Pages

Saturday, October 26, 2013

I Love You Pare (Part 1)

By: Wynn

A work of fiction...

"Kahit seloso ka, kahit mahilig kang mang-away, at kahit madalas mo akong sinusungitan, I will still love you because that gestures makes you cuter. That's why I love you, Pare."
***
You thanked the destiny for making your paths crossed, but what if it's just a part of destiny's trick?
***

…………
Bagot na bagot na ako kanina pa. Ang sikip-sikip. Umuulan naman sa labas pero ang init dito sa loob ng jeep. Nakasarado kasi ang mga bintana para hindi pumasok iyong tubig ulan. Puno ang jeep na sinasakyan ko kaya nagmistula kaming mga sardinas sa loob —LIGO sardines lang :D

My hair is messy and it's wet. Bago pa kasi ako makasakay sa jeep na iyon ay naulanan na ako. Wala kasing dalang payong pati 'tong sina Sheena, Reb, Alastair at Kira. We wanted to hail a cab to take us home pero dahil nga umuulan,punuan ang mga taxi at sobrang traffic pa.
We're stuck in this place for about 30 minutes already at gutom na gutom na. It's already 10 PM at nasa kalsada pa rin kami. Eto ang napapala ng magbabarkadang mahilig manood ng sine :D

Si Sheena ay nakasandal sa balikat ni Reb, her boyfriend. Sina Alastair at Kira naman, chika nang chika. Kesyo napakaguwapo daw ng kaharap namin upuan sa jeep at bet na bet daw nila. I didnt bother to look at their subject, im busy playing Text Twist on my phone :D
Pero napatigil ako sa paglalaro nang hampasin ako ni Kira sa hita.

"Vakla, hoy!" sabi ni Kira, ang babaeng bakla. Dinaig pa ako. Im a discreet bi pero etong si Kira, babae naman pero sagad sa buto ang pagkabakla :D tulad ko, discreet din si Alastair.

"Bakit ba?" I hissed.
Inginuso ni Kira ang lalaking katapat ko sa jeep.
Ang O.A ng reaksiyon ko pero natulala ako for a moment. Infront me is a huge ma wearing a hooded jacket and denim jeans. Despite the dim light , I can still see his facial features. Napakaguwapo nga talaga. And he was smiling towards me. Sa akin nga ba? Alangan namang si Reb na nasa kaliwa ko. At mas lalo namang ako?

Sa wakas ay umusad na ang jeep na sinakyan namin. Putol-putol man,atleast umuusad na. Gutom na ako. Pero parang may paruparong nagliliparan sa loob ng aking tiyan.

Makailang beses kong nahuhuli ang lalaki na sumusulyap sa akin. Nababakla ba siya sa akin? Malamang, guwapo din ako, eh :D

Kung kanina ay sobrang sikip sa jeep, ngayong umuusad na kami ay unti-unti nang nababawasan ang mga pasahero dahil nagsibabaan na sila. At sa hindi ko malamang dahilan, kaming magbabarkada at si Guwapo na lang ang natitirang pasahero sa jeep na iyon. At ang mga lintek kong kaibigan, nahalata yata na crush ko si Guwapo , hayun at tinukso-tukso nila ako. And what was more amazing is that sinasakyan niya ang biro ng mga tarantadong kaibigan ko.

"Uy, bet ni Darren si— Ano'ng pangalan mo , Kuya?" tanong ni Sheena. Kung maka-"Kuya" itong si Sheena, magkapatid lang?:D

"I'm Todd." nakangiti siya.
So he is Todd. His name fits him. Ang masculine. Ang cute.

"Introduce yourself din, Darren!" si Alastair.

Nahihiya ako pero nagsalita ako. "I'm Darren."

"Ikinalulugod kong makilala ka, Darren." he smiled and offered his right hand for a handshake. I took it and we shook hands. Kinilig ako. I looked into his eyes and there's that certain emotion in them that I could also feel but I cant name.
1…3…6…11…18…25 minutes, hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. I want to hold his hand kaya hindi rin ako bumitaw.

The next moment, we were all laughing at tuksuhan ang nangibabaw sa loob ng jeep. Parang ito na ang magandang simula...


