Pages

Wednesday, November 18, 2015

Chances Are Few

By: Kier Andrei

Authors Note: Hi, again. Ako na ang nag-enjoy na magsulat para dito. Hahaha Thank you for all the positive and negative feedbacks regarding “You Again” and “Somewhere along the Line.” I don’t really proofread the things that I write kaya pasensiya na po sa mga grammar lapses at mga spelling mistakes. I’m actually enjoying writing these things for some reason. Again, this is a work of fiction at medyo hinulaan ko lang kung paano iyong industry na isinama ko sa kwento. As usual, this would be a little long, so konting tiyaga lang po sa mga gustong magbasa. I hope you guys enjoy this too just like the first two stories.m Just leave me a comment on the comment boxes if you have something to tell me. Happy reading!
P.S. I didn’t proofread this one either. Hahaha.

“Naniniwala ka ba sa forever?”
Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong beer hindi lang dahil sa pagkabigla kundi na din sa kakornihan ng pick up line na iyon. Nagkanda-samidsamid pa ako at humapdi ang ilong dahil kahit doon ay muntik nang lumabas iyong beer. Halos mapamura sa sobrang hapdi.
“Excuse me?” Iritable kong tanong sabay lingon sa taong nasa likuran ko pagkatapos kong makabawi ng konti. Lalo pa akong nainis dahil para akong may malalang sipon sa tunog ng boses ko.
Madilim sa loob ng bar kaya hindi ko agad nabistahan ang itsura niya pero ang ganda ng pagkakangiti niya sa akin, pantay-pantay ang mapuputing ngipin na bumungad sa akin. Kung hindi lang talaga ako banas ng mga oras na iyon, baka sinuklian ko na din ang pagkakangiti niya. Eh kaso, bad trip ako, kayo talo-talo na muna. May pagkasuplado pa man din ako.
“I’m Derek,” Sabi pa ng lalaki sa akin sabay lahad ng kamay, hindi pa rin inaalis ang pagkakangiti. Posible pala iyon, iyong nakangiti ka pa rin kahit nagsasalita.
Pero dahil bad trip, tinignan ko lang ang kamay niya sabay harap muli sa bar. Nangingiti na inabutan ako ng tissue noong bartender, palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
Hindi naman na bago sa akin ang ganoon. Sa awa naman kasi ng Diyos, hindi naman ako ipinanganak na mukhang nasagasaan ng rumaragasang bus ang mukha. Maingat din naman ako sa katawan at dahil na din sa trabaho ko bilang isang creative director sa isang advertising firm, sinisigurado kong maayos akong magdala. Sabi nga noong isang commercial ng facial wash na panlalaki, pogi matters, lalo na sa industriyang ginagalawan ko.
Ang industriya ding kinabibilangan ko ang dahilan kung bakit ako nagdi-gym. Kung ako lang talaga, wala akong pakialam kung mukha akong drug addict o lumba-lumba. Ang kaso, dahil sa madalas na nakakasalamuha ko ay mga modelo na animo ay na-photoshop ang katawan, nauunahan ng insecurities ko ang aking katamarang magpunta ng gym.
Isa pa, its part of the job, sabi nga ng boss ko. Ganoon naman sa industriya kung saan mukha at katawan ang puhunan kahit pa nga sabihing nasa likod lang naman kami ng produksiyon. You always have to look the part.
Saka tama naman ang ibang tao eh, walang nala-love at first sight sa inner beauty dahil hindi naman iyon ang unang nakikita nila. Mababaw mang pakinggan, sa kahit na anong trabaho, mukha mo at katawan mo ang unang makikita. Kaya nga kung may ipagmamalaki ka naman kahit papaano, ibalandra mo na.
Sumenyas ako sa bartender na bigyan ako ng isa pang bote kahit pa nga may natira pa naman sa beer na iniinom ko kanina. Kahit na sabihin kasing sariling laway ko naman iyong naibalik doon, nandidiri ako. Aminado naman ako na may kaartehan talaga ako sa katawan. At dahil kaya ko namang tustusan ang kaartehang iyon, pinagbibigyan ko madalas ang sarili ko.
“Let me pay for that.”
Muli akong napalingon sa lalaking nasa likuran ko, naniningkit pa rin ang mata. Nakangiti pa rin siya sa akin, iyong tipong nagpapa-cute. Tinignan ko lang siya ulit ng masama at saka muling humarap sa bar. Sakto namang iniaabot sa akin noong bartender ang bagong bote ng beer. Hindi ko na pinigilan si Derek nang abutan niya ng pera ang bartender.
Tumingin sa akin ang bartender at saka tinaasan ako ng kilay na tipong nagtatanong kung okay lang ba. Tumango na lang ako. Eh sa gusto niyang bayaran iyong beer, ako pa ba ang tatanggi? Nakangiting prinoseso na lamang ng bartender ang bayad.
Umupo sa tabi ko si Derek, nakatingin pa rin sa akin. Hindi ko pa rin siya pinapansin pero hindi talaga umalis. Hinayaan ko na lang. Kung gusto niyang tumitig habang napapanisan ng laway, bahala siya sa buhay niya, sabi ko na lang sa sarili ko.
Maya-maya ay pasimple ko siyang tinignan sa sulok ng aking mga mata. Sa tantiya ko, nasa eighteen o nineteen years old pa lang si Derek. Mukha kasi siyang bata kahit na nga sabihing may katangkaran.
Simpleng round neck muscle shirt na kulay puti lamang ang suot niya na napapatungan ng isang kulay itim na bicker jacket. Dark grey ang suot niyang maong na skinny at saka isang itim na sneakers. Typical na teenager get up, ikanga nila. Kung sa ibang tao lang siguro iyon nakasuot, ni hindi mo bibigyan ng pansin. Pero iba ang dating noon sa kanya. Kung packaging ang pag-uusapan, pasok na siya sa banga.
Hindi naman kasi maitatanggi na may itsura si Derek. Siya iyong tipo ng lalaking pinagpala na kahit anong ipasuot mo, meron at merong mapapalingon kapag siya ang dumaan. Matangos ang ilong, bilugan ang mata, may kakapalan ang kilay na lalong nagbigay ng karakter sa mukha niya, may kanipisan ang labi na kahit sa madilim na ilaw ng bar ay halatang kulay pink.
Kung naging blue lang siguro ang mata niya ay pagkakamalan na talagang siya iyong Louis sa pabebeng boy band na One Direction na kinahuhumalingan ng kapatid kong si Michelle. Lalo pa nga at katulad din ng nasabing entertainer ang ayos ng buhok nito. Iyong tipong magulo pero alam mong ganoon talaga ang ayos. Mukha siyang modelo, iyon ang tumatak sa isip ko.
“Harapin mo na lang kasi ako para hindi ka nahihirapan,” Maya-maya ay narinig kong sabi niya. Sinundan pa niya iyon ng tawa. Imbes na patulan ay kinawayan ko ang bartender at saka hiningi ang bill. Agad namang iniabot sa akin iyon.
Naglabas ako ng pera mula sa wallet ko at iniabot ito sa bartender. Ni hindi ko na hinintay ang sukli ko at nagmadali na akong lumabas. Wala ako sa mood na makipaglandian sa kahit na sino. Kaya lang naman ako nagpunta ng bar ay para magpaantok ng kaunti.
Malapit na ako sa kotse ko sa parking lot nang maramdaman kong may nakasunod sa akin. Paglingon ko sa likuran ko, hindi nga ako nagkamali. Nakangiting nakasunod si Derek. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad.
Aaminin ko, pumasok sa isip ko na may masama siyang balak sa akin pero hindi ako natakot. Black belt ako sa Judo dahil varsity ako noong college at kahit pa sabihing mas matangkad siya sa akin, mas malaki ang katawan ko sa kanya.
“Hindi mo yata ako narinig kanina. I’m Derek. And you are?” Aniya na nakasunod pa rin sa akin, nasa mood yata talagang mangulit.
“Not Interested.” Kako na hindi man lang siya nilingon.
“Ang cute naman ng pangalan mo. So, can I call you Not?” Sabi pa niya na hindi pa rin ako tinitigilan. Napilitan tuloy akong harapin siya.
“How about not calling me at all, totoy?” Tanong ko sa kanya, sadya ang diin sa huling salita. Tinaasan lang niya ako ng kilay.
“I’m 24. Hindi na ako totoy. Tuli na din ako. Gusto mong makita?” Nakangiti lang niyang sabi sa akin, nang-aasar. Isang masamang tingin lang ang ibinigay ko sa kanya bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Kung nakamamatay lang siguro ang masamang tingin, kanina pa siya bumulagta. Kaso mukhang hindi effective.
“Again, not interested.” Sabi ko na lang. Gusto ko sanang patulan pero medyo umeepekto na ang nainom kong alak. Idagdag pang napagod din ako sa maghapong shoot para sa isang commercial kaya ng mga oras na iyon, gusto ko na lang talagang umuwi. Sakto namang nasa tapat na ako ng kotse ko.
Agad kong inapuhap ang susi ko sa aking bulsa. Nanlaki ang mata ko ng wala akong makapa doon. Akmang babalik na ako sa loob ng bar para tignan doon nang magsalita siya.
“You left this.” Sabi ulit ni Derek na naging dahilan ng muli kong paglingon sa kanya. Iniabot niya sa akin ang aking susi. Walang salitang tinanggap ko lang iyon at binuksan ang pinto ng kotse ko. Papasok na sana ako ng bigla niya akong hawakan sa braso at pigilan.
“Wala man lang bang thank you?” Tanong niya.
Napabuntong-hininga muna ako bago ako nagsalita. “Salamat.” Matipid kong sabi.
“Not enough, Not.” Sabi niya sabay hila sa akin at basta na lamang ako siniil ng halik sa labi. Hindi pa siya nakuntento at talagang pilit pa niyang ipinapasok ang dila niya sa bibig ko. Kung hindi ko pa siguro siya naitulak ay baka nagalugad na niya ang bunganga ko. Imbes na malibugan, nainis lang ako lalo.
“Now that’s a thank you.” Sabi niya nang nakangiti bago siya nagmamadaling bumalik sa loob ng bar.
Naiwan ako sa parking lot na nakatulala at nakatingin lang sa likod niyang naglalakad. Kumaway pa siya sa akin bago siya tuluyang pumasok ulit doon. Kating-kati akong sundan siya sa loob ng bar para lang bigwasan pero inunahan na ako ng nararamdaman kong antok.
“Nakaisa sa akin ang hayop,” sabi ko na lang sa sarili ko na naiiling.
Mabilis na nawala sa isip ko si Derek lalo na at naging abala ako ng mga sumunod na araw. Sunod-sunod kasi ang naging proyekto ng kumpanya lalo na at magpapasko. Isa pa, hindi ko naman kasi inaasahan na magkikita pa kami ulit. Oo nga at talagang may itsura at may dating siya pero sa dinami-dami ng mga modelong nakakasalamuha ko, mas malamang sa hindi na mabura siya agad sa isipan ko. Kung gwapo at gwapo din lang naman kasi ang hanap ko, literal silang nagkalat sa harapan ko lalo na sa trabaho.
