Pages

Sunday, April 17, 2016

On the Wings of Love (Part 3)

By: Kenji-chan

Hila-hila pa rin ako ni Vanderson pauwi ng dorm at bumilis ng bahagya ang paglalakad niya ng makalayo kami sa 7 eleven. Medyo nasasaktan na ako sa pagkakahawak at paghila niya.

“Aray ko! Bitawan mo nga ako, nasasaktan ako.” Hinila ko ang kamay ko para makawala sa pagkakahawak niya.

Tanaw ko na ang pintuan ng dorm kaya nagmadali na akong maglakad at iniwanan ko na sya. Pagdating ko sa pintuan, hinawakan ko ang doorknob at pinihit upang buksan pero lock nga pala.

“Tanga lang?”,sabi ko sa sarili ko.  Di ko din pala nadala ang susi ko nung nagmamadali akong umalis kanina dahil sa hiya sa nangyari sa amin ni Vanderson.

Habang parang tanga kong iniikot-ikot ang doorknob kahit alam ko namang hindi ito bubukas ay dumampi ang mainit na katawan ni Vanderson sa likod ko.

“Sandali lang bubuksan ko. Sisirain mo ang pinto natin”, bulong niya sa akin.

Pinaubaya ko ang doorknob at gumilid ng kaunti habang nakatingin sa kanya. Amoy na amoy ko ang nakakabaliw na amoy lalaking pawis at pabango niya na naghalo dahil sa init ng panahon.  Nakatitig ako sa gilid ng muka niya habang isinusuot niya ang susi sa doorknob. Nabigla ako ng tumingin siya sa akin gamit ang seryoso niyang muka matapos tumunog sa pagkakabukas ang doorknob. Parang bumagal na naman ang mundo ko. Hahahay….

“Bakit?”, tanong niya sa akin sabay taas ng dalawa niyang makakapal na kilay.

“Ahhhhh wala”, sagot ko at agad kong binuksan ang pinto para pumasok.

Dumiretso ako sa banyo at agad na sinara ang pinto. Tumingin sa salamin.

“Ano ba ito?”, tanong ko sa sarili ko.
Nagflush ako ng toilet kahit hindi naman ako nag gumamit. Huminga ako ng malalim saka lumabas ng banyo.

Naka earphones si mokong na nakikinig sa kanyang iphone. Naka-upo siya at naka salalay ang batok sa sandalan ng sofa habang nakapikit. Papunta na ako sa aking kama ng bigla syang nagsalita.

“Sino yung kausap mo?”

Humarap ako sa kanya. Hindi siya gumagalaw sa pwesto niya at nakapikit pa rin sya habang naka earphones.

“Ahhh si Dexter, nakiupo lang”, sagot ko.

“Ang  dami namang bakanteng lamesa bakit kailangang makiupo pa sayo?”, dagdag niyang tanong ngunit sa tonong hindi nag-hihintay ng kasagutan.

“Binilhan ka pa ng pagkain”, bulong pa niya na halos hindi ko marinig.

“May pagkain nga pala akong niluto dyan, lam kong di ka pa nakakakain”, seryosong dagdag nya sa mas malakas na boses.

“Salamat, nag-abala ka pa talagang sunduin ako sa 7 eleven”, sarkastiko kong sagot sa kanya pero deep inside ay may kilig dahil nagbigay siya ng oras para sunduin ako. Napaisip tuloy ako kung paano niya nalamang nandoon ako.

Halos buong linggong gabi lang kami nagkikita ni Vanderson. Gigising ako ng maaga para pumasok habang tulog pa siya at pag dating ko naman ay nakapasok na siya. Sa gabi ay magluluto ako ng dinner namin ngunit laging late na sya nakakauwi.

May ilang beses ko ring nakita sa school si Dexter.

