Pages

Sunday, October 25, 2015

Half Crazy

By: alexis8726

"Friends, we are in our last set for tonight, and I'd like to call in Sir Denver, who will be jamming with us tonight…"
"Good evening, ay good morning na pala Sir Denver, ano pong kakantahin nyo?"
"Half Crazy po, okay lang ba?"
"Ok lang naman, pero kaya mo bang kantahan yun, mataas yun?"
"Kakayanin ko po."
"Okay. Once again Folks, how about a round of applause for DENVER."
Know I haven't slept a week at all
Since you've been gone
And my eyes are kinda tired
From crying all night long
Know I've never been too good at cooking just for one
It's so lonely here without you darling
Come back home
'cause I'm half crazy
Feelin' sorry for myself
Half crazy
Worried you'd find someone else to love
Know life hasn't been much fun at all
Since you've been gone
And my eyes being to feel
Each time I hear a song
I spent every minute asking myself
What went wrong
Can't we try to talk it over baby
Come back home
'cause I'm half crazy
Feelin' sorry for myself
Half crazy
Worried you'd find someone else to love
But baby there is no-one else
Half crazy
For everything you saying
Half crazy
No one else could love you like I do
'cause i'm half crazy
Feelin' sorry for myself
Half crazy
Worried you'd find someone else to love
But baby there is no-one else
Half crazy
For everything you saying
Half crazy
No one else could ever love you
No one else could ever be
Half crazy
Feeling sorry for myself
And I'm worried you'll find someone else
Feeling sorry for myself
Half crazy
-00-
"Den, I just thought it's not working anymore, we both deserve a space, and you need it more than I do. Don't think that I don't love you anymore; it's just that I can figure that it's not going anywhere. I'm so sorry.. I'm sure you'll understand…"
"Ganon lang yun? 6 years yun, anim na taon, tapos wala na? Just because you think it is not working? What are you thinking about, what do you mean it's not workin?"
"Den, listen okay! It's not just me, ikaw din, masyado ka nang maraming ginagawa, marami na akong nakakain sa mga oras at panahon mo, alam mo yun?"
"Yeah right, why can't you tell the real reason, may iba ba? May iba na ba?"
"wala na akong masabi Den, aalis na ako."
"Sige umalis ka, pero wag mong iisipin may babalikan ka pa…."
April 24
"He's gone, bullshit that forever is… I know I have to let go..but I just can't…six years. Six long years of waking up every morning with him beside me. . . Now, it's over, hindi ko maintindihan…"
"Lahat ginawa ko para sa kanya Ron, pero iniwan nya ako, lahat ginawa ko, lahat ng ayaw nya noon sa akin inalis ko tinalikuran para sa kanya…."
April 25
"Here I am, occupying the couch alone, reading the paper alone, wala akong makausap, kanina lang nagluto ako, nag ayos ng table, nakalimutan ko, ako na nga lang palang isa ngayon…I'm not used to cooking just for myself…"
"Ron, sa tingin mo may iba na sya? Natatakot akong makita sya na may kasamang iba! Natatakot ako na baka makasalubong ko sya tapos may kasama sya Ron, natatakot ako
hindi ko alam ang gagawin ko pag nangyari yun…..
April 26
8 am Pagod na pagod na yung mga mata ko, galit ako, pero alam ko magpakita lang sya dito at sabihin nyang babalik na sya, tatanggapin ko siya… Asan ka na, bakit nagagawa mo to sa akin, di ko na kaya.. bumalik ka na please…
"Hi Ron, may balita ka na ba? Okay naman ako, mag iisang linggo na rin, bumabagal ang oras pag nandito ako sa bahay…."
April 30
Nampucha, nanadya ba tong radio station na to? Bakit yang kanta pang yan, eh lagi yan kinakanta sa akin ng hayop kong ex… pero kahit hayop yun, yun lang ang hayop na minahal ko…tang ina mo, babalikan mo din ako….
"Ron, kita na lang tayo maya ah, excited na ako magbar, parang 6 years ago na nung huling lumabas ako,,, sige, aayusin ko lang tong bahay ha, punta na din ako, text text na lang tayo ah."