Kararating ko lang sa location ng isa na namang shoot para sa isang tv at print commercial nang may mapansin akong isang pamilyar na likod. Hindi ko naman maisip kung sino iyon at dahil sa madami pa akong dapat gawin hindi ko na hinintay na lumingon sa akin iyong tao. Dumiretso na lang ako sa director’s tent.
Kapapasok ko pa lang ay gusto ko nang pagsisihan ang desisyong iyon nang madatnan kong naglalambingan sina Alfred at Pete. Pakiramdam ko ay tinadyakan ako ng wala sa oras lalo na nang makita ko silang maghalikan.
Nasabihan na ako ng boss namin na si Pete ang magiging direktor ng tv commercial na iyon samantalang ang kaibigan ko namang si Andrea ang magiging photographer sa print. Dati kong live in partner si Pete na umabot din ng dalawang taon mahigit. Wala namang problema sa akin iyon dahil mahigit isang taon na din naman kaming hiwalay kahit pa nga sabihing hindi naging maganda ang hiwalayang nangyari. Ang sa akin kasi, ang trabaho, trabaho lang, dapat nakahiwalay sa personal na buhay.
Iyon nga lang hindi ko pa rin kasi maiwasang masaktan paminsan-minsan lalo na nga at ang best friend ko pang si Alfred, technically ex-best friend, ang ipinalit niya sa akin. Ang nakakainis pa, minsan kasi ay parang nanadya si Alfred na ipamukha sa akin na sila na.
Nauna naman kasi talagang nagkagusto si Alfred kay Pete. Graphic artist si Alfred sa kumpanya kung saan ako nagtratrabaho at nakilala niya si Pete sa isang shoot. Isang linggo yatang wala itong naging ibang bukambibig kundi si Pete na ikinapurga ko na kung tutuusin. Hindi ko pa man nakikita ay pakiramdam ko kilala ko na iyong tao.
Nataon naman na nakatrabaho ko si Pete sa sumunod na project na hinawakan ko at nagkalapit kami ng dahil na din kay Alfred. Akala ko nga noong una ay sila na kaya nagtaka ako nang biglang magparamdam si Pete sa akin.
Nang magsimulang magparamdam sa akin si Pete, kinausap ko pa si Alfred tungkol doon. Ang sabi niya noon, okay lang dahil wala naman daw siyang magagawa kung ako ang nagugustuhan noong tao. Nalaman ko na lamang na nang malasing siya minsan, pinagmumura daw niya ako at tinawag na ahas. Kung hindi ba naman siya isang-libo’t isang plastic.
Malas lang niya dahil noong mga panahong iyon, nahuhulog na din ang loob ko kay Pete. Kaya masabihan nang ahas, pinanindigan ko na lang. Nagi-guilty ako, sa totoo lang dahil alam kong nasaktan ko si Alfred pero ano nga ba namang magagawa ko eh nagmahal lang ako.
Malambing naman kasi talaga si Pete kaya hindi ganoon kahirap ang mahulog sa kanya. Iyon nga lang at talagang may pagkamalandi. Minsan nga ay nasabihan ko siyang ipinaglihi siya sa higad pero tinawanan lang niya ako.
Siya kasi iyong tipo ng tao na kapag may nanlandi sa kanya, nakikipaglandian din siya. Hinahayaan ko naman siya pero isa lang ang kundisyon ko, huwag kay Alfred. Ang kaso, harapharapan pa kung landiin siya ni Alfred, tipong nang-aasar at naghahanap ng away. Aaminin ko, ilang beses ko nang gustong sapakin si Alfred ng dahil doon pero nagpigil ako. Una, kahit paaano, iginagalang ko pa rin kung ano man iyong natira sa pagiging magkaibigan namin. Pangalawa, masaya na ako sa kung anong meron ako.
Ang kaso, minsang mag-away kami ni Pete ng dahil din kay Alfred, nabigyan ng oportunidad ang aking ex-best friend na kalantiriin ang malandi kong boyfriend. Nagpalandi din naman ang hayop at ayun, nahuli ko silang nagkakanaan sa mismong apartment kung saan kami nakatira ni Pete.
Halos sumabog ang utak ko noon sa sobrang galit pero hindi ako nagwala. Ang cheap lang kasi noong ginagago ka na nga, magpapakapalengkero ka pa samantalang pwede mo naman silang patayin ng paulit-ulit sa utak mo.
Halatang hindi nila inaasahan na madadatnan ko sila dahil hindi man lang sila nagsara ng pintuan. Nagkalat pa ang damit nila sa sahig. Maaga lang din naman kasi akong nakauwi mula sa isang out of town na shoot dahil biglang umulan. Ang sabi ko kay Pete, medaling araw na ako darating.
Nakatingin lang ako sa kanila habang parang gigil na gigil na binabayo ni Alfred ang nakatuwad na si Pete sa ibabaw ng kama. Ni hindi man lang nila napansin na nakapasok na ako sa kwarto. Hindi ako nagsalita o gumawa ng kahit na anong esena. Pero nang hindi na ako nakatiis, walang sabi-sabing pinulot ko ang kumot na nasa ibaba na ng kama at saka ikinumot sa kanila.
“Baka kabagin kayo, nakakahiya naman sa inyong dalawa,” sabi ko pa. Para silang namatanda na napatingin sa akin pareho.
Walang imik na dumiretso ako sa closet at inilabas mula doon ang isang travelling bag at saka sinimulang ayusin ang mga gamit ko doon. Pinilit kong gawing normal ang mga galaw ko. Iyon bang tipong parang naghahanda lang talaga sa pagbabakasyon, taking my own sweet time. Nang maramdaman kong nakatingin sila sa akin ay muli ko silang hinarap.
“Ituloy niyo lang at baka sumakit pa ang mga puson ninyo, kasalanan ko pa.” Sabi ko pa sa kanila bago ko ipinagpatuloy ang pag-imis sa mga gamit ko. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko kahit na gustong-gusto ko nang magwala.
Nang makuha ko lahat ng damit ko, dumiretso ako sa banyo para kunin ang mga gamit ko doon. Pagbalik ko sa kwarto, pareho na silang nakadamit at nakaupo sa kama, hindi makatingin sa akin.
“Ngayon pa talaga kayo nahiya?” Panunuya ko sa dalawa.
“Una ko siyang minahal, alam mo yan!” Maangas pang sabi ng hayop na si Alfred. Ewan kung talagang kumawala na lang talaga ng tuluyan ang turnilyo ko ng mga oras na iyon pero napahagalpak ako sa tawa. Gusto kong mapamura sa linya niyang iyon.
“Anong akala mo sa sitwasyon natin? Telenovela kaya dapat may ganyang linya?” Dagdag panunuya ko kay Alfred. Nilapitan ko pa silang dalawa at saka hinarap si Alfred. Kitang-kita ang takot sa mga mata nila. Hindi naman iyon kataka-taka dahil sa aming tatlo, ako ang pinakamatangkad at pinakamalaki ang katawan. Kung gugustuhin ko, baka magawa ko pa silang pagbuhulin.
“You can have him. Pero tatandaan mo lang na kung saan mo isinasalaksak iyang titi mo, I’ve been there. You can never change that. And basing from what I saw earlier, I’ve been to places you will never even reach.” Sabi ko sa kanya sabay tingin sa kanyang harapan na may halong malisya bago ko sila iniwan.
Ilang beses din akong nilapitan ni Pete noon na humihingi ng tawad pero ni minsan hindi ko siya pinansin. Maging sa opisina ay halos araw-arawin niya ako kung dalawin at nakikita iyon ni Alfred na lalong nagpalalim ng galit niya sa akin. Siya pa talaga ang may ganang magalit noon at paringgan ako. Kaya mula sa pagiging best friends, daig pa namin ang Japan at USA noong World War II. Mabuti na nga lamang at hindi kami nagsasama sa trabaho dahil siguradong walang mangyayari.
Sigurado din ako na sinadya niya talagang magpakita sa shoot dahil alam niyang ako ang makakatrabaho ni Pete.
Kung tutuusin, naka-move on naman na ako sa paniniwala ko ng mga oras na iyon. Ni hindi ko sila iniyakan. Expected ko na rin naman kasi iyon. Kailan ba naman nagkaroon ng matinong relasyon ang mga katuld ko di ba? Mas madalas naman kasi talaga na kung hindi perahan ang usapan, sex-sex lang.
Ang mahirap lang talagang tanggapin para sa akin ay iyong nasirang tiwala dahil kahit balibaliktarin ang mundo, pareho ko silang minahal. Sa tingin ko nga, kung hiniling lang siguro noon ni Alfred na huwag kong patulan si Pete, baka pinagbigyan ko pa siya. Relationships don’t last, lalo na sa mga katulad kong may alternatibong pamumuhay kaya kung papipiliin, mas bibigyang halaga ko ang pagkakaibigan. Kaso, huli na ang lahat para doon.
Muli na lang akong lumabas at saka naglakad na lamang muna sa beach. Nagse-set up pa din lang naman ang ibang kasamahan namin. Nang mapagod sa paglalakad, naupo na lang ako sa ilalim ng isang puno ng niyog. Nag-text na din ako sa mga PA na tawagan na lang ako kapag kailangan na ako sa set.
Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang biglang may magsalita sa likuran ko.
“Naniniwala ka ba sa destiny?”
Akala ko pa noong una ay hindi ako ang kinakausap ng kung sino man iyong nagsalita kaya hindi ako lumingon kaya nagulat na lang ako ng may tumabi sa akin. Lalo pa akong nagulat nang makitang si Derek iyon na nakangiti na naman sa akin.
“Hi Not! Na-miss mo ako?” Aniya sabay kindat. Hindi ako agad nakaimik at tinitigan ko lang siya. Ilang beses din akong kumurap para siguraduhing hindi ako namamalikmata.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko ng makabawi.
“Sabi kasi nila, follow your dreams, kaya ayun, sinundan kita.” Sabi pa niya sabay pa-cute. Isang masamang tingin lang ang ibinigay ko sa kanya bago ako tumayo at nagsimulang maglakad papunta sa set. Pakiramdam ko nga, siya ang magiging dahilan ng pagdami ng wrinkles ko sa mukha.
“Bakit ba ang suplado mo?” Narinig kong tanong ni Derek sa akin kaya ako napahinto at muli siyang hinarap.
“Kung hindi pa obvious, totoy, wala akong balak patulan ang mga kakornihan mo. Iyang mga banat mo at pagpapa-cute mo na mas luma pa sa tastas na panty ng lola ko, hindi uubra sa akin. Hindi ako interesado sa iyo. Maliwanag?” Mahaba kong litanya pero ni hindi man lang nawala ang pagkakangiti niya sa akin.
“For now!” Aniya na kitang-kita ang kumpiyansa sa sarili. Sinabayan pa niya iyon ng kindat na talaga namang nagpalakas sa dating niya.
Ang kaso, wrong timing na naman siya. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay na-cute-tan pa ako sa pinaggagagawa niya, nainis lang ako ng mga oras na iyon.
