By: Asyong Bayawak
[Author’s note: Ang chapter na ito ay dedicated sa six individuals na sumusubaybay sa kwento ni Gabe. Buhay pa pala kayo, LOL. Salamat sa pag-comment at pag-like. Sorry, matagal sundan ang kwento, busy sa trabaho eh. Pero sisipagan ko na ulit magsulat—promise! Kapit lang mga kapatid. Ilang chapters nalang, matatapos na tayo. ]
----------------
Natatakpan ng mga ulap ang kalangitan, subalit dama pa rin ni Gabe ang init ng panahon. Wala pa siyang maayos na tulog, pero hindi niya mapigilan ang sariling maglakad-lakad sa campus grouds. May mangilan-ngilang estudyante dahil Sabado. May ilan na ring mga pamilyang namamasyal at nakaupo sa damuhan sa Freedom Park. Dala ang isang 40-litre backpack at isang duffle bag, umupo siya sa steps ng building at pinagmasdan ang likuran ni Oblation. Nandito na siya sa wakas.
Sa loob ng dalawang buwan mula nang iwan niya si Daniel, nilibot niya ang iba’t ibang parte ng Pilipinas. Nagsimula siyang mangarap na gawin ito noong mga araw na naiiwan pa siya sa bahay habang nagtatrabaho ang kanyang boyfriend. Iba’t ibang Instagram accounts tungkol sa arts at travel ang kanyang sinubaybayan, at ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ito balang araw. At heto na nga—nagawa na niya. (At hindi pa siya tapos—tigil lang muna.) Panandalian siyang tumira siya sa Ilocos, Mindoro, Bicol, Cebu, Davao, at Palawan. Talagang nag-enjoy siya sa pagbababad sa araw, pagbabasa ng libro, paglangoy sa beach, pagja-jogging sa tabi ng mga bukirin, at pakikisalamuha sa maraming tao.
Ngayon nga lang, kailangan na niyang simulan ang kanyang plano, bago pa muli itong maipag-isangtabi. Ngayon din, kailangan na ulit niyang magkapera. Kahit gaano siya nagtipid ay naubos na ang perang naipon. (At hindi rin naman niya tinanggap ang monthly allowance na gustong ibigay ni Daniel habang siya ay nag-so-soul-search).
Sunod, dapat siyang magtrabaho sa lugar kung saan siya palaging papaalalahanan ng kung anong gusto niyang gawin na buhay. Ang totoo, gusto niyang mag-aral sa UP Los Banos, pero gusto rin niya ng Fine Arts, at sa Diliman lang mayroon noon, kaya’t hindi pa niya alam ang gagawin. Sa ngayon, habang nag-iisip, at habang nagrereview para sa UPCAT, sa Los Banos muna siya maninirahan. (Sana, makahanap agad ng trabaho!)
At kapag OK na, kapag nag-aaral na siyang muli…
Tatawagan niya si Daniel.
Malalim na naman ang kirot sa puso. Parang tinutusok ng karayom. Parang gusto na naman niyang maluha. Missed na missed na niya ang boyfriend.
Araw-araw silang magka-text, pero walang tawagan, at lalong walang Skype. Yan ang isa sa mga kondisyon niya kay Daniel. Dahil kapag narinig niya itong magmakaawa, malamang ay bigla siyang mag-eroplano pabalik ng Guimaras. Palagi rin daw siyang nami-miss ni Daniel. At palagi pa rin itong humihingi ng paumanhin sa kanya sa hindi nito pagbibigay ng panahon noon, kahit pa ilang ulit na niya itong pinatawad.
Ayaw niya lang talagang may distraction, at gusto niyang maabot ang pangarap na gamit ang sariling sikap. Kaya na niya ito ngayon dahil tatay na niya ang sagot sa lahat ng pangangailangan ng mga kapatid. Nagkausap na rin sila ang nagkapatawaran.
Nang kumulo ang tiyan ay naisipan na niyang tumayo. Hanap muna siya ng makakainan. Nag-bus siya mula Naga hanggang San Pablo, at pagkatapos ay nag-jeep naman papuntang Los Banos. Wala pa talaga siyang maayos na kain mula nang umalis ng Bicol. Pag-tingin sa relo ay mag-a-alas-onse na pala.