-00-
"Den, ano ka ba, ang lakas mong uminom.. tama na, hindi ka sanay alam ko."
"Okay lang ako hayaan mo na, ganito naman talaga ang mga ginagawa ng mga heartbroken eh…"
"Ah ganun, oh sige, oorderan kita ng marami, tapos maligo ka na rin sa alak, tapos mamatay ka na ha/"
"Ang bait mo talagang kaibigan Ron, kilalang kilala mo ako, paano mo alam na gusto ko namang mamatay.."
"Sira ulo ka…"
"Ron, sabihin mo dun sa waiter kakanta ako, sabihin mo Half Crazy… ang kakantahin ko"
"Seryoso ka Denver?
"Hindi pa ako lasing, at seryoso ako.."
-00-
"Ayan, mga kaibigan, may nagrequest ata, ah sige po mamaya lang sa third set namin pwede na to, sino ba si sir Denver? Ah ayun, sige sir sa last set ah, wag muna kayong aalis."
THIRD SET
"Friends, we are in our last set for tonight, and I'd like to call in Sir Denver, who will be jamming with us tonight…"
"Good evening, ay good morning na pala Sir Denver, ano pong kakantahin nyo?"
"Half Crazy po, okay lang ba?"
"Ok lang naman, pero kaya mo bang kantahan yun, mataas yun?"
"Kakayanin ko po."
"Okay. Once again Folks, how about a round of applause for DENVER."
"I'm half crazy… I'm half crazyyyy…………"
"Naku mejo naging emotional si Sir, heartbroken ata, okay lang yan sir, kaya mo yan, ang gwapo gwapo mo eh, gusto mo ako na lang gf mo?"
"Pasensya na po, kakabreak lang po namin ng BOYFRIEND ko eh"
"Sir, boyfriend po?"
"Miss pasensya na lasing na ata tong kaibigan ko eh, iniwan ng jowa alam mo na.."
"Okay ladies and gentlemen, palakpakan po natin ulit, si sir Denver,, sa mga biboys jan, pwede nyo na syang ligawan…You'll be over him sir, mwah!…"
-00-
Hindi lang naman ako ang nang iwan sa kwentong ito, pati ako iniwan din. Parting ways? Everybody fears it, who doesn't? Minsan nga, kakasimula pa lang ng relasyon nyo paghihiwalay na agad ang napag-uusapan nyo. Kung akala nyo tapos na yung kwento, nagkakamali kayo, dito palang nagsisimula ang lahat ng ito.
May 1, 2007
"Si Ron to, please, sagutin mo yung phone, emergency lang dude, kung may onting concern ka pa kay Denver, please lang, nagmamakaawa ako sa iyo…"
Pagdating ko sa bagong bahay ko, napansin ko na may voice message ako, that's why I played it right away.. and it was Ron, my ex's best friend. Sigurado ako, they were just trying to get my attention… kaya ako deadma,,, mahirap makipag kalas, pero mas mahirap mag move on, kung paulit-ulit mo lang babalikan ang lahat.
Ring Ring Ring
"Hello, Sanz lam ko nanjan ka, ano ba? Ganyan ka na ba kasama? Ano bang kasalan ni Denver sa iyo… nasa ICU si Denver, naaksidente sya kaninang madaling araw… he's in comatose…"
Ting… aksidente, coma? what? Hindi ko alam kung paninindigan ko ang iniisip ko sa kanila na palabas lang nila yun, basta ang alam ko, may kumurot sa puso ko,,,halos matumba lahat ng gamit na dinadaanan ko sa pagmamadali…
"Ron, nasan sya?" nakita ko sa labas ng ICU si Ron, nakaupo sa sahig, sa gilid ng pinto.."
