Pages

Sunday, April 17, 2016

Tissues (Part 6)

By: Terrence

[ ANG NAKARAAN: Nabigla na lang ako nang bigla nyang inangat ang ulo nya sabay alis ng seatbelt. Humarap sya sa akin. Naantig ang puso ko nang makita ko ang paggulong ng mga luha mula sa mga mata nya. Hindi ko na din napigilan ang mapaiyak.

"Mark. Wag ka namang ganyan. Hindi ko kayang makita na nagkakaganyan ka." Umiiyak na sabi ko.

Hindi na sya umimik. Isang malungkot na expresyon lang isinagot nya sa akin. Dahil sa bigat ng damdamin ko ay wala na akong nagawa kundi ang mapayuko at mapahagulgol.

Agad nya akong hinawakan sa balikat.

"Kenneth...." humihikbing sabi nya.

Ilang saglit pa ay iniangat nya ang mukha ko at sinuggaban ako ng halik.... ]

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa ni Mark. Although, may pagnanasa na ako sa kanya pero hindi ko inakala na mangyayari sa amin ito. Tuluyan na akong nadarang sa mga nangyari kaya unti unting pumikit ang mga mata ko at lumaban ng pakikipaghalikan.

Pero biglang pumasok sa isip ko si Aldred kaya agad akong kumawala sa halikan namin ni Mark.

"Mark...." ang tangi kong nasabi.

Hinawakan ni Mark ang mukha ko. Saglit na hinimas ng mga hinlalaki nya ang magkabilang pisngi ko. Binigyan ako ng isang matamis na mga ngiti. Humugot sya ng malalim na hininga at nagsimulang magsalita.

"Alam ko na nalilito ka Kenneth... pero hayaan mo akong ipaliwanag sa iyo ang lahat." panimula nya.

Saglit na tumahimik si Mark. Nag-isip ng sasabihin.

"Matagal na kitang pinagmamasdan. Kayong dalawa. Kita ko sa mga mata mo ang kaligayahan tuwing magkasama kayo." dugtong nya.

"Wala akong ibang nararamdaman kundi ang pagkainggit. Hindi man kita nakakausap. Hindi man kita kakilala pero kita ko sa mga mata mo na mahal na mahal mo ang lalaking yon."

"Kaya naitanong ko sa sarili ko... kailan ba ako makakakita ng tao na titingnan ako ng tulad ng kung paano mo tinitingnan ang lalaking yun."

"Sobrang sumasama ang loob ko sa tuwing nakikita kong may ibang syang kasama at hindi ikaw."

"Iniisip ko kung paano nya nagagawang gaguhin ang isang katulad mo. Hindi ko maintindihan. Makailang beses na gusto ko syang sitahin pero alam ko na wala akong karapatan."

Muli syang tumahimik. Kita ko ang lungkot sa mga mata nya. Gusto ko syang yakapin. Nadudurog man ang puso ko ay hinayaan ko lang syang magsalita.

"Tumatak sa isip ko nung makita ko ang pamumugto ng mga mata mo nung unang beses kang pumunta dito na mag-isa."

"Alam ko na ayaw mo ng Caramel Macchito. Kita ko sa reaksyon mo tuwing pinipilit ka nya na painumin nun. Natatawa na nga lang ako at naaawa kapag pikit mata mo na iniinum yun. Ramdam ko na pinipilit mo lang para mapagbigyan ang lalaking yun."

"Kaya nung umorder ka nun... alam kong may problema. Alam ng Diyos kung gaano ko kagusto na tanungin ka nun. Kaya lang naduwag ako."

"Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit ko nagawa na abutan ka ng mga tissue na may nakalagay na 'Smile ka naman.' Ang alam ko lang ay di ko kaya na makitang nalulungkot ka."

"Dahil hindi ako sanay."

Yumuko si Mark. Alam ko na iniiwas nya sa akin ang mga mata nya na nagsisimula na namang bagsakan ng mga luha.

"Ipinangako ko sa sarili ko na tutulungan kita na manumbalik ang mga ngiting nawala sa iyo."

"Hindi mo alam kung gaano ako kaligaya nang makita ko ang mga ngiti mo pagkatapos ng mahabang panahon."

"May mga problema din ako. At alam mo yan. Pero pinili ko na isantabi ang mga problema ko.... makita ko lang muli ang mga ngiti mo."

