Pages

Sunday, November 29, 2015

Tales of a Confused Teacher (Part 5)

By: Irvin

Hindi ko alam kung gaano kami katagal magkayakap.  Basta ang tangi kong nararamdaman sa kanya ng mga oras na iyon ay ang awa at pagkatakot na baka masira ang kanyang buhay.  Magulo ang isip ko ibat-ibang kaisipan ang naglalaro sa utak ko pero kahit ano man ang gawin ko isa lang ang sigurado ako kailangan ng batang ito ang tulong ko ngayon at hindi ko iyon pwdeng ipagkait sa kaniya.  Nang maramdaman kong hindi na siya umiiyak, maingat kong inilayo ang katawan niya sa akin.  Hinawakan ko siya sa kanyang balikat at muli piinagmasdan ang luhaan niyang mukha.

“Magpahinga ka muna, alam kong pagod na pagod ka na sa kaiiyak.  Hayaan mo bukas pag okey na pakiramdam mo mag-uusap tayo, pangako Kenn Lloyd makikinig ako pakikinggan ko lahat ang gusto mong sabihin.  Huwag kang mag alala hindi ako galit sa iyo, naiintindihan kita at uulitin ko kung kailangan mo ang tulong ko basta kaya ko maasahan mo ako. Lagi lang akong narito.” Habang sinasabi ko iyon bahagya siyang tumungo at nakita ko ang muling pagpatak ng mga luha niya sa sahig.  “Sige na pahinga ka na,  Siyanga pala maligo ka muna at nang makapagpalit ka ng damit.  Sandali ikukuha kita ng pampalit.”  Muli inaalalayan ko siya paupo sa kama saka ako pumunta sa kwarto ko para ikuha siya ng maisusuot.

Habang ipinipili ko siya ng pwde niya maisuot ay nag iisip ako ng pwedeng gawin.  Hindi pwedeng ganito, hindi pwedeng wala akong gawin para sa kanya, kailangan niya ang tulong ko hindi ko siya pwedeng pabayaan, ngayon pa na alam ko na ang pwede niyang gawin.  Pero paano, ano ang gagawin ko? Kung maiayos ko man ang buhay niya baka buhay ko naman ang masira, at saka talaga bang magiging maayos ang buhay niya kung ipagpapatuloy namin ang ganito o lalo lamang magugulo ang sitwasyon.  At paano naman ako, paano ang pangalan ko, paano ang reputasyon ko, paano ang aking pamilya?  Pero hahayaan ko na lang ba siya sa ganito, pababayaan ko na lamang ba siya na tuluyan ng tanggapin na walang nakakaunawa sa kanya at walang nagmamahal? Bakit ba parang anuman ang gawin ko may masasakripisyo. Bakit ba napasok ako sa ganitong sitwasyon?  Bakit ba hindi pwedeng oo lang o hindi ang sagot? Ano ang dapat kong gawin ngayon?  Litung-lito na ako sa mga nangyayari.  “Diyos ko tulungan mo akong makapag-isip ng tama.”  Iyon na lamang ang naibulong ko sa aking sarili.

Naisip ko rin na baka mas mabuting ipaalam ko sa kanyang ama ang nangyari sa kanya nang sa gayon ay mapayuhan siya tutal ay nakikinig din nman siya sa Papa niya.  Pero ano sasabihin ko, paano kung magtanong siya ng dahilan bakit naglasing si Kenn Lloyd, paano ko sasabihin na ako ang dahilan.  Pwede ko bang sabihin na hindi ko alam gayong alam niya na open si Kenn Lloyd sa akin at higit pa rito ay ipinagbilin niyang ako na muna ang bahalang tumingin-tingin sa batang ito dahil wala siyang kakayahan na gawin iyon.  Paano ko sasabihin sa kanya ang totoo na maging ako man ay nalilito na rin sa aming sitwasyon.  Mahirap na baka lalo lamang gumulo baka pati si Kenn Lloyd ay magalit at lalong magrebelde kapag nagkamali ako ng hakbang. At sa halip na mapabuti e lalo lamang mapasama.

