Pages

Friday, September 21, 2018

Fireplace Song (Part 2)

By: Mckenzie

Una kaming nagkita ni Roan sa Waltermart para bumili ng food and drinks namin. Inuman ito, hahahaha.

Luka-luka din ‘tong si Roan at namiss ko talaga siyang kasama. Classmate ko siya since first year high school hanggang makagraduate kami.     ^,^ 

Ang cute namin tingnan ‘pag magkasama kami. Parehas kasi kaming cute. LOL.

Nag iikot ikot na kami sa Waltermart nang may makasalubong kami na pogi.

“’Pag sakin tumingin ‘yan, straight. Pag sayo, bisexual yan.” sabi ng landi.

Tawa naman ako nang malakas sa sinabi ni Roan. Sa sobrang lakas ng tawa ko, sakin tumingin yung guy. Title ako. LOL. Ligwak si Roan. Panis ang ganda mu sakin. Hahaha.

Nakasimangot ang luka habang naggrocery.   XD  

Pagkatapos naming mamili, nagpunta na kami sa resort. Nandun na yung iba at naghihintay na sa loob. Nagset na kami ng inuman at nagsimula na maghapi-hapi. :)))

Nagswimming na yung iba habang hinihintay ko naman ang pagdating ni Chester.

“Pakilala mo sakin yung boyfriend mo ha.” sabi ni Roan.

“Gaga hindi ko boyfriend yun.”

“Ewan..” sabi naman niya ulit. Hindi na lang ako sumagot.

+++++++++++++

Tuloy pa rin ang inuman at ako na ang tagay nang dumating si Chester. Naka board shorts ito at black sando.

Sobrang pogii! Parang ang sarap nito papakin. Hahaha.

Napatingin ang lahat kay Chester. Mapababae, lalaki, bading, paminta, tomboy, kulisap, ibon, langgam, rattlesnake, manok at marami pang iba. LOL

Awkward man dahil sa nangyari kanina, ipinakilala ko siya sa lahat ng barkada ko. Tulala sila, ang pogi kasi. Hahaha.   ^^.  

Bumalik na ang lahat sa inuman. Napansin ni Chester ang hawak kong baso ng alak.

“Anu yan?” tanong niya.

“Iced tea.”

“Iced tea my ass. Bitiwan mo yan at magswimming na lang tayo.” sabay hila sa kamay ko. Ininom ko muna yung shot ko bago sumama sa kanya. Napailing iling iling na lang siya.

+++++++++++++++

Mukhang nakalimutan na niya yung nangyari kanina. Nakangiti lang siya sakin habang naglalakad kami palayo sa inuman. Malapit na kami sa wave pool nang maalala ko na hindi nga pala ako sanay lumangoy.

T.T

“Ayaw ko magswimming dyan. Dun lang ako sa mababaw.” sabi ko habang nakayuko.

“Tuturuan kita maglangoy don’t worry.” sabi niya habang nakangiti.

Can’t say NO. Sumama na din ako.    ^___^

Ang tagal namin sa pool. Hindi pa din ako matuto. Hahahaha talon talon lang ako sa tubig.  Langoy doggie. LOL.

“Dun tayo sa may slide.” hila na naman niya ako.

T.T

“Ikaw na lang magslide.” Hindi niya ako pinansin. Hila pa din siya sakin.

“Hintayin na lang kita dito sa baba.”

Parang wala siyang nadidinig. Akyat na kami sa itaas.

Ang taas. T.T

Dalawang fear ko pinagsama. Fear of heights and drowning.

“Lika na, sabay tayo magslide.” sabi niya sakin habang nakangiti.

“Gusto mo na ako mamatay?” malapit na ako maiyak.

“’Wag kang matakot, yakapin kita habang magslide tayo. Hindi kita papabayaan malunod.”

Nakuha ko pang kiligin, bwiseeet!!   >.< 

Huhu. Pumayag na lang ako. Sobrang takot talaga ako. 8 feet deep kasi yung babagsakan naming pool. Sigurado mamamatay na ako.     T___T 

Naupo na ako sa pinakaitaas ng slide. Lord naging mabait naman ako diba?! Naramdaman ko siyang umupo sa likuran ko. Humawak ako sa gilid ng slide. Nanginginig talaga ako. Hinawakan niya ako sa mga braso.

“Andito lang ako sa likod mo. Wag ka mag-alala.” Napatango tango lang ako sa pagsang-ayon.

“Ready?” tanong niya.

“Oo, dahan dahan lang pede?” muntanga kong tanong. Pwede ba namang dahan dahan ang pagslide? My brain isn’t working (like most times, LOL) because I’m motherfucking nervous.  T___T     

Natawa siya. “Let’s go!!!!”

