By: Ali Alexandre
Simpleng tao lang ako na naghahanap ng taong may kakayanan na magmahal sa akin na walang halong panloloko o iba pang hindi magandang motibo. Sa panahon natin ngayon na napakahirap nang hanapin yung mga taong gusto mong makasama. Mahirap magtiwala agad at mahirap din na umasa na meron nga ba talagang mga taong para sa atin o isa lang itong paniniwala na kailanman ay hindi naman pala totoo.
Hindi naging madali ang buhay ko. Bata pa lang ako ay naghiwalay na ang mga magulang ko dahil sa ang Papa ko ay tipikal na babaero. Kumbaga sa sakit ay nasa terminal stage na ito at wala ng gamot. Mahirap lumaki nang hindi buo ang pamilya, pero mas mahirap siguro na lumaki kami ng Kuya ko magkasama nga ang mga magulang namin pero madalas naman sila mag-away. Siguro nga ito yung kapalaran namin at wala naman kaming choice ng Kuya ko kundi tanggapin ito at pagbutihin na lang ang buhay namin.
Bago ko simulan ang kwento ko ay magpapakilala muna ako, ako nga pala si Ali, 29 na taong gulang at kasalukuyang isang resident ng Pediatrics sa isang ospital sa Taguig City. Simple lang ako, medyo matangkad at meron namang presentableng itsura. May lahi kaming French dahil sa ang Lolo ko sa Papa ko ay Half-Pinoy Half-French. Natutunan ko sa buhay na dapat marunong ka makitungo sa mga tao dahil sila din ang tutulong sayo. Naging mapagkumbaba ako dahil sa mga experiences ko sa buhay.
Nakatira kaming tatlo ng Mama at Kuya ko sa Quezon City. Hanggang sa magcollege ako at magdorm malapit sa school sa Espana. Ang Mama ko naman noon ay umalis na papuntang US para magtrabaho at masuportahan kami ng Kuya ko na pareho kaming nasa College nung panahong yun. Mahirap mahiwalay sa pamilya pero kung sa ikakabubuti naman ng future namin ng Kuya ko ay inunawa ko ito. Mahirap maging mag-isa sa buhay, kahit na may mga kaibigan naman ako ay hindi ko pa din mahanap yung pakiramdam na makukuha mo lang sa isang tao. At yun ang sinubukan kong hanapin.
Natuto ako sa konsepto ng pagkakaroon ng partner nung nasa 3rd year undergraduate pa lang ako. Nag-aaral kasi ako noon sa Espana at madami akong nakilalang mga bisexual doon. Uso pa noon yung isang site na puro bi at gays lang ang gumagamit. Natututo ako gumamit nito at mas madami akong nakilala at isa na doon si Miguel. Mestiso at matangkad si Miguel at dahil dun ay madaming nagkakagusto sa kanya. Kahit na may itsurang maipagmamayabang si Miguel ay hindi naman sya naging mapili sa mga pakikitunguhan nya.
Isang tipikal na College boy si Miguel. Isa din syang estudyante sa university na pinapasukan ko. Sa kabilang dorm lang sya nakatira at walang nakakaalam sa pagkabisexual nya bukod sa akin. Madali kaming nagkasundo ni Miguel dahil sa pareho kaming mga discreet na bisexual. Halos naging bestfriend ko na sya bago pa man kami grumaduate sa College. Masaya ako na nakilala ko sya pero hanggang kaibigan lang ang tingin sa akin ni Miguel. Wala naman akong magawa kahit mahal ko sya, hindi ko dapat ipilit ang nararamdaman ko dahil sa ito ay mali kaya natututo akong makuntento sa pagiging magkaibigan namin.
Hindi alam na gusto din pala ako ni Miguel. Bago pa man ako mag-first year sa medicine ay inamin nya sa akin na may nararamdaman sya sa akin. Akala ko kasi noon ay walang nararamdaman si Miguel sa akin pero meron pala. Inamin ko din sa kanya ang nararamdaman ko at naging kami at yun na yata ang pinakamasayang araw sa buhay ko dahil sa wakas ay hindi na muli ako mag-iisa pa.
Movie dates, kain sa labas at iba ang mga nagagawa namin ni Miguel. Pero hindi naman kami yung tipong halata na magpartners. Mukhang magbarkada lang kami paglumalabas kami at ineenjoy namin ang mga sandali na magkasama kami. Nagkaroon ng trabaho sa hotel si Miguel bilang chef at ako naman ay nag-aaral ng medisina. Napagkasunduan namin na tumira sa isang condominium na malapit sa hotel at sa school na pinapasukan ko. Naging masaya ang pagsasama namin ni Miguel at mas lalong naging matindi ang pagmamahalan namin. Hindi ko alam na ganun pala kasarap sa pakiramdam na may katabi kang matulog at gigising na kasama sya, pero hindi ko alam na panandalian lang pala ang saya na nararamdaman ko nung mga panahong yun.
Halos dalawang taon din kami tumira ni Miguel sa condo. Hindi naman palaging masaya ang bawat sandali namin, minsan nagkakaaway din kami pero naayos din naman bago kami matulog. Sa ilang taon na pagiging magpartner ni Miguel ay masasabi ko na sya na talaga yung taong para sa akin. Wala na kasi akong mahihiling pa. Halos naibibigay naman sa akin ni Miguel ang mga pangangailangan ko bilang partner nya at ganun din naman sya sa akin. Alam ko na palakaibigan si Miguel, pero wala akong ideya na mauuwi ito sa iba.
Matagal na nyang kaibigan si Greg, magbestfriends silang dalawa. Bisexual din si Greg kagaya namin. Mabait sya at marunong makisama, pero hindi ko alam na may namamagitan na pala sa kanila sa loob ng isang taon. Isang lihim na magaling na naitago ni Miguel sa akin.
Pero marunong ang tadhana at hindi nya ako pinagmukhang tanga, kahit na matagal na pala akong nagmumukhang tanga ay hindi naman ito masyadong nagtagal. Nalaman ko na may relasyon sila nang marinig kong sabihin ni Miguel na “I love you so much Greg” sa phone. Halos madurog ako nung marinig ko ito. Hindi ko kasi maisip kung bakit nagawa sa akin ni Miguel ang bagay na yun. Alam ko hindi ako perpektong partner sa kanya pero alam ko din sa sarili ko na hindi naman ako nagkulang sa kanya. Naluha ako sa mga narinig ko. Halos kabisado ko ang bawat pagbigkas ni Miguel pati ang tono nito na parang paulit ulit kong naririnig.
