Pages

Sunday, October 25, 2015

Somewhere Along the Line

By: Kier Andrei

Authors Note: This is a work of fiction . Natuwa lang ako sa magagandang response sa una kong isinulat para sa site na ito. Muli, maraming-maraming salamat po sa pagbabasa ninyo sa pagkaha-haba kong sinulat. Asahan na ninyong mahaba din ito.
Medyo naiilang pa rin ako sa tuwing binubuksan ko iyong site, lalo na at medyo “vivid” iyong picture na inilagay noong mga moderator sa una kong isinulat na “You Again” pero medyo nasasanay na din. I tried to make it as different as possible from the first one. Sasabihin ko na po simula pa lang na wala pong bed scene dito, almost lang. But still, I hope you enjoy this one too. I know it’s a little different from what you read on the site and it’s way longer but still, sana ma-enjoy po ninyo.

Nakilala ko si Joaquin noong second year college ako sa isang pribadong unibersidad sa aming probinsiya. Pareho kaming galing sa iisang departamento sa ilalim ng College of Arts and Sciences, magkaiba nga lamang ng major. Development Communication siya samantalang ako naman ay AB English.
Hindi ko alam kung paanong nangyari na sa loob ng isang taon simula noong nakapasok ako sa unibersidad na iyon ay hindi man lang nagtagpo ang landas namin. Mabibilang mo kasi ang mga estudyante sa kolehiyo namin, lalo na sa departamento kung saan kami nabibilang, pero ni minsan, hindi nangyari na nag-krus ang landas namin. Kung hindi pa siguro ako sumali sa taunang Search for Mr. and Ms. Campus Personality ay hindi pa kami magkakakilala.
Bawat taon kasi ay ginaganap ang patimpalak na iyon kung saan ang mananalo ay siyang magiging representative ng CAS sa university-wide pageant. Aminado naman ako na may pagka-ambisyoso ako. First year pa lang kasi ako ay gusto ko nang sumali. Ni wala nga akong pakialam sa sinasabi ng mga tao na mga bading lang daw ang sumasali at nananalo doon. Saka kilala ko naman ang sarili ko kaya hindi ako masyadong apektado. Ang akin kasi, gusto kong makilala bilang pinaka-gwapo sa buong campus. Sabihin nang mababaw pero hindi ko itatanggi iyon. Gusto ko talagang manalo. Kaya nga noong sabihan ako ng mga officers sa course namin na ako ang sasali, hindi man lang sila nagdalawang salita.
Wala akong pinalampas na kahit na isang practice para sa pageant. Kung alas-otso ang usapan, alas-siyete pa lang ay nasa venue na ako. Tinatawanan pa nga ako ng ibang teachers dahil kung ganoon din daw sana ang dedikasyon ko sa pag-aaral ay baka nai-uno ko na lahat ng subjects.
Anim na pares kaming kandidato ayon sa mga officers pero laging wala ang isa sa mga kandidatong lalaki. Simula nang magpa-meeting sila hanggang sa araw-araw naming pagpa-practice, hindi nagpakita ang kandidato ng Devt. Com. Ang alam ko lang, Joaquin Fernandez ang pangalan niya pero hindi ko pa nakikita kahit minsan.
At noong mga panahong iyon, talagang natutuwa akong wala siya. Kung ang titignan lang naman kasi ay ang ibang lalaki na nandoon, walang makakapagtangging lamang ako sa kanila. Maliban kasi sa mukhang hindi sila seryoso, hindi mo rin naman masasabi na talagang gwapo. Kung sila lang ang makakalaban, sigurado na akong ako ang mananalo.
Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko pero marami naman talaga ang nagsasabing may ipagmamalaki kung itsura din lang ang pag-uusapan. Kahit may kaliitan sa taas kong 5’5”, bumawi naman ako sa mukha at katawan.
Singkit kasi ang mga mata ko na talagang guhit na lamang kapag ako ay nakatawa. Matangos ang ilong, mapupula ang manipis na mga labi. Maputi din ako dahil may lahing Igorot ang pamilya namin. Iyon nga lang, mas mukha daw akong Koreano. Ilan din ang nagsasabing kahawig ko daw si Kim Bum. Ni hindi ko alam kung sino iyon noon pero tinanggap ko na lang. Kahit papaano naman ay magaling din akong manumit at hindi naman pulpol ang utak ko. Hindi man perfect package ay pwedeng-pwede naman na akong ibalandra, kumbaga.
Siguradong-sigurado na akong ako ang mananalo nang  biglang dumating si Joaquin noong huling araw ng rehearsals. Literal na natahimik ang buong auditorium pagdating niya. Lahat kami ay nakatingin lang sa kanya, walang isa mang nagsasalita. Ni hindi ko pa alam na siya pala iyong Joaquin na sinasabi nila kung hindi pa sinabi sa akin ng katabi ko sa stage.
Kahit saang anggulo mo tignan, hindi mo maipagkakailang gwapo si Joaquin. Matangkad, sa tantiya ko ay nasa 5’11” ang taas, moreno pero kitang-kita ang kakinisan ng mukha, matangos ang ilong, malamlam ang mapupungay nitong mga mata na napapaligiran ng malalantik na pilikmata, may kakapalan ang kilay na dumagdag lamang sa angkin niyang kagwapuhan, at pangahan. Sa madaling sabi, lalaking-lalaki siyang tignan. Lalo pa nga at hindi naman itinago ng suot niyang hapit na v-neck shirt na kulay krema at pantalong maong ang magandang hubog niya. Kahit pa nga halatang may mantsa ng pintura sa bandang laylayan noong t-shirt ay hindi iyon nakabawas sa itsura niya.
“I’m sorry, I’m late,” sabi lang niya ng nakangiti sabay sampa sa stage at pumuwesto sa kung saan dapat siya tatayo. Kitang-kita mo ang kilig ng mga tao doon ng dahil lamang sa pagngiti niya.
Iniensayo kasi naman ng mga oras na iyon ang magiging production number namin. Dahil inalihan ng inggit at insekyuridad, ipinanalangin ko talaga na hindi sana siya makasunod. Sa minalas-malas ko, mukhang magaling talaga siyang sumayaw dahil dalawang beses lang yatang itinuro sa kanya ang sayaw namin ay nakuha na niya agad. Lalo tuloy akong nag-ngitngit sa inggit. Nagmukha kasi kaming mga totoy sa tabi niya. Anumang kompiyansa ko sa sarili ay nawalang parang bula.
Nang matapos kaming mag-ensayo, parang mga langaw na nakaamoy ng tae na naglapitan sa kanya ang mga nandoon. Tanging kami ni Stephen, isa pa sa mga kandidato, ang hindi lumapit pero hindi din naman kami ganoon kalayo.
“Ang lakas lang maka-artista ni kuya ah,” komento ni Stephen. Napasimangot ako agad sa narinig.
“Pa-importante kamo. Dapat disqualified na ‘yan eh at ngayon lang nagpakita. Akala mo naman kung sino at guwapo at magaling.” Huli na nang mapansin kong napalakas pala ang pagmamaasim ko.
Namula ang buo kong mukha nang bigla silang napatingin lahat sa akin. Maging si Joaquin ay napakunot ang noo na napatitig. Agad akong nag-iwas ng tingin at dali-daling umalis dahil sa pagkapahiya. Pero bago pa man ako nakalabas ng auditorium ay narinig ko pa si Joaquin.
“Who’s the homunculus?” Aniya. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang ibig sabihin noon pero sigurado akong pang-iinsulto ang sinabi niya. At hindi nga ako nagkamali.
