Pages

Friday, September 7, 2018

Hyacinthus (Part 1)

By: SadBoy

Apollo, the god of music, healing, poetry, truth, and sunlight, once had a lover named Hyacinthus. He's captivated by the beauty of the young man but just like all other romanitic stories there will always be a conflict. Zephyrus the greek god of the west wind cannot accept that Apollo won the heart of the beautiful young man, so when the two lovers are playing discus throw and it's already Apollo's turn, the jealous god sent a wind that brought back the discus and accidentally hitting Hyacinthus. Apollo wasn't even able to save his lover using his herbs and it leads to Hyacinthus' death. From the blood that was shed, Apollo grew a beautiful flower that will eventually called Hyacinth, and each petal symbolizes his tears and pain.

***

Isinarado ko ang librong binabasa ko at kinusot ang aking mata. Napatingin ako sa orasan sa may itaas ng aking bintana.

"Maaga pa." kaya naman kinuha ko muna ang salamin ko sa may bedside table at isinuot ang aking tsinelas upang magtungo sa kusina.

Halos apat na buwan na pala kong naninirahan ngayon dito kila tita Risa at masasabi kong sa loob ng mga panahong iyon ay unti-unti na akong nasasanay. Masakit pa rin hanggang ngayon sa akin ang biglaang pagkamatay ni mama at papa. Nabundol sila ng isang truck habang papunta sa airport kung saan dapat ay susunduin nila ako. Nakulong na naman ang driver pero hindi naman mapupunan niyon ang lungkot na nararamdaman ko.

Kadalasan, ako talaga ang unang nagigising sa kanila kaya naman ako na rin ang nagluluto ng almusal para naman hindi na mapagod pa si tita at wala kaming kasambahay dahil gusto nila na matuto kami sa gawaing bahay.

Oo nga pala, I am Prince Jacinth L. Buenavides and I am 100% gay. A homoromantic gay to be exact. Di ko alam kung kailan ko siya nasimulan maramdaman pero natanggap ko na lamang sya sa aking sarili noong nag-aaral ako nang high school sa States. Napapansin kong mas naiinggit ako sa mga nakakasalamuha kong nag-eengage sa isang same sex relationship at ramdam ko na gusto kong magkaroon ng kasintahang lalaki. Hindi lang dahil sa sexually attracted ako sa kanila pero dahil mas natutuwa ako sa romance at kilig na naibibigay ng mga lalaki.
Gayunpaman, hindi ako nagkaroon ng boyfriend dahil na rin siguro sa hindi naging ganoon kadali para sa akin ang pag-aadjust sa kultura at gawi ng mga Amerikano at naging loner ako. Naranasan kong mabully at maging sentro ng katatawanan dahil sa personality ko. Nagkaroon ako ng inferiority complex dahil doon. Lagi kong kinekwestyon ang sarili ko sa lahat ng bagay at bumagsak ang self-esteem ko. Hanggang ngayon, alam kong bitbit ko ang mapait na bunga nang pag-aaral ko sa Amerika. Walang nakakaalam nito sa pamilya ko, mula sa pagiging hopeless romantic na bading hanggang sa pagiging talunang mag-aaral.

"Oh Jace, mukhang masarap 'yan ah." papuri ni kuya Francis.
"Gising ka na pala kuya, saglit lang at patapos na 'tong sinangag." hininaan ko na rin ang apoy matapos ang ilang saglit para ihanda na sana ang mesa pero inunahan na ko ni kuya.
"Ako na rito Jay, tignan mo na lang kung gising na si Marcus at baka mahuli kayo sa eskwela." sabi niya at ginulo pa lalo ang medyo kulot kong mga buhok.

Kung may isang bagay man akong masasabi na di pa ko ganoong kasanay sa bahay na ito, marahil iyon ay ang pakikitungo sakin ni Marcus. Malamig sya sa lahat pero ewan ko ba, pakiramdan ko ibang klaseng lamig iyong ipinupukol nya sakin mula sa simpleng pagtingin lang hanggang sa pakikipag-usap sa akin. Kakatukin ko na sana ang pinto niya nang bigla iyong bumukas at iniluwa siya na tanging boxers lang ang suot at may tuwalyang nakasabit sa kanyang kanang balikat. Tila ba nalunok ko ang dila ko nang mga panahong iyon.

"Ano? Tumabi ka nga." singhal niya na siya namang nagpabalik sa akin sa realidad.
"Di ka ba kakain muna?" tanong ko sa kanya pero tanging pagsarado lamang ng pinto ng banyo ang kanyang naging tugon. Napabuntong hininga naman ako dahil doon at bumalik na lamang sa kusina upang mag-agahan.

