Pages

Wednesday, October 30, 2013

I Had A Bestfriend (Part 3)

By: Ben

Nagising na lang ako kinaumagahan sa pagkatok ni Mom.
Mom: Bat wala yung kumot mo dito?
Ako: Dinonate ko po sa school theatre namin. Sorry Mom. (I lied and that sorry is for my lying)
Mom: Okay.
Gumala ang mata ko sa kwarto ko ng makita ko yung tatlong stuffed toys na pula. Yung unang regalo sa akin ni Joshua eh nung first year kami.

*Flashback lol*
Nasa mall kami nun nung makita ko yung stuffed toy na yun na sobrang haba ng buhok. Parang shih tzu something. Well nacute an lang ako so I stared at it and poked it a few times. Wala akong pera pambili nun since kakalibre ko lang kay Joshua nun ng dinner.

Joshua: Uy para kang timang kakapindot sa kawawang aso.
Ako: Ang cute nya kaya. Sarap pang hawakan nung balbon. Tapos, tapos red pa. Uwaaa.
Joshua: Huy ano ba? Lalaki ka ba? Para kang batang babae jan.
Ako: Bibilhin ko talaga to. Birthday gift ko to sa sarili ko.
Joshua: Oo na tara na.

Noong araw na ng birthday ko eh may pasok eh whole day pa naman kami lagi kaya ginabi na ako sa pagpunta doon.
Ako: Kuya nasaan na po yung pula na aso na mabalbon?
Kuya: Ay last stock na po namin yun sir. Kakabili lang. Sayang di nyo naabutan. Sakin din sya nagtanong eh.
Ako: Ay sayang. Sige po thank you.

Pagdating ko sa bahay ay andon na yung iba kong kaklase, kasama si Joshua syempre. Habang kumakain at nagkakantahan eh hindi ko maiwasang malungkot. Ang cute kaya nun, nanghihinayang lang ako. Dahil siguro sa mood ko eh maagang natapos ang party.
Nahuli si Joshua para tulungan akong maglinis. Pagtapos naming maglinis eh kinausap niya ako.
Joshua: Ang lungkot mo ata ngayon? Birthday na birthday eh.
Ako: Yung stuffed toy na pulang aso, natatandaan mo ba yun? Basta yun, bibilhin ko na sana kanina kaya lang may nauna na daw, tapos last stock na daw. Nakakainis.
Joshua: Eh hindi mo pa naman nakikita yung regalo ko. Malay mo mas cute.
Ako: Eh. Buti sana kung red yan tsaka aso tsaka mabalbon.
Joshua: Ayaw mo ata eh. Akin na lang.
Ako: Tingin nga nyan. Regalo mo yan kaya walang bawian.
Binigay nya sa akin yung paper bag at nung buksan ko eh napasigaw na lang ako.
Ako: Gago ka. Ikaw pala yung bumili neto.
Joshua: Hahahaha nakita kaya kita, buti di mo ako pinansin.
Ako:Nagmamadali ako eh. Gago ka talaga. Gago.
Joshua: Gago ipangalan mo jan ah.
Ako: Ayaw ko nga. Twinkle papangalan ko sa kanya. Ang bading ng pangalan ah..
Joshua: Bading ka naman eh ayos lang yan.
Ako: Nagsalita ang lalaking lalaki. Hahahaha

*Flashback end*

Sa pangalawang stuffed toy naman ako napatingin.

*Flashback ulit*
Ako: Malapit na pala birthday ko. Punta ka ah.
Joshua: Basta may pagkain game ako jan.
Ako: Mukha kang talagang pagkain. Pinapakain ka ba sa inyo?
Joshua: Kaya nga tayo mag kaibigan kasi mukha ka ring pagkain eh. Hahahaha.
Ako: Ulul. Kakakain mo nyan eh puputok ka.
Joshua: Mukha ba akong stuffed toy na pumuputok pag nasobrahan ng laman?
Ako: Naalala ko tuloy yung lifesize na stuffed toy sa Blue Magic. Kaya lang di sya red kaya wag na lang.
Joshua: Mukha tong red eh. O eto ketchup, color red.