"He's inside, ikaw lang ang kilala kong pwedeng tawagan kaya pinilit kong mapapunta ka dito, hindi ko na alam ang gagawin ko eh.." Tumingin ako sa kanya, at nakita ko ang restlessness sa mukha nya…
"Anong nangyari/" Tanong ko
"We went out last night, mga 3 am pauwi na sya, sinakay ko sya ng taxi, after 50 minutes, may tumawag sa phone ko gamit yung phone nya, nagulat ako kasi hindi sya yung sumagot, at sabi naaksidente nga raw yung may ari nung phone?"
"Paano naaksidente, anong nangyari?" Halos mautal utal ako sa pagtatanong…
"Yung guard ng condo nya pala yung tumawag, Sa kabilang side sya ng kalsada bumaba, pagtawid nya saktong padating yung isang Van at nasagasaan sya, sobrang lakas daw ng pagkabundol Sanz, nakuha si Denver 8 meter away."
Pagtulak ko ng pinto, binalot ako ng malamig na hangin, nasa ikatlong bed si Denver, hindi ko halos magawang lapitan. Natatakot ako, naluluha ako, naguguluhan ako, alam ko hindi mangyayari ang mga yoon kung hindi dahil sa akin.
"Den, si Sanz to, sorry,,,sorry Den…." Wala akong ibang masabi, ang dami ko gustong sabihin pero hindi lumalabas sa bibig ko.."Den, patawarin mo ako please, we'll fix things up, please Den, lumaban ka…"
"Excuse me sir, relative po ba kayo ng pasyente?"
"Yes doc, how is he?"
"I'm afraid he's not responding to the medicines that we have given him"
"What do you mean, doc?"
"I hate to say this but we can no longer do anything about it, we need his family to decide, I hate to say this, honestly, but if we keep him that way, he'll suffer even harder."
"Do everything doc, please, I want him alive.."
"Sorry…where are his parents?"
Naging mabilis ang mga sumunod na oras, gulong-gulo ako.. halos iuntog ko yung ulo ko sa pader.
"Ako may kasalanan nito eh, pag may nangyaring masama sa kanya, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sarili ko." Luamapit ako kay Ron, umupo sa tabi nya.
Tinapik nya ang balikat ko, "masyadong nasaktan si Den, he was trying to make his self okay, pero nakikita ko, unti-onting bumibigay…."
"I know, I will be forever sorry, forever guilty…"
"He was trying to have fun last night, he was thinking of you the whole time though.."
"Mahal ko pa rin sya, I just needed space, bakit ba hindi nya maintindihan yun?"
"Lagi nyang iniisip na may iba ka na Sanz, bago pa yung break up nya, he has been telling me na you've been cold daw…"
"Magulo lang ang isip ko Ron…mababaliw na ata ako ngayon…"
Sa mga sumunod na oras, isa-isa nang dumating ang mga kamag-anak ni Den sa hospital, lahat sila, bago pa man makapasok ng ICU halos mugto na ang mata sa kakaiyak. Gusto kong gumawa ng paraan, pero hindi ko alam kung paano… Nakausap ko na ang mga magulang at kapatid ni Den, kahit kailan hindi naging problema sa amin ang pamilya nya. Nung dumating ang mommy ni Den galing bicol, ako lang nadatnan nya sa labas, paglapit pa lang nya sa akin, parang durog na durog na yung puso ko…
"Ma, I am so sorry… ma sorry po.."
Inakap ako ng mama ni Den, "wala kang kasalanan, hindi kami galit sa iyo, wag mong isipin yun, kung gaano namin kamahal si Denver, ganoon ka din namin kamahal Santino."
"Ma, sorry po, mahal na mahal ko pa si Denver..mahal ko po siya Ma, sorry po ma"… Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, hindi lang mata ko ang natabunan ng luha nung mga oras na yun, pati ang buong pag-iisip at ulirat ko.
