Pages

Sunday, April 5, 2015

Jay Chou

By: Machi

I’ll just share to you guys this story na nangyari sakin nung 2010. It definitely changed my life. Napost ko na po ito sa isang page sa fb and I got very inspiring feedbacks from the readers. Wala pong akong sinaling kalibugan na mga tagpo sa story kong ito.
Tawagin nyo na lamang po ako sa pangalang Phirce.
Pissed off ako nun dahil binasted ako ng nililigawan ko, so nag post ako sa FB ng status. After few minutes eh agad naming may nag message sa akin. “anong ibig sabihin ng ___?” tanong niya, kasi my status wa witten in chinese. Di naman ako chinese but marunong ako kahit konti. “ah. worthy ibig sabihin nyan… y? chinese k aba?” reply ko sa kanya.
Dun nagsimula ang lahat. “oo, pahihiramin kita ng mga reference books ko para mas matuto ka” sabi nya sakin. Ayun pinahiram nya nga ako. We’re schoolmates pala sa isang nursing school sa “land down under” ng Pilipinas. At kung saan matatagpuan ang pinakamasarap na durian.  And I know him konti kasi friend siya ng best friend ko na chinese din. But hindi ko alam anong pangalan nya. Wala sa hinagap ko na kilalanin siya dati. I just see him around the school. Plain and simple. He’s cute. Typical chinese, masyadong chinky ang kanyang mata, maputi. Naalala ko nasa office ako nun dati ng iabot nya sa akin yung mga books. Nagpasalamat lang ako and I continued on what I was doing. Asikaso kasi ako ng papers for the upcoming board exams. Few days have passed and we kept on texting each other. Wala talaga akong nararamdaman na something special towards him. And I got irritated kasi panay ang texts niya buong araw. Hindi na ako nagrereply minsan.
Time na ng review naming nun. And I got busy hindi sa pastudy kundi sa paglalaro ng dance revo sa City Tri harap ng Ateneo. Usually gabi kami naglalaro para wala masyadong estudyante. Hehehe… Inaabot ata ako ng ilang oras kakalaro lang so always akong umuuwi ng pawisan at pagod. Gabi nun ng nagpaalam siya sa akin na mag iinuman daw sila with his friends dun lang malapit sa tinitirhan ko at magtetext lang daw siya pag di nya na kaya. So sa isip ko, pakialam ko ba kung mag iinuman kayo. Ayun natulog na ako.
Around 3am nakagising ako dahil panay ang vibrate ng cp ko. Siya pala tumatawag, I rejected the call and the he texted me kung pwede ba daw ako lumabas sandali kasi may sasabihin lang daw siyang importante at medyo nawawala na daw siya sa lugar namin. I got really pissed off, alas 3 ng madaling araw eh mang iistorbo ka sasabihin na nawawala ka at may importante kang sasabihin. Ayoko naman ding mawala siya at lasing pa so I went out na kakabangon-from-kama-look. Then yun I saw him walking na pagewang gewang konti. Sabi ko lakad-lakad muna kami para mawala konti pagkalasing nya. We ended up sitting sa isang waiting shed. Medyo marami na din sasakyan ang mga dumadaan at maliwanag ang ilaw ng street light. “ano yung sasabihin mo?” tanong ko… “wala lang, ayoko pa kasing umuwi kasi baka tulog pa si mama” sagot nya. Gusto ko siyang batukan sa sagot nya. Ginising ka ng alas tres, pinalakad ka ng ilang kilometro tapos wala lang??? Nainis ako dahil ilang minutes na din kaming nakaupo at nakikinig sa mga nangyari sa inuman nila. Actually di ako nakikinig, tumatango lang ako sabay tawa pag tumatawa siya kahit di ko nagets yung kwento nya. Sinabi kong uuwi na ako dahil may review pa ako kinaumagahan nun. Mag aalas 5 na nun so wala pang araw. Sabi ko papasakayin ko nalang siya ng taxi. Ayun pagdating sa kanto ng bahay ay sumakay na siya ng taxi at pumasok na din ako. Nakahiga na ako nun at matutulog n asana ng mkatanggap ako ng text.
“I like you” sabi nya. “you like me? Come on lasing ka lang dude” sagot ko “hindi, gusto kita and I think I love you” sagot nya. Di ko na siya nireplyan. Bigla akong naguluhan sa naramdaman ko towards him. Parang may spark kahit kanina lang inis na inis ako sa kanya. Gusto kong alisin yung nararamdaman ko pero parang bigla akong nahulog sa kanya. “I like you too” reply ko sa kanya before ako natulog. Ewan ko ba bat nireplyan ko siya ng ganun
So ayun lumipas ang mga araw nagiging close kami. Parati kaming lumalabas para gumala. Naging best friend ko siya ng mga panahong yun. Ang bait nya talaga. Tinuruan niya akong mag chinese dati sa mcdo MTS. Wala kaming pen nun so sa tissue at resibo kami sumusulat gamit ang ketchup. Pagsumasakay kami ng jeep, he would insert his hands sa bewang ko. Gumaganti din naman ako ng kasweetan na hindi masyadong halata ng ibang sumasakay. Pakunwari akong may ibubulong sabay amoy ng tenga nya at titingnan ko siya sa mata ng malapitan. Masaya yung mga araw nay un.
One day nagplano kaming manuod ng sine sa NCCC. Palabas nun yung movie ni Jay Chou na green hornet. Idol naming pareho si jay chou kaya ayun. Pumunta kami sa isang mall. Sabi ko kumain muna kami sa foodcourt para malapit na sa sinehan. Nag order kami at medyo naihi ako nun kaya nag CR muna ako. Di pa ako nakakalabas ng CR eh nagtext siya sa akin… “hia, andito mga classmates ko. Kunin mo nalang yung order mo at umupo ka nalang malayo sa akin” parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig sa text nya nay un. Parang gusto ko siyang sulungin sa inuupuan niya at suntukin siya. But I obeyed. Kinuha ko yung order ko at kumain ako malayo sa kanya ng mag isa. Tahimik lang akong magalit so ayun pumasok na kami ng sinehan. Bago pa pumasok eh alam kung alam nya na galit ako kasi wala akong imik sa mga kwento nya. Pinauna ko siyang lumakad sa pasilyo ng sinehan at nauna siyang umupo… Umupo ako sa likuran nya. So ayun mag isa siya sa column niya at mag isa di ako sa column ko. Wala akong pakialam kung magalit siya sa akin o ano. Ayun natapos ang movie at nagyaya siyang kumain pero sabi ko pagod na ako at gusto ko ng umuwi.