Pagdating ng birthday ko eh nahuling dumating si Joshua.
Ako: Nako kanina pa sila dumating. Bat ngayon ka lang?
Joshua: Nagbihis pa ako sa bahay eh. Tas natraffic.
Ako: O eto kumain ka na. Regalo ko pala? (lakas makaexpect eh)
Joshua: Wala akong regalo sayo eh. Sorry.
Ako: Okay lang yan. Hahaha kain ka lang. Mabulunan ka sana.
Joshua: Gago wala lang akong regalo sayo ganyan ka na.

Maya maya ay umuwi na yung isa kong kaibigan, syempre hinatid ko muna sa gate. Papasok na ulit ako ng makita ko na may malaking paper bag na nakatago sa gilid ng halaman ni Mom. Syempre tinawag ko si Mom kung kanya ba yun. Sabi naman nya hindi. Tinignan ko yung loob pero di ko maaninag kasi di masyadong naaabot ng ilaw yung banda doon kaya pinasok namin ito ni Mom. Nakita kong nagulat si Joshua, kaya pakiramdam ko sa kanya galing to.
Bago ko pa silipin eh nag paalam na yung mga kaibigan ko na uuwi na daw sila. Kaya hinatid ko na muna sila sa gate bago bumalik sa loob. Si Joshua nalang nanaman ang naiwan at naglilinis ng kalat. Napansin ko naman na hindi siya umiimik at hindi makatingin ng diretso sa akin. Binuksan ko na yung paper bag at napasigaw nalang ako sa saya.
Mom: Napaano ka jan Ben? Anong laman nyan?
Ako: Mom tignan mo ang cute syet.
Mom: You said a bad word. Nako. Ganyan ba kita pinalaki? Di porket wala ako lagi dito eh ganyan ka na.
Ako: Sorry Mom but look at this cuteness. Thank you very much Joshua.
Tumakbo ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit habang nakatalikod sya sa akin kasi may hawak hawak syang mga baso.
Joshua: Thanks saan? Inaano kita?
Ako: You're really bad at lying alam mo ba yun?
Joshua: Sorry ah mabait kasi ako eh. Tsaka pakitanggal na po ng yakap. Maghuhugas pa ako.
Ako: Si Mom na maghuhugas ano ka ba? Bisita ka dito.
Mom: Oo nga. And stop that bromance. It’s making me want to adopt Joshua.

Kumalas na ako ng yakap sa kanya pero kinukulit ko pa rin sya kasi ayaw nyang umamin na sya yung nagbigay nung lifesize na red na teddy bear.
Joshua: Anong papangalan mo sa kanya?
Ako: Uhmm... Apron. Kasi naka apron ka pa tapos red yung apron mo. Kaya isuot natin yan sa kanya para bagay yung pangalan nya sa kanya.
Joshua: Ang weird mo talaga. Nako I smell something fishy ah.
Ako: Uy di ako bakla ah. Weakness ko lang talaga ang stuffed toy.
Joshua: Wala pa nga akong sinasabi eh. Defensive lang?
Ako: But seriously thanks. How could you manage to buy a red teddy bear tapos lifesize pa?
Joshua: Pinagawa malamang. Utak minsan kasi ginagamit yan. Nako di ka uunlad nyan.
Ako: Eh kasi, it is very unusual na magproduce ng red stuff toys. Tas lifesize pa kaya. Ikaw na mayaman.
Joshua: Nakakatipid lang talaga ako kakalibre mo. Hahahaha.

*Flash back end*

Kaya yun. Sila ang bumubuo sa centerpiece ng kwarto ko. Andun lang sila sa nakasandal sa taas ng TV ko. Nakaharap sa kama ko. Baka nga sila pa yung nakapanood ng live action namin ni Joshua eh. Just remembering that night gives me an erection. Uh oh. I won't wank in front of my stuffies. Especially my third and newest stuffie. I named him Taro for some unknown reason.


