Pages

Saturday, January 31, 2015

Boy Meets Bi (Part1)

By:NinjaNinja

Chickboy. Batugan. Tamad. Playboy. Matigas ang Ulo. Walang direksyon ang buhay. Ito na ang mga usual na maririnig mo kapag dinedescribe ako ng akoing mga kabarkada.

Ewan ko ba. Simula kasi nang nag-college na ako ay para bang napariwara na ang buhay ko. Masasabi mang malaki ang impluwensiya ng mga kaibigan at katropa ay aaminin kong mas nangingibabaw pa rin ang paghahanap ko lang ng pagkalinga at pagmamahal. Only child ako and now I’m the only one living for myself. Mas pinili ko na ang bumukod sa condo rather than staying sa house na puro maids lang naman. For how many years, hindi ko na nakakasama ang mga parents ko. Trabaho na lang kasi ang nasa isipan nila.

Oo. May topak na kung may topak. But I'm just an ordinary 19 year old guy na gustong i-enjoy ang buhay ko sa paraang gusto ko. I want to do the things I want to do na walang kumukontra o humahadlang. Pero lahat ng ito ay nagbago ng makilala ko si Bren.

Napakaganda ng buhay. Hindi ko nga alam kung bakit bulag o nagbubulag-bulagan lang ba ang ibang mga tao sa katotohanang ito? Oo. Hindi perpekto ang buhay, pero tingnan mo lang ang mga tao o mga biyayang nasa paligid mo. Diba’t napakaganda?

Basta ako, hindi ako mawawalan ng oras para ngumiti at magmahal. Paano ba naman, pinalaki ako ng aking mga magulang na maka-Diyos, masiyahin at mapagmahal sa buong labing-dalawangtaon ng aking buhay. Napakasaya araw-araw sa bahay, kahit kung minsan may dagok at gipit kami, ay nakakaraos din. Paano ba naman, nandyan ang tatay kong masipag na, komedyante pa! at ang nanay kong biretera slash super bait at dagdag mo pa ang dalawa kong bibong mga kapatid! Oh diba complete package na?
Pero bakit sa lahat ng mga taong nakilala ko na bulag sa kagandahan ng mundo ay iba ang dating niya sa akin? Kakaiba ang nararamdaman ko tuwing nandiyan siya at masaya ako kapag kapiling ko siya. Biyaya nga bang maituturing si John?

Biyernes na naman. Ano pa nga ba? Eto at kasama na naman ang barkada sa walang humpay na inuman. Tamang-tama kailangan kong makalimot ngayon. Iniwan na kasi akong tuluyan ni Jen. Pucha ipinagpalit pa ako sa hipon. Sa lahat pa ng tao na ipapalit sakin hipon pa? Hindi naman sa pagmamayabang eh may mukha naman talaga ako ah. Maporma, 5”9 at yung klase ng teen na medyo fit. Nakagawian ko na rin ang mag-gym and swimming as my workout.

Anyways, hindi pa rin ako makapaniwalang sa dami nang lalaking ipapalit niya ay yung MVP player pa nang university na napakalaki ng katawan pero sus! Napakaliit ng ulo. Napakayabang pa at wala namang panlaban sa mukha. Pero kahit baliktarin pa natin ang mundo, iniwan pa rin niya ako. Niloko. Sinaktan. At sinayang ang pitong buwan ng pagmamahal ko sa kanya. Sa lahat ng mga naging girlfriend ko ay si Jen pa lang ang napamahal sa aking ng ganun. Malambing kasi siya, maalaag at sweet. Pero manloloko pala. Pucha, naiiyak ako pero hindi pwede. Alam ko na. Dalawang case lang ng alak ang katapat nito.

Unang taon ko pa lang sa kolehiyo at medyo nahihiya pa. Sa isang unibersidad ako dito sa Iloilo nag-aaral ng BS Psychology. Matapos ng isang linggo ay hindi ko inasahan na dumami ang aking mga kaibigan at napakasaya namin. Ano ba’t ako pa ang binotong maging mayor ng klase namin dahil daw ang bibo at ingay ko at mukhang masipag at responsable daw ako. Naks naman! Scholar lang nga pala ako dito, kaya isang pagkakamali ko lang ay goodbye kinabukasan! Haha!

Third week na ng eskwela, napakasaya namin sa klase at naaliw talaga ako dahil hindi ako nagkamali sa kursong pinili ko. Pagkatapos ng isang klase namin ay nilapitan ako ni Joach. Si joach pala yung kaklase ko na sobrang ingay din sa klase na sobrang bait. Maporma, gwapo at dinig ko anak-mayaman siya, pero napapansin kong medyo mahinhin siya. Ewan. Wala naman ako sa posisyon para manghusga eh.