Ayon kay Pareng Google, “a very small human or humanoid creature” ang ibig sabihin ng homunculus. Muntik ko nang suntukin ang monitor ng laptop ko sa sobrang inis. Kung hindi nga lang ako hahambalusin ni Papang ay baka nagmura pa ako ng sobra-sobra. Magkatabi pa man ang kwarto ko at kwarto nila ni Mamang. Ang lakas pa man din ng pandinig niya.
Pastor kasi sa isang Christian Church si Papang at sobrang istrikto. Nagalit na nga siya nang sabihin kong sumali ako ng search dahil puro kagaguhan lang daw ang mapapala ko doon. Alam ko din na hindi niya lang magawang tanungin kaya si Mamang pa talaga ang nagtanong sa akin kung bakla daw ba ako. Tinawanan ko lang ang tanong na iyon. Ang sabi ko lang, kilala ko ang sarili ko. Mukha namang sapat na iyon para sa kanila.
Buong magdamag akong halos hindi makatulog sa inis. Sakto pa na kinabukasan, siya ang unang nabungaran ko sa auditorium. Maliban sa aming dalawa ay ang mga officers pa lamang ang nandoon na naghahanda para sa pageant. Isang masamang tingin lang ang ibinigay ko sa kanya at saka dumiretso sa dressing room. Kaso, nanadya yatang talaga ang kumag dahil sumunod din doon. Hindi ko na lang iniimik. Mabuti na nga lang at dumating din agad iyong make-up artist namin para sa pageant. Iisa lang iyon kaya nga naisip kong mauna nang dumating para ako ang unang matapos.
“Palakihan na lang ng titi kung sino ang mauuna!” Walang sabi-sabing turan noong make-up artist na agad kong ikinasimangot ko kasabay ng pag-iinit ng aking pisngi. Hindi kasi ako sanay sa mga ganoong usapan. Sabihin na lang natin na masunurin akong anak at pathetic man sigurong pakinggan dahil disi-siyete na ako ng mga panahong iyon, wala talaga akong masyadong alam sa kamunduhan. Kahit simpleng banggit lang ng maseselang parte ng katawan ay namumula na ako.
“Hala! Namula na! Virgin ka pa?” Pansin sa akin ni Joaquin na lalong ikinainit ng ulo ko.
“Paki mo?” Pagsusungit ko pa sabay talikod sa kanilang dalawa. Tinawanan lang ako ng mga hayop. Sanay na din ako sa mga ganoon kaya hindi na lang ako kumibo. Aminado naman akong may pagkasarado talaga ang utak ko. Sa tuwing naiisip ko kasi ang gumawa ng anumang bagay na “bawal” sa bahay namin, agad na rumerehistro ang utak ni Papang sa akin, kaya hindi ko na din ginagawa. Kung katoliko lang siguro ako, araw-araw na akong nangumpisal. Oo, at old fashioned talaga ako. Hindi mo naman kasi agad maiaalis sa isang tao ang mga bagay na buong buhay niyang pinaniwalaan, di ba?
Nagulat pa ako ng biglang hawakan ni Joaquin ang mga balikat ko at saka ako biglang iniharap sa kanya. Ilang na ilang ako nang pasadahan niya ng titig ang buo kong mukha. Nag-iwas na lang ako ng tingin.
“For a homunculus, you’re really cute.” Aniya nang nakangiti.
Agad na sumulak ang dugo ko ng maalala ko ang ibig sabihin ng salitang iyon. Walang sabi-sabing naglanding ang tuhod ko sa bayag niya na agad niyang ikinapilipit hanggang sa bumagsak siya sa sahig.
“Eh gago ka pala eh!” Galit ko pang sabi sapay sipa pa sa tiyan niya kahit nakayupyop na siya sa sahig. Mabilis akong hinawakan noong make-up artist para ilayo kay Joaquin.
“Ano ba! Para binibiro ka lang noong tao eh,” Saway sa akin noong make-up artist.
“Anong binibiro? Nilalait ako ng hayop na ‘yan eh!” Halos pasigaw kong sabi. Nagpasukan tuloy sa dressing room ang ilang officers.
“Anong nangyayari dito?” Tanong ng isa sa mga officers. Hindi ako nakasagot. Saka lang kasi sumiksik sa isip ko na pwede kong ika-disqualify ang ginawa ko nang makita ko na ang mga officers. Namutla ako ng wala sa oras.
“Lovers’ quarrel. Alam mo na, maliit na bagay.” Sagot ni Joaquin sa officer, nakahiga pa rin sa sahig. Medyo ipit pa din ang boses niya, halatang iniinda pa din ang sakit. Nakatitig lang siya sa akin.
Naiiling na nagpalipat-lipat lang ang tingin ng mga officers sa amin ni Joaquin pero umalis din naman agad. Laking pasasalamat ko na lang na hindi nagsalita ang make-up artist.
Pakiramdam ko ay bigla akong nanghina ng wala sa oras. Naupo ako sa isa sa mga upuan doon. Siya namang pagtayo ni Joaquin na hindi tinanggal ang pagkakatingin sa akin.
“You owe me one.” Sabi niya pagkatayo. Napilitan tuloy akong lingunin siya.
“I don’t owe you anything.” Malamig kong sagot habang sinasalubong ang mga titig niya.
“Oh honey, I just saved your ass. You owe me big time.” Sabi lang niya at saka lumabas ng dressing room.
Pagbalik niya pagkalipas ng ilang minuto ay amoy na amoy ang hindi maikakailang amoy ng sigarilyo mula sa kanya. Nailing na lang ako. Nandoon na din ang ibang mga kandidato kaya hindi na ako umimik.
Nang magsimula ang pageant ay natutok na ang buong atensiyon ko sa mga dapat gawin. Ilang beses kong nahuli si Joaquin na nakatitig sa akin pero ipinagwalang-bahala ko lang. Alam ko naman kasi na kung gusto kong manalo ay kailangan ko talagang seryosohin.
Lalo pa akong nagseryoso nang magsimula na silang magbigay ng mga minor awards. Halos paghatian lang kasi namin ni Joaquin ang lahat. Nang mapasok kaming dalawa sa final three ay saka lamang uli ako kinabahan. Iyong final question kasi ang magdedesisyon kung sino ang mananalo at back to zero na lahat ng scores.
Naunang tinawag para sumagot iyong isa pa naming kasama kaya naiwan kaming dalawa ni Joaquin sa isolation room.  Abot-abot ang pananalangin ko sa mga oras na iyon kaya wala na din akong pakialam na dadalawa kami ni Joaquin sa loob ng kwarto.
“You really want this, don’t you?” Biglang tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot at tinignan ko lang siya. Pero ang sumunod niyang ginawa ang kailanman ay hindi ko inasahan.
Walang sabi-sabing hinawakan niya ang bewang ko at saka pinagdikit ang mga katawan namin. Magrereklamo pa lang sana ako ng bigla niyang idinampi ang mga labi niya sa mga labi ko. Sa sobrang gulat, para akong tuod na nakatayo lang doon, mulat na mulat ang mata at hindi makapaniwala sa nangyayari. Saktong kumatok ang nagbabantay sa labas ng kwarto para tawagin siya nang bitawan niya ako. Para akong tanga na nakatitig lang sa kanya.
“I did say you owe me one,” sabi pa niya sabay kindat sa akin bago tuluyang lumabas ng kwarto.  Nawi-wirduhang nakatingin lang sa akin ang nagbabantas sa pintuan bago muling isinara ang pintuan.
 Malabo na ang mga sumunod na nangyari para sa akin dahil bumabalik at bumabalik sa isip ko ang halik ni Joaquin. Hindi ko nga alam kung paanong ako pa rin ang nanalo samantalang lutang na lutang ang utak ko.
Pagkatapos ng search ay nagmamadali akong umuwi. Ilang beses na pilit akong kinakausap ni Joaquin pero umiwas ako ng umiwas. Gulong-gulo kasi ang utak ko sa nangyari. Lalo na ng maamin ko sa sarili ko na hindi ako nandidiri sa ginawa niya. Mabuti na lamang at weekend ng mga sumunod na araw dahil kung hindi, sigurado akong mahahalata ng ibang tao na may gumugulo sa utak ko. Inisip ko na lang na hindi naman kami siguro magkikita ni Joaquin sa school kaya kahit papaano ay kumalma ang isip ko. Isa iyong malaking pagkakamali.