Makalabas ng Gate ng unibersidad ay napansin niya ang isang drawing ng lalaking umiinom sa straw ng coffee cup at may dalang cute na puppy. Black and white; printed sa isang roll-up standee sa harap ng isang photocopy shop. Sa ulo ng lalaki ay may arrow na nakaturo sa isang direksyon, at sa ilalim naman nito ay nakasulat ang salitang “coffee shop.” Nais ni Gabe na kumain ng kanin at ulam, pero natuwa talaga siya sa expression ng lalaki at lalo na doon sa aso. May bagay sa mga mukha nila na nakapagbigay ngiti sa kanya, kaya’t sinundan niya kung saan siya itinuturo ng arrow. Lumiko siya sa unang kanto sa kaliwa at dinala siya sa isang maliit na eskinita.
Masikip ang daan; kasya lamang ang dalawang taong magkasalubong na naglalakad. Sa panabi ay mga bahay na maraming tanim na mga halaman. Wala nang ibang arrows, pero isa lamang naman ang liku-likong daan kaya’t sinundan lang niya ito. At nang makarating sa dulo, medyo nanlaki ang kanyang mga mata sa pagka-cute ng coffee shop.
Gawa sa bricks ang istruktura na nasa sa gitna ng lote at napapalibutan ng ilang mga puno’t halaman. Dalawang palapag ang tindahan. Itim ang frame ng pintuan at clear na salamin ang taas na bahagi. Itim din ang frame ng mga naglalakihang bintana, at kita mula sa labas ang maliwanag at magarang interior. Hindi niya alam ang pangalan ng shop dahil walang nakasulat na kahit ano sa labas; pero sa may pintuan, nandoon na naman ang drawing ng lalaki. Ngayon ay tasa na lamang ang hawak at aktong iinumin ang laman—na malamang ay kape. Life-size na parang standee ni Alden Richards sa McDonald’s. Nakangiti ang drawing at mayroon itong speech balloon na nagsasabing “Pasok na!”
Tumunog ang bell nang bumukas ang pintuan. Amoy kape ang buong lugar at siya pa lamang ang customer dito, at wala ring tao sa counter. Naka-set na ang mga mesa’t upuan; sa tabi ng counter ay may display case na naglalaman ng cakes, pastries, at cookies; sa ceiling ay nagliliwanag ang mga Edison light bulbs. Gandang-ganda si Gabe sa lugar; subalit ang tunay na nakapagpamangha sa kanya ay ang isang buong dingding na nababalutan ng mural: bundok, sapa, ilog, jet planes, hot air balloons, dragon, mga tutubi, mga taong naka-damit Victorian, mga bahay na may orange na bubong, mga sirena, at kung anu-ano pa. Napatunganga si Gabe; nakabuka pa ang bibig. Muli siyang na-inlove.
‘Good morning.’
Muntik nang mapaigtad si Gabe sa gulat. May lalaki nang nakatayo sa tabi niya at nag-aayos ng mga rosas sa isang malaking vase na nakapatong sa rustic na chest cabinet.
Mas maliit ito sa kanya, payat, kayumanggi, may bilog na eyeglasses. Matangos ang ilong pero malaki—parang… (inisip ni Gabe kung sino nga ba ‘yung artista na yon) …ah! Parang kay Adrien Brody! (Pero hindi naman ganon kalaki at katangos; medo kahugis lang). Naka-plain-dark-blue, round-neck shirt, gray na chinos, at puting Chuck Taylors. Nakangiti, pero seryoso ang mukha. Parang librarian. Yung sasawayin ka kapag maingay.
‘Ahh… waiter po kayo?’ tanong ni Gabe. ‘O manager, kasi mukha kayong manager.’
Napatawa ang lalaki. Nagulat si Gabe dahil malakas at malagong ang tawa nito. Mukhang 25 ang lalaki, pero dahil sa ngiti ay medyo bumata ang itsura. Hindi naman pala masungit.
‘Ano ako, ah, waiter-slash-all-around-boy,’ sabi nito. ‘Oorder ka? Teka, kukuha lang ako ng menu.’
Matapos sabihin ng lalaki ang order ni Gabe sa kitchen ay nakipag-kwentuhan ito sa kanya. Bakit daw sya may mga bag, saan galing, at bakit ang ganda ng pagka-itim ng kutis niya. Si Gabe naman ay ganadong magkwento. Sa sandaling oras ay karamihan sa mga ideya niya habang nasa bakasyon ay naikwento niya dito, at syempre, yung mga magagandang lugar na nakita niya habang nagta-travel. Naputol lang ang kanilang usapan nang lumabas ang babaeng chef at iniabot sa lalaki ang order. Inayos ng lalaki ang mesa niya at inilapag ang mainit na plato ng seafood pasta, isang basket ng wheat bread na may kesong puti, baso ng tubig, at baso ng brewed iced tea. Kumulo na naman ang tiyan ni Gabe dahil sa bango ng amoy.