Iniimbita pala ako ni Joach sa birthday celebration niya. Inuman daw sa isang sikat na bar sa siyudad. Hindi naman ako makatanggi dahil ayaw kong masabihan na KJ ang mayor nila atsaka gusto ko rin masubukan kung ano ba ang feeling ng nighout o ang uminom sa mga sosyal na bar. Kaya I said, “Sure”.

June 20,2014. Biyernes. Matapos ang linyada ng mga reportings at quiz ay nakahanda na rin ang klase para sa birthday bash mamaya. Kinabahan pa nga ako noong humingi ako ng permiso kay Mama at Papa kasi baka hindi ako payagan, Pero nagulat ako sa tinuran nilang, “Bren, 18 ka na at pinagkakatiwalaan ka na namin”. “Basta ba’t alam mong tama ang ginagawa mo ay malaya kang gawin ang mga gusto mo, Ganyan ka namin ka mahal Anak”.

Halos maiyak ako nung oras na iyon, ang drama talaga namin. Inaamin ko, inosente talaga ko ang sa mga makababalaghang bagay. Noong hayskul kasi ay puro pag-aaral, pamilya ang inatupag ko. Walang bisyo, walang love-life, puro kasiyahan at pagmamahal lang sa pamilya. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon noong hayskul, ay nakahanap ako ng pagmamahal sa isang taong hindi ko inasahang mamahalin ko.

Nagsimula na ang walang-humpay na inuman. Kasabay ng malakas na tunog ng mga awitin ay siya ring pagdampi ng mga bote sa aking labi at pag-agos ng alak sa aking lalamunan. Masaya ang barkada. Dinadaaan na lang sa kayabangan at kakuwelahan ang mga problema namin. Yun bang wala na kaming pakialam sa ginagawa namin o kung sino man ang mga nakatingin sa amin. Basta ang importante, sumaya, mag-enjoy at makalimot.

Basta ako marami akong pinaghuhugutan. Yung mga bagay na tumatakbo sa isipan na gusto kong paalisin at kalimutan pero ayaw nila. Una.... namimiss ko na taalaga si Dad and Mommy. I missed the times when we were all still together. Namimiss ko nung bata pa ako na marami kaming ginagawa ni Dad; Basketball, biking, sinsama pa niya ako sa office niya at siya rin ang nagturo sa akin pano magluto at ang pinakahilig niya - ang magpainting.

Si Mommy naman, ako ang kasama niya pag pupunta kami sa grocery. Nakasakay ako sa cart at ako ang kukuha ng mga kailangan niya. Yung paborito ko ring gawin ay yung ikukuka niya ako ng malaking cart at pupunuin ko ito nang lahat ng magustohan ko. Sabay rin kaming mamili ng mga damit, sa katunayan sa kanya ko nakuha ang sense kung pano pumorma ng maganda at kung paano dapat malinis, gwapo at disente kang tingnan. Marami din kami food trips at movie bondings ni mama.

Pero alam kong Imposible nang mangyari pang muli ang lahat. When I turned 10 ay tuluyan nang nag improve at lumago ang sinsimulang company at business ni Dad at Mommy. Masayang masaya kami lahat that time. But I never expected the consequence. Its either they have to be somewhere else or they have to spend the rest of the day doing work just to boost up and don't let the company down.

Alam kong they’re doing this for me, my future but isn’t it too selfish na mas unahin pa ang pera at karangyaan rather than having time with their only child? I spent 7 years na mga yaya lang ang nag-aaruga sa akin sa bahay. Minsan, once a week ko lang sila nakikita or for worst cases, once in a month or kapag hindi kaya skype and tawag na lang. But when I turned 17, they gave me a condo unit and it was great kasi mas napalawak ko ang kakayahan kong maging independent. But. I still miss them.

Binigyan ako nang limangdaan ni papa kaninang umaga. Alam kong hindi na dapat kasi may ipon rin naman ako, pero nagpumilt siya. Gusto niya daw na kahit makabili man lang ako ng bagong damit at makabili ng saktong regalo ay alam niyang mapapasaya na niya ako. At Oo. Napasaya na naman akong muli ni Papa. Sa simpleng paraan ay hindi niya kami nakakalimutan. Mahal na mahal ko si Papa. Sadlak man kami sa kayamanan at salapi, pero alam kong sagana kami sa pag-ibig at kaligayahan.

“Oh may susi ka naman ng bahay ha, magtext ka na lang kung pauwi ka na anak” sabi ni mama. “”At anak, huwag ka lang muna mag-uwi ng girlfriend ha?” dagdag ni Papa na siya naman ikinatawa naming lahat.

“Sus, Pa. Single pa po ako and Im not ready to mingle” paganti kong banat sa kanila.