Kinalunesan, nakaabang sa akin si Joaquin sa may gate ng unibersidad. Halatang-halata pa ang pag-aliwalas ng mukha niya ng makita ako. Gustong-gusto ko nang umatras at umuwi na lang pero hindi ko magawa. May major quiz kami sa isang subject ng araw na iyon. Isa pa, nakakahiya namang mag-absent lalo na at ako ang nanalo sa search. Kahit papaano, may reputasyon na akong kailangang pangalagaan.
“Good morning!” Magiliw niyang bati sa akin na ngiting-ngiti.
Natutok panandalian ang tingin ko sa mga labi niya at muling naalala ang nangyari. Napamura ako ng mahina nang biglang kumabog ang dibdib ko. Alam kong namumula na naman ang mukha ko ng wala sa oras kaya hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso sa paglalakad.
Ganoon din ang nangyari ng mga sumunod na mga araw. Kahit kasi hindi ko siya kinakausap ay araw-araw pa rin niya akong hinihintay na dumating sa may gate ng unibersidad. At kahit pa ilang beses ko siyang hindi man lang tinatapunan ng tingin, nakangiti pa rin siya palaging bumabati sa akin.
 Nagbago lang ang lahat nang bigla akong kausapin ng isa sa mga kaklase ko tungkol sa kanya.
“Nililigawan ka ba ni Joaquin?” Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong softdrinks sa deretsang tanong na iyon sa akin. Nasa canteen kami noong mga oras na iyon at dahil hindi naman mahina ang pagkakatanong niya, napalingon sa amin ang iba pang estudyante.
“Ano? Saan mo naman napulot ang tsismis na ‘yan?” Nasasamid ko pang tanong.
“Hello? Araw-araw ka niyang hinihintay sa harap ng gate. Kulang na lang eh buhatin ka niya mula doon papunta sa una nating klase. So? Nanliligaw ba siya sa iyo?” Kung hindi lang talaga babae ang kaharap ko, malang ay tinadyakan ko na sa ilalim ng lamesa. Wala kasing preno ang bunganga eh. Nakatingin na tuloy lahat ng mga estudyanteng nandoon.
“Kung sabihin kong oo, may reklamo ka?” Sagot ng isang boses sa likuran ko. Hindi ko na kailangang lingunin kung sino iyon dahil sa inaraw-araw na paghihintay niya sa akin, kilala ko na ang boses ni Joaquin.
“Naman! Magproprotesta ako! Sa itsura ninyong iyan kayo ang magkakatuluyan? Aba maawa naman kayo sa female population! Huwag kayong sumpa!” Natatawang sagot ng kaklase ko.
Tumatawang umupo sa tabi ko si Joaquin. Umusog ako papalayo ng konti na ikinataas lang ng kilay niya. Blanko lang ang tingin na ibinigay ko sa kanya.
“Magkatuluyan agad? Hindi ba pwedeng bastedin na muna niya ako? Tignan mo nga at tumabi lang ako, umiwas na siya kaagad. Kung hindi ko nga lang mahal yan eh!” Dagdag pa ni Joaquin na nakangiti sa akin ng nakakaloko. Hindi pa rin ako kumibo.
“Talaga? Hindi kayo? Promise? Cross your heart? Hope to die?” Hinawakan pa ng kaklase ko ang kamay ni Joaquin. Tumango lang si Joaquin.
“Eh kung ganoon, ako na lang ang ligawan mo. Ako na lang ang mahalin mo! Ibibigay ko sa iyo ang katawang lupa ko ng buong-buo! Pati puso ko at balunbalunan!”
Ewan pero bigla akong nainis sa nakikita at naririnig ko. Ngani-ngani ko nang hablutin ang kamay ni Joaquin at ilayo.
“Eh kasi hindi kita type, paano ba yan?” Diretsang pambabara ni Joaquin. Pero imbes na mainsulto ay napabulanghit lang sa pagtawa ang kaklase ko. Nailing na lang ako. Kababae niyang tao, wala man lang kahit na konting hinhin sa katawan. Bigla ko tuloy gustong pagsisihan na pumayag akong sumama sa kanya na mananghalian. Kung bakit ba naman kasi ako pumayag pa eh alam ko namang ganoon na talaga siya.
“Kaloka! Pasalamat kang hayop ka at gwapo ka.” Sabi pa nito bago itinutok sa akin ang tingin.
“Probelma mo?” Biglang ako naman ang tinanong niya.
“Huh?”
“Yung mukha mong cute, lukot-lukot. Pakiramdam ko tuloy ay ilang beses mo na akong itinapon at nilunod sa dagat-dagatang apoy.” Aniya na sinundan pa niya ng tawa.
“Dagat-dagatang apoy talaga?” Tanong ni Joaquin sa kanya pero sa akin pa rin nakatingin. Ilang na ilang na ako pero wala akong maisip na dahilan para umalis.
“Ay true! Kung hindi mo pa alam, anak ng pastor iyang si Nathan. Kaya kung ako sa iyo, huwag ka nang umasa. Mauuna pang pumuti ang uwak kesa sa patulan ka niya.”
Lalong napatitig sa akin si Joaquin. “Totoo?”
Isang buntong-hininga lang ang pinakawalan ko saka tumango. Naawa pa ako kay Joaquin nang makita ko ang pagbagsak ng balikat niya. Bigla ay gusto kong pagsisihan kung bakit ko pa inamin. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, parang gusto kong pagsisihan kung sa anong uri ng pamilya ako lumaki at nagkaisip pero agad ko din iyong iwinaglit.
“Too bad! And there I was thinking that I could kiss you again.” Sabi niya na ikinanganga namin pareho ng kaklase ko, ako sa takot, ang kaklase ko sa sobrang pagkabigla. Saka lang yata naisip ni Joaquin kung ano iyong sinabi niya nang makita niya ang takot sa aking mga mata.
“I was kidding!” Sabi niya saka sinundan ng bahaw na tawa kaso huli na ang lahat. Sa itsura pa lamang ng kaklase ko, alam kong alam na niya ang totoo. At kahit pa siguro hindi iyon totoo, iyon pa rin ang iisipin niya.
Impiyerno ang sumunod na mga araw at lingo pagkatapos noon. Kumalat sa buong unibersidad ang balita sa ginawang paghalik sa akin ni Joaquin. At tulad ng ibang tsismis, nadagdagan at nadagdagan ang kwento. Kesyo daw iniuuwi ako ni Joaquin sa bahay niya at doon kami nagse-sex. Kung hindi pa nga dahil sa tsismis na iyon ay hindi ko alam na mag-isa lang pala siyang nakatira sa bahay nila pero ang balita, halos araw-araw daw akong nagpupunta doon.
Maging sa Bible group kung saan ako kasali, nakarating iyon at hindi iilang beses akong nakarinig ng mga usapan na tinatawag nila akong ipokrito. Kahit pa nga tumigil na si Joaquin sa paghihintay sa akin sa may gate ay hindi pa rin nawala ang tsismis. Nalaman ko na lamang na iyon palang isa sa mga makalalaban ko dapat sa search ang talagang nagkakalat.
Halos maglumuhod ang kaklase ko sa akin habang humihingi ng tawad pero hindi ko pinansin. Inamin niyang sa ang nakapagkwento doon sa makakalaban ko tungkol doon pero ipinaliwnag naman daw niyang biro lang ni Joaquin ang lahat. Pero wala na akong pakialam pa doon dahil may iba nang gumugulo sa isip ko. Alam ko kasi na hindi magtatagal ay makakarating sa bahay naman ang tsismis at totoo man iyon o hindi, sigurado akong hindi maganda ang magiging reaksiyon ni Papang. Hindi nga ako nagkamali.
Pag-uwi ko isang araw, isang suntok sa panga ang sumalubong sa akin sa bahay na agad kong ikinatumba. Hindi pa nakuntento si Papang ay pinagsisipa pa niya ako habang nakahiga sa sahig. Wala siyang sinasabing kahit ano pero patuloy ang ginawa niyang pagsuntok at pagsipa sa akin. Hindi din ako nagsasalita. Alam ko din naman kasi na kahit anong sabihin ko, hindi niya papakinggan. Hindi din ako umiyak o sumigaw kahit gusto ko nang mag-makaawa sa sobrang sakit. Pati luha ko, pinigilan kong umalpas. Alam ko kasi na kapag nakita niya iyon, siguradong mapapatay na niya ako ng tuluyan.
