Pages

Sunday, April 5, 2015

Paano Ba Mang-Romansa? (Part 1)

By: Ericson

CRINNNNNNNNGGGGGGGGGGG!! Ang mahaba at maingay na tunog ng bell. Oras na para sa next class ko pero eto parin ako't nakatayo sa harap ng malaking salamin, pinagmamasdan ang aking sarili kung ayos na ba ang itsura ko. Konting pisik ng pabango sa dibdib, sa braso at sa leeg at handa na akong pumasok.

Papalabas na ako ng C.R. ng makasalubong ko ang isang lalake. Isang napaka gandang ngiti ang isinalubong nya sakin na tila umubos ng lakas ko. Pagka lagpas nya sa akin ay huminto muna ako, tila nanlambot ako sa ngiting yun. Idagdag pa ang kagandahan ng kanyang mga mata, napasinghal tuloy ako at na alala ang mga bagay-bagay.

FLASHBACK***

Unang araw ko sa kolehiyo at handang handa na ako para sa aking unang klase. Manghang-mangha parin ako sa pagkaka disenyo ng paaralang aking pinapasukan. Kung titingnan mo ay parang Spaceship sa labas, pero pag nasa loob kana ay parang isang Resort.

Nagmamadali akong umakyat dala ang aking maliit ng bag patungo sa pangatlong palapag ng pa aralan sa kadahilanang ayaw kong mahuli sa aking unang klase. Pagkarating ko sa harap ng aking class room ay inilabas ko agad ang aking iskedyul para malaman kung nasa tamang class room ba ako. S-3-1-6, eto na nga ang room ko. Na aaninag ko na sa transparent na salamin ng bakal na pinto ang mga magiging mga ka-iskwela at guro ko. Kumatok muna ako ng tatlong beses at tsaka binuksan ang pinto. Isang malamig na hangin na nagmumula sa air conditioner ang sumalubong sa akin

"Good Morning po sir" ang pa unang bati ko at dumiretso na ako sa isang bakanteng silya sa may likuran.

"Sa kakapasok palang na si Mr gwapo, maaari kabang pumunta sa unahan at magpakilala?" wika ng aking professor na may halong pagbibiro.
"Ahm. Good morning, ako nga pala si Ericson Gwapo mula sa General Trias, Cavite-" at nagtawanan ang mga kamag-aral ko. "Seventeen years old and I'm taking up Computer Engineering. Tawagin nyo nalang akong Eric"

Naka ngiti na medyo nahihiya akong bumalik sa aking upuan. Pagka upo ko ay napansin ko ang isang lalake na tila bumubwelo upang kausapin ako.

"Taga Gentri ka din pala" naka ngiting sabi nya sa akin. Kitang-kita ko sa mga ngiting yun ang magaganda nyang ngipin na nakakapagpa gwapo sa kanya.

"Oo eh" medyo tipid ako sa sagot ko. Ibinaling ko na ang tingin ko sa aking professor na buong galak na kukwento ng kanyang mga karanasan sa paaralan.

Maya-maya ay na amoy ko ang isang aroma na kumiliti sa aking ilong. Napaka bango talaga ng pabangong iyon, tila na aakit ako sa amoy nito. Ibinaling ko ang aking muka sa lalakeng kuma usap sa akin kanina at na amoy ko ulit ang napakabangong aroma. Parang may kung anong kuryente ang bumabalot sa katawan ko ng ma amoy ko ulit ang napakabangong amoy, napangiti tuloy ako-

"Pre ako nga pala si Patrick" pagpapakilala nya sa akin. "Nice to meet you Patrick" ang bati ko sabay ngiti.

Habang nakikinig sa guro ay palihim akong sumusulyap sa kanya at napansin ko ang napaka kinis nyang kutis, bagay na bagay din sa kanya ang mga muscles nya, idagdag pa ang napaka ganda nyang ngiti at napaka bangong amoy. Shit. Nandito nga pala ako para mag aral.

Ilang oras na ang lumipas at ilang subjects na ang napasukan namin. Medyo tahimik syang tao, kung hindi mo papansinin ay hindi magsasalita.

CRINNNGGGGGGGGGG!!* Narinig ko na ulit ang tunog ng Bell, senyales ito na Break Time na. Nagmadali na akong bumaba para makakain na ako, hindi kasi ako nakapag almusal eh.

Pagkadating ko ay umorder na agad ako at naghanap na ng bakanteng lamesa para sa isang tao. Nako naman, mahihirapan ako nito, napaka dami kasing kumakain ng ganitong oras dito eh. Lumingon ako sa kanan, tapos kaliwa. Teka, pamilyar sakin yung mukha na yun, oo sir Patrick nga. Wala yata syang kasama kaya makikihati nalang ako sa lamesa.

"May inaantay ka bang kasama?" tanong ko sa kanya. "Wala naman, gusto mo ikaw nalang para may ka date ako" wika nya sabay ngiti na parang may masamang plano. Medyo natahimik at namula ako sa sinabi nya, hindi ko alam kung paano ako mag re react. Naupo nalang ako, napansin ko na napatawa sya ng mahina.

