Pages

Thursday, October 17, 2013

Eng21 (Part 38)

By: Cedie

XXXIX. Pagtatraydor

Makalipas ang ilang araw ay nagulat ako na hindi na nagtetext ng madalas sakin si Van. Nagtataka na din ako nang bigla na lamang parang nakalimutan na niya ako. Sinubukan ko siyang itext at kontakin at nakausap ko naman siya. Sinabi niya sa akin na wala naman daw problema, wala lang daw siyang time para magtext dahil madaming ginagawa. Ngunit hindi ako naniwala, sinabi ko na magkita kame sa darating na Biyernes para magusap at pumayag naman siya. Sinabi niya na kailangan na daw naming tapusin ang lahat. Isasauli na daw niya lahat ng mga gamit na ibinigay ko sa kanya sa araw na iyon at nagulat na lamang ako sa mga biglaang desisyon niyang iyon. Hindi ko na muna ito pinansin at inintay ko na lamang ang araw ng biyernes para kami makapagusap.

Dumating ang araw ng biyernes at nagkatext kami, ayaw niyang makipagkita sa akin at sinasabi na kung pwede bang wag na lamang kaming magkita, hindi ako pumayag kaya't inintay ko siya sa mismong eskwelahan niya para kausapin. Nagmukha akong tanga sa pagaantay ng higit sa dalawang oras hanggang makarating siya. Paglabas nya ay kasama niya ang mga kaklase niya at nagpanggap ako na hindi ko siya kilala at sinundan ko silang magkakaibigan. Nang magkahiwahiwalay sila ay inantay ko siyang magtext at ayun na nga, nagusap kami at isinosoli na niya lahat ng gamit, halos umiyak na ko nun dahil ilang oras ko siyang inantay para pagusapan ang lahat ngunit para sa kanya ay tila balewala na lamang ang lahat. Sinabi niya sa akin, "sino bang nagsabi na magantay ka ng ganun katagal ha? Wag kang gumawa ng eksena dito pwede?" Ibang iba ang kaharap kong Van nung gabing iyon. Ngunit kahit papaano ay napapayag ko pa din naman siyang sumama sa akin.
Nagpunta kami sa madalas naming pinupuntahan, sinasabi niya na uuwi din daw agad siya ng alas 10 dahil ihahatid niya ang kaklaseng babae niya pauwe, napakadami niyang dahilan nun, sinasabi pa niya na alam ng kanyang kuya ang gagawin niya ngayon. Nagulat na lamang ako sa mga dahilan niya kaya minabuti kong harapin siya sa mga oras na iyon.

Pagkapasok namin sa pension house na iyon ay nagusap kaagad kami. Itinanong ko kung bakit niya ginagawa iyon, sinabi niya ng diretsahan sa akin, "Gusto na kitang kalimutan, wala na kong nararamdaman sayo at hindi na kita mahal." Umiiyak na ko habang pinakikinggan ang mga masasakit na salita na nanggaling sa kanya. Niyayakap ko siya ngunit napakalamig na ng turing niya sa akin, halos wala na kong pagasa nuon kaya tinanong ko siya, "May nakilala ka na bang iba?". Ang pinakamasakit na sagot na manggagaling sa kanya ang narinig ko mula mismo sa kanyang bibig. "Oo, at ibang iba siya sayo at mahal ko siya." Halos mabaliw na ko sa narinig kong iyon. "Bakit? Bakit mo ginawa sa akin to? Anong masama ang ginawa ko para lokohin mo ko ng ganito Van? Sumagot ka!" Itinutulak ko siya nang mga sandaling iyon at hindi na siya umimik. Akmang kukuhanin na niya ang kanyang mga gamit at nagwikang, "Tama na to, wala nang patutunguhan to, aalis na ko." "HINDI KA AALIS!", pasigaw kong sinabi, hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang mga braso at sumagot naman siya, "bitiwan mo ko nasasaktan na ko tangina Ced!", "Gago ka, ipinagpalit mo ko sa iba sa kabila ng lahat!" sumbat ko naman sa kanya. Itinulak ko siya sa kama at parang nandilim ako at sinakal ko siya, "PAPATAYIN KITA! WALA KANG KWENTA!", tumutulo ang mga luha ko at natigilan ako ng makita kong nagmamakaawa siya na tigilan ko na ang ginagawa ko. Lumakas ang iyak niya at bigla akong tumayo sa aking pagkakapatong sa kanya, tumayo siya at umupo sa sulok habang umiiyak ng malakas. "Pauwiin mo na ko, natatakot na ko sayo, please, pakawalan mo na ko", pagmamakaawa ni Van. "Sorry! Hindi ko sinasadya, please wag kang matakot sakin", papalapit na ko sa kanya pero nanginginig siya sa takot nang hawakan ko siya. Pinakalma ko ang sarili ko habang pinakikinggan ang mga sinasabi niya, "Kung mahal mo ko, pakawalan mo na ko kuya, maawa ka sakin, kakalimutan ko lahat ng nangyari paalisin mo lang ako." Mga ilang pagpapalitan ng salita din ang nangyari sa amin hanggang sa mapakalma siya at makumbinsi ko na bukas na lamang umuwe para makapagpahinga na din siya. Nang naging ok na uli ang sitwasyon ay kinausap ko siya. "Kelan mo nakilala yung lalaki? Anong itsura? Paano kayo nagkita?" Sumagot naman siya, "Sa text lang, nagkita kame after ng ilang araw nitong week lang na ito, siya yung dreamguy ko. Ibang iba siya, nang makita ko pa lang siya ay may naramdaman na agad ako, at ngayon alam kong mahal ko na siya." Sumagot naman ako, "may nangyari sa inyo?" "Oo meron, at di ko pinagsisihan ang mga nangyaring iyon." Nakangiti ako na naluluha habang sumagot, "Ang swerte naman niya, wala na pala talaga tayong pag asang magkabalikan talaga." Nagpatuloy ang paguusap namen at mga ilang sandali ay nagpunta siya ng CR para maghilamos at ayusin ang sarili niya.