Naramdaman ko ang pagtulak niya. Niyakap niya nga ako sa pagslide namin.

Waaaahhhh!! Thank you sa lahat ng mga nagmamahal sakin, mahal ko din kayo.

Please pray for my soul.    T.T

Huhu..

Alam ko hindi ako dapat huminga pagbagsak namin para hindi ako makainom ng tubig. Pinigil ko paghinga ko at pumikit. Kakaiba yung feeling habang nagslide kami. Parang may kumikiliti sa tiyan ko. I hate it.

Slide slide slide slide.. Who the fuck thought of making this slide this high? I can’t! Yakap pa din ako ni Chester nang mahigpit.

Slide slide.. Ang tagal naman.

Ibinukas ko ang mga mata ko. Nagulat ako dahil nakita kong sasalpok na kami sa tubig! I held my breath.

Ayun. Paglubog namin sa tubig saka naman ako napahinga.

Tanga talaga..  -______-  

At eto na nga.. Nalulunod na ako.   T.T   

Helf!!!!

Huhu. Ang lalim naman ng pool na ito.

Nalulunod pa din ako.

Ang ganda ng tubig. Wala bang mga isda dito?

-_____-

Huhuhu.. Deads na ba ako?

Napapaisip akong katapusan ko na nang parang may humihila sakin paitaas. Umabot kami sa surface. At doon ko naalala na andun nga pala si Chester, kasama ko. Fear overpowered all my thoughts, nakalimutan ko na lahat.

“Okay na. Dito na tayo sa ibabaw.” narinig kong sabi ni Chester habang naglalangoy siya para makapunta kami sa gilid ng pool.

Nasa likod niya ako at nakakapit ang dalawang kamay ko sa mga balikat niya. Tulala pa din ako.

“Ang dami kong nakain na tubig.” wala pa din ako sa sarili. Natawa naman ang loko sa sinabi ko. Noon ako natauhan.

“Hehe, buhay pa ako. Hindi ako nalunod, right?”

“Right! Kasama mo yata ako.” nakita kong nakangiti siya habang sinasabi niya iyon.

“Eh?..”

“Wala. Sabi ko. Hindi ko hahayaan mawala ka sakin.”

“Huh?.. Sabi mo?”

Ang narinig ko lang kasi eh yung “Wala.. sabi ko..” tapos yung sumunod parang humina ang boses niya kaya hindi ko nadinig nang malinaw.

Parang ang narinig ko sa huli niyang sinabi ay ganito: “Gaguabablodi ko hayangan jubhuabinla ka sakin..”

Ano daw sa kanya? Hindi ko nadinig.   =__________=   

“Wala, ang bingi mo. Ipacarwash mo nga tenga mo!”

“Wala namang gulong tenga ko ah!” Ayt, kakainis.

Pinipilit ko pa din isipin kung anu iyon nang parang nagsalita na naman siya.

“MAHALAGA KA SAKIN, I DON’T WANT TO LOSE YOU. NOT EVER.”

@.@

Wala pa din ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Seryoso ba siya?

+++++++++++++++

Anu nga ulit yung sinabi niya???

Replay:

“MAHALAGA KA SAKIN, I DON’T WANT TO LOSE YOU. NOT EVER.”

“MAHALAGA KA SAKIN, I DON’T WANT TO LOSE YOU. NOT EVER.”

“MAHALAGA KA SAKIN, I DON’T WANT TO LOSE YOU. NOT EVER.”

“MAHALAGA KA SAKIN, I DON’T WANT TO LOSE YOU. NOT EVER.”

“MAHALAGA KA SAKIN, I DON’T WANT TO LOSE YOU. NOT EVER.”

“MAHALAGA KA SAKIN, I DON’T WANT TO LOSE YOU. NOT EVER.”

Adik naman sa replay.    =_____= 

Narating din namin ang pampang. Pampang talaga?! LOL.

I mean, nasa gilid na kami ng pool. Kinuha niya yung towel na nakasabit at ibinalot iyon sa kanyang sarili.

Ayt, hindi ko nadala ang towel ko.    >.< 

“Halika dito.” sabi niya habang nauupo sa isang bench doon. Uupo na sana ako sa tabi niya nang hinawakan niya ako sa braso.

Sa pagitan ng mga hita niya ako pinaupo.

“Siguradong lalamigin ka, dito ka maupo sakin.”

Natutulala talaga ako.   T__T 

Nakaupo na ako sa harap niya. Niyakap niya ako ulit.   >.< 

“I know how scared you were up there. You were trembling.”

Napayuko ako.