…………………………
[ Textmates :D ]

It had been 5 days mula nang una kaming magkakilala ni Todd. We exchanged numbers bago kami bumaba sa jeep ng mga kaibigan ko. Palagi kaming magka-text at kulitan kami nang kulitan.
I learned that he's a RN pero mas pinili niya ang magnegosyo instead of practicing the course he finished. Internet shop owner siya. With the help of his parents, lumago ang negosyo niya dahil pinautang siya ng kapital ng mga iyon. He is planning to make another branch very soon.

Sa text ...

Todd : wer r u ?
Ako : in skul, bakit?
Todd : sunduin na kita? :)
Ako : yoko. Haha
Todd : ngee? Ok sige.
Ako : joke lang oi. Nagpakipot nga lang aq . Haha
Todd : haha. Kala ko pa naman...
Ako : kala mo ano ?
Todd : kala ko, ayaw mo :p

I wasnt able to reply him because dumating na ang prof namin. Kung dati ay bored na bored ako sa pakikinig sa panot na prof naming ito, ngayon ay interesado na ako. Inspired lang . All because of Todd. I admit it's too fast to call this love, too soon to admit that this isnt infatuation anymore, all I know is... I want him to be mine.

Pagkatapos ng klase ay nagkita-kita kami ng barkada sa tambayan namin. Tawanan, alaskkahan, papak ng kung anu-ano, at tuksuhan. I texted the direction to Todd . While waiting, si Todd na naman ang topic nila. At dinamay pa ako.

Sheena : kamusta naman kayo ni Todd, Vakla?"
Ako : okay lang naman.
Sheena : di pa kayo ulit nagkita?
Ako : hindi pa, eh.
Reb : pero bet mo siya? :D
Ako : hindi, 'no!
Alas : sus, kung makatanggi! Eh, namumula na nga yang hasang mo sa kilig pag magka-text kayo, eh!
Kira : corrected by! :D

My cellphone beeped. Si Todd nag-text.

Todd : wer na u? Dito na me :)) hehe. Dito ako labas skul mo, Pare

Halos lumukso ang puso ko sa saya. Tinotoo talaga niya ang pagsundo sa akin?

And so we left the tambayan. Nasorpresa sila nang makita sa labas ng gate ng school si Todd. Hindi ko kasi sinabi sa kanila na pupunta si Todd.

Alas : hi, Toddy, my beybeh! Why are you here ? Are you going to sundo me? Hahaha
Todd : (smiles) nope. Im here to fetch Darren.
Ako: mukha ba akong aso para i-fetch?
Nagtawanan ang mga walanghiya.
Todd : tara , doon tayo!

Niyaya kami ni Todd na kumain sa isang fishball stand. Lumamon kaming lahat. Basta libre, go kami.

I saw Todd glancing at my lips. Itinuro niya ang gilid ng labi niya.
Todd : may ketchup sa labi mo.
Ako : ha?
And without a word, inalis ni Todd ang ketchup sa gilid ng lips ko using his finger. And to my surprise, he licked it!

Ako : yaaak!
Todd : bakit, madumi ba ang mga labi mo?:D

Di na ako nagsalita. Bakit ba ganoon siya sa akin? Lalaki siya, bi ako. Bakit niya ginagawa iyon? Bi din siguro siya. Sobrang discreet nga lang.

Nang matapos kaming kumain, nagpasalamat sina Reb, Kira, Sheena at Alastair kay Todd para sa libre. At isa-isa nang lumayas ang mga ito. Kami na lang ni Todd ang naiwan.
Naglakad-lakad lang kami. 6PM na no'ng time na 'yon at madilim na ang langit. Kaunti lang din ang mga taong pakalat-lakat sa daan. Di naman kasi talaga daanan ng mga tao ang medyo makipot na daang iyon.

Todd : kamusta love life mo, Pare?
Ako : parang load lang ng cellphone ko.
Todd : ha? Ano? Hehe
Ako: Zero balance, eh. 'Tagal na.
Todd : hehe.... Uhm... Saan na pala boyfriend mo?
Ako : wala naman talaga akong seryosong karelasyon noon pa man, eh. Puro fling-fling lang.
Todd : bakit hindi ka naghahanap?
Ako : may sinabi ba akong ganoon?
Todd : oo. One time, sinabi mo 'yon sa text.
Ako : joke lang 'yon, Pare.