Humikbi si Mark. Ramdam ko ang pagbigat ng damdamin nya. Binitiwan nya ang mukha ko. Humawak sya sa manubela ng sasakyan nya. Humugot ng malalim na hininga at muling nagsalita.

"Pero hindi ko maintindihan Kenneth.... bakit pilit mo na namang ibinabalik ang sarili mo sa dating buhay mo?"

"Ok ka na di ba? Masaya ka na di ba? Bakit gusto mo na namang pahirapan ang sarili mo?"

"Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko para maramdaman mo na.... that there's life after Al... Al... Ald... Aldred?" Malungkot na tanong nya sabay tingin sa akin ng seryoso. Pero hindi nya magawa na titigan ako ng matagal dala na din sa sama ng loob.

"Mark... hindi ko alam ang sasabihin ko. So..... sorry!"  Ang tangi kong nasabi.

Muling humarap si Mark sa akin. Hinawakan ang mga kamay ko. Humugot ng malalim na hininga at nagsimula muling magsalita.

"Magsisinungaling ako kung sasabihin ko sa iyo na nauunawaan kita. Sinasabi mong mahal mo sya, pero paano mo nagagawang magmahal ng iba kung ang sarili mo ay hindi mo magawang mahalin. Hindi na kita maintindihan Kenneth."

"Gusto na sana kitang hayaan eh. Dahil naiisip ko na baka talagang sya lang ang magpapasaya sa iyo. Pero di kita matiis. Natatakot ako na baka bumalik ka na naman sa dati. Hindi na ako papayag na sirain mo na naman ang sarili mo nang dahil sa taong iyon."

"Gusto kong sumaya ka. At naniniwala ako na hindi ang lalaking yun ang tunay na makakapagpasaya sa iyo..."

"Kundi ako..." ang sabi nya sabay halik sa mga kamay ko.

"Kenneth... hindi ko na pipigilan ito. Kung hindi ko sasabihin ito sa iyo ngayon... kelan pa?"

"Alam ng Diyos na maraming beses na ginusto kong sabihin ito sa iyo pero natatakot ako sa magiging reaksyon mo."

"Kaya dinadaan ko na lang sa gawa. Umaasa ako na isang araw ay mapapansin mo din ang mga effort ko."

Muling tumahimik si Mark at nag-isip. Ramdam ko ang pag-aalinlangan nya. Kita ko sa mga mata nya ang takot. Pero binalewala nya ang pag-aalinlangan. Huminga sya ng malalim at...

"Mahal kita Kenneth...."

"Hindi mo alam kung gaano katagal kong hinintay ang pagkakataon na ito para masabi ko ang nararamdaman ko sa iyo."

"Gagawin ko ang lahat para sumaya ka. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon." ang rebelasyon nya habang seryosong nakatingin sa akin.

Parang musika sa pandinig ko ang mga naririnig ko kay Mark. Tagos sa dibdib ko ang sinseridad sa bawat salita na lumalabas sa bibig nya. Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari.

Unti unting lumapit ang mukha ni Mark sa mukha ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at inihanda ang sarili ko sa mga mangyayari. Inaabangan ko ang muling paglalapat ng mga labi namin nang bigla na namang pumasok sa isip ko si Aldred.

Agad akong umiwas sa pagdidikit ng mga labi namin ni Mark. Ramdam ko ang pagkabigla niya. Pagkabigla na agad na napalitan ng pagkadismaya. Binigyan nya ako ng isang malungkot na tingin. Mga tingin na hindi ko magawang tingnan.

Ilang saglit lang ay pinaadar nya ang sasakyan nya. Pasimple ko syang tiningnan. Hindi ko alam kung malungkot o galit sya. Hindi ko maipinta.

Hindi kami nag-uusap habang umaandar ang sasakyan. Palitan ng buntong hininga lang ang namagitan sa amin. Sobrang awkward.

 Ilang saglit pa ay nasa Shaw Crossing na kami.

Ang bigat sa dibdib ng sitwasyon. Hindi ako makahinga ng maayos. Halo halo ang nararamdaman ko. Gusto kong bumaba...

"M...m... Mark!" mahinang sabi ko.

"Dito na lang ako...." sabi ko.

Akma ko nang bubuksan ang pinto ng sasakyan para bumaba nang biglang itong nilock ni Mark. Wala na akong nagawa nang tuloy tuloy na umandar ang sasakyan at lumiko pakaliwa.