Hindi ko kaagad pinahalata na may alam ako, pero hindi ko maiwasang maging malamig sa kanya. Kumbaga sa sports ay foul talaga ang ginawa nya, mahal ko si Miguel pero hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nang makahalata si Miguel ay inamin ko sa kanya ang nalaman ko. Para akong bomba na sumabog sa harapan nya. Hindi nya alam ang sasabihin nya at umiyak sya sa harap ko. Humingi ng tawad sa akin si Miguel at nangakong hindi na nya ito uulitin pa. Dahil sa mahal ko sya ay pinagbigyan ko si Miguel, alam ko naman na lahat ay pwedeng magkamali at isa na sya dito.
Sinubukan namin na mag-umpisa muli. Nabawasan na ang tiwala ko sa kanya pero hindi ang pagmamahal ko. Nanatili akong faithful sa kanya at nangako ako sa sarili ko na hindi ko yun gagawin sa kanya. Masakit kasi na malaman mo na may iba pala ang partner mo at kahit ginawa sa akin ni Miguel yun ay ayoko din naman na maranasan nya ito.
Makalipas ang ilang buwan ay akala ko ay maayos na kami. Pero nagkikita pa din sila ni Greg na ikinagalit ko. Nalaman ko din sa ilang kaibigan na madalas nilang magkita sila Miguel at Greg na akala nila ay alam ko. Sa puntong yun ay nasira na ang pagtingin ko kay Miguel. Alam ko may dahilan kung bakit sila magkasama ni Greg pero ayoko nang marinig yun. Pakiramdam ko ay paulit-ulit akong binaboy at ginago ni Miguel. Sa sobrang sama ng loob ko ay umalis ako ng unit at pumunta ng Tagaytay mag-isa. Doon ako nagpalipas ng gabi at dun ko iniyak ang lahat. Siguro nga panahon na para i-let go si Miguel. Totoo din kasi na kung ang mahal mo ay naghanap ng ibang mamahalin, ibig sabihin nun ay hindi ka nya mahal, kasi hindi naman kasi sya maghahanap pa ng iba kung mahal ka nya talaga.
Nanatili akong kalmado nang makabalik ako sa tinirhan namin. Hindi ako nagpahalata kay Miguel. Naging casual lang ako sa kanya. Hanggang sa kinabukasan ay naospital ang Daddy nya dahil sa masama daw ang pakiramdam nito. Dinala ko ang Daddy nya sa ospital dahil wala sya para mag-asikaso sa Daddy nya at alam ko na magkasama silang dalawa ni Greg. Nalaman ng mga doktor na nagkaroon ng Myocardial Infarction ang daddy nya at nasa delikadong kondisyon ang Daddy ni Miguel. Sinubukan kong tawagan si Miguel pero out of reach ang cellphone nya. Kami lang ng Mommy ni Miguel ang magkasama buong araw habang nasa ICU ang Daddy nya. Halos 24 hours na ang lumipas at out of reach pa din ang cellphone ni Miguel.
Hindi ko iniwan ang Mommy nya kahit na isang araw na kami sa ospital. Nacomatose ang Daddy ni Miguel at mas lalo pang lumulubha ang lagay nito. Doon ko lang nacontact si Miguel na pinapatawag ako ulit dahil sa may ginagawa yata sila ni Greg nung oras na yun. Bigla kong sinabi na nasa ospital ang Daddy nya bago pa man nya maibaba ang phone. Nagmadaling pumunta si Miguel sa ospital at nakita nya kami ng Mommy nya, dito ay nag-iyakan silang dalawa dahil sa takot na baka kung anong mangyari sa Daddy nya. Dito ay umiyak sa akin si Miguel, at kinomfort ko sya, bilang isang kaibigan at hindi na bilang partner nya.
Hindi nagtagal ay nawala din ang Daddy ni Miguel. Hindi nya kinaya ang kalagayan nya at tuluyan nang nagpaalam. Sobrang sakit nito kay Miguel at sa Mommy nya. Hindi ko iniwan si Miguel kahit na alam ko na si Greg ang gusto nyang makasama at hindi ako. Pero hindi ko nakita ni minsan si Greg kahit nung nasa ospital pa lang at nung nasa wake ng Daddy nya. Marahil ay sinabihan sya ni Miguel na wag pumunta dahil nandun ako. Sobrang depressed si Miguel nung mga panahong yun. Hindi na sya bumabangon sa kama at halos hindi na din kumakain. Pinatiyagaan kong asikasuhin si Miguel at ipinakita ko sa kanya na hindi pa natatapos ang buhay nya sa pagkawala ng Daddy nya. Dito ay nagkaroon kami ng masinsinang pag-uusap at ipinaramdam ko na kung kailangan nya ako ay nandyan lang ako palagi para sa kanya, dito ay niyakap ako ni Miguel nang mahigpit at hinalikan nya ako sa noo.
Nagpaappointment ako sa isang psychologist at spiritual counselor para matulungang magmove on si Miguel. Ako ang sumasama sa kanya sa bawat session, importante ang mga ito para kay Miguel kaya hindi ko sya iniwan nung mga panahong yun. Kahit na mahirap ay sinubukan ni Miguel na magmove on at hindi nagtagal ay natanggap na din nya ito.
Bumalik ang dating sigla ni Miguel at mas lalo syang naging attached at affectionate sa akin. Siguro ay naramdaman nya na mahal ko sya kaya gusto lang nya ibalik sa akin. Natuwa ako sa mga pinapakita nya sa akin, pero sa loob ko ay alam ko na maaari nyang ulitin ang ginawa nya sa akin, ang pagtataksil nila sa akin ni Greg. Nang makita ko na kaya na ni Miguel ay iniwan ko na sya. Umalis ako sa condo na dala dala ang mga gamit ko. Hinintay ko syang makabalik bago ako umalis, para makapagpaalam ako.