Kung hindi pa siguro nagmakaawa si Mamang ay baka hindi pa titigil sa papang sa pambubugbog niya sa akin. Walang sabi-sabing umalis ito ng bahay habang hilong-hilo pa rin akong nakahiga sa sahig. Akala ko masakit na iyon pero mas masakit iyong makita mong sinundan ng nanay mo ang taong bumugbog sa iyo kesa sa tulungan ka. Kung hindi pa ako tinulungan ng mga katulong ay baka nadatnan pa nila akong nakayupyop sa sahig pagbalik nila matapos ang ilang oras.
Hindi na dapat ako pupunta kinabukasan pero sinabihan ako ng katulong na nagbilin sina Papang at Mamang na pumunta ako sa unibersidad para asikasuhin ang paglipat ko ng eskwelahan. Kahit nilalagnat at masakit pa ang buong katawan mula sa natamo kong bugbog ay pinilit kong bumangon ara sundin ang utos nila. Hindi na ako nag-abala pang mag-uniporme. Hindi ko na rin pinagkaabalahang takpan ang mga pasa at sugat ko sa mukha.
Sakto namang pagdating ko ng unibersidad, nadatnan ko sa may gate iyong nagkakalat na kausap ang ilang estudiyante. Kami na naman ni Joaquin ang topic niya.
“Hoy! Umayos ka nga! Sinabi na ni Joaquin na hindi totoo iyong tsismis.” Saway sa  kanya ng isa sa mga nandoon.
Tumawa lang siya ng malakas. “At naniwala ka naman?”
Hindi ako nakatiis at nilapitan ko sila. Tinanggal ko ang suot kong jacket at saka sila hinarap. Manipis na sando lamang ang suot ko sa ilalim noon at pati iyon ay itinaas ko pa para makita nila ang mga pasa ko sa tiyan. Kita ang takot sa mukha nilang lahat, lalo na doon sa nagkakalat at gumagawa ng kwento.
“You did this to me. Sana pinatay mo na lang ako.” Malamig kong sabi na ikinamutla niya. Pagkatapos noon ay isinuot kong muli ang jacket at saka pumasok sa campus. Ni hindi na ako kinompronta noong guard at hinayaan na lang ako. Dumiretso ako sa opisina ng dean namin at saka sinabi ang dahilan ng pagpunta ko doon. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya pero sa tuwing tinatanong niya kung anong nangyari ay umiiwas ako ng tingin.
Mabilis ko namang naayos ang mga papeles ko. Pauwi na sana ako nang masalubong ko si Joaquin. Walang sabi-sabing hinila niya ako sa isang bakanteng classroom at saka isinara ang pintuan. Nang masiguradong naka-lock na iyon ay agad niya akong niyakap at saka humagulgol habang paulit-ulit na humihingi ng tawad.
Parang bahang biglang bumalik sa akin lahat ng nangyari at napahagulgul na din ako ng tuluyan. Lalo na nang sumiksik sa isip ko na ang taong nasa harapan ko ngayon, hindi ko kaano-ano, hindi ko kadugo, pero kung umiyak siya para sa akin, sobra-sobra. Samantalang ang sarili kong pamilya, iniwan akong nakabulagta sa sahig.
Kahit sabihin pang may kasalanan si Joaquin sa lahat ng nangyari sa akin pero ng mga oras na iyon, isa lang ang nasa isip ko. Mabuti pa siya at may pakialam sa nararamdaman at pinagdadaanan ko. Gusto kong magalit sa kanya dahil siya ang nagsimula ng lahat pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung gaano ako kaagal na umiiyak lang. Basta noong tumigil ako, nakaluhod na kami sa sahig pero yakap-yakap pa rin ako ni Joaquin.
Kumalas ako sa pagkakayakap niya saka sumandal sa pinakamalapit na pader. Tumabi lang siya sa akin, walang imik. Hinawakan niya ang kamay ko at hinayaan ko lang siya. Pinisil-pisil pa niya iyon pero hindi ko siya pinigilan. Simula pa nang kumalat ang tsismis, pakiramdam ko, mag-isa ako. Lalong-lalo na pagkatapos ng nangyari kagabi. Ngayon lang hindi.
Iyon ang huli naming pagkikita sa unibersidad ni Joaquin. Walang usapan, walang kahit ano. Kahit noong bumalik ako sa unibersidad para kunin ang mga papeles ko para sa aking paglipat, hindi ko siya nakita.
Hindi ako tinanggap sa lilipatan kong eskwelahan dahil kalagitnaan na ng semestre kaya nagkulong lang ako sa bahay. Kibuin–dili pa rin ako nina Papang at Mamang pero nasanay na din ako doon. Naiintindihan ko naman eh. Hindi na kasi ako iyong perpekto nilang anak. Kung pwede nga lang siguro nila akong itakwil ay ginawa na nila. Alam ko naman na kaya lang nila ako hindi pa tuluyang pinapalayas ay dahil na din sa sasabihin ng ibang tao at maging iyon ay natanggap ko na rin.
Mabuti na nga lang at sa Maynila na nila ako pinag-aral. Mabilis na lumipas ang mga taon at nakapagtapos din ako sa wakas. Akala ko dati, iyon na ang magiging dahilan para bumalik sa dati ang relasyon ko kina Papang pero hindi iyon nangyari. Nang makahanap ako ng trabaho, harap-harapan na akong kinausap ni Papang at sinabihang huwag nang babalik pa kahit kailan sa bahay namin. Tapos na daw ang responsibilidad niya sa isang makasalanang tulad ko.
Nakakatanga, di ba? Iyong dahil lang sa isang pabirong halik, itinakwil ka ng mga magulang mo. Akala ng iba, sa sinehan lang nangyayari ang ganitong eksena. Pero nangyayari talaga siya sa totoong buhay. Ang masakit pa, madalas siyang nangyayari pero karamihan ng tao walang pakialam.
Ilang buwan ko din uling dinamdam iyon na naging dahilan ng pagkakatanggal ko sa trabaho. Mabuti na lamang at mabilis din akong natanggap sa isang publishing house bilang isang editor. Maliit lamang iyong kumpanya pero okay naman ang sahod. Doon ko muling ibinuhos ang atensiyon ko at sa unang pagkakataon, noon ko lang naramdaman na malaya ako kahit papaano, corny mang pakinggan.
Siguro nga ay iyon talaga ang gusto kong gawin simula pa kaya kahit na walang pinipiling oras ang trabaho ay na-enjoy ko ang aking trabaho. Araw-araw, may mga bago akong natututunan, araw-araw, may bago akong nalalaman. Tipong maya’t maya ay may surpresang nag-aantay, mula sa mga bagong libro na hindi ko inakalang maisusulat ng mga manunulat dito sa Pilipinas o iyong mga simpleng surpresa na hindi naman ganoon kalaki pero nakakataba ng puso. Pero ang pinakamalaking surpresa sa akin ay ang malamang isa pala sa mga manunulat na hawak ng publishing house si Joaquin.
Akala ko noong una ay namamalikmata lang ako nang makita ko ang lalaking inaaway ng isa sa mga senior editors namin. Halos hindi mo malunok ang inaabot niyang mura pero dahil normal na sa akin ang marinig iyon, hindi ko na masyadong pinansin. Kung hindi pa nga niya nabanggit ang pangalan ni Joaquin ay hindi ko sila papansinin. Gusto ko nang matawa dahil habang galit na galit ang kausap niya ay pasimpleng humihigop lang ng kape si Joaquin mula sa isang tasa.
