Pages

Sunday, November 1, 2015

Davao Love (Part 1)

By: Sed

May mga  bagay talaga na sa simula palang alam mong hindi para sayo pero kahit ganun handa kang gawin ang lahat mapasayo lang ito....o kahit man lang mahawakan mo kahit saglit lang.
Ako pala si Sed, from Davao City, 24 years old na ngayon. Ang kwenot kong ito ay totoong naganap nong 16 y/o pa ako. Since I was a kid, I knew something strange sa pagkatao ko. Lumaki ako na si mama lang ang nakikita kaya siguro babae ang tingin ko sa sarili ko. I knew more about ladies' stuffs than any toygun, robot, toycar my dad bought. Hindi ako close kay daddy dahil siguro matapang ang dating nya, boss kasi sya sa isang banana plantation, hindi kami ang may ari pero sya ang nagpapalakad neto. I was sent away from home para mag aral ng highschool sa isang pribadong eskwelahan. 1st year okay naman ang buhay ko may kakilala na kasi ako kaya di ganun kahirap mag adjust, hindi ako yung typical na gay na bihis-babae araw2 though malambot ang kilos ko. Focus lang ako sa pag.aaral gift ko na rin nila mama and daddy for their sacrifices. Hindi ko naman sila binigo, from 1st year to 3rd year kase ako yung parating top 1 and best sa lahat maliban sa math, ayaw ko talaga ng numbers eh. Nagbago lang yung buhay ko pag dating ng 4th year. Ibang level na kasi, lahat naging seryoso yung mga classmates ko dati na with honors lang, lumalaban na rin makapasok lang sa top 5. Ako naman, laban lang. Ang daming extra curricular. President ng section namin, president ng student supreme council, editor-in-chief ng school magazine, president ng communication club at history club, pagod at the end of the day pero kinaya ko. Thanks to my ever supportive barkada. Kahit naman medyo school-person ako, may night out at gala mode naman ako paminsan minsan. I have 3 true friends na babae, si Amy na pinaka maingay samin pero pinaka honest, si Remi ang pinaka relihiyosa sa amin at sya din ang pinaka "gahot" (visayan term ng hardworking), at si Jona well sya lang man ang pinaka mahinhin sa amin at shes second to me. Sya ang asso.editor in chief ko sya din ang vice president ko sa supreme. Yeah proud ako na ang barkada ko ay magagaling. Si amy at remi ay pasok parati sa top 10, kami naman ni jona ay sa top 5.. December nun 4th yr highschool kami may program sa school na kailangan namin magturo sa lower years for 1 week. Si Patrick ay nakilala ko ng lubusan sa panahon na yun, member sya dati ng history club pero lumipat sa music club pero hindi oa kami close nun. Feel ko nahuhulog ako sa kanya that time kasi iba yung tingin nya saken (feeling girl hahaha), iba talaga may time na sinasabayn nya ako kumain sa canteen at sya pa yung nanglilibre. 3rd yr sya nun, til one night nag text sya so common chain of msgs lang ang ganap pero he's really on my mind na that time. Isang hapon nun, hinintay nya ako sa labas ng supreme assembly room. From meeting with the officers,
nagulat ako nung nakita ko sya sa labas. Butterflies in my tummy ang naramdaman ko nun, nag smile sya at niyaya akong mag dinner sa cafeteria sagot daw niya kasi may laman pa ang ticket meal. Nag usap kami about anything under the sun until he opened the topic of relationship. He shared about his feelings to a certain girl na matagal na nyang gusto pero di nya magawang lapitan kasi nahihiya sya, sikat kasi raw ang girl ang school namin. Samantalang sya ay ordinary student lang na okay na ang 75. Gwapo naman si Patrick pero sadyang mahiyain lang talaga sya kaya hindi sya masyadong pansini sa school. Maganda yung ngiti nya may dimples parang si alden richard. Oo totoo ito may hawig sila ni alden nung totoy pa si alden at pina "emo" ang buhok.uso kasi nun yung style na yan from kpop.i asked him kung sino ang girl, medyo nalungkot ako kasi nag assume ako