Pages

Monday, September 24, 2018

Plot Twists (Part 3)

By: Aristotle

Nagmamadali akong bumaba ng kotse at nagpaalam sa driver. “Text kita kuya kapag tapos na kami”, sabi ko bago ako tumakbo papasok ng restaurant. “JC! You’re late”, sabay akbay sa akin ni Tristan. “Good to see you, man”. Tumawa lamang ako bago ko siya niyakap. Tumili naman si Jessica sa akin at nakisali narin sa yakapan. Gumaya narin si Abby at nailing pa ako dahil nakiyakap narin ang kanyang fiancĂ© na si Rob. “You’ve gained weight! Bagay!”, panunukso pa ni Jessica. Dalawang taon narin nang hindi ako umuuwi ng Cagayan de Oro, kaya ganoon na lamang ang pagkasabik nilang makita ako. Ako din man, nasasabik na makita at makausap silang muli. Kasalukuyang sa Cagayan de Oro sila nakadestino. Ako lang naman ang tumigil sa pag-aaral. Si Abby, kakagraduate pa lamang noon isang taon ngunit engaged na agad. Masyadong masunurin sa kanyang striktong tsinoy na magulang kaya naman pumayag ding magpakasal sa ngalan ng negosyo. Ngunit sabi, “perfect match” naman daw sila ni Rob. Nagkita kita kami sa isang bagong bukas na restaurant. Maliit lamang iyon ngunit kilala iyon sa buong syudad. Ito ang pang-apat nilang branch, ngunit ito ang una kong pagkakataong makakain dito. Suot-suot ko parin ang aking braces na ikinabit matapos ang opersayon ko sa aking mukha. Na-dislocate ng bahagya ang aking baba dahil sa pagkakabangga ko sa kotse dalawang taon na ang nakakaraan. Nanatili ako sa isang Ospital sa Maynila na halos apat na buwan, at nang makalabas ay nagtungo ako ng Toronto upang magbakasyon muna ng dalawang buwan kasama ang aking mga magulang, bago manatili ulit ng isa pang taon sa Manila. Hindi ko inaasahang sa Kapatid kong matagal ko nang di nakikita kami manunuluyan sa Toronto. Nag-kaayos bigla ang bawat miyembro ng aming pamilya hatid ng aksidente. Aksidenteng bumago ng buhay ko.
Gumising ako sa Ospital na tinatanong ang Nanay ko kung sino iyong lalakeng umiiyak sa tabi niya. Naging pautal utal ako mula sa pagkaka-comatose ng anim na araw. Pinaliwanag niyang Tatay ko daw iyon. Tinurukan ulit ako ng gamot na siyang nagpatulog sa akin dahil bigla nalang akong nawalan ng control at nagsisisigaw. Pagkagising ay naging mas kalmado na ako, ngunit hindi ko makilala iyon sabi ng nanay ko ay Tito Dante ko raw. Naging mahaba ang eksplanasyon ng doctor sa akin kaya mas pinili kong matulog ulit at baka sakaling pagkagising ko, maalala ko na ang lahat. Hindi nangyari iyon, lalo na’t ipinaliwanag sa akin ni Tristan na nasa ikatlong taon na ako ng kolehiyo. Ang pagkakaalam ko naman kasi ay kaka-enrol ko pa lamang ng kolehiyo. Tumagal ng dalawang linggo nang bumalik ang memorya ng tatay ko sa akin. Yung iba, inabot ako ng ilang buwan. Bagamat nahihirapan ako, ginagawa ko naman ang lahat upang manumbalik ang kung ano mang nawala.
Tuwing may bumabati sa akin ay binabati ko nalang din, kahit hindi ko naman alam kung sino iyon. Baka naman kasi kakilala ko. May iba akong mga kakalse noon na nakikilala ko, ngunit karamihan ay hirap akong alalahanin. Palagi akong humihingi ng dispensa. “Sorry, but I’ll do my best to remember you.”, ang lagi kong paliwanag. Hindi muna ako nagpatuloy sa aking pag-aaral at sa halip, naging abala ko sa pag-gagagala kasama ang aking kapatid. Naging kasundo ko din si Rommy Tuazon. Mabait naman pala siyang tao. May isang bagay akong pinakatago-tago. Isang liham na nakaipit sa kamay ko nang ako’y magising. Hindi ko alam kung mula kanino ngunit iyon ay liham ng isang taong gumawa ng kasalanan sa akin. Hindi ko masyadong maintindihan ang mga nakasulat dahil hindi ko naman matukoy kung kanino iyon nanggaling. Kahit mga magulang ko ay hindi din nila alam kung kanino nanggaling. Hindi man ako kumbinsido na hindi nila alam, nanahimik na lamang ako.

