Pages

Sunday, October 4, 2015

Yakap ng Langit (Part 16)

By: James Silver

Chapter 15: Raffy’s POV

Nage-empake ako ng mga damit ko. Napagplanuhan ko na kasi ang lahat at buo na ang isip ko. Wala, hindi talaga kami matatanggap ng ama ko. Kaya nagdesisyon na ako na putulin na ang anumang ugnayan namin sa isa’t isa. Tutal ang natitirang pagmamahal ko sa kanya ay inalis nya na rin nung ipakita nya saken kung gaano sya kalupit! Wala na akong pakialam sa kahit anong meron sya. Isasama ko na rin si mama, at babalik kami sa dati naming buhay. Tutal nagkasundo na rin naman kami tungkol dito. Ayoko na, tama na ang pagbibigay ko. Tama na ang pagpapauto ko sa kanya. Hindi talaga anak ang tingin nya saken. Wala sya ni katiting na pag-intindi sa mga nararamdaman ko. At naniniwala ako na hindi ganun ang isang ama. Dapat, hindi ganun.

Raffy: Ma! Tara na alis na tayo.

Mr. Wee: Bakit saan kayo pupunta?

Raffy: Simula sa araw na ‘to mamuhay na lang kayo mag-isa. Wala na kayong pamilya, pinuputol na namin ang anumang ugnayan namin sayo. Wala ka nang asawa at wala ka na ring anak.

Hindi na nakapagsalita si daddy, napipi ito sa mga sinabi ko. Nakita ko rin ang labis na pagkagulat sa mukha nya. Marahil ay hindi nya inaasahan na magdedesisyon kaming mag-ina ng ganun. Tumuloy na kami ni mommy sa labas, nang bigla na lamang nya kaming habulin at pigilan. Hinawakan nya agad si mommy sa braso at sabay kaming napahinto sa paglalakad.

Mr. Wee: Bakit? Bakit kayo aalis? Maganda ang buhay nyo rito saken. Lahat nasa inyo na ah. Kahit anong gusto nyo makukuha nyo kung nandito kayo. Bakit kailangan nyo pang umalis? Ano bang ginawa kong masama?

N. Esther: Hindi mo alam? Tanga ka ba o nagtatangatangahan? Hindi pamilya ang turing mo samen dito. Bilanggo ang turing mo sa amin na kailangang sumunod sa lahat ng gusto mo. Wala kang pakialam sa mga nararamdaman namin. Sarili mo lang ang iniisip mo Jigger, makasarili ka, kaya hindi mo kailangan ng pamilya. Nagawa ko na noon at magagawa ko ulit ngayon. Naitaguyod ko ang anak natin ng mag-isa nang hindi kinakailangan ang tulong mo. Makakaya pa rin namin kahit wala ka.


Mr. Wee: Ano bang sinasabi mo? Hindi ako makasarili, ginagawa ko lang kung ano ang tama para sa anak naten. Lalake sya at kailangan mapanindigan nya yun.

N.Esther: Alam mo, pakihanap yung puso mo, nawawala eh. Hanapin mo para maimulat mo na yang mata mo na ang anak naten ay hindi kagaya ng inaasahan mo. Hindi sya tunay na lalake, bakla sya, binabae,

Raffy: Ma!

N. Esther: Becky, kapederasyon,

Raffy: MA!

N. Esther: Berde, paminta, shoke at higit sa laha….

Raffy: MA! Tsk, grabe! Pwedeng yung paminta na lang, kailangan ba talagang banggitin lahat ng term. Tara na, kinakusap nyo pa yan eh, sarili lang nyan ang kaya nyang intindihin. Ang akala nya palagi syang tama.

At pagkatapos nang pag-uusap naming iyon ay tumuloy na kami sa labas. Pipigilan pa sana kami ulit ni daddy pero hindi na kami nakinig sa kanya at nagmadali na lang kami lumabas.

“Sinisiguro kong babalik din kayo!” narinig kong huling sinabi nya bago kami tuluyang makasakay ng sasakyan. Naghanap kami ng mauupahan ni mommy, kahit maliit na kwarto lang para sa aming dalawa. Sigurado akong puputulin na naman nya lahat ng pupwedeng pagkunan namin ng pera. Handa naman na kami dun, after all, sanay naman kami sa hirap eh. Reward na lang samin kung ano man ang tinamasa namen, this past few years nang dahil sa ama ko. Sanay na kami sa anumang uri ng pamumuhay kaya naman wala na kaming uurungan. Hindi kami natatakot.