Kung tutuusin ay sampung minuto lang ang byahe mula crossing papunta sa apartment ko. Pero dahil sa sitwasyon ay iyon na yata ang pinakamahabang sampung minuto sa buong buhay ko.

Wala pa din syang kibo. Ramdam ko ang paglakas ng pagbuntong hininga nya habang papalapit kami sa apartment ko. Humarap ako kay Mark. Tulad kanina ay hindi ko pa din maipinta ang mukha nya. Malungkot na galit na di mo mawari.

Gusto ko syang kausapin... pero walang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nanatili lang ako na nakitingin sa kanya hanggang sa maramdaman ko ang pagpreno ng sasakyan. Nasa harap na kami ng gate.

Muli kong tiningnan si Mark. Pero hindi sya tumitingin sa akin. Ilang saglit pa ay umangat ang lock ang pinto ng sasakyan nya. Hahawakan ko sana si Mark sa balikat pero di ko magawa. Kaya nagpasya na akong bumaba para makahinga na ako ng maayos.

Akma na akong bababa nang bigla nyang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit. Tila ba na nagsasabing huwag muna akong lumabas. Huwag ko muna syang iwanan. Bigla syang napakagat sa ibabang labi nya. Marahil ay pilit na pinipigil ang pagpatak ng mga luhang namumuo sa mga mata nya.

Nadudurog ang puso ko sa aking nakikita. Hindi ko kakayanin na makita ang muling pagpatak ng mga luhang iyon kaya agad kong hinatak ang kamay ko at magmamadaling lumabas ng sasakyan nya.

Papasok na ako ng gate ng marinig ko ang pagharurot ng sasakyan ni Mark. Ang bigat ng dibdib ko. Halos di ko maihakbang ang mga paa ko. Sobra akong naguguilty sa ginawa ko. Gustuhin ko man na balikan si Mark ay huli na. Wala na sya.

Halos pabagsak kong ihiniga ang sarili ko sa kama ko. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Sobra akong nalulungkot. Para bang wala akong utang na loob sa ginawa ko kay Mark. Sa kabila ng lahat ng ginawa nya sa akin ay nagawa ko syang saktan.

Parehong nasa isip ko si Aldred at Mark. Tinitimbang ang lahat. Gusto ng puso ko si Aldred pero si Mark ang sinasabi ng isip ko. Bakit ba ang hirap mamili? Sabi nyo nga ang haba ng buhok ko, pero mas nanaisin ko pa na magpakalbo kesa naguguluhan ako ng ganito.

Ilang minuto din akong nakatitig sa kisame. Patuloy na tinitimbang ang lahat. Hindi ako makatulog. Kailangan kong uminum ulit. May malapit na convinience store naman sa apartment. Kaya tumayo ako at kinuha ang wallet ko. Pero kulang na ang perang nasa wallet ko. Kaya agad kong binuksan ang drawer ko kung saan may naitabi akong pera.

Pagbukas ko ng drawer ay tumambad sa akin ang sandamukal na tissue na ibinigay ni Mark sa akin. Biglang nagflashback sa akin ang lahat ng ginawa ni Mark. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

"Fuck! What have I done?" ang nasabi ko sa sarili ko.

Agad kong kinuha ang phone ko. Gusto kong tawagan si Mark to apologize. Akma na akong tatawag nang biglang may kumatok sa pinto ng apartment ko. Agad akong lumapit sa pinto para buksan ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang taong nakatayo sa may labas ng pinto.

Si Mark.

"Mark..." nauutal kong sabi.

"Sorry Kenneth... Pero..." hindi na natapos ni Mark ang sinasabi nya. Agad ko syang hinatak papasok sa loob ng apartment at sinunggaban ng halik.

Nuong una ay medyo gulat pa si Mark pero nung lumaon ay lumaban na din sya ng halikan. Halos hindi ako makahinga sa tindi ng paghahalikan namin. Ramdam ko ang tindi ng pagnanasa ni Mark dahil halos mapiga ang katawan ko sa tindi ng pagkakayakap nya.

Ilang saglit pa ay bumaba ang mga labi ni Mark papunta sa leeg ko. Hindi ko malaman ang gagawin ko sa sarap ng nararamdaman ko. Parang bang mababali ang katawan ko dahil sa pagkalapalipit nito. Maya maya pa ay muling bumalik ang mga labi nya sa mga labi ko. Para bang magkaaway ang mga dila namin na naglalaban sa loob ng bibig namin.