Hindi ako nagtext ng ilang araw sa kanya. Gusto kong magsorry siya. Hindi siya nagsorry pero sabi nya dapat daw intindihin ko ang sitwasyon niya na walang may nakakaalam kung ano talaga siya. And takot siya sa sasabihin ng mge friends nya. I said na hindi naman naming kailangan gawing lantaran an gaming relasyon. So tinanggap ko yun at nanahimik nalang na parang wlang nangyari. Hindi din naman ako open kung ano ako, sana naisip nya din yun..
Natapos na nga ang board exam. Pinapauwi ako sa probinsiya ng lola ko para dun na daw muna tumira. Ayokong mapawalay sa kanya kaya kahit labag sa loob ko eh pumasok ako bilang callcenter agent. Tiniis ko ang mga sleepless nights para lang di ako mapalayo sa kanya. Papalapit na ang releasing ng results ng exam at medyo kinakabahan na ako. Out of the blue nagtext siya sa akin.. “I don’t think tama tong ginagawa natin, I shuold stop this before pa lumalim ang lahat. Im breaking up. I think this is the right way”… hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sinabi nya. I demanded for explanation and he gave me his side. I said na minsan lang to mangyayari na nagkakilala tayo, na nagkaroon tayo ng relasyong ganito.I understood and I literally begged him not to leave me. Sabi nya pag isipan nya daw.
Came the releasing of results and I passed. Pero wala akong saya na naramdaman. My mom called congratulating me as well as other relatives. Flat lang ako masyado nung araw nay un. Tumawag siya sa akin kinagabihan and congratulated me. Sabi ko wala akong maramdamang saya and I asked him again kung pwede bumalik na siya.. After ilang oras I convinced him to come back.. Dun na ako naging masaya. We celebrated my birthday. Kumain kami ng pizza sa labas. Sumisweldo narin ako nun so libre ko na lahat. While we were eating, he told me na sobrang saya nya daw at magkasama kami and he really love me.
We watched a movie na magkaholding hands.I am number 4 pa palabas nun. Ayun sobrang saya. After 3 weeks na ganun kami dumating na birthday nya. Magkalapit lang bday namin. So ayun sabi nya may sasabihin daw siyang importante. Excited ako so bumili ako ng food at sa bahay nalang kami magkikita. He bought pizza ang ice cream. Sabi nya ayaw nya na daw lumabas kami kasi naiiliang siya. Inubos na naming yung food na dala nya. Nagsusubuan pa kami that time. Then he said…..
“I’m breaking up with you.. Eton a yung last natin na pagkikita. Ayokong madisappoint parents ko at friends ko sa akin dahil ganito ako” sincere din naman yun. Pansin ko din na nahihirapan siya.Maluha luha ang mata nya. Wala akong sinabing salita. Tumulo nalang luha ko na tinitingnan siya. Gusto ko siyang sumbatan. Sigawan na ipaglaban niya ako. Tanungin kung bakit. Magmakaawa ulit. But I did not. I just kissed him on his forehead and said… “kung yan ang tingin mong tama, I will let you go” mas lumakas ang pag agos ng luha.
First time kong naramdaman na napagod ako. Na wala akong gana. Gusto ko lang umiyak but I tried to be stong. Nagsmile lang ako sa kanya habang pinupunasan ang luha ko. Sabi ko pupunta pa ako sa work at may klase pa siya. Lahat ng reasons ko biglang nawala. He tried to kiss me sa lips but umiwas na ako. We parted ways. Sumakay siya ng jeep without looking at me. At pumunta na ako ng work. I continued with my job but every moment siya ang pumapasok sa isip ko. Parati akong tulala sa trabaho. Parati ng namumugto ang mga mata ko pag pasok sa opisina kakaiyak. I need to find myself again so I decided na umuwi sa probinsya ng lola ko.
Right then and there I quit my job. Mababaliw na ako if I stay like this. Di din kami nagtext ng ilang buwan. I tried to keep myself busy. I indulged myself so much sa bago kong job sa probinsiya. I would go to work 7 days a week para lang di ko siya maalala. I must move on. Pag di ko to kinaya, ako ang talo sa aming dalawa. Days turned to months. Mag iilang buwan na din mula nun. And I can say na naka move on na talaga ako despite tha fact na mahal ko parin siya. I can laugh with my friends again. Naeenjoy ko na yung work ko Bumalik yung gana ko sa buhay.
One day nagtext siya. Number lang ang lumabas but I know its him. Nangamusta siya. Sabi ko ok lang ako. “sorry sa ginawa ko, I was so stupid to let you go. Now I realized how important you are to me. If you’re willing to come back, I can fight for you this time” sinabi nya sa akin Nagkaroon ulit ako ng pag aalinlangan. Gusto kong sabihin na ok lang at mahal ko parin siya. “You broke up with me twice. I had to leave that place to find myself again.I already moved on. I still love you. Really really love you. So much that I want to be with you but I can’t. Masaya na akong minsan na nakasama kita. Ayoko nang umasang ipaglalaban mo ako.” yun lang yung nasabi ko sa kanya. Ayoko nang isugal pa ang sarili ko muli sa isang relasyon na minsan na akong sinaktan. Mahal ko parin siya pero nasabi ko sa sarili ko na tama na.