Pagbalik ko sa kwarto, nakita ko siyang natutulog, bakas pa rin sa mukha niya ang kalungkutan, mapapansin pa rin ang daan ng mga tuyong luha sa kanyang pisngi.  Gusto ko siyang hawakan gusto kong punasan ang mga luhang iyon na alam kong ako ang dahilan.  Gusto ko yakapin siyang muli at humingi ng tawad, aaminin ko guilty ako dahil alam kong sobra ko siyang nasaktan.  Ako ang dahilan ng lahat ng kalungkutang iyon at kahit natutulog siya ramdam ko ang kabigatang dinadala niya sa kanyang dibdib.  Lalo akong naawa sa kanyang kalagayan.  Napakabata pa niya para maranasan ang lahat ng ito.  Pero ayoko siyang gambalain, ayokong magising siya ayokong sirain ang kanyang pamamahinga.  Hahayaan ko na lamang muna kahit sandali ay malimutan niya ang lahat ng sakit na knyang pinagdaraanan. 

Ibinaba ko sa side table ang dala kong damit at twalya.  Maingat ko siyang kinumutan saka ako lumabas ng kawarto. Gustuhin ko man ang bantayan siya lalo lamang akong nasasaktan sa tuwing makikita ko ang malungkot niyang mukha.  Maghahanda na lamang ako ng hapunan upang pag gising niya ay makakain siya.  Pinili kong magluto ng may sabaw, bagaman hindi ako mag iinom, alam kong kailangan niya yun upang gumaan ang kanyang pakiramdam.  Mabagal ang kilos ko dahil marami akong iniisip.  Marami akong binubuo sa aking utak pero wala akong nabubuong final na decision. Pagkatapos ng tila napakatagal na oras ko sa kusina finally natapos din ako.  Ipinagsandok ko siya sa isang tasa, naglagay ako ng mainit na kanin. Isang basong juice at tubig.  Nagbalat din ako ng ilang prutas saka ko nilagay sa tray at ipinasok sa kwarto niya.   Pagpasok ko ay nakapaligo na siya, muli ay nakaupo lamang siya sa isang sulok ng kama hawak ang cellphone niya.

“Kumain ka muna at ng magkalaman iyang tiyan mo, mahirap matulog ng gutom,” Tumango siya kahit hindi tumitingin sa akin.   Hindi ko siya pwedeng tanungin kung okey lang siya dahil alam ko namang hindi.  Ayoko din siyang kausapin dahil baka pag nagsalita siya ay mapaiyak na naman siya sapat na sa akin yung makita kong inayos niya ang kanyang sarili magandang palatandaan na iyon na nakapag iisip na siya ng tama.

“O siya, maiwan na muna kita at may gagawin lang ako sa labas.”  Hindi ko na inalam kung sumagot pa siya tuluy-tuloy na ako sa labas upang doon kumain at ligpitin yung mga ginamit ko sa pagluluto.  Sanay naman ako kumain mag-isa kaya wala namang problema sa akin, pero parang hirap na hirap akong lunukin ang pagkain ko.  Ayos naman ang timpla ng aking sinigang pero parang wala akong gana, ganon pa man pinilit ko rin ang kumain dahil hindi ko talaga nakagawian ang matulog sa gabi ng hindi kumakain. 

Pagkatapos kong maghugas ng mga pinggan ay naligo ako para mabawasan ang bigat ng aking pakiramdam, hindi ko alam kung masakit ang ulo ko o ang aking katawan.  Alam kong ang lahat ng ito ay epekto lamang ng mga pangyayari kani-kani lamang at muli ay inisp ko na lamang hindi ito ang tamang oras para mag inarte kailangan kong maging matatag at kailangan kong makabuo ng isang tamang desisyon.  Isang desisyong na kailangang isa alangalang ang maraming bagay.  Isang desisyong hindi ko pagsisihan balang araw.  Pero wala din, wala pa din akong mabuo.  Dahil anuman ang isipin o balakin kong gawin parang mahihirapan o masasaktan ako.

Bumalik ako sa kwarto upang  alamin kung kumain na siya at kung maayos siya doon.  Bahgya lamang niyang nabawasan ang sabaw, kaunting kanin at hindi ginalaw ang prutas.  Maayos niya itong tinakpan sa isang tabi.  Nakahiga siya patagilid nakaharap sa dingding. “Kenn Lloyd, magpapahinga na rin ako.  Good night” hindi ko alam kung gising pa siya, pero hindi siya sumagot, marahil ay tulog na nga, nakatakip hanggang bewang ang kanyang kumot. Gusto ko sanang itaas ang kumot niya pero nag alangan akong baka siya magising.  Papatayin ko sana ang ilaw  maliwanag naman sa loob dahil tagos sa bintana ang street lights pero narinig ko siyang umungol.  Nilingon ko siya ng magsalita siya.