Ganoon din kasi ang ginawang pangungulit sa akin ni Pete noon at dahil kakikita ko pa lamang na nakikipaglambutsingan ang taksil kong ex-boyfriend sa ahas kong ex-best friend, kahit himala ay hindi makakatulong para matuwa ako sa ginagawa niya.
“Totoy, go play with boys your age.” Sabi ko sa kanya at akmang tatalikuran ko na sana siya nang bigla niyang ibinaba ang suot niyang shorts kasama ang kanyang underwear. Naeeskandalong napatingin ako sa paligid.
“What the hell are you doing?” Iritado kong tanong sa kanya.
“Totoy ka ng totoy eh. Nakakainsulto na. Sabi ko naman sa iyo, tuli na ako di ba?” Aniya sabay hawak pa sa may kalakihang nakabitin sa harapan niya na tila ba talagang ipinapakita sa akin.
Putakte! Ano yun, paa ng bata? Tanong ko sa sarili ko pero agad ko ding pinilit na alisin sa isip ko. Ilang segundo din na natutok doon ang tingin ko bago ako natauhan.
“God! You’re imposible!” Frustrated kong sabi saka ko siya tinalikuran at iniwan. Pakiramdam ko ay pulang-pula ang mukha ko ng mga oras na iyon.
“Malaki lang imposible na agad? Saka hindi ako si God pero kung gusto mo, pwede kitang dalhin sa langit!” Sabi pa niyang tumatawa. Hindi ko na lang siya nilingon. Sa awa ng Diyos, hindi na niya ako sinundan.
Naging abala na ako pagkatapos noon. Ilang na ilang pa nga ako dahil sa wala pala talagang balak umalis si Alfred. Kulang na lang ay kumalong siya kay Pete habang pinag-uusapan namin kung paano ang magiging takbo noong shoot. Ang maganda lang ay hindi siya sumasabat dahil kapag nagkataon, ako mismo ang kakaladkad sa kanya palabas ng directors tent. Magkalantarian sila kung gusto nila basta huwag lang maapektuhan ang trabaho ko dahil ibang usapan na iyon.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ni Pete ng bigla kong marinig ang usapan sa likuran namin.
“Tissue.” Sabi nang isang boses kaya napalingon ako. Nag-uusap pala ang dalawang PA sa likuran namin.
“Hindi mare. Bimpo na yan. Ang OA eh.” Sagot naman noong isa. Pareho silang nakatingin sa monitor na nasa harapan namin ni Pete. Maging ako tuloy ay napatingin na din doon.
“Nope. That’s all him.” Wala sa sariling nasabi ko sa pagkabigla. Kasama ang dalawa pang modelo ay kitang-kitang nakikipagbiruan si Derek sa isang make up artist na walang ibang suot kundi isang puting bikini brief. Ganoon din naman ang suot noong dalawa dahil iyon naman talaga ang iniendorso pero halatang-halata na lamang si Derek kung umbok ang usapan. Mukha kasing puputok na ang suot nitong brief.
Kung hindi ko pa siguro naramdaman ang mga tingin sa akin ay hindi ko pa lilingunin ang mga tao sa paligid ko. Tutok na tutok na naman kasi ang mga mata ko sa umbok na iyon kahit pa nga nakita ko na in all its naked glory.
“What?” Tanong ko sa kanila na nagpapatay malisya. Tinaasan lang ako ng kilay ni Pete na walang kangiti-ngiti.
“Kilala niyo siya sir?” Tanong noong isang PA.
“Obviously,” Punong-puno ng malisyang kumento ni Alfred. Tinignan ko lang siya ng walang emosyon kahit na gusto ko siyang barahin. Iba kasi talaga ang dating ng komento niya eh, may halong panlalait at panghuhusga. Talagang basta mabigyan ng pagkakataon, gagawa at gagawa siya ng paraan para ipahiya ako.
“He flashed me earlier.” Sabi ko na wala pa ring kaemo-emosyon.
“Flashed?” Si Pete ang nagtanong, nakabusangot.
“Tinawag ko siyang totoy at para patunayan na hindi na siya bata, ipinakita niya sa akin na tuli na siya.” At bago pa man sila makapag-react ay kinuha ko na ang cellphone ko at saka nag-dial para tawagan ang PA naming si Trish na nasa set. Agad naman itong sumagot.
“Trish, change Derek’s bikini to the black one because what he is wearing now is totally indecent. Give the other model, the blond one, the grey bikini as well. And then get me some jeans that would fit all three of them, same color.” Sabi ko sabay patay ng kuneksiyon bago pa man siya nakasagot. Nakita ko sa monitor na nilapitan ni Trish si Derek at ang isa pang modelo.
“Can you do that?” Tanong sa akin ni Pete.
Tinignan ko muna siya bago ako nagsalita. “I’m the boss. Unless gusto mong paputulan ko ang titi noong modelo para lamang hindi magmukhang porn ad ang commercial na ito, iyon lang ang nakikita kong solusyon.”
“We need them in the white bikinis,” Angal ni Pete. “Iyon ang nasa story board na na-approve ng kliyente.”
“They will be, but with pants, showing as much of the bikini without the porn-ish quality. At huwag mong problemahin ang kliyente. Ako ang bahalang mamrublema doon. After all, that’s my job, not yours.” May katarayan kong sabi at saka ibinalik ang atensiyon sa story board na tinitignan namin kanina. Hindi na din naman nagkomento si Pete.
Natapos naman ang shoot ng walang problema. At para din matahimik lang si Pete, hinayaan ko siyang kunan pa rin ang orihinal na plano na nakabikini lamang ang tatlo. Hindi ko na iyon pinanood.
Pagkatapos ng TV commercial shoot, agad ko nang ipinasunod ang photoshoot para sa print ad. Parehas din lang naman kasi ng set up. At dahil ang gusto ni Andrea ay katabi lang niya ako habang kumukuha siya, napilitan akong pumunta sa mismong set. Hindi ko alam na nakasunod pala sa akin sina Pete at Alfred.
Agad akong niyakap ni Andrea na kararating-rating din lang. Hinalikan pa niya ako sa labi na normal niyang ginagawa.
“Sorry, babe. Traffic sa Edsa.” Sabi niya ng nakangiti.
“Tarantado. Hindi ka dadaan ng EDSA para makarating ng Batangas.” Kunwari ay kastigo ko sa kanya na tinawanan lang niya.
Napansin kong nakatingin siya sa likuran ko kaya napatingin na din ako. Napataas na lang ang kilay ko nang makita ko sina Pete at Alfred. Ewan kung anong pumasok sa isip ni Andrea at muli na naman akong kinabig at hinalikan ng madiin. Hindi ko alam kung anong paandar iyon pero hinayaan ko na lang. Ano pa nga bang magagawa ko kung hawak na niya ang ulo ko, di ba?
“Holy shit! You’re straight?” Bulalas ng isang boses sa kanan namin na sa hindi ko malamang kadahilanan ay nakilala kong kay Derek.
Kunot ang noong kumalas sa akin at napatingin sa kanya si Andrea. Kaso, naka-bikini brief na ulit na puti si Derek kaya pareho kami ni Andrea na doon sa pagitan ng hita niya humantong ang mga mata. Nakatayo siya sa tabi ng isang makeup artist pero sa amin nakatingin.
“Oh my God! I can see the head!” Wala sa sariling bulalas ni Andea. Nagkatinginan pa kaming dalawa bago sabay na natawa. Si Andrea na ang sumagot kay Derek.
“I can be straight for you, honey.” Sabi niya pero halatang nagbibiro sabay tingin ulit sa nakaumbok sa harapan ni Derek. Maging ang crew tuloy ay napatawa ng wala sa oras. Alam naman kasi ng lahat na nandoon na isa siyang lesbiana.
“Sorry, maganda ka pero hindi ako sa iyo interesado.” Diretsang sabi ni Derek sabay tingin sa akin. Napataas lang ang kilay ni Andrea pero halatang amused. Pinandilatan ko lang ang bruha nang ako naman ang tinignan nito ng makahulugan.
“Hoy, Not! Huwag mo nga akong kinakaliwa. Akin ka lang!” Sabi pa niya bago siya lumapit sa akin at saka ako biglang hinalikan. Hindi ako agad naka-react dahil hindi ko iyon inaasahan.
“See? He’s mine.” Sabi pa niya bago parang batang nagmamadaling lumayo sa akin.
Nakatulalang napasunod lang ako sa kanya ng tingin. Nag-peace sign pa siya sa akin bago niya muling nilapitan ang make-up artist na katabi niya kanina para maituloy ang pag-aayos nito sa kanya. Pagbaling ko ng tingin kay Andrea ay isang makahulugang ngiti ang ibinungad niya sa akin.
“Mahabang kwento.” Sabi ko na lang kaso lalong nanlaki ang mga mata niya.
“Sampalain kita!” Sabi ko sa kanya ng paangil.
Humahagikgik na sumagot siya sa akin. “Wala naman akong sinasabi ah!”
“Letse! Hindi mo kailangang magsalita para makita ko kung anong iniisip ng madumi mong utak!” Sabi ko sa kanya na lalo lang niyang ikinatawa. Natawa na din ako ng wala sa oras.
“Are you dating him?” Maya-maya ay narinig kong tanong ni Pete. Nawala na sa isip ko na nandoon sila. Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Andrea.
“At ano namang pakialam mo?” Mataray niyang tanong. Hindi nakasagot si Pete. Dahil siguro sa napahiya, nagmamadali siyang umalis. Palingon-lingon naman sa amin na sumunod si Alfred.
“I hate those guys,” Anunsiyo pa ni Andrea kapagdaka.
“Hindi obvious,” Sabi ko na lang kahit na medyo nagtataka ako sa inasal ni Pete. Kung wala lang siguro akong trabaho ay nagtagal pa ako sa kakaisip tungkol doon.
Mabilis namang natapos ang photoshoot. Hindi na din naman umeksena si Derek kaya naging maayos ang lahat hanggang sa matapos iyon.
Dahil kailangan ko pang bantayan ang pagse-settle ng bill namin sa resort, hinayaan ko nang mauna ang mga crew namin pabalik ng Maynila. Dala ko naman ang kotse ko kaya hindi ako mamumroblema sa pag-uwi. Nauna na ding nagpaalam si Andrea dahil may shoot pa daw siya sa kabilang resort.
Nang maayos namin ni Trish ang lahat, sabay na kaming naglakad papunta sa parking lot. Naghihintay na din kasi sa kanya ang boyfriend niya doon. Kinakausap ko na din siya at binibilinan sa dapat gawin sa mga files na nakuhanan namin ng araw na iyon. Siya kasi ang magdadala ng mga raw files sa editing team.
“Trish, sinasabi ko na sa iyo. Bantayan mo ang pag-e-edit. Mapapatay kita kapag pumalya iyan.” Sabi ko pa sa kanya.
“Yes, boss.” Sabi niya sa akin ng nakangiti. Ginulo ko pa ang buhok niya bago ko siya hinayaang lapitan ang boyfriend niya na naghihintay. Tinanguan ko silang dalawa bago ako dumiretso sa kinalalagyan ng kotse ko.