Umuwi ako sa bahay ni Den, sa bahay namin. Pagpasok ko, ganoon pa din, maayos, lagi namang maayos sa bahay si Den, andun pa din yung mga pictures ko, mga picture namin. Pagpasok ko ng kwarto, naamoy ko ang pabango ni Den, ang anim na taon ay bumabalik sa akin, sa bawat hakbang ko sa loob ng bahay. Sa kama, nakita ko ang planner nya, binuksan ko yun, sa unang page, picture namin ang nakalagay, pumunta ako sa mga recent dates…at talagang narealized ko kung gaano kasakit ang nagawa ko sa kanya. Nakita ko ang mga notes sa dates na April 24 hanggang April 30. Sa mga oras na yun, bumalik sa akin ang sakit..paano ko nakayang mawala sya, gayong kung dati rati malate lang sya ng uwi, halos mabaliw na ako sa kakaalala. Bumalik ako sa ospital, mas gusto ko sa bawat minuto, kasama ko ang mahal ko…
"Sanz, yung phone ni Den…"
Pag abot sa akin ni Ron, halos manlata ako sa nakita ko, sa wallpaper mukha ko ang nakalagay. Yung profile pangalan namin ang title.
"Thanks." Binuksan ko ang mga messages nya, nalaman ko ang pagcoconfide nya kay Ron. Simula April 24, hanngang sa last text nito kay Ron na "Bye, please let him know how much I love him."
Pumasok ako sa ICU, lumapit kay Den. Kung titingnan mo sya, blanko, walang emosyon, hindi mo alam kung nahihirapan, hindi mo alam kung nasasaktan.
"Denver, bukas lang lalabas na tayo ah, babalik na ako, diba sabi mo, kahit galit ka pag bumalik ako, tatanggapin mo ako…? Sorry Den, please wag kang bibitaw…"
"Sanz, napagpasyahan na namin ng Daddy Lito mo na ipatanggal na yung aparato, mas nahihirapan kaming makitang ganyan ang kalagayan nig anak namin.."
"Pero Ma" lumapit ako kay Denver, inakap ko sya, "Ma, lalaban si Denver, malalagpasan natin to Ma…''
"Sanz, tanggapin na natin, wala ng pag-asa pa…nasasaktan ka, mas ako, dahil ako ang nanay ni Denver, pero mas masakit makitang ganyan ang anak mo…"
Lumapit ako sa kanila ni Daddy Lito, lumuhod, "Ma, Daddy Lito, wag nating igive up si Denver..please,,," Halos pati ako, mabingi sa dagundong ng pag-iyak ko nung mga oras na yun. Isipin nyo ng madrama, pero wala pa akong napapanood na drama na nag pa iyak sa akin ng ganoon ka sobra…
"Denver, isunusuko mo na ba ako? Isunusuko mo na ba ako? Ganito ba kasakit yung ganti mo sa akin? Hindi ko to kakayanin, mabubuhay akong parang patay na rin…."
-00-
Sobrang sakit, nakakabaliw, yung pakiramdam na halos naghihintay ka na lang sa oras na itinakda nyo para makita ang huling paghinga ng pinakakamamahal mo…Buong araw, nasa ICU ako, gusto kong mamatay, gustong kung pumatay. Ala siete ng gabi, tatanggalin na ang mga aparatong nagbibigay buhay kay Denver
"Denver, alam ko naririnig mo ako, mahal na mahal kita, pinagsisishan ko lahat. Pinagsisihan ko na lahat, Den, pakinggan mo ako ah… tandaan mo, kasabay mong mamatay ang puso ko, ang pagkatao…sabi ko, space lang ang ibigay mo sa akin, pero bakit ganito,,,san ako pupunta bukas? Anong gagawin ko kapag namimiss kita? Den, please,,,Diyos ko, isinasanla ko ang buhay ko para sa taong mahal ko…"
"Tanggapin na natin, tanggapin mo na Sanz"
"Anong tatanggapin ko? na mamatay si Den? Dahil sa akin?"
"Walang may gusto, tandaan mo yan, aksidente yung nangyari"
"Mahal na mahal ko siya.."
"Alam ko Sanz, at mahal na mahal ka rin nya, daladala ko tong camera kagabi, nanjan yung mga huling sandali ng gising na si Den, pati yung huling kanta nya para sa iyo.."
