Pages

Sunday, January 11, 2015

School Flowerboys (Part 1)

By: DreamCatcher

Ang mga pangalang babanggitin sa kuwento ay di tunay.
(Dalawang Araw bago ang High school Graduation)

Sa School Cafeteria
Ako: Hoy, gago ka! Anong pinagsasabi mong bakla ako?!!!
Sa lakas nang boses ko nagsitinginan lahat nang estudyante sa may canteen.
Jay: Eh bakla ka naman talaga ah! (sabay tulak sakin nang malakas)
Ako: Hoy Adik! Kung may bakla man sa ating dalawa.. ikaw yun! (at sinuntok ko sya nang malakas sa mukha kaya’t tumilapon siya sa sahig)
Jay: Aray! Pucha! (sabay hawak sa kanyang ilong na may bahid na ng dugo)
Di na ako nakapag pigil, kaya’t hinawakan ko ang kanyang kwelyo at binitbit siya.
Ako: Bakla pala ha!
Hinatak ko sya palapit sa pagmumukha ko, pinikit ko ang aking mga mata, pinaliyad nang kaunti ang aking ulo, at binigyan ko sya nang madiin na halik sa labi.
Sigurado akong ikinagulat niya ang pangyayari, at dahil nga siguro sa sobrang gulat kaya’t wala na syang nagawa… halos hindi na nga makagalaw ang gago. Nung minulat ko ang aking mga mata at tinitigan ko siya, nagulat ako sa nakita ko, dilat na dilat ang kanyang mga mata…. Nakakatawa kasi mukha syang kinombulsyon. Nung binitawan ko ang pagkakahawak ko sa kanyang kuwelyo, nagsimulang magsigawan lahat nang estudyanteng nakakita sa pangyayari.
Jay: Ah…..ah… (Di niya alam kung anung sasabihin… kaya’t tinulak niya ako at kumaripas na siya nang takbo.)
May ibang nandiri, may ibang natuwa, at yung iba nagsisimula nang magchismisan. Kaya’t pumatong ako sa gitnang lamesa sa may cafeteria (na may mga estudyante pang nakaupo) at sumigaw…
Ako: Oh ano?! Kung may mga tanong kayo...tanungin niyo siya!!! Tanungin niyo si Jay Sandoval!

Ako nga pala si Glenn Valez, 18 years old. Ang kuwentong ito ay tungkol sa akin at sa matalik kung KAAWAY na si Jay Sandoval.
Simula nung pagkabata hanggang noong high-school matinding magkaaway talaga kami ni Jay. Hindi lang sa basag ulo, pati narin sa academics, sa sports, at sa kapogian. Lumaki kami ni Jay sa isang subdivision, magkapitbahay kami, at matalik na magkaibigan ang mga magulang namin. Ang hindi ko maintindihan kung bakit dati palang ayaw na ayaw na niya sa akin… hindi ako magmamalinis kasi ayaw na ayaw ko rin sa kanya simula nung namatay yung alaga kong aso.
Anim na taong gulang palang kami noon. Nakalabas yung alaga kung aso na si George sa may gate, sa di inaasahang pagkakataon may dumaang sasakyan at nasagasaan yung aso ko (Hit and Run). Alam kong walang kasalanan yung gagong Jay nayun , pero nandun kasi siya nakatayo sa may kabilang gilid ng daan at nakita niya ang buong pangyayari… at alam niyo kung anong ginawa niya? WALA! Eto pa yung sinabi ng mokong…
Jay: Hoy! (bastos talaga, kahit alam niya yung pangalan ko)
Ako: Jay, nakita mo ba yung aso kung si George? (grabeng pag-aalala kung tinanong)
Jay: (walang emosyong sagot) Ahhh …. Yun bang aso mo? Andun oh. (sabay turo) Patay na.
Ako: GEORGE!! (tumakbo ako palapit sa aso ko habang umiiyak)
Hanggang ngayon tanda ko parin ang walang emosyong mukha at boses niya nung sinabi niyang patay nayung aso ko (demonyong gago yun). Kaya’t simula nun di ko na siya pinansin at laging nag-iinit yung ulo ko pag nakikita ko siya.
Ganun ang naging sitwasyon namin noong elementary hanggang mag high school kami. Pataasan nang grades, Pagalingan sa Sports, at padamihan nang followers (parang twitter, pero totoong tao yung followers mo, bale mga estudyanteng babae at mga bakla). Simula nung bata pa kami, marami nang nagsasabi na gwapo raw kami… masasabi kung tama yung mga sabi-sabi.
Ako ay Moreno, may bilugang mata, matangos ang ilong, may mapulang labi, may kakapalan ang kilay, matangkad, maayos pumorma, mabango, at may magandang hubog na katawa. Si Jay naman ay Maputi, Chinito, Matangos rin ang ilong, matangkad (pero mas matangkad ako nang kaunti), may kilay, may bibig, basta! May mukha yung pucha! Tsaka may abs (pero mas masarap yung sa akin).
Kapag naglalaro nang basketball, di pwedeng magkapareho kami nang team! Dahil hinding-hindi kami nagpapatalo… halos alam na nang teachers na hindi kami magkasundo kaya’t ang tawag nila sa amin ay “TOM and JERRY”, gulo ang abot nila kung malalaman kung ako yung daga! Dahil mas mukhang daga pa yong gagong Jay nayun!

