Pages

Sunday, April 26, 2015

Zombading

By: BlackSpeaker
I covered my nose with my handkerchief to ward off the smell. Ngayon ko lang naamoy iyon. I don’t know pero para bang amoy iyon ng sunog na dahon na may kasamang kung ano pang matapang na amoy na malamig sa ilong. Pakiramdam ko, bawat paglanghap ko dito ay dumederetso sa utak ko yung amoy. And then I thought: wala naman akong magagawa dun. Tiisin ko nalang. Tsaka panigurado mawawala din yon maya-maya.

Napansin ko na karamihan sa nakakasalubong ko sa daan ay nakatakip din ang ilong. Andami nilang nakasimangot. Ako naman, napapangiti nalang. Tapos natigil lang yung pagngiti ko nung may nakita akong bata na nagsusuka sa daan. For sure, dahil yon sa amoy. Hindi na yata kinaya.

It was already 9 o’clock pm. Pauwi palang ako galing school at naglalakad na papuntang terminal ng tricycle. Hindi pa ako naghahapunan. I got used to it. Sanay na akong tiisin ang gutom ko sa gabi, kaysa mapagastos. And besides, kakain din naman ako sa bahay mamaya eh.

Sa gabi-gabi kong pagdaan dito, palagi akong naiilang sa mga tingin ng mga nakakasalubong kong tao. I don’t know kung dahil ba may dumi ako sa mukha, or may kakaiba sa akin… but I would like to think na kaya sila ganun tumingin ay dahil gwapo ako. A lot of people told me that I am. So…baka nga. Kaya naman, derederetso lang ako sa paglalakad at hindi na sila tinitingnan pa ulit.

Nang makauwi ako sa bahay, sa labas pa lang ay amoy na amoy ko na iyong mabulaklak na amoy. Pagpasok ko ay nag-mano ako kina mama at papa tsaka binati yung dalawa kong kapatid na babae.
Panganay ako sa aming tatlo. Tig-3 years ang age gap namin. So… I’m 18 now, si Kris ay 15 tapos 12 naman si Kate.
“Mama, baka naman ubos agad yung air freshener natin, eh kakabili lang nun?” Biro ko kay mama.
“Eh masyadong matapang yung amoy kanina eh, at least ngayon hindi na masyado,” pagpapaliwanag ni mama. Hanggang dito pala sa amin naamoy yung kung anuman iyon.
“Kain ka na, KC,” dagdag ni mama.

Kyle Christian ang pangalan ko, but they prefer to call me KC instead of Kyle… or Christian… So… okay.

Nagpalit muna ako ng damit tsaka kumain. Mabilis kong naubos yong pagkain dahil nga gutom ako. Tapos maya-maya nagsipasukan na sila sa kani-kanilang kwarto dahil inaantok na. Ako naman, hinugasan ko na yung pinagkainan ko, naglinis ng katawan, tska pumasok sa kwarto ko para makapagpahinga na.

I remember me lying down on bed and staring at the ceiling before I fell asleep…

 *  *  *  *  *  *  *

I opened my eyes and looked at the clock. It’s already 10am. Hindi muna ako bumangon. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko… ang paligid ko… Tahimik. The silence woke me up.

Nakakapanibago. Hindi ko matandaan kung kalian ba yung huling beses na nagising ako ng ganito… yung gumising ng kusa. Parati nalang kasi akong nagigising sa alarm ng cellphone ko, sa boses nina mama at papa, sa malakas na pagpapatugtog ng kapatid ko ng KPop songs…which I really really hate.

At the thought of my phone, kinapa ko yung ilalim ng kama ko para kunin ito. Nakapatay. Nagtaka naman ako kasi sa pagkakatanda ko, kagabi ay kalahati pa ang battery nito.

Bumangon ako at kinuha ang charger ng phone ko. Pinlug ko ito, at naghintay. After a few seconds, hindi pa din umiilaw yung phone ko. I looked around the room and saw na nakapatay pala yung electric fan ko.

"Oh fuck. Brown out," bulong ko.

Tinanggal ko nalang sa pagkakaplug yung charger ng phone ko at kinuha yung tuwalya. Nakasanayan ko nang maligo pagkagising ko, para presko.

Pagkalabas ko ng kwarto, wala akong nadatnan sa salas. Kinatok ko ang kwarto nilang lahat, pero wala sila.

"Umalis sila ng hindi ako sinasabihan... Nice," sabi ko sa sarili ko.

Dumeretso na ako sa banyo at tsaka naligo. Siguro ay may 20 minutes din ako dun. Pagkatapos ko, ay nagbihis agad ako.

Balak ko sanang kumain, kaya naman pumunta ako sa may lamesa at baka nag-iwan sila ng pagkain para sa akin. Kaya lang, wala akong nakita. Binuksan ko yung ref kaya lang napaatras agad ako dahil sa mabahong amoy. Ugh. Parang naghalu-halo yung amoy ng mga panis na pagkain doon. Sinara ko nalang ito. That was the most disgusting odor i've smelled...