Pagkapasok ng CR ni Van ay nakita ko ang kanyang cellphone na nakalapag sa lamesa. Kinuha ko iyon at sinubukang tignan, hindi pa din niya binabago ang password nito kaya nabuksan ko naman agad. Pagtingin ko sa inbox niya ay puro text lamang ng kanyang kapatid ang nandun dahil puro Kuya RJ lang ang pangalan. Ngunit nagtaka ako dahil nang basahin ko ang isang text ay sinabi ng "Kuya RJ" niya na sasamahan daw siya na makipagkita sa akin dahil baka kung ano daw ang mangyari. Nagulat ako, hindi naman alam ng kanyang kapatid ang tungkol sa amin kaya nagtaka ako bakit sasamahan pa niya si Van makipagkita sa akin. Nang sinimulan kong tignan ang phone number ng "Kuya RJ" niya ay parang pamilyar sa akin ito. Kinopya ko ang number na ito at inilagay sa cellphone ko para i-dial. Para kong sinaksak sa puso nang magregister ito sa cellphone sa isang pangalan sa contacts ko, ang "Kuya RJ" sa cellphone ni Van... Si Aaron, ang buddy ko..

6 comments:

  1. .,ouch.,aruy ko po.,na experience ko n yan.,hlos isang bwan akong nakatulala.,at mainit ang ulo.,

    ReplyDelete
  2. talgang masakit pare. Sana I post mo tuloy ang kasunod kc dih KO alm mg react kc may kasunod pa. may iniwan din ako kc ms may it sura sya sa Una KO. PEO syo napakbait mo, un iniwan KO medyo linta. kung mgkalapit lang lugar natin gusto tlaga kitang mkita khit kaibgan lang, gusto kitang damayAn hit sa anung paraan. Sana masaya kna ngayon.
    Russell ng Zamboanga city...

    ReplyDelete
  3. Uminit ulo ko dun..sh~t. parang my flashback ako...hntay namin next post mo po.

    ReplyDelete
  4. next post na agad! . .para magkaalaman na! . .

    ReplyDelete
  5. kakabitin kainis...dapat post agad ang continuation although kahit nkarelate ako ng sobra eh okey na din yan pare wag na ntin isiksik sarili ntin...they dont deserve our true love pare...hehehe...post mo na agad karugtong pare para ayos...eman of tguig here...

    ReplyDelete
  6. You know that i've been an avid fan of this real-life story.. again you never failed to make me feel sad.. CED i reaLLy wish for your happiness. Hope to hear this whole story from you.


    ---IamSINNED®

    ReplyDelete

Read More Like This