By: Terrence
Alas sais na ng hapon ng dumating ako sa condo. Sa totoo lang wala pa talaga ako balak bumalik pero mapilit si Michael. Ok na din siguro para nang makapagusap na kami at matapos na ang dapat tapusin.
** Dito na ako ** text ko kay Michael.
Hindi sya nagreply.
Lumipas ang isang oras wala pa din sya. Tinawagan ko sya pero nagriring lang ang cellphone nya.
Sinabi ko na lang sa sarili ko na maghintay pa ako ng isa pang oras at kapag wala pa sya ay babalik na ako sa amin.
Limang minuto na lang bago ang palugit na ibinigay ko sa sarili ko nang biglang may kumatok sa pinto. Huminga ako ng malalim, lumapit sa pinto at saka ito binuksan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Michael. May pasa sa kanang labi. Halos hindi maibuka ang isang mata. May benda din sa kamay.
"Michael! Anong nangyari sa iyo?" gulat na tanong ko.
Hindi sya sumagot. Tumigin lang sa akin. Kita pa din sa mukha nya na may iniindang sama ng loob.
"Pumasok ka nga dito. Ano ba kasi ang nagyari? Bakit ka nagkaganyan? Sino ang may gawa nyan sa iyo?" tanong ko sa kanya.
Nanatili lang na tahimik si Michael na pumasok sa loob. Dumerecho lang sya sa sofa at naupo. Hindi pa din kumikibo.
Isinara ko ang pinto. Tapos dahan dahan na naupo sa may silya sa dining table. Nangangapa. Naghihitay ma magsalita si Michael.
Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin. Nakakabinging katahimikan. Hindi ko makaya ang nakakabinging katahimikan kaya ako na ang naunang bumasag nito.
"Michael kung hindi ka lang din magsasalita bumalik ka na sa unit mo at magpahinga." iritableng sabi ko kay Michael.
Tumingin sa akin si Michael. Kita ko na gusto nyang magsalita pero marahil ay hindi nya alam kung paano ito sisimulan. Nagbuntong hininga lang ito at saka yumuko. Ilang saglit pa....
"Wala na kami..." mahinang sabi ni Michael.
"Anong wala na? Hi... hin...Hindi kita maintindihan." nakakunot ang noo ko habang sinasabi ko ito kay Michael.
"Wala na kami ni Brandon!" humihikbing sabi ni Michael.
Para bang may kung ano na tumama sa ulo ko sa pagkabigla sa sinabi ni Michael. Halos hindi ko maitikom ang bibig ko sa pagkagulat. Gusto kong lapitan si Michael para yakapin pero parang nakapako ang katawan ko sa inuupuan ko.
Hanggang tuluyan nang humagulgol ng iyak si Michael. Agad ako tumayo at lumapit sa kanya. Sumalampak ako sa harap nya.
"Michael..." ang tanging nasabi ko.
Hindi ko masundan ang mga salita ko. Halos madurog ang puso ko sa bawat hikbi at hagulgol ni Michael. Hindi ko sya magawang hawakan dahil natatakot ako na bigla nya akong mabigwasan dahil sa sumasabog nyang damdamin. Ramdam ko na din ang pangingilid ng luha ko. Pero hindi ko matiis. Gusto ko talaga syang hawakan. Kaya humugot ako ng lakas ng loob at ihinanda ang sarili ko sa posibleng mangyari. Akma ko nang hahawakan ang nakayukong ulo ni Michael nang biglang itinaas nya ito.
"Aaaahhhhh! Tangina Terrence. Buong buhay ko hindi pa ako umiyak ng ganito." humihikbing sabi ni Michael.
"Kahit nung mamatay si Mama.... hindi ako nagkaganito." dugtong nya
"Ngayon lang!.... ngayon lang." Sabay punas ng luha.
"Sobrang sama ng loob ko. Sobrang sakit!" Gigil na sabi nya.
Tumahimik si Michael. Nagpunas ng mga luha. Nagbuntong hininga. Tumingin sa akin. Ang sakit ng mga tingin na yun para sa akin. Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. Nanahimik lang ako. Naghihintay ako sa mga susunod na sasabihin ni Michael.
Humugot ng malalim na hininga si Michael at nagsimulang magsalita.
"Nagsuntukan kami ni Jerry!"
"Gusto ko syang patayin! Tangina nya!"
"Lahat na lang gusto nyang agawin! Hayop sya!"
"Hindi ko matanggap na binastos ka nya."