Monday came and as expected kinausap ako ni Mary.
Mary: Well introduce-me-to-your-family didn't go too well.
Ako: Sorry about that. Ikaw lang kasi ang unang girlfriend ko so hindi pa sila sanay.
Mary: Mas welcome pa si Joshua kesa sakin.
Ako: Mas matagal na nilang kilala yung tao. You can't blame them.
Mary: I have my reasons. I really can't see their efforts na pakisamahan ako, kahit as their son's girlfriend.
Ako: Well, it was not me who told you to volunteer cooking.
Mary: So was it my fault that I just care about you?
Ako: Well you said you could cook.
Mary: But I didn't say I could cook well.
Ako: Okay fine. You won. But still... oh nevermind.
Mary: What is it?
Ako: Oh you wouldn't wanna hear.
Mary: Say it or I will break up with you this moment.
Ako: You know once I say it, I mean it.
Mary: I mean it too.
Ako: If you break up with me, then you are not really serious about this relationship, are you?
Mary: Who said about being serious?
Ako: We. Are. Done.
Mary: I'm just kidding. Im just threatening you.
Ako: Shut up. I'm not kidding.
Mary: Ben. Come back.


I was about to enter the classroom ng marinig ko yung kaklase ni Joshua na naguusap.
Girl1: Narinig ko si Mary at Ben na nag aaway sa taas. Dahil nanaman kay Joshua.
Girl2: Oh? Bakit daw?
Girl1: Basta narinig ko lang na mas welcome pa daw si Joshua kesa kay Mary.
Girl2: Nako girl, may something talaga yan sila ni Ben eh.
Ako: Ehem. Sinong may something sakin?
Girl1: Uy Ben. Hanap mo si Joshua? Nasa canteen sya eh.
Ako: Thanks. By the way. Walang kami ni Joshua. Remember that, bitch.
Ewan ko ba kung bakit ko nasabi yun pero wala na. Nagregister na sa utak nya na tinawag ko syang bitch. Matakot ka na lang na tawagin ka nun ng pinaka maangas na lalaki sa batch nyo (Na ang kahinaan ay stuffed toys)

Nakita ko si Joshua sa canteen namin.
Ako: Tara dun tayo sa garden.
Joshua: Teka bibili pa ako ng sandwich kay Ate.
Ako: Ano ba yan? May isang plastic ka na nga chichirya jan oh. Tapos mag sasandwich ka pa. Ano ba yang tyan mo? Infinite.
Joshua: Medyo masakit ah. Mauna ka na dun. Sunod na lang ako.
Nauna na nga ako sa garden. Habang nandoon eh napag isip isip ko yung mga nangyari kanina. Nag break na kami ni Mary. Ng dahil sa mababaw na away. Dahil nagselos si Mary kay Joshua. Hay nako Joshua.
Joshua: Oh anong pag uusapan?
Ako: Ngumuya ka nga muna. Dugyot tignan eh.
Joshua: Arte mo. Ano nga?
Ako: Nag away kami ni Mary.
Joshua: Anong problema?
Ako: Ikaw.
Joshua: Wag mo nga akong niloloko.
Ako: Mukha ba akong nagloloko.
Joshua: Oo. Tanong ko kasi ano hindi sino. Joke. Alam ko namang lagi mo akong pinoproblema. Kung paano mo ako ililibre ng lunch mamaya. Hahaha.
Magsasalita pa sana ako ng mag ring ang bell.
Joshua: Sige mauna na ako, baka maunahan pa ako ni Ma'am sa room. Mamaya na yang problema mo. Ngiti na ah.
He drew a smile in the air while walking towards the stairs. Tumango na lang ako. Di ko na lang sasabihin sa kanya ang nangyari. Ayokong magworry pa sya.