Ewan, pero agad na nagrigudon ang dibdib ko nang mabistahan ko siya ng maayos. Mas mahaba na ang buhok niya na alon-alon pero hindi mo maipagkakamaling ibang tao. Sa tingin ko nga, lalong bumagay sa kanya ang buhok niya. Mukha ding hindi pa rin ito nagpabaya ng katawan dahil tulad ng una ko siyang nakita, halos pumutok pa rin ang mga muscles niya sa suot niyang v-neck shirt. Mukha ngang mas lumaki pa iyon. Hindi ko pa mapapansin na nakatitig pala ako sa kanya kung hindi pa nagtama ang mga mata namin at nabitawan niya ng wala sa oras ang hawak na tasa. Umalingawngaw sa buong opisina ang pagkabasag noon.
Dali-dali siyang lumapit sa akin at saka walang pasabing hinila ako para yakapin. Nakatangang nakatingin lang sa amin ang lahat ng nandoon.
“It’s you!” Hindi ko alam kung matatawa ako o maiilang sa pagkakatitig niya sa akin pero hinayaan ko lang siya. Hinawakan pa niya ang magkabilang pisngi ko at iginiyang lumingon sa magkabilang direksiyon bago muling iniharap ang mukha ko sa muka niya. Dahil mas matangkad siya sa akin, nakayuko na siya habang ako naman ay nakatingala.
“It’s you!” Sabi niya ulit ng mas malakas saka ako muling niyakap. Natawa na ako ng tuluyan lalo na nang bigla niya akong buhatin.
“Hoy! Bitawan mo nga ako!” Saway ko sa kanya pero lalo lang niya akong niyakap. Inalog-alog pa niya ako habang-buhat-buhat.
“If I’m dreaming, please don’t ever wake me up…” Mahina niyang sabi pero tumagos iyon sa kaibuturan ko. Ramdam na ramdam ko kasi ang sinseridad sa boses niya. Isang pangungusap lang iyon pero nangilid na agad ang luha ko.
Kung hindi pa siguro siya nilapitan at hinampas ng editor niya ay hindi pa niya ako pakakawalan. Iyon nga lang at hindi pa rin talaga niya ako tinigilan sa katititig.
“At talagang hindi mo ako pinapansin, ha!” Sabi ng editor niya at saka muli siyang hinampas sa ulo.
Nakasimangot na tinignan lang niya ito bago nagsalita. “Huwag ka ngang istorbo sa tunay na pag-ibig!” Walang gatol niyang sabi na ikinanganga ko lang. Kaso, mukhang sanay na ang editor niya sa kanya dahil isang hampas pa ang ibinigay sa kanya nito.
“Huwag mo akong artehan ng ganyan, Joax, at alam mong hindi effective. Saka huwag mo ngang idinadamay sa kalokohan mo si Nathan. Inosente iyan! Huwag mong demonyohin!” Nandidilat pa ang mata ng editor sa kanya.
“Teka? Paano mo nakilala ang anak ng Lucifer na itembang?” Ako naman ang tinanong ng editor pero naunahan ako ni Joaquin sa pagsagot.
“I almost killed him.” Sabi niya. Hindi nakaligtas sa akin ang paglambong ng mga mata niya.
Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ng editor bago niya itinutok ang mga mata niya kay Joaquin.
“Baka gusto mong ipaliwanag ang statement na ‘yan.” Aniya.
Napatingin lang uli sa akin si Joaquin, kitang-kita ang lungkot sa mga mata niya. Pati tuloy ako ay nakaramdam ng lungkot ng wala sa oras.
“Mahabang kwento.” Sabi lang niya.
“Pang-ilang chapters ba iyan dahil kung aabot ng sampu o mahigit, baka gusto mong gawing kwento na lang. Mapagkakitaan pa natin ang bubog niya sa isa’t isa.” Anang editor. Pareho kaming natawa ng bahaw ni Joaquin at kanya-kanyang iwas ng tingin.
Napataas ng kilay ng editor sa ginawa namain. “May something! Sige, pagbibigyan kita ngayon at mukhang malalim-lalim ang bubog na ‘yan. I still need your manuscript by Friday though. At huwag mong asahang ako ang maglilinis ng kalat mo!”
Pagkatapos noon ay iniwan na kami ng editor niya. Pareho lang kaming nakatayo doon, walang nagsasalita.
“Hi…” Napalingon ako kay Joaquin nang marinig ang sinabi niya. Alanganin ang ngiti niya habang nakatingin sa akin. “Pasensiya ka na. Nagulat lang talaga ako na makita ka.”
“Okay lang iyon,” Sabi ko na lang at saka naupo sa tapat ng lamesa ko. “Ako din naman eh nabigla.”
Bumalik na naman siya sa pagtitig sa akin nang hindi nagsasalita. Kahit naiilang ako ay hinayaan ko lang siya. May mga pagkakataong nararamdaman kong may gusto siyang sabihin pero halatang-halata na pinipigilan niya ang sarili niya. Wala din naman akong maisip na sasabihin kaya maliban sa paminsa-minsang pagngiti sa kanya ay wala din akong ginawa.
“UTANG NA LOOB! Pwede bang maghalikan na lang kayo hindi iyong ganyan na mukha kayong tanga na nagtitinginan? Punyeta! Eh dinaig niyo pa ang silent movie eh! Kulang na lang eh marinig ko si Tootsie Guevara na kumakanta ng Pasulyap-sulyap eh!” Biglang litany ng editor niya maya-maya. Sabay pa kaming napabulanghit ng tawa ni Joaquin.
“Anak ng putek? Tootsie Guevara talaga? Wala na bang iluluma pa? Mga tipong Isang Linggong Pag-ibig ni Imelda Papin?” Pambabara ni Joaquin sa kanya.
“Letse!” Sagot lang ng editor. “Lumayas ka na nga! Naiirita na ako sa pagmumukha mo.”
“Oo na! Sus! Hindi pa kasi aminin na gwapong-gwapo ka s akin! Sorry pero hindi kita type!” Binato lang siya ng lapis ng kanyang editor. Natawa na din tuloy ang iba pa naming kasamahang nandoon.
Kahit tumatawa pa rin ay sumunod naman si Joaquin. Nagpaalam siya sa akin at saka tuluyang umalis.
Buong araw na parang ang gaan ng pakiramdam ko simula ng makita ko siya. Napansin din ng mga kasamahan ko na ang dalas ko daw ngumiti. Inasar pa nga nila ako na dahil iyon kay Joaquin pero hindi ko na lang pinatulan. Alangan naman kasing itanggi ko pa eh halata naman. Alam ko din naman na iba ang ibig nilang sabihin doon pero hinayaan ko na lang. Sa totoo lang, wala sa isip ko iyon. Masaya lang talaga ako na nakita siya.
Nang makita ko siyang naghihintay sa may parking lot ng publishing house ay hindi na ako nabigla. Nakasandal pa siya sa isang magarang kotse na nandoon. Naalala ko tuloy iyong araw-araw niyang paghihintay sa akin noon.
Kailangan ko kasing dumaan sa parking lot para makapunta sa sakayan ng FX pabalik sa apartment na nirerentahan ko.
“May gusto ka ba sa akin?” Ewan kung anong kalokohan ang pumasok sa isip ko at natanong ko iyon ng wala sa oras pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya. Napanganga lang siya at namula. Napahagalpak tuloy ako ng wala sa oras sa naging reaksiyon niya.
“Titig ka kasi ng titig eh.” Sabi ko pa na tumatawa pa rin. Napangiti na din siya ng wala sa oras.
“Ang cute mo pa lang tumawa. Nawawala ng tuluyan iyong mga mata mo.” Sabi niya. Ako naman ang natahimik ng wala sa oras. Bigla ding nag-init ang pisngi ko.
“Lalo na kapag ganyang namumula ka. Tsk, ang cute-cute mo lang,” Dagdag pa niya. Sinakyan ko na lang.
“Maliit na bagay,” sabi ko na lalo niyang ikinatawa. Sa isip ko, mababaw din pala ang kaligayahan ng mokong na ito.
“Bakit andito ka pa?” Tanong ko kapagdaka.
Tinaasan lang niya ako ng kilay. “Obvious ba? Malamang hinihintay kita.”
Napakunot tuloy ako ng wala sa oras. “Huwag mong sabihing kanina ka pa dito? Magtatanghalian pa lang kaninang umalis ka.”
“Eh kung sabihin kong, oo?” Aniya sa akin na nagpapa-cute. Muli kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Hindi tuloy ako nakasagot.
