Pages

Wednesday, November 18, 2015

Soulseat (Part 1)

By: Katch

Disclaimer : First time ko po magsulat, kaya pag pasensyahan niyo na yung kwento ko. I'm very open for feedback and hopefully I'll be able to improve my writing. By the way this story is just fiction.

Summer, uso na naman ang outing, beach dito beach doon, sunburn dito sunburn doon, pero ito ako ngaun sing lamig ng snow sa japan ang lovelife. Halos 2 buwan narin ng maghiwalay kami ng partner ko ng mahigit apat na taon. Halos di ako maka move on, ilang beses ko na din sinubukan makipagrelasyon sa iba pero di ko parin maiwasang masaktan. Ang dami kong tanung, anu ba ang kulang? Ainu ba ang mali? Anu ba ang dapat at hindi ko dapat ginawa? Iniisip ko nalang, siguro ganun talaga, kapag di kana mahal ng taong mahal mo basta ka nalang iiwan na parang pusang niligaw sa daan, ni walang mgandang eksplinasyon, walang maayos na closure.
Dahil sa hindi ko na kaya ang pag mumukmok at depresyon at bago pa ako masiraan ng bait nag desisyon akong magbakasyon sa aming probinsya. Ilang taon narin ng huli akong nakauwi simula noong makapagtapos ako ng kolehiyo at alam kong malaki na din ang pinagbago ng lugar. Habang binabaybay ng bus ang daan patungong Tacloban, di ko maiwasang maisip si Kurt at magbalik tanaw kung paano kami nagkakilala at nagkahiwalay. Boyfriend ko siya simula nung nasa kolehiyo pa ako.
Taong 2009 nasa ikalawang antas na ako sa kolehiyo nang magkakilala kami dahil sa kaibigan kong si Gaile, bestfriend kong babae. Masasabi kong gwapo din naman si Kurt, maputi, matangos ang ilong. Nasa 5'8 ang taas. Hindi siya yung tipong mapapansin mo kaagad na gwapo sa unang tingin, dahil na din siguro sa medyo may katabaan siya. Simula noong magkakilala kami ni Kurt palagi ko na din siyang nakakasama dahil na rin sa bestfriend ko at iba pang common friends. Di man kami pareho ng kursong kinukuha di naman kami nauubusan ng oras para sa isa't isa.
Nasa huling taon na ng kursong Engineering si Kurt ng sinimulan niya akong ligawan, ako naman ay nasa ikatlong taon na sa kursong kinukuha kong Tourism. Di na ko nagpakipot pa dahil di naman ako babae at di naman din ako kagwapuhan, mahal ko na din si Kurt noong mga panahon na yun, at dahil na din sa pareho naman kami ng nararamdaman sinagot ko  siya kaagad. Naging maayos ang relasyon namin ni Kurt kahit noong nakapagtapos siya ng pag aaral at lumuwas ng Maynila para magtrabaho. Naging madalas parin ang komunikasyon namin hanggang sa ako naman ang nakapagtapos at nag decisyon na din akong lumuwas ng Maynila dahil na din sa hiling niya na magkasama kami. Isang taon ko ding hindi na kita Kurt pero di ko inasahan na malaki ang ipagbabago nya.
Tumangkad siya ng kaunti at lalo siyang pumuti, siguro dahil na din sa chlorine ng tubig sa Maynila, nakatulong din siguro ang maghapong pagbababad sa aircon ng opisinang pinagtatrabahuan nya. Nabawasan din siya ng timbang dahil sa panaka-nakang pagbubuhat. Medyo nahiya ako sa sarili ko nung magkita kami, nagmukha akong magsasaka sa porma at ayos niya. Di man mala adonis ang kagwapuhan niya, papasa na din siyang kandidato ng Mr. Baranggay. Dinala ako ni Kurt sa apartment na inuupahan niya sa Nichols sa Pasay.
Maayos naman ang bahay hindi gaano kalakihan pero tamang tama lang para sa aming dalawa, malaki ang kwarto at kama na kasya ang tatlo, may maliit na kusina at di gaanong kalakihang sala. Ramdam kong miss ako ni Kurt ng mga sandaling yun, mahigpit niya akong niyakap pagkatapos namin ipasok ang mga gamit ko sa kwarto kahit amoy Albatros ang buo kong katawan dahil na din sa halos 24 oras na biyahe. Sobrang namiss ko din si Kurt pero dahil sa sing lagkit na ng glue ang pakiramdam ko minabuti ko munang maglinis ng katawan.