“Salamat sa pagtitiwala mo sakin. It meant so much to me.” Parang naramdaman kong hinalikan niya ang likod ng right ear ko. Uh, parang hinalikan niya ako?

Hindi ako sigurado.   >.< 

++++++++++++++

Bumalik kami ni Chester sa cottage. Inabutan namin ang iba na kumakain na. Nagpaalam ako na magpapaload lang sa convenience store ng resort.

Sinabihan ko si Roan na kausapin si Chester habang wala ako para naman hindi ito ma-out of place.

Pabalik na ako nang madinig ko si Roan na nagku-kuwento.

“Ang weirdo niya, ayaw niya nagsusuot ng may kulay na medyas. Baka daw kasi humawa yung kulay sa paa niya. Kaya lahat ng socks nun white or black lang.”

(Mahilig na po ako sa colored socks ngayon!)

Ang daldal talaga ni Roan.  -_____- 

Hindi muna ako nagpakita sa kanila, nakinig pa ako. LOL.

“Lagi pa nadadapa or nabubunggo sa kung ano. Lagi nabibitiwan yung hawak, naiipit lagi sa pinto, sa elevator, kung saan saan!”

Hoy Roan, sabihin mo na lang kayang tanga ako.    -_____________-  

“Tanga pa yan, hindi sanay magbike. Pag liliko, binubuhat pa niya yung bike!!”

Tanga nga daw ako. T.T

“Tapos one time, sabi niya sakin, kinagat daw siya ng manok!”

“Tapos pag umuulan, lagi siyang may dalang payong. Pero hindi niya ginagamit. Ayaw daw niya na nababasa yung payong niya. Naiinis daw siya!”

Sumosobra ka na Roan! Tawa lang naman nang tawa ang bugok na si Chester.

Pinapagtawanan ako.    -_____-  

Naglakad na ako papalapit pero hindi pa din ako pansin ng dalawa.

“Hindi mo din yan makakausap pag nanonood na ng anime. At gusto niya lagi ng toasted na fried egg pag breakfast!”

“Grabe, napakaweird ko palang tao…”     -_____- 

Lalo pa lumakas ang tawanan nila. Kakabuset.

++++++++++++++++

Nagpunta ako sa computer shop ng resort at nag-online na lang.

Ayt. Kakabadtrip.   >.< 

Magfacebook na lang ako. Bahala siya dun.

Ang dami naman tao.    =_____= 

Sa dulo ako nakakita ng vacant seat. Tinanong agad ako ng nagbabantay.

“Magcocomputer?”

-______-

Hindi, kakain! Magkano isang order?! “Opo..”

“Open time?”

“Opo.”

At naupo na ako. Check notif, news feed, messages. Online pala si Chester.   =_____= 

At nakita ko siyang nakaupo sa bandang malapit sa pinto. Sinundan pala ako.

Hindi kita papansinin bahala ka.

Nagchat siya sakin.

Chester    :    Hindi ka nag-aaya ah.

Momo        :    Busy ka sa chismisan eh.

Chester    :    Lol. Nagkukwentuhan lang kami.

Momo        :    Kwento your face. Ewan.

Chester    :    Eh bakit ang sungit mo?

Ako masungit? Nag-offline ako sa chat. Bahala ka dyan. Nagmessage siya sakin.

Chester    :    Mag-ol ka sa chat.

Chester    :    Please. Sori na po.

Ayt. Teka lang naman Chester, naggagalit-galitan pa ako.  >.< 

Nagyoutube na lang ako.  >.< 

Chester    :    Pag hindi ka nag-ol pupuntahan kita jan.

Chester    :    Tapos hahalikan kita.   :)

Aw! Panic mode ako.   x____x 

Nag-ol na ako, hahaha. Tapos bati na kami. LOL. One hour lang ako nagcomputer. Tapos sabay na kami lumabas. Inakbayan niya ako habang naglalakad kami.

Kilig much.   >.< 

+++++++++++++++

Gumabi na. Pabalik na ako sa cottage pagkatapos ko bumili ng marsh mallows. Hehe, may nakita kasi akong bon fire pit malapit sa cottage namin. Gusto ko ng roasted mallows..  ^^.  

Tinawag ko si Chester nang magbaga na ang mga kahoy, para makapag ihaw na kami. Binigyan din kami ni Roan ng hotdogs.

Ang saya ko talaga habang nagkukwentuhan kami.

“Mahilig ka ba sa pets?” tanong niya.

“Uh. Hindi ako nag-aalaga ng pets.”

“Oh bakit?”

“Kasi nakakalungkot lang pag wala na sila.”

“Ah so, may pet ka pala dati?”