Nasa bar na kami kinagabihan at pinapasok sa isang VIP na room. Napakalaki ng lugar. Maingay. Maraming makukulay na ilaw. Medyo malamig. Maraming tao ang sumasayaw at lumalaklak na para bang wala nang bukas. Habang papunta sa room ay napasulyap ako sa mga magbabarkadang iba-iba ang trip. Merong mga sosyal na mga babae sa gilid na selfie lang ng selfie habang umiinom. Meron namang magkakaibigan na nagpapaikot ng bote at naglalaro ata ng truth or dare. Meron yung shino-shoot ang bola sa baso, beerpong daw ang tawag. At may grupo ng mga lalake na laklak lang nang laklak. Napakadami na ng bote sa kanilang mesa.

Alam kong wala akong karapatang manghimasok sa mga buhay nila, pero sobra naman ata ang magpakalasing nang ganun kahit maraming problema o pinaghuhugatan. Pero Ewan. Buhay na nila yan.

At nagsimula na ang selebrasyon. Nilabas namin yung dala naming surprise cake at balloons at kinantahan ng Happy Birthday si Joach. Habang kumakanta ay doon ko lang nakita ng maiigihan si Joach. Gwapo at mestizo talaga ang dating niya. Matangkad at maporma. Para siyang younger version ni Erwan Heusaff. Ang Kaso hindi ko lang talaga maiwasang mapansin ang pagkamahinhin niya.

Pagkatapos magblow ng candle ni Joach ay siya ring pagdating ng pagkain at mga inumin. Kinuha na rin ng mga girls ang mikropono at nagsimula nang kumanta. Ako naman siyempre, dahil nahihiya at naiilang pa ay kumuha na lang plato at nagsimula ng kumain.

Pangalawa.... bakit ba lahat ng mga nakakarelasyon ko iniiwan na lang ako? I mean, meron akong mga nakikilala sa bar at napapapunta sa condo. Pero paggising ko wala na sila. Meron naman yung sa una napakalambing sa akin pero iba lang pala ang habol. At ang masaklap sa lahat ay yung ipinagpapalit ako for how many times already. Am I really not that good enough to be taken seriously? Oo. Basagulero ako, walang patutunguhan ang buhay dahil tinatamad pumasok sa school. I mean, rich nga kami and the like pero iba rin naman siguro yung may pangarap ka and vision for your future. Pero wala. Ako na ang gago. Ako na ang Batugan. But does that really mean I don't have the capacity of being loved? Nagmamahal na ako for how many times, I spent a lot for a million times, effort nang effort, pero no one appreciates it. Wala na ba akong karapatan na namahalin? Wala na ba akong karapatan lumigaya?

Ok Fine. Wala nang nagmamahal sa akin. Pero what? I have good friends. Mga barkadang solid at walang iwanan. Mga kaibigang nandyan to support me or to be there when i need them. Okay na ako sa kanila. Who needs relationships anyways?

Pero hindi eh. I have always imagined a person that would love me and care for me. Na yung pagkagising ko sa umaga may text galing sa kanya saying Good Morning! Oh di naman kaya I’ll wake up to the smell sa niluluto niyang breakfast for the both of us. We’ll go out and do the things we want to do, travel around the world, adapt pets, explore and everything. And especially yung relationship na hindi lang all about sex and intimacy. I just want to meet that person and fall in love. Gusto kong mapunan ang pagmamahal at oras na ipinagkait sa akin ng mga magulang ko at mga past relationships. I swear that time, while I was drinking and while pinipigilan ko ang pagpatak ng luha ko, I was wishing for that person to come to my life already. I wish.

Time flies so fast, its nearly 10 pm. And now I want to burst once more, kasi yung mga gago kong barkada na sabi kong solid at walang iwanan. Ayan, nagiisa-isa nang magpaalam sa akin. Ang iba kailangan na daw umuwi , ang iba may lakad pa. Pucha kayo! Sige, Iwan niyo na ko. Sanay naman ako eh. Sanay na ako maiwan. Ganyan na man talga kayong lahat eh! And now to make the long story short, ako nalang magisa sa mesa. Still with unopened bottles in front of me. Pucha.

Extrovert and Introvert. Yan ang lesson namin sa Psych class namin last time and I am really wondering now. Alam kong extrovert ako. Yung bibo, outgoing, madaldal, masiyahin and it’s the way I deal with my classmates, my family and other people. Pero now, I feel more likely to be introvert. Nakakapanibago kasi ang lugar. The smell, the lightings and the sounds. Everything is so unusual for me.