Saglit na kumalas si Mark sa paghahalikan namin. Naghahabol ng hininga habang magkadikit ang mga noo namin. Nakahawak sya sa batok ko. Para bang pabango ang hininga ni Mark na nanunuot sa ilong ko. Nakaka-addict.

"Fuck! Kenneth! Hindi kita matiis." naghahabol ng hininga na sabi ni Mark.

"Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Na matikman ko ang mga labing yan." sabay halik sa akin.

"Bigyan mo lang ako ng pagkakataon na mahalin ka. Gagawin ko ang lahat para lumigaya ka." sabay ngiti sa akin.

Hinawakan ko ang mukha nya. Hinimas ng mga hinlalaki ko ang magkabilang pisngi nya. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Gusto kong umoo sa sinasabi nya pero parang may pumipigil pa din sa akin. Kaya binigyan ko na lang sya ng isang matamis na ngiti.

Niyakap ako ni Mark. Sobrang higpit. Napakasarap. Sobrang init. Ramdam ko ang pagmamahal sa akin ni Mark. Ramdam ko ang proteksyon mula sa mga bisig na iyon.

Ilang saglit pa ay kumawala si Mark sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan ako sa kamay at inaya papunta sa kwarto ko.

Inalis ni Mark ang suot kong t-shirt. Pagkahubad ay dahan dahan nya ako ihiniga. Binigyan nya ako ng isang matamis na halik bago sinimulang ang pagkalas sa sinturon ko. Binuksan ang butones at ibinaba ang zipper ng short ko.

Akma na nyang ibababa ang short ko nang pigilan ko sya. Medyo nahihiya pa ako dahil bukas ang ilaw at first time naming gagawin yun. Napatawa lang si Mark nang makìta nya ang pamumula ng mukha ko.

Ilang saglit lang ay si Mark naman ang nagtanggal ng damit. Hindi ko halos kinakitaan ng pag-aalinlangan si mokong nang bigla din nyang hinubad ang pang-ibabang suot nya. Hindi na ako magtataka dahil sa lahat ng aspeto ay maipagmamalaki sya. Ganda ng mukha. Kinis ng balat. Magandang pangangatawan.

Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang kahubdan nya. Hindi pa din ako makapaniwala sa nakikita ko. Para bang may hubad na anghel na nang-aakit sa harap ko. Sino ba naman ang makakatanggi sa ganung sitwasyon. Kaya ako na mismo ang naghubad ng shorts at underwear ko.

Napangiti lang si Mark. Pinagmasdan ang buong katawan ko. Mula ulo hanggang paa. Para bang sinusuri ang bawat parte ng pagkatao ko. Agad ako nakaramdam ng pagkahiya kaya agad kong tinakpan ng mga kamay ko ang alaga ko at umiwas ng tingin sa kanya.

Agad na umupo si Mark sa tabi ko at pilit na inalis ang mga kamay ko na katakip sa alaga ko.

"Huwag kang mahiya... pasensya ka na kung di ko mapigilan na humanga... ang tagal ko nang pinangarap na mangyari ito... " nakangiting sabi nya sa akin.

Unti unting lumapit muli ang mukha ni Mark sa akin. Kakaibang kuryente ang gumapang sa pagkatao ko nang maglapat ang mga labi namin. Tuluyan na akong nadarang nang pumatong sya sa akin at magdikit ang mga balat namin.

Maingat na hinawakan ako ni Mark na para bang babasagin na porcelana ang balat ko. Hindi ko halos malaman ang gagawin ko sa bawat pagdampi ng mga labi at dila nya sa buong katawan ko. Parang impyerno ang pakiramdam ko nung una nyang pasukin ang kaibuturan ko pero sa bawat paggiling ng bewang nya ay unti unti kong natanaw ang langit. At halos maabot ko ang ikapitong glorya nang maramdaman ko ang pagsirit ng likido ng pagmamahal nya sa kalooblooban ko.

Kahit hingal ay nakangiting humiga sa katawan ko si Mark. Hindi pa nya hinuhugot ang alaga nya dahil gusto pa daw nyang namnamin ang kaibuturan ko.

Nang mahabol nya ang kanyang hininga ay tumingin ito sa akin at ngumiti.

"Ok ka lang?" nakangiting tanong ni Mark.

Gusto kong umoo pero mas nanaig sa akin ang kagustuhang asarin sya.

