By: M.T.A
Balot na balot ako noon ng takot, di ko malaman kung ano ba ang aking gagawin. Sisigaw ba ako tatakbo, magsusumbong o mananatiling tikom ang mga labi haggang sa makalimutan ko ang lahat. Pagdatinng ko pa lamang sa bahay agad akong dumeretso sa kwarto upang doon ko ibuhos ang matinding takot. Pgbukas ko pa lamang ng pinto ay bumungad ang aking inang nakahiga sa kama. May sinabi siya sa akin ngunit hindi ko maintindihan. Kanyang inulit ang mga ito."Noy, nawawalan ako ng pera sa wallet" malumanay niyang sabi sa akin. Hindi naman ako umimik. Bumuhos na lamang ang mga luha sa aking mga mata, naguluhan si Mama. Agad niyang kinuha ang aking kamay palapit sa kanya. Hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman. Para akong isang papel na sinindihan at unti-unting nauupos. Nagtanong siya sa akin, doon ko na sinabi ang lahat. Hindi ako ang nagnakaw ng pera ni Mama sa wallet. Kundi ni-rape ako ng isang teacher. Nakakagulat man isipin ngunit isa itong malaking katotohanan. Sa mga balita sa telibisyon karaniwan babae ang ginagahasa. Pero sa totoong buhay may mga batang lalaki din ang ginagawan ng ganitong uri ng kasalanan.
Nang sinabi ko iyon kay Mama pumatak din ang kaniyang mga luha. Hindi niya akalain na ang kaniyang anak na lalaki ay may mangyayaring ganito. Wala noon ang Papa isa siyang truck driver nagdidiliver ng sofdrinks sa mga sari-sari store. Di alam ni mama ang kaniyang gagawin susugod ba siya sa school. Ako noong mga panahong iyon lutang ang isip. Hindi matangal sa utak ko ang mga nangyari. Paulit-ulit bumabalik sa isip ko parang sirang dvd, tumatalon pabalik. Hindi ko alam ba't nga ba kami napadpad sa lugar na iyon samantalang maganda naman na ang buhay namin noong nasa Maynila pa kami. Oo, nga pala nauna ang Papa pumunta ng Bohol. Naroon kasi naninirahan ang kaniyang kapatid, sabi ng tito maganda ang magiging buhay namin sa Bohol kaya naingganyo ang Papa ko na tumira doon. Mahigit isang taon bago kami sumunod sa kaniya. Lahat iniwan namin mga magandang ala-ala, mga kalaro at mga kamag-anak na matagal mo nang nakakasama.
Siguro nasa grade six pa lang ako noon. Inosente pa sa mga mga nangyayari sa mundo. Noong una hindi ako payag sa desisyon ni Mama at Papa, wala naman ako magagawa sila naman ang may alam kung anong nakakabuti para sa amin. Kalahati na ata ng taon iyon kaya kapilitan kailangan namin pumasok. Kaya nagtransfer ako sa isang school na malapit lamang sa amin. Pwede nga lakarin hindi ka pa malelelate. As ussual tahimik pag bagong salta sa school. Nagamamasid kung sinong unang kakausap sa'yo, active naman ako sa klase kaya siguro marami din akong naging kaibigan. At isa din ako sa mga maiingay kaya siguro.
Pgalipas ng lima o amin na buwan naging maganda naman ang takbo ng buhay namin doon. Nagkaroon ng maliit na negosyo ang mama at papa sa harap ng bahay. Dumaan din ang Christmas at New Year na kami-kami lamang. Si Mama, Papa at kaming apat na magkakpatid. Kasi noong dati isang buong compound kami kung magcelebrate ng Christmas at New Year. Parang laging may pyesta sa amin kasi may palaro at exchange gift. At syempre pagkatapos ng mahahabang holiday vacation balik eskwela na naman. Kakabagot pero kailangan para maka graduate at matapos na ang pagiging elementary. Athletic din ako noon kaya noong sabi sa school na may gymnastics agad akong sumali nakuha naman ako. Dalawa kaming lalaki at apat na babae, bading pa nga ung nagtuturo sa amin pero mabait naman.
After two months sumali kami ng competition, kung saan saang school kami napapadpad. Kasabay ng pagbubukas ng gymnastic sa school nagbukas din ang football, kumuha ata ung principal namin ng coach. Natatandaan ko pa flag ceremony noon nung pinakilala siya ng principal namin sa buong school. Pagkatapos ng klase namin may practice kami para sa susunod na laro. Doon kami sa malaking school field laging nagprapractice kaya lagi namin kasabayan ung football team. Magkakilala pala ung coach namin at coach ng football kaya minsan nagkikita ko silang magkausap. Doon ko siya nakilala nang lubusan Ed pangalan niya, Edward ata. Tipikal na teacher mabait minsan may sabit. Dahil din siguro lagi ko siyang nakakasama kaya nalapit loob ko sa kaniya. Parang father figure, hindi ko alam disguise nya lang pala yon.