Nakita ko na lang ang sarili ko na magisang umuupo sa couch while still holding that plate. Yung mga girls nandun parin sa karaoke, yung boys naman nasa mesa at nagiinuman na. Yung iba, nagsasayawan na, wild na wild na nga ang iba. And I failed to spot someone na kagaya ko. Na nahihiya or they feel out of place.

Then all of a sudden tinabihan ako ni Joach while holding his bottle of beer.
“Bren! Bakit nandiyan ka? Hindi ka pa umiinom?” he said. “Uhmmmmmmm. Hindi kasi ako umiinom Joach eh hihi” sabi ko na siya namang ikanahalakhak niya.

“Seriously? Lol! Like Hindi ka pa nakainom in your whole life?” tanong niya.
“Sobra ka naman. Occasionally. Pero isa or dalawang baso lang kaya. I feel bad drinking kasi, not just beacause pangit ang lasa pero I know maraming disadvantages ang pag-inom. ” I said.

“Wow Ha! Oh Edi Ikaw na!” at nagulat ako nang bigla niya akong inakbayan “Alam mo, tama ka naman eh maraming disadvantages. Pero ano ba naman ang magsaya at magenjoy paminsan minsan? Bad catches will just come if sosobrahan mo. Too much of something is bad. Right?”

Alam kong tama siya. And now he’s talking to me about random things. And it makes me bothered. Bothered because of the feeling na nakaakbay siya sa akin and smelling his breath dominated by the liquor was distracting. Bigla ko na namang natingnan ang mala Erwan Heusaff niyang mukha.
I dont know if he’s drunk already pero he keeps on talking and talking about his life, his dreams and everything. Narerealize ko na lang na cute talaga ng mokong na ito.

Then, someone called for a group picture kasi ang iba uuwi na rin. Yikes! Malapit na mag alas-diyes at hindi pa ko nakakatext kina mama.

“O picture daw! Halika na Brennnnn!” at biglang niyang kinuha ang kamay ko at hinila ako papunta sa kanila.Natameme na lang ako sa mga pinangagawa niya. Magkatabi pa rin kami ni Joach while he is in the center fot the photo.

“Okay! 10 seconds ang timer and 10 continuous shots okay?” sabi ng kaklase namin na may-ari ng camera. “Okay Go!”

While ten seconds is ongoing, I snatched a glimpse of him again. Ang cute talaga ng birthday boy. And to my surprise he also looked at me too. Nagulat ako and I just made my face look back sa camera. “2..1..POSE!!”

Ten constinuous shots. Ibat iba at mabilisang poses. Ika-pitong strike na ng flash at ako’y todo smile at wacky na sa camera ng biglang niyakap ako ni Joach for the last shot. Nagulat na naman akong muli. Iba na naman ang naramdaman ko. I even heard one already said “Uyyy......Ano yan???” and one even said “Lasing na siguro iyan!!!” At lahat ay nagtawanan na.

Tinanggal na ni Joach ang pagkakayakap niya sa akin and then he said “Thank you. Thank you for coming” and siyempre nag you're welcome na ako and I guess it was the right time to say goodbye. Nagpaalam na ako and hugged everyone. Good kasi meron na ding aalis na so I’m not leaving alone. Siyempre hi-nug ko rin ulit si Joach and greeted him Happy Birthday again. Hindi na siya kumibo at nginitian na lang ako while waving his hand.

And Then we went out. Apat kaming umalis, kasama ang dalawang girls at isang guy. Magjowa yung dalawa kaya yung isang girl na lang ang kausap ko. While walking, I felt na gusto kong umihi. Naks naman.I don’t want them to wait for me kasi nagmamadala na ata sila kaya pinauna ko na lang silang umuwi. I then headed to the CR.

Nagsimula na akong mahilo. Pero I’ve been in this feeling already for a thousand times. I know what to do. I also know that I’m still thristy. Kailangan kong ubusin ang natitirang bote sa kaha dahil masasayang naman.
Lasing na talaga ako that time. While getting a new bottle, a blonde girl with short shorts and super sexy body suddenly came and flirted with me on the couch.

“Hi handsome, are you alone?... Mind to have some fun?” saad niya. Pero Ewan ko ba kung bakit tumayo ako bigla. Wala akong maramdaman that time kundi galit na naman ako. Galit sa mga babaeng manloloko at walang ibang alam gawin kundi magpasaya ng isang gabi at iiwanan ka naman. Then I don’t know what happened and I just shouted “Pucha kayong mga Babaeng kayo! Sinasaktan niyo lang kaming lahat!!! Pucha kayo! Mga Manloloko!” dahil sa galit ay iniwan ko na ang table and ngayon ay gusto ko na lang ilabas ang lahat na nararamdaman ko. I went to the restroom angrily at pumasok sa isang cubicle. There was just one person sa may washing area so I don't mind crying .I just really wanted to pour down na. Napakasakit na talaga. I keep on remembering the persons na iniwan, sinaktan at niloko ako. They’re all in mind and that leaves me breaking down into pieces. Para bang pinagiisahan nila ako. They don't want me happy. They want my life to be miserable. Iyak na ako ng Iyak. How can it be possible na I went to this place to forget, but I still remember the pain?