First Day of Class - First Year High School

Nung unang araw palang nagpahuli na ako sa pagpasok, alam ko naman kasing wala pang maayos na klase tuwing frist day… kagaya nang dati sa may bandang likuran ako umupo. Ibinaba ko ang aking bag sa may katabing upuan at umupo ako na parang tambay, kamay nasa likod nang aking ulo at paa nakapatong sa upuang nasa harapan….kahit may estudyante pang babaeng nakaupo, mukhang new student kaya’t walang reklamo...tsaka mukhang may gusto sakin kasi kanina pa pasulyap-sulyap parang asong BUANG.
As usual, nagpakilala na naman isa-isa at dahil ako yung nasa likod kaya’t ako yung nahuli. Tumayo ako at...
Ako: Yeah… Glenn Valez here. (nagtilian lahat nang mga babae’t mga bakla, at napasimangot naman ang mga lalake)
May Sasabihin pa sana ako nang biglang may estudyanteng pumasok sa pinto at tinabig ako.
Jay: Hi Good Morning, I’m Jay Sandoval….always better than him.(sabay turo sa akin)(nagtilian na naman)
Dahil sa galit ko siniko ko siya na nagpaliyad sa kanya at napahawak siya sa kanyang tiyan.
Teacher: Mr. Valez! Unang araw palang ganyan ka na! Gusto mo bang ipa-principal kita?!
Ako: Eh Pano to?! (sabay turo kay Jay) Miss, sya naman nagsimula ha!
Teacher: Alam mong biro lang yun Mr. Valez!
Ako: Ahhhhhh… ganon bah? (hinagod ko ang likod ni Jay at binulungan siya)
Ako: Narinig mo yun Jay? Biro lang daw… kasi you’ll never be better than me, SUCKER.
Jay: talaga lang?! let’s see, FUCKER.
Teacher: Oh anung pinagbubulunga niyo dyang dalawa?!
Nakalimutan naming kami nga pala ang center of attention.
Ako: Ahhh… wala po Miss…. Maglalaro po sana kami ng SOCCER!
Jay: Ganun nga po.
Teacher: Mabuti, eh di mag si-upo na kayo.
Sa dinami-dami nang putang-inang-demonyong-sinapian-ng-mga-sirena, wala nang bakanteng upuan at sa tabi ko nalang yung natira, PUCHA naman oh! (nakatayo parin si Jay at tiningnan yung upuan)
Jay: Excuse me Miss… I’d rather die than sit here. (sabay turo sa upuan sa may tabi ko.)
Ako: (with a mocking tone) Don’t stop him please.
Jay: It’s like I’m in hell, sitting beside a Demon.
Teacher: Mr. Sandoval, Stop it! Mukhang wala namang problema ah?
Jay: There will be….. maybe not now Miss… but there will be.
Ako: I agree!
Teacher: Mukhang wala nang gustong lumipat nang upuan, kaya’t wala kanang choice Mr. Sandoval. Just sit down.
At umupo nga ang shokoy-na-may-alagang-unicorn. Walang usapan, walang tinginan, dahil pareho kaming tulog. Sanay na yung mga guro na palagi kaming natutulog sa klase dahil matalino kami at madalas highest pa.
Palagi kaming pinagtitilian.. kahit yung nasa ibang seksyon parang mga ligaw na kaluluwang daan nang daan sa may classroom namin para makita lang kami….. kami ngayon ang nataguriang “FLOWERBOYS”. Parang F4, wala talagang magawa tung mga taong toh… ang lalandi.
Dahil nga magkapitbahay kami sabay kaming umuuwi at ngayon pang magkaklase kami edi mas lumaki yung tsansang magkasabay kami sa iisang JEEP at yun nga ang nangyari.
Ako: Bayad ko, pakiabot. (sabay abot)
Yung taong inaabutan ko, tiningnan lang yung pera na nasa kamay ko kaya’t nag hintay ako nang kaunti. Dahil mukhang hindi niya gustong abutin, tiningnan ko kung sino yung pasahero…. At sa kawalan-ng-hustisya-sa-buong-impyerno si demonyong Jay ang pasahero.
Jay: Ayoko!
Ako: Hoy! Umayos ka! (pinagtitinginan na kami)
Jay: Pre…. NO! manigas ka!
Imbes na magwala nag-isip ako… at nakita ko yung pasaherong babaeng naka tingin at sa kanya ko inabot.
Ako: (boses na may lambing) Uhmm… excuse me Miss, pwede bang pa-abot.
Bababaeng Pasahero: (kinilig yata) ahh..ah.. of course.(sabay hawi nang kanyang buhok.)
Ako: (tinitigan ko si Jay na puno nang galit) Kung ako sayo, di ako bababa mamaya.
Jay: Ha! Ohh~~~~ scary (mukhang wala paring emosyon, bwiset na mukha yan).
EHHHH!!! Sarap talaga bugbugin ng bwisit! Sabay kaming pumara at nauna akung bumaba hindi ko na sinulyapan yung mokong, baka kasi mabugbug ko pa. Pero gigil na gigil ako.. kaya’t naghintay ako nang kaunti sa may likod nang gate nang subdivision namin at nung papasok na siya.. bigla ko siyang sinunggaban at nag upakan kami.
Ako: bushit ka! Hanggang sa jeep ba naman! (sabay suntok sa kanyang mukha)
Jay: Mas bushit ka! Hanggang sa school ba naman! (sabay tadyak sa akin)
Ako: Peste! Araw-araw kang bushit! (sabay tulak kaya’t napatapon siya, pero hinatak niya ako kaya’t sabay kaming natumba at nakapatong ako sa kanya.)
Ginamit niya ang lakas niya at siya naman ang pumaitaas sa akin.
Jay: Puta ka! Ba’t ka pa dumating sa buhay ko!
Nag-upakan pa kami nang ilang minuto hanggang di namin namalayan na umabot na kami sa playground ng subdivision. Napagod na kaming dalawa kaya’t napahiga nalang kami sa damuhan na may mga pasa sa iba’t-ibang parte nang katawan. Sa panahong iyon pareho kaming nakahiga at nakatulala sa langit na nagsisimula nang dumilin. Lumingon ako sa kanya… at saktong lumingon din siya…. At sabay kaming sumigaw “BUSHIT KA!”. At sa unang pagkakataon nagtawanan kaming dalawa.