"Nakadagan ka pa sa akin na akala mo magaan ka... hindi mo pa hinuhugot yang alaga mo.... tapos tatanungin mo ako kung ok lang ako?... ok ka lang? sa tingin mo?" Ang tanging nasabi ko.

Marahil ay napahiya kaya sya napakamot ng ulo. Dahan dahan niyang hinugot ang alaga nya mula sa kaibuturan ko at tumayo. Tinulungan nya akong tumayo at parang baldado na inalalayan papuntang banyo.

Nakangiti pa din si gago habang tinutulungan akong na maglinis. Sya na din ang nagsabon, nagbanlaw at ang nagpunas ng katawan ko. Pagkalinis ay agad kaming bumalik ng kwarto. Nagsuot ng underwear at magkatabi na nahiga sa kama.

Wala kaming imikan. Medyo nagkakahiyaan. Ramdam ko na gusto nyang magsalita pero hindi nya alam kung paano sisimulan. Ganun din naman ako. Parang may kung ano na nakabara sa lalamunan ko kaya hindi ako makapagsalita.

Medyo mabigat ang sitwasyon kaya pilit ko itong pinagaan.

"Paano mo nga pala nalaman ang unit ni Al...." halos hindi ko mabanggit ang pangalan.

"Kay Gina..." sagot nya.

"Ha? Bakit? Kilala ba nya si Aldred?" nagtataka kong tanong.

"Hindi." matipid na sagot nya. Napakunot lang ako ng noo.

"Ang gulo...." nalilito kong sabi.

Huminga ng malalim si Mark. Nag-isip kung paano ipapaliwanag ang lahat.

"Huy!... ano?" pangungulit ko.

"Ganito yan.... alam naman nya ang lahat. Yung kwento nyo ni... ano... nung lalaking yun." nag-aalangang sabi nya.

"Hay naku! Sabi ko na nga ba eh." naiinis na sabi ko sabay siko sa kanya. Napangiti lang si Mark.

"O ano? Tapos?" pangungulit ko.

"Pagkatapos kita ihatid nun dumeretso ako sa kanya. Naglabas ng damdamin ko. Ng sama ng loob. Siya nga ang nagsabi na wag muna daw kita guluhin. Na hayaan muna daw kita kasi baka daw maguluhan ka at di makapag-isip ng maayos. Kaya di ako nagparamdam sa iyo nun maghapon." tugon nya.

"Kaya lang di ako makatiis... kaya kinabukasan tinext at tinawagan kita."

"Kaya lang hindi ka naman nagrereply at sumasagot sa tawag ko kaya nagsimula na akong mag-alala."

"Hindi ko malaman kung saan ka hahanapin."

"Alam kong nasa Sta. Mesa ka kaya lang ang laki ng Sta. Mesa. Saan naman kita matutunton dun."

"Buti na lang at nakita ka ni Gina kaya para akong nabunutan ng tinik sa dibdib."

"Nung makita ka ni Gina sa SM... ayun... sinundan ka niya... kaya nalaman niya kung saan ka tumutuloy."

"Ayaw pa nga sabihin ni Gina sa akin ang lugar at baka daw kung ano pa ang gawin ko. Pero napilit ko sya sa pangakong di ako gagawa ng kagaguhan."

"Almost 2 days akong naghihintay dun sa baba ng unit nyo. Umaasa na lalabas ka."

"Nung isang araw nga, nakita kong lumabas yung lalaking yun mag-isa. Lalapitan ko sana... kaya lang hindi ko naman alam ang sasabihin ko."

"Kaya nung makita kitang lumabas kanina at para bang nagkakagulo kayo...  ayun... lumapit na ako."

Saglit na natahimik si Mark. Halatang naiinis...

"Wala naman akong balak manggulo e. Kaya lang nagpakita ng kagaspangan ng ugali ang taong yun. Kaya tinuruan ko lang ng leksyon." naiinis na sabi ni Mark.

Muli kaming nanahimik. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Pero sa totoo lang humanga ako sa tiyaga ng lalaking ito. Wala pang nakagawa sa akin nun.

Ilang saglit pa ay hinatak ni Mark ang ulo ko at ihiniga sa dibdib nya. Tumagilid ako at ipinatong ang kamay ko sa tiyan nya. Agad naman nya itong hinawakan. Dahan dahang inilapit sa mukha nya at hinalikan. Ang halik na iyon ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob para magsalita muli.

"Mahal ko pa din si Aldred, Mark." ang bungad ko.