Inabot ko yun, pinanood ko, yung eksena sa bar, kahit mejo nakainom, mukha pa rin syang maayos. Nung magumpisa syang kumanta, nangilid ang luha ko, hanggang sa tuloy tuloy na ngang bumagsak, hindi ko mapigil, napapaiyak ako ng malakas….
"Den, I love you so much,, patawarin mo ako,, sorry Den…"
"Tama na, tama na Sanz…."
6:30 PM
Paglabas ng pari, sumama sa chapel si Mama at si Daddy Lito, sa chapel na lang daw sila maghihintay. Inakap ko si Mama, naririnig ko yung pintig ng puso nya, nakita ko si Daddy Lito, nagpapakatatag pero nakikita kong nanginginig ang tuhod at ang kamay, inikap ni Mama at ni Daddy si Den, at hinalikan sa noo..Hindi ko mabilang kung ilang mga mata ang lumuluha nung mga sandaling yun… naririnig ko ang mga bulong ni Mama kay Den…
"God is good, Den, hold him tight, wag kang bibitaw sa kanya anak….mahal na mahal ka namin ng Daddy mo…" At lumabas na nga ang dalawa at hindi na nagawang lumingon pa.
6:45
"Denver, please, give me a sign,,please… wag mong gawin to sa akin,, nagmamakaawa ako sa iyo.."
"Sanz, calm down,," Habang hinihimas ng ate ni Den ang likod ko, nakikita ko sa kabilang side ng Bed si Ron, halos gusto na ring sumigaw…
"Know life hasn't been much fun at all Since you've been gone And my eyes being to feel Each time I hear a song I spent every minute asking myself What went wrong
Can't we try to talk it over baby Come back home "
"Hindi ko kaya to Denver… Den..sorry! Mahal na mahal kita.."
6:54
Nakahawak ako sa mga kamay ni Den, nakadikit yung mukha ko sa may kaliwang tenga nya,,,nagmamakaawa, nagsusumamo…
6:59
"Den,,, Denver….."
"I'm sorry, but this the best thing we could do for him now" Nang marinig ko yun mula sa doctor,, lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko, at lalong bumagal ang paghinga ko. Ganoon pa din, pero this time, halos masagad ko na yung mga labi ko sa tenga nya.
7:00
Saktong alas siete, tinanggal na nila, pagkatanggal, in just 3 seconds, halos nanginig pa siya, kitang kita ko, sumisigaw ako, pinapabalik ko sa doctor, pero hindi nila ginawa. Nakita kong bumagsak yung leeg ni Den sa mukha ko…"
"Diyos ko…..Denver….Ahhhh"
Narinig ko din ang mga nakakabinging iyak ng ibang mga tao pa dun. Lumapit si Ate, inakap nya ako..manhid na madhid ang katawan ko nun, hindi ko alam kung may boses na lumalabas sa bawat buka ng bibig ko….
Pumasok sila Mama, lumapit sya kay Den, pinunasan ng panyo nya ang mukha ni Den. Tinapik sa pisngi, at sabay hinalikan ulit.
Mahirap, hanngang ngayon! Sobrang sakit… sa bawat araw, lalo ako humihina. Sa bawat sandali lalo akong dinudurog ng konsenya ko! Nasaan man si Denver ngayon, alam ko nakikita nya ako, binabantayan, at patuloy na minamahal..
-00-
Ladies and Gentlemen, we have someone here who's gonna be jamming with us. Let us call in, ang gwapo pala sa malapitan, Santino…
"Anong kakantahin mo?"
"Half Crazy"
"Talaga naman, last time may kumanta nyan,ano bang name nun, basta umiyak sya pagkatapos"
"Si Denver ba?"
"OO nga, Denver yung name nun, don't tell me ikaw yung BF nya?"
"Ako nga.."
"Kasama mo sya…."
"Anjan lang yun…"
"asan, Sir Denver, magparamdam ka.."
I smiled,, just a smile.. kung alam lang nya ang nangyari….
"Once again, let us all welcome, Santino"
Half crazy….half crazy..!
Thanks for spending time with our story. I would like to request for a short prayer after having this 

End

No comments:

Post a Comment

Read More Like This