By: skydragon
Good Day KM! Gusto lang sanang ishare sa inyo kwento ko. Sorry po at di ako gaano marunong bumuo ng kwento. Basta ako ng bahala papaliwanag ko nalang. Hahahaha. Please leave a comment kung may suggestions po kayo. Pasensya na bata lang po ako kumpara sa inyo.
"Mark nandito na si Sky" sigaw ng mama niya.
"Akyat nalang kamo siya" sagot ni Mark.
Umakyat ako papunta ng kwarto niya. Pagbukas ko ng pinto tumambad ang katawan niya sa akin. Hirap niyang sinusuot ang fitted jeans na inaangat paakyat sa bewang.
Tangina hanep rin tong si Mark e, nagpaulan ang diyos ng kaputian sinalo niya lahat, samantalang ako tulog, buti na nga lang at may butas ang bubong. Hahahaha
Tinakpan niya ng kamay ang harap ng brief niya as if namang yun yung tiningnan ko. Natawa ako at napangisi sa inasal niya "wala ako pagnanasa sayo" natatawang nasabi ko sa utak ko.
"Wag mo akong bobosohan" seryosong sabi niya sa akin at tumalikod para masuot ang pantalon
"Hahaha hanep ka rin e, ako pa? Gago meron rin ako niyan. Nga pala Mark tanong ni Risa kung pwede niya hiramin notes mo?"
Humarap siya sa akin at nakikita ko nanaman ang pinasisingkit niya lalo ang kanyang mata dahil hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"Tanong lang naman niya e, kaya tatawagan ko na nga siya at sasabihing ayaw mo magpakopya kahit na para rin yon sa ikakataas ng grade ng kaibigan natin na girlfriend mo" akmang pagpipindot sa cellphone ko.
Pinaringan ko siya kahit na basang-basa naman ang sagot e, sa tagal ba naman naming magkakilala. Lagi ko ngang sinasabihan na sayang yung blessings kung di shinishare kahit na malapit pa sa kanya.
"Hindi yon" nagtaka ako sa sinabi niya.
"Tinawag mo akong Mark"
"Huh? Gago ka ba? Pangalan mo yun e. Siraulo"
"KUYA. Kuya pa rin ang itatawag mo" patango-tango niya pang sinabi, umupo siya ng kama para magsuot ng sapatos.
"Matanda na tayo, ako, tsaka ang laki-laki ko na" tinaasan ko siya ng kilay saka tumindig ng matipuno.
"Kahit na. Mas matanda pa rin ako sayo"
"Nang limang oras LANG" diniinan ko talaga para malaman niya na "lang" lang ang agwat ng edad namin.
Nanganak ang mama niya October 20, 1999 11:21 pm ayon sa kanya, samantalang ako ay 4:42 am, 21st of October same year. Yan ang lagi niyang pinaglalaban sa akin na mas matanda siya, ng halos 5 oras.
Okay lang naman sa akin na kuya ang itawag ko sakanya ang kaso mas matured akong tingnan kaysa sa kanya though na mas matangkad siya sa akin. Lakas lang makabata ng singkit at maputi. Ewan ko para sa akin. Pero mas isip bata siya sa akin. HAHAHAHA sorry kuya.
"Ah basta kuya dapat"
Humiga ang loko sa kama at inunan ang kamay, plastar na plastar at nakabukaka pa. Paniguradong di tatayo hanggat hindi nakukuha ang gusto. See sinong mas kuya?
"Tara na , KUYA" lumabas na ako ng kwarto at siya naring pagtayo niya at nagsuot ng shirt.
Nagdinner muna kami bago mamasyal. Celebration pala ito ng pagreresign ng mama niya sa trabaho. Hanep no? De, para rin icelebrate ang pagiging business partners ng mama niya at ni papa. Dahil connected naman ang natapos nila sa isa't-isa kaya sisimulan ang isang enterprise of civil works na indemand ngayon. Sabi ni papa at hindi ako.
Pagkatapos kumain agad niya akong niyaya sa ride na paulit-ulit na naming sinasakyan, mali pala, sa paulit-ulit niyang gusto sakyan. Ewan ko ba.
So ayun wala ng masyadong pila late night na kasi ng sunday kaya sakay agad. Excited na excited ang loko kahit na paulit-ulit naman.
Magkatapat kami ngayon, at nakangiti siya sakin. Bakas ang kasiyahan niya, nang magsalita siya.
"Cen break na kami ni Risa"
Bilang nagbago ang emosyon niya mula sayang abot langit hanggang hitsurang binagsakan ng semento.
"Wala siyang intensyong kumopya sa notes ko. Matalino rin naman si Risa tulad mo. Ang gusto niyang hingiin ay ang note na kung okay lang ako sa pakikipagbreak niya sa akin, na hindi ako nasasaktan sa ginawa niya na pinagpalit niya ako sa baklang yun"
Ramdam ko ang hinagpis niya, hindi man siya lumuluha pero ramdam mo yun sa lamig ng boses niya, malamig din naman sa loob may aircon e.
