Pages

Sunday, April 3, 2016

On the Wings of Love (Part 2)

By: Kenji-chan

Madilim na nang ako ay bumangon. Matagal-tagal rin akong nagkunwaring tulog upang pahupain ang libog na naramdaman ko. Lumabas ng dorm si Vanderson matapos sunduin ng ilang kaibigan. Sa rinig ko ay magdodota sila at sa tingin ko  mukang gagabihin ng uwi. Nagsimula na akong magsaing at magluto ng ulam para sa aming dalawa. Ginisang sayote na may giniling ang aking iniluto dahil nabanggit ni Tita Sonia na paborito yun ni Vanderson kaya ingredients nun ang pinadala ni mama.

“Bakit kailangan ko pang i-impress ang loko?”, bulong ko sa isip ko.

Pwede namang yung paborito kong ulam ang ipaluto sa akin ni mama. Kung sabagay, ako ang nakikisama sa dorm na ito, sa isip-isip ko. Marapat na makuha ko talaga ang loob ng mokong para mamuhay kami ng matiwasay araw-araw.

Quarter to 10 na ng dumating si Vanderson. Kakatapos ko pa lamang maghugas ng pinagkainan dahil sinubukan ko syang antayin na dumating pero di na kinaya dahil nag-aalburoto na ang mga alaga ko sa tyan. Matinding katahimikan ang bumalot sa buong silid. Walang gustong magsalita at kahit ang gumawa ng kaunting ingay sa paligid ay nililimita.

“May pagkain na may taklob dyan sa mesa”, pagbasag ko ng katahimikan.

“Kumain na ako…….. Sa…. lamat”, sagot nya na waring nag-aalangan pa magpasalamat.

“Ok”, matabang kong sagot sabay kuha ng ulam sa loob ng taklob at inilagay sa fridge.

Natulog kami na yun lamang ang aming pag-uusap. Mukang may pagkasuplado na rin si mokong. Nabubuo sa dibdib ko ang sama ng loob sa pinakita nyang asal.

Past 9  na ng umaga nang magising ako kinabukasan at wala na si Vanderson sa dorm. May napansin akong papel na pinunit sa notebook na nakadikit sa fridge gamit ang magnetic decor na eroplano. Nilapitan ko iyon at binasa.
“Salamat sa niluto mong ulam. Kasing sarap ng luto ni mommy”, mga katagang nakasulat sa iniwan nyang papel.

Di ko mawari ngunit parang may tuwa akong naramdaman sa aking puso.
“Hindi naman pala sya ganoong kasama”, banggit ko sa aking sarili.

Actually nagpatulong ako kay Tita Sonia sa pagluluto. Tinetext ko sya habang ginagayat ko ang mga ingredients. Ayoko kasing mapulaan ni Vanderson ang luto ko.

Umiinom ako ng tubig galing sa fridge nang mayamaya ay narinig ko ang pagpasok ng susi sa doorknob ng pintuan. Nagkaroon na naman ng tensyon sa aking katawan dala ng kaba na kasama ko na naman si Vanderson sa kwarto. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang pawis na pawis nyang katawan habang ang kanyang jersey ay nakapatong sa kanyang balikat. Ang sarap pagmasdan ni Vanderson. Natauhan lamang ako ng magsalita siya.

“Oh…… Na napano ka?”

“Ahhh wala”, pagpapalusot ko.

Sinara niya ang pinto at nilagpasan ako.  Naramdaman ko ang init na lumalabas sa kanyang balat at naamoy ko rin ang mabangong amoy ng pabango niya na nahaluan ng pawis at amoy lalaki. Di ko maintindihan pero parang mababaliw ako sa pagdaan nyang yun. Gusto ko syang yakapin at sambahin at puro pintig ng puso ko ang naririnig ko.

“Dubdub… dubdub… dubdub… dubdub…”, paulit-ulit at nakakabinging tunog ng puso ko.

Dahan-dahan akong humarap sa kinaroroonan ni Vanderson at laking gulat ko na nakatingin pala sya sa akin. Mga tingin na pawang nang-aakit.  Parang magnet na hinihila ako papalapit sa kanya at kahit parang nakapako ako sa aking kinatatayuan ay parang mabubuwal ako at patakbong mahuhulog sa kanya.

“Type mo ba ako?”, nakakabiglang tanong ni Vanderson na lalong nagpawala ng focus ko.

“Dubdub! Dubdub! Dubdub! Dubdub! Dubdub! Dubdub!”, naging mas nakakabingi ang tibok ng puso ko. Parang mapapaluhod ako sa panghihina ng tuhod ko.

“Hi…… hi….. hin..di ahh”, nauutal kong sagot.

“Hahahahaha……” natawang reaksyon ni Vanderson na akmang papalapit sa akin.

Nais kong umatras ngunit parang walang lakas ang mga paa ko. Kung kanina ay parang maaalis ang pagkapako ng mga paa ko sa sahig, ngayon ay tila lalong bumaon ito sa kinatatayuan ko.

“Ok lang yan. Tayo lang naman ang nakakaalam eh. Wag ka mag-alala d kta isusumbong kay mommy o kay tita” sambit niya at kinuha ang kaliwang kamay.