Totoo talagang hindi ako naghahanap. Pero nang umeksena si Todd, nagbago ako ng desisyon. Haha.
Todd : so, may p-pag-asa ...?
Ako : ano'ng pag-asa?
Todd : ako...
Gumaragal ang boses ni Todd na tila ba nahihiya siya. Huminto kami sa paglalakad.
Ako : ano , Pare?
Todd : sa tingin mo, susunduin kita kung hindi kita gusto? You think na magpapadala ako ng mga sweet qoutes sa cellphone mo at magiging sweet sa'yo kahit sa text lang kung hindi ako interesado sa'yo?
Seryoso niyang sabi.
Kaylakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko naman akalaing magko-confess siya nang ganoon. Sa text, malambing, caring at concerned siya palagi. Iyong... parang kami pero idinadaan lang niya sa biro . Akala ko rin naman na nakikipagkaibigan lang siya sa akin dahil na rin sa kakulitan ng mga kaibigan ko noong magkatabi kami sa jeep. Who would have thought that the stranger I met in the jeep ay nanliligaw sa akin ngayon?

Ako : b-bkit naman ako, Pare? Alam mo namang bi ako , 'di ba? At tsaka hindi ako babae.
Todd : gusto kita at tinatanggap ko kung ano ka. Hindi matatawag na pagkakagusto itong nadarama ko sa iyo kung hindi ko yayakapin ang buong pagkatao mo. Bigyan mo naman ako ng chance. Malay mo, mag-work, 'di ba?
He held my hand and even he uttered those words so cool, I can still feel that he is nervous. Kakakilig lang. Haha. Kasi medyo namumula siya.
Ako : o-okay. Basta ililibre mo ako palagi,ah? Haha
I joked him. Nahihiya ako na kinikilig . Ang saya-saya ko because the feelings I have for him was recprocated.
Todd : oo naman :))
And for the first time, hinawakan niya ang kamay ko.

……………………
[ It's Officially Us, At Last! :D ]

Kinabukasan,ibinalita ko sa buong tropa ang status namin ni Todd. Masaya sila sa aming dalawa.

Alas : ang bilis naman! Ni hindi ka nagpakipot!
Pinigilan ko ang sarili na batukan si Alas. Haha
Ako : siyempre, guwapo, eh. Di dapat pinapalampas :D
Alas flipped his imaginary long hair. Guwapo din itong si Alas, eh. Wag na lang pasalitain. Haha
Alas : mas guwapo ako sa'yo oi

Lumipas ang mga araw at naging okay naman ang takbo ng relasyon namin ni Todd. Hatid-sundo, libre dito, libre doon. Kaya madalas sumama sa'kin 'tong mga ito,eh, para maaumbunan ng libre ni Todd :D

Nagsimula na rin kaming maging busy. Magkaklase kaming magbabarkada at iisa lang ang couse namin. Since graduating students na kami, ang daming kailangang tapusing reports, ipasang projects at dumagdag pa ang thesis para pumasa kaming lahat at maka-graduate. Kaya para mas mahaba ang time namin to make our projects, we decided to rent a house. Maliit na bungalow lang naman na kasya kaming lima. Okay lang naman iyon sa pamilya namin and they understand naman.

Sheena : ayoko na! Bangag na bangag na ako, mga ateng!
Ako : me too! Huminto na lang kaya tayo sa pag-aaral?
Kira : sige :D
Reb : tumigil nga kayo! Kaunting tiis na lang naman at makakatapos na tayo. Tiis-tiis din pag may time :)
Kakauwi lang namin sa bahay naming lima galing school at kasama namin si Todd. Gabi na nang makauwi kami. Si Reb ang nakatokang magluto ng dinner sa gabing iyon at kaming lahat na natira sa sala ay nakaupo sa magkaharap na mga sofa.

Nakasandig si Todd sa sofa at nakapulupot ang kaliwang braso niya sa balikat ko.

Kira : alam n'yo, nakakawala kayo ng pagod.
Sabi ni Kira sa'min ni Todd.
Todd : bakit naman?
Kira : basta, ewan ko. Kahit di naman kayo mga artista sa teleserye, kinikilig ako sa inyo :)
Ako : how touching :')
Sheena : ikaw, Todd, 'wag na 'wag mong paiiyakin 'yang bestfriend namin, ah?
Todd : oo naman:)
Im so touched. Minsan lang mag-senti mode 'tong mga Prenly Prens ko,eh.
Sheena : ang pangit kasi ng mukha niya pag umiiyak! :P
Ako : 'Langya ka, Shee!
Binato ko sila ng throw pillows habang nagtatawanan sila. We ate dinner with kulitan.
We decided to buy some liquors para mag-inuman. Sunday bukas at walang pasok kaya okay lang kahit malasing kami. Blow out na rin to ourselves dahil sobrang stress ang pinagdadaanan namin this past few days dahil sa school.