Nag-ikot kami ni mommy para maghanap ng mauupahan. Gusto ko doon sa malapit kila James para naman madali na lang pumunta sa kanila. Sosorpresahin ko sya. Ngayon pa lang kinikilig na ako sa magiging reaksyon nya. Hays! Miss na miss ko na talaga sig ago. Gusto ko na syang mayakap ulet. Magmula nung makabalik ako ay hindi pa man lang kami nakakagawa ng ano. Yung ano ba.. yung.. ahmm. Basta yun yung paborito namen. Di bale, matatapos na rin naman na ang lahat ng ito. Buo na ang loob namen ni mommy. Si mommy at si James lang naman talagaa ang kailangan ko sa buhay ko eh. Wala nang iba. Gagamitin ko na lang ang pinag-aralan ko para magkaroon ng magandang trabaho. Sa puntong ito. Sisimulan ko ulet. Magsisimula kami ng bagong buhay. Walang magulo. Ang pangarap kong buhay, kasama ng mga mahal ko at nagmamahal saken. Sapat na, wala na akong mahihiling pa.

Kahit pinilit naming maghanap doon sa malapit kila James eh dito pa rin kami bumagsak sa kabilang barangay. Nakakainis, wala kasing bakante doon malapit sa kanila. Pero ayos lang di hamak na mas malapit ito kesa doon sa bahay ng tatay ko. Eto na! Magiging malaya na kami. Nagpapasalamat ako.

James's POV

Mabaho, mainit at madumi. Ganyan ko mailalarawan ang kulungang kinalalagyan ko ngayon. Napansin kong gumagabi na dahil sa maliit na bintanang nagsisilbing mata ng bawat isa samen dito, sa mundong nasa labas. Nakasandal ako sa pader at nakatingala habang pinagmamasdan kong maglaho ang liwanag.

Naba-blangko na ang utak ko sa kakaisip kung bakit patuloy na nangyayari saken ang mga kamalasang 'to. Ilang beses ko na rin naitanong sa buong buhay ko kung ano bang naging kasalanan ko para danasin ang mga bagay na 'to. Kapag binabalikan ko ang mga nagdaan saken ay wala akong mahagilap na karumaldumal na nagawa kong kasalanan para parusahan ako ng ganito. Anong mali? Sinong mali?... Kasalanan?... Marami ako nyan, pero hindi sapat na dahilan yun para magdusa ako ng ganito. Hindi ko makita ang pagkakamali ko noong pinili kong mahalin si Raffy. Pero sa mata ng lipunang ginagalawan ko ay isa itong uri ng pag-labag sa prinsipyo ng tao at malaking kalapastanganan sa tuntunin ng Diyos. Napipiga na ang isip ko sa paghahanap ng mali sa sarili kong pagkatao. Hindi ko na nga halos makita ang pagkakaiba ng tama sa mali. Tama bang maging sunudsunuran na lang sa pamantayang itinakda ng tao para maging angkop sa lipunan?... Hindi ko alam. Hindi ko na alam. Pumatak ang luha ko habang nakatingala at pinagmamasdan ang munting liwanag sa labas na unti unti nang nawawala. Katulad ng pag-asa kong unti unti na ring naglalaho. Maya maya pa ay nawala na nang tuluyan ang liwanag mula sa bintana. Kasabay noon ang tuluyang pagkamatay ng natitirang pag-asa ko. Susuko na ba ako?

Nilamon na ng dilim ang buong lugar at naging malamig ang kanina'y maalinsangang paligid. Mahimbing na ang tulog ng mga kasama ko sa selda. Pirapirasong karton lamang ang aming higaan. Walang anumang panlaban sa lamig kundi ang bumaluktot para ibsan ang nag-uumpisa nang pangangaligkig.