Saturday sabi ng coach namin kailangan mag practice kami dahil sa susunod na linggo may laro kami. Maaga pa lang nasa grounds na ako hinihintay ko mga team mates ko. Mga ilang sandali nakita ko si Sir Ed naglalakad sa school na kasi siya nakatira simula nung magturo siya sa football team. Mga isang oras din ako nag-antay bago dumating mga kasama ko. Kaunting warm-up tapos sabak agad sa routine. Mga bandang hapon na nung tumigil kami dun lang kasi namin naramdaman na gutom na kami. Sa may guard house namin iniwan ung bag namin kaya agad naman kami pumunta doon. Pagkabalik kausap ni coach si Sir Ed, matagal silang nag-usap. Pagkatapos kumain naglakad lakad muna ako nakita ko.si Sir Ed tsaka ung clasmate ko si Jeremy na player din ng football naglalaro ng table tennis. Tinawag ako ni Sir Ed agad naman pumunta sinabi niya kay Jeremy na ibigay sa akin ung raketa na hawak niya. Binigay naman niya, hindi ako marunong maglaro ng table tennis. Nakakahiya man tinuruan ako ni Jeremy nung hindi ko makuha si Sir Ed na ang nagturo sa akin.
Doon ko naramdaman kung paano humawak ang isang lalaki. Paano sila tumitig, paano sila matuwa sa maliliit na bagay. Pagkatapos noon inakbayan ako ni Sir Ed pabalik kung saan kami nagprapractice. Napansin niya na wala ung coach namin, mahaba pa naman kasi ung oras para magpractice. Inutusan niya akong bumili ng yosi sa labas ng school doon kasi maraming tindahan tasaka malapit lang. Pagkabalik nakaabang si Sir Ed sa may guard house. Muli niya akong inakbayan tinanong niya ako kung may nakabukas na classroom. Hindi naman ako sumagot akala ko magbabawas lang siya kaya naghahanap kami ng classroom. Patuloy kaming naglakad hanggang nakarating kami sa may stage. May maliit na kwarto ung stage namin. Doon na ako kinabahan gusto ko man tumakbo nakaakbay si Sir Ed sa akin. Pinilit niyang buksan ang pinto ng kwarto sa may stage hindi naman siya nabigo. Pagkapasok pinaupo niya ako at sabay sara ng pinto. Alam ko na ang mangyayari sa puntong iyon pumasok din sa isip ko baka mamatay na ako. Pagkatapos masigurong nakasara ang pinto agad niya akong niyakap at pinaghahalik-halikan. Hindi ko na kailangan pang idetalye ang lahat dahil tuwing na aalala ko ang lahat nandidiri ako sa sarili ko. Pagkatos niya akong halayin dumukot siya sa kaniyang bulsa. Natatndaan ko isang One hundred bill, fifty pesos at twenty ang laman ng kaniyang bulsa. Iyon ang nagpababa ng tingin ko sa sarili ko binigyan niya ako ng seventy pesos sabay pahid sa mga luha ko. Hindi naman niya ako pinagbantaang papatayin. Basta daw pag labas namin huwag na akong iiyak. Parang walang nangyari nakaakbay si Sir Ed sa akin. Di ko na tinuloy ang practice agad akong tumakbo sa guard house para kunin ang bag ko. Tumakbo ako palabas ng school nagmamadali di ko nainisip kung hahanapin nila ako gusto ko lang makauwi. Pumasok pa din ako ng school kahit alam kong baka naroon pa rin ung isang taong sumira sa pagkatao ko. Hindi ko alam kung paano na laman ng buong school na ni- rape ako ni Sir Ed. Mas lalo akong nagliit sa hiya, alam kong pag-uusapan aovng buong school. Pati nga teacher at principal na laman na nila.
Sabi ni Mama wag na akong pumasok, alam kong apektado din sila sa mga pangyayare. Ganoon pa man mas tinatagan ko ang loob ko. Nagsampa kami ng kaso, lahat ng ginawa niy ay sinabi ko lahat sa pulis. Alam naming walang pupuntahan ng kaso namin kasi nakatakas na siya. Hindi na siya mahanap ng mga pulis. Malakas ang loob kong lumaban ngunit mailap ang batas. Kaya tinakbuhan na lamang namin ng problema bumalik sa Maynila upang makalimutan ang lahat.
Matagal na pa lang nangyari yon. Halos labing isang taon na din nakalilipas pero di ko pa din makalimutan. Hindi lang kasi siya nakatatak sa isip ko pati sa kaluluwa ko. Ngunit kailangan na magpatuloy ako sa buhay. Kailangan kong ipakita ang paglaban. Kahit papaano nakalimutan ko naman ang lahat. Ngunit may naiwan pang lamat sa aking pusot isipan. Takot na ako sa mga lalai hindi ko kakilala. Mas gusto ko na lang mapag-isa. Pili na ang aking mga kaibigan. Nang nakatapos ako ng elementary nag-enroll ako sa isang national highschool bilang scholar. Sa choir naman ako ngayon, pagkanta naman ang hinasa ko. Mganda abg experience ko nung highschool bilang kasama sa isang national choir kung saan-saan nakakapunta. Manalo man o matalo masaya kasi may.mga panibagong kaingan ka namang makikilala.