February. Napadaan ako sa CAT room ng marinig kong nag uusap ang mga officers.
S1: Nako si Villavicencio (Joshua) Corps Com natin.
CorpsCom (nabosesan ko): Di pwede, pinipilit syang tumakbo ng faculty para sa Supreme Student Government.
Officer1: Ay oo nga VP pala sya no. Edi wala na sya sa CorpsStaff nyan?
Officer2: Ex-O na lang natin sya.
Ex-O: Ay oo, gusto ko sya pumalit sakin. Para naman mainggit ko kayo.
S2: Ay shet kakamayan nya si Joshua. S2 na lang sya. Para ako kumamay.
Ex-O: Joke lang. Ano ba yan? Landi landi mo. Kahit babae, officer ka pa rin kaya act like an officer.
CorpsCom: Basta. Si Parel na sa S1. Ex-O na lang si Villavicencio.
S1: Ay okay na sa akin si Parel. Snappy naman eh.
Officer1: Ay pano pala yun? Diba ang S1 at Ex-O laging magkaaway? Tradisyon na daw ng Corps Staff yan eh. Eh di mo naman maghihiwalay yung dalawang yun.
CorpsCom: Sila ang babali sa sumpa. Hahaha.
Narinig kong may lalabas sa CAT room kaya nagkunwari akong naglalakad palayo.
CorpsCom: Parel!
Ako: Sir!
CorpsCom: May narinig ka ba?
Ako: Sir, no Sir.
CorpsCom: Pasalamat ka mabait ako. Kundi push up ka. Kita anino mo sa jalusie kanina. Dismiss!
Tumakbo na lang ako palayo. Kelangan ko tong ikwento kay Joshua mamaya. Kahit na mas mababa ako sa kanya, nakakaproud na mataas pa rin ang posisyon nya.


Joshua: May sasabihin pala muna ako.
Ako: Ano yun?
Joshua: Nalaman ko yung sa inyo ni Mary?
Ako: Anong meron?
Joshua: Grabe ka. Tatlong buwan na pala kayong hiwalay, hindi mo manlang sinabi sa akin.
Ako: Sorry. Ayoko lang kasi na sisihin mo sarili mo eh. Wala ka namang kasalanan.
Joshua: Makipagbalikan ka sa kanya. Mag sorry ka.
Ako: Hindi ko na sya mahal. Ikaw nga ang mahal ko.
Joshua: Hindi. Kinausap ko si Mary kanina. Handa ka nyang balikan. Handa nyang kalimutan yung pag aaway nyo. Ben naman please, ayokong dahil sa akin eh maghihiwalay kayo. Dahil lang naman sa akin yung pagaaway nyo eh. Lalayo na lang ako para mamatay na yang issue na yan. Win-win naman eh, may girlfriend ka na, wala ka pang issue na nakakasira. Ganun din sa akin.
Ako: Pano na lang yung nangyari nung gabing yun? Kakalimutan mo na lang basta basta. Dahil lang sa tang inang chismis na mga yan. (I’m already fuming with anger)
Joshua: Oo, dahil libog lang yun. Libog. Hindi kita mahal. Wala akong sinabing mahal kita. Alam kong mahal mo pa rin si Mary. Alam kong tama tong gagawin ko.

Tang ina, sobrang sakit nung mga panahong yon. Durog na durog ang puso ko nun. Grabe yung rejection nya. Sobrang nakamamanhid.
Ako: Sasabihin ko sana na ikaw yung Corps Ex-O narinig ko kanina.
Joshua: Congrats. Sabi naman sayo ikaw magiging CorpsCom eh.
Siguro akala nya eh ako yung mag coCorpsCom since yun lang naman ang posisyon na mas mataas sa Corps Ex-O.
Ako: Corps S1 lang ako.
Joshua: Weh? Lakas magjoke ah.
Di ko alam kung bakit pero nasigawan ko na lang sya.
Ako: Wag na wag mo akong kakausapin o lalapitan man lang. Wala akong bestfriend na duwag. Wala akong bestfriend na mabilis sumuko. Kung wala lang sayo yung nangyari sa atin nung gabing yun, gago ka kasi sakin meron, napakahalaga sa akin nung gabing yun. Pero kung binabalewala mo lang pala, mas maganda nang magkalimutan na lang tayo.
Susuntukin ko na sana sya sa mukha, pumikit na lang sya at inabangan ang pag tama ng kamao ko sa mukha nya. Pero buti napigil ko, at nag breakdown. Magsasalita pa sana siya ng tumakbo na ako palayo.

Naka ilang tawag sa akin si Joshua. Pero lahat yun di ko sinagot. May text din syang nag sosorry sa akin pero di ko na sya pinansin. Papanindigan ko lahat ng sinabi ko. Lahat lahat.