Habang ang bawat isa ay naghihilikan na tila ba itinuring na nilang tahanan ang bilangguang ito, ako naman ay nakatagilid habang nakabaluktot ang katawan. Tulala sa kung saan at awang awa sa sarili. Inuumpisahan ko nang tanggapin na pinaghaharian ng mga taong may kapangyarihan ang mundo. Wala akong kahit katiting na tinatangkilik sa buhay kundi ang mabuti kong pagkatao na patuloy na sinisira ng mga mapagsamantala. Pinipilit kong pumikit upang dalawin ng antok. Pero imbes na makatulog ako ay bigla na lang sumabog ang emosyong ilang araw ko na rin pinipigilan. Nag-umpisa nang mamanhid ang isipan ko at tanging puso ko na lang ang nakakaramdam. Ang luha kong umagos na lang ng tuloy tuloy kasabay ng mga mahihinang paghikbi. Ang naginginig kong bibig na nagtitimpi sa poot ng aking damdamin ay halos mapiga na sa sobrang pagtitiis. Hindi ko alam kung kanino ko ibabaling ang galit na nararamdaman ko.

"Sana hindi na lang kita minahal." ang mahina kong pagsambit sa aking sarili. Pero isang pwersa ang patuloy na pumipigil saken para lamunin ako ng galit. Habang pinipilit kong kalimutan sya ay lalo ko lang naaalala ang masasayang ala ala namen. Alam ko... sa kabila ng napakaraming pagdurusang pinagdaanan ko ay naging kakampi ko sya. Sya lang ang nag-iisang tama sa kabila ng napakaraming pagkakamali sa buhay ko. Sya ang nagsilbing liwanag sa napakadilim kong mundo. Kaya tinanong ko ulit ang sarili ko kung bakit at kung saan ako magsisimula para kalimutan sya. Ang taong 'yon na walang inisip kundi ang kapakanan ko at ng relasyong binuo namen. Wala akong maisip na dahilan.

Nagpatuloy ako sa pag-iisip hanggang sa hindi ko na namalayan ang pagkakaidlip ko. Isang malakas na tunog ng pinupukpok na bakal ang gumising sa diwa ko. Gayun din sa iba ko pang kasama dito sa loob. Isang pulis ang pumupukpok ng rehas at may tinatawag ito.

"Villacorta! May bisita ka." sabi ng pulis. Agad akong napabangon kahit na medyo nahihilo pa ako sa antok. Binuksan nya ang pintuan ng selda at paglabas ko ay agad nya akong pinosasan at dinala tanggapan ng mga dalaw. Nang makapasok na ako sa loob ay agad kong nakita si nanay kasama nya si Irene, at isa pang bisita na inaasahan ko na rin... si Limuel.

Medyo masama ang loob ko kay Limuel dahil hindi pa man lumilipas ang isang linggo ay ipinaalam nya na kaagad kila nanay ang kalagayan ko. Hindi ko rin naman sya masisi dahil alam ko naman ang nararamdaman nya, ganun din ng pamilya ko dahil ikatlong araw ko nang hindi umuuwi.

Tahimik lamang akong lumapit sa kanila. Hindi ko naman kasi alam kung matutuwa ba akong makita sila o ano bang dapat kong maging reaksyon. Hindi naman masaya 'tong kinalalagyan ko at lalong lalong hindi ito isang magandang balita para masaya ko silang salubungin. Hindi pa man ako nakakalapit ng tuluyan sa kanila ay nakita ko na si Irene at nanay na nag-uumpisa nang umiyak. Ayoko silang tignan ng tuwid dahil ako man ay nahahawa na sa kanila. Pinilit ko na lamang na ibaling ang aking paningin sa kung saan. Muntikan pa akong matalisod dahil hindi ako nakatingin sa nilalakaran ko.

"Anak! Anong nangyari? Bakit ka ba nakakulong?" Ang mga simpleng tanong ni nanay na hindi ko alam kung papaano ko sasagutin. Agad nyang hinawakan ang mga kamay kong nakaposas at banayad nya itong piniga.
Ang init ng kamay ni nanay. Ang simpleng aktong iyon na kanyang ginawa ay nakapagpapagaan ng loob ko. Mainit na umaabot hanggang sa kaibuturan ng puso ko. Ang kamay ng mapagmahal kong ina. Pakiramdam ko ay protektado ako habang nakahawak sya sa mga kamay ko.