Sabi nila ang highschool ang pinakamasayang stage ng pagiging teen ager. Hindi naman sila nagkamali. Doon ko naranasan ang lahat ng 'First Time' sa buhay ko. First time ma-inlove, malasing, umuwi ng umaga. Mga karaniwang kalokohan ng mga highschool students. Pero may iba na akong nararamdaman noon. Kung dati mas malapit ako sa babae mas lumalapit ang loob ko sa lalaki. Birthday ko noon may handaan sa bahay sinabi ko kay Mama na may mga kaklase akong pupunta sa bahay. Pero isa lang naman talaga ang inimbitahan ko si Leo lang. Matalino, simple at makasarap kausap si Leo kaya madaling lumapit ang loob ko sa kaniya. Sa kaniya ko unang naramdaman ang spark of love. Siguro sa panahong iyon may pagtataka na si Mama. Alam ko ding parang hindi tama ang nararamdaman ko. Labanan ko man hindi ko kayang iwasan ang nararamdaman ko. Nagpatuloy ang nararamdaman ko para may Leo. Nagpatuloy din ang aming pagiging magkaibigan. Mas lumalim din ang aming pagiging magkaibigan. Alam ko hindi lingid sa kaniya ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Mali man hindi ko isinantabi ang mga pwedeng mangyari. Naisip ko don na siguro ito ang naging bunga ng hindi magandang bahagi ng buhay ko. Umabot ng hanggang tatlomg taon ang aming pagkakaibigan, mas lumalim pa. Hanggang sa kailangan ko ng umalis ng school. Kailangan naming lumipat uli. Sa Baguio naman kami lilipat may magndang trabaho kasing nakuha ang Papa doon. Sa panahong iyon uso na ang cellphone kaya nagpalitan kami ng number ni Leo. Noong una araw-araw nagpapalitan ng text message pero noong nagtagal nagsawa na marahil siya. Hanggang sa nakalimutan ko na rin siya dahil na rin sa.mas marami akong nakikilala noong andito na kami sa Baguio. Wala na rin ako sa mga scholar kaya pasali sali na lang ako ng nga school contest.
Last year ko na sa highschool sa wakas makakaabot na ako ng college. Cullinary sana ang gusto kong kuning kurso kaya lang mahal di kaya ng mga magulang ko. Kahit pa nakapag Saudi ang Papa. Dalawa kasi kami ng Ate ang mag-cocollege noong time na iyon. Goal ko na sa pag-aaral ang matataas na grade kaya madali akong marecognize ng mga teacher ko. Lalaki noon ang adviser namin siya din ang Math teacher namin. Pantasya ng mga kababaihang teacher sa school. Di din kasi maitatangi na gwapo nga naman si sir. Matipuno at may angking kabaitan. Sir Marty ang tawag namin sa kanya short term para sa Martin. Kasali noon ako sa Math Contest kaya after school may mentoring ako sa kanya. Inabot na kami ng dilim sa pag-aaral. Kami na lang ata ang natira sa school campus. Naiihi ako noon walang C.R sa loob ng classroom kailangan mo pang bumaba ng isang floor para makapag C.R. Nagpaalam ako kay Sir Marty na iihi lang ako. Malamig noon mga 11°lang ata ang temperature. Hindi ko namalayan na pumasok sa C.R sumara ang pinto. Pagtataka ko lumingon ako si Sir lang pala. Ngumiti pa siya sa akin, pagatapos makaihi may mga kamay na humila sa akin sa sulok ng C.R. May mga labing humahalik sa buo kong mukha. Mahigpit ang mga kapit ng mga kamay sa katawan ko. Sumigaw ako at nanlaban wala namn itong nagawa. Masyadong malakas ang lalaking nakayakap sa akin. Wala na akong nagawa kundi ibigay ang aking sarili. Muling bumalik sa aking mga alaala ng isang bangungot. Isang madilim na pangyayari sa aking buhay. Sa mga panahong iyon manhid na ang aking katawan at isipan. Tadhana ko marahil ang ganito. Agad niya akong pinagbihis saka sabay kaming lumabas ng C.R. Sabay din kaming nagpunta ng classroom. "Ayusin mo na mga gamit mo tapos na tayong mag-aral, sabay ka na din sa akin pauwi". Tulala lang ako at ang tanging tugon ko sa kaniya ay isang maiklig tango. Pagkalabas ng school inakbayan niya ako sabay hawi sa aking buhok. Tinanong din niya ako kung nagugutom ba raw ako. Muli isang tango lamang ang aking naisagot sa kaniya. Para ba akong isang robot na di susi sumusunod kung ano man.ang kaniyang ipagawa. Pgakatapos kumain hinatid niya ako sa sakayan ng jeep. Pagkauwi agad akong pumasok ng banyo kahit sobrang lamig ng tubig pinilit kong maligo. Pinilit kong tangglin ang mga bahid ng kawalang hiyaan sa aking katawan. Sukang suka ako sa sarili ko sa isip isip ko daig ko pa ang isang bayaran. Buti pa nga ang bayaran pagktapos may iaabot sayo. Sa akin kahit ganokn na lang, hindi na din ako nagsumbong alam ko din naman na tulad ng dati wala rin namang mangyayari. Pinilit kong tinago sa Mama ko ang lahat, pinilit ko ding pumasok patapos naman na ang klase. Kinabukasan luatang ang aking isipan di ko maiwasang isipin ang mga nangyari. Gaanoon na lang ba ako kahina para pagsamantalahan. Hindi pala sapat na matalino ka active ka sa school para kahit papaano respetuhin ka din ng iba. Kung sino pa nga ang mga nakapag-aral sila pa ang mapaglinlang. Math subject na namin gusto ko sanang lumiban para lang umiwas. Naabutan niya ako sa pinto kinuha niya nga bag ko saka pinaupo. Hindi ko magawang di siya tignan ang nasa isip ko noon bakit kaya niya nagawa sa akin ang ganoon. Pagkatapos ng klase niya muli niyang pinaalala na may mentoring kami pagkatapos ng mga klase ko. Wala akong balak pumunta sa mentoring kasi alam kong makikita ko na naman siya. Pagkatapos ng last subject namin dali dali kong kinuha ang mga gamit ko. Paglabas ko ng room nakaabang na si Sir Marty napaurong ako pabalik sa silya kung saan ako laging umuupo. Hinintay lang niyang mawala ang mga kaklase ko. Para walang nangyari nagsimula na siyang magturo. Galit lang ang nararamdaman ko, galit na para bang gusto kong pumatay. Hinawakan niya ang mga kamay ko noong makita niyang hindi naman ako nakikinig. At ang mga sumunod