Tumango ako bilang sagot. “Manok.”


O___O    ← mukha niya. Haha.

“Manok ang pet mo?” hindi siya makapaniwala. LOL.

“Oo. What’s wrong with that?” tanong ko habang medyo natatawa.

“I mean, bakit manok?!”

“I mean, why not?” Gaya ko sa kanya.

“Okay.”

“Third year high school ako noon, school project namin sa economics yung forty-five days na manok.”

“Nung una sisiw palang siya.” nakikinig lang si Chester. “I named him Chikchik.”

“Sobrang saya ko nung mapalaki ko si Chikchik. Tapos dinala ko siya sa school nung malapit na matapos yung school year.”

“Ang galing ko nga eh, kase eleven lang kami sa class na nakapagpalaki ng manok. Inalagaan ko talaga si ChikChik nang mabuti. Sabay pa kami kumakain noon.”

Nalulungkot ako ayt.  >:( 

“Ah. Eh bakit nawala yung manok mo?” Kitang kita ko ang interest niya sa usapan namin.

“Ayun isang araw pag uwi ko galing school. Adobong manok ulam namin.”

“Haha! Niluto si Chikchik?!” natatawang sabi niya.

I nodded, then napayuko ako. I miss Chikchik.

“Hindi talaga ako kumain. Ayt ang salbahe nila. Kinain nila si ChikChik ko.”

Tawa naman siya. Luko luko talaga.    =____= 

“’Wag ka nga tumawa, kakabuset ka naman eh!”

Madami pa kaming napagkuwentuhan. Then he went silent.

Ang sarap talaga ng mallows.   ^___^ 

Then he broke the silence.

“You know what I’m thinking?”

“No.”

“I like being with you.” sabi niya habang nakatitig sakin.

Uh-oh. How should I react to that?!!   >.< 

“Wow, you’re an ass.” sabi ko.

“Im not kidding.”

>.< 

“Uhmnn…” I feel so awkward. I looked at him in the eyes. Holy crap. I want to just kiss him right now!

“I like being with you too.”

He went closer. And took my hands. He wrapped those with his own hands. What he’s doing is sending me to places I’ve never been before.

I didn’t want this night to end.

+++++++++++++++

“May tree planting activity kami sa ROTC class mamaya. Sama kita.”

“Saan kayo magtatanim?”

“Sa San Miguel daw eh. Sasakay tayo ng school shuttle papunta dun.”

“Sige.”

Nagkita kami sa school quadrangle at hinintay yung mga classmates ko sa ROTC. Sobrang daming gusto magparticipate sa activity. Ang bawat isa ay may kasama. Isang oras ang biyahe bago kami nakarating sa site.

Kumain muna ang lahat. Sobrang saya kasi madami kaming baon na food. Sabay kami kumain ni Chester. Medyo OP siya kasi sabit lang siya. Pero hindi ko naman siya pinapabayaan.

“Okay guys, get one tree and look for a place you want it planted.” sabi ng ROTC officer.

“Anong puno ang itatanim mo?” tanong niya sakin habang nakapila kami.

“Gusto ko yung strong at hindi madali mamatay, yung siguradong magsu-survive.”

Baby mango trees ang napili namin ni Chester. Kumuha kami ni Chester ng tig-isang puno. Naglakad ako nang medyo malayo sa karamihan. Hawak ko yung baby tree. 1 foot tall pa lang ito. Ibinaba ko muna ang puno at nagsimula akong maghukay.

Hindi naman ako nahirapan dahil hindi naman masyadong matigas ang lupa. Marami pang damo na nakapaligid.

“Baby tree, dito kita itatanim ha, siguradong maarawan ka dito at hindi mahihirapan kumuha ng tubig para lumaki ka agad.”

Inalis ko na yung plastic at itinayo ko na ang puno sa hukay at unti unti kong tinabunan. Nakatayo na nang maayos si baby tree.   ^.^  

May nakita akong malaking bato. Pinilit ko iyong buhatin at itinabi sa baby tree ko.

Wew, ang bigat.     >.< 

“Ayan, para hindi ka masyado mahirapan pag malakas ang hangin dito. Kelangan strong ka ha. Promise ko, babalikan kita dito para kumustahin ka.”

“Kinakausap mo ang puno?”

O.O

Nagulat ako, nasa malapit lang pala si Chester at pinapakinggan ako. Naghukay siya mga dalawang meters ang layo sa baby tree ko. Pinanood ko lang siya habang itinatanim ang puno.

“Baby tree, dito kita itatanim ha, siguradong maarawan ka at hindi mahihirapan kumuha ng tubig para lumaki ka.”

