Pages

Sunday, October 4, 2015

Mount Makiling (Part 2)

By: Jacob

Sa sobrang pagkabigla ko ay napalakas ang pagkakasarado ko ng pinto ng shower room. Napahakbang ako palayo sa shower room. Sobrang kabog ng dibdib ko kaya muntik na akong mapatili nung may kumapit sa braso ko.

“Jacob okay ka lang?” si Gian. Hindi pa pala siya umaalis.

“A-ano pang ginagawa mo dito?” garalgal na tanong ko sa kanyan.

“J-Jacob? B-bakit ang tagal mo naman yata?” napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Manuel. Na nakasilip sa pintong may konting pagkakabukas.

“A-an-ano k-kasi. N-nagpasama si Gian. O-oo nagpasama si Gian.” Nanginginig ang boses ko bakas pa din ang pagkabigla sa nakita ko.

“Gian? Sino yan?” tanong naman ni Manuel.

“Taga District *. Di niya daw kasi alam yung daan sa—sa-?”

“Lost and Found. May nawala kasi sakin kanina baka sakaling may nagbalik dun. Sige Jacob maligo ka na baka abutan ko pang bukas yun. Salamat.” Naramdaman yata ni Gian ang tension sa pagsasalita kaya siya na mismo ang gumawa ng palusot para sakin. Medyo nakahinga ako ng maluwag pero nanginginig pa rin ako.

Lumapit ako ng dahan dahan sa shower room bago magsalita si Manuel.

“Ahh Jacob may nakita ka bang……” namutla ako sa itatanong ni Manuel. “my nakita ka bang galling dito?”

“Huh!? Wa-wala naman. Bakit?”

“Ahhh wala wala. Tara na maligo ka na. matatapos na kami ni Ver.”

Sabay kaming pumasok sa shower room. Nakita ko si Ver na nakatapat na lang sa shower at naisip kong siguro ay tapos na siya at nagbabanlaw na. mabilis akong tumapat sa shower at para bang nailing ako sa sitwasyon kaya damit pang itaas ko lang ang hinubad ko. Itinira ko ang shorts ko na hindi naman naming Gawain dahil mga brief na lang ang itinitira namin sa tuwing maliligo kami para hindi masyadong hassle sa pagpapatuyo. Pero sa pagkakataong to nakalimutan ko nay un.
Mabilis akong nagsabon ng katawan. Tahimik kaming tatlo. Tila kami mga pipi o kaya ay hindi kilala ang bawat isa. Tinitignan tignan ko silang dalawa pero sa tuwing titingin ako ay nahuhuli nila kong nakatingin kaya mabilis akong nag iiwas ng tingin. Naramdaman kong nagpatay na ng shower ang isa sa kanila at hudyat na tapos na ito.

“Oy mauna na ko sa inyo medyo inaantok na ko e.” lumingon ako sa nagsalita si Ver yun. Marahil nararamdaman niya ang awkwardness sa buong shower room.

“Teka matatapos na ko bibilisan ko na rin inaantok na rin ako.” Habol naman sa kanya ni Manuel. “Ikaw Jacob matatapos ka na ba?”

“Si-sige mauna na kayo. Susunod na lang ako.”

“Bahala ka. Narinig ko may nagpapakitang white lady dito.” Likas na mapagbiro si Manuel. At siguro gusto niya ding maalis sa paligid ang pagkailang naming tatlo. Alam kong alam nilang nakita ko sila. Pero hindi ko kayang sabihin.

“White lady? Hahahaha baka si Maria Makiling yun. Edi ayos magwiwish ako hahahaha.” Pilit na pilit ang biro at tawa kong yun.

“hahahaha o sige mauna na kami.” Sabay silang lumabas ng shower room napatingin ako sa pader habang patuloy na dumadaloy ang malamig na tubig sa katawan ko na nanggagaling sa shower. Blanko ang isip ko ng mga panahon nay un. Wala akong maisip. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa nalaman ko na hindi lang ako nag iisa. Pero alam ko sa sarili ko na mali yun.

Isinandal ko ang noo ko sa pader at pumikit. Patuloy pa ring binabalot ng lamig ang buong katawan ko. inuuntog untog ko pa ang sarili ko sa pader. Dahil naguguluhan pa din ako. Pero bigla na lang namatay ang shower at naramdaman kong may naglagay ng towel ko sa likod ko.

“Tama nay an. Baka magkasakit ka na. kahit na sanay kang maligo ng gabi ay hindi pa rin magandang magtagal ka pa jan.” mabilis akong lumingon likod ko at nakita kong nagpupunas pa ng mukha si Gian dahil nawisikan siya ng tubig galling sa medyo mahaba kong buhok.

“Kanina ka pa jan?” sabay ballot ko ng tuwalya sa katawan ko.

“Medyo. Pagkaalis ng mga kasama mo ay pumasok na ko. dahil alam kong mag isa ka na lang dito. Magbihis ka na oh. Sobrang late na.” hindi ko alam pero sa ngiti ni Gian parang nawawala ang mga bagay na iniisip ko.

