Pages

Saturday, October 26, 2013

The Forbidden Love (Part 1)

By: Anonymous

Hi guys! Matagal na akong nagbabasa ng mga stories dito at super enjoy ako, may mga inaabangan din akong mga story. So sa ngayon ako na naman ang magkkwento pero 1st story ko ito at lahat ng tao, lugar at pangyayari ay PAWANG KATHANG ISIP LAMANG kung meron man na katulad ang mga tagpo dito sa totoong buhay coincidence lamang po iyon. sana magustuhan nyo ang aking 1st story

BOOM! isang malakas na pagsabog ang sumalubong sa motorcade ni Don Pedro Monteverde magsusumite kasi sya ng kanyang kandidatura bilang gobernador ng Sta. Lucia kasama nya sa kanyang motorcade ang kanyang anak na si Romeo at kanyang asawa na si Dianne, at ang unang apo ni Don Pedro si Gilbert, 6 na taong gulang pa lang sya.
(Balik sa tagpo)
Magkabilang putukan ang kanilang narinig, agad na dumapa sa loob ng sasakyan ang mag-anak at agad naman silang pinrotektahan ng mga gwardya ni Don Pedro. Iyak ng iyak ang mag-ina samantalang niyayakap sila ni Romeo na natatakot sa mga pangyayari para sa kanyang mag-ina. Ilang sa mga gwardya ni Don Pedro ang tinamaan na, nabasag na rin ang ilang mga salamin ng sasakyan dahil sa bala ng baril. Takot na takot ang mag-ina sa mga pangyayari. Makalipas ang ilang minuto natapos ang putukan, agad silang kinamusta ng mga gwardya ni Don Pedro.

guard1: sir! sir! ayos lang ho ba kayo? hindi din po ba kayo natamaan
nakatingin lamang sya sa gwardya habang hawak ang kanang braso na nadaplisan ng bala
Don Pedro: nadaplisan lang ako, ung apo ako? kamusta ang apo ko, Romeo! kamusta si Dianne at Gilbert? Hayup na mga Mondragon yan, sila ang may kagagawan nito! hinding hindi ko to mapapalampas.
Romeo: dianne, ok ka lang ba?
Dianne: ok lang ako inaalala ko lang si Gilbert baka matrauma sya sa mga pangyayari. ang dad mukang may tama sya.
Romeo:dad ok ka lang may tama ka?
DP: ok lang ako, daplis lang to ang mag-ina mo?
Romeo: ok lang sila dad, si Gilbert lang ang inaaalala ko baka natrauma sya sa mga nangyari

Agad din silang umalis sa lugar kung saan sila tinambangan ng armadong grupo, habang nasa byahe sila papuntang ospital walang tigil sa pagiyak si Gilbert pilit naman syang pinapakalma ng kanyang ina na halata namang natatakot pa rin sa mga pangyayari samantalang si Romeo naman ay nakayakap sa kanyang mag-ina at si Don Pedro ay wala namang magawa kundi ang lagyan ng pressure ang nakabenda nyang kanang braso na nadaplisan ng bala.
Matapos na gamutin ng mga doktor braso ni Don Pedro, agad silang dumiretso sa COMELEC at nagfile ng kandidatura bilang Gobernador ng Sta. Lucia si Don Pedro, kahit na matapos ang mga pangyayari ay hindi pa rin sya nagpapigil. Kitang kita sa kanilang mga mata ang kaba dulot ng pang-aambush sa kanilang motorcade. kahit ang mga taong nakakita sa kanila ay natakot din sa kanilang nabalitaan. Agad din sila tumungo sa pulisya upang ireport ang mga pangyayari humiling din sila na kung maaari ay bigyan sila ng escort pabalik sa kanilang mansyon. sa totoo lang alam ni Don Pedro kung sino ang may pakana ng ambush ngunit kailangan nya muna ng matibay na ibedensya bago sya magsampa ng kaso.