“Ma, ma… huwag mo akong iwan, ma, natatakot ako, Mama, hindi ko kayang mag isa, Mamaaaa……” Iyak siya ng iyak at halata sa boses ang takot na takot. Napabalik ako sa kama niya.

“Kenn Lloyd, Kenn Lloyd, gising, nanaginip ka lamang.” Sabay yugyog sa kanyang balikat, pagmulat ng mata niya, tingnan niya ako at parang wala sa sarili na yumakap sa akin at humagulhol ng iyak.  “Sir, sir, huwag mo akong iiwan, sir natatakot ako, huwag mo akong iiwan sir…..” ang paputol putol niyang sabi.

“Oo, Kenn Lloyd, dito lang ako hindi ako aalis. “ ang pagtitiyak ko sa kanya habang lalo niyang hinihigpitan ang yakap niya. 

“Sir promise, dito ka lang, sir natatakot ako baka paggising ko wala ka na, gaya ng Mama ko sabi niya maglaro lamang ako kina Tita kasi may gagawin siya, pero pag silip ko ang laki ng dala niyang maleta, Iyon pala iiwan na niya ako. Sinungaling siya sabi niya sandali lang siya magbabakasyon,  tapos nong tumawag siya sabi niya uuwi siya sa pasko, hindi naman totoo tapos sa birthday ko…. Sir ilang Pasko at birthday ko na dumaan, wala naman siya kahit minsan hindi na siya nagpakita, Sir hindi naman siya bumalik.  Sir ilang taon ko na siya hinihintay sir, tapos sir napanaginipan ko umuwi daw siya tapos umalis din sabi niya hindi na raw siya babalik.” Kwento niya habang parang bata na patuloy sa pag iiyak.

“Panaginip lang yun, babalik ang Mama mo, babalikan ka n’on, baka busy lang sa work niya kaya di pa magawa ngayon pero darating din ang araw magkikita pa rin kayo.  Huwag mong isipin yung panaginip mong iyon, “ pero pinipigil ko rin ang mapaiyak.

“Hindi na bale sir, sanay na naman akong wala siya, bata pa ako no’n, nakaya ko namang mabuhay na wala sila ng Daddy ko, siguro nga ganito talaga buhay ko,  alam ko naman kahit ano gawin ko hindi magiging possible na mahalin nila ako.  May sari-sarili na silang pamilya, dapat tanggap ko na yun sir. Saka hindi nila tanggap na kasali ako sa pamilyang iyon” At bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin

“Batang ito talaga, hindi ganon yun, mahal ka ng mga magulang mo, huwag mong pangunahan ang hindi pa nangyayare,” Inabot ko yung tira niyang tubig sa baso.  O uminom ka muna at ng mahimasmasan ka, hindi ka siguro nag pray bago ka matulog kaya ka nanaginip ng masama.  Uminom siya ng konti.

“Pero sir, sana di ka kagaya ng Mama ko, sana hindi mo ako iiiwan, sana …..” di ko na pinatapos pagsasalita niya tinakpan ko ng isang daliri ko mga labi niya.

“Ssshhh…tama na, oo hindi kita iiwan kaya ayusin mo sarili marami pa tayong paguusapan. Sa ngayon matulog ka muna at ng makapagpahinga ka na. Ipahinga mo na rin muna pati isip mo para bukas makapag isip ka ng tamang gagawin’

“Opo sir, basta promise mo sir, dito ka lang sa tabi ko ha, natatakot ako sir…”

“Oo, sige dito lang ako, babantayan kita habang natutulog ka, hindi ako aalis.” Paniniguro ko sa kanya.  At muli tumagilid siya para matulog.