“Loko-loko! Ano namang akala mo sa akin, stalker? Malamang bumalik lang ako. Hindi ka ganoon kagwapo para magbabad ako sa araw ano!” Sabi niya sabay pitik ng mahina sa noo ko. Ewan pero nakaramdam ako ng konting disappointment. Nahalata niya siguro iyon sa mukha ko dahil biglang nangunot ang mukha niya.
“May nasabi ba akong hindi maganda?” Tanong niya bigla, halata ang pag-aalala sa boses niya.
Pinitik ko din siya sa noo sabay ngiti. “Huwag kang, OA. Teka nga, bakit mo ako hinihintay?”
“Magpapalibre ako ng dinner. Balita ko, sweldo niyo ngayon eh.” Sabi niya na may kasama pang pataas-taas ng dalawang kilay. Natututok tuloy ang tingin ko sa mga mata niya. Noon ko lang napansin na kulay grey pala ang mga iyon.
“Sa akin ka pa talaga nagpalibre samantalang mas mayaman ka sa akin?” Kunwari ay angal ko. Nalaman ko na din kasi kanina sa editor niya na isa siya sa pinakamabentang manunulat ng publishing house. Iyong iba nga daw niyang mga nobela ay nai-translate na sa ibang lenggwahe. Naging interesado tuloy ako sa mga isinulat niya ng wala sa oras kaya ng ialok sa akin ng editor niya ang ilang kopya ng mga librong sinulat niya, hindi na ako tumanggi. Iyon nga at halos iyon lang ang laman ng bag na dala ko.
Nanlabi pa siya bago nagsalita. “I’m a starving artist!” Aniya. Pinaikot ko lang ang mga mata ko para sabihing hindi ako naniniwala.
“Aling parte ng kotse mo ang nagsasabing isa kang starving artist?” Tanong ko sa kanya sabay nguso sa kotseng sinasandalan niya nang makita ko siya. Ngumiti lang ng pagkaluwag-luwag ang loko.
“Ano? Sasamahan mo ba akong kumain?” Tanong niya sa akin. Napaisip muna ako sandali bago ako nagsalita.
“Basta ikaw ang magbabayad.” Sabi ko na lang. Wala din naman kasing naghihintay sa akin sa apartment at sawang-sawa na din ako sa pagkain sa karinderya sa tapat.
“Sure!” Sagot lang niya sabay yaya sa aking sumakay sa kotse.
Buong biyahe at buong hapunan niya akong dinaldal ng dinaldal. Kung anu-ano lang kumbaga. Pasado alas-onse na nga ako nakauwi s apartment ko ng dahil na din sa kadaldalan niya. Kung hindi ko pa sinabi na may pasok pa ako kinabukasan ay hindi pa niya ako ihahatid.
Simula noon ay naging routine na namin ni Joaquin ang paglabas para kumain tuwing gabi, maliban na lamang kapag may inihahabol siyang manuscript of di kaya ay ako naman ang natambakan ng trabaho. Pati mga kasamahan ko sa trabaho ay nasanay na din na madalas kaming magkasama.
Minsan nga na mag-outing ang editing team, pangdalawang tao pa ang ibinigay na ticket sa akin noong manager namin. Nang tanungin ko kung bakit, para daw kay Joaquin iyong isa. Akala ko naman ipinabibigay lang nila kaya tinanggap ko naman. Saka ko lang nalaman ang ibig sabihin noon ng iabot ko kay Joaquin ang ticket niya.
“You don’t really understand what you just did, do you?” Tanong niya sa akin na nagpipigil ng tawa.
“Huh?”
“Editor’s  outing ito. No authors allowed dahil mai-stress lang daw sila. So unless asawa ka o kasintahan ng isa sa mga editor, walang author na pwedeng sumama.” Paliwanag niya. Ako naman ang napanganga.
Pasimpleng tumalikod sa akin si Joaquin pero halatang-halata naman ang pagtawa niya dahil yumuyugyog ang balikat niya.
“Sige! Tawa pa!” Sabi ko sa kanya. Itinulak ko pa siya pero imbes na tumigil ay lalo siyang tumawa. Maluha-luha pa siya ng humarap sa akin.
Inambaan ko siya ng suntok pero hindi pa rin siya tumigil. Napangiti na din lang ako.
“Iss! Kinikilig ka lang eh!” Buska ko sa kanya. Ang hayop, hindi man lang tumanggi at lalo pa talagang nagpa-cute.
Ewan kung paanong nauwi sa inuman ang gabing iyon. Halos hindi na kami makagulapay sa sobrang kalasingan pagkatapos. Hindi ko nga alam kung paano pa kami nakarating sa bahay niya. Basta ang alam ko na lang, nahiga ako sa isang kama at pagkatapos noon, nakatulog na ako.
Nagising lang ako ng marinig ko ang pag-ungol sa tabi ko. Nahihilo pa ako ng mga sandaling iyon pero pilit kong ibinuka ang mga mata ko para tignan kung sino iyon. Medyo nagtaka pa ako ng makita kong si Joaquin ang umuungol na para bang binabangungot. Pawis na pawis ang mukha niya at kahit nakapikit, kitang-kita ang takot doon.
“Ako na lang, please. Ako na lang, wala siyang kasalanan…” Ungol niya. Biglang nawala ang kalasingan ko ng mga oras na iyon.
“Sorry… Sorry… Kasalanan ko, kasalan ko lahat…” Patuloy niya. Natulala ako panandalian dahil pakiramdam ko, alam ko na kung ano ang napapanaginipan niya.
“Huwag niyo siyang sasaktan! Putang-ina! Huwag niyo siyang sasaktan! Wala siyang kasalanan! Ako na lang ang saktan ninyo! Mga putang ina kayo! Huwag niyo siyang saksaktan! Nathan! Nathan!” Kung hindi pa siguro nagsisigaw si Joaquin ay hindi pa ako magigising mula sa pagkatulala ko. Dali-dali ko siyang ginising.
Napabalikwas pa siya ng bangon at parang takot na takot na napatingin sa paligid. Nang madako ang tingin niya sa akin ay agad niya akong hinila at niyakap ng mahigpit saka humagulgol. Gusto kong matawa dahil ang laki-laki niyang tao pero heto siya ngayon, nakayakap sa akin at umiiyak sa balikat ko. Pero paano ba ako matatawa ngayong alam ko na ako ang dahilan ng pag-iyak niya.
Nang tumigil siya sa pag-iyak, parang hapong-hapo kaming bumalik sa pagtulog. Walang usap-usap, walang paliwanag sa kung ano iyong nangyari. Basta nakatulog na lang kami na nakayakap pa rin siya sa akin. Ni hindi ko nga agad napansin na nakayakap na rin pala ako sa kanya.
Kinabukasan, nadatnan ko siyang nagkakape sa may teresa ng bahay niya, nakatingin lang sa malayo. Basa pa ang buhok niya kaya alam kong katatapos lamang niyang maligo. Nang makita niya akong papalapit, isang pilit na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Walang imik na tumabi lang ako sa kanya at saka inagaw ang mug ng kape na hawak niya. Hindi naman siya nagreklamo. Tahimik lang naming hinintay na tuluyang sumikat ang araw.
Nang hindi ako makatiis, ako na ang unang nagtanong. “Kailan pa?”
Isang buntong-hininga lang ang pinakawalan niya. “Pwede bang huwag na lang nating pag-usapan?”
Tinignan ko siya ng taimtim pero nag-iwas lang siya ng tingin. Kitang-kita sa mukha niya ang sakit na nararamdaman niya. Napansin ko rin na namumugto ang mga mata niya, halatang kagagaling lang uli sa pag-iyak. Isa lang ang malinaw sa akin ng mga oras na iyon, nasa harapan ko ang isang taong sigurado akong pinahahalagahan ako ng tunay.
Ibinaba ko ang kape at saka hinawakan ang baba niya para iharap sa akin ang mukha niya. Napilitan tuloy siyang salubungin ang mga mata ko. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya niya at saka tinapik-tapik iyon bago ako ngumiti.