“Since balik-bayan ka naman, JC, kaw na bahala sa bills”, sinikmuraan ko ng mahina si Tristan na siyang nagpatawa sa aming lahat. “Gago. I’m jobless”, pagsagot ko. Agad napukaw ang aking pansin ng lalaking nasa lumabas mula sa kusina at tumayo malapit sa counter. Nakasuot siya ng asul ng polo at halatang matangkad siyang tao. Maaliwalas ang mukha niya at maayos din ang kanyang buhok. Narinig kong tinatawag siya ng “Sir” ng cashier kaya naisip kong baka manager siya ng restaurant. Kanina ko pa siyang napapansing tumitingin sa akin ngunit hindi ko lamang iyon pinapahalata. Ilang sandali pa ay lumapit iyong waiter sa amin upang kunin ang order namin. Maingay ang aking mga kasama at medyo natagalan pang umorder. Ilang minuto din ay isa na namang waiter ang lumapit sa amin, inilapag niya ang isang malaking Pizza. Peperoni. “We didn’t order Pizza”, sabi ko. “Sir, special treat from the management”, sagot ng waiter. “Para sa mga balik-bayan”, ngumiti lamang iyon waiter at umalis. Iyong waiter naman na kumukuha sa aming order ay nagtaka. Malamang, baguhan pa itong isang ito at hindi pa alam ang mga pasikot-sikot ng negosyo. Lumingon ako sa counter ngunit biglang tumalikod iyong lalake at pumasok ng kusina. Kakaway sana ako bilang pasasalamat.
***