na may gusto sya sa akin( feeling girl ulet). Sagot nya si Jona. Her name was like a boomerang, paulit ulit sa utak ko. Hindi ko alam ano ang reaction ko. Nasaktan ako gusto ko magwala o umiyak pero nanaig parin sa akin ang pagkakaibigan. Hindi ako impokreto na sabihin na hindi ako galit kay Jona, oo nag selos ako. Ang laking tanong sa isip ko bakit bestfriend ko pa ang gusto ng taong mahal ko. So yun nga, he asked me a favor if i could help him to Jona. Kahit masakit, ginawa ko parin ang gusto nya. Jona entertained Patrick nag date sila kami pa nila remi ang nag ayos ng table nila nun at foods. I supported him and my bestfriend. Until Patrick texted me, hindi sya sinagot ni Jona. Hindi ako natuwa, nagtaka ako kung bakit so I comforted him tumawag ako sa kanya and make him sure na tatanungin ko si Jona what was her reason. Syempre, respeto din sa bestfriend ko naghintay kami na sya mismo ang mag open up. Hindi pa pala sya ready at she never wanted to break her promise sa parents nya na magbbf lang sya when she's 18. Kahit ganon, friends pa rin sila Jona at Patrick. Hindi na rin sya masyado nag tetext saken, so I concluded na ginamit lang nya ako para mapalapit kay Jona. January na nun nameet namin ang barkada ni patrick. Kung nagtataka kayo kung bakit parang hindi namin sila kakilala, eh dapat kilala namin sila kasi junior sila kami ang senior. Hindi kasi kami ganun kaclose sa lower years, alam nyo na focus sa top 5 hehehe kaya ganun na lang kami kaexcite makilala ang ibang juniors. May name ang grupo nila Patrick at infairness cute din naman halos lahat sa kanila, and mind you mga hambog na nakakatuwa sila kasi nga raw nasa 1st section sila kaya feel nila matalino na sila hahaha. Pinakilala ni Patrick sa amin sila Kurt, pinaka malaki sa kanila 3rd yr palang pero built na ang katawan, si james parang tambay pero joker, Si marco dating schoolmate ko sa elementary, si austin na pinaka magaling mag basketball sa kanila, si rof ang pinakamaliit pero nakakaaliw kasi ang daming hirit, si Derick ang pinaka gwapo sa kanila at napaka mysteryoso, pero may nakapukaw ng atensyon ko, si van. Si van medyo moreno matangkad at player pala ng soccer sa school namin, silang dalawa ni derick actually. Simula nun, naging friends namin sila at may lihim na akong pagtingin kay Van. Magaling talaga sya mag soccer kaya during practice nila nandun ako sa field which is hindi ko naman talaga gawain na mag tambay sa field kasi dapat sa oras na yun nasa apartment na ako nun. Parang all my time was wasted just to see him but nung time na yun hindi ko nafeel na nasayang na pala ang oras ko, for my entire 4th yr life parang yun ang napaka precious moment ko.until february nalaman ko na lang na bumababa na ang grades ko i did not get the grade of 90 na dapat lowest for a valedictorian. 88 ang nakuha ko sa math. Umiyak ako, na disappoint sa sarili kasi dapat mas magaling na ako dahil last year ko na to. So from top 1 naging top 3 ako. Si Maureen ang top 1, si Jona naman ang top 2.pero hindi ko inisip yun, mas lalo akong lumala at naging pabaya, all i want and need that time was Van. Friends kami pero hindi kami nag tetext. Hindi ko rin naman gusto na ako yung una mag text(feeling girl ulet). Until nalaman ko na girlfriend na pala ni Van si Kait. Ang pinaka ayaw ko sa juniors dati pa lang kasi sya yung modernized bitch ngayon na halos wala nang pake kahit makita pa ang pwet nya as long as maganda sya. Shes everything I hate (haha bitter lang) yeah i hate her before i know Van kaya hindi ako bitter hahaha. So nasaktan na naman ako, ewan ko ba parang 4th yr life ang bittersweet na year sa highschool life ko. So malapit na ang graduation at balik ako sa pagiging studious kahit durug na durug ang puso ko, yan kase mahilig mag assume. Salamat naman at