Nagulat si Miguel sa mga sinabi ko sa kanya. Pinipilit nyang wala lang ang sa kanila ni Greg, na mali ang iniisip ko. Nagmaakawa si Miguel na wag ko sya iwan, pero sa huli nanaig ang kagustuhan ko na kumawala sa relasyon namin. Masakit din para sa akin ang mga ito at ipinaliwanag kong itong mabuti kay Miguel at umalis na ako. Akala ko noon ay mas magiging mapayapa ako pag iniwan ko na sya pero hindi pala. Mahirap din na sa halos dalawang taon na pagsasama namin ay mauuwi lang kami sa hiwalayan. Alam kong hinding hindi ko sya maiintidihan kung bakit nya nagawa sa akin yun pero may dahilan ang mga iyon. Siguro nga may mga bagay na hindi ako naipakita sa kanya o naiparamdam na kay Greg lang nya nakita.
Lumipat ako sa isang condo na may kalayuan sa school pero ayos lang dahil kasama ko naman ang kaibigan ko na isa ding bisexual na si Stephen. Kung ikukumpara sa akin, mas maswerte si Stephen pagdating sa love life nya, meron kasi syang partner na almost 5 years na sila at kita mo naman na loyal at faithful sila sa isa’t isa. Madalas akong ayain ni Stephen sa mga social gatherings ng mga bisexual at madalas din akong tumanggi. Pakiramdam ko kasi hindi pa ako handa sa mga ganun.
Madalas akong bisitahin ni Miguel sa bagong tinitirhan ko. Dito ay para nya akong sinusuyo na parang nanliligaw sa isang babae. Alam ko naman ang talagang pakay nya pero paulit ulit kong nilinaw sa kanya na tapos na ang sa amin. Sa isang banda ay alam ko din naman sa sarili ko na gusto ko pa ding makipagbalikan sa kanya, na parang gusto kong bigyan sya ulit ng pangalawang pagkakataon bilang tao na hindi naman perpekto at nagkakamali din. Pero naalala ko ang sakit na naramdaman ko at ito ang nagsabi sa akin na tuluyan nang iwan si Miguel. Pero hindi talaga sya tumigil at patuloy pa din sya sa mga ginagawa nya. Dito ay napag-isipan ko na maghanap na lang ng iba para tigilan na ako ni Miguel, na kahit yung magkukunwari lang na kami para tigilan na nya ako.
Minsan ay inaya akong muli ni Stephen na magcelebrate ng Independence Day sa isang club sa Makati. Dahil madalas akong tumanggi sa kanya ay sumama na din ako sa kanya. Gusto ko din kasi makakilala ng mga bisexuals na pwedeng maging kaibigan. Kahit na mahirap bumuo ng panibagong pagkakaibigan ay alam ko na wala namang mawawala sa akin kung susubukan ko ito.
Nang makarating kami sa venue ay ipinakilala ako ni Stephen sa mga kaibigan nya. Mga gwapo at malalaki ang mga katawan nila na hindi mo aakalaing mga bisexual sila dahil sa hindi halata sa itsura at kilos nila. Nang medyo tumatagal na ay hinayaan ko si Stephen na iwan muna ako para makausap nya ang iba nyang mga kaibigan. Tumambay ako sa table namin at umorder ng drinks habang pinapanood ang mga nagsasayawan sa dance floor.
Maya-maya pa ay nilapitan ako ni David, yung isa sa mga kaibigan ni Stephen na pinakilala nya sa akin pagdating namin sa venue. Half-Chinese Half-Pinoy si David na kakaiba ang appeal, gwapo at halatang malaki ang katawan. Nakuha nya agad ang atensyon ko nung makilala ko sya, kung tutuusin ay hindi naman ako mahilig tumingin sa itsura pero kakaiba ang dating ni David. Masarap syang kausap at hindi boring. Hinahayaan nya ako magkwento at puno sya ng buhay kausap. Nalaman ko na sa parehong school kami nag-aaral pero sa Quezon City nga lang sya at graduate na sya at ako naman ay sa Pasig Extension School nag-aaral. Si David ang bumuo ng gabi ko dahil sa naging magaan ang pakiramdam ko sa kanya na parang matagal na kami magkakilala. Napadami na ang iniinom namin at medyo tinamaan na kami ng kalasingan. Dahil dito ay napagpasyahan na naming umuwi, nang mahanap ko si Stephen ay nagpaalam na ako na uuwi na at sinabi ni David na ihahatid nya ako sa amin. Nang lumabas kami ni David ay tawa kami ng tawa, dahil sa kakatawa namin ay nahulog ang susi ng sasakyan nya sa madilim na parking lot at biglang bumuhos ang ulan. Hindi namin alam ang gagawin namin kung sisilong kami o hahanapin ang susi para makapasok kami sa sasakyan nya. Sinabi ko na lang na hanapin namin at nang mahanap namin ito ay basang basa na kami sa ulan. Nang makasakay kami sa sasakyan nya ay mabilis na drinive ni David ang sasakyan nya papuntang condo nya para makapagpatuyo kami at makapagpalit ng damit. Nang makarating kami ng condo nya ay pinauna nya akong maligo at pinahiram ng mga damit. Hinintay ko syang matapos at tumayo ako sa balcony ng condo nya na kitang kita ang Makati Skyline. Hindi ko namalayan na tapos na pala si David at may humalik sa balikat ko na ikinagulat ko. Nang humarap ako ay niyakap ako ni David habang nakatapis lang sya ng tuwalya sa bandang bewang. Nagulat ako sa ginawa nya. Maniwala kayo o sa hindi, pero ni kailanman ay hindi kami nagkaroon ni Miguel ng isang totoong sex.