Yumuko si Michael at sumuntok sa inuupuan nya. Ramdam ko ang sakit na nadadama nya. Ramdam ko sa bawat paghikbi nya.
"Pero alam mo ba kung ano ang mas masakit?"
"Yung mas kinampihan pa ni Brandon si Jerry!"
"Yung ipinagtabuyan nya ako palabas ng unit namin!"
"Yung pinamukha nya sa akin na wala na talaga akong halaga sa kanya!"
Saglit na tumahimik si Michael. Suminghot at nagpunas ng luha.
"Alam ko na ang nangyari."
"Alam ko na kung bakit ka nagagalit sa akin Terrence."
"Pero sana pakinggan mo muna ako."
Halos hindi makapagsalita ng maayos si Michael sa kakahikbi.
"Nung nagtangka ako sa iyo nung unang inum natin sa unit ay buong akala ko tulog sila."
"Pareho silang gising nun at nag-aabang sa posibleng mangyari sa atin."
"Alam din nila ang ginagawa kong pagdalaw sa unit mo tuwing umaga."
"Alam ko na matagal na nilang inaabangan na magkamali ako para magkaroon ng dahilan si Brandon na iwan ako."
Namula ang mukha ko dahil naalala ko ang eksena nina Brandon at Jerry sa roof top. Para bang nabasa ito ni Michael.
"Oo. Terrence. Alam ko na. Matagal ko nang alam na may relasyon si Brandon at Jerry."
"Matagal na nila akong niloloko."
"Ilang beses ko na din sila nahuhuli. Pero wala akong ginawa. Hinayaan ko lang."
Muling nanahimik at yumuko.
"Alam ko din ang kababuyan na ginagawa nila kay Aldo."
"Alam ko na ang madalas na pagpunta ni Aldo sa unit kapag wala ako."
"Pati yung sa roof top... alam ko na din!"
"Mismong si Aldo ang nagkukwento sa akin. Humihingi sya sa akin ng tulong para lubayan sya nung dalawa dahil binablackmail na sya."
"Na isusumbong sya sa boss niya para matanggal sya sa trabaho."
"Pero wala akong nagawa. Hawak ako sa leeg ni Brandon."
"Kaya pikit mata ko lang na tinanggap yun. Hindi ako nagsalita. Dahil natatakot ako na magalit si Brandon sa akin at tuluyan akong iwanan."
"Hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya.... noon!"
"Pero nung makilala kita para ba akong nakakita ng pagkakataon para makawala sa kanya."
"Alam ko na saglit na panahon lang yun. Pero sapat na panahon yun para makilala kita at maconvince ko ang sarili ko na wala nang patutunguhan ang relasyon namin ni Brandon."
"Hindi ko alam kung ano ang nagawa mo. Basta naramdaman ko na lang na...... mahal kita."
"Na ikaw ang karapatdapat sa pagmamahal na kaya kong ibigay."
Muling tumahimik si Michael. Ilang saglit lang ay kinuha nya ang kamay ko. Niyakap ko sya. Mahigpit na mahigpit. Naaawa ako kay Michael dahil ramdam ko ang hirap ng kalooban nya.
Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Michael. Hinawakan ako sa mukha, ngumiti at binigyan ako ng isang matamis na halik. Halik na puno ng pagmamahal.
"I love you, Terrence!" ang sabi ni Michael sa akin.
Kung dati ay may pumipigil sa akin pero ngayon ay handa na akong magpakatotoo at aminin ang tunay na nararamdamam ko kay Michael.
"I love you too, Michael!"
Halos dalawang oras na mula nang umalis si Michael. Nagresign na sya sa trabaho nya. Uuwi na sya ng Cebu. Kahit umamin na ako sa nararamdaman ko sa kanya ay napagpasyahan namin na hindi ito ituloy. Hindi pa tama sa ngayon. Masyado pang magulo ang sitwasyon.
Sinabi ni Michael na gusto nyang buo na sya bago maging kami. Gusto nya na magsimula ang lahat sa tama. Gusto nyang masigurado na handa na sya at wala na talaga si Brandon sa buhay nya.
Kahit ako hindi ako sigurado kung talagang handa na ako. Unang beses ko ito. At gusto ko na ito ang magiging huli. Nangako si Michael na babalik sya kapag handa na sya. Nangako ako na maghihintay. Hindi ko alam kung kakayanin ko. Sana!