Turn over ceremony na. Pero wala nang thrill kasi alam ko na posisyon ko. Tatlo na lang kaming nag aantay ma awardan. Rinig na rinig ko yung mga kaklase ni Joshua na sinisigaw yung pangalan nya. Sya na lang kasi sa section nya ang di pa natatawag. Lahat kasi ng kasection nya eh napunta sa Military Police kaya siya na lang ang tagapagtaguyod ng dangal ng section nila.

Commandant: Calling the outgoing Corps Staff One, Adjutant Lt. Col. Lorenzo, Carlos passing his position to incoming Corps Staff One, Adjutant Lt. Col. Parel, Ben.
Nakita ko na nanlaki ang mata ni Joshua at sinusundan ako ng tingin habang nagmamartsa paakyat ng stage para kamayan ang papalitan kong officer. Gumilid kami para magbigay daan sa Ex-O

Commandant: Calling the outgoing Corps Executive Officer, Lt. Col Baretto, Jacob passing his position to incoming Coprs Executive Officer Villavicencio, Joshua.
Pumwesto sya sa tabi ko upang kamayan ang papalitan nyang officer. Maya maya ay tinawag na ang papalit sa CorpsCom para makumpleto na kami. Dahil kakagaling lang sa sakit ng bagong CorpsCom ay si Joshua ang syang nagcommand sa mga bagong officers. Pinag martsa nya kami sa harap ng flag upang sumaludo dito. Di ko alam kung bakit pero unti unting nawawala ang galit ko sa kanya. Napapalitan ito ng pagkaproud. Kasi tong dati kong bestfriend, Ex-O na ngayon. Tong mahinhin na taong to, mataas ang posisyon. Isa sa mga respetadong tao sa buong eskwelahan. Pero di pa rin ako bibigay. Kinalimutan ko na lahat ng pinagsamahan namin.

Maraming nakapansin ng di namin pagpapansinan. Siguro kung magkabati kami, pagkatapos na pagkatapos ng turn over ay pupunta kami sa garden at sisindihan yung hose dun at magbabasaan. Pero ngayon ay iba. Napapaligiran sya ng mga kaklase nyang babae, halata naman sa itsura nya ang pagkalungkot at dismaya kahit na mataas naman ang posisyon nya. At alam ko ang dahilan nun. Sinubukan nya akong kausapin pero nagalit lang ako at kamuntik ko na syang masuntok. Tinatakot ko lang sya nun para di na sya magtangkang kausapin ako ulit. Kasi baka matunaw ako sa pagmamakaawa nya.

Dumating ang campaign period ng SSG pero hindi siya nangampanya sa section namin. At alam ng lahat ang rason. Ako. Tuwing may meeting ang Corps Staff ay hindi kami nagpapansinan. Unfortunately, totoo pa rin ang sinasabi nilang sumpa ng Ex-O at S1.

Nanalo siyang President ng SSG. Dahil doon, lalong di ko na sya maabot. Hindi na lang sya kilala sa buong batch kundi sa buong eskwelahan na. Sobrang naging malayong malayo na kami sa isa't isa. Wala man lang akong achievement liban sa mga panalo ko sa meets at tournaments tsaka yung CAT position ko. Siya, minsan minsang sinasabak sa quiz bees, sole photojournalist naming sya, lahat naman naipapanalo nya. Minsan magkakasalubong kami sa hallway na parang di magkakilala. Mapapansin ko syang pinaliligiran ng mga babae, di ko alam kung naiinggit ako o nagseselos. Meron din namang mga nagkakagusto sa akin, pero hindi tulad ng sa kanya. Siguro panghatak na rin nya yung kanyang pagiging feminine at sense of humor, na syang walang wala sa akin. Pero isa lang siguro ang mabuting naidulot ng paghihiwalay namin ng landas. Iyon ay nawala lahat ng chismis sa aming dalawa. Siguro nakonsensya yung mga hinayupak na yun.


At netong June 3, dahil may misa ang school ko bago mag start ang klase eh nagdecide kaming magkita kita ng mga kabatch ko na same school ko rin sa college. Sa pagkaka alam ko ay 4 lang kami. Ako, si Jay, si Gela, at si Pat.