At ngayong sumasama na pamkiramdam ko. Masusuka na yata ako. Can this moment get any worst? Now, I want to go home. But I still feel crying and pouring it all down. Then all of a sudden, I heard knocks on my cubicle door.

I went inside the restroom and luckily there was no one inside. Umihi na ako and pumunta sa may washing area. After a while, I looked at myself. Huminga ng Malalim. At ngumiti.

Alam ko sa sarili ko na hindi ako straight. I’m bisexual. I noticed this noong 2nd year highschool ako. I was attracted both sa girls and even boys. Pero umabot sa point na mas attracted ako sa guys. I secretly admired some of my classmates, mga higher years and even celebrities. But I kept it all as a secret. Pero alam kong medyo mahinhin at girly din ako. Since elementary mostly girls ang mga kasabay ko at medyo lampa pa. Minsan natutukso pero ayaw kong makipagaway. So I kept it. Sekreto at tago lahat.

Hindi ko nga alam kung napapansin rin ba ito nina mama at papa. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon nila kung ang panganay nila turns out to be gay. Matatanggap kaya nila ako? Teka bakit ko nga ba naiisip lahat to???? Ahhhhhh... Dahil siguro kay Joach. I still remember his face kanina sa party, yung amoy ng alak sa kanya, yung inakbayan niya ako, at niyakap pa. Is there something fishy happening or lasing lang talaga siya? Pero aaminin ko, gwapo talaga siya and I admire him for that. But that has to be kept as a secret. Sikreto lang lahat to... Sikreto.

Shit. Bigla ko na lang naaalala. Ang nagiiisang taong alam ang ang buong ako. Ang sikreto ko. Ang taong minahal ako at minahal ko.....Si...

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng restroom at pumasok ang isang lasing na parang galit na lalaki. Kasing-edad ko lang siguro. Pumasok siya sa cubicle and he even smashed the door. Grabe naman tong tao na ito. But he was not my problem. I fixed my self and was about to leave when I heard him weeping. Huh? Umiiyak siya? Yung gagong nagwawala kanina. Nagdadrama sa loob. I was a bit curious and my mind was telling me to approach him. Pero No, I have to go and gabi na. While grabbing the door handle, napahinto ako ng biglang lumakas pa yung pagiyak niya.

Okay this is it. Alam kong problemado ang tao kaya kailangan niya ng tulong. Para saan pa at nag Psychology ako diba? Lumapit ako sa cubicle and I knocked. Hindi siya sumagot. Tumigil din ang pag-iyak niya. Kumatok akong muli. Then I heard him say...

“”LEAVE ME ALONE.”

There was someone knocking. Pucha. I wiped my tears and became silent. Kumatok siya ulit and I had enough. Sino ba siya para sirain yung kadramahan ko dito. Out of nowhere, I immediately said “Leave me alone.”

But instead of leaving, he asked if I was okay. Of course I was not okay. But I’m not letting anyone know I’m crying or I’m weak. But he asked more questions and mas nagalit nako. I stood up and opened the door, pushed him and shouted at him. Ano bang pakialam niya sa buhay ko? And then.... suddenly....hindi ko na kinaya.... Para bang.... Parang....

“Aba, englishero pala tong galit na to eh” bulong ko sa sarili ko.
But I really have to ask him..,. “Hey, Excuse me. Okay ka lang?”. I heard no reply. So nagtanong ako ulit. “Excuse me, okay ka lang ba? Kasi narining kita umiiyak eh. Baka may problema ka? Alam mo study shows daw na... ”

Nagulat ako ng buksan niya ang pinto at akmang itinulak ako sa wall. Napakabilis ng pangyayari. Natakot na ako that time kasi baka papatayin niya ako. Naku po. Huwag po muna sana. Paano na si Mama? Si Papa? And mga kapatid ko? Gusto ko pang gumraduate!!! Mas ikinatakot ko pa nang nagsimula na siyang sumigaw. “Sino ka ba? Ha?!!! Ano bang pakialam mo sa buhay ko??! Ha?!! Pucha ka! Puchhhhhh........”

Pucha nga! Sinukahan ako ng gago sa damit at tumalsik pa sa pantalon ko. Napasigaw na lang ako sa kanya dahil sa galit pero natumba na siya. Galit man pero naawa na ako sa kanya so I helped him get up. He was murmuring something which I really cant understand? “Taaa mee hooo”... Ano dawww?