“It wasn’t your fault.” Sabi ko sa kanya. Pakiramdam ko mabibiyak ang puso ko ng wala sa oras na nakita kong muling nanlambong ang mga mata niya. Hindi na ako nag-isip pa ng mga oras na iyon. Hinila ko na lang siya at siniil ng halik. Matagal-tagal din bago siya tumugon pero hindi ko siya tinigilan. Sa edad kong beinte-kwatro, wala pa akong kahit na anong karanasan. Joaquin was my first kiss. Iyong ninakaw niyang halik sa akin noon, iyon ang una kong halik at hindi na iyon nasundan kahit minsan. At kahit hindi ko naman alam talaga ang ginagawa ko, isa lang ang sigurado ko, mali man sa tingin ng ibang tao ang nangyayari, mali man ang ginagawa ko sa tingin ng mga magulang kong nagtakwil sa akin, iyong halik na iyon para sa akin ang isa sa mga mangilan-ngilang tama na naging desisyon ko.
Ewan kung saan ako humugot ng lakas ng loob pero namalayan ko na lang na hinihila ko pabalik sa kwarto si Joaquin. Kahit nagtataka ay sumunod lang naman siya. Saka lang yata niya naintindihan ang gusto kong mangyari ng simulan kong hubarin ang suot niyang t-shirt.
“Nate---” Muli ko siyang hinila sa isang halik para pigilan siyang magsalita. Hindi tulad noong umpisa na tila ba nag-aalangan pa siya, ngayon ay sinibasib niya ako ng halik. Halos habulin ko ang paghinga ko ng sa wakas ay pakawalan niya ang aking mga labi.
Bago pa man kami makarating sa may kama ay pareho na kaming naka-underwear lang. Sa unang pagkakataon, hinayaan ko ang sarili kong pagmasdan ang kabuuan ni Joaquin. Namumutok ang kanyang dibdib sa laman na lalong nagmukhang malaki dahil may kaliitan ang light brown niyang nipples. Natatamnan din iyon ng pinong mga buhok, iyon bang sinasabi nilang balahibong pusa. Naengganyo tuloy akong haplusin iyon. Hinayaan lang naman niya ako.
Mula sa dibdib ay dahandahang bumaba ang kamay ko sa kanyang tiyan. Dirediretso ang pinong buhok na iyon hanggang sa kanyang treasure trail na hindi man lang nakabawas sa ganda ng mga pandesal niya sa tingin. Lalo akong napangiti ng mapasinghap siya habang nilalaro ko ang mga buhok na iyon gamit ang aking mga kamay.
Kahit saang anggulo ko tignan, lalaki ang kaharap ko. Dahil nasanay, pinakiramdaman ko ang sarili ko.  May isang parte pa rin kasi ng isip ko na nagsasabing mali ang balak kong gawin, ang balak namin gawin. Pero iba ang pakiramdam ko. Katulad ng paghalik ko sa kanya kanina ang maging iyong mga sumunod pa, pakiramdam ko ay iyon ang tama.  Iwinaksi ko sa utak ko ang boses ni Papang na nagsasabing masusunog kami sa dagatdagatang apoy dahil doon. At hindi naman iyon naging mahirap, lalo na ng muli akong halikan ni Joaquin at tuluyang ihiga sa kama.
BUmaba sa leeg ko ang mga halik niya. Napaungol pa ako ng mabini niyang kagatin at sipsipin ang leeg at balikat ko. Tuluyan na akong napasinghap at napaungol ng malakas nang maramdaman ko ang dila niya sa kaliwang nipples ko. Lalo pa iyong napalakas ng marahan niya iyong sipsipin. Ni hindi ko inaasahang may ganoon pa lang pakiramdam ang mga lalaki doon.  Lalo pa akong na-ulol a sarap ng paglaruan naman ng kamay niya ang isa ko pang nipple habang patuloy siya sa pagsipsip sa kabila.
Maya-maya pa ay nagpatuloy sa pagbaba ang mga labi niya. Napakapit na ako ng tuluyan sa ulo niya ng simulang laru-laruin ng dila niya ang pusod ko. Ni hindi ko na alam kung saan ko ipapaling ang ulo ko sa sarap na aking nararamdaman. Napapikit na lang ako sa sarap.
Saka lang ako napamulat nang maramdaman kong ibinababa niya ang suot kong brief. Wala sa sariling naitulak ko siya ng wala sa oras ng may maalala ako. Muntik pa siyang mahulog sa kama. Gulat na gulat na nakatitig lang siya sa akin.
“What did I do wrong?” Halata ang takot sa boses niya. Namura ko tuloy ang sarili ko ng wala sa oras.
Bumulong ako bilang sagot pero kahit ako ay walang naintindihan sa sinabi ko. Nag-iwas ako ng tingin pero agad ding bumalik ang mga mata ko sa kanya nang bigla siyang bumaba sa kama.
“Joaquin…”
Tinignan lang niya ako, kita ang sakit sa mga mata niya. Muli kong namura ang sarili ko.
“Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo para sa akin, Nate.” Sabi niya pero halatang-halata naman sa boses ang sakit nanararamdaman niya. Naiintindihan ko naman iyon pero hindi ko napigilan ang inis ko ng wala sa oras. Malamang dahil na rin sa sobrang hiya.
“Tadyakan kita, gusto mo?” Inis kong sabi. Tinitigan lang niya ako at hindi nagsalita. Sa pangatlong pagkakataon, muli kong minura ang sarili ko.
Muli akong bumulong pero hindi pa rin malinaw ang sinasabi ko. Kung hindi ko nga lang alam kung ano ang tumatakbo sa utak ko, malamang ako din eh naguluhan.
“Ano?” Tanong ni Joaquin sa akin. Hindi pa rin maalis ang sakit sa mga mata niya. Isang buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago ako nangsalita.
“Ang sabi ko, naalala kong hindi pa ako naliligo. Nakakahiya!” Diretso kong sabi sabay iwas ng tingin. Alam kong pulang-pula ang mukha ko ng mga oras na iyon.  Napangangang napatitig lang sa akin si Joaquin.
“Seriously?” Maya-maya ay tanong niya.
“Mukha ba akong nagbibiro? Eh mamaya eh isu---” Ni hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko sa sobrang hiya sa sarili. Lalong nag-init ang mukha ko nang sumagi sa isip ko ang gagawin niya dapat kanina.
Nakatitig lang sa akin si Joaquin, kunot ang noo. Maya-maya pa ay bigla siyang napahagalpak sa pagtawa. Sa inis ko, binato ko siya ng unan saka ako dumiretso ng banyo. Kaso, hanggang sa loob ng banyo, dinig na dinig ko pa rin ang tawa niya.
“Letse! Mamatay ka sana sa katatawa!” Sigaw ko na hiyang hiya.
Ang hayop na iyon, nagawa pa talagang sumagot. “Hoy! Huwag ka nang maligo, mahilig ako sa maalat!” Sabi pa niya saka binuntunan ulit iyon ng tawa.
“Mamatay ka na!” Sagot ko sa kanya. Tawa lang ang narinig ko mula sa loob ng kwarto. Dahil nasa banyo na din lang naman ako, naligo na lang ako.
Tama namang paglabas ko, wala siya sa kwarto. Maayos na din iyong kama. Maging iyong mga damit na tinanggal namin ay maayos ng nakatupi sa may humper. Napangiti pa ako ng makita na may nakahandang shorts, t-shirt, at underwear sa may kama. Halatang bago iyong brief dahil nakasupot pa iyon. Lalo akong napangiti nang makita ko iyong t-shirt. Sigurado akong iyon yung t-shirt na suot niya noong una ko siyang makita. Nandoon pa kasi ang mantsa na nakita ko noon.
Sakto lang ang sukat sa akin noong t-shirt. Kahit naman kasi mas matangkad siya sa akin ay halos magkasinglapad lang kami ng balikat, mas malaman nga lang siya ng konti. Iyong shorts nga lang ang medyo maluwag. Mabuti na nga lang at de-tali iyon.
Paglabas ko ng kwarto, amoy ng nilulutong adobo ang bumungad sa akin.
Sinundan ko iyon hanggang sa makarating ako sa kusina. Nadatnan kong kumakanta pa si Joaquin habang nagluluto. Tanging shorts lamang ang suot niya kaya kitang-kita ang pagpi-flex ng mga muscles niya sa tuwing siya ay gumagalaw.
Hindi pamilyar sa akin iyong kanta pero hindi ako umimik. Ni hindi ko alam na magaling pala siyang kumanta.
Shoes on my feet
Sun on my back
Some place to sleep
Yeah I like that

