
at umalis na kami sa restaurant.

Dumaan kami sa isang simbahan na malapit dun kahit gabi na ay natyempuhan naming bukas pa dahil fiesta dun kinabukasan. Kumpara kay Xander, mas religious si Rob at kami ang madalas magsimba pareho. Nagdasal si Rob at ganun din naman ako. Pinagdasal ko na sana wag Nya ako pabayaan at ang pamilya ko. Na sana mahalin ako ng tunay kung sino man ang nakatakda para sa akin. Sa puntong iyon parang nagiging mas malinaw na sa akin ang lahat at parang alam ko na ang sagot sa mga pinagdadasal ko.

Pagkatapos nun ay dumaan kami sa Starbucks at binilhan ako ni Rob ng frappe. Masaya kaming nagkwekwentuhan habang nasa sasakyan. Maya maya pa ay nasa Manila Bay na kami. Manonood pala kami ng fireworks display at may dala syang tickets para sa amin.

"So pinaghandaan mo 'to ganun?"

"Of course! Alam ko naman kung gaano mo kagusto ang mga ganyang show. If I had time and enough space, Bibili ako ng mga fireworks para mapanood mo na tayong dalawa lang. Pero alam ko naman na magugustuhan mo din ito kaya okay lang kahit madaming tao"
at nginitian nya ako.

"Alam mo Rob, actually this is too much. But thank you talaga sa lahat. You know how much I love you"

"I know. Tara na, na para makaupo na tayo"

Ilang minuto pa lang ay nagsimula na ang show. Gandang ganda ako sa mga fireworks at hindi ko mapigilang mapangiti. Napansin ko din na tumitingin sa akin si Rob at napapangiti sya kapag nakikita nya akong tuwang tuwa sa mga fireworks.

Nang matapos ang show ay umuwi na kami.

"Sana nag-enjoy ka GF"

"Kung alam mo lang. Sana ikaw din nag-enjoy"

"Syempre naman! Basta kasama kita okay na okay na ko kahit saan pa yan"
at kiniliti ko sya ng konti. Habang nagkwekwentuhan kami ay tumawag ang Tita ko from Canada.

Pinapanood ako ni Rob habang kausap ko ang Tita ko hanggang makarating kami sa bahay ay tsaka pa lang natapos ang usapan namin ng Tita ko.

"Tara Rob pasok ka muna kain tayo ng snack"

"Okay"
at pumasok na kami. Pagbukas ko ng bahay ay nandoon ang parents ko at ang mga kapatid ko. Nagmano naman agad si Rob na ikinatuwa ng parents ko. Binati din ni Rob ang mga kapatid ko.

"Ang gwapo mo talaga Rob hijo, kamusta ka na? Thank you nga pala sa pag-aalaga mo kay Travis ah? Lagi ka kasing nakwekwento nya sa amin.."
ang pagbati ng Mommy ko at bigla din akong nahiya.

"Mom!"
ang sabi ko sa Mommy ko.

"What's wrong? Hay naku Rob, wag mo pansinin yan si Travis"
at parepareho silang natawa nila Dad.

"Ay Mom, kakatawag lang ni Tita Denise, ang sabi nya cancelled na daw yung honeymoon nila sa Baguio kasi sawa na daw si Uncle Bob sa malalamig na lugar. Ang concern lang ni Tita is that bayad na yun and tayo na lang daw gumamit. 2 persons lang daw kasi Honeymoon Suite daw yun. So kayo na ni Dad ang pupunta?"

"Ay hindi kami pwede ng Daddy mo may lakad kami"
Sabi ng Mom ko at nagngitian sila ng Daddy ko.

"Eh di kaw na lang Jake (kapatid ko) sama mo girlfriend mo"

"Trav, may pasok kami. Tsaka di papayag si Mom nakita mo namang takot yan ng magkaanak kami ng maaga"
at nagtawanan kami.

"Ikaw na lang kaya Trav, sama mo si Rob"
"Rob, may lakad ka ba nun anak? Baka pwede kayo na lang ni Travis magpunta sayang naman yun anak sige na kayo na lang"
Ang sabi ng Mom at napangiti sila na hindi ko mawari kung bakit.

"Si Mommy kung makapaghiling kay Rob, baka may lakad yung tao maabala pa"

"Okay po Tita kami na pong dalawa ni Trav ang pupunta dun. Thank you po ah!"

"Anything for you hijo, parang anak ka na din naman namin, or soon to be?"
nahiya ako sa sinabi ng Mom ko at sinaway ko ito agad.

"Mommy!"

"Joke lang naman"
ang sabi ng Mommy.

"O paano, maiwan na muna namin kayo ah, Rob, anak. Welcome to the family"
nagulat ako sa sinabi ng Daddy ko at napatulala ako ng ilang segundo.

"Sige po Tito, Tita good night po! Jake! Basketball na lang minsan"

"Good night din"
ang pagbati ni Mom.

"Sige Kuya Rob"
at ang sabi ni Jake, ang kapatid ko.

Nahalata ni Rob na nagulat ako at agad naman nya akong tinanong.

"Okay ka lang?"

"Oo naman, slight"
at nagngitian kami.