"James, ipaliwanag mo kung anong nangyari?" muling sambit ni nanay. Gusto kong ibuka ang bibig ko para magpaliwanag sa kanya. Pero napipipi ako sa sobrang hiya. Hindi ko alam kung saang parte ng mga nangyari ako mag-uumpisang magkwento. Wala akong maisip na sabihin.
"Sabihin mo saken ang totoong nangyari James. Alam mong sayo lang ako maniniwala. Kaya pakiusap anak, bigyan mo ako ng bagay na paniniwalaan ko." dugtong nya habang naglalawa na ang luha sa kaniyang nag-uumpisa nang mangulubot na mukha.

Hindi ko iniisip kung ano pang mga hirap ang dadanasin ko dito sa loob ng piitang ito. Ang tanging nararamdaman ko lang ay awa para sa pamilya ko. Halos sisihin ko na ang sarili ko kung bakit ba ako napasok sa ganito. Ayoko silang bigyan ng alalahanin pero heto ako't pagdurusa ng kalooban ang ibinibigay ko sa kanila. Napakawalang kwenta ko talaga. Papano ko sila puprotektahan kung nandito ako.
"Anak, nanay mo ako. Wag kang matakot magsabi ng totoo saken. Maniniwala ako sa lahat ng sasabihin mo." sabi pa nya. Ako naman ay nangangatal na ang bibig dahil unti unti na akong binabalot ng emosyon. Nag-uuntugan na ang mga labi ko dahil pinipilit kong may masabi man lang na makapagpapagaan ng loob ng nanay ko. Namamanhid na ang ulo ko at kasabay nun ang biglang pag-agos ng luha sa aking pisngi.
"Nnnn..nnay.." ang tangi ko lamang nasabi at bigla na lamang akong napatungo dahil ayokong makita ni nanay ang kahinaang nararamdaman ko. Inilapit ko sa mga labi ko ang mga kamay ni nanay. Hinalikan ko iyon bilang tanda ng paghingi ko ng tawad sa kanya. Alam kong wala akong kasalanan, pero sa nanay ko marami. Malaki ang pagkukulang ko bilang isang anak. Ninais ko noon na mailagay sila sa mas maginhawang buhay pero heto ako't nakakulong sa isang krimeng hindi ko naman ginawa.
Nasasayaran na ng luha ko ang mga kamay ni nanay, pero hindi ko mapigilan. Gusto kong ganun lang kami. Palagi akong malakas. Palagi akong matapang dahil pinipili kong magpakatatag para sa kanila. Pero sa pagkakataong 'to, mas pinili kong maging mahina. Pakiramdam ko ay isa akong batang walang kalaban laban. Kinakailangan ko si nanay, kasi alam ko... alam na alam kong kahit na anong mangyari ay ako lang ang kakampihan nya. Gusto kong magsumbong sa kanya dahil alam kong, ipagtatanggol nya ako. Malinaw sa isip ko kung gaano ako kamahal ng nanay ko.

Halos ilang minuto na rin ang lumipas na nasa ganoong posisyon lang kami ni nanay. Si Irene naman ay pinagmamasdan lang kami habang umiiyak. Ganoon din si Limuel na panay ang pahid ng mga mata at nakatingin lang din samen. Maya maya pa ay binasag ko na ang katahimikan at nag-umpisa na akong magsalita.
"Nay, pinagbibintangan nila akong pumatay. Pppero.. hindi ko magagawa yun, alam nyo yan. Na-frame up lang ako. Wala po akong kasalanan." sabi ko at tsaka ko unti unting binawasan ang emosyong nararamdaman ko para lalo pa akong makapagsalita ng maayos.