Nasa bandang dulo kasi iyon ng parking lot at hindi agad makikita. Napakunot na lang ang noo ko nang makita kong nakatayo doon si Derek. Naka-itim na tank top lamang ito at saka board shorts na kulay krema at saka tsinelas. Litaw na litaw tuloy ang ganda ng katawan niya at ang mabalahibo niyang mga binti.
“Ang tagal mo! Gutom na ako.” Bungad niyang reklamo sa akin.
“At problema ko iyon dahil?” Pabalang kong tanong sa kanya.
“Dahil wala kang choice kundi problemahin iyon. I’m demanding na problemahin mo iyon. Hinintay kaya kita.” Sabi lang niya sa akin. Natawa na lang ako sa kakulitan niya.
In fairness, ang cute niya lang, sabi ng isang parte ng utak ko.
“You’re crazy.” Sabi kong nailing. Tinitigan pa niya ako ng matagal bago siya nagsalita.
“Crazy for you.” Sabi niya na pakanta pa pero sintunado. Napatanga ako sandali sa kanya bago ako napahagalpak ng tuluyan.
“Oh my God! That’s so corny it should be illegal.” Sabi ko habang hinahabol ko ang paghinga ko dahil sa kakatawa.
“Why are you still here anyway? May sasakyan ka bang dala?”
“Wala. Hindi ako marunong mag-drive. Pero sabi ni Miss Andrea, dala mo daw kotse mo.” Nakangiti niyang sagot sa akin.
“You don’t put Miss before the first name unless bubuuin mo ang pangalan noong tao.” Pagtatama ko sa kanya.
“At sinabi din niyang gagawin mo yan,” Natatawa niyang sabi.
“Close kayo?”
Nagpa-cute pa ang hayop bago ako sinagot. “Slight lang. Pero sabi niya, boto daw siya sa ating dalawa. Kita mo yun? Hindi pa nagsisimula, may fans club na. Ako din, boto sa ating dalawa. So tayo na?”
Hindi na lang ako nagkumento at binuksan ko na lang ang pintuan ng kotse. Sinubukan din niyang buksan ang pintuan sa may passenger side pero hindi niya iyon nabuksan. Pumasok ako sa loob ng kotse at agad na isinara ang pintuan. Katok siya ng katok sa may bintana pero hindi ko siya pinapansin.
Nang mapaandar ko ang kotse, walang lingon-lingon sa kanya na nag-drive ako papaalis. Nakangangang nakasunod lang siya ng tingin sa kotse. Nang malapit na ako sa gate ng resort, saka pa lamang ako nagmaniobra para balikan siya. Halos hindi maipinta ang mukha niya nang huminto ako sa tapat niya at ibinaba ko ang bintana.
“Ang sama ng ugali mo!” Inis niyang sabi sa akin pero agad din namang binuksan ang pintuan at umupo sa tabi ko. Inirapan pa niya ako at saka parang batang nagtatampo na humarap sa may bintana. Kulang na lang talaga ay talikuran niya ako. Natatawang nag-drive lang ako paalis ng resort.
Nasa SLEX na kami ng harapin niya ako at tinitigan. Kunot ang noo niya at tila seryosong-seryoso.
“What?” Tanong ko sa kanya.
“Nakalimutan kong tanungin sa mga tao sa shoot kung ano ang pangalan mo.” Sabi niya. “Nawala din naman sa isip ko dahil lahat sila, maliban kay Miss Andrea eh boss ang tawag sa iyo.”
“Again with the Miss followed by a first name.” Kastigo ko sa kanya.
“Not the point.” Aniya na hindi tinatanggal ang pagkakatitig sa akin. Medyo nailing tuloy ako.
Ewan ko ba pero sanay naman akong natititigan, madalas ay iyong masama pang titig, pero iba ang dating sa akin ng pagkakatitig ni Derek. Lalo at nakatingin lang siya na hindi umiimik.
“Matthew,” sabi ko na lang para mabasag man lang ang katahimikan. “Matthew Garcia.”
“So it is you!” Bulalas niya.
Napakunot ang noo ko ng wala sa oras ng dahil doon. Kung hindi lang ako nagdadrive ay baka nilingon ko na siya.
“What do you mean?” Tanong ko kay Derek.
“Sikretong malupet! Walang clue!” Sabi niya sabay tawa.
Hindi ko na lang pinatulan. Ng mga oras na iyon, inisip ko na lang na bahala siya kung ayaw niyang sabihin. Hindi ko naman ikamamatay.
Pagbalik ng Maynila ay ibinaba ko lang si Derek sa SM Makati dahil malapit lang naman daw doon ang condo niya at saka ako dumiretso ng Fairview kung saan ako nakatira.
Niyaya niya akong kumain pero tumanggi na ako kahit pa nga halos magmakaawa na siya. Obvious naman kasi kung ano ang gusto niyang mangyari at hindi pa ako handa sa mga ganoong bagay. I wasn’t ready to get my heart broken again at wala din akong balak na makipaglandian lang. Iyon din naman kasi ang kababagsakan noon eh.
Sabihin nang bitter pero ako mismo ay naniniwala na walang umaabot ng forever. Lalo na sa katulad kong may alternatibong pamumuhay. Sabi nga nila, natural sa tao ang pagiging polygamous at darating at darating ang panahon na maghahanap ang tao ng ibang putahe, may karelasyon man siya o wala. Lalo na sa industriyang ginagalawan ko na mas mabilis pa sa isang 30 seconds na patalastas ang isang relasyon kung minsan.
Nagkamali na ako kay Pete. Hindi ko na hahayaang maulit pa iyon. Not even with someone as good looking and “gifted” as Derek. Hindi naman kasi ako katulad ng iba na mangati lang, magpapakamot na. May pera akong pambili ng chamomile lotion. Kapag hindi pa rin iyon effective, ibababad ko na lang ang sarili ko sa suka hanggang mawala iyong kati.
Para sa akin kasi, sex should be between two people who are in love. Gaano man katagal o kaikli magtagal ang love na iyan, ang mahalaga, mahal niyo pa ang isa’t isa noong may mangyari sa inyo. Old fashioned nga siguro ako pero iyon kasi talaga ang paniniwala ko. Isa pa, may gusto ko munang tutukan ang trabaho ko. Natatakot din kasi akong magaya na naman sa nangyari sa amin ni Pete ang lahat.
Dalawang lingo pa ang ginugol ko sa TV at print commercial na iyon bago ko tuluyang iprinisinta sa kliyente. Tama nga ako ng hinala. Maging sila ay hindi kumportable doon sa commercial kung saan naka-bikini brief lamang sina Derek. Mabuti na lang talaga at nakaisip ako agad ng paraan noon at nagstuhan din iyon ng kliyente.
Kinagabihan ng presentation, naka-ere na agad sa mga television network sa bansa iyong ad. In short, tapos na ang trabaho. Kaya naman na ng iba na asikasuhin iyong mga natitirang paperworks.
Sakto namang magpapasko na noon kaya nagdesisyon akong umuwi na lamang muna ng Cebu para mabisita ko din sina Daddy at ang bago niyang pamilya.
Eleven pa lamang ako ng mamatay si Mama dahil sa kumplikasyon na dulot ng ovarian cancer. Pagkatapos ng dalawang taon, nakilala ni Daddy si Tita Mindy at nagdesisyon agad na magpakasal. Wala naman akong reklamo doon dahil mabait naman si Tita Mindy. Kung tutuusin, mas close pa kaming dalawa kesa kay Daddy. Si Tita Mindy din ang unang nakaalam ng preferences ko at siya pa ang tumulong sa akin na magsabi kay Daddy.
Tulad ng inaasahan namin, halos magwala si Daddy noon. Ilang araw din siyang naglasing kasabay ng paulit-ulit niyang panunumbat sa akin na ako na nga lang daw ang natitirang ala-ala ni Mama, bakla pa ako. Ewan ko kung sino sa aming dalawa ni Tita Mindy ang mas nasaktan noong mga panahong iyon.
Kitang-kita naman kasi na mahal na mahal pa ni Daddy si Mama. Akala ko nga noon, maghihiwalay na sila Daddy at Tita Mindy ng tuluyan ng dahil lang sa pagkampi ni Tita Mindy sa akin. Mabuti na nga lang at hindi nagtagal ay nalaman namin na buntis si Tita Mindy. Dahil doon, may naging maluwag sa akin si Daddy. Nasaktan ako noong una pero ipinagpasalamat ko na lang na hindi na niya ako tinitignan na parang isang may ketong.
Ang nakakatuwa pa, kahit na lumaking bratinela ang kapatid kong si Michelle, siya ang naging pangunahin kong tagapagtanggol kay Daddy. Kaya nga kahit alam kong gagawin lang nila ako ni Tita Mindy na aliping sagigilid sa paghahanda para sa pasko ay taon-taon akong excited na umuwi. Lalo na at magbibirthday din sa mismong araw ng pasko ang bunso naming si Erik.
Isang araw bago ang flight ko ay nagpunta muna ako ng PGH para bisitahin ang cancer ward doon. Naging taunan ko na kasing gawain iyon simula noong mamatay si Mama. Dati ay sinasamahan pa ako nina Daddy at Tita Mindy pero simula nang lumipat na sila ng tuluyan sa Cebu kung nasaan ang pamilya ni Tita Mindy ay madalas na ako na lang. Kapag tinotopak si Michelle ay lumuluwas silang dalawa ni Erik kasama ang yaya nila para sunduin ako kaya naisasama ko sila doon.
Pagdating ko ng PGH ay agad akong sinalubong ng mga nurse na nandoon. Kilala na din naman kasi nila ako. Katulad ng nakasanayan, may dala akong mga regalo. Karamihan doon ay mga simpleng laruan para sa mga bata at kung anu-ano lang para sa mga may edad ng konti at para na din sa mga bantay nila.
Natuwa pa ako nang madatnan kong may kumakanta sa may hallway ng ward. Nakatalikod ang lalaki kaya hindi ko makita ang mukha niya. Minsan kasi, nakakataba dn ng puso iyong makitang hindi lang ikaw ang may ginagawa para sa ibang tao.
Nasa kalagitnaan na ng pagkanta ang lalaki ng awiting Raindow ng South Boarder ng dumating kami. A capella lamang iyon pero sinasabayan siya ng pagpalakpak ng mga nandoon.
Life’s full of challenges
Not all the time we get what we want
But don’t despair my dear
We’ll take each trial
And we’ll make it through the storm ‘cause we’re strong
My faith in you is clear
So I’ll say once again this life’s beautiful
Let us celebrate life, it’s so beautiful, so beautiful

Kahit medyo sintusintunado ang pagkakanta noong lalaki ay tuwang-tuwa pa rin ang mga taong nakikinig. May ilan pa talagang sumasabay sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at bigla akong sumabay sa pagkanta.