I puked over that guy. I was mad at him but now he’s mad at me. Pucha. Ayaw ko nang mag-isip pa. Ngayon gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang humiga sa kama ko. Pucha tulungan niyo ko. I need to go home. Now I remember na natumba na ako, and can’t stand. But I felt him lift me up. I had no choice. I know he can help me go home.I wish. I feel his arms around me while lifting me up, so I whispered “Take me home”. Pucha bingi ata to at hindi pa ako narining/ Sinigaw ko na lang. “Take me home!”

“Anoo? Paano kita iuuwi sa inyo? Hindi nga kita kilala!” sigaw ko sa kanya. “Atsaka agrabyado na nga ako sa iyo tapos tutulungan pa kita. Aba grabe ka ah!” dagdag ko pang satsat.
Agad siyang sumagot “Black Honda.. outside.... Ha..Hatid mo ko con..condo”

Ano? Sinukahan niya na nga ako. Magpapahatid pa siya? Ay grabe naman ito. Pero alam ko kung ano ang tama. Kailangan ng isang kapwa mamamayan ko ng tulong kaya tutulong ako. Atsaka kawawa naman talaga siya.

So I took the risk of carrying him outside papunta sa parking lot kahit may suka pa yung damit ko. Tinuro niya sa akin ang sasakyan niya kahit hilong hilo na siya at ako na lang ang kumuha ng susi. Binuksan ko ang backseat at pinasok siya sa loob. Kinuha ko muna yung panyo ko, and wiped the puke all over me. I know I was mad dahil doon. Bago pa naman ang shirt ko at si papa pa ang gumastos, tapos susukahan niya lang?

Then I heard him shout again... “Hoyyy! Hatid mo na ko sa condo... Drive ka na.... ”
Anooo? Magpapahatid pa siya? Wala man lang please? Wala namang good manners tong taong to. Wait... Teka! Hindi ako marunong magdrive! Paano naman kita ihahatid kung di ko alam magpaandar ng saksakyan. Kinausap ko siya nguinit wala na. Wasted na ang gago. Tulog na tulog na.

Naku naman. Ano ba itong napasukan ko? Nanghihinayang na talaga ako that time. Sana hindi na ako nagrestroom kanina. Sana sumama nako sa kanila palabas..... But I have to do whats right. I have to get him out of here and send him home. I know he’s my responsibility now kasi ako din naman yung naglakas loob na kausapin siya kanina.

Nakaisip ako na mag taxi na lang. I waved for a taxi driver sa kabilang kanto lang. Teka, saan ko naman to siya iuuwi? I checked for his wallet and damn. Medyo nagulat ako. Puno ang wallet ng pera and credit cards. Mayaman ang mokong. At least hindi siya yung inexpect ko kanina na mamamatay tao. Naku naman, ano na lang kaya kung ibang tao nakapulot sa iyo? Tsk. Sigurado walang laman at wala na wallet mo. Buti na lang talaga mabait ako no. I found his ID at laking gulat ko pa dahil ID rin iyon ng university na pinapasukan ko. Coincidence nga naman. Or wait? Is is this a Divincidence? Anyways...Sophomore na siya at College of Business Administration ang nakalagay sa card. John pala ang name niya. At least hindi na ako takot sa kanya because I know his identity. Well, It’s a small world after all.

Dumating na ang taxi at nagpatulong ako kay Manong sa pagbuhat sa gagong ito. Bumalik ako and locked the doors of his car sabay kuha ng keys niya. Sa front seat na ako umupo habang siya nakahandusay sa likod. Nagpahatid na kami sa address niya.

The only thing that I could remember now, is that I was begging for help. I was begging for someone to take me home kasi masama na talaha ang pakiramdam ko. Then I can feel someone carrying me and assisted mo to my car.

Then after which, wala na akong maalala. Masama na talaga pakiramdam ko and I wanted to rest.

The address turned out to be yung sikat na condominium dito na may towers ang pangalan. Luckily nakita ko kanina sa wallet niya yung card na may same name nung condominium. Key Card niya siguro. Nakarating na kami and siyempre kumuha na ako sa wallet niya ng pambayad.

Bago bumaba, nagtext muna ako kay mama at ikinwento ang lahat ng nangyari para naman hindi sila kabahan ano. I made sure na I tell her everyrthing that happened. I then checked the time and it’s almost midnight na.

Namangha ako sa ganda ng lugar na iyon, nagpaassist na lang ako sa mga tao dun at they helped me na dalhin siya sa unit niya.
Shit. Ang ganda ng unit niya. Ang daming gamit, halatang mamahalin. Halatang mayaman nga. But that was not my purpose of getting here. Nandtito ako para tulungan siya at uuwi na ako maya maya. Tapos!