"Sinong gagawa nun sayo?" tanong ni nanay.
"Hindi ko po alam nay eh.. ppero.. bbaka sssi." utal ko.
"Si Jigger Wee!" sabat ni Limuel na may halong matinding galit. "Si Jigger Wee na tatay ni Raffy lang ang maaaring gumawa sa'yo nito." dugtong nya pa. Hindi ako nagsalita dahil sa kabila ng isipan ko ay malaki ang posibilidad na ang tatay nga ni Raffy ang gumawa saken nito.
"Hayop sya! Itinuring nating pamilya ang mag-ina nya. Pero anong ginawa nya saten?! Itinuring nya tayong hayop!!! Hindi ko na mapapalagpas ang ginawa nyang ito sayo." Galit na galit na sabi ni nanay.
"Nay, hayaan nyo pong kami na lang ang gumawa ng paraan ni Limuel. Magiging maayos din po ang lahat. Ayokong mapahamak kayo. Kilala nyo naman po ang tatay ni Raffy. Kahit anak nya ay nagawa nyang pahirapan, mas lalo na ang hindi nya kadugo." sabi ko.
"Anong gusto mong gawin ko?! Tumunganga habang nakikita kitang nagbabayad ng kasalanang hindi naman ikaw ang may gawa?! Hindi James, ako ang nanay mo. At gagawin ko ang lahat maparusahan lang sya sa mga kasalanan nya." si nanay. Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon ko lamang nakitang magalit ng ganito si nanay. Palagi syang mahinahon at mukha syang hindi marunong magalit. Pero ngayon ay kitang kita ko ang isang tigre na handang ilaban ng patayan ang mga anak na pinuprotektahan nya. Ngayon lang ako nakaramdam ng matinding takot kay nanay. Sya pa rin talaga ang makapangyarihan. Sya pa rin ang otoridad sa buhay ko.

"Ano pong magagawa naten? May pera sila at kahit sinong pinakamagaling na abogado ay kaya nilang bayaran, maipakulong lang ako." sabi ko.
"Matutulungan tayo ng tito ko pag dating sa abogado. Sa munisipyo nagtatrabaho 'yon kaya siguradong may magagawa sya." mungkahi ni Limuel. Napalingon si nanay kay Limuel at madali nitong hinagilap ang kamay nya. Hinawakan iyon ni nanay at tsaka ito nakiusap.
"Pakiusap Limuel, tulungan mo kami. Ilabas naten si James dito." sinserong pakikiusap ni nanay.
"Wag po kayong mag-alala. Gagawin ko po ang lahat ng magagawa ko para makatulong. Basta po para sa inyo, kahit ano gagawin ko." sabi ni Limuel. Ramdam ko ang matinding pagmamalasakit nya samen ng pamilya ko. At nagpapasalamat ako sa kanya dahil dun. Alam kong hindi nya kami magagawang iwan, lalong lalo na sa ganitong sitwasyon.
"Maghintay ka lang James at magtiis ng konte. Sisiguruhin kong hindi ka magtatagal sa kulungang 'yan." paniniguro ni Limuel. Pinanghawakan ko ang mga salitang iyon ni Limuel. Kahit papaano ay nabawasan ang paga-alala ko. Gumaan ng husto ang loob ko at nabuhayan ako ng pag-asa.

Sa madilim kong mundo ay sumilay ang isang liwanag. Sinakop nako ng kawalang pag-asa, kaya halos nakalimutan ko na, na meron pang mas makapangyarihan. Ang walang sawang nagmamasid at naghihintay sa pagtawag ko. Napapikit ako at sandaling nagpasalamat. Maya maya pa ay natapos na ang oras ng pagdalaw. Muli akong babalik sa selda na baon ang mumunting pag-asa.

Raffy's POV

Tatlong araw na kami mula nang lumipat kami dito sa kalapit baranggay kung saan naninirahan sila James. Pero hindi pa ako nakakadalaw sa kanila. Mula nang bumalik ako dito sa Pilipinas ay ilang beses lang kaming nagkita pero hindi pa man lang din nagtatagal eh agad na naman kaming nagkahiwalay. Kung noong una ay naga-alala ako dahil alam kong pipigilan na naman kami ng tatay ko, ngayon ay hindi na. Iniwan na namen sya at wala na syang maaari pang gawin para pasunurin kami sa kagustuhan nya. Wala nang hadlang ngayon kaya naman hindi ako masyadong nagmamadali. Dahil sa susunod naming pagkikita ay magsasama na ulit kami. At sa pagkakataong ito ay sinisiguro kong panghabang buhay na kami. Maghitay lang sya dahil pupupugin ko talaga sya ng halik pag nakita ko na sya.