Take a little time, baby
See the butterfly’s colors
Listen to the birds that was sent to sing for me and you
Can you hear me
This is such a wonderful place to be

Napalingon sa akin ang lalaki at muntik na akong matulala nang makitang si Derek iyon. Ngiting-ngiting ipinagpatuloy lang niya ang pagkanta. Itinuloy ko na din lamang. Alangan namang tumigil ako bigla eh nasimulan ko na din lang naman ang makisawsaw.

Even if there is pain now
Everything will be alright
For as long as the world still turns
There will be night and day
Can you feel me
There’s a raindbow always after the rain

Pinalakpakan pa kami ng mga tao na nandoon pagkatapos naming kumanta. Agad akong nilapitan ni Derek at saka kunwaring sinuntok sa tiyan.
“Pasikat!” Buska niya sa akin.
“Sintunado ka lang talaga!” Sagot ko lang din na tinawanan lang niya.
Nang makita niya ang mga dala-dala ko ay tinulungan na niya akong mag-distribute sa mga nandoon. Hindi din naman kami nagtagal doon dahil kailangan ding magpahinga ng mga pasyente. Sabay na kaming lumabas ng ospital at imbes na umuwi ay sa isang kainan na malapit doon kami napunta.
“Dito ako madalas kumakain noon kapag nandito si Mama.” Kwento ko sa kanya ng wala sa oras habang palinga-linga sa paligid.
Halos wala pa rin kasing nagbago sa kainan na iyon. Napangiti ako ng wala sa oras ng makita ang isang laruang kabayo sa isang gilid. Halatang luma na iyon pero mukhang gumagana pa rin. Iyon bang tipong parang tumba-tumba pero hugis kabayo. Bigla ay may naalala ako ng wala sa oras.
“Nakikita mo iyon?” Sabi ko sa kanya sabay turo sa laruang kabayo. “Nandito na iyan noong bata pa ako. May kaagaw nga ako dati diyan eh. Cancer patient din yata iyon at lagi niya akong inaaway. Ako naman, dahil bait-baitan, basta nakikita ko na siya, hinahayaan ko na sa kanya iyong kabayo kahit na inggit na inggit ako. Tapos, kahit na lagi niya akong tinitignan ng masama noon, nginingitian ko pa rin siya.”
“Ang sabihin mo, bata ka pa lang, malandi ka na.” Buska lang sa akin ni Derek.
“At sa iyo pa talaga nanggaling?” Balik buska ko naman sa kanya.
“It takes one to know one.” Sabi niya na may kasama pang pagtaas-taas ng kilay.
Muling bumalik ang tingin ko sa laruang kabayo. Pilit kong iniisip ang itsura noong batang iyon sabay na din ng pagtatanong kung kumusta na kaya siya.
“Mahilig ka pala sa kabayo.” May malisyang komento ni Derek kaya napabalik sa kanya ang tingin ko.
“Alam mo, bastos ka din.” Sabi ko na lang. Tinawanan lang ako ng kumag. Muling dumako ang tingin ko sa laruang kabayo.
“You really miss your mom, don’t you?” Bigla niyang tanong sa akin. Ngumiti lang ako at hindi na sumagot pa.
Pagkatapos kumain ay naghiwalay na din kami pero hindi niya ako tinigilan hanggang sa hindi niya nakukuha ang personal number ko. Hindi ko na rin naman iyon ipinagdamot lalo pa nga sa loob ng mahigit tatlong oras na magkasama kami, madami kaming napagkasunduan. Kung hindi ko nga lang kailangang bumalik ng opisina ay baka pumayag pa akong manood ng sine.
Ilang beses pa kaming nagkita noong linggong iyon. Kakain lang sa labas o manonood ng sine o tumambay lang kahit saan. Mahirap naman kasing pahindian ang isang taong hindi tumitigil sa pagtawag hanggat hindi ka umoo. Nasabi ko na din sa kanya ang desisyon kong umuwi sandali ng Cebu. Wala naman siyang sinabi tungkol doon. Hindi ko din naman siya niyaya. Siyempre, magpapasko. Malamang sa hindi, pamilya niya ang kasama niya. Isa pa, wala kaming relasyon.
Maaga akong nagpunta ng airport para sa aking flight. Nasa may departure area na ako ng makatanggap ako ng text mula kay Derek na nagtatanong kung nasaan na daw ba ako. Nang sabihin kong nasa airport na ako, hindi na siya sumagot. Mga isang oras pa siguro ang hinintay ko bago kami pinasakay.
Papalabas na ako ng Mactan Airport ng maramdaman kong may kumalabit sa akin. Napanganga na lang ako ng makitang si Derek iyon. Lagi na lang na ganoon ang reaksiyon ko kapag sinusurpresa niya ako. Ang panget tuloy tignan. Parang may ibang ibig sabihin lang.
“Are you stalking me?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
“Obvious ba?” Natatawa lang niyang sagot sa akin. Ang tarantado, hindi man lang talaga itinanggi. Kinilig tuloy ako ng wala sa oras.
“Iisang eroplano ang sinakyan natin?” Tanong ko ulit sa kanya. Tango lang ang isinagot niya.
Hinampas ko pa ang balikat niya bago ako ulit nagsalita. “Bakit hindi mo sinabi?”
“Ayoko nga! Ihulog mo pa ako mula sa eroplano.” Parang batang sagot lang niya.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko ulit sa kanya.
“Naghihintay ng taxi?” Pamimilosopo pa niya. Siniko ko siya ng mahina. Nag-make face lang siya sa akin.
“Umayos ka ng ng sagot!” Pinanlakihan ko pa siya ng mata habang sinasabi iyon.
“Malamang magbabakasyon. Bakit? Ikaw lang ba ang may pambili ng plane ticket? Ikaw lang ba ang may pera? Ikaw lang? Ikaw lang?” Papilosopo pa rin niyang sagot.
“Sapak, gusto mo?”
“Ayaw ko nga. Kiss, pwede pa. Pwede din iyong, alam mo na, loving-loving, ganun!” Aniya na may kasama pang kindat. Siniko ko siya ulit, mas malakas ng kaunti sa nauna. Hindi man lang naapektuhan ang mokong. Nagpa-cute lang siya lalo. Napapatingin tuloy sa amin iyong ibang nandoon.
“Mag-isa mo lang?” Tanong ko sa kanya.
“Kung sasabihin ko bang oo, sasamahan mo ako?” Balik tanong niya sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako.
“Hindi talaga kita makakausap ng matino ano?” Muli na naman niya akong nginitian.
“Susunod sina Mama next week. Dito na sila didiretso pagkagaling ng L.A. para makapamanhikan na kami sa inyo.” Sabi lang niya. I just rolled my eyes. Medyo nasasanay na din naman kasi ako sa mga palipad hangin niya. Ikaw ba naman kasi ang purgahin niya sa tuwing magkikita kayo.
Wala na akong nagawa nang sumama siya hanggang sa bahay. Halos matulili ako sa tili ng kapatid kong si Michelle dahil buong akala niya, iyon talagang Louis ng One Direction ang dumating. Tawa lang ako ng tawa ng makita ko ang disappointment sa mukha ni Michelle nang malamang hindi marunong kumanta si Derek. Pero mukha namang agad din itong nakabawi dahil maya-maya lang ay halos hindi na nito tinigilan sa katatanong si Derek. Maging si Erik ay mukhang interesado din lalo na ng malaman ng mga ito na nagmomodelo si Derek.
“Boyfriend mo?” Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong baso ng juice sa biglang pagtatanong sa akin ni Daddy. Hindi ko alam kung matatawa ako sa tanong o maiilang.
“Hindi pa po niya ako sinasagot,” Walang gatol na sagot ni Derek na nakikinig pala. Napanganga na naman ako ng wala sa oras habang nananalangin na isipin sana ni Daddy na nagbibiro lamang ito. Maging si Tita Mindy at si Erik ay mukhang hindi alam kung ano ang magiging reaksiyon. Si Michelle lang ang mukhang ewan na biglang nagtititili na akala mo ay kung sinong kinikilig sabay yakap kay Derek.
“Welcome to the family!” Sabi pa niya. Ngani-ngani ko nang batuhin ng baso si Michelle. Ngiting-ngiti lang naman si Derek na nakatingin sa akin. Mukhang proud pa talaga ang mokong.
Alanganin akong napatingin kay Daddy na kunot na kunot ang noo habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Derek. Maya-maya pa ay nagkibit-balikat ito at saka ako tinignan.
“You could do worse.” Sabi lang ni Daddy saka nagpunta ng kusina na parang walang nangyari. Nakanganga pa rin akong napatingin kay Tita Mindy na katulad ko ay hindi makapaniwala.
“Did he just---” Ni hindi ko na kailangan pang tapusin ang sasabihin ko dahil parang teenager na tumili din si Tita Mindy sabay yakap sa akin ng mahigpit. Isa lang kasi ang ibig sabihin noon, tanggap na din ako sa wakas ni Daddy.
“You just got approved by our dad. Not bad, boyband. Not bad.” Natatawang sabi ni Erik kay Derek. Akala mo naman ay kung sinong nanalo ng lotto si Derek. Nag-high five pa talaga sila ni Erik bago niya ako tinignan ulit sabay kindat.
“At dahil diyan, wala kang choice! Kailangan mo na akong sagutin!” Ngiting-ngiti pa niyang sabi. Inirapan ko lang siya.
“Kaloka ka kuya! Ikaw pa talaga ang may ganang umirap? Ayaw mo pa?” Banat sa akin ni Michelle. Pinandilatan ko lang ang bruhita kong kapatid.
Kinagabihan, nadatnan ko sa may veranda ng bahay si Derek, may kausap sa telepono. Lumabas kasi ako para bumili ng sigarilyo pagkatapos naming magdinner at hindi naman na nangulit na sumama si Derek.
Hindi ko naman sinasadyang marinig ang sinasabi niya pero malinaw na malinaw sa akin ang mga iyon.
“I found him, mom. I finally found him. Akala ko hindi na mangyayari…” Aniya sa kausap niya sa telepono. Biglang dumagundong ang dibdib ko ng wala sa oras.
“I’m okay.  Ako pa? Don’t worry too much. I love you, mom. Say hi to dad for me.” Aniya bago tuluyang nagpaalam sa kanyang kausap.
“Close kayo ng mama mo?” Tanong ko sa kanya habang papalapit sa kanya. Napalingon siya sa akin saka ngumiti.
“Yeah,” aniya. “Is that a plus pogi points or minus pogi points sa iyo?”
“Umaarya ka na naman eh!” Kunwari ay kastigo ko sa kanya. Tumawa lamang siya. Mga ilang minuto ding walang umimik sa aming dalawa. Tipong nagpapakiramdaman lang.
“Do you believe in fate?” Bigla niyang tanong sa akin kapagdaka.
Tinignan ko siya ng masama sa pag-aakalang babanat na naman siya. Hindi ko inaasahan na sasalubungin niya ang tingin ko ng sobrang seryoso.
“Ewan. Hindi ko alam.” Sagot ko na lang. Iyon din naman kasi ang totoo.
“Ako, naniniwala ako. At kung ang mga nangyayari ang pagbabasehan ko, masasabi kong hindi ako nagkamaling maniwala.” Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at pisil doon. Hindi ko na lang siya pinigilan.