"Dito sa MOA's Eye niya ako sinagot mahigit isang taon at tatlong buwan na rin ang nakakalipas. Kalahating taon ko rin siyang pinaghirapan. Pero wala pang isang linggo mula ng hiwalayan niya ako malalaman ko na sila na ni Eric"
Napabulas ako ng tawa pero pinigilan ko rin. Napatingin siya sa akin at nagtaka. Drama scene to ngayon hindi tama na matawa ako, baka sabihing baliw ako.
"Ehem" pagbabalik ko sa wisyo na dapat hindi ako masaya. Umayos ako ng upo sumeryoso ng tingin at hinayaang dalhin ako ng malamig ng simoy ng hangin ng aircon pala. Kailangan ko sumabay sa malungkot na emosyon.
"HAHAHAHAHA" tangina hindi ko napigilan. Masyado akong masayahin kahit nasa madrama ng part ay happy pa rin.
Sana naman may makarelate sa akin. Yung tipong seryoso ang lahat bigla kang tatawa. Yung kailangan mo magpigil ng tawa pero pag lalo mong pinigilan ay matatawa ka lalo. Jusko kung wala may sira na talaga ako sa utak hahahahaha.
Nagtataka pa rin siya sa wala kong patid na pagtawa. Kaya pinilit kong mag-explain kahit tumatawa.
"HAHAHA kasi naman.. HAHAHA pinagpalit ka sa mas panget sayo? HAHAHAHA siguro mas matatanggap mo kung mas gwapo sayo tulad ko. HAHAHAHA" patuloy pa rin ako sa pagtawa kahit uubo-ubo at maluha-luha na at nakikita kong rin ang pinipigilan niyang ngiti.
Shet pag naaalala ko naiinis ako, mukha akong tanga dun gago hahahaha.
Nagbago ang temperatura sa loob ng ferris wheel. Ang kaninang malamig na kasabay ang mabigat at malungkot na emosyon napalitan ng init dahil sa hininga ng tawa ko. Hahahaha dahil pala sa pawis, nakakapagod kayang tumawa. Nandiyan ang magbubutil-butil ang pawis dahil sa tawa, maluha-luha ang mata at syempre sa ating may mga hika na mahirap huminga pagkatapos. Ganyan yung akin sorry po.
"Oh diba? Dapat masaya lang" pinakitaan ko siya ng malaking ngiti para pagaanin ang loob niya.
Hindi naming naramdaman na malapit na kami sa baba. Biruin mo lumipas ang halos otso minutos ng hindi namin napapansin. Kailangan ko pang pagaanin ang loob ng loko. Para di naman siya masyadong masaktan, o kahit papaano makalimutan niya ang sakit na nararamdaman.
"Alam mo ba kung anong ginagawa sa tuwing broken hearted? Pinahulaan ko sa kanya yung iniisip ko pero masyado siyang bobo ngayon at hindi maisip ang sagot.
"Ano pa? Edi inuman. Tara akong bahala sayo" saka ako umakbay at naglakad.
Dinala ko siya sa Live Bands along CMA at Razon's. Nagoccupy ng isang table at umorder ng dalawang bucket ng beer. Tipid-tipid next week pa allowance ko, kahit rk tong kasama ko. Naabutan naming tinutugtog yung 24k ni BM tapos Cheap Thrills ni Sia yung sumunod. Puro bago yung kanta.
Mabilis niyang naubos yung apat na bote. Ginagawa niyang juice yung beer juice ko. Tungga lang ng tungga si loko. Hahahaha eto ba talaga lagi ang epekto ng pag-ibig?
Opo playboy ako. Pero hanggang dalawa lang kaya kong pagsabayin. Pinakamatagal ko na ata ay 5 months? Sorry po pogi lang. Joke. Sinasabi nga ng mga kaibigan ko na darating daw talaga yung isang taong magpaparamdam sakin ng tunay na love. So enjoy-enjoy muna habang wala pa.
"Kuya hinay-hinay naman aba. Hindi tayo nagmamadali" paalala ko sa kanya pero ang totoo hindi ko na kayang tumatlong bucket pa.
"Sky request tayo ng kanta?" Seryosong sabi niya sakin.
Kumuha siya ng tissue at humiram ng ballpen tapos sinulat yung kanta. Binigay niya sa waiter at ang malupit alam ng banda. Napagbigyan ang loko. Oo ng Up dharma down.