‘O sya, iiwan na muna kita, gutom ka na pala talaga. By the way,’ inabot nito ang kamay, ‘ako nga pala si Jace. At ikaw si…’
‘Gabe.’ Nakangiti siyang nakipag-kamay kay Jace.
Nang mapag-isa ay nilantakan ni Gabe ang pagkain. Maluha-luha siya sa sarap. Ewan ba niya kung gutom lang siya o ito na ang pinaka-masarap na seafood pasta na kanyang natikman. Kain lang siya nang kain, subo lang nang subo. At nang mahimasmasan ay halos mauubos na niya ang mga ito. Tumigil muna siya dahil gusto pa niyang namnamin ang pagkain.
Hinanap ng kanyang mga mata si Jace dahil baka may comment na naman ito na nakakatawa. Simple lang ito bumanat pero laughtrip talaga.
May isa ring napansin si Gabe sa lalaki—wala itong gusto sa kanya. Hindi naman sa pagyayabang, pero medyo nakakapanibago. Medyo malamya kumilos si Jace, pero yung tingin nito sa kanya, parang natutuwa lang talaga. O baka naman straight, hindi kaya? Kapag kasi bading o babae, halatang-halata ni Gabe ‘pag naglalaway at flirtatious ang mga linya. Pero si Jace, hindi. Mukhang interesado lang makipagkwentuhan, na ikinatuwa naman ni Gabe. Kung sa iba siguro ay umiiwas na siya.
Lumabas si Jace mula sa kitchen at may dalang isang poster.
‘Ano yan?’ tanong ni Gabe.
Dumeterso si Jace sa bulletin board na nakapako sa isang dingding. ‘Ah, ad ito para sa job vacancy dito sa restaurant.’
‘Ako na mag-aapply!’ Muntik na matumba ang upuan dahil napatayo si Gabe.
‘Wow, grabe ka naman ma-excite. Hindi mo pa nga alam kung anong vacancy.’ Kalmado lang na nakatingin sa kanya si Jace. ‘Marunong ka bang mag-bake? Kasi kelangan namin ng pastry chef.’
Muling naupo si Gabe dahil napahiya. Nawala ang excitement sa mukha. ‘Ah, ganun ba, hindi eh… akala ko kasi waiter…’
Iniharap sa kanya ni Jace ang poster. Una’y hindi niya maunawaan kung bakit, pero napangisi siya nang mabasa ang nakasulat dito. Wanted: Waiter with a pleasing personality and willing to start immediately.
‘Ako, gusto ko mag-apply,’ paninigurado ni Gabe, pero mas mahina na ang boses. Baka niloloko na naman sya.
‘May job experience ka ba sa pag-we-waiter?’
‘Aba, oo naman, sa coffee shop din.’
‘Kaso, Gabe, bawal ang broken-hearted dito. Palaging kasing tulala at wala sa trabaho ang focus.’
Hindi makapaniwala si Gabe sa usapan nila. Panong…? ‘Teka, bakit mo naman sinabing broken-hearted ako? Manghuhula ka ba? Wala naman akong kinukwentong lovelife ah.’
‘Yang mga mata mo oh, malungkot.’ Seryoso pa rin ang mukha ni Jace; walang halong pagbibiro. ‘At kaya ka nag-travel para alamin ang mga gusto mong gawin sa buhay. At malamang, involved dyan ang lovelife. Pero ‘wag ka mag-alala, mahal ka rin ‘non.’
Napanganga na lang si Gabe. May ESP yata talaga itong lalaking ito. Hindi na niya alam ang sasabihin. Bukong-buko na siya!
Tumawa si Jace. ‘Charot lang. Huwag ka nga mapaniwalain; niloloko lang kita. Nagpadala ka naman agad. Huwag kang gullible, friend, baka mabudol-budol ka nyan.’