“Hindi man halata pero seryoso ako sa iyo, Matt. Siguro, sa iyo, mukha lang akong nagbibiro, but I’m not.” Seryoso niyang sabi sa akin. Nag-iwas na lang ako ng tingin.
“Alam kong hindi ka pa handa at willing naman akong maghintay pero baka pwede namang huwag mong masyadong patagalin.” Dagdag pa niya na ikinakunot ng noo ko.
“Ikaw lang naman ang nagko-confess na demanding. Ano to thesis? May deadline?” Sabi ko sa kanya pero mukhang ako lang ang natawa sa sarili kong hirit.
“I just want to be able to call you mine as soon as I can.” Aniya. “Can you at least try?”
Tinitigan ko lang siya habang tinitimbang ko kung ano ang nararamdaman ko. Ang kaso, magulo pa rin. Iyon bang tipong gusto mo pero ayaw mo din at the same time.
“Bakit pakiramdam ko, nakilala na kita, noon pa?” Tanong ko sa kanya bilang pag-iwas sa tanong niyang iyon. Hindi ko din naman kasi alam ang isasagot kaya kung ano na lang ang unang pumasok sa isip ko, iyon na lang din iyon.
“Hindi naman halatang iniiwasan mong sagutin iyong tanong ko?” Aniya na may kasamang bahaw na tawa.
“I love you Matt, sa maniwala ka at sa hindi. Kung alam mo lang kung ilang beses kong ipinagdasal ang ganito, na makasama kita. I’d give everything just to be close to you.”
“Huwag mong sabihin iyan,” Mahinahong sabi ko kahit na tagustagusanna ang dagundong ng dibdib ko.
“You don’t know me, Derek. I’m too damaged and broken. Not just because of what happened between me and Pete but because this is just how I am.”
“Everyone is a little broken inside. Kung ako lang, hahayaan kong ganyan ka na. I don’t see you as someone who is damaged anyway. Pero kung iyon lang ang paraan para mabigyan mo ako ng tiyansa, I’ll do my best to fix you if you’ll let me.” Sinsero niyang sabi.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin at bigla ko na lang siyang kinabig para halikan. Hindi naman siya umangal. Sinubukan lang niya!
“This doesn’t mean anything,” Pabulong kong sabi sa kanya pagkatapos. Kinintalan lang niya ako ng halik bilang sagot.
Nang mga sumunod na araw, daig pa namin ang dalawang teenager na nagliligawan. Nakakatuwa nga dahil kulang na lang ay sa bahay siya tumira sa dalas niya doon. Nasayang lang tuloy ang pagrenta niya sa hotel. Nahihiya naman daw siyang makipisan na lang sa amin lalo na nga at paparating din naman ang mga magulang niya.
Kinatiyawan pa siya ni Daddy na kailangan daw muna niyang magpatayo ng bahay bago niya ako papayagang sagutin si Derek. Ang hayop, pumayag naman.
Kung meron mang kilig na kilig ay si Tita Mindy at si Michelle iyon. Si Erik ay nakikitawa na lang.
Saktong isang linggo namin sa Cebu nang dumating ang Mama at Papa ni Derek. Medyo nahiya pa ako noong una dahil literal na “nililigawan” ang pakilala niya sa akin. Medyo nagtaka pa ako na mukhang tanggap na tanggap lang nila ang lahat.
Dahil kahit papaano ay pamilyar na din naman ako sa Cebu, ako na ang nagprisinta na maging tour guide nilang tatlo. Iyon nga lamang at pagkatapos ng tatlong araw ay kinailangan nang bumalik ng mga magulang ni Derek sa Maynila dahil bibisitahin din daw ng mga ito ang iba nilang kamag-anak. Sumama na din si Derek sa kanila. Nanibago tuloy ako sa loob ng natitira pang araw ng aking bakasyon dahil walang nangungulit sa akin.
Nang matapos ang bakasyon ko, diretso ako agad sa trabaho. Akala ko nga hindi ko na makikita si Derek pero inaraw-araw din niya ang pagdalaw sa akin. Sinabihan ko na nga siya na baka gusto niyang magtrabaho pero ang sabi lang niya sa akin, mayaman na daw siya. Hindi na lang ako kumontra. Ako pa ba ang magrereklamo eh ako na ang binibisita araw-araw.
Maging sa opisina ay alam na din ang ginagawang panunuyo sa akin ni Derek. Sa hindi ko din malamang kadahilanan, bigla ding dumalas ang pagdalaw sa akin ni Pete. Ayaw ko namang mag-isip ng iba lalo pa nga at alam kong sila pa rin ni Alfred pero hindi ko maiwasang maalangan.
Magdadalawang buwan na kaming nagde-date ni Derek nang madatnan namin si Pete sa isang bar isang gabi. Mukhang lasing na lasing na ito at pagkakita sa amin, agad niyang sinugod si Derek ng suntok. Ang kaso, lasing, kaya ayun, walang tinamaan. Tinawanan tuloy ito ng mga tao doon na lalo niyang ikinagalit.
“Siya ba ang ipinalit mo sa akin? Ang baba naman ng standards mo!” Biglang ako naman ang pinag-initan ni Pete. Hindi ako agad nakaimik sa sinabi niya. Kating-kati talaga akong barahin siya pero naunahan ako ni Derek.
“Lasing ka lang, pare.” Saway niya dito.
“Huwag ka ngang nakikialam dahil substitute ka lang!” Bulyaw ni Pete sa kanya. Kung pinatulan siguro ni Derek si Pete ng mga oras na iyon, baka hindi ko siya pinigilan. Nakakairita eh.
“I’m not a substitute. I’m an upgrade. There’s a big difference.” Kumpiyansang sabi ni Derek saka nakangiting niyaya na akong umalis. Hindi naging maganda ang dating niyon kay Pete at akmang sasapakin na naman niya si Derek nang unahan ko siyang bigwasan.
“Ako lang ang pwedeng manakit diyan.” Sabi ko kay Pete. “Ano ba kasing problema mo?”
“I made a mistake, Matt! Akala ko kaya kong wala ka. Please, give me another chance.” Sagot niya sa akin, halos nagmamakaawa ang boses. Gusto ko siyang kaawaan pero naunahan ako ng inis.
“Your mistake, your responsibility, your burden to carry.” Matigas kong sabi. “Siguro naman eh napagbayaran ko na ang pagkakamali ko noong pinatulan kita, quoting-quota pa. I just got fixed. And that’s no thanks to you. And honestly, hindi ko pa rin alam kung bakit ako nagpakalunod sa isang taong kasing babaw mo.”
Hindi ko na siya hinayaan pang makasagot. Niyaya ko na si Derek na lumabas. Dahil nawala na din lang naman ako sa mood na uminom, naglakad-lakad na lamang kami. Maya-maya ay biglang hinawakan ni Derek ang braso ko para pigilan sa paglalakad. Nagkatinginan kami at sabay na napatawa ng malakas. Napapalingon tuloy sa amin ang mga dumadaan.
“What exactly just happened?” Tanong ko sa kanya sa pagitan ng mga tawa.
Sa hindi ko malamang dahilan, bigla akong napaiyak ng wala sa oras. Pakiramdam ko kasi, noon lang ako nakawala sa lahat nang nangyari sa amin ni Pete. We never did have any closure at iyon din lang siguro ang hinihintay ko.
Kinabig lamang ako ni Derek at saka niyakap ng mahigpit. Hinayaan lang niya akong umiyak ng umiyak.
“Bakit feeling ko, ngayon mo lang iiyakan ang lahat?” Halos pabulong na tanong ni Derek sa akin habang para kaming ewan na magkayakap sa gitna ng daan.
“Dahil ngayon ko pa lang kayang iyakan…” Sagot ko sa kanya. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. At sa dinami-dami nang pwedeng mangyari, bigla kong narinig ang tunog ng fireworks. Epic di ba?
Sabay pa kaming napatingin ni Derek sa langit. Nakakatawa lang na habang may mga taong nagsasaya, meron ding nasa isang sulok sa kung saan na nasasaktan at umiiyak. Hindi na ako nagtaka nang bigla kong naisip si Alfred. Totoo na tinarantado niya ako at sinaktan ng sobra. Pero kung titignan mong maigi, he doesn’t deserve what Pete is doing. None of us deserves any of it.
Muli akong niyakap ni Derek na para bang wala talaga siyang pakialam sa mga taong nakatingin. Nang mga oras na iyon, wala na din akong pakialam.
Kinabukasan, muli akong sinundo ni Derek sa opisina. Kagagaling daw lang niya ng shoot ng isa na namang commercial para naman sa isang clothing line. Ni hindi na niya tinanggal ang ginawang ayos sa kanya. Nagmukha tuloy siyang mas matandang version ni Louis Tomlinson. Mas lalaki, at mas mature. Kaso, ayun, ugaling bata pa rin. May dala pa siyang cupcakes para sa mga kasamahan ko sa opisina.
Saktong palabas na kami ng building ng bigla akong hilahin ni Alfred na hindi man lang namin napansin na nakalapit na pala. Umiiyak siya at galit na galit. Sakto pang papasok din si Pete.
Nararamdaman ko na na mag-e-eskandalo si Alfred sa itsura pa lang niya. Hindi pa man nagsisimula ay nahihiya na ako sa pwedeng mangyari. Kaso, bago pa man siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Derek.
“You hurt him and I’ll swear to God that I’ll kill you right here and now.” Malamig niyang sabi kay Alfred, halata ang pagbabanta. Maging ako ay nagulat sa galit na nakita ko sa mga mata niya.
“Derek…”
“No, Matt. Not this time. Never again.” Sabi niya sa akin bago niya muling hinarap si Alfred. “Don’t drag him down just because your life is miserable. You and your sorry excuse of a partner have done enough damage. I swear to God that I am going to kill your with my bare hands if you ever hurt Matt again in any way.”
Hindi ako makapaniwala sa galit na nakikita ko kay Derek. Ito iyong tao na walang ginawa kundi patawanin ako. Iyong tao na walang ginawa sa halos araw-araw na pagsasama namin kundi ang mangulit at tumawa.
He was so angry that it was almost scared me. Noon ko lang siya nakitang galit at kahit pa sabihing para sa akin ang ginagawa niya ay nakaramdam ako ng konting pag-aalangan. I actually believed what he just said. At sa pagkakakilala ko kay Alfred, hindi makakapigil sa kanya ang sinabi ni Derek. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nagkataon.
Mabuti na lang at agad na nilapitan ni Pete si Alfred at iginiya palayo. Pareho pa silang palingon-lingon sa amin ni Derek. Masama pa rin ang pagkakatingin ni Derek sa dalawa.
“You have shitty taste when it comes to the people you date and the people you befriend.” Inis niyang bulalas. Saka lamang ako nakahinga ng maluwag ng makaalis na ng tuluyan sina Pete. Ewan, bigla akong natawa lalo na nang mapag-isipan ko ang kasasabi lang ni Derek. Tinignan ko pa talaga siya na nakataas ang kilay.
“What’s so funny?” Inis pa rin niyang tanong sa akin.