Hiniga ko na siya sa kama at ngayon ay kailangan ko nang umalis. Hindi ko na responsibilidad ang alagaan pa siya. I did my part and hindi ko na rin kailangan ng thank you niya. I also returned his wallet, mahirap na. Baka madala ko pa at mapagkamalang magnanakaw. Nang palabas na ako ng pintuan ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Si Mama.

“Hello Ma?”
“Oh anak ko. Kamusta ka?
“Ma! Eto gwapo pa rin kagaya noong huli tayong magkita! Hahaha”
“Ïkaw talaga! Ang galing mong magbiro anak! Oh eh, Kamusta na yung sabi mong lasing na isusundo mo?”
“Ah eto ma. Napahiga ko na sa kama. Aalis na nga ako dapat eh. Uuwi na ako and iiwan ko na siya mag-isa”
“Hala nak, kawawa naman siya. Walang kasama?”
“Wala po Ma. Atsaka kaya niya naman siguro”
“Nak, hindi naman siguro masama kung tulungan mo yung tao diyan diba? At isa pa delikado nang umuwi sa atin nang ganitong oras. Jan ka na lang muna kaya?”
“Po? Ma naman eh! Marami na pong nangyari ngayong araw baka dumami pa!”
“Sige na anak, mas mapapanatag ang loob ko kung nanjan ka. Bukas ka na lang umuwi. Sige anak wala na kong load. Bye! Love you!”
“Ma naman eh. Love you din!”

Si Mama naman oh. Kulang na lang gawing santo sa pagkabait. At ngayon ginawa pa talaga akong maid. Well, Wala na akong magagawa pa. Kailangan kong manatili dito kasama ang mokong. Inaantok na rin ako. Pagkatingin ko sa relo ko Alas dose na rin pala. Gusto ko mang matulog, pero kawawa naman yung gago kung papababayaan ko na lang. Sino pa ba naman ang tutulong? Hay Naku. Can my life even get more difficult right now?
And then napaisip ako. Ano ba ang magiging papel ng mokong na ito sa buhay ko? Hayyyy... Ewan.

Itutuloy....

37 comments:

  1. Bakit kasi dalawang kwento ang pinagsama? -_- bigla bigla nagbabago ang takbo nang kwento mo!! buti nalang at pinilit ko intindihin ang kwento mo!! mukang okay naman kaso sana isang kwento nalang ang ginawa mo or may nakalagay kung kaninong kwento. Kay Bren ba or kay John -_-

    -Macky

    ReplyDelete
  2. 2 paragraphs lang binasa ko. Nagkabuhol2 utak ko sa story kuya. Hahaha..

    ReplyDelete
  3. Ano to di ko na tuloy masundan kung sino at kaninong kwento..haist

    ReplyDelete
  4. Ang ganda ng story. Pero sana sa mga next chapters have notes kong sino ang nagna-narate... :) - jp

    ReplyDelete
  5. Grabe ang ganda ng story, sana naka lagay kung sino ang nagsasalita. Author NEXT PART please :)
    aabangan ko to!

    ReplyDelete
  6. Abisuhan mo nmn kmi pag ishishift mo sa isang bida ung story khit lagyan mo lng ng name or POV ni .... haha thanks pero mgnda ung story make sense

    ReplyDelete
  7. Madali naman intindihin ung story eh. Pero for the sake of everyone, maybe you can just add POV before the paragraph, like Bren's POV or John's POV. But the story's nice. I'm looking forward to the next part

    ReplyDelete
  8. Ano ba talaga, Kuya? ONLY CHILD ka lang ba o may DALAWANG BIBONG mga kapatid? Sino naman si BREN tapos nag-shift ka kay JOHN? Naku naman, kukuwento lang, di pa consistent! Sakit sa mata basahin... kung MOMMY, MOMMY na, huwag nang isingit si MAMA... ganun din kay DADDY! Kathang isip pa... naku, kahit na sino matutukoy na FICTION STORY ito at hindi true story! GOODLUCK!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eh kasi dalawang point of views itong kwento. nakakalula but eventually nakuha ko rIn. tulad ng sinabi ng marami dito lagyan mo kung kaninong POV para mas madaling intindihin. Over all ok naman ang kwento at mukhang maging interesting ang takbo ng buhay ni Bren at John.

      Delete
  9. mejo nkksakit ng ulo author,pero ok nmn sana ung kwento.

    ReplyDelete
  10. I couldn't wait to post my comment hahaha hindi lang pala ako ang na windang...

    Sana mag Ilonggo ka din minsan! Amo na ya!!!

    ReplyDelete
  11. Maganda potensyal nung kwento. But please, show an indicator of the shift in POVs, kahit *** lang in between paragraphs.