na lumabas sa kaniyang mga labi ay "Art galit ka ba sa akin". Tanging mga luha ang aking sagot, luha ng sobrang pagkapuot at pandidiri sa kaniya. Pinilit niyang inangat ang aking mukha kasabay noon ay ang pagpahid niya sa aking mga luha. Niyakap niya ako ng mahigpit gusto kong kumawala sa mga tagpong iyon. Ano nga ba ako sa kaniya, di ba't maling mahalin ng isang guro ang kaniyang estudyante. Mali rin naman kung mamahalin ko siya, dahil teacher lang ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko rin matanggap na piangsamantalahan niya ako. Dumaan ang mga araw Math Contest na di ko man nakamit ang first prize masaya pa rin ako kasi maiiwasan ko na si Sir Marty. Makakawala na ako sa isang kadena na matagal na akong nakagapos. Pagkalabas ng hall inakbyan ako ni Sir Marty niyaya niya akong kumain blowout niya sa akin. Ginawa ko daw kasi lahat, at saka para makabawi man lang siya. Ayaw ko man siya rin naman ang tumulong sa akin upang kahit papaano ay makamit ko.ang second prize. Sa isang kilalang restausant kami sa Baguio kumain kung anong inorder niya yun din ang sa akin. Habang kumakain pinagmamasdan ko siya. Sa totoo lang di naman siya masamang tao. Hindi.katulad ni Sir Ed na tumakbo sa kasalanan niya. Si Sir Marty iba pinakita niyang mali ang kaniyang mga nagawa. Pinakita niya din kung gaano siya nagsisi.
Pagkatapos namin kumain may kinuha siya sa kaniyang bag isang maliit na kahon at sulat. Sa bahay ko na daw buksan. Muli niya akong hinatid sa sakayan ng jeep. Pagakarating ng bahay agad kong binuksan ang kahon. Laman noon ay isang keychain na paro-paro na may nakasulat sa likod mga pangalan namin. Binasa ko din ang sulat na kasama ng kahon. Doon ko na laman na matagal na pala akong gusto ni Sir Marty, ibang iba daw ako sa mga naging estudyante. Matalino at malakas ang loob un ang mga katangian na nagpamahal sa kaniya sa akin. Di rin daw mahirap kunin ang aking loob. Habang binabasa ko ang sulat napapaluha ako sa mga nalaman ko. Sa mali man nagumpisa ang lahat pinilit naman niyang itama ang lahat. Pinilit niyang pinakita kung ano ako sa kaniya. Alam ko mali, isang pagkakamali ang ang ganoon. Isang guro at estudyante ang may relasyon at kapwa pa sila lalaki. Alam ko din na kung ipagpapatukoy namin iyon pwede siyang matanggal bilang teacher. Pinilit mong itinago ang nararamdaman ko sa kaniya. Isang buwan na lang matatapos na ang school year. Hindi ko na din makikita ang lalaking nagpakita at nagpadama sa akin kung paano ba nag umibig sa maling paraan at maling pagkakataon. Sinulit namin ni Sir Marty ang mga natitirang panahon na magkasama kami. Lagi pa din niya akong hinahatid sa sakayan. Lingid sa pagkakaalam namin nakaabot na pala iyon kay Mama. May nakapagsabi sa kaniya na malapit kami ng adviser ko. Una niyang tanong kung ano nga ba daw ako talaga. Hindi ko naman itinago sa kaniya. Inamin ko naman sa kaniya na isa akong binabae, bakla, shoke o kung ano mang tawag sa isang lalaking gusto maging isang babae. Pero nung tanungin niya kung ano kami ni Sir Marty doon ako kinabahan. Doon ako nanlamig ng sobra para bang nakaupo ako sa silya elektreka sa kaba. Magkaibigan lang naman talaga kami ni Sit Marty, magkaibigang may espesyal na pagtitinginan. Oo malaki ang agwat ng edad namin siya 29 ako naman nasa sixteen lang. Pero masama bang maging magkaibigan kami. Hindi na ako muling tinanong ni Mama. After graduation kumuha agad ako ng entrance exam sa isang university. Mataas naman ang nakuha ko kaya napabilang aki sa mga scholar ng university. Sumali din ako sa choir para di lang ako puro academics. Patuloy pa din naman kami nagkikita ni Sir Marty, gumawa ako ng paraan para lagi kaming magkita. Kaya ung university na pinapasukan ko harap lang ng school na pinapasukan ko noon. Tuwing lunch break kasama ko si Sir Marty. Kahit pag-uwi patuloy pa rin niya akong hinahatid. Paglipas ng isang taon ma ganoon ang sitwasyon namin mas humigit pa sa magkaibigan ang pagtingin namin sa isa't isa. Mas natutunan ko din siyang mahalin. Siya ang unang lalaking nakapasok sa aking puso. Sa katunayan education ang kinuha ko para mas lalo kaming maging compatible sa isa't isa. Nagtagal naman ang relasyon namin ng dalawang taon Dalawang taon din kaming nagtago sa lipunan at sa aming mga magulang. Dalawang taon na punong puno ng saya at mga di makakalimutang pangyayari. Dalawang taon ng pagmamahal at pag-ibig. Sa mga panahong iyon hindi ko naramdaman na mas matanda siya sa akin. Pantay ang trato namin sa isa't isa. Akala ko noon siya na ang lalaking para sa akin. Siya na ung panghabambuhay na kasama ko. Pinakamasakit na ata ang maloko ka ng lalaking minamahal mo. Yung bigla ka na lang niyang iiwan kasi hindi na siya masaya sayo. Yung walang pasabing hindi na pala kayo. Sa sabrong sakit nawalan ako ng ganang pumasok. Araw-araw laman ako ng bar kung sino-sino ang kasama ko. Kung kanikaninong lalaki ako sumasama. Napansin ni Mama na may nagbago sa akin. Pinilit niyang malaman kung ano ang dahilan pero pilit kong tinago ang lahat. Isang taon din akong naging ganoon muntik na akong natanggal ang scholarship ko. Ngunit nakabawi naman ako, nakapagtapos naman ako bilang teacher. Nakapasa din naman ako sa L.E.T exam. Hindi ako nagturo kahit na maraming eskwelahan ang kumukuha sa akin. Pinagpatuloy ko ang buhay gala. Sabi ko nga kung may kaladkaring babae ako naman ang kaladkaring bakla. Mas ginusto kong mabuhay sa ganoong paraan. Ginusto kong lumimot, makalimutan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Simula noong bata ako hanggang magkagusto ako sa teacher ko na sa bandang huli iiwan din pala ako.