Nagpadala ako ng text kay Kuya Long na sunduin na ako. Hindi siya sumasagot. Nakatulog siguro iyon. Agad na bumuhos ang ulan at ako naman ay napaatras at sumilong sa bandang hagdanan ng Restaurant. Biglang tumunog ang telepono ko at sinagot ko naman iyon. “JC, natraffic ako. Nasa Cogon pa.”, sabi niya. Masama ang traffic sa lugar na iyon lalo na’t umulan. Sabayan pa ng Rush Hour. Mag-aalas cinco na at ako na lamang ang naiwan sa Restaurant dahil nagsiuwian na ang mga kasama ko. Ayaw ko namang tanggapin ang alok nilang ihatid ako dahil nga may driver naman ako.
“You need a ride?”, isang may kalalimang boses ang umalingawngaw sa aking likuran. Tumunog ang Door Chimes.
“Excuse, do I know you?”, tanong ko sa lalakeng matangkad na nakasuot ng polong asul. Nakangiti siya ngunit pinagpapawisan. Malakas ang ulan at malamig ang hangin. Di ko alam kung bakit siya pinagpapawisan.
“Just a college friend. You don’t remember me?”, tanong niya.
“Ah, oo nga pala. It’s you! Long time no see”, ngumiti ako ng pilit. Tsaka kumaway. Nagmistulang tanga ako sa oras na iyon.
“So, you remember my name?”, pagtatanong niya. Ilang segundo ako naging walang reaksyon bago ako tumawa ng malakas. Inayos ko ang aking sarili at nagpaliwanag. “I’m sorry. I’m still undergoing therapy”, naging komportable ako sa pagpapaliwanag ng lahat sa kanya. Siguro ay mas madali ngang magpahayag ng saloobin sa taong hindi mo kilala. Sa isang ekstranghero. Hindi ko din maipaliwanag ngunit parang sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. “Ronald”, sabi niya. “Nice, meeting you again Ronald. Don’t worry. I’ll try everything to remember you.”, ngumiti lamang siya at nag-alok na ihatid ako. Tumanggi ako noong una ngunit pumayag nadin. Mukhang matatagalan si Kuya Long. Sa kalagitnaan ng aming biyahe, sinabi niyang naninibago daw siya sa aking kadaldalan. Sa isip ko naman, epekto marahil iyon ng aksidente. Hindi raw ako masalita noon, at madalas palaging nag-iisa. Naalala ko naman iyon. Introvert talaga ako, noon paman. Natuwa ako dahil alam din niya kung saan ako kasalukuyang naninirahan. “Uptown parin?”, tanong niya. Marami kaming napagkuwentuhan ni Ronald. Alam na alam niyang paborito ko ang Peperoni Pizza, kaya naman nagpasalamat ako sa libreng binigay niya sa amin. Napatingin din ako sa bintana nang may madaanan kaming stall ng Proben. “Gusto mo?”, napalingon ako sa kanya. Nananabik na ako sa mga pagkaing kalye ng syudad. Dalawang taon ding wala ko kaya naman labis ang aking pangungulila sa mga pagkaing bisaya. Hindi na masyadong umuulan kaya naman gumarahe muna kami tsaka nagtungo doon sa stall. Pinapanuod lamang niya akong kumain kaya napatanong naman ako. “You don’t eat this kind of food, do you?”, umiling lamang siya. Halatang nandidiri siya ngunit kumuha siya ng isang stick, sinawsaw niya iyon sa suka at kinagat. Ngumiti lamang siya at tinaas-baba ang kanyang kilay. Apat na stick ang naubos ko, siya naman isa lamang. Halatang gusto lang akong samahan, pero nagpapasalamat parin ako dahil sa gabing iyon, nakaramdam ako ng kalayaan at kaligayahan. Bago paman ako makalabas ng kotse pagkarating ng bahay, nagpalitan kami ng numero. Hindi na ako ng alangan dahil alam ko sa sarili kong mabuti siyang tao.
Matapos ang gabing iyon ay naging regular ang aming tawagan. Palagi din niya akong niyayaya kumain o mamasyal. “Seriously?”, tanong ko sa kanya tuwing sinusundo niya ako, ngunit pinagbibigyan ko rin naman. Masaya ako tuwing kasama ko siya. Tuwing nakikita ko ang muka niyang nakangiti. Tuwing nakabusangot at nakakunot ang kanyang noo sa tuwing tinatanggihan ko ang kanyang mga suhestyun. Para siyang batang makulit, ngunit malambing.
“This is familiar”, sabi ko habang nakaupo kami sa gilid ng kalsada, sa labas ng isang coffee shop malapit sa isang malaking hotel na kulay ginto. Napalingon siya bigla sa akin at ngumiti. “Naalala mo na?”
“Ah, just feels familiar. Have we been here before?”, tanong ko. Hindi naman siya sumagot. Tumayo siya at hinila ang aking kamay upang ako’y tumayo narin. Inagaw ko ang aking kamay dahil nahiya ako bigla nang may dumaang magkasintahan at naabutang hinawakan ni Ronald ang aking kamay. “Ahem. Okay, let’s go”, sabi ko. Tumayo ako at tumungo kami ng parking lot. Umakbay lamang siya sa akin at ngumiti. Bagamat nailang ako, ngumiti din ako at tumingin lamang ng diretso. Biglang lumakas ang tibok ng aking puso.
Bago matulog, nag-isip isip muna ako tungkol sa mga nagyari simula noong ako ay manirahan sa Cagayan de Oro kasama sila Tito Dante. Sa tutuo lang, tutol ang aking mga magulang sa aking pagbisita, kaya naman isang buwan lamang ang kanilang ibinigay sa akin upang manatili dito. Tinawagan ko si Ronald ngunit hindi naman siya sumasagot. Nahiga ako at pilit na tinatanggi sa aking sarili ang aking nararamdaman para sa kanya. Parang pamilyar. Parang matagal ko na itong nararamdaman. Marahil ay may gusto na ako kay Ronald, noon pa lamang ngunit hindi ko siya maalala. Malas naman.
Biglang tumunog ang aking telepono at kahit kinakabahan, sinagot ko iyon.
“Sorry, kaka-shower ko la—“, agad kong pinutol ang kanyang pagsasalita. “Were we a couple? Are we gay? If that’s so, why didn’t you contact me for 2 years? Did we do IT already?”, sunod-sunod ang aking mga tanong na para bang nagpapaputok ako ng armas sa giyera.
“Hey, relax. Ano ba yang sinasabi mo”, narinig ko ang malakas niyang pagtawa sa akin kaya naman ay ibinaba ko agad ang aking telepono at ibinaon ang aking mukha sa unan. “Stupid!”, sabi ko sa aking sarili. Hindi ko pinansin ang sunod-sunod na pagtunog ng aking telepono. Nang tumigil, inabot ko yon at binuksan. Nagpadala siya ng isang mensahe at pagkabasa ko ay agad kong nagpagulong gulong sa aking kama hanggang sa ako’y bumagsak sa sahig. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.

Text Message: “Kung di mo lang sana binaba ang phone mo, you’ll hear me saying I love you too… PS: we did it”.