19 comments:

  1. Your such a strong person. I love your last lines!

    ReplyDelete
  2. Love the story! Da best! 💙💙💙💙

    ReplyDelete
  3. Author Phirce/Machi I guess nasa 25 or 26 kana. Anyhow, I like your story. Kahit walang BS, as you've stated, gusto ko pa rin. May kasunod ? Keep this up, bro! -bfy

    ReplyDelete
  4. we're in the same boat, author. mas complicated lang yung sa case ko kc may iba ng taong involved. he broke with me twice, but i still love him nonetheless. ngayon nagpaparamdam na nman sya. mahal ko sya, pero pagod na ko. ayoko na. and as i said, meron na ding ibang taong involved - may asawa't anak na sya. sa palagay ko nman tama na tong decision ko. mahirap pero tama.

    ReplyDelete
  5. Relate! Nalungkot ako.

    ReplyDelete
  6. shit is it just me ? Sobrang nkarelate ako.

    ReplyDelete
  7. I can relate much author. Almost the same thing happened to me(with a little twist because the both of us have girlfriends) and it crushed me so bad. Every time I got home from work I burst into tears. But luckily I diverted myself by going to the gym everyday. I had a hard time moving on and I know IT HURTS SO BAD BECAUSE ITS REAL.

    ReplyDelete
  8. I really like your story. i can relate so much kasi kakabreak lang namin ng boyfriend ko dahil sa situation just like yours. Ako yung nakipagbreak dahil di ko na kaya only child lang kasi ako and di ko na alam kung matatanggap pa ko ng parents ko. Masakit pero inexplain ko naman sa kanya lahat. After 4 years i decided to end our relationship and now mas lalo akong nababaliw at naging pariwara. -.-

    ReplyDelete
  9. I am consulting my lawyers.

    ReplyDelete
  10. Alam ko taga-Davao ka Author! Davao rin kasi ako! :). Anyway, ang ganda ng story mo. Nakarelate ang karamihan! Keep up the good work! :)

    ReplyDelete
  11. Ganyan ganyan ginawa ko sa ex koh.. haaaayzzz.. i fell out of love haaayzz

    ReplyDelete
  12. james kayle LabasanoApril 8, 2015 at 11:49 PM

    Mao ni, basta gugma. Murag ka edad lang ta author, I also had my review katong i am nos. 4, the diff is CPA board yung samin... :) from UM here...,

    ReplyDelete
  13. good decision author na wag ng mkipag balikan,mrmi kp mas Juliana di lng xa

    ReplyDelete
  14. Very nice story. :) I'm happy na naka move on ka na... :)

    ReplyDelete
  15. Ang hirap na Alam mong wala na pero ang totoo mahal mo pa..but congratulations kz naging matatag ka.. ;)

    ReplyDelete
  16. That was so sad, author... I admit na kahit reader lang ako umasa ako na magkakabalikan kayo.. sorry pero thats how I feel habang binabasa ko na ung last part...

    ReplyDelete
  17. sure ako na schoolmate tayo hehehehe.... weeehhh

    ReplyDelete
  18. Kilala ko tong model sa taas kapitbahay ko sya,half british sya, ang gwapo at hot nyabsa personal.HellO Franco!kung alam mo lng pantasya kita..

    ReplyDelete

Read More Like This