Ginagaya niya yung pagtatanim ko kanina.     -_______- 

Kumuha din siya ng malaking bato at itinabi iyon sa baby tree niya.

“Para hindi ka mahirapan pag malakas ang hangin dito. Dapat strong ka, promise ko babalikan kita dito para kumustahin ka.”

Nangingiti na lang ako habang sinasabi niya iyon. Ang adik talaga. Sobrang saya ko buong araw hanggang sa makabalik na kami sa school.   ^.^ 

++++++++++

Pag nananaginip ako, almost everytime, I’m aware it’s just a dream…

That night I was dreaming. I was inside a big old house. The wooden floor gave creaking sounds as I walk around. I knew I was in the common room because I saw five doors around. Each leading to different rooms.

There were old portraits with blurred pictures hanging on the walls. Old furniture, a grandfather clock, a piano set, everything I saw looked vintage. I don’t know why I’m dreaming about this.

There were giant wooden, metal and concrete sprockets all over the room, interconnected and aligned strategically.  They looked as if they are suspended mid-air, I did not mind. It’s a dream after all.

At the very center is a room made of glass. It looked like a telephone booth, three times bigger than the telephone booths we see on the streets. Wooden frames supporting the booth. And I couldn’t see what’s inside. There’s fog inside it. I felt uneasy looking at it.

I walked into the first room. I saw hundreds of wine glasses and goblets. Bottles of rum and whiskies. Old hats and lady scarves. Vases, old cabinets.

I went back to the common room and entered another room. This room seemed to me like a huge walk-in closet. Different clothes hanging everywhere. They looked old fashioned too.

I went back to the common room. There are three rooms left to explore. I walked towards the third room. I grabbed the door knob and I felt chills all over my body.

I woke up almost breathless.

+++++++++++++++++

One time, naglalakad ako sa park. Nakita ko na green na ang stoplight kaya naman tumawid na ako para makarating sa kabilang side ng kalsada. Sobrang daming tao na tumatawid kasabay ko at nakakasalubong.

Nakayuko lang ako habang tumatawid. Biglang may humawak sa kanang kamay ko.    

O.O 

Nakasalubong ko siya at lumampas na kami sa isa’t-isa. Pero magkahawak pa din kami ng kamay. So napatigil ako sa paglalakad. Tumigil din siya.

Nasa gitna kami parehas. Hanggang makatawid na lahat.

Kami na lang ang natira. Kahit hindi ko siya lingunin ay alam ko kung sino siya na hawak-hawak ang kamay ko.

Bigla siyang umakbay sakin. Medyo nailang ako.

"Wag kang papalag," sabi niya. Sabay ngiti sakin. Sobrang pogi niya ngayon kasi nakabonnet pa siya at long sleeves na shirt.

Nilalandi mo ako ha, sabi ko sa sarili ko. Hinawakan ko yung kamay niya. Lol, gantihan lang yan.

"Wag ka rin papalag." Ang saya ko, nakaakbay na siya sakin, holding hands pa kami.

<3 <3 <3

Ang ending, hirap na hirap kami maglakad. LOL.

"Bakit naman ako papalag?" Ayayay, I love you na talaga. Kainis.

Inaya ko siya magpunta sa tumana. Dun kami nagti-training pag ROTC class ko. Pumayag naman siya. Gustong gusto ko sa lugar na ito kasi masyadong tahimik. Nakakarelax.

Naupo si Chester sa isang bench doon. Ako naman ay nanatiling nakatayo. Nakatalikod ako sa kanya. Pinanonood ko yung mga ibon na lumilipad at palipat-lipat sa mga puno.

“Hindi ka ba mauupo?” narinig kong sabi ni Chester. “Ang layo ng nilakad natin.”

Umiling lang ako at medyo naglakad palayo sa kanya. Maliliit ang mga hakbang ko.

“Gustong-gusto ko dito.. Gustong gusto ko yung pakiramdam ng mga damo sa ilalim ng sapatos ko.”

Humarap ako sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang makita ko siyang nakangiti habang nakatingin din sa mga mata ko.

Tumayo siya at lumapit sakin. Hinubad niya yung bonnet niya at isinuot iyon sa ulo ko.

“Keep this.” Naguluhan naman ako sa kanya.

At natakpan pa ng bonnet ang mga mata ko.   >.<

Inayos ko iyon at nang nakakakita na ako, nakita ko siya.

O.O

Sobrang lapit sakin.

Then he kissed me on my left cheek.

At this very point, I just want to get out of friendzone with Chester.

And I don’t fucking know how to.

++++++++++++++++

TO BE CONTINUED..

No comments:

Post a Comment

Read More Like This