Nang niyakap ako ni David ay alam ko sa sarili ko ang susunod na mangyayari. Ginusto ko din ito, siguro isa ‘to sa mga naging frustration ko nung kami pa ni Miguel. Bigla nya akong hinalikan sa labi at maya-maya pa ay nanlaban din ako. Napayakap din ako sa balikat ni David habang ibinababa nya ang boxers na suot ko. Inalis din ni David ang tuwalyang nakabalot sa kanya at hinubad din nya ang T-shirt na suot ko. Magkayakap ang aming hubad na mga katawan at hiniga nya ako sa kama nya. Doon ay naghalikan kami ni David na parang matagal nang magkasintahan. May dating ang mga halik ni David sa akin, masuyo ito at hindi garapal. Pakiramdam ko ay para kaming mag-asawa na naghohoneymoon ni David. Maya maya pa ay nagsuot na sya ng condom. Inamin ko sa kanya na yun ang first time ko. Dinamihan nya ang lubricant at dahan-dahan nya akong pinasok. Nagpaubaya ako kay David dahil sa alam ko na hindi naman nya ako sasaktan at palagay ang loob ko sa kanya. Napapaungol ako sa sakit nung una pero dahil sa gusto ko din naman ito ay nawala din ang sakit na nararamdaman ko. Patuloy pa din si David sa pagpasok sa akin hanggang sa marating namin ang rurok habang naghahalikan. Nang matapos kami ay niyakap ako ni David na parang partner nya. Dahil sa pagod ay hindi na kami nakapagbihis at nakatulog nang magkayakap. Nang magising ako nung umaga ay nakayakap sa akin si David at nakaramdam ako ng kakaiba. Pero alam ko na minsan possible na magka-inlovan ang dalawang tao dahil sa sex, pero ayoko naman na mangyari ito sa amin na maging foundation ng magiging relasyon namin ay sex lang dahil kailanman ay hinding hindi ito magiging successful.
Dahil sa nangyari sa amin ni David ay napagpasyahan naming maging fuck buddies o fubu. Marahil isa itong pagrerebelde sa sarili ko dahil ito yung isang bahagi na hindi namin nagawa ni Miguel. Siguro dahil na din sa naghahanap ako ng isang tao na mararamdaman ko yung pagmamahal nya, ay napapayag din ako. Halos twice a week kami magkita ni David at gawin ito. Masaya naman ako sa mga nangyayari sa amin pero alam ko na baka panandalian lang ito. Sa tuwing may nangyayari sa amin ni David ay nararamdaman ko na may concern pa din sya sa akin, na sinisigurado nyang hindi ako nasasaktan at pareho kaming nasasarapan. Kailanman ay hindi ako nakaramdam na binaboy ako ni David sa tuwing may mangyayari sa amin. Yun na lang marahil ang pinanghawakan ko na baka nga may nararamdaman din si David sa akin pero ayokong pakasigurado dahil sa masasaktan lang ako sa kakaasa. Pero hindi ko maitatanggi na mahal ko na si David, hindi lang dahil sa madalas na may mangyari sa amin kundi sa mga pinapakita nya sa akin na pag-aalaga, na parang mas nahigitan na nya si Miguel.
Nakita na kami ni Miguel na magkasama ni David, dito ay nilapitan nya kaming dalawa at nagpakilala sya kay David na ex ko sya. Nagulat ako sa sinabi ni David na sya ang bago kong partner, hindi na ako nakapagsalita at kitang kita ko sa mukha ni Miguel ang selos, matapos nun ay nagpaalam na sya at umalis na. Nginitian ako ni David at sinabi nya na niligtas lang nya ako sa kapahamakan, na ikinatuwa ko.
Napagkasunduan namin noon ni David na hangga’t maaari ay wala sanang mabuo na emotional attachment sa aming dalawa. Dahil sa sex lang ang nag-uugnay sa amin ay mas ginalingan ko pa dahil sa ayoko na din na mawala sa akin si David at umasa din ako na magbago ang mga kondisyon naming dalawa. Madalas kaming kumain sa labas na parang magbarkada, nararamdaman ko din yung pag-aalaga nya sa akin na taliwas sa una naming napag-usapan. Hinayaan ko lang ang pagkakataon na kumilos para sa amin ni David pero hindi ito masyadong umusad. Bukod sa sex ay madami din kaming napagsaluhan ni David, mga kasiyahan, problema at iba pa na malayo sa sex, kung tutuusin ay parang naging magbestfriends din kami ni David at bonus na lang yung may nangyayari sa amin. Nang tumatagal ay hindi na madalas na may nangyayari sa amin, mas naging seryoso ang samahan namin at bihira nang may mangyari sa amin, at mas pinahalagahan namin ang pagkakaibigan na nabuo sa aming dalawa.
Sa halos dalawang taon naming pagiging magkaibigan namin ay may nahanap na din si David na taong mamahalin nya, at sa kasamaang palad ay hindi ako yun at yun ang pagkakataon na nagpaalam na kami sa isa’t isa.
Nagkaroon kami ng isang gabi na magkasama kami ni David, kinabukasan kasi ay tatanungin na nya yung nagugustuhan nya kung papayag ito na maging sila na. Dito ay nagkausap kami ni David at pinaalam ko sa kanya na mahal ko sya, kahit sya ay inamin nya na mahal nya ako pero hindi nya gusto na ipagpatuloy ang sa amin dahil sa nag-ugat lang ito sa isang sex. Mas pinili naming dalawa na maging magkaibigan na lang at masaya ako na hindi pa din sya tuluyang nawala sa akin. At sa huling pagkakataon ay may nangyari sa amin, dito inilabas ko ang lahat ng emosyon at pagmamahal ko kay David. Nang magising ako nung umaga ay nag-ayos na ako, nang paalis na ako ay hinalikan ko sa noo si David habang natutulog sya, hindi ko namalayan na nagising sya at hinawakan ako sa kamay at hinalikan nya ito. Umalis ako sa unit nya dala dala ang sakit sa pakiramdam.
Naiyak ako sa sasakyan habang papauwi sa condo, sa huli ay ako pa din pala ang talo sa isang laban na akala ko ay mananalo ako.
Dinibdib ko ang paghihiwalay namin ni David, gusto ko man humanap ng iba pero alam ko na wala nang papantay sa pag-aalaga sa akin ni David. Ayoko din naman na magpaka-wild para lang mapunan yung mga urges ng katawan ko. Nagfocus na lang ako ng mabuti sa pag-aaral ko at sinubukang kalimutan ang lahat.
Minsan ay napagpasyahan kong mag-grocery. Sa dinami-dami ng grocery sa Metro Manila ay sakto namang nakasalubong ko si David at ang partner nya. Ipinakilala ni David sa akin si Harvey, mabait si Harvey at alam ko na mabuting tao sya, kaya hindi na ako nagtaka na minahal sya ni David, dito ay naramdaman ko ang concern sa akin ni David at inaya pa nya ako na maglunch kaming tatlo na maayos kong tinanggihan. Bago kami magkahiwalay ni David ay sinulyapan nya ako at ngumiti sya sa akin at napangiti din ako sa kanya.