Dati pa naman sira ang buhay ko. Sinira ng mga lalaking ang alam lamang sa mundo ay manakit. Hinayaan kong maging ganokn ang lahat. Pumasok naman ako ng trabo pero di rin naman ako nagtatagal . Naging mas mainipin ako walang direksyon ang buhay, patapon kung baga. Hindi pa naman huli ang lahat, muli kong nakilala si Leo sa isang bar. Napadpad ng Baguio para magbakasyon sa trabaho. Ang dami niyang ikwenento sa akin ang saya ng buhay niya. Ako ano naman ang maikwekwento niya sa akin baka nga mandiri pa siya sa akin sa mga pinagagawa ko. Ilang beses din kaming lumabas kahit papaano nakalimutan ko lahat ng pasanin ko. Muling nalagyan ng ngiti ang aking puso. Di naman ako umasa na magiging kami kasi ang alam ko babae ang hanap niya. Araw na ng pagbalik niya a Maynila araw din na pagbabalik ko sa kung ako noon. Nang makasakay siya sa bus may tumawag sa telepono ko hindi ko alam kung sino ang tanging narinig ko "Paalam Best" napangiti na lang ako. Si Leo pala hindi ko alam kung paano niya nakuha ang number ko di rin naman na yon importante. Muli akong nabuhayan ng loob muli kong naisip na hindi ako iyon. Naghanap ako ng trabaho pero mailap ang tadhana. Nakatanggap muli ako ng tawag kay Leo naghahanap daw ang kanilang company ng clerk kung ok lang sa akin. Noong una parang ayaw ko pero wala namang mawawala kung magbabakasakali. Nagpaalam ako kay Mama hindi naman niya ako pinigilan natuwa pa nga siya sa desisyon ko. At napadpad nga ako ng Maynila doon muna ako kila Leo tumira tutal mag isa lang naman daw niya buong pamilya niya ay nasa Amerika ka na at siya mas pinili niyang tumira dito sa Pinas. Nakuha naman ako sa trabaho kaya araw-araw kaming magkasama. Nakilala ko din ang girlfriend niya si Jackie dalawang taon na silang magkarelasyon balak na nga ata nilang magpakasal. Masaya ako para kay Leo kasi naging maganda ang takbo ng buhay niya. Naging permanente naman ako sa trabaho naghanap ako ng bahay na malilipatan pero ayaw ni Leo. Ok lang daw na nasa bahay nila ako dagdag gastos pa kung lilipat ako ng bahay. Hindi naman ako nakatanggi.
Araw ng Biyernes day-off naming dalawa naghanda ako ng hapunan hilig ko din kasing magluto. Sabay kaming kumain, nagyaya din siyang uminom namiss niya daw kasi ung mga panahong nasa Baguio siya. Hindi naman ako tumanggi nagkasarapan sa inom napahaba din ang kwentuhan. Marami siyang mga tanong sa akin na hingdi ko talaga masagot kaya iniiba ko na lang usapan. Pinilit niyang alamin kung bakit hanggang ngayon ay wala pa akong girlfriend.Kung pwede ko ngang sabihin "Matagal na po akong bakla highschool pa lang ikaw nga ung unang crush ko" baka naman bigla niya akong suntukin at palayasin sa bahay nila. Ang nasabi ko na lang "Best alam mo naman ako pihikan sa babae", natawa na lamang siya. Pagakatapos naming uminon nagpasiya na kaming matulog. Sa sobrang init hindi ako makatulog kahit na nakatutok sa akin ang electricfan. Ikot lang ako ikot sa kama naingayan ata sa akin si Leo kumatok sa pinto. Pagkabikas ko ng pinto sinalubong niya ako ng batok. Masyado daw akong maingay sinabi ko naman kaniya ang dahilan. Sa kwarto lang niya may aircon kaya niyaya niya aking doon na lang matulog sa kwarto niya. Nagulat ako pero sa loob loob ko ito na ang pinakahihintay kong pagkakataon. Nauna siyang humiga natakot naman ako kaya hinila niya ako sa tabi niya. Pagkahiga ko narinig ko na lang si Leo humihilik. Di kalaunan nakatulog din ako. Naalimpungatan ako nang mapansin kong sobra naman ng ginaw wala na pala akong kumot. Pagmulat ko nakaharap pala sa akin si Leo nagulat siya sabay talikod. Natatawa ako noon pero baka mainis siya sa akin. Muli akong bumalik sa pagtulog. Alas siyete na nung magising ako agad akong bumangon wala na din si Leo sa kwarto. Pagkalabas ko nakahanda na pala ang almusal hindi alam nagluluto din pala ang loko. Sa araw-araw kasi ako ang naghahanda