Dahil napakaarte ng college ko. Napilitan akong magstay sa loob ng classroom ko habang inaantay mag umpisa yung misa. Kaya tinext ko si Jay na magpunta sila sa gilid ng main field kasi kita ito mula sa bintana ng room ko.
Jay: Andito na kami sa gilid ng main field. Nakikita mo na ba kami?
Ako: Oo. Asan si Gela? Bat lalaki yang isa nyong kasama?
Jay: Nakipagkita na si Gela sa mga ka block nya.
Ako: Yung lalaking naka violet? Sino?

Matagal akong nag antay ng reply pero di na sya nagreply. Hanggang sa maguumpisa na yung misa. Papunta na ako sa gilid ng main field kung saan sila nag aantay ng makasalubong ko si S4.
S4: Uy Ben dito ka din pala.
Ako: Ma'am opo eh. Dito maganda mag Arki eh.
S4: Ah. Saan ka pupunta? Mag mamass ka ba?
Ako: Kitain ko lang po yung mga kaklase ko nung HS.
S4: Ah sige sige. Goodluck. Ay dito din ba mag aaral si Joshua? Dream school nya to diba?
Ay tang ina. Dilaw nga pala paborito nun. Pero syempre di lang yun yung dahilan. Bukambibig na talaga nya tong school first year pa lang kami. Hindi kaya sya yung nakaviolet?
Ako: Di ko po alam eh. Sige Ma'am una na ako.

Nakita ko na sila Jay na nakikipag kwentuhan dun sa lalaking nakaviolet. Matangkad ito, medyo mahaba ang buhok nya, medyo maputi pero hindi kasing puti ni Joshua kaya nakampante ako na hindi sya yon. Nakatalikod ito sa direksyon ko. Ilang metro na lang ang layo ko sa kanila ng mapansin ako ni Pat.
Pat: Uy si Ben oh.
Napalingon naman yung lalaking nakaviolet sa akin. Tang ina, nagulat ako si Joshua nga yun. Pero bat anlaki ng initim nya? At kumulot yung buhok nya? Nagulat din sya at kinaladkad si Jay mula kay Pat. Nakita ko na lang na nag aaway ang dalawa. Mukha lang silang magtatay kasi sa tangkad ni Joshua at liit ni Jay.
Ako: Bat parang gulat na gulat ka ng makita mo ako?
Pat: Di ko alam na dito ka din eh.
Ako: Di ba sinabi ni Jay? Katext ko sya ah.
Pat: Ikaw pala katext nya. Di niya sinasabi sa amin ni... Joshua eh.
Ako: Ah gago talaga yun.
Bumalik na ang dalawa.
Jay: Oy pre, haha sensya di na ako nakapag reply ah.
Ako: Gago ka. Gago ka talaga.
Jay: Ano? Inaano kita?
Ako: Fuck you.
Alam kong sinasadya to ni Jay. Pero siguro God's will ito na pagbatiin kami. Kaya igagrab ko na ang chance na ito. I will rectify my actions.

15 comments:

  1. Ang ganda ng storya...ang cute :)...Pero nakakalungkot nmn ang nangyari sa inyo ni joshua.....part 4 na po...:)

    ReplyDelete
  2. Inaantay ko talaga to. Kailan po ung part 4 ? Can't wait for it.

    ReplyDelete
  3. kabitin nmn part 4 na ui hhehe.. continue lng hehe.

    ReplyDelete
  4. next chapter pls..

    ReplyDelete
  5. Hehehe. ganda ng storya. buti na lang tinuloy mo yung kwento, kundi iiyak ako nyan huhuhu..next chapter pls

    ReplyDelete
  6. Ang galing talaga. Si Josh mo nagpost rin ng story, COCC ung title, try nyo basahin yun. Parehas sila pero POV ni Josh ;) tapos sabi niya pa dun hinding hindi ka daw nya makakalimutan!! UST!