"Anak paki kabit mo nga 'tong bra ko! Hindi ko maabot yung likod ko eh." pakiusap ni mommy saken.
"Eh papano naman kasi ma, malaki pa sa braso ni Allan Juvan yang braso nyo. Pwede na kayo sa UFC eh." biro ko sa kanya.
"Eh kung bangasan kaya kita dyan. Hindi mo ba alam na pangbold star ang katawan ko dati. Lumaki lang ako ng ganito simula nung ipanganak kita noh. Tsaka kahit ganito nako, sexy pa rin naman ako ah, may madadale pa akong mas mayaman pa kesa sa tarantado mong ama." ganti nya.
"Sinisi nyo pa talaga ako eh noh. Sabihin nyo anlakas nyo kumain. Tsaka, sexy?! Saan?! Sexy ba yan eh mukha kayong tatlong buwang buntis, tapos yang bilbil nyo masakit na sa mata. Kakorte na kasi ng kalabasa. Yan?! Yan ba ang sexy?" biro ko ulit.
"Tumigil ka na ah. Bibigwasan na kita!" sigaw nya saken at ako naman ay napatawa na lang dahil napipikon na sya. Ikinabit ko na ang bra nya at nagsuot na sya ng blouse. Nang makita nya sa salamin na kitang kita ang kulay ng bra nya dahil halos seethrough na ang blouse nya ay bigla na lamang syang naghubad ulit sa harapan ko at pinilit nyang abutin ang bra nya tsaka nya kinalas ulit. Juskopo. Karimarimarim!
"Ano ba yan ma! Kakadiri naman! At sa harap pa talaga kita naghubad ah! Ang sagwa kaya! Kadiri!" reklamo ko.
"Kadiri. Sabihin mo kakainggit. Napaka echusera mo eh noh. Palibhasa kasi wala ka nito kaya naiinggit ka. Dapat kasi nagpagawa ka na nung nasa poder pa tayo ng tatay mo!" sabi nya.
"Ah ewan. Teka san ba kasi kayo pupunta?" tanong ko.
"Shunga ka?! Syempre kila mareng Martha. Alangan namang mangapit bahay ako dito eh wala naman akong kilala dito. Ikaw ano ba kasing ginagawa mo dito sa kwarto ko? Manghihiram ka ng bra? Cap C ako, hindi kasya sayo, anliit nyan eh." sya naman ang nagbiro.
"Nakakainis ka ma, hindi ka makausap ng maayos." sabi ko. At lumakad sya na parang wala lang sa harapan ko at tumungo sa damitan nya para humanap ulit ng bagong maisusuot.
"Ang shunga mo kasi! Tumabi ka nga dyan, isako kita eh." dugtong nya pa, sabay hawi saken. Napatabi na lang ako dahil sa bigat ng braso nya.
"Sasama ka ba? Magbihis ka na nga dun sa kwarto mo. May salamin ka naman dun diba? Dun ka na. Dun mo tignan yang sarili mo sa salamin. Dun ka na rin mangarap na magkadede. Alis! Alis! Nakakapagdilim ka ng isip." sabi nya. Umalis na lang ako dahil nag-uumpisa na akong maasar sa panunukso nya. Anlakas talaga mang-asar ng nanay ko kahit kelan. Kakainis!

Hindi nya man lang sinabi saken na may plano pala syang pumunta kila James. Bigla naman akong naexcite, kaya naman agad akong pumunta ng kwarto ko para magbihis. Hindi na ako naligo dahil biglaan 'to, ayokong mapostpone yung lakad namen ngayon kaya hindi na ako umarte pa. Tsaka alam ko namang mahal ako ni James kahit mag-amoy baktol pa ako. Kaya kahit hindi ako maligo eh, hahalikan at yayakapin pa rin ako nun. Sya nga eh, naalala ko pa nung sa Palawan pa kami nakatira. Tuwing uuwi sya ng bahay na amoy isda sinasalubong ko pa rin sya ng yakap at halik eh. Napangiti na lamang ako nung maalala ko yung mga tagpong iyon, na malinaw na malinaw ko pang nakikita sa isip ko.