Naglakad ako kung saan ko isinabit ang mga damit ko. nakatingin lang ako sa kanya at ganun din siya sakin. Napasimangot ako dahil hindi niya yata nakuha ang ibig kong sabihin.

“Bakit nakasimangot ka?” natatawa niyang tanong sakin.

“eh magbibihis kasi ako pwede bang tumalikod ka?”

“HAHAHA ano ba yan. Ang arte mo naman. E hindi ka pa nga yata tuli.”

“Tuli na ko. kaya tumalikod ka at hindi ako sanay magbihis ng may nakatingin sakin.”

“Oo na. Eto ang damot. Titignan lang e.” natatawa siya habang tumatalikod.

Namula ako sa pinag uusapan namin. Ewan ko pero di ko yata kayang magbihis sa harap niya. Isinaklob ko ang tuwalya sa bewang ko. kinagat ko ang dalawang dulo para mas madali kong matanggal ang shorts at brief ko. tumalikod pa ko sa kanya.

Maayos ko namang naalis ang shorts at brief ko. pero nung nagsusuot na ko ng underwear ko ay biglang may humablot ang tuwalya kaya wala pang isang Segundo ay tinaas ko ang brief ko. at dahil sa pagmamadali ko ay paling apaling ang pagkakasuot ko. tawa naman ng tawa si Gian.

“Loko ka ahh.” Sabay hablot ko sa kanya ng towel ko.

“Ang arte mo naman kasi. Meron din naman ako niyan tinatago mo pa.”

“Oh meron ka din naman pala bakit kailangan mo pang makita yung akin?”

“Wala lang hehehe. Sige na intayin na lang kita sa labas mag bihis ka na.”

Lumabas nga siya sa shower room kaya mabilis akong nagbihis at kapag dakay lumabas na din. Naabutan ko siyang nakaupo sa isang bato sa may gilid ng shower room.

“Ambilis ahhh. Namiss mo ba ko?”

“Pano naman kita mamimiss e ngayon lang kita nakilala hindi naman tayo close. Sige na alis na ko inaantok na ko.” naglakad na ko papalayo sa kanya pero napatigil ako sa tinanong niya.

“Anong nakita mo kanina sa loob?” nanlaki ang mata ko. muling bumalik sa isipan ko ang eksenang naabutan ko sa loob ng shower room. “Narinig ko kasi yung dalawang kasama mo pinag uusapan nila kung nakita mo raw ba sila. Ano bang nakita mo? Alam kong may nakita ka, dahil hindi ka naman manlalamig kanina kung wala.”

“Wala akong nakita.” Pasigaw kong sabi sa kanya sabay takbo papalayo.

Naabutan kong nag-aayos na ng higaan naming sila Manuel at Ver. Napalingon sila nung dumating ako. Nakatitig lang sakin ang dalawa.

“Antagal mo naman. Ano bang ginawa mo dun?” hanggang sa putulin na ni Manuel ang katahimikang namamagitan sa aming tatlo.

“Naligo! Ayos nab a yung higaan antok na antok na ko.” pilit kong iniiwasan ang mga titig nila. Ewan ko ba parang pakiramdam ko ay guilty ako. Pero wala naman akong ginagawa. Kaya mas minabuti ko na lang ang mahiga. Pumwesto ko sag awing kanan sa gilid na pwesto ko naman talaga. Nakatalikod ako sa kanila. At naramdaman ko na lang na nahiga na rin sila.

Hindi talaga ko mapalagay ng mga oras nay un. Kahit anong pikit ang gawin ko ay hindi pa rin ako makatulog. Para kasing may nagpindot ng rewind button sa utak ko kaya nakikita ko pa rin yung nakita ko shower room.

Bumangon ako at tinignan ang dalawang katabi ko. hindi ko alam kung tulog nab a talaga sila o nagtutulug tulogan lang dahil sa bumangon ako. Minabuti ko na lang na lumabas ng tent at maglakad lakad muna. Nadaanan ko ulit ang camp nila Gian. Tinignan ko ang mga tent nila pero patay na ang mga ilaw na nagsasabing mahimbing na ang tulog ng mga scout na nandun.

“Kailangan mo ba ng kausap?” nakangiti ang batang scout na kumalabit sa likod ko. tama. Si Gian nga yun. “Bakit gising ka pa?”

“Naguguluhan kasi ko e.” tignan mo tong taong to. Nagsasalita ako tapos tinalikuran ako.

“Tara ditto mas komportable ditong maupo.” Humanap lang pala siya ng mauupuan naming. Sinundan ko siya at tumabi na rin sa kanya. Kahit na ilang oras ko pa lang siyang nakikilala ay para bang ang gaan na ng loob ko sa kanya. “Ano bang nakita mo kanina? Hahahaha”

“Si Manuel at Ver. Magkayakap tapos naghahalikan sila.” Dineretso ko na siya. Alam kong alam na rin naman siya batay sa mga kinikilos ko.

“Sabi ko na nga ba.” Natatawa pa siyang hinahawi ang buhok na nalaglag sa noo niya. “Hayaan mo na lang sila. Buhay naman nila yun. At kung anong gusto nilang gawin ay gagawin nila. Hindi mo naman sila mapipigilan dun. Kung kaibigan ka nila susuportahan mo na lang sila.” Lumiyad pa siya at itinukod ang dalawang kamay sa kinauuppuan naming.