    ReplyDelete
  7. dre nabasa ko na ung COCC pareho nga nito ung sakanya.. sayang friendship eh.. treasure kasi ung friendship sa isang tao.. maaayus dn nmn kau bsta may first move sa inyong dalawamaaayus yan.. bsta im looking forward na magkaayus kau.. and waiting for your part 4 : )

    ReplyDelete
  8. Mr.Author Basahin Mo Yung Gawa Ni Joshua Na COCC Para Makita Mo Na May Pagtingin Din Siya Sayo At Ma Kabalikan Kayo

    ReplyDelete
  9. Hanapin niyo nlng po sa archive tas i categorize niyo..mkikita niyo yung COCC....hehe gnda ng story nila...nxt na po...salamat

    ReplyDelete
  10. salamat sa mga ng comment na basahin yung cocc. mgkapareho nga. Dami ng comment dun mga 93 ata. next chapter Mr author. Sana ito na yung part two ng cocc tinapos Lang ni Carl/Ben. hope ngkabatian na kyo

    ReplyDelete
  11. hekhek hindi ko nasimulan yung story maganda naman sya kahit hindi ko pa nababasa... hekhek (binase ko sa mga comment para may mai-comment lang din ako) hekhek...try ko basahin from the very beginning ... mukhang may pagka cheesy-romance yung story ehh :) hindi totoo yung story...fictional lang ba? sige na nga sisimulan ko na... kudos to the author kahit hindi ko pa nababasa! basta kalibugan ang daming story. siguro pwede na tong ipublish then gawing books for public and private school! hekhek :) rofl hay walang magawa buti pa mga character sa story may love life yung reader ng story wala... hekhek bitter? nice shot dude! suck up some more! :) lmfao!

    ReplyDelete
  12. Thank you po sa mga sumusubaybay.
    Regarding po dun sa COCC na story...I dunno what to say.
    -Ben

    ReplyDelete
  13. HELLO THERE! FIRST OF ALL, I JUST WANT YOU TO KNOW HOW MUCH I LIKE YOUR STORY. I'VE BEEN READING YOUR WORK SINCE THE FIRST PART OF IT. I NEVER COMMENTED ON ANY STORY IN THIS BLOG, YET I CAN'T RESIST TO DO SUCH ON YOURS. YOU GOT ONE AWESOME AND MAGICAL STORY (HAHA MEDYO OA).

    AS FOR ME, I DON'T KNOW WHO OR WHAT I AM. TO BE HONEST, I THINK KUNG ANO ANG EXPECTED SA AKIN BY THOSE AROUND ME ESPECIALLY MY FAMILY, THAT'S WHAT I'M DOING. I CAN'T SAY NA I'M NOT FREE DAHIL EITHER I KNOW KUNG ANO YUNG TAMA BECAUSE THAT'S HOW THEY RAISE ME, OR, NASANAY NA RIN AKO TO ALWAYS FOLLOW THEM (AND I KNOW NAMAN NA MAKAKABUTI SAKIN YUN). BUT ONE THING IS FOR SURE, I KNOW NA I'M NOT COMPLETELY HAPPY. I'VE BEEN SEARCHING FOR THAT "THING" THAT WILL COMPLETE MY HAPPINESS IN LIFE. SIGURO I'VE FOUND IT WAY BACK, HINDI LANG AKO NANINIWALA OR HINDI KO LANG TALAGA "MATANGGAP". I'M AT THIS POINT IN MY LIFE NA PARANG I'M FIGHTING WITH MY INNER SELF. THNKING ABOUT EXPECTATIONS, CRITICISMS, AND ALL. ANG MASAKIT LANG IS I AM A SOLE FIGHTER IN THIS "BATTLE" WITHIN ME. EITHER WAY, I WIN SOME AND LOSE SOME. ;(

    ANYWAYS, MEDYO NAGSHARE NA KO DITO. BASTA I JUST WANNA SAY THAT YOUR STORY IS REALLY GOOD, AND I HOPE NA MAGING OK NA KAYO NI JOSH. GOD BLESS YOU TWO. ;)


    P.S. THE FACT THAT I'M STUDYING IN THE SAME SCHOOL AS YOU TWO MAKES IT MORE EXCITING. GOOD LUCK SA 2ND SEM! AND ENJOY YOUR COLLEGE LIFE. AND BTW, DO GO SA PASKUHAN THIS DECEMBER, REAL FUN! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. me too, i am under self-identity crisis

      Delete

Read More Like This