    ReplyDelete
  12. Sumakit ulo ko dito..ang gulo ng istorya...di ko na tinapos...

    ReplyDelete
  13. Di ko masundan kung sino nagkukuwento..wahhhhh

    ReplyDelete
  14. Nakakalito yung kwento...magkaibang POV...perk pagdating sa gitna nagtagpo din sa wakas!!! Mukhang maganda ang kalalabasan...waiting for next chapter...

    ReplyDelete
  15. Juice colored! Anong parusa ito? Maganda na Ang simula sana Kaso naging chopsuey bigla ang kwento. Ang gulo.

    Salamat na din kasi Mas natuwa Ako sA Mga comment.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I love the story.. Madali lang intindihin ang kwento... I like it....

      Sobrang tawa ko lang so CHOPSUEY ... LOL ..

      Please dont get me wrong....

      CHOPSUEY..

      Delete
  16. ano ba ok naman para nga siyang nagkukwento sa harap mo. hehehehehe o in person

    ReplyDelete
  17. Ok nmn ung story kung iintndhin mong maige actually its good even the story line nya mejo nakakabgla lng ung pagshift ng story sa another character pro okey xa hehe just put indicators kung cno na ung charcter na ngkkwnto... and great job po for that waiting for the next and improve chapter of your story :)

    ReplyDelete
  18. nung una nakakalito story, buti nalang naintindihan ko padin. wholesome ang image ng bida. next chapter please...

    ReplyDelete
  19. I think this story wil be interesting.

    This is my first time writing a comment. I like the way the author think about having two POVs simultaneously. You'll eventually get the shifts but i agree with everyone that it should have indicators that another POV is inserted For the sake of all readers.

    Nice story. Keep it up author

    -JEREMY

    ReplyDelete
  20. Tama parang kaibigan na nagkwento in person .mahusay maglahad ng kuwento ung author. Sadyang may mga taong mabagal lang ang pick up.

    ReplyDelete
  21. haha! angkulet ng kwento!
    medyo nakakalito da una pero keri naman.
    nakakasunod nmn sa flow. lol
    excited nko sa next chapter!
    ayos!

    ReplyDelete
  22. Di ko na tinapos. Sumakit ulo ko. Haha

    ReplyDelete
  23. I find the story very nice. May hugot. May depth. May comedy. Realistic. Very natural ang pagkakasulat However, kelangan cguro ng obvious cue tuwing magbabago na ang character na magnanarrate. I still find the way of writing creative though. Will give this a 5/5. Next chapter na pls..

    ReplyDelete
  24. Bipolar ang author. Vow lol

    ReplyDelete
  25. Nasa kalagitnaan na ko ng pgababasa pero naguguluhan pa rin ako at mukhang malayo pa para maintindihan iton kwento kaya binasa ko muna itong mga comments, kung maganda ang mga comments eh! itutuloy ko, kung tulad ko rin na di maintindihan itong kwento ay iiwanan ko na lang sayang lang ang time ko.

    ReplyDelete
  26. Muntik ko nang hindi tapusin ung story dahil sa shifting pov ng walang kahit anong indication. Okay yung story mismo kaso masyadong delikado ang style mo kasj nakakabawas ng interest sa readers. Kung ayaw mong gayahin yung common way ng pag lalagay ng change in pov mag isip ka na lang ng kahit anong bago wag lang ung wala ka talagang ilalagay

    ReplyDelete
  27. Next chapter na author! I love the way you write the story! Good job! I feel so excited sa next chapter. Aabangan ko ito! :)

    ReplyDelete
  28. It's a nice story! Bobo lang yung hindi makaintindi!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman bobo. The story is just not in the usual format that the readers were used to, so it tends to be confusing and loses the readers' interest. The author may have intended this to be, as his way of expressing his creative writing. But readers have their set ways of reading and it is not the way they are used to so most of them lose their interest while there are some like you that gets it. If understanding is they measure of dumbness then you yourself are dumb because you did not understand the other readers either.

      Delete
  29. puta! sumakit ang ulo ko, halo halo ata ito!

    ReplyDelete
  30. Wala pa bang next chapter? Medyo naguluhan ako nong una pero naintindihan ko naman at maganda ang kwento na parang naiimagine ko na yong sitwasyon at iba pang mga tagpo sa kwento. Syempre kinikilig na ako, sipag ko pa naman magbasa ng mga ganitong kwento na me love story at minsan me kalibugan din. Lol!...

    ReplyDelete
  31. Frienz Jupet MonsaludApril 29, 2015 at 7:11 PM

    Next chapter please :) Kahit na magulo yung simula :3

    ReplyDelete

Read More Like This