ng almusal ako pang ang gumigising sa kaniya. Ano kaya ang nakain ng lalaking ito sabi ko sa sarili ko. Nahanginan ata ng magandang hangin. Hanggang sa pagkain inaasikaso ako ni Leo ang sweet nga niya eh parang asawa kung magasikaso. Sa araw ding iyon nalaman ko na lilipad na si Jackie papuntang Canada. Magtratrabo siya bilang chef sa isang hotel doon. Ayaw pala ni Leo na umalis si Jackie desidido naman si Jackie wala din namang asenso dito sa Pinas kaya nga din nagpunta ang Papa sa Saudi. Malungkot si Leo ng araw na umalis si Jackie napainom tuloy kami sa sobrang kalasingan ni Leo di na niya mailakad mga paa niya kaya ako na lang ang naghatid sa kaniyang kwarto. Simula noon di ko na nakitang masaya uli si Leo kaya sinabi ko sa sarili ko na pasisiyahin ko si Leo sa paraang alam ko. Araw-araw hinahandaan ko siya ng almusal pati uniporme niya ako ang namamalantsa. Pagday-off namin hinahandaan ko siya ng masarap.na hapunan. Minsan lumalabas din kami mamasyal para lang makalimot siya na malayo na sa kaniya ang lahat ng mahal niya sa buhay.
Isang taon kaming ganoon, marami din nangyari pagkatapos ng isang taon. Umalis ako sa tabaho at nag-apply sa isang college institute natanggap naman ako. Bumalik din ng Baguio kasa si Leo para doon mag Pasko at Bagong Taon. Nakipaghiwalay din si Jackie kay Leo agad naman natanggap ni Leo ang hiwalayan nila ni Jackie hindi din naman niya matiis ang malayuang relasyon. At kami ni Leo balik sa dati. Minsan hinahatid niya ako sa school nakabili na kasi siya ng sasakyan kaysa naman magcomute ako malapit lang naman daw. Sabay din kaming umuuwi dinadaanan na lamang niya ako sa school.
Weekend parehas na wala kaming trabaho ni Leo kaya naman dating gawi uminom kami. Kwentuhan, asaran, kwentuhan uli tapos asaran na naman. Sa gitna ng kwentuhan namin may itinanong sa akin si Leo "Art bakit nga ba hanggang ngayon wala ka pang girlfriend nasa age of margin ka naman na o baka hindi mulang masabi sa akin na bakla ka?" Nagulat ako sa mga tanong na iyon.Alam ko oras na sabihin kay Leo kung sino nga at ano nga ba ako. Inamin ko sa kanya ang lahat-lahat pati yung relasyon ko kay Sir Marty. Lahat ng mga kamailang nagawa ko sa buhay. Sa mga oras na iyon alam ko magagalit siya sa akin baka nga palayasin niya ako sa bahay niya. Tumayo lang si Leo at saka sabing "Tulog na tayo inaantok na ako". Alam ko dismayado si Leo, alam ko din may galit siyang nararamdaman. Ayaw lang ipakita sa akin. Hindi ako makatulog ng gabing iyon kinabukasan nagpasiya muna ako na doon muna tumira sa boarding house ng school para na rin makapag-isip si Leo.
Buwan na ang nakalipas wala akong balita kay Leo. Alas sais ang karaniwan kong uwi sa boarding house. Nagtaka ako bakit bukas ang ilaw sa kwarto ko nagmadali akong pumasok naroon si Leo nagaantay. Binati ko siya ng ngiti at ngiti din ang ibinalik niya sa akin. Tinanong ko kung bakit siya napadpad sa boarding namin hindi naman siya umiimik. Naguguluahan man ako patuloy ko lang na pinagmasdan si Leo. Alam kong noong nakita ko siya may tuwa akong naramdaman. Ilang saglit pa ng ako ay napalingon may mga luha na sa kaniyang mga mata. Luha marahin ng pakalungkotcdahil alam kong hindi sanay si Leo ng mabuhay ng mag-isa. Agad ko naman siyang nilapitan at tumabi ako sa kaniya. "Sorry Art ung ganito ako hah, pasensiya na nabigla lang naman ko noon. Di ko din sinasadya na dumistansiya sa iyo. Sorry talaga". Hindi naman niya kailangan na magpaliwanag sa akin sapat na naalala niya ako. Bumalik ako kay Leo, dating gawi mas lalo pa kamming naging malapit sa isa't isa . Mas lalo ding nahulog ang loob ko sa kaniya. Nadamama ko ulit ang kabog ng dibdib, kabog ng kasiyayahan at pagmamahal. Minsan inisip ko na nobyo ko na siya. Naiisip ko din na baka naman kami ng ang para sa isa't isa. Pero mahirap din paasahin ang sarili baka kasi sa huli mali ka pala.