Napatawa na rin siya kahit malakas ang topak ni Jace. Hindi siya naiinis, at bagkus ay lalo pa siyang na-e-entertain. ‘Huwag mo na nga akong lokohin! Interviewhin mo nalang kaya ako. Gusto mo, i-demonstrate ko pa sa ‘yo eh.’
‘Naku wag sa akin, dahil alalay lang naman ako dito. Dun sa ka boss magpaliwanag. Teka tatawagin ko lang.’
Ang boss pala na tinutukoy ni Jace ay ang babaeng nagdala ng kanyang pagkain mula sa kitchen. Siya si Marie, ang may-ari, at isa mga chefs. Na-impress si Marie sa kayang work experience at nagustuhan ang kanyang personality. Ganoon din naman si Gabe. Sa tingin niya ay magiging mabuting boss ang babae, lalo pa’t mukhang masaya ang mga empleyado nito. Kabarkada pala nito si Jace kaya’t relaxed sila sa isa’t isa, pero kita din ni Gabe kung paano ang interaksyon ni Marie sa ibang mga staff. Para lang silang magkakaibigan,kaya’t na-excite siyang magtrabaho para dito.
Kaybilis ng mga pangyayari. Noong umaga pa lamang siyang nakarating ng UPLB pero hapon pa lang ay may trabaho’t tirahan na. Nirentahan niya ang isang studio apartment na katabi ng kay Jace. Nandoon ito sa loob ng compound na walking-distance lang sa shop. Wala namang naging problema dahil sapat pa ang kanyang pera para sa renta at deposit. Mayroon pa rin siyang natitirang pera para abutin ang araw ng sweldo. Nakahinga siya ng maluwag. Para bang nagbukas ang langit at inilatag ang lahat ng kanyang kailangan.
Sa sobrang saya, muntik na niyang tawagan si Daniel para ibahagi ang magandang balita, subalit pinigilan niya ang sarili.
Hindi pa ito ang tamang panahon.
Lumipas ang mga araw at linggo, hanggang matanto ni Gabe na Agosto na pala. Kailangan na niyang magregister para makakuha ng exam sa UP. Walang dalawang buwan ay kailangan na niyang sumabak sa eksamen. Ito na ang simula ng pagtupad niya sa kanyang mga pangarap. Pero ang araw na ring iyon ang pinaka-nakakatakot sa lahat. ‘Yung araw na magdedesisyon kung saan ka ipapadpad ng buhay.
Minsan, naiisip niyang kung huwag nalang kaya mag-exam—kung sa ibang unibersidad nalang siya mag-apply. Doon sa siguradong papasa sya. At muntik na nga niyang gawin iyon, kung hindi lang siya binatukan ng bagong kaibigan. ‘Baka gusto mong tadyakan din kita!’ pananakot ni Jace. Pinayuhan din siya na sa LB na kumuha ng mga general courses. Pwede naman siyang lumipat ng Diliman kung gusto talaga niya sa susunod na taon. At isa pa’y wala raw siyang art portfolio. Kailangan daw ‘yon para sa pag-a-apply sa College of Fine Arts.
Sa UPLB pala naging magkaibigan sina Jace at Marie. Magkaiba ng course, pero pareho ng kinaanibang organisasyon. Pareho nang 30 ang dalawa pero mukhang mga bagets pa rin. Ganoon yata talaga kapag walang problema sa buhay. Pagka-graduate, nag-business na si Marie ng online selling, tapos pinamanahan ng nanay ng milyones kaya nakapagpatayo ng cooffee shop. Si Jace naman, dating nagtatrabaho sa HR, pero nag-quarter-life crisis daw kaya’t nag-freelance writer nalang; at ngayon, alalay ni Marie sa shop. Mabilis niyang naging kaibigan ang dalawa at ang ibang nagtatrabaho sa restaurant, pero si Jace ang pinaka ka-close niya. Palagi silang nagkukwentuhan at nagbibiruan (palaging asar-talo si Gabe). Sa buong buhay niya, kay Jace pa lang siya nakapagkwento ng mga bagay na kadalasan ay itinatago sa iba. Walang panghuhusga ang lalaki. Nakikinig ito at sumusuporta, pero lagi rin siyang napapagalitan kapag may ginawang mali. Parang si Daniel—NAPAKA STRIKTO!