Makalipas ang isang buwan ay naglinis ako ng kwarto. Dito ay nakita ko yung singsing na binigay sa akin ni David nung birthday ko bago kami magkahiwalay. Isa daw itong symbolism na sa kanya lang ako physically. Natawa ako nung maalala ko kung paano sinabi yun sakin ni David, may halong pagbabanta kasi na bubugbugin nya yung taong makikita nya na inaagaw ako sa kanya. Muli kong sinuot ang singsing at naramdaman ang presensya ni David. Nagbigay ito sa akin ng ngiti pero alam ko na hindi na valid ang usapang yun at inilagay ko ito sa box. Napagpasyahan ko na isauli na ito kay David dahil sa hindi na ako sa kanya physically.
Dahil sa naging maganda naman ang paghihiwalay namin ni Miguel ay naging magkaibigan din kami. Nung dumating ang birthday nya ay nag-aya sya ng isang dinner sa hotel na pinagtatrabahuhan nya. Kasama ang iba naming barkada at si Stephen ay masaya kami nagcelebrate ng birthday nya. Nang matapos ang dinner ay nag-uwian na ang iba naming kasama at nagpunta kami ni Miguel sa room nya sa hotel. Habang umiinom ng wine ay alam ko na may ibang binabalak si Miguel. Nang makuha na nya ang tyempo ay hinalikan nya ako sa labi. Nakayakap ako sa kanya habang bumaba ang halik nya sa leeg ko at hindi ko sinasadyang mabanggit ang pangalan ni David. Dito ay tumigil sya at nagalit sya sa akin. Hindi ko din alam ang sasabihin ko at nagsorry na lang. Maya-maya pa ay nagpaalam ako na uuwi na at pumasok sa comfort room si Miguel at idinabog ang pinto. Pagkatapos nun ay umalis na ako at umuwi na.
Pagdating ko sa condo ay nandoon si David na kausap ni Stephen. Nagpaalam si Stephen na matutulog na para makapag-usap kami ni David. Kinuha ko ng maiinom si David at inaya ko sya na mag-usap sa balcony. Napansin ni David na may dinadamdam ako kaya tinanong nya ako. Sa una ay itinanggi ko na wala pero dahil sa pangungulit nya ay napaamin din nya ako. Sinabi ko sa kanya na nagalit sa akin si Miguel dahil sa nabanggit ko ang pangalan nya nung hinahalikan ako, na ikinatawa ni David at simula noon ay gumaan na ang pakiramdam ko. Hindi pa din nagbago ang pagtingin sa akin ni David, may concern pa din sya sa akin at pinupuntahan pa din nya ako sa condo bilang isang kaibigan, dito ay nagkwento din sya sa akin ng tungkol sa kanila ng partner nya, na kahit daw nagkakaproblema sila ay naayos din naman, at inamin sa akin ni David na hindi pa din daw nya ako nakakalimutan.
Makalipas ang isang araw ay si Miguel naman ang dumalaw sa akin sa condo, nagsosorry sya sa hindi magandang nangyari sa amin nung birthday nya, inaya nya ako na magdinner sa SM Megamall at pumayag naman ako. Nang makaupo kami sa restaurant ay napansin ko na may nakatingin sa akin, at nang tumingin ako ay si David pala ang nakatingin sa akin, nakaupo sila sa kabilang table kasama ang partner nya. Hindi maganda ang mood ni David nung nakatingin sya sa akin, marahil ay nag-away sila ng partner nya habang kumakain pero nang tignan ko ang partner nya ay mukhang masaya naman ito. Hindi inalis ni David ang tingin nya sa akin samantalang ako ay naiilang na. Hindi nahalata ni Miguel na may nararamdaman akong ilang. Nagkunwari na lang ako na masaya at hindi masyadong nagpaapekto kay David, nang matapos kami ay inaya ko na manood kami ng sine ni Miguel para lang makaalis sa restaurant na yun. Hindi ko naman inaasahan na tatayo si David nung paalis na kami, ay dumiretso sya sa aming dalawa ni Miguel. Kinamusta ni David si Miguel at inaya kaming dalawa sa table nila para ipakilala si Miguel sa partner nya, dito ay ipinagdiinan ni David na ex ko si Miguel. Alam ko na baka mag-away ang dalawa kaya inaya ko na si Miguel papalabas at nagpaalam na kami. Bago pa man kami makaalis ay binigyan ako ni David ng isang sarkastikong ngiti. Nasira ang gabi ni Miguel nang dahil sa nangyari. Hindi na kami nanood ng sine at umuwi na lang. Hinatid nya ako sa amin at saka sya umalis pero naiwan ni Miguel ang paborito nyang panyo sa couch. Maya-maya pa ay may nagdoorbell, sa pag-aakala ko na si Miguel yun para balikan ang panyo nya ay nagkamali ako, si David pala yun at bigla syang pumasok at niyakap ako ng mahigpit.
“Nagseselos ako” ang tanging nasabi ni David habang nakayakap sya akin. Hindi ako makakilos pero napayakap din ako sa kanya. Bigla nya akong hinalikan sa noo na ikinagulat ko at itinulak ko sya. Nagalit ako dahil sa ayokong maging parte ng pagiging taksil nya sa partner nya. Dito ay inamin ni David na mahal na mahal nya ako at hindi lang daw sex ang nag-uugnay sa amin, pero alam ko na mali ito dahil sa may partner na sya. Gusto ko din sana sabihin na mahal ko din sya pero mauuwi lang ito sa isang pagkakamali dahil may niloloko kaming isang tao. Sinabi ko na lang na umuwi na sya at baka nagkakamali lang sya ng nararamdaman nya. Sinunod naman ako ni David pero bago sya umalis ay hinalikan nya ako sa labi, isang pagkakataon na parang ayoko sanang matapos nung gabing yun.