Muli, nakaramdam ako ng isang parang misteryo sa aking puso.
***

Hindi ko maialis sa aking isipan ang huling mensahe sa aking ni Ronald. Maging sina Tito at Tita ay kampanteng magiging maayos ang takbo ng buong bakasyon ko sa kanilang bahay, dahil araw araw, palaki daw ng palaki ang aking mga ngiti. Ngunit isang gabi, nagising na lamang akong hinihingal dahil may kung anong bagay ang di ko maipaliwanag sa aking panaginip. Hindi na ako nakatulog sa mga oras na iyon at nagpasya na lamang na manuod ng telebisyon. Kinauamagahan, masakit man ng kaunti ang ulo, nakipagkita ako kay Ronald gaya nang usapan namin. May kung anong init ng ulo akong taglay sa araw na iyon, at halata niya iyon. Marahil dahil wala akong masyadong tulog. Tumingin lamang siya sa akin at tumutok sa aking mga mata. Dahan dahan niya akong pinapangiti gamit ang kanyang mga titig. Mahina nga talaga ako, lalo na kung ganitong mukha ang magpapaamo sa akin. “Fine, We’re we going?”

Dinala niya ako sa dati kong pinapasukang unibersidad. Linggo noon at bukas iyon dahil may kapilyang nagdadaos ng misa tuwing linggo. Hindi naman kami relihiyosong tao kaya’t tanging sa labas lamang kami ng kapilya namalagi. “You might remember something”, tugon niya. Alam kong tinutulungan niya akong maalala ang lahat, ngunit sa isip ko, importante pa ba iyon? Tila naging kontento na ako sa kung ano man ang meron ako ngayon. Marahil marami akong hindi maalala, ngunit dahil sa kanya, mas nais kong gumawa na lang ulit ng mga memoryang babaunin ko sa kinabukasan. Umupo kami sa isang bench sa ilalim ng isang malaking Acacia. “You know what, people are looking at us. Aka nila mag-jowa tayo.”, sabi ko habang tinuturo iyong dalawang babaeng naglalakad. “Bakit, di ba?”, pilyo niyang pagsagot. Sinundot niya ang aking tagiliran na siyang nagpagalaw sa akin. “Baby fats”, at tinawanan niya ako. Tumawa lang din ako at di na sinubukang gumanti. Bigla akong napatigil at natulala na lamang sa kanya. “Bakit?”, tanong niya. Ngunit tila wala akong marinig dahil sa aking nasaksihan. Agad akong tumungo doon sa dalawang batang nagtatalo malapit sa amin. Inawat ko silang dalawa. Sumunod naman sa akin si Ronald. “ Uy. Tigil nayan”, ngunit ayaw parin paawat ng dalawa. Makukulit. “Kapag tumigil kayo, bibilhan ko kayo ng Jollibee, ayos ba?”, tumango naman ang dalawa. Tumayo ako hawak ng magkabilang kamay ko iyong dalawang bata. Nakangiting nakatingin sa akin di Ronald, ngunit sa isang iglap, biglang nilamon ng dilim ang paligid. Nakaramdam ako ng pag-alog sa aking katawan at mahihinang sampal sa aking pisngi ngunit ayaw dumilat ng aking mga mata.
***

Nagising ako at napahawak sa aking ulo. Masakit iyon na para bang may kung anong tumusok. Napabangon ako nang mapagtanto kong nasa isang Emergency Room ako. Kahit nahihilo, pilit kong inaalala ang lahat. Tumingin ako sa orasan, sa mga taong pumapalibot sa akin, sa nurse na tumakbo papalapit sa doctor doon sa sulok, sa isang lalaing patakbo papalapit sa akin. Nanlalamig at nanginginig ang buo kong katawan nang hawakan niya ang aking kamay. Siniko ko iyon at hindi ko na namalayan ang mga luha ko. Pilit kong binabara ang kanyang pagpupumilit na kausapin ako. Tinawag ko ang nurse upang alalayan ako ngunit pinigilan niya akong makatayo. Nagkagulo ang buong Emergency Room dahil narin sa pagiging agresibo ko. Ang nais ko lamang, makalayo sa lugar na ito. Sa taong ito. “Stay away!”, hindi ko siya tinitingnan, at sinesenyasan lamang na huwag lumapit sa akin. “Nurse, where’s my phone?”, kinakapa ko ang aking bulsa. “I need to call my mom”, mabilis ang mga pangyayari at ilang minuto pa ang dumaan, dumating sina Tito dante. Niyakap nila ako at agad na tumungo palabas ng Ospital. Habang hinihintay namin ni Tita ang sasakyan ay bigla akong niyakap ni Ronnie, noong una ay hindi ako nakapalag ngunit nagawa kong kumalas. Hindi ko alam kung bakit, ngunit nakaramdam ako ng awa sa nakita kong mga luha at pag-aalala sa mukha niya. Nasaktan ako sa nakita kong pag-iyak niya. Nunit mas pinili kong maging mas matigas at tinulak siya papalayo. Bukod naman sa galit ako sa kanya, nakakahiya ang ginawa niya sa akin. “I said, stay away!”, at bumusina na ang sasakyan ni Tito Dante. Nagmadali kaming pumasok ni Tita ng sasakyan. Agad akong humagulgol habang yakap yakap niya ako. Marahil nabigla ang aking katawan sa lahat ng ala-ala na bumalik nalang na parang ligaw na balang tumama sa akin. Tinawagan ni Tito Dante ang aking mga magulang na paluwas nila ng syudad ng wala sa oras. Mistulang naging eksena sa telenobela ang bahay nila Tito Dante.