At ang nakakatawa pa, naging magkaibigan ang mga kumag sa text. Nagtatawagan pa minsan. Napapakamot nalang si Gabe kapag nagsusubong si Jace, kagaya kapag fini-flirt siya ng mga customer. Ang tingin nga ni Gabe ay mahal na rin ni Daniel si Jace, dahil ito ang nagkumbinsi kay Gabe na makipagkita na kay Daniel matapos kumuha ng exam. (At huwag na munang alalahanin kung pasado ba o hindi.) Tinawag ito ni Daniel minsan na ‘Fairy godmother.’ Ang sabi naman ni Jace habang naka-pout: ‘Always the fairy godmother; never Cinderella!’ Kaya kinabukasan, pinadalhan siya ni Daniel ng tatlong malalaking kahon ng Ferrero Rocher (yung 48 ang laman bawat isa), para daw wag nya isipin na walang nagmamahal sa kanya. Walang padala kay Gabe, pero sa halip na magselos ay kinilig pa siya. Ang sweet talaga ng boyfriend nya!
----------------
Isang umaga, pasado alas-nuebe, kagaya ng nakagawian, dalawa pa lamang sina Gabe at Jace sa restaurant. Alas-onse pa ang bukas ng shop kaya’t wala pa ang ibang staff. Nag-aayos ng payroll si Jace sa laptop habang nagpupunas naman si Gabe ng mga bintana. Ini-isprayan nya ito ng tubig at saka pinupunsan ng malinis na basahan. Makulimlim ang langit at sa kung anong dahilan ay parang nalulungkot si Gabe. Hindi niya alam kung bakit, pero pag-gising niya kanina ay mabigat ang kanyang pakiramdam. Kakasimula pa lamang niyang maglinis nang magsimulang tumugtog ang Canon in D mula sa mga speakers ng coffee shop. Parang gusto niya tuloy bumalik ng apartment at magtalukbong sa kama.
Naaninagan niya sa salamin na ngingiti-ngiti si Jace habang nakaharap sa laptop. ‘Gusto mo talagang nalulungkot ako ano?’ saad ni Gabe.
‘Huh? You were saying something?’
‘You… you like me being sad.’
Binato siya ni Jace ng eraser.
Inulit ni Gabe, ‘Why do you like making me feel bad?’
Ngumiti Jace. ‘Uyyy… gumagaling ka na talaga mag-English ngayon ha!’
Tawa naman si Gabe. ‘Shempre magaling ka mag-tutor.’
‘Oo, kaya huwag kang babagsak sa exam, kundi sisingilin kita sa lahat ng oras na sinayang ko sa ‘yo.’
Umiling lang si Gabe. ‘Huwag mo nga muna ako ingglisin kuya, hindi pa naman oras ng aral. At paki-patay nga yang music. Andilim-dilim na nga ng panahon, pampaantok pa ang tugtog mo. Nakakalungkot tuloy.’
‘Ganon talaga,’ saad ni Jace. ‘Alam mo naman nakakatuwa ka panoorin kapag nagdadalamhati.’
Ibinato ni Gabe pabalik ang eraser, na sinalo naman ni Jace. ‘Sadista ka talaga.’
‘O, sya, tama na ang kwento, magpatuloy ka na sa pagtatrabaho at huwag mo akong gambalain, baka magawa kong 100 pesos lang ang sweldo mo.’
‘Sira.’ Nagpatuloy si Gabe sa paglilinis. ‘Ay, kuya. Dumaan pala dito si Marie kanina, may dalang bag ng kape, galing daw sa Indonesia.’
‘Nilista mo sa inventory?’
‘Opo.’ Nilingon ni Gabe si Jace. ‘Alam mo ba, sabi nung isang customer kahapon—’
‘Ohmygod, Gabe.’ Napatulala si Jace habang nakatingin sa labas. Parang nakikipagtitigan sa cobra. ‘May naligaw na pogi.’
Sinundan niya ang tingin ni Jace at muntik pa niyang matabig ang balde na may lamang tubig. Tinamaan na ng magaling.
Bakit biglang dumating si Rusty?!
----------------
Kinalabit ni Jace ang kaibigan. ‘Gabe, hindi mo naman sinabing sobrang hot pala ng ex-boyfriend mo,’ pabulong na sabi nito, na hindi maitago ang kilig. ‘Siya yung definition ng tukso eh. Yung kung naanakan ni Adam Levine si Ricky Martin, siya na yun eh. Alam mo yung pakiramdam ko kanina pagdating niya? Alam mo yung pagbukas ng elevator tapos biglang may lalabas na gwapo tapos magkakatitigan kayo tapos mapapatanong ka: ‘God, siya na po ba? Kung hindi po siya, pwede bang siya nalang?’ Yung ganon bang pakiramdam…’
Umikot lang ang mga mata ni Gabe at saka kinurot sa tagiliran ang katabi. ‘Ang landi mo talaga. Ganyan ka naman, torpe. Lakas mong kiligin tapos utal ka naman kausapin kanina.’