hindi ko talaga nabigo ang parents ko i got the highest weighted average sa 4th yr pero rules are rules na dapat 90 talaga ang lowest ng valedictorian, kaya salutatorian na lang ako. Pero ako ang nakakuha ng student of the year award and excellence award na dapat sa valedictorian lang ibigay. Sorry Maureen hahaha. Okay back to my stowwy, college na ako i took up nursing sa bukidnon, kasama ko sila Remi na BSbio ang kinuhang course at si Jona na accountancy naman ang course nya. Si Amy kinuha ng father nya na japanese at dun sa labas sya nag aral. So 1st yr kahit iba2 ang sched namin 3 nagkikita parin kami at halos sabay kumain. Yun nga lang di sabay matulog kasi iba ang dorm ng mga babae at lalaki. We never hide secrets to each other kaya love na love ko ang mga beshies ko. Until one day, nag share si Jona na nanliligaw daw sa kanya si Derick yung barkada nila Patrick and Van. Gwapo si derick maputi, matangkad, pero hindi ko sya napansin masyado nunh highschool ewan ko kung bakit pero parang wala syang dating saken kaya siguro ganun na lang. Alam namin na crush ni Jona sa Derick before pa nangligaw si Patrick pero talagang seryoso si Jona, si Derick talaga ang ultimate crush nya.  Kaya yun, may mutual feelings na sila sa isat isa. Hindi naman namin inuunahan si Jona na mag kwento, private kasi masyado si Jona pagdating sa mga bagay na yan. She shared na sweet si Derick sa kanya, kaya yun ok na din samin si Derick as long as happy si Jona. Support lang hehe. October sembreak na nun, malungkot si Jona. She told us about them ni Derick na hindi nya sinagot ang guy. I dont know what the real reason behind, kung yung promise nya pa rin ba sa parents nya she was 17 when Derick courted her or mas may malalim sya na dahilan. I never asked. Nirespeto na lang namin ang desisyon nya kahit alam namin na mahal na mahal nya si Derick. Shes never been that happy until Derick came. Pero they still friends at ang sabi ng guy hes willing to wait kahit gaano pa katagal.
One day, may nag text saken ng "Hi" number lang so i replied "Hu u?" text nya "Si Derick to" so there was an exchange of msgs and he reminded me na bantayan si Jona. So dun ko talaga nalaman na mahal nya talaga si Jona. Dumaan ang ilang mos.patuloy parin ang kamustahan namin ni Derick hanggang isang araw nagising nalang ako na iniisip sya. Parati nya akong napapatawa sa mga Txtmsg nya, kahit sa puntong nag aasaran na kami pero masaya lang. Ne feel ko kay Derick ang isang feeling na gusto kong maramdaman kahit noon pa. May mga times na hanggang 3 am nag ttxet pa rin kami sa isat isa. Kahit 1 day lang na hindi sya mag text, nalulungkot ako. Nagtatampo sa kanya, pero bumbawi naman sya at ganun balik sa dati. Hanggan napansin ko na lang na hindi nya na tinanong saken si Jona. Naguguilty ako kaya sinabe ko kay Jona na nahuhulog na ako kay Derick. Umuulan non, nakaharap kami sa glass na wall sa 2nd floor ng admission building, nasabi ko sa kanya lahat2 tungkol sa amin ni Derick kahit alam ko na hindi ako sigurado kung yun din nga ba ang nararamdaman ni Derick saken. Is he falling in love with me too? Yan ang tanong ko sa isip nung time na yun. Umiyak si Jona, at nasulat pa nya ang name ni Derick sa glass wall na hindi ko namamalayan. There was deafening silence between us. Patak lang ng ulan ang naririnig ko kasabay ang iyak ni Jona. Then she broke the silence, she said okay lang na mafall ako kay Derick hindi naman nya hawak angbuhay namin ni Derick. At wala syang karapatan na hadlangan kung anuman an namamagitan sa amin ni Derick. After nun, masaya pa rin kaming mag bestfriend. Nagttext parin kami ni Derick pero hindi nya alam ang nangyari sa amin ni Jona.