Linggo araw ng pagsisimba maaga akong naggayak pupjnta din kasi ako sa palengke. Iniwan ko pang tulog si Leo. Pagkatapos makapagsimba dumiretso agad ako sa palengke. Magtataghali na ng makauwi ako, wala na si Leo bahay baka may pinuntahan in siya. Nagpalit muna ako ng pambahay saka iniluto ang aming pagsasaluhan sa tanghalian. Mag-aalaas dos na eh wala pa din si Leo kaya nagpasiya na akong kumain mag-isa. Nakadama naman ako ng antok humiga ako sa sofa sa may sala upang umidlip. Nagulat ako may bumusal sa aking bibig agad niyang tinakpan.ang aking mga mata. Naisip ko na baka nalooban kami ng mga magnaakaw. Binuhat ako ng lalaki nagpupumiglas man ako ay naisakay na niya ako sa sasakyan. Nang maramdaman kong tumigil na sa pag andar ang sasakyan bumukas ang pinto at muli akong hinila ag lalaki at binuhat. Tnanggal niya ang aking piring at takip sa bibig. Pagbuklat ko ng aking mata andaming kandila nakapalibot sa akin. Sobrang tahimik ng paligid qng tanging naririnig ko ay ang mga hampas ng alon at ang pagdampi ng hangin sa mga dahon. Muli may lalaking sumulpot sa aking likuran muling tinakpan ang aking mga mata. At may binulong siya sa aking mga tainga " Best salamat sa lahat-lahat. Sa pagiging kaibigan at kapatid. Sa walang patid na pag-aasikaso mo sa akin. Sa pag-intindi mo sa akin kahit minsan alam ko nasasaktan na kita. Sa pagmamahal ng walang kapalit. Art ito ng kapalit noon". Tinanggal niya ang kaniyang mga kamay sa mata ko niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko maexpress ang mararamdamn ko magagalit ba ako o matutuwa. Pero mas namayani ang tuwa sa akin. Niyakap ko din si Leo at napaiyak na lamang ako. Hinawakan niya ang aking mga mukha at pinunasan niya ang mga luha. Antagal naming nagtitigan hindi ko pansin hinlikan na niya ako. Matagal ang halik na iyon. Anlambot ng kaniyang mga labi. Parang hinagkan ang mga bulak sa labot. Tulala lamang ako gulat sa bilis ng mga pangyayari. Gulat pati ang puso ko, sa sobang gulat tumalon ito sa tuwa. Hindi ko akala na may mag mamahal sa akin ng totoo. Ang akala ko sa mga paperback novels lang iyon. Sa mga pelikula o teleserye ipinabalabas, hindi sa totoong buhay. Mga pantasya ng mga katulad kong kakaiba. Ang takot ko lang ay kung malaman niya ang lahat ng aking nakaraan. Ang lahat ng mga pangyayari sa buhay ko na naging dahilan kung bakit ako ganito. May takot man sa aking isipan at dibdib, mas pinili kong itago ang lahat o mas magandang ibaon na lamang sa limot. Tumagal naman kami ng apat na taon. Apat na taon ng masayang pagsasama mga di maikukumparang pangyayari. Kaya siguro naging matatag ang aming relasyon.
Nagtagal din ang trabaho ko bilang isang college teacher. At si Leo na promote bilang isang supervisor. Naging maganda ang takbo ng aming buhay bilang... hindi ko alam na dinala na pala ako sa ospital dahil nahimatay ako habang nagkaklase. Pagkagising ko ay nakita ko si Leo at ang doctor na nag-uusap. Nang makita nilang ako ay gising na agad inabot ni Leo ang aking mga kamay. Nang aking siyang tiganan alam ko may mga pangambasa kaniyang mga mata. May mga takot, takot na hindi ko alam ang dahilan. Lumipas ang isang linggo ng pamamalagi ko sa ospital hindi na ako pinabalik ng school president namin sa pagtuturo mas kailangan ko daw magpahinga at magpagaling. Sa mga panahon na ito hindi ko alam kung ano nga ba ang sakit ko hindi din naman kasi nabanggit sa akin ni Leo. Gusto man magtanong alam kong di naman niya sasabihin. Pansin ko dinnitong mga nakaang araw na laging maiinit ang ulo niya, iretable problemado sa hindi ko alam na dahilan. Biyernes nagluto ako ng almusal naming dalawa maaga siyang nagising maaga din kasi ang kaniyang pasok. Sa hapag kainan tahimik nakakabingi nagtanong akosa kaniya "Leo may problema ka ba? Hindi naman niya ako kinibo. Pagkaalis niya pumunta ako ng dati niyang kwarto para maghanap ng mga sagot sa aking mga katungan. Binuksan ko yung drawer sa may cabintet may nakita akong folder na nakasulat ang pangalan ko. Alam kong iyon ang mga test resuly na galing sa ospital. Hindi ako makapaniwala sa aking mga nakita, luha na lamang ang lumabas da aking mga mata. Bakit hindi niy sinabi sa akin ng maag para makalayo ako sa kaniya. Buong araw hawak ko lang ang folder na iyon. Bumukad ang pinto alam kong si Leo iyon galing ng trabaho. Pagod man siya ibinigay ko ang folder sa kaniya. Gulat siya alam ko, alam ko din na magtatanong siya kung saan ko nakuha ang folder. Bumuhos ang mga luha sa kaniyang mata. Niyakap niya ako ng mahigpit hindi ko rin mapigilan ang aking damdamin.
"Sorry Art di ko sinabi sa iyo, ayaw kong masaktan ka. Ayaw ko din lumayo ka sa akin. Mahal na mahal kita kaya sasamahan kita."
"Pero Leo HIV Positive ako. Hindi ko din alam kung nahawaan kita. Hindi ko kayang makita na pareho tayong mahihirapan.