Tinupad ko ang pangako ko, humila ako ng isang bangko at naupo sa tabi ng kama.  Pinagmasdan ko siya habang nakatalikod sa akin at muli nakaramdam ako ng matinding pagkaawa sa kanya.  Ganoon din ang matinding galit sa kanyang mga magulang. Bagamat hindi ko alam ang totoong story dahil side lang ni Kenn Lloyd ang narinig ko hindi ko maiwasang sisihin sila dahil sa nagyari sa batang ito.  “Mga walang kwentang magulang, sana’y hindi na lang kayo ang naging magulang niya, hindi naman ninyo kayang panindigan ang responsibilidad.  Nakakatulog kaya kayo ng mahimbing sa mga panahong hindi ninyo alam kung ano kalagayan ng anak ninyo.  Hindi kaya kayu inuusig ng mga konsensiya ninyo sa ginawa ninyo sa batang ito.  Sana hind maging huli ang lahat bago nyo marealize ang pagkukulang ninyo.”  Bagamat wala sila at hindi nila nadidinig ang mga sinasabi ko pakiramdam ko ay nai release ko kahit papaano ang kinikimkim kong galit sa mga magulang niya. Bigla siyang nagulat at habol ang hininga ng magising at naupo, Nang makita niya ako , hindi siya nagsalita muling nahiga patalikod sa akin.

Para malibang ako e, kinuha ko na lamang ang aking cell phone at nagbrowse nang nagbrowse hindi kasi ako active sa FB dahil iniiwasan ko nga may magtanong tungkol sa aming kasal. Nang magsawa naglaro ako ng online games.  Ilang ulit pa din siyang parang nagugulat at nadidinig ko yung pag-iyak niya dala ng kung anuman ang napapanaginipan niyan,  Minsan ay umuupo siya at pag nakita nasa tabi pa rin ako ay hihiga ulit. Kung minsan naman at tatapikin ko lang sa balikat. “Tulog lang, nandito lang ako.” At tatahimik na.

 Muli akong nakaramdam ng awa sa kanya kaya hindi ko siya magawang iwan.  Naalala ko ang ganitong eksena nang minsang ma confine ang lola ko.  Ako ang naiwang magbantay sa gabi dahil summer vacation non, wala akong pasok, bagamat hindi naman malala ang sakit niya ay kailangang may bantay siyang gising dahil kailangang niyang mag take ng medicine at kuhanan siya ng mga nurse ng bp at body temperature at kung anu ano pa mahirap naming daratnan na wala siyang gising na bantay.  Kaya ayun bagaman antok na antok e pinipilit kong huwag matulog.

 Pero iba ang sitwasyon namin noon. Si Lola kailangan gising ako dahil maysakit siya, si Kenn Lloyd naman ay walang sakit, pwede naman matulog na ako.  Pero nagdalawang isip ako kung iiwan ko siya,  muli isa na namang pangako sa  kanya ang masisira.  Kaya titiisin ko na lang tutal wala namang pasok bukas, babawi na lamang ako pagka alis niya.  At ipinagpatuloy ko paglalaro.

Subalit hindi na kaya ng mata ko, kusa na itong pumipikit at minsan ay nabibitawan ko na ang cellphone ko at  nalalaglag sa kama.  Ipinipilig ko ang aking ulo para mawala ang antok ko pero saglit lang maya maya eto na naman, dagdag pa ang lamig ng aircon kaya parang dinuduyan na pakiramdam ko.  Naupo ako sa isang side ng kama.  Malaki naman ito kasi dito natutulog ang mga magulang ko kapag lumuluwas sila kaya  naisip ko magpapalipas lang ako ng antok tutal  mahimbing na si Kenn Lloyd at mukang hindi na nagugulat.  Ayoko lamang magising siya na wala ako at isiping hindi ako tumupad sa pangako ko at muli ay ma-frustrate na naman.  Nahiga ako patalikod sa kanya at ipinikit ang aking mga mata.  Iyon lang ang huli kong natatandaan.

Naalimpungatan ako, pakiramdam ko may nakatingin sa akin.  Pagmulat ko ng mata ko si Kenn Lloyd nakaharap sa akin, nakangiti. Ngumiti din ako sa kanya.  Nang makita ko siyang nakangiti parang nawala lahat gumugulo sa isip ko, wala ng pinakamasarap ng pakiramdam ng mga sandaling iyon kung hindi ang makita ang mapupungay niyang mga mata na parang bumalik ang lahat ng pag asa at ang mapupula niyang labi na parang sariwang sariwa.

“Sir salamat po,” ang bulong niya.

Tumango lamang ako at nanatiling nakatingin sa kanya, parang na-mesmerize ako sa napaka amo at napa ka inosente niyang muka,  marahil dahil  sa ilang lingo kong hindi napagmasdan ang kabuuan ng niyon. 

“I love you sir!” muli niyang bulong

“I love you to Kenn Lloyd” ang wala sa loob kong sagot.

“Talaga sir! mahal mo din ako, totoo ba yun sir,” ang tila nabigla niyang pagtatanong.