Wind in my hair
I just relax
Going nowhere
Yeah I like that

Yeah I like that

I think I'll stay
No matter where I've been
Take what I got
Take it all in

and just take my time
Then give it back
'Cause it's not mine
Yeah I like that

Yeah I like that
Yeah just like that

Sumasayaw-sayaw pa siya habang kumakanta. Hindi ko tuloy napigilan ang matawa. Napatingin lang siya sa akin pero hindi naman tumigil. Ginawa pa niya talagang parang microphone iyon sandok.
I think I'll stay
No matter where I've been
Take what I got
Take it all in

and just take my time
Then give it back
'Cause it's not mine
Yeah I like that

Yeah I like that
Just like that

Shoes on my feet
Sun on my back
Some place to sleep
Yeah I like that

Kumikindat-kindat pa siya sa akin habang ginagawa iyon. Naiiling lang akong umupo sa may counter.  Isinalok niya sa niluluto iyong sandok bago lumapit sa akin bago iniabot sa akin iyon. Inabot ko iyon at tinikman. Napangiti ako ng malasahang walang halong asukal iyong adobo niya. Ayaw ko kasi ng adobong matamis.
“Marunong ka pa lang magluto,” sabi ko sa kanya saka ibinalik ang sandok. Tumawa lang ang kumag.
“Asa! Adobo lang ang alam kong lutuin.” Sabi niya na tumatawa. Inilapag niya ang sandok at saka kumuha ng mug mula sa cabinet. Bilagyan niya iyon ng brewed coffee at saka iniabot sa akin iyon sabay nguso sa lalagyan ng creamer at asukal sa may counter.
“Buti naman at hindi mo nilalagyan ng asukal iyong adobo,” komento ko habang nilalagyan ng creamer iyong kape. Tinignan lang niya ako, nagpipigil ng ngiti.
“Problema mo?” Tanong ko sa kanya saka humigop ng kape.
Lumapit siya sa akin at inilapit ang mukha niya sa akin bago sumagot. “Sabi ko naman sa iyo, mahilig ako sa maalat di ba?”
Naibuga ko tuloy sa kanya iyong kapeng hinigop ko. Ayun, basang-basa ang mukha niya ng wala sa oras. Pero imbes na mandiri, tawa lang ng tawa ang hinayupak. Sigurado akong mas mapula pa sa kamatis ang mukha ko ng mga oras na iyon.
“Not the kind of facial I was expecting for but this will do. I was expecting something creamier. You owe me one.” Sabi pa niya sabay kindat. Lalong nag-init ang mukha ko sa ibig niyang sabihin.
“Manyak!” Inis kong sigaw sa kanya pero natawa na din ako maya-maya.
“God! You’re really so cute when you blush.” Ngiting-ngiting sabi niya. Nandilat lang ako sa kanya.
Nagpaalam siyang maghihilamos sandali. Nang makita kong handa naman na lahat, ako na mismo ang naghain. Pagbalik niya, ayos na ang lamesa.
“I can get used to this,” sabi niya ng nakangiti. Ngumiti din lang ako. Ako man kasi, iyon din ang pakiramdam.
Wala kaming kahit na anong naging usapan ni Joaquin kung ano ang magiging set-up naming dalawa. Ni hindi nga namin pinag-usapan kung ano nga ba ang relasyon namin. Pero hindi na ako nagulat nang sabihin niyang umalis na lang ako sa apartment at tumira sa bahay niya. Noong una ay ayaw ko pa pero naging makulit ang damuho. Dinaan ako sa pagdradrama na sawang-sawa na daw siyang mag-isa.
Pero kahit na sa iisang bahay at iisang kama kami natutulog, ni minsan ay hindi gumawa ng kahit na anong aksiyon si Joaquin para ituloy iyong naudlot naming gagawin. Yumayakap siya at humahalik pero hanggang doon lang. Ako na nga ang napu-frustrate kung minsan dahil kulang na lang ay maghubad ako sa harapan niya pero wala pa rin.
Nanood na nga rin ako ng gay porn minsan kasama niya pero wala pa ring nangyari. Siguro ay nakita niya iyong pagngiwi ko habang nanonood kaya wala din siyang ginawa. Sino pa naman kasi ang hindi mapapangiwi eh mas malaki pa ata sa batuta ng pulis iyong pag-aari noong lalaki na ipinasok niya sa puwit noong kapareha niya. Lalo pa akong napangiwi nang mapansin ko ang umbok sa shorts noon ni Joaquin. Sa tantiya ko, hindi iyon nalalayo.
Kaya ayun, para lang kaming magkabarkada na nakatira sa isang bahay. Kung hindi pa nga niya ako hinahalikan ay baka tuluyan nang iyon ang tumatak sa isip ko.
Magtatlong buwan na yata ako sa bahay niya nang bigla siyang umuwi na may pasa sa mukha. Noong una ay ayaw pa niyang sabihin kung anong nangyari. Kung hindi pa ako nagbanta na aalis eh hindi pa siya magsasalita.
“Kinausap ko ang Papang mo.” Mahina niyang sabi na ikinatahimik ko.
HInawakan ko ang kamay niya bago ako nagsalita. “Hindi mo naman kailangang gawin iyon, Joax.” Umiling lang siya.
“You were so innocent when I met you.” Simula niya.
“More like a hypocrite,” singit ko pero ngumiti lang siya.
“Alam mo iyon, na kapag nakikita kita, inggit na inggit ako. Sabi ko pa nga dati sa sarili, dapat lahat ng mga kaedad natin, ganyan pa rin kainosente, na dapat may inuuwian pa ding pamilya at may mga magulang na naghihintay. Sabihin na kasi nating na medyo hindi na uso ang paniniwala ng parents mo pero at least meron silang pinaniniwalaan at pinaninindigan. I envied all that. I wanted to be a part of that dahil iyon ang isang bagay na hindi ko naranasan. My parents divorced when I was seven. At kung hindi pa ako nagdesisyon na magsarili na lang, siguro nagpapalipat-lipat pa din ako ng tirahan every other month.” Mahaba niyang sabi. Hindi ako umimik. Bagkus, pinisil ko lang ang kamay niya para hayaan siyang magpatuloy.
“It took me sometime para ma-realize na hindi na lang pala kita tinitignan noon dahil naiinggit ako. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko iyong paghalik ko sa iyo and I wanted more of that. Kaso, biglang kumalat iyong tsismis at noon ko din lang na-realize kung ano ang ginawa ko. All the things that you had, all the things that I had wanted to be part of, I took that away from you because of just one stupid kiss. And then I saw you---” Napatigil sa pagsasalita si Joaquin. Hinila ko siya para yakapin. Sumagot din siya ng yakap sa akin.
“I almost died that day. Hinihintay kong magalit ka, hinihintay kong saktan mo din ako. Hinihintay kong ako naman ang saktan mo. But you didn’t. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil wala akong ibang magawa. You were that dream that I knew I would never have pero nagpa-selfish ako at pilit ko pa ring inabot.” Humahagulgol na siya sa lagay na iyon.
“I ended up breaking you in the process.” Sabi niya. Hinigpitan ko na lang ang pagkakayakap sa kanya.
“Ano namang akala mo sa akin? Krystal na madaling mabasag?” Tanong ko. Hindi siya sumagot.
“Bakit mo kinausap si Papang?” Tanong ko ulit kapagdaka kahit na alam ko na ang magiging sagot niya.
“I thought I could still fix it. And I’m really sorry that I can’t. I’m sorry for taking everything away from you.”
Kumawala ako sa pagkakayakap niya at saka ko hinawakan ang magkabilang pisngi niya bago ako nagsalita. “Paano mong kukunin sa akin ang isang bagay na kailanman ay hindi naman naging akin. Joax, wala kang kasalanan sa nangyari. Kilala ko si Papang. Kahit sabihin kong hindi totoo ang tsismis, hindi pa rin siya makikinig. There is nothing that you can do that would change his mind. Kahit ako, wala akong magagawa. So please, stop blaming yourself. And you didn’t break me. You saved me. Buong buhay ko, ikaw pa lang ang taong nagpakita sa akin na mahalaga ako. At sabihin nang katangahan but I will go through it all over and over again kung alam kong sa dulo, nandiyan ka. I love you, okay?”
Biglang nanigas si Joaquin at napatitig sa akin, kunot ang noo. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko kung ano iyong huli kong sinabi. Agad kong binawi ang mga kamay ko at saka naglakad papalayo. Kagat ang labi akong nagpunta ng kusina at parang tangang biglang kinuha ang takuri, nilagyan iyon ng tubig saka isinalang.
Narinig ko ang mga yabag ni Joaquin na pumasok sa kusina pero hindi ko siya nilingon.
“Did you---”
“Magkape tayo. Hintayin lang nating uminit iyong tubig.” Putol ko sa sasabihin niya. Hindi siya agad kumibo.
“We have a coffee maker.” Aniya. Tahimik akong napamura. Hindi ko pa rin maintindihan kung paanong nagdradrama lang kami kanina pero heto ngayon na para kaming daga at pusa na naghuhulihan. Sa minalas-malas, ako iyong daga.
“Para sa cup noodles iyon. Alam mo na tag-ulan, kailangan laging mainit ang tiyan.” Sabi ko na lang na basta na lang binibigkas ang kung ano mang pumasok sa isip ko.
“You don’t like cup noodles kasi sabi mo nagtatae ka kapag kumakain ka kaya hindi tayo bumibili.” Dinig ko ang pagpipigil niya ng tawa sa boses niya. Muli na naman akong napamura ng mahina.
“Lahat ng bagay nagbabago.” Sabi ko na lang. Akmang maglalakad ako palabas ng kusina ng hilahin niya ako at yakapin.
“Hindi ka makakatakas.” Sabi niya habang nanggigigil sa akin.
“Anong takas-takas na sinasabi mo diyan. Maliligo lang ako. Ang init kaya.” Imbes na sumagot si Joaquin ay iginiya lang ni Joaquin ang ulo ko para tumingin sa bintana. Ni hindi ko naalala na kanina pa umuulan. Napapikit na lang ako at hindi na sumagot dahil baka ano na namang kabalbalan ang masabi ko. Ramdam na ramdam ko ang pagtawa ni Joaquin kahit wala akong naririnig dahil sa pagyugyog ng katawan niya.
“I love you too, you know. I just didn’t expect you to say it out loud before I do.” Sabi niya maya-maya.
Inis na itinulak ko siya sabay hampas sa tiyan niya. Mahina lang naman iyon kaya imbes na masaktan ay lalo lang siyang natawa saka ako hinila ulit at niyakap ng mas mahigpit.
“I love you, Nate…” Sabi pa niya sa akin. Nahiya na akong sumagot kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit.
“How you can turn my mood around within second just amazes me every single time.” Sabi pa niya.
“Sabihin mo, baliw ka lang talaga.” Sagot ko naman.
Hinalikan niya muna ako bago siya sumagot. “Probably. Mahal mo pa rin naman ako kahit baliw ako di ba?”
Halik lang ang naging sagot ko sa kanya.
Siguro nga iyon din lang ang kinailangan namin para talagang mag-umpisa ng tuluyan, iyong marinig namin mula sa isa’t isa iyong nararamdaman namin. Na mahal ko siya. Na mahal niya ako. Na mahal namin ang isa’t isa.
Alam ko kasing madami pa kaming dapat harapin, mga bagay sa nakaraan namin na kailangang matuldukan ng tuluyan bago kami makabuo ng buhay na magkasama. Alam ko ding hindi iyon magiging madali. Pero isa lang ang sigurado ko, hanggang nasa tabi ko si Joaquin, kakayanin kong harapin lahat iyon.
Hindi naman kasi fairy tale ang buhay ng tao na nagtatapos sa isang happy ending. Kaya isa na lang ang sisiguraduhin ko, na magiging happy ang buhay ko kasama siya, ang buhay naming dalawa, hanggang sa puntong umabot na ang lahat sa ending na tinatawag nila.
Alam kong malayo-layo pa iyon dahil sa ngayon, nagsisimula pa lang ang lahat.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This