Kinagabihan at naging mas kalmado na ako. Hinintay ko munang makatulog ang mga kasamahan ko sa bahay. Lumabas ako ng bahay upang kausapin si Ronnie sa huling pagkakataon. Nakakailang tawag narin siya at naubos ang pasensya ko. “Let’s end this”, sabi ko sa aking sarili. Mahina kong isinara ang gate at tumayo lamang sa tabi niya. Nakaupo siya sa sidewalk at nakasuporta ang kanyang tuhod sa kanyang baba. Hindi kami nag-imikan ng ilang minuto. Agad naman niyang binasag ang katahimakang bumabalot sa aming dalawa. Umupo ako sa tabi niya ngunit inobserbahan ko ang distansya namin. Tanging ilaw lamang sa mga poste ang nagpapaliwanag sa aming gabi. Maulap at mahangin din kaya naman may kalamigan.
“It was a just a dare”, nagsalita siya ng mahina. Hindi siya tumingin sa akin at nilalaro lamang ang kung ano mang madakma niya sa kinauupuan niyang concreto. “Nakipagkaibigan ako sayo noon kasi Cha and I, we agreed on a dare”.
“Alam mo naman yun. Pero pumayag din ako. We became friends. I guess dahil matalino ka din kaya nakipagpartner ako sayo. Tapos mukhang mabait ka naman, loner pa.”, huminga siya ng malalim bago nagpatuloy.
“Cha was very desperate for some reason. Hindi ko alam kung bakit. Pero dahil pinsan ko siya, pumayag na din ako. Simula sa Research Paper hanggang sa tinawagan mo ako nung lasing ka, lahat ng yun alam ni Cha. Pero siguro karma ko ‘to. Mukhang ako ata ang nabigo sa dare namin, kasi di ko inaasahang mamahalin kita.”, nag-umpisa na akong makarinig ng mga mahihinang pagsinghot niya.
“JC, that night, the tow of us, it was probably the best thing that’s happened to me. But my loyalty got tested. I know I’m a douche… Cha is my family.”
“ Pinagsisihan kong di kita pinili, JC. That stupid confession, hindi ko alam na gagawin yun ni Cha. Ngayon di ko na alam kung paano mo ako mapapatawad”, lumapit siya sa akin at humarap. Nakaluhod siya at inabot ang aking mga kamay. “I’m sorry, JC. I’m sorry”.

Pinigilan ko man ang aking sarili, ngunit tuloy tuloy narin ang aking paghikbi. “Ronnie, it was two years ago. But for me, it felt like it was just yesterday.”, kinuha ko ang aking mga kamay at initago. “I don’t know If I can forgive you right now. Go home, please. Go home.”, Inabot ko ang kanyang kamay at binigay ang liham na pinakatago-tago ko simula noong nagising ako sa aking pagkaka-comatose sa Ospital. Dapat nang maibalik iyon kung kanino man iyon nanggaling. Nayupi iyon ng kanyang kamay nang tanggapin niya ang liham galing sa akin. Tumayo ako at pumasok na ng bahay. Umiiyak man, pinilit kong makatulog. Niyakap ko ang unan ko at ibinaon ang aking mukha sa aking kumot. Kung ito man ang nawawalang piraso ng aking alala, kung ganito man kabigat at kasakit, mas pipiliin ko pang tuluyan nang makalimutang may dapat pa akong maalala.
***