Dumila si Jace. ‘Sorry, wala na kong nagawa, gwapo eh. Speechless lang, bakit, masama?’
‘Ang pangit ko siguro. Nung una mo kong nakita, daldal mo kaya.’
Nakatikim si Gabe ng mahinang sampal mula kay Jace. ‘Ang naramdaman ko sa ‘yo, Gabe, lukso ng dugo, parang sa magulang, ganon.’
‘Ah, ganon pala ha—’
May lumapit na customer sa counter kaya’t hindi na nakapag-harutan ang dalawa.
Dati, marami nang kumakain sa restaurant, pero simula nang dumating si Gabe, lalo itong sumikat. Nadagdagan ng kung ilang daang followers ang Instagram account ng coffee shop, at hindi bababa sa 300 ang likes kapag candid pictures na ni Gabe ang ipino-post dito. Mabuti na lamang at maagang nakarating si Rusty nang araw na iyon dahil nakapagkwentuhan pa sila ni Gabe bago pa dumagsa ang mga customers. Nang magbukas ang restaurant ay naging sobrang busy na ang lahat. Hinintay na lamang ni Rysty si Gabe. Nakaupo siya sa isang sulok at nag-iinternet gamit ang laptop.
Kinabahan si Gabe nang mapagalamang maninirahan na muli si Rusty sa Pilipinas. Nag-resign daw ito sa pinagtatrabahuhang unibersidad sa Seoul dahil hindi pinayagang mag-sabbatical. Babalik na lamang daw siya sa pagtuturo kapag nakapagpahinga na siya. Hindi alam ni Gabe kung pagkakamali ba na kinontact niya ulit si Rusty mula nang mag-travel siya. Si Rusty nalang kasi ang natitira niyang kaibigan at kinailangan niyang may mapagkwentuhan tungkol sa mga naging problema nila ni Daniel. Wala namang balak si Gabe na makipagbalikan dito—pakikipagkaibigan lang talaga ang hangad niya. Hindi naman niya akalaing susunod sa Los Banos ang lalaki. Heto’t may dala pang mga maleta dahil sa kanya daw tumuloy pagkababa ng eroplano. Kapag nalaman ito ni Daniel, lagot siya. Sa lahat pa naman, kay Rusty malaki ang pagseselos nito.
Pagdating ng alas-singko ng hapon ay dumating na ang karelyebo ni Gabe kaya’t sinamahan niya munang maglakad sa labas ang ex-boyfriend. Iniwan nito ang mga gamit sa opisina ng coffee shop.
‘Ang ganda pala talaga dito,’ saad ni Rusty, habang nakatanaw sa bundok Makiling. Kakalampas lamang nila ng Carabao Park at naglalakad papuntang Freedom Park. Tumigil na ang ulan. Kaunting ambon nalang. Basa ang kapaligiran. Sumasayaw ang mga dahon sa mga puno dahil sa ihip ng hangin.
Hindi pa rin nagbabago ang itsura ni Rusty. Mahaba ang buhok na nakatali; may balbas at bigote na maganda ang pagkakatabas. Ang kaibahan nga lang, parang tumanda ito simula nang huli silang magkita noong nakaraang taon. Ngayon ay para bang may lungkot o galit sa mga mata nito na hindi maitago ng perpektong ngiti.
‘Rusty,’ umpisa ni Gabe. ‘Bakit ka ba nandito? Huwag mo sana isipin na pinapaalis kita, pero lilinawin ko lang na hindi kami nag-break ni Dan.’
Tumawa si Rusty. ‘Oh, teka, relax! Hindi ko balak makipagbalikan sa ‘yo, sa maniwala ka man o hindi.’ Nakangiti ito na tumingin kay Gabe. ‘Nagka-problema lang sa Korea, kaya minabuti ko nang umuwi na muna dito. Ang ganda ng Los Banos, ano? Dito nalang kaya ako tumira sandali?’
Napatigil si Gabe. ‘Hay nako, hindi pwede, magagalit si Daniel.’