2 araw bago maganap ang ambush, sa hacienda ni Governor Jose Luis Mondragon.
Gov. Jose: ano? magffile ng candidacy si Pedro? kakalabanin nya ako ngayong darating na halalan? ang kapal naman ng mukha nya! matapos ang lahat lahat ng ginawa ni papa sa kanyang pamilya at ito ngayon ang gagawin nya sa akin, sige tignan lang natin kung makakarating sya ng Comelec.
Ricky: papa, ano na namang nasa isip mo? wag ka na naman sana pumatay ng tao
Claire: papa wala naman ginawang masama sila Don Pedro sa atin sana hayaan mo na lang sya wag mo na silang saktan
Gov.J.L.: at parang kinampihan nyo pa ang mga Monteverde? wag kayong magalala. huh. tuturuan ko lang sila ng konting leksyon. (sabay buga ng usok na nanggaling sa tabako na hawak nya at inom ng whisky VSOP aged 20yrs)

narinig lahat ni Kevin ang kanilang pinagusapan, agad syang tumungo sa kanyang kwarto dahil alam nya na mali ang makinig sa usapan ng mga matatanda at kapag mahuli sya ay baka mapalo sya ng kanyang lolo. si kevin ay apo ni Gov. Jose Luis Mondragon, unang anak ni Ricky at Claire, anim na taong gulang din tulad ni Gilbert.

sa mansyon ng mga Monteverde. nakatulog na si Gilbert dahil na rin sa pagod agad tumungo ang ang magasawa sa kwarto ni Don Pedro upang kamustahin sya.

DP: hayaan na lang natin ang mga pangyayari, ang eleksyon na lang ang ating isipin dahil alam naman nating lahat na wala tayong mapapala kahit kasuhan natin si Luis.
Romeo: ganon na lang un dad? kita mo naman kung anong nangyari kanina hahayaan mo na lang?
Dianne: Romeo,(hawak sa kaliwang braso ni romeo habang pinapakalma sya) respituhin na lang natin ang desisyon ni dad. kahit ako naman gusto ko rin na may maparusahan ngunit tama si dad wala naman tayong mapapala.
DP: pagpasensyahan mo na anak. gaganti na lang tayo sa eleksyon.
umalis si Romeo na sobrang galit namumula ang kanyang mukha dahil kahit sya alam nya na wala naman silang magagawa.

fast forward campaign period.

magkabilaan nagkalat ang mga posters, tarp at kung ano2 pang mga campaign paraphernalia ng 2 partido sa probinsya ng Sta. Lucia, parehong magaling mangakit ng mga botante ang magkalaban, pareho din silang may mailalabang makinarya sa eleksyon kahit na sino sa mga tao ay walang makapagsabi kung sino ang mananalo. may 10 ang araw ng paghahatol.

tuwang tuwa ang magkabilang partido dahil kampante sila na sila ang mananalo. pero sa totoo lang dahil na rin sa haba ng panahon na hawak ni Gov. J.L ang Sta. Lucia at kakaunti lamang ang pagbabagong naganap sa kanilang probinsya ay naging alanganin ang huling sandali ng kanyang kampanya mukhang dumarami na pumapabor kay Don Pedro. may 8. 2 days before election day

sa hacienda ni Gov. J.L habang pinupulong ang kanyang mga leader sa ibat ibang munisipyo ng Sta. Lucia

Gov. J.L: alam ko na ang iba sa inyo ay bumaligtad na! lumipat na kayo ng suporta don sa tarantadong hampas lupa na yon! siguraduhin nyo lang na hindi ko kayo mahuhuli dahil alam nyo naman kung ano ang mangyayari sa inyo at sa pamilya nyo! nagkakaintindihan ba tayo?

Leader1: Governor, 100% sa inyo ang aming suporta, hinding hindi kami titiwalag sa inyo. umasa kayo at hindi namin kayo pababayaan sa aming mga nasasakupan. hindi ba mga kasama

sumangayon ang iba pang mga leader, kahit na ang iilan sa kanila ay kaplastikan na lang ang ginawa.

alam ni Gov. J.L na maaari syang matalo kaya ginawa nya na lahat ng paraan upang hindi sya matalo sa darating na halalan
may 10. nagsara na ang mga presinto at oras na upang bilangin ang mga boto. sa loob ng 10oras habang binibilang ang mga boto ay biglang nawawalan ng kuryente sa ibat ibang presinto ngunit patuloy pa rin sa pagbilang. magkakagulo, may magiingay at gagawa ng eksena. at katakot takot na dagdag bawas ang nangyari. natapos ang bilangan at muling nanalo si Gov. J.L.

