By: Cedie
XXXVIII. Isang Pagpapanggap
Habang nakasakay ako sa MRT ay nagkatext pa kami ng kaunti ni Van. Mga last words bago pa man tuluyan bigyan siya ng space para makapagisip isip at mag move on. Mga tanging nasabi lamang niya sa akin ay mga pasasalamat sa lahat ng pagmamahal na ibinigay ko sa kanya. Na ako daw ang da best na kuya na nakilala niya. Bago pa siya tuluyang nagpaalam ay nasabi niya ang mga salitang, "mahal kita kuya". May halong kirot sa dibdib ko habang binabasa ko ang mga text niyang iyon. Nakauwe ako ng medyo matamlay sa aming bahay at wala na ulit natanggap na text mula kay Van.
Halos nawalan ako ng gana pumasok sa trabaho pagdating nang araw ng lunes. Hindi ako masyadong nagsasalit nun dahil sa mga nangyari. Maraming nagsasabi na hindi ko dapat pinagsasama ang personal life ko sa trabaho dahil malaki ang magiging epekto nito. Ayun na nga, halos wala akong kinausap nun at hinayaan ko lang na lumipas ang oras hanggang sa makauwe ako.
Kinabukasan naman ay biglang may nagtext na number sa akin at nagulat ako, isang simpleng Hi lang ang natanggap ko kaya tinanong ko kung sino siya. Nagpakilala ang nagtext sa Kelvin at taga bf homes paranaque daw siya. Nung nagtext pa lamang siya ay may hinala na ako kung sino ang nagtext na yun kaya sinakyan ko na lamang kung anong trip niya.
Magkatext kami mula bago ako pumasok sa trabaho hanggang sa pagdating ko sa work. Marami siyang tinatanong, kung wala daw bang magagalit kapag katext ko siya, kung single daw ba talaga ko. Sinabi ko naman na galing ako sa breakup at sinabi kong ok lang naman makipagtext. Bigla siyang nag assume na nakapagmove on na daw ako kaya nakikipagtext na ko sa iba. Doon pa lang sa sinabi niyang iyon ay alam ko nang si Van talaga ang kausap ko. Bago pa man ako makareply uli ay nagsabi na siya ng totoo. "Kuya, si Van nga pala to, sige burahin mo na tong number ko sa cellphone mo." Sinabi niya na gusto na daw sana niya ko balikan pero bigla na namang nagbago ang isip niya. Masyado pa talaga siyang bata para sa mga ganitong bagay. Kahit papano naman, kahit hindi kami nagkabalikan ay bumalik ang pagiging magkaibigan namen, yung tipong parang mag kuya kami at parang walang nagbago. Alam kong nakakatext na din niya si Aaron dahil nagkaroon ng time na humingi ako ng tulong kay Aaron nung mga panahong nagkakalabuan kame ni Van at alam kong magkakilala na sila.
Bumalik sa dati ang samahan namen ni Van. Nagkikita kame tuwing weekends, kumakain sa labas at ang mga normal naming ginagawa dati nung kami pa. Masaya na ko kahit papano sa ganong set-up namen. Na hinahayaan niya lang ako na mahalin ko siya sa paraan na alam ko. Nagkaroon kami ng mga kaunting problema tulad ng dati, na sinasabi niya na mahal ko pa din siya at boyfriend pa din daw ang tingin ko sa kanya. Nagkaroon ng time na nagusap kame sa may Magallanes station sa may PNR tungkol dito. Na gusto na niyang umiwas, na kalimutan ang lahat, pero hindi ako pumayag. Kahit papaano naman ay naayos namin iyon at naging ok uli kame. Nagsorry siya sa akin at sinabi niyang hindi na niya gagawin iyon. Naging okey uli kami nun at naging maayos na naman ang samahan namen.
Minsan, nagkita kame isang martes sa Cubao para pahiramin siya ng magazines, sa mga panahong ito ay sinusuyo ko pa din si Van na makipagbalikan sa akin. Nagsasakripisyo ako na kahit galing ako sa trabaho ay hinihintay ko siya kahit pagod na pagod na ako. Ganun naman kasi talaga kapag nagmahal ka diba? Lahat kaya mong gawin para lamang sa taong mahal mo. Inamin niya sa akin na hanggang kapatid na lamang ang tingin niya sa akin talaga kaya sana daw ay tanggapin ko na lang ang katotohanan na hanggang dun lang ang kaya niyang ibigay. Mangiyak ngiyak pa din ako nung marinig ko sa kanya iyon. Bago pa man kami umuwe ay hinatid ko siya sa sakayan ng bus. Nagpanggap ako na OK na ang lahat ngunit sa loob ko ay masakit pa ding tanggapin. Bago pa man siya sumakay ng bus pauwe ay masaya na uli kaming dalawa noong gabing iyon.
Tila mapaglaro talaga ang tadhana. Dalawang araw matapos ang nangyaring iyon ay magkatext kami ni Van nung gabing iyon. Kinakamusta ko siya at sinabi niyang ayos lang naman daw siya. Sinabi niya na nasa bahay daw siya at kakauwe lang galing school. Mga ilang minutong pagtetext ay sinabi niyang masama ang pakiramdam niya at masakit ang ulo niya, kaya sinabi ko sa kanya na magpahinga na lamang siya kesa magkasakit pa. Kahit wala siyang pasok kinabukasan ay kailangan niyang magpahinga para siguradong OK siya. Nagpasalamat siya sa akin at nagpaalam na itetext na lang daw niya ako sa susunod. Ang hindi ko alam nun ay nagsisinungaling pala si Van sa akin. Isang pagpapanggap na hinding hindi ko inaasahan na gagawin niya sa kabila ng lahat ng pagmamahal na ibinigay ko sa kanya..

Sana naman tapos na ito. BORING na sobra!!!!
ReplyDeleteBoring ka jan.. kung bored k edi wag mong basahin.,kase ako .ng eenjoy s story n toh...
Delete., tama., nkikibasa n nga lng sya., baklang toh.,...
DeleteHoy panot ikaw kaya magsulat
Deleteanung nkakabored...inaabangan ko to palagi. sana happy ending to. kundi man okey lang...mportante naka pag move on kana... good luck author
ReplyDeleteanung nkakabored...inaabangan ko to palagi. sana happy ending to. kundi man okey lang...mportante naka pag move on kana... good luck author
ReplyDeleteha ha ha wala nang maisulat yan kaya boring ang napindot. kasi totoo nyan life nua ang boring. ha ha ha makapanghusga lang!
ReplyDeletepAre actualy kkbasa ko lng the whole story fr.1-38 at mag 5am na grbe story mo pre..di aq makaget over kay kiko stil pag naiisip ko sya tumutulo luha q...si van di sya dpt mhalin pre.relate much aq sau pre sobra...tnx sa pagshare mo nitong npka awesome mong kwnto ng totoong buhay mo...eman nga pla pre...sna mkilala kita in person...
ReplyDeleteSalamat po =)
DeleteCedie