Isang medyo maalinsangang gabi nun. Nagluluto ako noon ng paksiw. Paksiw na kahit na halos araw araw na namen ulam eh hindi pa rin kami nagsasawa. Paborito kasi namen pareho eh. Inaasikaso ko na ang mga pagkain para pag dating ni tukmol eh makakain kaagad. Sigurado kasi akong gutom na gutom yun pagdating. Mala halimaw kasi kung makalamon yun eh kaya ang kaning sinasaing ko gabi gabi eh tatlong gatang. 1/4 lang yung saken dun. Tapos lahat ng natira eh sa kanya na.

Ilang sandali pa ay may kumatok na sa pintuan.
"Mahal! Mahal! Bilis!" sigaw ni James. At ako naman ay napatakbo kaagad dahil tila ba may hindi magandang balita syang sasabihin. Dahil sa tono ng boses nya eh parang meron syang iniinda. Nang makalapit ako sa pinto ay agad ko itong binuksan. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay agad itong pumasok nang hindi man lang humaharap saken.
"May problema ba?!" tanong ko na naga-alala.
"Natatae na 'ko! Antagal mong buksan yung pinto! Tss!" sabi nya sabay pasok agad sa cr.
"Akala ko pa naman kung ano na eh. Kung makasigaw ka kasi akala mo sawing palad ang puta!" sabi ko.
"Ikaw kaya bumyahe ng malayo habang taeng tae ka na! Ewan ko lang kung hindi ka magmukhang sawing palad dyan!" sagot nya naman saken. Ako naman ay napangiti na lang dahil wala naman palang problema. Medyo praning kasi ako lately, simula nung malaman kong trip na trip pala sya nung kapit bahay naming babae na matanda na pero maganda pa rin.

Nang matapos nyang gumamit ng cr ay agad itong lumabas. Ako naman ay ipinagpatuloy ang pagluluto dahil andito na ang hari. Siguradong maghahanap na 'to ng pagkain. Ugali pa naman nyang magmaktol kapag wala pang nakahandang pagkain.
Habang nagluluto ako ay bigla ko na lamang naramdaman ang paggapang ng kamay ni James sa bewang ko. Napangiti ako, kahit na madalas naman nya itong gawin ay hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam ko. Nakakaramdam pa rin ako ng kilig. Ewan! Ganun na siguro talaga ako o talagang mahal ko lang sya. Naramdaman ko rin ang paglapat ng dibdib nya sa likuran ko. Mainit at panatag ang loob ko sa tuwing gagawin nya yun. Pagkatapos ay hinalikan nya ako sa leeg.
"Wag ka nga! Nagluluto ako eh." sabi ko.
"Anong klaseng pagluluto ba yang ginagawa mo sa paksiw eh pinapakuluan lang naman yan. Kunyari ka pa eh, papansin ka lang saken eh. Crush mo 'ko eh noh." Sabay halik nya ulit.
"Gago! Papansin ka dyan. Hindi ako papansin noh. Gusto ko lang maayos tong niluluto ko. Napakamareklamo mo kasi." sabi ko.
"Wee.." sabi nya sabay halik ulit sa leeg ko. "Mahal..." ang malambing nyang pagbulong saken.
"Hmmm." ang medyo kinikilig ko namang sagot.
"Amuyin mo 'to!" at bigla nyang itinapat sa ilong ko ang kaliwa nyang kamay. At nang maalala kong kagagaling nya lang sa cr ay agad akong napabalikwas. Nang makawala ako mula sa pagkakayakap nya ay agad ko syang inambahan ng batok. Madali naman syang tumakbo sa itaas. Hahabulin ko pa sana sya kaso, hindi ko maiwan 'tong ginagawa ko.

Pag baba nya ay nakapagpalit na sya ng damit. Mahilig sya sa puting t-shirt kaya naman halos puro puti ang damit nya. Kaya ang madalas nyang suot pag nandito sa bahay ay puting t-shirt at boxer shorts. Lumapit sya saken at agad akong niyakap tsaka nya ako hinalikan sa labi.
"Amoy yosi. Naglinis ka na nang katawan pero hindi ka naman nag-toothbrush." sabi ko.
"Ang arte naman. Pakiss pa nga, namiss kita tapos ganyan ka saken. Wala man lang lambing." pagtatampo ni James.
"Luh, tampo sya oh. Kiss na lang kita ulit." sabi ko at hinalikan ko sya kaagad.
"Kakain na tayo mahal?" tanong nya.
"Tara na nakahanda na. Nagugutom na rin ako eh." sagot ko at tsaka kami umupo sa mesa.

