Pages

Friday, September 7, 2018

Enough is Enough (Part 3)

By: Max
 
Nakapasok din si Ivan makalipas ang tatlong araw. Napangiti ako nung nakita ko siya sa pwesto niya na may binabasa nung pagdating ko sa office. Asa tabi niya ang isang bag ng pandesal. Ng marinig nya ko dumating napatingin siya at ngumiti. "Good morning Jake!"

Shit ang gwapo niya. Lumalabas ang dimple niya tuwing nangiti siya. "Uy. Magaling ka na?"

"Oo naman. Strong kaya ako." natawa siya sa sinabi niya. Namiss ko ang tawa at kasiglahan niya. "Salamat nga pala sa pagdala ng pagkain nun a."

"Ah wala yun. Buti nakita mo."

"Oo. Pinakita sakin ni Tin nung dumating siya."

Napatigil ako. Napatanong tuloy ako, "Sino si Tin?"

"Ah wala. Kakilala ko lang."

"Kakilala? Bumibisita sayo kakilala mo lang?" ng makita ko na sumimangot siya bigla ako kumambyo at inasar siya, "girlfriend mo no? O chicks mo lang?"

Natawa siya. "Chicks talaga? Lakas maka tito a."

"Grabe." depensa ko. "Pero di nga Ivan?"

Napabuntong hininga siya. "Nakakailang ikwento sayo Jake. Wag na."

"Ngayon ka pa nahiya."

"Okay okay. If you must know fuck buddy ko siya."

Napatingin lang ako kay Ivan pagkatapos niya sabihin yun. Napakamot sa ulo si Ivan at sabay iling. "Sabi sayo nakaka ilang." sabi niya.

"Hindi a." sagot ko. "Sus. Wala yun. Lahat naman tayo may ganun."

"Aba hindi nga? Ikaw?"

"Oo naman." sagot ko kahit hindi naman totoo. Hindi naman kasi ako basta basta nakikipag sex lalo na pag no strings attached. Yes, nagawa ko na yun dati pero mas gusto ko padin ang may feelings. Kaya para di na kami magka ilangan kinuha ko na lang yung bag ng pandesal. "Ano, kakainin ba natin ito o hindi?"

Napangiti lang si Ivan at sabay kuha uli ng bag. "Op. Akin yan."

"Grabe naman. Hindi man lang magshshare. Damot." umupo ako sa pwesto ko at nag mistulang nagmamaktol.

Lumapit sakin si Ivan at kinalabit ako. Hindi ko siya pinansin at nagsimula mag bukas ng email. Kinalabit uli ako ni Ivan pero hindi ko padin siya pinansin. Habang nagbabasa ako ng email bigla ko na lang naramdaman ang hininga ni Ivan sa may tenga ko at narinig ko, "Huy tampo ka naman agad."

Bigla ako napalingon at muntikan na magkalapat ang mga labi namin ni Ivan. Napangiti siya at sinabi, "Pakipot pa to. Titingin ka din pala. Kelangan pa bulungan. Gusto mo lang ako halikan e."

"Ulol." sagot ko. "Umayos ka nga baka halikan talaga kita diyan e."

Ngumiti si Ivan at lumapit uli sa mukha ko. "Sige nga, try mo."

Napatigil ako. Ang lapit ng mukha nya at kita ko ang mapula niyang labi. Gustong gusto ko na siyang halikan pero baka lokohan lang tong lahat. Mga ilang segundo lumipas at hindi ako makagalaw. Natawa uli si Ivan sabay layo ng mukha. "Sabi na e hindi mo kaya." sabi niya at sabay pumunta na sa pantry para kumain. Wala na ko nagawa kung di sumunod na sa kanya.

Mga ilang linggo din ang lumipas at hindi na naulit yung ganung scenario. Okay na din para hindi nakakailang. Lumalim din naman ang pagkakaibigan namin ni Ivan. Sabay kami nagoout sa office na kahit mas maaga talaga out niya hinihintay nya ko. Tinatanong nga siya lagi baket hindi siya umuuwi agad at ang lagi niyang sagot na may kasamang tawa, "Hinihintay ko si tukmol. Baka kung mapa ano pa e."

Pero nung isang araw parang wala siya sa mood. Nakakunot ang noo niya at hindi nakikipag usap kahit kanino. Kung may magtatanong sa kanya tungkol sa work e napaka ikli ng mga sagot niya. Kaya nung nag break time na hindi ko na natiis na itanong, "May problema ba?"

"Wala wala. Wala to."

"Alam mo hindi ka magaling magsinungaling. Halatang halata ka." pangaasar ko.

"Jake pwede ba wag muna ngayon." ang malamig niyang sagot. Ngayon ko lang narinig yung ganun niyang pananalita at nakita ko na iba talaga ang mukha niya. Natahimik na lang ako at bumalik sa pwesto ko.

Lumipas ang araw na hindi kami nagkikibuan. Kahit yung mga kasama namin sa office napansin yun at tinatanong ako kung ano nangyari. Hindi ko na lang pinansin at baka hindi naman talaga okay. Nang out na niya dali dali siyang umalis na walang salita. Dun ako nakaramdam ng lungkot. First time na nangyari ito at hindi ko alam ano gagawin ko.

"Oh asan yung isang tukmol?" bungad ni Mac nung napansin niyang wala na si Ivan.

"Umuwi na. Out na niya e." maikli kong sagot.

"Hindi ka hinintay? Aba. LQ kayo?"

"Ewan." napabuntong hininga na lang ako. "Wala naman ako ginawa."

"Di bale. Intayin mo ko ttreat kita dinner."

"Nako Mac wag na. Wala din naman ako sa mood."

Umiling si Mac. "No, I insist. Para mapangiti ka naman. Okay lang sayo sa triangle na lang para malapit?"

Napaisip ako. Umuwi na din naman si Ivan at wala din naman ako gagawin kaya um-oo na ko sa paanyaya ni Mac. Niligpit ko na gamit ko at nung pinatay ko na pc ko nakatanggap ako ng text. Galing kay Ivan. "Asan ka?"

"Andito pa sa office. Magdidinner kami ni Mac. May tinatapos lang daw siya then aalis na kami."

At ang tanging sagot niya lang ay "K."

Ang gulo nitong lalakeng to. Lumabas na si Mac sa cubicle niya dali ang kanyang gamit at nagyaya. "Let's go?"

Tumingin uli ako sa phone ko at dinelete yung message thread namin ni Ivan. Bahala siya. Kung gusto niyang topakin odi topakin siya. Ngumiti ako kay Mac at sumagot, "Tara."

ITUTULOY

No comments:

Post a Comment

Read More Like This