“Wait for it.” Sabi ko na sinundan ng isang nakakalokong tawa. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya. Ilang segundo pa na nakakunot ang noo niya bago niya naintindihan ang ibig kong sabihin. Biglang namula ang buong mukha niya.
“You did not just line me up with those two!” Angal niya.
“I didn’t but you did, moron. Sayo kaya nanggaling.” Sabi ko na tawa ng tawa. Para siyang bata na nag-pout.
“I hate you.” Sabi pa niya pero halata namang hindi seryoso.
“Well, I love you too.” Sabi ko bago ko pa napag-isipan ang naibulalas ko. Nanlalaki ang matang napanganga lang siya sa harapan ko, hindi makapaniwala. Talagang tinungangaan lang niya ako. Kung hindi ko pa hinawakan ang baba niya ay hindi pa niya isasara ang bunganga niya.
“Pwede mong ulitin?” Aniya maya-maya, kita ang kislap sa mga mata niya.
“Ayoko nga. Ano ka sinuswerte!” Sagot ko sa kanya saka nagsimulang maglakad papunta sa entrance ng building. Ilang segundo ding nakasunod lang siya ng tingin sa akin bago niya ako patakbong sinundan.
“Oh no you don’t. Hindi ka makakatakas sa akin!” Ngiting-ngiti niyang sabi nang maabutan niya ako. Iniharang pa niya ang katawan niya sa may pintuan para hindi ako makalabas.
“Hindi ka makakalabas hanggang hindi mo inuulit!” Aniya.
“Tadyakan kita diyan? Gusto mo?” Kunwari ay inis kong sabi.
“Ah basta! Wala akong pakialam kung mas mahaba pa sa MRT ang maghihintay na makalabas at makapasok dito. Walang lalabas o papasok hanggat hindi mo inuulit.” Malakas niyang sabi. Naiiling na napapatingin lang sa amin ang guard.
“Hoy! Umayos ka! Ano to, blackmail?”
“Kahit anong sabihin mo, hindi ako aalis dito hanggat hindi mo inuulit!” Parang bata niyang sabi. Literal na hinawakan pa niya ang dalawang pintuan para wala talagang makalabas o makapasok.
“Bahala ka. Mag-o-overtime na lang ako.” Sabi ko saka ko siya tinalikuran at tumatawang bumalik ako sa may elevator.
“Ang daya mo!” Sigaw pa niya pahabol sa akin.
“Pasalamat ka at mahal na mahal kita!” Dagdag pa niya na naging dahilan ng pangangantiyaw nang mga nakarinig. Muli ko siyang hinarap.
“Boss sagutin mo na at uwing-uwi na ako!” Narinig ko pang sabi ng isa. Natawa na lang ako at tinignan muna si Derek. Ngiting-ngiti siyang nakatayo pa rin sa may pintuan. Nag-iisip ako ng magandang sasabihin ng maalala ko ang linya niya noong una kaming nagkita sa bar. Napangiti na din ako.
“Naniniwala ka ba sa forever?” Tanong ko sa kanya na naging dahilan na naman ng kantiyawan. Sakto namang bumukas ang elevator at iniluwa doon si Andrea habang nagsasalita ako.
“Hoy! Ang babaduy ninyo! Kung gusto niyo ng forever, umakyat kayo ng La Preza! Mga letse! Magbe-break din kayo!” Pambabara sa akin ng balahura kong kaibigan. Tawa tuloy ng tawa ang mga tao sa lobby.
“Kailangan talaga, kasali ka sa eksena?” Natatawa kong sabi kay Andrea. Ngiting-ngiti si Derek na nilapitan kaming dalawa.
“Munga! Kapag ganitong moment, dapat may documentation!” Natatawa din lang na sagot sa akin ni Andrea.
“If that’s the case, then document this.” Sabi ni Derek sabay kabig sa akin at siil ng halik. Ni hindi ko na masyadong inintindi ang naririnig kong sunod-sunod na tunog ng flash ng camera.
Ilang lingo din na naging usap-usapan kami ni Derek sa opisina. Lalong-lalo na nang inalihan ng kagaguhan ang buong creative team at pinagawan ng tarpaulin ang mga larawang kinuhanan ni Andrea sa amin. Kung hindi pa ako nagmakaawang tanggalin nila iyon ay hindi pa talaga nila tatanggalin sa opisina. Nakakailang din lang kasi dahil nagmukha kaming poster ng isang gay pride parade. Literal kasi na nilagyan pa nila ng rainbow iyong tarpaulin.
Aaminin ko, pagkatapos nang nangyari sa amin ni Pete, akala ko hindi ko na mahahanapan ang ganoong saya. Hindi naman kasi ganoon kadaling maghanap nang magmamahal sa iyo, lalo na sa isang katulad ko.
Sa tuwing magkasama kami ni Derek, pasimple kong kinukurot ang sarili ko para siguraduhing hindi ako nananaginip. Ang hindi ko alam, napansin pala ni niya iyon.
“Stop that! You’re not dreaming!” Tawa ng tawang saway niya sa akin minsan.
Sinimangutan ko lang siya saka pasimple pa ring kinurot ang sarili ko. Masakit. Hindi nga ako nananaginip. Medyo weird pero naging routine ko iyon sa tuwing magkasama kami.
Siguro nga ay ganun talaga kapag masaya ka, hindi mo namamalayan na tumatakbo ang oras. Ni hindi ko namalayan na magpapasko na naman pala at ilang buwan na din kaming magkasintahan ni Derek.
Nagdesisyon kaming huwag na lang munang magsama sa iisang bubong pero parang ganoon din naman ang sitwasyon dahil kung wala siya sa bahay ko, ako naman ang nasa condo unit niya. Iyon nga lang at nagsunod-sunod ang projects na hawak ko at ganoon din naman siya kaya nitong mga huling linggo ay hindi kami nagkikita ng madalas.
Iyon nga at may usapan kami ni Derek na mamimili ng ipamimigay sa cancer ward sa PGH pero tumawag siya na hindi daw siya makaalis sa shoot. Biniro ko pa siya na nanlalaki lang siya pero tinawanan lang niya ako.
Hindi ko din naman masyadong inisip iyon dahil malaki ang tiwala ko sa kanya. Siguro, sa ibang tao, mahirap paniwalaan iyon pero iba ang tiwalang ibinibigay ko kay Derek. Ganoon din naman kasi siya sa akin. Kaya nga kahit ganoon na mag-iisang linggo na kaming halos hindi nagkikita ay hindi ako nag-aalala. Nagtatawagan naman kasi kami kapag gabi at natataong wala sa amin ang pwedeng bumisita.
Patapos na akong mamili nang makatanggap ako ng tawag mula sa isang international number sa cellphone ko. Kunot noo kong sinagot iyon.
“Matt?” Anang boses ng mama ni Derek. Nakilala ko na agad iyon dahil madalas din kaming mag-usap simula pa noong magkita kami sa Cebu.
“Yes, Tita? Madaling araw pa lang diyan ah. Napatawag kayo?” Tanong ko.
“Oh my God, he really didn’t tell you...” Aniya na sinundan ng hagulgol. Bigla akong kinabahan lalo na ng hindi siya agad tumigil sa pag-iyak.
“He made me promise… I’m so sorry…” Aniya sa pagitan ng mga hagulgol. Narinig ko na lang na kinukuha ng papa ni Derek ang telepono.
“Matt?” Bungad niya. Halos hindi ako makapagsalita.
“Y-yes tito…”
“He’s in PGH. Please take care of him. We’re still trying to get a flight.” Ani tito na halatang pinapakalma lang ang boses.
“Yes tito…” Iyon lang ang nasabi ko. May mga sinabi pa siyang mga bilin pero halos wala na akong naintindihan.
Para akong zombie na naglakad papunta sa parking lot pagkatapos naming mag-usap ng papa ni Derek. Basta na din lamang inilagay sa backseat ang mga pinamili ko. Ni hindi ko na alam kung paano pa akong nakarating ng PGH ng buhay ng mga oras na iyon. Basta, nakita ko na lang ang sarili ko na ipinaparada ang kotse ko sa parking lot.
Imbes na pumasok sa loob ng ospital ay lumabas ako sa compound at pumunta sa kainan kung saan ako madalas maghintay noon kay Daddy sa tuwing nako-confine si mama. Agad kong nakita ang isang bata na nakasakay sa laruang kabayo. Hindi na ako nakapasok pa sa kainan dahil tuluyan nang bumigay ang mga luha ko.
Derek was the kid I met before. Siya iyong batang kaagaw ko sa laruang kabayong iyon. Siya iyong batang lagi akong inaaway pero nginingitian ko lang sa tuwing pinapaalis niya ako. Halos murahin ko ang sarili ko na noon ko lang na-realize ang bagay na iyon. Para akong tangang iyak lang ng iyak. Ni hindi ko na nagawang pumasok at napaupo na lang ako sa bangketa sa labas.
Nang makabawi kahit papaano, saka pa lamang ako pumasok sa ospital. Nagulat pa ako nang madatnan ko doon si Daddy, namumula ang mata niya. Walang sabi-sabing kinabig niya ako at saka niyakap ng mahigpit. Naiyak na naman tuloy ako.
“I’m sorry, Matt. I’m really sorry.” Sabi niya sa akin ng paulit-ulit. Akala ko hindi na matatapos ang pag-iyak ko ng mga oras na iyon.
Gusto kong murahin ang mundo. Gusto kong magwala. Gusto kong sunugin ang PGH ng wala sa oras. Gusto kong murahin si Derek. Gusto kong magalit sa kanya. Sa dinami-dami ng gusto kong gawin, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak.
Ni wala na akong pakialam kung sino ang nakakakita sa akin. Ni wala akong pakialam kung madumi iyong sahig na kinauupuan ko. Wala akong pakialam kung ano na ang itsura ko. Isa lang ang alam ko. Ang sakit-sakit. Ni hindi ko na kailangang kurutin ang sarili ko para lang malamang hindi ako nananaginip.
“You have to be strong, Matt. Katulad noong dati. Di ba, sabi ko sa iyo noon? Hindi ka dapat makita ng mommy mo na umiiyak. Dapat hindi ka rin makita ni Derek na umiiyak.” Parang bata akong kinakausap ni Daddy. Tango lang ako ng tango pero hindi ko pa rin talaga mapigilan ang paghagulgol.
Isang oras din siguro akong ganoon. Nang kumalma na ulit ako, saka pa lamang nasabi sa akin ni Daddy na tinawagan daw ng mga magulang ni Derek si Tita Mindy. Hindi daw kasi nila alam kung paano sasabihin sa akin lalo na nga at pinapangako sila ni Derek na huwag sabihin sa akin.
“Why am I always the last one to know?” Tanong ko kay Daddy. Nangingilid na naman ang luha ko. Hindi niya ako sinagot. Niyakap lang niya ako ulit.
Gabi na nang mahanapan ko ang lakas ng loob para pumasok sa kwarto ni Derek. Nanlambot ang tuhod ko ng makita siyang putlang-putla at kahit natutulog ay halatang nasasaktan. Nanginginig ang tuhod kong lumapit sa kanya.