Hindi sumagot si Mark. Tanging buntong hininga lang ang narinig ko mula sa kanya.

"Pero...." dagdag ko.

"Pero?..." medyo nabibitin na tanong ni Mark.

Humugot ako ng malalim na hininga at saka itinuloy ang sinasabi ko.

"Pero... mahal na din kita." Pagpapatuloy ko.

"Hindi ko alam na posible pala yun... kaya eto nalilito ako." Ang sabi ko.

Hindi nagsalita si Mark. Iniangat ko ang ulo ko para makita ang reaksyon nya. Kita ko sa mga mata nya ang tuwa pero hindi labis na maipakita ng mukha nya ang tunay na nararamdaman nya. Muli akong nahiga sa dibdib nya at nagpatuloy ng pagsasalita.

"Gustuhin ko man na balikan si Aldred pero nahihirapan na akong pagkatiwalaan sya"

"Natatakot ako na baka pinapaasa na naman nya ako."

"Ikamamatay ko na kapag naulit ang mga sinapit ko sa kanya"

"Pagod na ako.... Sobra!"

Muli akong nanahimik. Nag-isip ng susunod na mga sasabihin.

"Natatakot ako na mahalin ka Mark." Ang sabi ko sabay tayo.

"Ha? Bakit?" nag-aalala na tanong ni Mark. Agad syang tumayo at humawak sa balikat ko para iharap sa kanya.

"Kenneth. Hindi ako tulad ni Aldred. Alam mo yan..."

"Hindi ko magagawang saktan ka." nag-aalalang sabi nya.

"Alam ko Mark. Kaya nga nahulog ang loob ko sa iyo."

"Nuong una ay hindi ko maintindihan ang mga ginagawa mo sa akin. Minsan nga ay di ko na lang iniintindi dahil namimisinterpret ko na. Masyado na akong nasasanay. Kaya nga natutuwa ako ngayon na inamin mo na sa akin ang nararamdaman mo." tugon ko.

"Ayun naman pala e. So ano ang problema?" agad na tanong nya.

"Natatakot ako na masaktan kita ng sobra." agad na sagot ko.

"Ngayon pa nga lang... halos sumabog ang dibdib ko dahil alam kong nasasaktan kita."

"Hindi ako karapatdapat sa pagmamahal mo, Mark. " ang sabi ko.

"Wag mong sabihin yan.... maling mali ka.... walang sinuman ang makakapagsabi kung sino ang karapatdapat at hindi para sa akin kundi ako..."

"Ako na ang nagsasabi sa iyo.... ikaw ang gusto ko..... ikaw ang karapatdapat para sa akin... maniwala ka." ang sabi nya.

"Pero Mark, emotionally wrecked ako. I'm a big mess... nainintindihan mo ba ang sinasabi ko? Mahal ko pa din si Aldred. Paano ko masusuklian ang pagmamahal mo kung dalawa kayo?"

"Ayokong maging unfair sa iyo." ang sabi ko kay Mark.

Ramdam ko ang pamumuo ng galit ni Mark. Dahil ramdam ko ang unti unting paghigpit ng paghawak nya sa mga balikat ko. Agad syang bumitaw. Yumuko at muling nag-isip. Ilang saglit pa ay muli syang tumingin sa akin at nagsalita.

"Ok. Hindi kita mamadaliin...."

"Maghihitay ako Kenneth..."

"Hindi ako susuko..."

"Masaktan na kung masasaktan... wala akong pakialam."

"Mabuwisit ka na sa akin pero patuloy pa din akong mangungulit sa iyo hanggang marealize mo na ako ang karapatdapat sa iyo..."

Hindi agad ako nakasagot. Napaisip sa mga sinabi ni Mark.

"Ang kulit mo din ano?" ang tangi kong nasabi.

"Alam mo yan. Simula't sapul hindi umubra ang mga gusto mo. Kapag sinabi ko gagawin ko..." seryosong sabi nya.

Tama nga naman. Kelan ba umubra ang gusto ko sa taong ito. Lagi namang sya ang nasusunod. Kaya kahit anong seryoso ng sinasabi Mark ay nagawa kong mangiti.

Tanging nagtatakang ekspresyon lang ang ibinigay ni Mark sa akin. Wala na akong masabi. Masyado nang mabigat ang sitwasyon. Gumagana na naman ang instinct ko tuwing nalalagay sa awkward na sitwasyon.