Inayos ko ang aking pagkakaupo nang makaramdam ako ng sakit sa likod matapos akong nakayukong nagbabasa. Sa isang Coffee Shop, katapat ng isang kilalang unibersidad sa Maynila ako kasalukuyang nag-aaral. Napagpasyahan kong kumuha ng panibagong kurso at bumalik sa umpisa. Hindi pa naman huli ang lahat upang magsimula ulit. Panibagong lugar, paaralan, kaibigan at kurso. Maayos na ang lahat sa buhay ko. Maging pamilya ko ay unti-unti nang bumabalik sa dati. Hindi narin ako nakasuot ng braces, at inuugali ko na lamang na ikabit ang aking retainer tuwing matutulog. Bukod sa mga pisikal na paghihilom, matagal na ring nawawala sa aking isip ang mga masasakit na mga pangyayari sa aking buhay. Isang taong nadin naman iyon at Life must go on, ika nga nila.
Hindi pa ako nakaka-order ng kape at naubos ko na ang isang pirasong cake na binili ko. Sapat lang na dalawang daan ang natira sa aking pitaka, at hindi ko pa nawi-withraw ang pera ko sa ATM. Ayaw kong umalis at baka di ko na mabalikan ang mesa kung saan ako palaging nag-aaral. Uhaw man, tiniis ko na lamang iyon sandali bago humingi ng tubig sa barista. Bumalik ako sa aking pag-aaral at minabuting ipagpaliban muna iyon ng ilang minuto. Kinuha ko ang kakabili kong nobela upang basahin ngunit natigilan ako nang biglang tumugtog ang pamilyar na musika.

“…San darating ang mga salita
Na nanggagaling sa aming dalawa
Kung lumisan ka, wag naman sana
Ika'y kumapit na, nang di makawala1
Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo’t magiging ikaw…”

Yumuko ako ulit upang magsimulang magbasa ngunit isang paggalaw ng mesa at ng bakanteng upuan ang pumukaw sa akin. Napatingala ako at isang pamilyar na tao ang nakangiting nakaharap sa akin. Inilapag niya ang isang Paper Cup ng kape kung saan nakasulat ang katagang “Hi”. Dahan dahan niya iyong iniusog kung nasaan nakalapag ang aking kamay at libro. Sinuklian ko din iyon ng isang matipid na ngiti. “Can I join you? Wala na kasing bakante, eh”, kinuha ko iyong Kape at nagumpisang magsulat sa kabilang parte gamit ang aking itim na Uni-pen. Iniusog ko iyon ng dahan dahan at iniharap sa kanya ang parte ng Paper Cup na sinulatan ko. “Ok”.  Inilapag niya ang kanyang bag sa sahig at umupo. Agad kong ibinaling ang aking atensyon sa aking libro at nag-umpisang magbasa. Wala akong maintindihan sa aking binabasa dahil lumilipad ang utak ko. Napahiya ako nang hinawakan niya ang aking libro at inikot. Baliktad pala ang aking pagkakawahawak. Tumawa siya ng mahina at nagsalita. “Pizza, later?”

“What are you doing here?”
“I’m taking up my masters. Why?... So dito Karin pala nag-aaral? Wow! What a co-incidence. Ah, bobo ko naman, nakasuot ka nga ng uniporme.”, yumuko lamang siya. Marahil ay nahihiya. Nahihiya sa mga dahilan niyang wala namang katutoran. Pinigilan ko lamang ang aking tawa dahil alam kong naiilang din siya.
“Masters, huh.”, inirapan ko lamang siya.
“Oo naman.”
“You seem so casual for a Masters class”, sinungaling talaga ang kupal. Naka-tshirt lamang siya at nakashorts. Nakasuot ng rubber shoes na puti, ngunit may mga kaunting mantsa rin. “Really, what are you doing here?”

“Before I answer, let’s have Pizza. Please?”

“…San darating ang mga salita
Na nanggagaling sa aming dalawa
Kung lumisan ka, wag naman sana
Ika'y kumapit na, nang di makawala1
Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo’t magiging ikaw…”

“Sure”, sagot ko.

***

WAKAS.

Notes. Thank you so much to all those who have read my stories. Comments are accepted whole-heartedly. May you help me improve. Extending my love to all those who have been with me since Part 1, you are the best! I did my best to finish this tonight, so some might feel that the pacing is a little rushed. I did not do proofreading, too. Sorry. Tiis tiis sa wrong spellings. HAHA.
Anyway, hope you still enjoy.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This