Saktong pag-upo ko sa upuang nasa tabi ng kama niya, nagmulat siya ng mata. Kitang-kita ang gulat sa mukha niya. Ngumiti lang ako at hinalikan ko siya sa labi bago ako bumalik sa pagkakaupo.
“Anong ginagawa mo dito?” Naluluha niyang tanong sa akin. Nanuyo ang lalamunan ko ng wala sa oras. Pigil na pigil ko ang sarili kong mapahagulgol na naman. Hindi ako nakapagsalita. Kinuha ko lang ang kamay niya at hinalikan iyon. Kaso, kahit anong pigil ko, hindi ko na talaga napigilan ang pagdaloy ng aking mga luha.
“Please don’t cry…” Mahina niyang sabi sa akin. Hindi ko magawang tignan ang mukha niya dahil sigurado akong mapapahagulgol na ako ng tuluyan kapag nagkataon.
He shouldn’t see you cry, iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko pero hindi ko na talaga napigilan pa. Alam kong hindi dapat pero hindi ko na talaga kinaya. Umiyak lang ako ng umiyak sa tabi niya.
“Matt, please look at me.” Pakiusap niya maya-maya. Napilitan akong harapin siya at halos mabiyak ang puso ko nang makita ko ang mga luha niya. Pinilit niyang ngimiti sa akin bago siya nagsalita.
“Naniniwala ka ba sa forever?” Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya pagkatapos noon.
Tatlong araw pa ang lumipas bago nakarating ang mga magulang ni Derek. Nagsalitan lang kami ni Daddy sa pagbabantay hanggang sa dumating sila. Bumisita na din sina Tita Mindy at ang mga kapatid ko.
Ang kaso, mukhang ang pagdating lang ng mga magulang niya ang hinihintay niya. Wala pang isang araw simula ng dumating ang mga ito ay inilipat na siya sa ICU pagkatapos ng isang malalang seizure. Kinakain na daw kasi ng tuluyan ng cancer cells ang utak niya.
Halos mag-hysteria ako nang atakihin na naman siya habang nasa-ICU. Kung hindi pa ako inilabas ng mama niya mula doon ay baka pati ako, tinurukan na ng pangpakalma. Dinala niya ako sa chapel at hinayaang umiyak doon.
“Thank you.” Maya-maya ay sabi sa akin ni Tita.
“How do you do this, tita?” Tanong ko sa kanya. “Paano niyong natitiis na makita siyang ganyan? Kasi ako, hirap na hirap. Pakiramdam ko, pinapatay ako ng paunti-unti.”
Hinawakan lang niya ang kamay ko. “Seven years old pa lang siya ng ma-diagnose siya, anak. Nagpapasalamat na lang ako na umabot pa siya ng ganito katagal. And it’s because of you.”
Napalingon ako kay titan g wala sa oras.
“Dito namin siya ipinasok noong una siyang ma-diagnose. Akala namin noon, tuluyan na siyang mawawala sa amin. Then one day, he saw you crying sa labas, kasama ang papa mo. It was one of those good days na pinapayagan siyang makalabas kahit papaano. Ang sabi niya gusto niyang lumabas. Sakto naman na nakita namin kayo ng papa mo na pumunta doon sa kainan. Ang sabi niya, gusto din niyang pumunta doon. Nagulat pa nga ako ng bigla ka niyang nilapitan habang naglalaro ka doon sa may laruang kabayo at pinaalis ka niya. Pipigilan ko na sana siya noon pero nakangiti ka lang na pinagbigyan siya.”
Umiiyak na naman ako.
“He never stopped talking about you after that. Hindi ko nga maintindihan ang batang iyon dahil kapag nagkikita naman kayo doon sa kainan, lagi ka lang niyang inaaway at pinapaalis. Halos magwala pa nga siya nang sabihin naming dadalhin namin siya sa L.A. para patignan. Wala siyang sinasabing dahilan basta ayaw daw niya. Gusto din namin siyang ilipat sa Saint Luke’s pero ayaw niya. Kung hindi pa siguro nagalit ang Daddy niya ay hindi pa namin siya madadala sa L.A. para ipagamot. Kung ako lang kasi ang masusunod, pagbibigyan ko na lang lahat ng gusto niya.”
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni tita bago muling nagsalita. “We thought we found a miracle nang maging maayos ang lagay niya, enough for him to go back to school, enough for him to even go to the gym. Natawa pa ako nang sabihin niya sa akin na kailangan daw niyang maging pogi kapag nagkita kayo ulit. He didn’t even know your name then. Tapos, nalaman na lang namin na umuwi siya ng Pilipinas ng hindi nagsasabi. Nang tawagan namin siya, sabi niya lang, kailangan ka niyang hanapin. Hindi na namin siya kinontra. Even then, I already knew that he loved you. Ayaw kong paniwalaan kasi una, pareho kayong lalaki. Pangalawa, you were just kids nang una kayong magkita tapos lagi ka pa niyang inaaway. He finally had his life back and now he was wasting it looking for a stranger. Pero noong tinanong ko siya, isa lang ang sagot niya. That he fell in love with your smile even back then. At gusto daw niyang makita iyon araw-araw.”
Napayakap na ako kay tita.
“He didn’t tell us that the cancer was back. He didn’t even tell us na hindi na gumagana ang mga treatment sa kanya. He was living on his own in L.A. that time tapos basta na lamang siya umalis para hanapin ka. He told us about it when we were in Cebu. Sabi niya, ilang buwan na lang ang meron siya at gusto niyang makasama ka sa panahong iyon. Ni hindi kami makapagreklamo dahil sa unang pagkakataon, nakita namin siyang masaya ulit. Kaya iyon lang ang hiling ko sa iyo, anak. Please try to smile every time you are with him, kahit mahirap, kahit masakit.”
Tango lang ang naisagot ko kay tita kahit pa nga hindi ako sigurado na kaya kong gawin iyon.
Pagkatapos ng isang lingo ay bumuti naman kahit papaano ang pakiramdam ni Derek pero hindi pa rin siya inalis sa ICU. Sa loob lamang ng ilang araw ay ang laki na ng ibinagsak ng katawan niya. Nag-indefinite leave na ako sa kumpanya para bantayan siya. Kahit ilang beses akong sinabihan ng mga magulang niya na magpahinga ay hindi ako pumayag.
Sabihin nang selfish pero hindi ko talaga magawang malayo sa kanya ng matagal. Gusto ko, sa bawat pagkakataon na magigising siya, nandoon ako sa tabi niya.
Hindi na ako ulit umiyak kahit minsan kapag nasa tabi lang niya ako. Kahit pa nakikita ko siyang nahihirapan, pinipilit ko pa ring ngumiti para sa kanya. May mga araw na parang ang dali lang pero mayroon din iyong gusto ko nang magwala sa sobrang hirap.
Nang muli siyang atakihin ng isa na namang seizure ay hindi ko na talaga kinaya. Patakbo akong lumabas ng ICU. Hindi naman ako pinigilan ng mga magulang niya.
Kung hindi pa ako biglang hinawakan nina Pete at Alfred ay baka kung saan na ako napunta. Nasalubong ko na pala sila sa may corridor pero hindi ko man lang napansin.
“Bitiwan niyo ako, parang awa niyo na. Hindi ko na kaya.” Atungal ko kina Pete at Alfred. Hindi pa siguro ako titigil sa pagpupumiglas sa pagkakahawak nila sa akin kung hindi pa ako sinampal ni Alfred.
“You’re better than this, Matt.” Sabi niya sa akin bago ako niyakap ng pagkahigpit-higpit. Wala akong nagawa kundi umiyak na lang.
“Why did he have to fix me just to break me all over again?” Tanong ko sa dalawa habang umiiyak. Hindi nila ako sinagot. Matagal-tagal na ganoon lang kami.
Maya-maya pa ay dumating ang mama ni Derek para sabihin sa akin na stable na daw siya ulit. Sinamahan na din ako nina Pete at Alfred na tignan siya. Pati silang dalawa ay naiyak na din nang makita ang itsura ni Derek.
Pagkaalis nina Pete, si Adrea naman ang dumating. Wala siyang sinabi sa akin na kahit ano. Niyakap lang niya ako.
“I want to marry him.” Sabi ko kay Andrea. “Can you go pick us some rings?”
Tumango lang siya sa akin. Nagpaalam siyang aalis at babalik din agad. Tinupad naman niya ang pangako niya dahil bago magdilim ng araw na iyon, bumalik siya na may dalang dalawang singsing. Isa para sa akin, isa para kay Derek. Tinanong pa niya ako kung gusto ko daw bang samahan niya ako. Umiling lang ako at ngumiti bago ako pumunta sa ICU. Tinanguan lang ako ng mga magulang ni Derek na nadatnan kong nakabantay sa labas.
Saktong kapapasok ko ulit sa ICU nang magmulat siya ng mata. Ngumiti siya sa akin.
“Can you pinch me?” Sabi niya sa akin. “I just want to make sure that I am not dreaming.” Kahit na gusto ko na namang mapahagulgol ay ngumiti lang ako sa kanya at saka mabining kinurot ang braso niya. Napangiwi siya ng konti, bago muling ngumiti.
“Good. I didn’t dream about finding you.” Isang halik lang ang isinagot ko sa sinabi niyang iyon. Maya-maya pa ay pumikit ulit siya ng nakangiti. Kinabahan na ako ng mga oras na iyon. Iba kasi ang dating nang pagsasalita niya.
“Naniniwala ka ba sa forever?” Mahina kong tanong sa kanya. Muli siyang nagmulat at ngimiti sa akin. Nginitian ko din lang siya at pilit kong itinatatak ang ngiting iyon sa isip ko. Pinisil pa niya ng mahina ang kamay ko bago siya nagsalita.
“I found it in you…” Sabi niya sa akin bago muling pumikit. Tinapik ko ulit ang kamay niya para pilitin siyang magmulat. Tinignan lang niya ako habang inilalabas ko ang dalawang singsing mula sa aking bulsa.
Kinuha ko ang kamay niya at saka dahan-dahang isinuot doon ang isa sa mga singsing.
“I, Matthew Garcia, take you, Derek Fuentabilla, as my life partner, in sickness and in health, for richer or for poorer, till death do we part.” Nginitian lang niya ako sabay lahad ng isa niyang kamay para abutin iyong isa pang singsing. Iniabot ko sa kanya iyon. Kahit hirap ay pinilit niyang isuot sa akin ang singsing.
“I, Derek Fuentabilla, take you, Matthew Garcia, as my life partner, in sicjness and in health, for richer or for poorer and not even death will tear us apart.” Sabi niya na halos pabulong at habol ang kanyang hininga. Hinalikan ko siya ng marahan saka ko siya nginitian.
“Please tell me I’m not dreaming…” Sabi niya kapagdaka. Imbes na sumagot, mabini ko lang siyang kinurot sa braso. Ngumiti siya sa akin.
“Good. Sabi ko sa iyo eh, maniniwala ka din sa forever…” And that was the last thing he ever said to me.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This