Napaisip ako: Kelan pa ba dinefrost ni mama yung ref? Tsaka, asan nga ba yung mga yun? Dati-rati naman ginigising nila ako kapag may pupuntahan sila ah.

Nakaramdam na ako ng konting kaba.

I rushed to our front door and opened it.

Usually, sa gantong oras, may mga batang naglalaro sa tapat ng bahay namin... May mga tricycle na dumadaan... May mga naglalako ng kani-kanilang mga paninda. Buhay na buhay ang lugar namin lalo na't ganitong weekend.

But when I stepped out, it was pure silence. No one else was outside. Only me. Kita ko din na nagsisimula nang kumulimlim. Maya-maya ay paniguradong uulan.

I felt my heart beat faster. I fought the urge to just get back inside and lock myself in the closet until everything is back to normal. Kelangan may gawin ako.

Unang pumasok sa isip ko ay sina Tito Nick na kapitbahay namin. Baka sakaling nandun siya sa bahay nila, kaya naman pumunta agad ako.

Sa tapat ng gate ng bahay nila, nagtawag ako:

"Tito Nick..?"

Nakailang tawag ako, pero walang sumagot. Tinry kong buksan na yung gate kaya lang, naka-lock ito. Tuwing gabi lang naman nya nilolock gate nya, pero ngayon na tanghali na, hindi nya pa din binubuksan.

Naisip ko na baka wala din sya, kaya naman umatras na ako. Pagtingin ko sa kanan ko, sa medyo kalayuan, may nakatayong lalaki. Alam ko kapitbahay din namin sya... Hindi ko lang alam ang pangalan. Nagsimula naman akong maglakad papalapit sa kanya. Kaya lang ay napatigil ako dahil may narinig akong tunog ng motor. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko itong motor na tumatakbo papalapit sa akin. Nang mapatingin akong muli sa lalaking nakatayo sa kalsada, nagsisimula na itong tumakbo papunta sa akin.

Nang papalapit na yung lalaki sa akin, bigla akong nataranta nang makita yung itsura nung lalaki: payat na payat siya, nangingitim na yung balat, at parang wala na sa sarili. Nakadamit ng pambahay pa din naman sya. Pero, the fuck! Nakakatakot pa din!

Kaya naman dali-dali akong tumakbo papalayo sa lalaking gusto yata akong kainin. Tumatakbo na ako nang sagasaan ng motor itong lalaki. Tumalsik si kuya, pero dali-dali ding tumayo para manghabol ulit. Naghahanda na akong tumakbo ulit, nang may hinugot yung driver ng motor sa bulsa nya at ibinato sa lalaki.

Masyadong mabilis ang nangyari. The next thing I know, nakahiga na yung lalaki at may kutsilyong nakabaon sa noo nito.

"Shit! Pinatay nya yung kapitbahay namin!" bulong ko sa sarili ko.

Bumaba naman yung driver ng motor at nagtanggal ng helmet tsaka ako tiningnan. Siguro ay namumutla ako sa takot kaya ganun sya makatingin. Napatingin lang din ako sa kanya dahil may kakaiba akong naramdaman. Oo, gwapo sya. Pero para kasing hindi dahil dun ang naramdaman ko. I cannot name what I felt.

"Okay ka lang?" tanong nya.
Tumango lang ako.
"Alam ko iniisip mo napatay ko sya. Pero don't worry, patay na naman talaga sya, pinatay ko lang ulit para hindi ka mamatay," pag-eexplain nya.
"What?" tanong ko.

Ngumiti lang sya. And fuck. Now I can name what I'm feeling. Kilig. Yes. That's right. I'm bi and right now I think turning gay.

"Nichol," pakilala nya sabay extend ng kamay. Inabot ko naman ito tsaka nagpakilala din.

Binitawan nya yung kamay ko tsaka lumapit sa lalaking pinatay nya at hinugot yung kutsilyong nakabaon sa noo nito. Kita ko namang sumirit ang dugo nito. And it was purely disgusting.

"Oh my God," nasabi ko.

Nakatingin lang sya sa akin habang pinupunas sa pantalon nya yung kutsilyo. I don't like the way he looked at me. Para bang nananagos.

"Ganyan na sila ngayon," sabi nya. “Kahit yung mga tao sa amin nagkaganyan na..."

Bigla naman akong kinabahan sa naisip ko. Naisip ko yung itsura ng lalaki. Kapareho ng mga napapanood ko sa movies...

"Don't tell me...he's a..." tanong ko.

"Yes. He's a Zombie..."

*To be Continued*

8 comments:

  1. Huh?? Ntawa ako sobra imagination :)

    ReplyDelete
  2. Now I got it. Kaya pala zombading haha.. ang slow ko.. late ko na realize after ng kwento, hindi ko din siguro pinansin talaga ung title

    ReplyDelete
  3. Balak pa atang talunin ang walking dead?? Hahahah este beking dead ..

    ReplyDelete
  4. hahah akala ko zombading kc about sa pag zozomba!hahah lol

    ReplyDelete
  5. yun lang. medyo boring. sori po.

    ReplyDelete
  6. Mas na enjoy ko yung photo kesa sa story... Lol

    ReplyDelete

Read More Like This