"Ayaw mo ba?" tanong nya sakin. KINAKABAHAN AKO. HINDI KO ALAM ANG ISASAGOT KO. Parang may kung anung bagay ang nasa loob ng dibdib ko na nagtutulak sa akin na sumagot ng OO GUSTO KO.

"Hahahaha" napatawa ulit sya ng mahina. "Hahahahah" sa sobrang kaba ko napatawa nalang din ako.

Nakatungo akong kumain dahil medyo nahihiya ako. Kapag tumitingin ako sa kanya nakikita ko syang naka ngiti sa akin at ito ang naging dahilan upang mas lalo akong kabahan.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko sa kanya. "Mamaya na" tipid na sagot nya sa akin sabay ngiti.

"Bat namumula ka?" tanong nya sakin. Muntik ko na tuloy maibuga ang kina kain ko sa sobrang hiya. Tumungo nalang ako at nilunok ang kinakain ko.

"Ha? Ako? Hahahaha" painosenteng sagot ko na medyo nahihiya.
"Oo ikaw Hahahaha" naka ngiting sagot nya sa akin.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain sa kadahilanang nahihiya na talaga ako.

Kakaiba ang epekto ng lalaking ito sa akin. Ngayon lang ako kinabahan ganito. Sanay naman ako dati na kumausap ng lalake yung tipong parang magka tropa lang. Dahil ba to sa gusto ko na sya? Shit.

Maya-maya ay tumayo na sya at umalis ng di man lang nagpapa alam sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay hindi nya ako gusto.

Sa totoo lang aminado ako sa sarili ko na nagkaka gusto ako sa lalake. Pero hindi naman ako yung tipo na baklang mag salita, baklang kumilos at baklang manamit. Isa lang akong tipikal na lalake na kapag nakasalubong mo ay di mo mapaghahalataan.

Naubos ko na ang masarap na pagkaing inorder ko at ramdam na ramdam ko ang kabusugan ko.

"Hindi ka pa ba tapos?" Isang tinig ang narinig ko sa aking likuran. Lumingon ako upang makita kung sino iyon. Si Patrick pala, "Tapos na ako" wika ko. Hawak nya ang isang inumin at isang tinapay "Yan lang ba ang kakainin mo?" tanong ko sa kanya ngunit isang ngiti lang ang isinagot nya sa akin.

Tumayo na ako sa kadahilanang hindi sya umupo sa upuan. Senyalis ito na ina antay nya ako. At hindi nga ako nagkamali, pagtayo ko ay naglakad na kami papalabas ng Canteen. Didiretso na kami sa susunod na klase.

"May kotse ako baka gusto mong sumabay" wika nya na ikinamangha ko. Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya upang maging dahilan na mapangiti din siya. Siguro ay alam nya na ang ibig sabihin nun.

Nakarating na kami sa aming class room, mayroon pang kinse minutos na natitira para sa susunod na klase.

Wala kaming masyadong ginawa sa araw na to. Puro kwentuhan at pagpapakilala lamang ang ginawa namin sa bawat subjects na nagdaan.

Napakabilis na lumipas ang oras at uwian na.

"Tara sunod ka sakin" bulong ni Patrick sa tenga ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit nyang hininga na nakapag palibog sa akin.

Sumunod naman ako sa kanya at dumiretso kami sa Parking Lot ng iskwelahan kung saan iniwanan nyang naka garahe ang kanyang kotse. Totoo nga na may kotse sya, sumakay na kami at dumiretso na kaming pauwi. Doon natapos ang unang araw ko sa iskwelahan.

Nagpatuloy pa ang mga araw at ganun din ang mga gawain ni Patrick sa akin. Araw, Linggo, at Buwan na ang binilang. Siguro ay alam nya nang may pagka silahis ako kaya interesado sya sakin.

May mga pagkakataon na pinapapila kami at sisingit sya sa likuran ko upang gawin ang masamang balak. Hahawak sya sa balikat ko at sa kadahilanang magugulo ang mga ka iskwela ko ay napapa sanggi ang matigas nyang ari sa likuran ko. Kadalasan din nyang ginagawa ang pagbulong ng mahina sa aking tainga na syang nakakapag palibog sa akin dahil sa maiinit nyang hininga. Kadalasan din nyang ginagawa ang paghawak sa mga binti kapag naka sakay kami sa kotse nya.

Tila nasanay na ata ako na ganun ang trato nya sa akin. Tila gustong gusto ko na ang mga bagay na ginagawa nya sa akin. Tila na hulog na ata ako sa sa mga mapang akit nyang ngiti sa sa tuwing gagawan nya ako ng di maganda.

Aminado ako na nasasarapan ako sa mga bagay na ginagawa nya sakin.