Masyadong madaming gumugulo sa isip ko nung mga oras na yun, kaya tinawagan ko yung spiritual counselor na kilala namin ni Miguel, dito ay sinabi ko ang lahat lahat ng mga saloobin ko at kung gaano ko kamahal si David pero hindi naman pwede. Pinayuhan nya ako na ang lahat ng tao ay may karapatan sa second chances, bilang tao, hindi tayo perpekto, may mga bagay na mali, pero nagagawa natin yun, at sa huli malalaman natin na hindi pala ito dapat nangyari kaya may second chances para matuto tayo na maitama ang mga yun at kung mapagbigyan ay maipagpatuloy ang mga bagay na dapat nangyari noon pa. At ang huli ay ang kaligayahan ng tao, na minsan lang tayo mabubuhay kaya piliin natin yung mga bagay na makakapagpasaya sa atin na walang tinatapakang ibang tao.
Dito ay natauhan ako sa mga narinig ko, at ang lahat ay patungkol kay David. May isang bahagi ng pagkatao ko na nangungulila kay David pero ayokong makasakit ng tao dahil minsan ko ding naramdaman na mapagtaksilan kaya alam ko ang pakiramdam nito.
Nagfocus na lang ako sa nalalabing isang taon ko sa medisina, dito ay mas naging pursigido ako na makapagtapos para sa aking pamilya at sa aking sarili. May mga pagkakataon pa din na nagkikita kami ni David pero hindi na kami ganun ka-close. Sa huli ay mag-isa pa din pala ako, na ang pag-ibig na inakala kong tatapos sa pag-iisa ko ay sya din pala ang magiging dahilan kung bakit mag-isa pa din ako.
Nang makagraduate ako sa medisina ay napagpasyahan kong sa US na lang mag-specialty para din makasama ko ang Mama ko at ang Kuya ko. Bago pa man ako umalis ay tinawagan ko si David at nagset ng date para magkita kami at para makapagpaalam sa kanya. Dito ay sinabi ko ang lahat sa kanya, ang mga takot ko noon na mawala sya at ang pagmamahal ko sa kanya na hindi nabawasan kahit ilang taon na din ang lumipas, inamin ko sa kanya na umasa ako na mamahalin nya ako kagaya ng pagmamahal nya sa partner nya. Naiyak ako sa mga sinabi ko sa kanya, siguro isa itong pamamaalam sa kanya, na sa kabila ng mga nangyari sa amin ay handa na akong iwan ang mga bagay na maganda at hindi maganda sa amin para makausad na kami sa mga buhay namin. Ibinalik ko din ang singsing na ibinigay nya sa akin dati pa sabay sabi na hindi na ako sa kanya, na ikinatawa namin pareho. Bago kami maghiwalay ay ipinaalam sa akin ni David na hiwalay na sila ng partner nya at kung kailan naman syang handa na magsimula ulit na kasama ako ay wala nang pagkakataon, at hindi nya daw ako pipigilan sa mga pangarap ko. Sinabi ko na mas magiging masaya ako kung makakakita ako ng mga maliliit na David balang araw. At nang maghiwalay kami ay hinalikan nya ako sa labi at tuluyan na kaming nagpaalam sa isa’t isa. Sa Facebook ko na lang nakikita si David simula noon, nalaman ko na nakapag-asawa na sya ng isang babae, hindi man kami nagkatuluyan ni David noon ay masaya ako na hindi nawala sa kanya yung pag-asa na magiging masaya sya.
Doon na sa US nagmigrate si Miguel at ang Mommy nya, malapit lang sa amin sina Miguel nakatira kaya madalas kaming magkita at magkasama. Dahil sa halos dalawang taon na maging magpartner ay hindi naman nawala ang turingan namin sa isa’t isa. Hindi man namin aminin ay alam namin na may natitira pa ding pagmamahal para sa aming dalawa. Sa loob ng limang taon ay hindi namin pinilit ang mga bagay bagay sa amin. Pero may ibang plano ang tadhana sa amin at naging kami din ulit. Second chance para kay Miguel at sa aming dalawa. Mas naging matured ang relasyon namin at bihira lang kami kung magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Siguro nga eto lang yun hinihintay namin na pagkakataon, na magmatured kaming dalawa para sa isang relasyon na maayos at puno ng pagmamahalan.
Naging maayos ang naging buhay ko doon kasama ang pamilya ko at si Miguel, nagspecialty ako sa Pediatrics sa isa sa mga ospital doon, nakasama ko ang pamilya ko na ilang taon ko ding hindi nakasama, kahit na kami na ulit ni Miguel ay inaamin ko na hindi ko pa din nakakalimutan si David. Pinanghahawakan ko na lang yung alam ko na masaya sya sa buhay pamilya nya. Naging inspirasyon ko araw-araw si David, ang mga magaganda kong alaala sa kanya ay aking binabalikan sa tuwing panghihinaan ako ng loob sa buhay. Alam ko na balang araw ay tuluyan ko nang makakalimutan si David.
Makalipas ang 5 na taon ay natapos ko ang training ng specialty ko sa US at napagpasyahan namin na umuwi kaming lahat ng Pilipinas dahil sa ikakasal ang Kuya ko at may offer din ako for 6 months probationary residency sa isang ospital sa Taguig City. Tinaggap ko ang offer sa akin para na din makasama ko ang mga kaibigan ko at makapagbakasyon na din dahil sa stress ng training sa ospital sa US. Hindi nakasama si Miguel sa amin sa Pilipinas dahil sa hindi sya pinayagan magleave sa trabaho nya. Naintindihan ko naman yun at hindi ako nagdamdam na hindi sya nakasama sa amin. Sinabi din nya na makipagkita ako kay David.
“I-meet mo si David, after all naging kaibigan mo naman sya diba?” ang sabi sa akin ni Miguel habang nasa airport kami.
“He’s more than a friend” ang sagot ko kay Miguel at nagpaalam na ako sa kanya.
Nang makarating kami ng Pilipinas ay nakilala ko din ang dalawa kong kapatid na lalaki sa Papa ko, mga teenagers na sila at hindi din naman nalalayo ang itsura sa amin ng Kuya ko. Isinama sila ng Kuya ko sa entourage at ipinakilala sa mga kamag-anak namin na kapatid namin, masaya ako nung mga panahong yun dahil may picture kami na kumpleto kami. Nagkaroon na din ng closure ang Papa at Mama ko na pareho nilang hinatid ang Kuya ko sa altar at nakilala din namin ang asawa ng Papa ko. Hindi ko naisip na maaari pa pala itong mangyari sa amin na sa kabila ng mga imperfections ay sa huli ay maayos at masaya pa din kami.