“Ilan taon ka nab a talaga bakit ba parang ang tanda mo ng magi sip at magsalita.” Medyo gumaan yung pakiramdam ko sa pakikipag usap sa kanya.

“12 lang ako!” natatawa pa siyang umiiling. “Ewan ko. ganto na ko kahit dati pa.”

“Mahirap ba?” hindi ko alam kung saan nanggaling ang tanong na sianbi ko sa kanya.

“Ang alin?”

“Ang maglihim sa lahat na kakaiba ka.”

“WOW! Ako lang ba ang nahihirapan? Diba ikaw din naman.” Tumatawa siya habang nakatingin sakin. Tumingala siya at tinignan ang buong kalangitan. “Mahirap sobra. Alam mo naman yun. May mga bagay na hindi mo pwedeng gawin ng naayon sa gusto mo. May mga dapat ka namang gawin na naaayon sa dapat mong gawin. May mga bagay na gusto ka pero hindi gusto ng iba para sayo. Tulad nito. Kung hindi lang ako pinilit ng tatay kong pulis ay hindi naman ako sasama dito. Ikaw? Nahihirapan ka ba?”

Natahimik ako sa sinabe niya. Oo, mahirap. Sobrang mahirap. Ang hirap kumilos ng dapat ay tama lagi sa paningin ng iba. Ang hirap gumawa ng bagay na hindi mo naman gusting gawin. Ang hirap magpanggap. Ang hirap magmaskara sa harap ng iba. Ang hirap magpakanormal na batang lalaki.

Nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang pag akbay niya sakin. Pero hindi ko inalis bagkus ay inakbayan ko na din siya.

“Yung nakita mo kanina sa mga kasama mo. Wag mo na lang pansinin. Kung gusto man nilang sabihin sayo na ganun sila tanggapin mo na lang.  hindinaman talaga maiiwasan yun. Diba ikaw din naman mas nagging mapangahas lang sila. Alam mo naman ang pakiramdam na magkubli kaya hindi rin siguro sinasabi sayo yun. Matulog ka na. maaga pa tayo bukas. Sayang last day na natin bukas.”

“Oo nga e. o sige tara na. salamat ah. Sige una na ko.” nauna na kong tumayo at naglakad.

“Goodnight Jacob. Kita tayo bukas may ibibigay ako sayo.” Kumakaway pa siya habang nakatapat sa camp nila. Kumaway na lang din ako.

Nang makarating ako sa tent naming ay naabutan kong nakadantay si Manuel kay Ver. At gaya ng sabi ni Gian ay hindi ko na lang sila pinakialaman. Tumabi ako kay Manuel at pumikit at nakatulog na ko.

Maaga kaming ginising ng guardian naming dahil ito na ang last day namin. At dahil ito na ang huling araw naming ditto ay magkakaroon ng grand parade at farewell party. Kasabay na din ang pagkilala sa mga natatanging scout na nagpakitang gilas sa buong lingo.

Nagdamit na kami ng type A uniform naming. Pinapila kami ng scout master. At nagmarcha papunta sa arena. Lumilingon lingon ako ng makarating na kami sa arena nagbabakasakaling Makita ko si Gian.

“Sinong hinahanap mo?” may umakbay sakin kaya alam ko ng si Gian yun. Dahil alam kong mahilig siyang umakbay.

“Wala.” Pagdedeny ko.

“Sus hinahanap mo ko no. namiss mo naman agad ako.”

“Di ahh. Tinitignan ko lang yung ibang scouts.”

“Kunwari ka pa e.”

PRRRRRRRRRRRRRRRRRRRTTT!!!

“Sayang naman pinapassemble na tayo gusto pa naman kitang makasama hehehe”

“Dun ka na nga Gian. Baka hinahanap ka ng guardian niyo.”

“Teka may ibibigay ako sayo diba?” napakunot ako ng noon g makita kong tinatanggal niya yung dilaw na panyo niya na nakalagay sa leeg niya. Tinanggal niya ang kalabaw na nagsisilbing lock nito at pilit na nilalagay sa kamay ko.” Wag mo kong kakalimutan ahh. Wag mong kakalimutang may pogi kang nakilala ditto sa camp. Pero siyempre dapat may ibigay ka din sakin.” Bigla niya na lang hinablot ang kalabaw na nakalagay din sa panyo ko.

“Ano ba naman yan. E parehas lang naman tong kalabaw parang nagpalit lang tayo.” Natatawa ko na may kung anong ibang pakiramdam.

“Basta itago mo yan. Remembrance mo sakin yan tapos remembrance ko din sayo to. Di ko to iwawala.”

“sige na pumunta ka na dun. Good bye. Ingat ka.”

“Ikaw din ingat ka.” At bumalik na nga siya sa troop niya.

Pinagmasdan ko lang ang ulo ng kalabaw na binigay niya sakin ng mapansin kong may nakaukit dito.

“GJ”

Itutuloy…..

No comments:

Post a Comment

Read More Like This