15 comments:

  1. Paki-state naman kung saan papunta ang kwento. Walang structure. Nga pala sabi mo first day of classes sa first year high school pero sanay na mga teachers na natutulog kau sa klase?

    ReplyDelete
  2. Wow! Mukhang, may aabangan na naman akong tele-novela sa blog na to. hahaha. Sana ilathala agad ang part 2. Please author, please.

    ReplyDelete
  3. Maniniwala sana ako, kaso... fiction story talaga eh. Overrated pa ang pagkakadefine sa characters. Isa sa madalas na nakakainis na part ng fiction stories. Hays.

    ReplyDelete
  4. pangit po ng kwento mo.. parang alamat lang ng pagong..

    ReplyDelete
  5. Totoo ba tong kwento na to? Kinilig ako kahit sapakan at bugbugan lang ang nangyare.. Gumawa ka ng part 2 pre...

    ReplyDelete
  6. Naruto? Sasuke? lol

    ReplyDelete
  7. may part 2 pa ba to mr author?

    ReplyDelete
  8. nyay! parang sundae story nga. pero don't worry author, maganda din naman ang story mo. wag mo na lang pansinin mga negative coments. di lang sila siguro mag-appreciate. ����

    ReplyDelete
  9. Ang studyanteng matalino di natutulog sa klase at bihira ako makkita ng ganong karakter sa matatalino. Natutulog tapos highest? Maganda naman ang kwento. Na o'a lang.

    ReplyDelete
  10. maraming ganun te classmate ko nga wala ng ginawa buong day kundi matulog sa room,sya lagi top one samin kaka bwesit samantalang kami todo kinig sa teacher namin kahit inaantok na kami todo mulagat lang kami,

    ReplyDelete
  11. Hahaha another fantasy story. Di ka naman masyadong humble no? Hahaha

    ReplyDelete
  12. kakatuwa naman.. part 2 please..

    ReplyDelete
  13. 22 yold need older than me.. 09155725278

    ReplyDelete

Read More Like This