All set na kami. Puno ng sitsirya at inumin ang mesa sa sala. Magkatabi kami ni Todd sa single-seeter sofa. Ang sikip ng upuan kaya bahagyang nakakandong na ako sa kanya. Ang laking tao naman kasi niya.
Nagsimula ang inuman. Tawanan, tuksuhan at ang pagngalngal nina Kira at Alastair ang namutawi . Nagrereklamo ang mga ito kung bakit wala pa daw silang lovelife habang siya ay meronna daw.
Bandang 11PM ay bangag na kaming lahat. Lasing na ako. Si Todd namumugay na ang mga mata at gusto nang matulog. Nakasubsob na ang mukha niya sa leeg ko na nagpakiliti sa akin.

Reb : dar, akyat na kami, ha?
Paalam ni Reb sa amin habang kinakaladkad si Sheena papuntang kuwarto ng mga ito. Tw rooms lang ang bahay. Ang isa ay kina Reb at Sheena, ang isa ay sa amin nina Alas ,at Kira.
Sina Kira at Alastair ay nakatulog na sa sofa. Nakanganga pa ang dalawa.
Inakay ako ni Todd papasok sa isa pang kuwarto. Ibinagsak ko na ang katawan ko sa kama dahil inaantok na ako. Si Todd, natatawang hinila ang paa ko.
Todd : Rawr!
Ako : tumahimik ka, Thaddeus Ricafort!
Lumungkot ang ekspresiyo ng mukha ni Todd. Gusto lang naman niyang makipaglaro pero sinupladuhan ko pa.
He exhailed and laid himself to the bed beside mine. May distansiyang nakapagitan sa amin. Nakatalikod pa siya sa akin.
Naawa ako sa kanya. I hugged him from the back and said,
Ako : sorry, Pare.
Paglalambing ko. I drew imaginary letters and weird shapes on his back to tickle him. But he didnt turn to face me. NaGtutulog-tulugan si Todd. Nagtatampo yata.
Ako : sorry na bah...
Todd : ( no reply )
Deperado na akong kausapin niya ako. Kaya naman hinawakan ko ang panga niya at puwersahang ibinaling ang mukha niya sa akin. Nakapikit siya. Sinamantala ko iyon at hinalikan siya sa mga labi...
Maya-maya ay gumanti siya ng halik at nginisihan na ako.

Todd : Rawr! ;D
Ako : meow. Haha
Todd : I love you, Pare :)
Ako : mahal mo na ako?
Todd : oo naman. Noon, gusto lang kita , pero habang tumatagal, unti-unti na kitang minahal hindi dahil sa tinanggap mo nang buo pagkatao ko, kundi dahil minahal mo rin ako bilang ako.

Napaluha ako sa labis na kasiyahan . Sa wakas ay minahal din ako ng lalaking mahal ko. Or perhaps ,even more so.

Ako : lasing ka lang yata, eh :D
Kumubabaw siya sa akin at hinalikan ako sa noo, kilay, mga pisngi, ilong at sa labi.
Todd : bahagi ka na ng buhay ko mula nang pinili kong maging tayo. Mahal na maha kita at commited akong gumawa ng mga bagay na makakapagpasaya sa 'yo at hinding-hindi ako gagawa ng kahit na anong makakapagdulot ng sakit sa 'yo.

Tumulo na ang luha ko. Pinunasan niya iyon gamit ang mga labi niya.

Ako : I love you, too, Pare..

………………

Itutuloy...

5 comments:

  1. Namiss ko nmn tuloy college life ko!,kung maiba2lik ko lng un ga2win ko @ndie ko pla2mpasin ung taong mahal ko!,nkarelate po ako!,nxt chapter n po

    ReplyDelete
  2. Medyo natagalan ata yung holding hands natin sa jeep hehe anyways, ok naman.

    ReplyDelete
  3. Natawa ako dun sa rawr at meow ah haha.

    ReplyDelete

Read More Like This