Gov. J.L: maraming salamat sa inyong suporta, masasabi ko na malinis na halalan ang naganap maraming salamt sa patuloy nyong pagtitiwala sa aking partido.

samantala sa mansyon ng mga Monteverde.
DP: i cant believe this. nanalo ako sa iisang munisipyo na may pinaka kunting popolasyon pa at kahit dito mismo sa sarili nating baranggay natalo ako? mukhang naperpekto na ni Luis ang pandaraya (ngiting aso)
Romeo: dad, alam na rin natin kung anong nangyari, maraming reports ang nakarating sa atin na may dagdag bawas na nangyari,
Dianne: gusto nyo po ba na magfile tayo ng electoral protest.
DP: wag na, ako na ang bahala, magpahinga na lamang kayo, bababa na muna ako sa upang pasalamatan ang mga volunteers natin na tumulong noong kampanya.

natalo si Don Pedro pero hindi pa rin sya nagpapigil nung sumunod na eleksyon, last term na rin ni Gov J.L kaya naman nanalo na sya bilang Gobernador ng Sta. Lucia at si Jose Luis naman ay nanalong congressman ng 1st district ng Sta Lucia.

8yrs later.

3rd year highschool student na sila Gilbert at Kevin nagaaral sila sa isang private highschool sa Sta. Lucia. magkaklase sila since 1st year pero dahil nga sa political rivalry ng kanilang pamilya ay nadamay din sila. active sa sports si Gilbert 5'8, cute brown eyes, killer smile, perfect white teeth and of course kissable red lips. moreno si Gilbert at lean pero maganda ang hubog ng katawan dala na rin ng active sya sa sports at meron syang maipagmamayabang na 6pack abs, halos lahat ng sports ay sinalihan na nya dahil ito talaga ang hilig nya. si Kevin naman 5'8 din me pagka singkit. maputi na emphasize talaga ang red lips ni kevin dahit sa puti nya. matangos ang ilong sa unang tingin medyo bad boy look pero sa katagalan nerd na ang labas. lagi syang may suot na salamin dahil sa academe active si Kevin. maganda rin ang hubog ng katawan nya dahil kahit papano ay swimming ang workout nya. chess player naman si kevin since elementary at nakapagcompete na rin sya sa labas ng bansa ngunti di sya pinalad na manalo. parehong crush ng bayan ang 2. dahil na rin sa ganda ng lahi ng kanilang pamilya. saktong magkakilala lang si kevin at gilbert ngunit magbabago ang lahat ng iyon ngayong 3rd year high school na sila sa St. John the Baptist Academy Sta. Lucia Campus

sorry sa very long story ng 1st chapter medyo nagenjoy ako kakasegway. babawi na lang po ako next chapter sana po nagustuhan nyo uhm paalala ko lang po uli KATHANG ISIP LAMANG PO ITO. anumang pangyayari dito na naganap sa tunay na buhay ay coincidence lamang at walang koneksyon sa anumang tagpo dito. salamat

itutuloy............

6 comments:

  1. Update na please? Nahook po ako e swear and btw its "segue" not segway hehe sorry

    ReplyDelete
  2. Update, now na! :D <3

    ReplyDelete
  3. update na po...
    excited... ^_^

    ReplyDelete
  4. Mala Romeo and Juliet ah! Kaabang abang! Update na po please!!

    ReplyDelete
  5. sorry po nakalimutan ko magpakilala. next chapter na ako magpapakilala at pagiisipan kong mabuti ang next story. hindi ko po talaga ini-expect na may positive feedback akong makukuha maraming salamat po. abangan ang chapter 2 under the reggae moon.

    -author

    ReplyDelete

Read More Like This