Until one night, hindi ko na talaga mapigilan ang nararamdaman ko sa kanya, nasabi ko kay Derick na mahal ko sya. Wala akong nakuhang reply pero nung time na yun umaasa ako na mahal nya rin ako. Dumaan ang ilang araw na wala akong natanggap na text galing sa kanya. Tinext ko na sya ng ilang beses, tinawagan pero wala hindi nya sinasagot. Hindi ko ito sinabi nila Remi at Jona. Nag decide kaming 3 na kumain sa fastfood, chikahan at tawanan pero hindi ko nabanggit ang sa amin ni derick. Nag CR sila Remi at Jona, naiwan ang phone nilang dalawa. Hanggang nag beep ang phone ni Jona, nakita ko sa screen ang name ni Derick. Natuwa ako baka sa akin mag text din sya pero wala akong natanggap. Nag decide ako basahin ang text niya kay Jona kahit labag sa kalooban ko. At dun ko nakita ang txt msg nila sa isat isa, na may sweetness parin. Akala mo na ikaw na ikaw lang ang tinetext nya ng ganun pero hindi pala, ang mas masakit pa ay yung naramdaman mong mas higit pa yung laman ng txtmsg sa iba kesa sayo. Ang sakit ng naramdaman ko. Gusto kong mag walk out na umiyak. Hindi ko magawang magtampo kay Jona dahil in the first place hindi naging akin si Derick. Gusto ko mag mura pero pinigilan ko ang sarili ko. Umiyak ako nung gabi na yun, at si Derick ang pinaka unang lalaki na iniyakan ko. Nag decide ako na putulin na lang ang communication namin. Pero sa mga arawna yun ang sakit ng naidulot sa akin ay ang pinakamasakit, hindi ako maka focus sa school at naging mainit ang ulo ko palagi. Hindi ako naka move on agad sa kanya. At pinapanalangin na sana sabihin din nya sa akin na mahal nya ako. Isang araw nagkita ulet kami nila Remi at Jona hindi ko magawang magtampo kay Jona hindi ko pinayagn na masira ang friendshio namin dahil lang sa isang lalaki. Nalaman ko na may gf na pala si Derick classmate din nya, Si Jillain. Alam kong nasaktan si Jona, alam kong may feelings pa sya kay Derick pero tinago ko sarili ko ang sakit na naramdaman din yun. Hindi na ako umeksena pa. Pinabyaan ko na lang si Jona na maglabas ng galit nya kay Derick. Dumaan ang ilan pang mga araw andyan pa rin yung sakit. Masakit saken kasi hindi maganda ang last na pagttext namin, masakit dahil nasira ang pagkakaibigan namin ni Derick na alam kong yan lang ang mabibigay nya sa akin...a mere friendship..a relationship without intimacy.
Nag text ang adviser namin nung 4th yr saken na ako raw ang magbabasa ng alumni pledge sa graduation. Nag dalawang isip ako natanggapin kasi nahihiya akong makita ni Derick sa graduation nila. Wala akong mukhang maihaharap dahil sa ginawa kong kababawan. Pero nasa program na daw ang name ko at ne iprint na.
March 26 2011 ang araw na gusto kong madaliin. Gabi na nang mag simula ang graduation nila. Nakita ko siya... Nakita ko sila...ni Jillain..magkAyakap. Tumigil ang mundo ko.para akong nakatayo sa kawalan. Narinig ko na may tumawag saken sa bandang likod ko. Bumalik ang ulirat ko at nakita kong nakatingin saken si Derick, ang gwapo nya sa suot na toga and long sleeve na color gray. Ako na ang umiiwas. Inakbayan ako ni Patrick na kanina pa pala tumatawag saken. Nagkamustahan at pinakilala nya ako sa mama at lola nya.
Nasa bandang likuran ako nakaupo kasama ang iba kong mga batchmates. Kitang kita ko si Derick kahit nakatalikod pa sya. Bumalik lahat yung magagandang moments namin sa text, yung asaran, yung simpleng "kumain ka na ba?" , "wag pagutom", "ingat ka", yung mga kwento nya paano nya napasa ang exam, pano sila nanalo sa soccer. Lahat ng balik pwera lang sa friendship na sinira ko. (Sinira ko nga ba? Sinabi ko lang na man ang tunay kong nararamdaman ah.)
Pagkatapos ng alumni pledge sa part2 ng program ay umuwi agad ako. Di nako nagpaalam sa mga batchmates ko, sa adviser ko na lang ako nag paalam. Mag aalas dose na ng gabing iyon, nag beep ang phone ko. May nag text, number lang, "Hi"

Itutuloy........

No comments:

Post a Comment

Read More Like This