'Di mo lang alam, naiisip kita
Baka sakali lang maisip mo ako
'Di mo lang alam, hanggang sa gabi
Inaasam makita ka muli
Nagtapos ang lahat sa 'di inaasahang
Panahon at ngayon ako'y iyong iniwang
Luhaan, sugatan, 'di mapakinabangan
Sana nagtanong ka lang kung 'di mo lang alam
Sana'y nagtanong ka lang kung 'di mo lang alam
Ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Hindi mo lang alam kay tagal na panahon
Ako'y nandirito pa rin hanggang ngayon para sa 'yo
Lumipas mga araw na ubod nang saya
'Di pa rin nagbabago ang aking pagsinta
Kung ako'y nagkasala, patawad na sana
Ang puso kong pagal ngayon lang nagmahal
Oh, 'di mo lang alam ako'y iyong nasaktan
O baka sakali lang maisip mo naman
Puro siya na lang, sana'y ako naman
'Di mo lang alam, ika'y minamasdan
Sana'y iyong mamalayan
Hindi mo lang pala alam, 'di mo lang alam
Kahit tayo'y magkaibigan lang
Bumabalik lahat sa t'wing nagkukulitan
Baka sakali lang maisip mo naman
Ako'y nandito lang, hindi mo lang alam
Matalino ka naman
Kung ikaw at ako ay tunay na bigo
Sa laro na ito ay dapat bang sumuko?
Sana 'di ka na lang pala aking nakilala
Kung alam ko lang ako'y iyong masasaktan
Nang ganito, sana'y nakinig na lang ako sa nanay ko
'Di mo lang alam ako'y iyong nasaktan
O baka sakali lang maisip mo naman
Puro siya na lang, sana'y ako naman
'Di mo lang alam, ika'y minamasdan
Sana'y iyong mamalayan
Hindi mo lang pala alam, oh
Malas mo
Ikaw ang natipuhan ko
'Di mo lang alam ako'y iyong nasaktan
Relate na relate siya diyan. Tumatayo-tayo pa at kumakanta, nahiya tuloy ako kasi lasing na tong kasama ko. Hindi pa naman siya suray-suray yung tipong wala na siyang pake sa ginagawa niya.
Sumigaw at pumalakpak pa siya pagkatapos ng kanta, with matching standing ovation pa. Oh sa mga nandun man nung oras na yun please wag po. Hahahaha
"Alam mo Risa mahal ko yun pero bakit ako pinagpalit?"
Pinapakinggan ko lang siya.
"Sinunod ko mga gusto niya at ayaw. Hindi ko nga siya nagalaw man lang, kahit sundot WALA"
Gago talaga tong kasama ko. Napalakas ata ang sabi niya, ewan ko kung may nakarinig? Edi lumabas rin kalibugan nito. Dun na siya nagsimulang yumuko sa lamesa. Humihikbi na ata siya.
"Iniwan niya ako e (inhale inhale) walang closure (inhale inhale) wala lang ba ako sa kanya? ( inhale inhale)"
*Eto po yung paghinga kapag umiiyak*
Closure? Ni ayaw mo nga siyang makita. Hindi mo malalaman dahilan niya kung di mo kakausapin tukmol. Yan na lang yung nasabi ko sa isip ko, wala din kung sasabihin ko. Patuloy akong nakinig sa kadramahan niya.
"Sabi ko naman sayo inuman lang walang iyakan. Tara na uwi na tayo"
Di ko alam bakit ang bilis niyang tinamaan. Actually 3 bote lang nainom ko e. May isa pang naiwan at binayaran ko na.
Patuloy pa rin siya sa kakadaldal ng kadramahan niya habang naglalakad kami. Inaakbayan ko siya para mapabilis ng konti ang lakad nang makauwi na to.
Pero minsan titigil siya at magpapaliwanag kahit di ko naman kailangan. Basta napakarandom na yung mga sinasabi niya.
Dinala ko siya sa may kotse tsaka ko tinawagan sila papa at tito para umuwi na. Sinabihan ko silang mauuna na kami dahil lasing na tong kasama ko.
"Pasok."
"Teka lang"
Pagkapahiga ko sa kanya sa loob hinila niya rin ako dahilan para mauntog. Nakatukod ako sa sahig ng kotse at upuan. Nakahiga siya at nakadapa naman ako sa kanya.
"Gwapo mo pala ano?"
"Madilim lang"
Tinititigan niya ako at nang akma na akong tatayo hinila niya ang mukha ko at hinalikan niya ako. Sobra siyang gigil nung oras na yun. Torrid kung torrid tapos mabilisan pa siguro tumagal ng 5 seconds?
Nanlaki yung mga mata ko. Gagawa lang siya ng eksena dito pa sa paking lot. Agad akong kumawala sa halik niya. Tumayo ako, mariing pumikit tsaka isinink-in sa utak ko ang nangyari.
Hinalikan ako ng kuya ko. Bakit?
Napabuntong hininga ako at inayos na siya. Nagdrive ako pero magulo ang isip ko sa nangyari. Bumilis yung puso ko ng halikan niya ako e. Mali to, Mali.
No comments:
Post a Comment