"Ok. Bahala ka. Pero sa isang kundisyon" sabi ko.

"Kahit ano..." tugon ni Mark.

"Gusto ko ng Mami." Ang tangi kong nasabi sabay duck face.

Ngumiti si Mark.

"Kapag ba dinala kita sa mamihan e sasagutin mo na ako?" nangingiting sabi ni Mark.

"May pagka-abusado ka din ano? Nakuha mo na nga ang katawan ko noh. Kota ka na sa ngayon. Ok na yun." sabay irap.

"Sus. Enjoy na enjoy ka nga eh. Hehehe." nakakalokong sabi nya.

"Anong enjoy? Eto nga at nananakit pa ang balakang ko. Kamay mo yata ang pinasok mo sa akin. Ang sakit e." nakangiwi kong sabi.

"Hala. Sana sinabi mo para inihinto ko." nag-aalalang sabi ni Mark.

"Kung nakita mo lang ang mukha mo habang sarap na sarap kang nilalapastangan ang katawan ko...." hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang biglang sumingit si Mark.

"Nilalapastangan? Hala!... kung makapagsalita ka para bang pinilit kita..." inis na sabi ni Mark.

Hindi na ako nagsalita. Tumingin na lang ako sa kanya ng nakataas ng kilay. Halata sa mukha ni Mark ang pagkairita. Halos wala na syang masabi.

"Hay naku. Ewan ko sa iyo.." sabay iwas ng tingin.

"Hahahaha. Wala ka pala e. O ano kaya pa?" pabiro kong tanong sa kanya.

"Ewan ko sa iyo... magbihis ka na at nang makaalis na tayo." hindi makatingin na sabi ni Mark sa akin.

Natatawa ako habang nagbibihis. Para kaming mga tanga.. kanina seryoso ang usapan namin... pero eto nag-aasaran na kami. Mas gusto ko yung ganito. Hindi ko alam kung paano ang magiging set up namin kung sakaling payagan ko Mark na pumasok sa puso at buhay ko. Pero paano ko malalaman kung hindi ko susubukan.

Dating gawi. Pagdating namin sa mamihan ay binati sya ng mga tauhan dun. Umorder ng Chicken Mami, Special Siopao at malaking Softdrinks. Kumuha sya ng kutsara at tinidor at condiments. Nagpiga ng calamansi at naglagay ng toyo. Pinunasan ng tissue ang kutsara at tinidor ko. Pagkaserve ng order ay inayos ang mami ko. Nilagyan ng toyomansi tsaka hinalo. Inalis ang papel sa ilalim ng siopao ko at nilagyan ng sauce. Nagsalin ng softdrinks sa baso ko. Pagkatapos ay nagpacute sa akin.

"Ang sweet ko di ba? Gwapo na... thoughtful pa! Saan ka pa?" nagpapacute na sabi nya sa akin.

"Oo. Kaya lang nakakaturn-off. Magbuhat talaga ng sariling bangko? Yung totoo?" nakataas ang kilas na sabi ko.

"Bakit? Totoo naman ah." nakasimangot na sabi nya.

"Kumain ka na nga. Gutom lang yan." pang-aasar ko.

Pagkatapos kumain ay bumili sya ng kape at dumeretso kami sa BGC. Same spot. Open Parking area. Tapat ng dalawang building at naghihintay ng pagsikat ng araw. Pero syempre inayos muna nya ang kape ko tulad nung dati.

Ilang saglit pa ay sumilip na ang araw. Ang sarap sa pakiramdam tuwing tumatama ang sinag nito sa mukha ko. Dahil sa namamangha pa din ako ay hindi ko namalayan na nakatitig pala sa akin si Mark. Napangiti na lang ito nang humarap ako sa kanya.

"Kenneth.... malapit nang mabuo yung building oh. Anytime, hindi na natin makikita ang pagsikat ng araw mula dito."

"Sana... bago tuluyang matakpan yan ay nakapagdesisyon ka na." Seryosong sabi ni Mark.

Hindi na ako sumagot pa. Hinawakan ko na lang ang kamay nya at tumango.

Tama si Mark, dapat kong mahalin muna ang sarili ko para magawa kong magmahal ng iba.

Wala akong magagawa. Kailangan kong mamili. Siguradong may masasaktan pero kailangan kong magsakripisyo.

Alin ba talaga ang susundin ko?

Ang puso ko o...

ang isip ko?

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment

Read More Like This