Para akong bumalik sa dating panahon kasama ang mga kaibigan ko. Walang tigil na tawanan at out of town kasama sila, pinayuhan ako ni Stephen na makipagkita kay David.
“Para saan pa?” ang sabi ko kay Stephen.
“Palagi ka nyang hinahanap sa akin, tinatanong kung kelan ka daw uuwi, mukhang namimiss ka nung tao” ang sabi sa akin ni Stephen. Napaisip ako kung bakit ako palaging hinahanap ni David at yun ang nagtulak sa akin na makipagkita sa kanya, pero kung paano, kalian at saan kami magkikita ay hindi ko pa din alam.
Hindi ko na naisip na maaari ko pang makita si David noon dahil sa ayoko nang makagulo pa sa buhay nya.
Nang magsimula ako ng residency sa ospital sa Taguig City ay naging busy ako dito, isang araw ay may naging pasyente kami na 1 year old na baby boy, iyak sya ng iyak siguro ay hinahanap nya ang parents nya dahil yaya lang nya ang kasama nya habang nasa exam room sya. Dahil hindi sya mapatahan ng mga co-residents ko at ng yaya nya ay kinarga ko sya, nakaramdam ako ng kakaiba nung karga ko sya, magaan ang loob ko sa batang ito at parang may kamukha syang pamilyar sa akin. Napatahan ko ang baby at tuwang-tuwa sya sa akin, nang tapos na ang check-up ay tinawag ng yaya sa cellphone ang Daddy ng bata. Nang makarating ang Daddy nya ay tinawag sya ng co-resident ko.
“Sir David Berenguer?” ang sabi ng co-resident ko. Napatigil ako habang narinig ko ang boses nya habang nakatalikod ako at karga ko ang baby nya. Alam ko na si David yun at hindi ako nagkakamali, para akong nanigas nung mga oras na yun. Biglang lumapit si David sa akin dahil kukunin na nya ang baby nya at nang humarap ako sa kanya ay nagulat sya na ako ang nasa harap nya, ang David na minahal ko noon ay ang ama ng baby na karga ko. Hindi din nakapagsalita kaagad si David habang chine-check up ng co-resident ko ang baby nya. Nang matapos ang assessment sa baby nya ay nginitian nya ako at niyakap nya ako habang nasa gitna namin ang baby nya, sa hindi ko maipaliwanag na pagkakataon ay napatawa ang baby nyang si Axel, na inihawig daw nya sa pangalan kong Ali.
“Hihintayin kita, gusto ko lang makapag-usap tayo” ang sabi ni David habang papalabas kami ng exam room.
“Next time na lang, tsaka kawawa naman si Baby Axel paghihintayin mo pa at yung wife mo?”
“I insist, hihintayin ka namin ni Axel, diba Axel?” ang sabi ni David sa baby nya at tumango ito na parang naiintindihan. Nang pumayag ako ay iniwan ko silang dalawa para kunin ang gamit ko dahil sa patapos na din naman na ang shift ko, biglang umiyak si Baby Axel at humahabol sa akin na ikinatuwa ni David.
Nang makarating kami sa bahay nila ay inamin sa akin ni David na iniwan na sila ng Mommy ni Baby Axel, at peke din daw ang kasal nila. Nalungkot ako sa mga sinabi ni David, sa mga pagkakataong akala ko na masaya na sya sa buhay nya ay hindi pa pala, nakatulog sa akin si Baby Axel at inilgay namin sya sa crib nya at nakapag-usap kami ni David.
“So technically, single pa din ako” ang biro sa akin ni David.
“Mukha nga” ang sagot ko sa kanya at nagtawanan kami.
Napansin ko din na suot ni David, kahit nung nasa ospital pa lang, ang singsing na ibinigay nya sa akin noon, na ibinalik ko sa kanya dati nung naghiwalay kami bilang buddies. Alam ko na yun ang singsing ko dati dahil iisa lang na design yun na pina-customise ni David, natuwa ako na hindi nya ito isinantabi at siguro suot nya ito dati pa bago pa man ako bumalik ng Pilipinas.
“Pero hindi ako officially single, may mahal na kasi ako eh” ang sabi ni David sa akin habang nakangiti na alam ko kung sino ang tinutukoy nya. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang mararamdaman ko nun, pero sigurado ako na masaya ako sa mga naririnig ko. Maya-maya pa ay nagdinner kami sa dating restaurant na madalas naming kainan dati at sa mga lugar na kung saan kami madalas magpunta noon. Inaamin ko naman na hindi nawala ang pagmamahal ko kay David na kahit lumipas na ang mga taon ay sya pa din ang naiisip ko kahit nung nasa US pa ko. Masayang masaya ako nung gabing yun kasama si David at bago pa man matapos ang gabi ay hinatid nya ako sa amin at nangako sya sa akin na madalas na kaming lalabas na dalawa.
Sa tuwing matatapos ang shift ko ay palagi akong hinihintay ni David at dinadala sa mga restaurant na pag-aari nila ng mga kabarkada nya. Simula nung magkita kami ni David ay hindi na kami nagkahiwalay, walang araw na hindi kami magkasamang dalawa, dahil dito ay mas narealize ko na mahal na mahal ko si David at kung anuman ang maging kahihinatnan ng muli naming pagkikita ay tatanggapin ko.
Isang gabi ng magkasama kami ni David ay nakaramdam ako ng kakaiba, alam ko may binabalak sya pero hindi ako nagpahalata. Nagpunta kami sa roofdeck ng isang restaurant na kaming dalawa lang.
“May naalala ka ba sa date na ‘to?” ang tanong sa akin ni David.
“June 12 ngayon, holiday kasi Independence day diba?” ang sagot ko sa kanya. Pero alam ko na ibang sagot ang gustong marinig sa akin ni David.
“Alam ko na, June 12 tayo unang nagkakilala” at nginitian ko sya
“Dun din kita unang, alam mo na” ang sabi ni David at nagkatawanan kami. Maya-maya pa ay tinanggal na ni David ang singsing na suot nya.
“Gusto ko sana, sa date na ’to maging official na ang lahat, kaya ibinabalik ko na ‘tong singsing sa original na may-ari nito kasabay ng kundisyon na akin na sya ulit, physically and wholeheartedly” ang sabi ni David sa akin. Napangiti lang ako sa sinabi ni David sa akin, marahil ay hindi pa nya alam na nagkabalikan kami ni Miguel sa US.