Lumipas ang dalawang taon. Mula nang umalis si Michael ay makailang beses lang sya na nagparamdam sa akin. E-mail at text lang. Mangangamusta pero kapag nagreply ako hindi na sya sasagot ulit. May mga pagkakataon na gusto ko syang itext at tawagan pero parang may nagsasabi sa akin na "huwag!" Binalak ko din na puntahan sya sa Cebu pero hindi ko alam kung paano at ano ang gagawin ko kapag nagkita kami. Sa totoo lang ang hirap pero naghihintay pa din ako sa kanya dahil pinanghahawakan ko ang pangako nya sa aking babalik sya. Kahit minsan ay tinatanong ko ang sarili ko kung dapat pa ba akong maghintay. May hinihintay pa ba ako?
Apat na buwan mula nang umalis si Michael ay nagresign na din si Aldo sa trabaho nya. Umuwi na sya sa Isabela at nagpasyahang duon na lang ulit magtrabaho. Hindi na naulit ang nangyari sa amin. Aaminin ko. Muntikan nang may mangyari bago sya umalis. Gustong gusto ko pero ako na mismo ang umayaw. Dahil pakiramdam ko pagtataksilan ko si Michael kapag ginawa ko yun. Nangako ako sa kanya at marunong akong tumupad sa isang pangako.
Nakikita ko pa din si Brandon at Jerry sa condo. Nung una medyo awkward pero nang lumaon ay naging ok din naman. Nagsorry na din sa akin si Jerry at agad ko namang pinatawad. Madalas ay inaaya ako nung dalawa na mag-inum sa unit. Nung una pumapayag ako pero nung minsan na magtangka si muli si Jerry ay tumatanggi na ako.
Si Karlo naman ay..... ayun malibog pa din. Ahahaha. Nagkakainuman pa din kami kapag nakauwi ako sa amin. Ganun pa din sya. Kapag nalasing e kinakati. Hihiram ng cellphone ko para manuod ng scandal. Kapag nalibugan ay magsasalsal sa harap ko. Kung may pagtataksil man na ginagawa ako kay Michael ay ito na yun. Yung panuorin si Karlo sa pagsasalsal nya. Pero ni minsan hindi ko sya hinawakan. Nagkasya lang ako sa panunuod. May mga pagkakataon din na pati ang ilang tropa ni Karlo ay nagparamdam sa akin. Yung iba nagsalsal na din sa harap ko. Kahit sobrang natetemp na ako pumatol ay pinigilan ko pa din ang sarili ko. Nangako ako kay Michael.
Madami na din akong nakilala. Madami na ding nagparamdam. Sa office. Sa bar. Sa bus. Sa FX. Kababata. Kaklase dati. Acquaintance. Sapilitang double date. Set up na blind date. Sa totoo lang may ilang beses din na naging interesado ako sa nakilala ko pero hindi pa din nawawala ang pag-asa ko sa pagbabalik ni Michael. Kahit unfair na minsan. Ganun talaga siguro. Mahal ko e. At habang tumatagal lalo ko syang minamahal.
March 1, 2014. Yang ang isa sa pinakaimportanteng araw sa buhay ko.
Sabado yun pero madaming kailangang tapusin kaya nagrestday OT ako. Tapos na naman ang isang buong araw na pagpapaalila sa trabaho. Nagkayayaan ang mga katrabaho ko na mag-inum. Pero hindi na ako sumama. Hindi naman ako pagod pero parang wala ako sa mood gumimmick. Agad kong inayos ang mga gamit ko para makauwi.
Dahil gabi na ay mag-isa lang ako sa elevator. Habang nasa elevator ako pababa sa ground floor ay sumagi sa isip ko si Michael. Miss na miss ko na talaga sya. Gustong gusto ko na sya makita. Gusto ko na syang hawakan. Gusto ko na syang yakapin.
"Hanggang kelan ba Michael?" tanong ko sa isip ko.
Bumukas ang pinto ng elevator. Hindi ako nakalabas agad dahil para bang may kung anong liwanag na bumulaga sa akin mula sa labas. Para bang may aparisyon. May isang lalaki na nakatayo sa harap ng elevator. Matangkad. Maputi. Maganda ang katawan. Mapuputi ang mga ngipin. Astigin ang dating dahil sa hikaw sa tenga at tattoo na sumisilip sa manggas nya. Binibigyan ako ng pamilyar na mga ngiti at maluhaluhang mga tingin.
Para ba akong nahipnotismo. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Dahan dahan ako lumabas ng elevator. Unti unting lumapit sa isang anghel na nasa harap ko. Yumuko saglit dahil hindi ko mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Muli ay tumingin ako sa lalaki at ngumiti....
"Michael....."
(WAKAS)

No comments:
Post a Comment