Pagkatapos kong maligo naghapunan muna kami ni Kurt dahil mag aalas sais na din nung makarating kmi sa apartment. Pagkatapos kumain, siya naman ang naligo at sabay na kaming nahiga pagkatapos. Andami naming napagusapan ng gabing yun, kumustahan, tawanan at lambingan. Magkayakap kami nang bigla niya akong hinalikan sa ilong, magkahalong emosyon ang naramdaman ko, ginantihan ko siya ng halik sa noo, sa bandang mata at sa ilong. Tiningnan niya ko sa mata at unti unting ng lapat ang mga labi namin.
Mapupusok ang mga halik ni Kurt ngunit alam kong may kasamang pagmamahal. Unti unting naglakbay ang aming mga kamay, hinahaplos ang bawat sulok ng katawan ng isa't isa. Naramdaman kong nabuhay ang pagkalalaki niya atIsa isa naming hinubad ang aming saplot hanggang sa panloob nalang ang natira. Dama ko ang init ng katawan ni Kurt, his body heat against mine, at lalo kung naramdaman kung gaano ko siya namiss.
Hinawakan niya ko sa kamay habang abala ang mga labi naming dalawa, unti unti niyang iginaya pababa hanggang makarating sa pagitan ng kanyang mga hita, isang taon ko ding hindi nahawakan ang bagay na yun, I caressed his manhood, nagpakawala siya ng impit na ungol,at  alam kong tama ang gingawa ko dahil kita ko sa mukha niyang nasisiyahan siya.
I started kissing his neck, down to his nipples. Ungol lang ang tanging naririnig ko sa kanya habang abala ko sa gingawa ko. Gustong kong lalo siyang pasiyahin, kaya sinimulan kong halikan siya pababa, kita ko ang maninipis na buhok niya sa tiyan na lalong nagpagana sa akin, hinalikan ko siya sa puson pababa ng biglang....
Sir..?Sir..? Stop over 15 mins, baka guso niyong kumain. Bigla akong natauhan sa sinabi ng kundoktor. Doon ko napagtanto na nakadikit na pala mukha ko sa bintana habang nakanguso na tipong ng d-duck face habang nagse-selfie. Bigla akong nahiya at bago ko pa maayos itsura ko, napansin kong may nakatingin sa aking lalaki nasa baba ng bus, at dahil clear ang salamin sigurado akong kitang kita niya ang itsura ko. Namula ako sa hiya, di ko alam ang magiging reaksyon ko dahil halata kong pigil ang tawa niya, inayos ko nalang ang kurtina at nagkunwaring walang nangyari.
 Pagkalipas ng ilang minuto, isa isang nag akyatan ang mga pasahero at nagsibalikan sa kanya kanyang upuan. Natanaw ko yung lalaking nakatingin sa akin, di ko inakala na iisang bus pala ang sinsakyan namin, sumulyap siya sa direksyon ko at agad akong bumawi ng tingin. Alam kong papalapit siya sa hilera ng upuan kung saan ako nakapwesto kaya pumikit ako at ngkunwaring matutulog. Bigla kong naramdamang may umupo sa tabi ko. Dahan dahan kong minulat ang isa kong mata, at laking gulat ko ng malamang siya pala ang katabi ko. Tiningnan niya ko at ngumiti ng nakakaloko. Inirapan ko siya at pumikit ulit
"Parang ayaw mo ata akong katabi" sabi ng lalaki. Di ako sumagot bagkus umayos ako ng pagkakaupo, hinawi ang kurtina at tumingin sa labas habang papaalis ang bus mula sa unang stop over.
"Kanina ko pa napapansin na parang wala ka sa sarili mo". Nagsalita siya uli.
Hindi parin ako sumagot pero tiningnan ko siya. Doon ko napansin na may itsura pala ang mokong. Tantiya ko ay nasa late 20's na siya. Makapal ang kilay niya na bumagay sa malalalim niyang mata. Nakadagdag din sa itsura niya ang katamtamang tangos ng ilong at medyo mapulang labi. Medyo mahaba ang buhok na halos abot na sa balikat, at dinaig pa ang bagong rebond sa pagkabagsak, bumagay naman to sa hugis ng mukha niya dahil prominent ang kanyang panga.
"Titig na titig ka ata sa akin"? Sambit niya.
Huh? Ah eh.. Pamilyar kasi mukha mo. Palusot ko.
"Ahh I'm John by the way". Pakilala niya sakin sabay abot ng kamay niya.
Mik! Short for Mikael. Sagot ko at tinanggap ko naman ang kamay niya.
"Nice meeting you Mik. So magbabakasyon ka din ba"?
Ah. Oo it's been a while na din kasi nung huli kong uwi sa Leyte.
Really? Pa Leyte din ako. sa Tacloban.
Hindi ko inasahang parehas din pala kami ng destinasyon, ang lugar na iniwan ko ng tatlong taon dahil sa pag-ibig. Di ko akalaing pag-ibig din ang magiging dahilan ng pagbalik ko.

Itutuloy.........

No comments:

Post a Comment

Read More Like This