“Alam ko na kayo ni Miguel, I just want to give it a try, matagal ko na kasi dapat ginawa ‘to. Pero I will never surrender, and if someday you want it back, well, you just have to ask” ang sabi ni David habang ibinalik nya ang singsing sa daliri nya.
Naging mabilis ang anim na buwan at ako ay pabalik na sa US. Inofferan ako ng ospital na maging permanent na pedia resident pero hindi ko muna ito tinanggap. Sinabi ko na lang na kung mapagdesisyunan kong bumalik ng Pilipinas ay automatic na tatanggapin ko ito.
Nahirapan din ako magpaalam kay David at kay Baby Axel na halos hindi kami naghiwalay nung anim na buwan na pananatili ko sa Pilipinas. Hindi ko naman na masasabi na pinagtaksilan ko si Miguel dahil sa wala naman kaming ginawa ni David na ikakagalit ni Miguel, at isa pa alam ni Miguel na magkasama kami ni David nang madalas at ayos lang sa kanya yun. Nagpasalamat ako kay Miguel sa pagiging open nya at kay David na syang nagbalik ng saya sa akin na isang bagay na hindi na nagawa ni Miguel nung nagkabalikan kami, at kay Baby Axel na napamahal sa akin na parang anak ko na din.
Bago ako pumasok sa boarding area ay nakatanggap ako ng text kay David.
"Hihintayin ka namin ng anak natin, Ingat ka, Daddy and Baby Axel love you so much"
at yun ang nakapag-alis ng stress sa akin sa pagbalik ko sa US.
Nang makabalik ako sa US ay pinakwento sa akin ni Miguel ang lahat nang nangyari, hindi ko namalayan na mas madami akong kwento tungkol kay David at kay Baby Axel. Naramdaman ko na medyo nagselos si Miguel pero hindi nya masyadong dinibdib ang lahat. Sa pagbalik ko sa US ay mas naramdaman ko na hinahanap hanap ko pa din si David at si Baby Axel. Narealize ko din na mas mahal ko si David kesa kay Miguel. Pero nung panahon na kinailangan ko ang isang tao ay si Miguel ang dumating sa akin, hindi ko alam na si David lang pala ang taong hinihiling ko na dumating.
Madami akong realizations na dapat matagal ko nang ginawa. Dapat hindi na ako nagpunta sa US noon, yun kasi ang punto sa buhay ni David na kailangan nya ako. Dapat kinain ko na ang pride ko noon at nanatili na lang sa Pilipinas kasama si David. Maraming dapat sa buhay ko ang ginusto kong mangyari pero wala na akong magagawa dahil sa mga missed chances sa buhay ko, pero meron pa akong pwedeng gawin, ang piliin kung saan ako magiging mas masaya.
Sa huli ay humatong ako sa dalawang pagpipilian. Manatili kasama si Miguel na tumanggap ulit sa akin o bumalik ng Pilipinas at para makasama si David at tuparin ang mga “dapat” na nangyari noon pa.
Naisip ko na tama nga yung spiritual counselor, na sa buhay natin ay nabibigyan tayo ng second chances para maging masaya, para itama ang mga mali ng nakaraan.
Bumalik sa akin ang masasaya naming sandali nung bata pa kami. Noon na pareho kaming young, wild and free at ngayon na matured na kami at mahal na mahal pa din namin ang isa’t isa.
Sa bandang huli, nanaig sa akin ang pagmamahal ko kay David, sa
lahat lahat ng tungkol sa kanya at sa amin noon at ngayon. Tinanggap ito ng maluwag ni Miguel at naging masaya sya para sa akin at maayos kaming naghiwalay.
Tinawagan ko si David nung araw na nasa airport na ako pabalik ng Pilipinas.
“I’m coming home David and I want my ring back” at napangiti ako at tuluyan nang pumasok sa boarding area.
THE END
super kilig at nakakaiyak pakshet haha
ReplyDeletenice one! binitin pa.
Pakshet talaga, naluluha naman ako na di maipailiwanag,
DeleteNakakaiyak naman. :'( I'm so happpy for you and David and his Baby Axel. Why Peds? Haha. I'm supposed to go to Med school medyo magastos lang kaya di ko tinuloy. Surgery would be great. Haha. Anyway, I'm looking forward na makita kayo Doc. Malay mo natin one of these days makita ko kayo sa work. :)
ReplyDeleteGreat story! I'm so happy for you Ali, David and Baby Axel! True loves comes in an unexpected time in a very unexpected situation. Hope I can find another David... Just kidding! Regards!
ReplyDeleteOMG! This is soooo nice! So Happy for you.... cannot wait till I know which guy you chose and was so happy when you chose David and Axel hehehe More power to you and your Family!
ReplyDeleteNaiiyak ako sobra...i felt the whole story...relate ako naun...i supposed to give up na pero alam ko mahal niya ako kaht mhirap sitwasyon namin naun...i will wait for you val...i always here for you kht malau tau sa isat isa..iloveyoumahalko!!
ReplyDeleteIm so happy both of you. I really liked the story. It was nice and you can relate totally. I felt the whole story. I love you Baby Niwang even were far from each other ur always in my heart........
ReplyDeleteSa sobrang ganda.... maari na itong gawan ng movie
ReplyDeleteIt was a nice story dear...wish I could have a story like that...
ReplyDeletenice story!
ReplyDeleteEto pinakamagandang storyng nabasa ko dito so far. Hindi nakakalibog pero kahit mahaba ay tinapos ko dahil totoo at true love talaga. Maganda rin dahil open minded silang lahat at walang bitterness. Pwede 'tong gawing movie! Ang ganda ng pagkakasulat.
ReplyDeleteNakakainspired yung kwento mo author.. Godbless!
ReplyDelete"ang pag-ibig na inakala kong tatapos sa pag-iisa ko ay siya din palang magiging dahilan kung bakit mag-isa pa din ako hanggang ngayon"...
ReplyDelete#relatemuch
Ang ganda nang story, SOBRA! Kaya lang parang make-believe lang ang kwento (not to be kj pero feel ko lang). Anyways, sana may mag.produce nang story para gawing movie... :)
ReplyDeleteKudos Author!