‘Eh kung kausapin ko? Sabihin ko na hindi kita guguluhin.’
‘Buti kung maniwala sa ‘yo yon!’ Napasimangot si Gabe.
Initnaas ni Rusty ang mga kamay na parang sumusuko. ‘Okay, teka, papaliwanang lang ako.’
Muli silang naglakad nang marahan.
‘Hindi na kita mahal, Gabe,’ pagtatapat ni Rusty. ‘Nung umuwi ako dito last year, engaged na ako sa isang Koreano. Hindi ako sigurado sa sarili ko kaya umuwi ako dito para… para tingnan kong pwede pa tayo—kaso hindi na nga. Nagpakasal kami ni Joon Ki sa Los Angeles dahil American citizen naman siya. Wala na siyang pamilya. Kaso, matanda na rin, kaya siguro inatake sa puso matapos ang ilang buwan. Kaya heto, biyudo na ako. Yung mga ari-arian at business niya, minana ko lahat. Nandun sa LA at sa Seoul, pero hindi ko pa alam ang gagawin ko.’ Bumuntong hininga ito. ‘Matapos yon, nakipag-meet ako sa iba’t ibang lalaki. Date at one-night stand lang lahat. Kaso parang nadepress ako at ayoko nang lumabas ng bahay. Naospital nga ako dahil hindi ako kumakain. Saklap, diba? Iisipin mo maalwan ako sa buhay pero bakit malungkot pa rin? Ayun tapos naisip ko wala pala akong kaibigan na tunay doon. Pagtapak ko nga ng Pilipinas bigla akong nakahinga ng maluwag. Iba pa rin na nasa sariling bansa.’
Natauhan si Gabe sa mga narinig. Ngayon lang nangailangan ng tulong sa kanya si Rusty tapos ipinagtutulakan pa niya paalis. ‘Sorry, ngayon ko lang nalaman. Bakit ba hindi mo manlang ibinalita sa akin dati?’
‘Gusto ko kasi personal na sabihin.’
Habang naglalakad ay biglang pumatak na naman ang ulan. Kakalampas lang nila ng SU Building, kaya’t tinakbo na nila papuntang Baker Hall.
‘Ano nang plano mo?’ tanong ni Gabe nang makasilong na.
‘Ano pa, eh di tumira dito sa Los Banos!’ nakangiting sagot ni Rusty.
Patay.
Kagaya ng kanyang ikinakatakot, nasaktan nga si Daniel sa desisyon niyang pumayag na tumira sa Los Banos ang dating kasintahan. Kahit anong paliwanag sa text ay hindi siya maunawaan ni Daniel, hanggang sa hindi nalang ito nagreply. Kinailangan pang makialam ni Jace para magkausap silang dalawa. Ngunit sa isang kondisyon: dapat sa telepono, at hindi pwedeng text lang.
Naging emosyonal ang dalawa nang marinig ang boses ng isa’t isa. Pansamantalanag nakalimutan ang problema tungkol kay Rusty at nangibabaw ang kanilang pangungulila. Subalit sa huli, nagdesisyon si Daniel. Tuloy ang kanilang pagkikita sa unang araw ng Oktubre, pero simula ngayon, hindi muna sila mag-uusap kahit sa text. Ipinaliwanag ni Daniel na hindi mawawala ang pagmamahal niya kay Gabe, at maghihintay siya. Kailangan lang makasigurado ni Gabe sa sariling damdamin bago sila magkitang muli. Pumayag na rin si Gabe, dahil wala na siyang magagawa. Siya naman ang unang nang-iwan. Patas lang na pagbigyan niya si Daniel sa kahilingan nito ngayon.
Nang gabing mag-usap sila ng kasintahan, natulog si Gabe na puno ng lungkot ang damdamin. Magulo ang isip kung tama ba ang ginawa niya. Papaano kung ito na talaga ang katapusan ng lahat? Pero sa kabila nito, walang luhang pumatak. Tapos na yata ang panahon ng pag-iyak. Wala nang ibang pwedeng gawin kundi umayon sa pag-agos ng buhay at hintayin kung anong dadalhin ng bukas.
[P.S. Sa next chapter, magkakaron ang isang character ng sariling POV, dahil promoted na sya sa istorya. LOL. Series regular lang ang dating, haha. Hulaan nyo kung sino.]
---ITUTULOY---

No comments:
Post a Comment