Habang nakatambay ako sa library ay tumabi siya sa akin at nabigla pa nung makitang ako ang katabi. Ang daldal nya kaya naman napagalitan kami nung librarian. Ang dami nyang kwento. Nalaman kong transferee pala sya galing sa kalabang school namin. Solong anak at parehong nasa ibang bansa ang mga magulang. May unit siyang sarili malapit sa school na ang nakakapasok lamang ay mga dormers at unit owners. Kasama niya ang childhood bestfriend nitong si Sofia. Okay lang sa parents ni Sofia na sila lamang ang magkasama sa unit dahil boto rin naman ang mga ito kay Dexter. Ngunit sabi ni Dexter ay kaibigan lamang talaga ang turing nya kay Sofia. Tourism din ng course ni Sofia pero 2nd year na siya. Sino bang di makakakilala sa kanya? Secretary siya ng student council at ang sabi-sabi ay nanalo daw siya sa pageant ng school tuwing foundation day noong nakaraang taon. Nakita ko na rin siya sa personal at masasabi kong napakaganda talaga niya.

Minsan naman ay nasa lobby ako ng school ng may tumakip sa mga mata ko gamit ang malalaki, mababango at malalambot na kamay. Doon pa lamang ay nalaman ko ng si Dexter yun. Bago kasi kami umalis ng library noong isang araw ay nakita kong inilabas niya ang itim na bote ng Hugo Boss at nag spray at yun mismo ang amoy ng kanyang mga kamay.

Nagkita rin kami sa canteen habang nakatayo ako sa mahabang pila papunta sa pagpipiliang mga paninda. Galing siya sa nagtitinda ng doughnuts bitbit ang ilang balot nito at lumapit sa akin. Iniabot niya sa akin ang tatlong piraso nito at patawang sinabi na ubusin ko lahat iyon. At nagmamadaling lumabas ng canteen. Ibinalik ko tuloy ang mga tinapay kong kinuha at inumin na lamang ang binili.

Ang isa pang di ko makakalimutan ay nang palabas ako ng school habang naka earphones at nakikinig ng music ay bilang may tumabi sa akin. Napatingin ako at nabigla na si Dexter na naman pala iyon at pasabay daw syang umuwi. Tinawanan ko siya dahil mas malapit ang unit niya kaysa sa dorm ko. Sabi niya ay ihahatid niya ako hanggang dorm para naman malaman niya kung saan ako nakatira. Pumayag naman ako at inihatid nya nga ako. Pinatuloy ko na rin siya at pinagmiryenda. Ang dami niyang kwento sa akin at nakakaaliw talaga siya ngunit noong mga oras na yun ay iniisip ko si Vanderson dahil umuwi siyang lasing kagabi. Iniisip ko kung may problema ba ang lokong yun.

Habang nasa kalagitnaan kami ng tawanan ni Dexter ay biglang bumukas ang pintuan ng dorm at pumasok si Vanderson. Di na namin namalayan ni Dexter ang pagsususi ni mokong para buksan ang pinto. Bigla kaming natahimik at napayuko.

Tuloy-tuloy lang naman si Vanderson sa pagpasok at ibinaba ang bag sa sofa.

“Aalis ka uli?” tanong ko na sinagot naman niya ng oo kahit nasa kalagitnaan pa lamang ako ng pagtatanong.

“Anong oras uwi mo?”, dugtong ko na hindi na niya nasagot dahil tila nagmamadali ito para umalis.

Hinintay kong makauwi si Vanderson, mag aalauna na nang siya ay dumating. Batid ko na nakainom na naman ito dahil sa amoy niya.

“May problema ka ba?”, tanong ko sa kanya na hindi naman niya sinagot.

“Pwede mo akong pagkatiwalaan, makikinig ako”, dagdag ko.

“Ano ba yung problema mo?”, dagdag ko uli.

Pero  di ko matinag ang katahimikan niya.

“Huy! Anong problema mo?”, tanong ko uli.

“Sige na sabihin mo na sa akin”, pangungulit ko.

Nang bigla siyang lumapit at halos maglapat ang labi namin. Galit na galit siya at naluluha-luha ang mga mata.

“Ano bang paki mo?!”, sagot niya sa akin at lumapit sa kanyang bag at kinuha ang earphones at umakyat sa kanyang kama.

Nabigla ako sa lakas ng pagkakasabi niyang iyon at ang tanging nagawa ko lamang ay panuorin siyang umakyat ng kanyang kama, naglagay ng earphones at humiga patalikod sa akin.

Itutuloy

No comments:

Post a Comment

Read More Like This