Isang beses, ginabi na kaming umuwi dahil sa aming ginawang project. Pagkasakay namin sa kotse ay inilapit nya ang mukha nya sa tenga ko upang kagatin. Hindi na ako nakapalag nun dahil sa gusto ko ang ginagawa nya sa akin. Ramdam na ramdam ko sa mga taenga ko ang init ng kanyang hininga. Dinilaan nya ang aking tenga na talaga namang kumiliti sa buong katawan ko. Sarap na sarap ako sa ginagawa nya. Libog na libog na ako. Unang beses kong ma romansa ng isang lalake. Parang may kung anung anong kumokontrol sa kamay ko at napahawak ako sa ulo nya.

Tumigil sya saglit. Hindi ko alam kung bakit. Luminhon ako upang makita sya.

"Gusto mo ba ako Eric?" tanong nya sa akin.

Hindi ako makapag salita. Kinakabahan ako. Hindi ko alam. Nalilito ako. Nasanay na ako sa mga bagay ng ginagawa nya sa akin. Gusto kong sumagot ng OO pero ayaw bumuka ng bibig ko. Walang lumalabas na letra ni isa. Puta naman.

Pumikit nalang ako at naglakas loob na hinalikan sya. Ito ang unang beses kong maka halik ng lalake.

Lumaban ng halik sa akin si Patrick na talaga namang nagustuhan ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit nyang bibig at ang napaka lambot nyang mga labi. Lumaban din ako ng halik upang iparamdam sa kanya ng gusto ko sya. Napaka tagal ng halikan naming iyon. Pumiglas na ako kahit gustong gusto ko pa.

"Hahahahah" isang tawa ang narinig ko mula sa kanya. Napasandal sya sa sobrang hingal at ganun din ako.

"I love you pre" isang sinseridad na boses ang narinig ko. Napangiti ako at namula sa sobrang kasiyahang nadarama ko.

"Hahaha" napatawa nalang ako dahil sa sobrang tuwang nadarama ko. Hindi ko alam pero may kung ano sa loob ng dibdib ko ng gustong sumabog.

Bibigkasin ko na sana ang mga salitang I love you too nang pa andarin nya ng mabilis ang kotse. Tutok na tutok ang mga mata ni Patrick sa kalsada na tila walang kahit anungmang ano ang makakapigil dito.

Medyo mahaba ang biyahe namin kaya nakatulog ako. Naramdaman kong huminto na ang kotse kaya iminulat ko na ang aking mata. Medyo napasarap ata ako ng tulog. Komportable kasi ako dahil nasa tabi ako ng taong mahal ko. Kinusot kusot ko ulit ang aking mata at

SHIT. HINDI KO BAHAY TO.

22 comments:

  1. Whoah!aabangan ko to!

    ReplyDelete
  2. Pumipilipit bayag ko sa kilig hahahahhaha sakto college na din ako hahaha

    ReplyDelete
  3. omg! prang lam ko yng school n yn. Nxt pls.

    ReplyDelete
  4. ang ganda next nasa agad hmm :-)

    ReplyDelete
  5. Astig taga layshum hahaha
    1st yr. Din ako dun clhs pakilala ka naman sakin para may maka close ako n katulad ko :)

    ReplyDelete
  6. Astig taga layshum din :D
    Sana makilala kita at ma katrip din sa library.. unti lang napasok dun :D

    ReplyDelete
  7. Zup im the author and yes sa LAYSHUM nga ako napasok hahahahahah. Natatawa ako sa mga comment nyo hahaha. Anyway I already submitted the next part :)

    ReplyDelete
  8. Excited na ko sa next part nito.

    ReplyDelete
  9. Gen tri here. Sunny brooke subd. 0906 149 2873

    ReplyDelete
  10. next kaagad author xcted nko eh

    ReplyDelete
  11. Baka pede din kita maka close sa lyshum?:)

    ReplyDelete
  12. tga dyan dn ako ..hahaha

    ReplyDelete
  13. John ano totoo mong pngalan trip tayo hahaha tga dyan dn ako

    ReplyDelete
  14. Yung mga taga layshum dyan, gawa kaya kayo ng secret group.

    ReplyDelete
  15. astig.. Ngaun lang ako comment.. Parang ok

    ReplyDelete
  16. lyceum sa manggahan yan skul na yan

    ReplyDelete
  17. Ay shit, sana dumating agad ang next part..

    ReplyDelete
  18. hahaha,.tama ka divi ton..kc lycean din aq kaya alam koh kung anung univ.tinu2koy nya,.infact ive been in cavite sa rosario..i worked as a staff in some company there.sayang sana nakapag meet up kami ng writter ng story na to,.btw.lyceum batangas po aq

    ReplyDelete
  19. Anu yuN :) pero nice diH lng ma explain ang ending

    ReplyDelete
  20. Nakakatawa naman mga comment .. Cge college na kaung lahat .. Haha enjoy nyo lng ang pagiging college wag kalimutan mag aral ng mabuti.. Thesis muna bago baby

    ReplyDelete

Read More Like This