Halos manginig ang buong katawan ko sa kaba, takot at higit sa lahat ay nanlalamig. Alam ko naramdaman nya ang lamig ng palad ko dahil sa dagdag lakas nyang pagpisil dito.

 Ngunit bigla tumawa ng nakakaloko si mokong.

“Bwahahahahahahaha!!! Hahahahahahaha!!! Biro lang”, saka binitiwan nya ang kamay ko at binuksan ang pintuan ng fridge para kunin ang blue bolt gatorade.

Tila kumawala ang dugo sa aking muka at umakyat ang panlalamig ng kamay ko papunta dito.

“Pahiya ka ng malupit dun ahhhh”, pang-aasar ko sa isip ko sa aking sarili.

Lumabas ako ng dorm at nagtigil ako sa 7 eleven. Pumwesto ako sa table kung saan bumubuga ang lamig ng aircon. Patanghali na noong oras na yun at ang init sa labas.

Hiyang-hiya ako sa nangyari at di maalis sa isip ko kung napapansin na ba talaga ni mokong ang kakaibang nararamdaman ko. Dito ko din napagtanto  at natanggap na iba ako. Siguro nga ay gusto ko ang mokong na yun. At unti-unting bumalik ang mga nakaraan namin.

Yung unang punta nila ni tita Sonia sa amin na ang inosente pa nyang tingnan. Ang cute nya dahil sa makapal nyang mga kilay at makinis at morenong kutis. Ang mga tawa nyang mapang-asar pag tinutukso nya ako. Oo nakakagalit pero ang gwapo nya nun. Yung neat and formal nyang itsura noong iniabot nya sa akin yung regalo nya noong birthday ko na ang laman pala ay gameboy color na kinaiinggitan ko sa kanya…..

Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni ng may magsalita sa tabi ko.

“Maaari bang makishare ng table?”, tanong ng isang maputi at may makatangkarang lalaki.

“Badtrip naman ito, panira ng moment”, sa isip-isip ko.

Habang papaupo siya ay pinagmamasdan ko ang itsura niya. Maamo ang muka niya, makapal ang kilay, di gaanong kakinisan ang kutis dahil sa ilang pimples ngunit di naman naging kabawasan sa kanyang kagwapuhang taglay. Dala-dala nya sa isang tray ang dalawang hotdog sandwich at dalawang smart C lemon. Inilapag nya sa mesa ang tray.

Bilang pagtataka kung saan pa uupo ang kasama niya dahil pang dalawang tao ang dala niyang pagkain ay tumingin-tingin ako sa paligid. Pero wala namang ibang tao sa loob ng 7 eleven.

“Baka parating pa lang”, sagot ko sa aking isip.

Nakakarelax ang lamig na galing sa aircon at ang tugtog sa loob ng store na Torete by Moonstar88. Napapasabay pa ako ng pabulong sa kanta. Nagsimula na kumain ang lalaki. Madahan siyang kumain at nabatid ko na tingin sya ng tingin na nagdulot sa akin ng pagkailang.

“Salamat pala sa pagshare ng table”, nag-aalangan nyang pagbasag sa katahimikan namin.

“Wala yun, ang init naman kasi talaga kaya masarap pumwesto sa table na ito”, tugon ko sa kanya.

“Ako nga pala si Dexter, 2nd year Aircraft Maintenance Technology”, sabay abot ng kamay matapos punasan ng tissue. Kitang-kita sa kanyang magandang pagkakangiti ang pantay-pantay at mapuputing mga ngipin.

“Kenji, 1st year Tourism”, nag-aalangan at nahihiya kong sagot. Ang awkward naman kasi na nakashare mo lang sa upuan ay feeling close na.

“Sino ito? Si Mr. Right?”, pambobola ko sa isip ko.

“Sayo na lang ohhh, di ko na pala kayang ubusin. Busog na ako”, pag-aalok ni Dexter sa akin at akmang iaabot.

Hindi ko pa naiaangat ang kamay ko upang abutin ang hotdog sandwich at smart C ay bumukas ang pinto ng store. Napatingin kami ni Dexter dahil medyo pabigla ang pagbukas ng pinto. Sakto namang palit ng kanta sa loob ng store at prelude pa lang ng Ngiti by Ronnie Liang. Laking gulat ko na si Vanderson ang pumasok at parang nagslowmo ang paligid.

“Tara na sa dorm, nakaluto na ako”, bungad ni Vanderson na nakapagpagising sa pagkatulala ko. Hinawakan niya ako sa balikat at medyo hinihila para tumayo na sa aking pagkakaupo.

Napatayo ako sa aking kinauupuan dahil na rin sa pag-aaya ng mokong.

“Salamat na lang Dexter. Mauna na ako.”, may gusto pa sana akong sabihin kay Dexter pero hinawakan na ako ni Vanderson sa braso at giniya palabas.

Para akong suspect na hinuli ng pulis sa paglabas naming yun ni Vanderson. Lumingon uli ako sa loob ng store at nakita kong nakangiting kumakaway si Dexter. Ang gwapo talaga niya.

Itutuloy

No comments:

Post a Comment

Read More Like This