"Art kaya nga tayo nagmamahalan kasi kahit sa pait at sakit dapat magkasama tayo. Alam kong mahirap, pero mahal kita. Mahal na mahal.
"Paano ka? May sakit ka din ba?
" Huwag kamg mag-alala, negative ako Art.
Hindi ko matanggap na bakit ganoon kapait ang mundo. Bakit ganoon kasaklap ang buhay. Ang tanging naging kasalanan ko lang naman ay maging isang bakla. Baklang nabuhay sa madilim na kahapon na natutunong lumaban at magmahal. Bakit ako pa ang nadapuan ng ganitong sakit at bakit ngayon pang alam ko nang mag nagmamahal sa akin. At alam ko ding balang araw ay iiwan ko din siya. Umuwi kami ng Baguio para maipaalam sa mgamagulang at kapatid ko ang kalagayan ko. Masakit din sa kanila ang pangyayari. Wala na kaming magagawa kundi tanggapin na sa huli iiwan ko silang lahat. Hindi din lingid sa akin na walang gamot ang sakit na ito. Ang tanging magagawa ko ay pahalagahan ang natitirang panahon na kasama ko pa ang mga mahal ko sa buhay.
Mas lumala pa ang sakit ko hindi na ako makatayo, mahina na ang aking katawan. Sa mga nakalipas na araw, buwan at taon naramdaman kong napakasayang mabuhay. Napakasarap mabuhay kasama ang mga mahal mo. Alam kong hindi na ako magtatagal. Nagising ako na katabi ko si Leo hawak niya ang aking mga kamay. Hinaplos ko ang kaniyang mga pisngi tiningnan ko siya ng matagal. Tumulo ang mga luha sa aking mga mata, luha hindi dahil sa marami akong maiiwan kundi masaya ako na hanggat sa huli hindi ako iniwan ni Leo pati na ang pamilya ko. Na kahit alam nilang ganito ang sakit ko mas ipinakita pa nila kung gaano ako kaimportante sa lahat. Muli kong ipinikit ang aking mga mata...
Mga ate wag magpakatanga! Walang gamot sa HIV pero may ARVs na nagmemaintain ng katawan para malabanan ang HIV. Mejo tricky iexplain pero may paraan para humaba ang buhay. Maraming HIV + na buhay na buhay ang katawan, puso at diwa. Hindi siya death sentence at all. Kung mahal man niya talaga mga tao sa paligid niya pahahabain pa niya bubay niya. Nakakaloka ang ignorance! Sana mali ako at naggagamot ang author
ReplyDeleteyeah I agree, huwag naman sanang dalhin sa maling pananaw o impormasyon para maging dramatic o magmukhang tragic ang story. Ang test result ay hindi binibigay ng ganun-ganon lang. I can't help it but comment. Kaloka naman. Yung boyfriend pa na hindi infected ang hindi magsasabi sa mismong infected. Itago ba naman ang result. Stress. And the fact na nakapagluto pa siya, my goodness gracious. Ang sakit sa bangs.
Deletete ang HIV na lalabanan, basta ok ang iyong katawan, sa pagkain at sustancya, para hindi umabot sa iba pang complekasyon.
ReplyDeletehayaan nyo na...nakikibasa nalang kayo e.
ReplyDeleteang ganda ng story mo at sana mag palakas ka para sa mga taong nagmamahal sayo lalu na kay leo.
Te patay n sya pumikit n nga ung mata at the end diba??
Deletehirap naman.ng binasa ko.dramatic sa gitna confused ako sa dulo hihi
ReplyDeleteHindi po death sentence ang mag ka HIV. Kahit nga ako na AIDS Stage 4 na, nanumbalik pa ang lakas dahil sa tamang gamutan (ARV) at sa pag iwas sa nakakasama gaya ng bisyo at unhealthy lifestyle.
ReplyDeleteTama po sila, dapat i-correct ang mali para hindi matakot ang iba, lalo lang po natin dinadagdagan ang stigma at discrimination kung maling impormasyon ang pinapahiwatig natin. Ang lifespan po ng HIV+ pareho lang ng sa negative. In fact mas healthy pa ang karamihang HIV+ kasi wala na sila bisyo at masustanya na pagkain nila at panay pa exercise.
If there is anything I would be extremely grateful, it is that I got infected and did not surrender. I fought back for my life and I'm trying to pay it forward and be there to others who are in need of caring and understanding because they are HIV+. Tulungan nyo po kami na labanan ang epidemya. Abstain, Be Faithful, Use Condom Correctly Consistently, Don't use Drugs or Drink Alcohol before sex, Empower and Educate yourself so you know what to do.
visit our website at the www.projectredribbon.org
How sad nman
ReplyDeleteas a writer, I admire the style of writing. the selection of words and the spontanious flow of the story, but what' I can constructively critizize towards the entire story was the poor impact.
ReplyDeleteit was to dramatic to the point of boredom. next time you should add an ice breaker in between espcially in a long tale.
but overall I love the story coz it doesn't sounds like fabricated . more stories..... thank you guys.
Abah matindeh!!!!Ang drama mo naman teh!!
ReplyDeletePush mo yan teh!!
Abah matindeh!!!!Ang drama mo naman teh!!
ReplyDeletePush mo yan teh!!
Ganda ng pagka construct ng story pinag isipan talaga mabilis lang ang twisting biglaan kung baga. . . At first parang hindi consistent, medyo boring in the middle part na pero bawing bawi sa sa last part . . . . . Thumbs up parin ako
ReplyDelete