Nakasanayan na naming pagkatapos kumain, maglinis ng katawan at bago matulog ay tatambay kami sa paborito nyang lugar sa mumunti naming bahay... ang balkon. Naupo kami pareho sa barandilya kagaya ng palagi naming ginagawa. Magkatabi kami at nagkukwentuhan tungkol sa mga pangarap namen. At ang mga huling sinabi nya noon ang tumatak mabuti sa isipan ko hanggang ngayon. Iyon din ang dahilan kung bakit malaki ang tiwala ko sa kanya.

"Nakalaan lang ang puso ko para sayo Rap. Kaya ang pakiusap ko sayo maging matibay tayo sa anumang haharapin naten. Hindi madaling landas 'tong pinili naten. Pero pangako ko sayo sasamahan kita hanggang sa huling tibok ng puso ko." sabi nya. Hinawakan ko ang kamay nya na ginagamit nyang pambalanse at tsaka ko sya nginitian.
"Ang drama ng mahal ko ah." tinitigan nya ako ng seryoso. Direkta sa mga mata ko.
"Kahit anong mangyari, magtiwala ka lang saken. Tandaan mo ang sasabihin ko. Sasamahan kita sa lahat ng haharapin naten kahit maging kahulugan pa yun ng sarili kong buhay. Hindi ka mag-iisa. Ikaw ang unang minahal ko at pangako ko sayong ikaw lang ang magiging huli. Kung hindi lang rin ikaw... mmm..mmabuti pang ... mabuti pang mamatay nako.." nawala ang ngiti ko sa mukha nang makita ko ang pagpatak ng luha nya.
"May problema ba James?" tanong ko.
"Wala... Rap mahal na mahal kasi kita. Habang lumilipas ang araw na magkasama tayo lalo naman akong natatakot. Natatakot ako na baka isang araw, hindi mo na kayanin yung mga pagsubok saten at sumuko ka na lang. Natatakot akong baka isang araw... Hindi mo na ako mahal." sabi nya at pinahid nya ang ilang patak ng luhang tumulo sa pisngi nya.
"Mahal kita James... at eto ang proweba ko... nandito ako sa harap mo ngayon dahil ikaw ang pinili ko. Aanhin ko naman lahat ng yamang dadaan sa palad ko. Kung hindi naman ikaw ang makakahati ko sa lahat ng makakamtan ko. Mahal kita.. At hindi magbabago yun." sabi ko.
"Salamat... Gusto ko lang iparamdam sayo araw araw kung gaano kita kamahal. Ayokong magkulang. Ayokong isang araw, masabi mo saken na hindi mo naramdaman yung pagmamahal ko." si James. Ramdam na ramdam ko ang takot nyang magkahiwalay kami. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa hinaharap. Pero ang ipinapangako ko lang, kung mangyari mang magkahiwalay kami.. Gagawa at gagawa ako ng paraan para makabalik sa kanya.
"Mahal na mahal kita James. Magtiwala ka rin saken. Sasamahan kita hanggang sa huli. Panghahawakan ko lahat ng sinabi mo. Ako lang ha! Pag nagpalandi ka sa iba.. Kakatayin kita.."napangiti sya sa sinabi ko. "Tara na, andrama mo. Matulog na tayo."

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabalik tanaw ko sa mga nangyari samen ni James sa Palawan nang bigla ko na lang naramdaman ang malakas na pagbatok. Si mommy.
"Aray!!!" sabi ko.
"Alam mo nakakahiya ka kasama. Nakangiti ka mag-isa dyan. Mamaya sabihin ng mga nakakakita saten, may kasama akong sinto-sinto. Parang tanga!" sabi nya dahil hindi ko naman kasi mapigilan ang sarili kong mapangiti habang inaalala ko yung mga sinabi ni James saken.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay nila nanay Martha. Hindi pa man kami kumakatok ay nakita na namen sila agad na para bang kakauwi lang. Nakita nya rin kami pero mukhang hindi sya masayang makita kami ni mommy. Isa pa, yung kaibigan ni James na si Limuel nandoon din at masama ang tingin saken. Bigla akong nakaramdam ng hindi maganda sa paligid.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This