Kung nabigla siya ay mas nabigla ako sa sinabi ko,  kaya tumihaya ako at pumikit at nag isip kung paano ko malulusutan ang sitwasyong iyon.   Abot abot ang kaba ng aking dibdib ng mga oras na iyon

“Sir totoo  ba love mo din ako, sir sumagot ka naman,”  habang niyuyugyog niya isa kong balikat. “Sir ano nga, ulitin mo nga sir yung sinabi mo, sir mahal mo ba ako?” patuloy niyang pagtatanong.

Huli na para itanggi ko pa,  sa isip ko yun talaga nararamdaman ko at ayoko ng dayain ang sarili ko, ayoko ng itanggi pa, dahil iyon naman talaga ang totoo, Idiniin ko ang pagpikit ng mata ko  kasabay ng napakalakas na kabog ng dibdib ko, tumango ako bagamat hindi ko alam kung nakatingin siya.

Nagulat ako sa sumunod niiyang ginawa, yumakap siya padapa sa akin.  Isinubsob ang muka sa aking balikat.   “Talaga sir, you love me?  You love sir. Sheettt, ang tagal kong hinintay na marinig sayo to sir, ang tagal kong ipinagdasal na sana love mo nga ako,” Halos bulong lang pero dahil ang lapit ng bibig niya sa tenga ko dinig n dinig ko ang lahat. “I love you sir”

Gusto ko sanang sabihing mahal kita bilang kaibigan, bilang kapatid, o bilang student, kasi alam kong iyon ang tama kong isagot, pero hindi nakikinig ang bibig ko ayaw nitong ibukas, bagamat iyon ang gusto kong sabihin ang puso ko ang nagdikta sa kanya, Hindi ko masabi, naramdaman ko na lamang na tumulo luha ko sabay haplos sa buhok niya.   Isa pa ayokong saktan muli siya ayokong sirain ang mga sandaling ito na punum puno siya ng kaligayahan, ayokong muli siyang lokohin at ayoko ng dayain ang sarili ko.  Ito talaga ang totoo mahal ko siya.  Mahal ko siya higit pa sa isang kaibigan, higit pa sa kapatid, at lalong higit pa sa isang estudyante.  Dahil sa tuwing kasama ko siya ibang ligaya nararamdaman ko, ligayang kahit  kailan hindi ko naramdaman sa mga kaibigan at estudyanteng nakasama ko.

Bumitiw siya sa pagkakayakap.  “I love you very much sir!” at pinunasan niya ng mga daliri niya ang luhang umagos sa aking pisngi.  Tiningnan ko ang masayang-masaya niyang mukha.  Yung mga mata niya na dati ng kinaaaliwan ko ngayon ay parang lalong gumanda para itong may ibang kislap na hindi ko alam.  Parang hindi ako magsasawang titigan siya.  Pero parang matutunaw ako sa mga titig niya.  Ramdam na ramdam ko ang umaapaw na ligaya sa kanyang puso.  Nasulyapan ko ang kanyang mga labi.  Ang manipis ngunit mapupula niyang labi.  Yung mga labing parang unti-unting lumalapit,  Hindi ko alam kung namamalikmata lamang ako pakiramdam ko palapit ng palapit habang naririnig ko ang malakas na kabog ng aking dibdib, Nanlalamig ang aking mga kamay pero parang ang init ng pakiramdam ng aking mukha at buo kong ulo.  Hindi ko kaya ang ganitong pakiramdam, muli pumikit ako at inisip na panaginip lang ang lahat.  Subalit sa pagdampi ng kanyang mga labi sa labi ko, parang bigla akong nagulat, kasabay ng paglapat ng labi niya ay ang  tila mga kuryenteng bumalot sa buo kong pagkatao,  Napakalambot ng mga labing iyon pero may hatid itong lakas na parang ang hirap i-resist.  Hindi ito ang first kiss ko dahil ilang ulit  na akong nakipag halikan sa mga naging girlfriends ko pero kakaiba ang halik na ito parang may kung anong sarap at kiliti akong nararamdaman.  Hindi na ako nag inarte, Ibinuka ko ang aking bibig, sabay ng pagmulat ng aking mga mata.  Kitang- kita ko ang kasabikan sa kanyang mga ngiti, hinawakan ko siya sa balikat…

Itutuloy…..

No comments:

Post a Comment

Read More Like This