"Sorry ha, nakakahiya, napilit ka pa tuloy ng Mommy na sumama sa Baguio. Ang iniisip ko kasi baka may lakad ka nun"

"Wala yun, matagal ko na nga gustong pumunta ng Baguio eh kaso hindi ako makatyempo sayo, kaya eto na yun"

"Okay lang talaga ha? Pwede ka pa namang bumawi kung hindi mo talaga gusto pumunta"

"Gusto gusto ko lalo na ikaw ang kasama ko. Mas okay pa sa okay"

"Hmm. Bola. Tara kain muna tayo, ano gusto mo may tokneneng dito, pinaluto ko kanina nung pagkadating natin"

"Wow ah, lahat ng favorite ko talaga ha"

"Syempre, tara na"
at nagsimula na kami kumain. Kahit buong araw na kami magkasama ni Rob ay hindi kami nauubusan ng topic na pagkwekwentuhan. Hindi namin namalayan na malakas pala ang ulan kanina pa at bumaha na sa kanto papuntang Edsa. Biglang bumaba ang Mommy ko para kausapin kami.

"Rob, anak ang lakas ng ulan, wag ka na umuwi dito ka na matulog. Delikado nang umuwi baka maabutan ka pa ng baha. Tatawagan ko na lang si Mare ako na magsasabi na dito ka matutulog"

"Ma, pwedeng tanungin nyo po muna si Rob kung anong gusto nya? My God naabala nanaman sya! Tsaka Mom, Mare talaga ang tawagan nyo ni Tita?"

"Trav, okay lang, nagtext naman na si Mommy ko baha na daw sa dadaanan ko"
"Tita okay lang po"
ang sabi ni Rob.

"Tignan mo Travis masyado kang kontra talaga, Mare tawagan namin ng Mommy ni Rob kasi diba nagkita na kami dati nung nagpadala kami para sayo nung pabalik na ng Canada yung kuya ni Rob"
ang sabi ni Mommy.

"Wow ah!"
Kahit na ganun ay parang magkaibigan lang kami mag usap ng mommy ko pero may paggalang pa din naman.

"Sige aakyat na ko tatawagan ko pa si Mare"
"Travis ikaw na bahala sa boyfriend mo"

"Mom!"
ang pagsuway ko sa Mommy ko. Natawa naman silang dalawa ni Rob.

"Rob, anak bahay mo na din 'to. Alam mo na yun ha, Good night na"
at umalis na ang Mommy ko.

"Ang sakit sa ulo Rob, bakit nila trip na trip nila ko ngayon. Nakakabaliw! Ano bang meron? May hindi ka ba kinikwento sa akin?"
at nginitian at kinindatan ko si Rob.

"Syempre wala! Gusto lang siguro nila ako"

"Anong siguro? Gusto ka talaga nila, pasensya ka na sa sinabi ni Mom"

"Saan sa boyfriend?"
at tumango ako.

"I like it"

"What?"

"I like it. I like it nung sinabi ni Tita na Trav, ikaw na bahala sa boyfriend mo"

"Alam mo I like it din, na matulog kasi late na"
at nagtawanan kami. Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa kwarto.

Una akong naligo at sumunod naman sya. Pinahiram ko sya ng towel at bagong boxers pati sando. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na sya ng C.R. Napatingin ako sa magandang katawan ni Rob. Sobrang defined ng mga cuts sa body nya, halatang batak sya sa gym.

"GF, eto na yung sando, alam mo naman na boxers lang sinusuot ko pag natutulog, hindi ako kumportable pag may isuot na pangtaas"

"Alam ko naman yun, binigyan lang kita in case"

"Okay lang ba tumabi sayo? Or sa sahig na lang ako?"

"Naku naman si BF nagpaawa pa. Nagtatabi naman tayo sa kama nung nasa Canada tayo, so what's wrong kung magtabi tayo ngayon?"

"Wala lang, baka nacoconscious ka lang kasi nandyan na si Xander eh"

"Never! Tulog na BF. Good night!"

"Good night!"
at natulog na kami.

Itutuloy..

11 comments:

  1. Ang cool ng mom ni travis. Anyway, I can sense a fist fight soon between xander and rob...

    ReplyDelete
  2. i am not liking it.. gusto q c xander, pakipot nman 2ng c travis eh.. bwct!

    marp

    ReplyDelete
    Replies
    1. feeling ko nga mas masarap si xander hihi

      Delete
  3. Pero mas exciting si travis and xander although right choice si rob

    ReplyDelete
  4. Parang puro gimik ang kwnto

    ReplyDelete
  5. Feelingerang palaka itong travis,... in short,feelingerang ilusyunada ang May Akda....

    ReplyDelete
  6. So excited sa mga susunod na parts! May pagka-bitter yung iba dito. Ganun talaga pag mga bitter wala na tayong magagawa dyan..

    ReplyDelete
  7. Kayo na lang nag babasa kayo pa dyan nag rereklamo buti nga maganda ang kwento. Respeto naman sa author oh.

    ReplyDelete
  8. Travis keep inspiring...enjoy nman lahat Eh.. except... Hehe

    ReplyDelete
  9. ahaha oo nga...
    Mukhang alam kuna ang pipiliin nya...
    excited na sa susunod na chapter. ahah.. ^___^
    sana agad marelease...

    ReplyDelete
  10. si rob na lng ang piliin, siya naman ang umalalay kay travis sa lahat ng oras

    ReplyDelete

Read More Like This