"Nasan si Marcus?" tanong ni kuya Francis pagkabalik ko.
"Nauna na maligo kuya eh, baka pagkatapos na lang nya saka sya kakain." napatango naman si kuya at umupo na ko para makakain ng almusal.

"Siya nga pala Jace. Isang buwan akong mawawala dito sa bahay simula sa susunod na araw. Kayong dalawa lang ni Marcus ang maiiwan dito hanggang makabalik si mom at dad galing Japan next next week. Alam mo naman na malayo yung pinago-OJT-han ko kaya doon muna ko sa condo ko tutuloy hanggang matapos ang training." sumang-ayon naman ako sa sinabi ni kuya. Di lang maiwasan ng isip ko na alalahanin kung anong mangyayari oras na kaming dalawa na lang ni Marcus ang naririto sa bahay. Sila tita at tito kasi ay may business meeting sa Japan. Simula kasi nang mawala sila mama at papa ay mas naging busy sila lalo pa't sa kanila na nakasalalay ang kumpanya namin.

Siguradong magdadala na naman ng babae si Marcus oras na kaming dalawa na lamang ang narito. Napabuntong hininga na lamang ako sa aking isipan sa ideyang iyon.

Kasalukuyan kong hinahanap ang gymnasium ng university para sa orientation. Di na rin kami nakapagsabay ni Marcus umalis dahil ayon kay kuya Francis ay umalis rin ito agad at hindi na nag-agahan pa. Ano pa bang bago doon eh lagi naman kaming nag-iiwasan na dalawa.

Halos mahilo na ko nang tuluyan kakahanap sa gymnasium pero nahihiya naman akong magtanong. Mabuti na lamang ay may mabait na lalaking lumapit sa akin.

"Hey, are you lost?" bungad nyang tanong sa akin. Napatango naman ako dahil di ko alam kung dapat ko rin ba syang kausapin.
"Great, you're freshman too, right? Let's head to the gymnasium." ngumiti siya at kitang-kita ko ang magaganda niyang ngipin na nagpadagdag sa kanyang kagwapuhan. Natulala ako nang hindi ko alam kung gaano katagal at naputol lamang iyon ng bigla nyang iabot sa akin ang kamay niya.

"I'm Jozeph Russel, and you are?" inabot ko naman iyon nang dahan-dahan at nagpakilala.
"Jace, Jacinth." nasa likuran nya lamang ako habang patuloy sa paglalakad. Narinig ko naman syang tumawa na syang ikinagulat ko.
"Wag ka naman dyan sa likuran ko." huminto siya at tumabi sa akin na sya namang nagpainit ng mukha ko.
"Ano nga palang degree program mo?" tanong niya sa akin.
"Business Ad, ikaw?" sagot ko habang nakayuko dahil alam kong namumula ang mukha ko ngayon at nahihiya akong makita nya 'yon.
"That's great, parehas pala tayo. Sana magkaklase na rin tayo para di na tayo mahirapan." umakbay sya sakin kaya naman mas dumoble pa yata ang pamumula ng mukha ko.

Magkatabi kami sa upuan dito sa gymnasium at kasalukuyang nakikinig sa napakahabang speeches regarding sa school at various information na makakatulong bilang isang freshman. Nakita ko pa nga si Marcus na nakatingin, sa akin? Di ko sigurado pero umiwas na lang rin ako nang tingin. Tahimik lang ako sa aking upuan at si Jozeph ang maraming kwento, nalaman rin namin na pareho man kami ng degree program ay iba naman ang major namin. Ako ay sa Marketing Management habang sya ay sa Human Resource kaya naman malabong maging magkaklase kami pero di rin naman nagkakalayo kung sakali ang department namin dahil nasa magkabilang wing lang kami.

Nang matapos ang program ay nagkahiwalay na kami at nagtungo na sa mga designated rooms namin. Buti na lamang at di ako nahirapan ngayon sa paghahanap kaya isa ako sa mga naunang nakarating sa room. Pinili kong maupo sa pinakadulong upuan na siyang katabi ng bintana at nagbukas na lamang ng isang libro upang magbasa.

Ilang minuto pa ang lumipas at unti-unti na kaming dumarami kaya naman mas lalo akong hindi mapakali dahil natatakot ako sa magiging pagtrato nila sa akin. Tinitignan ko sila isa-isa at masasabi kong mas komportable silang tingnan kaysa sa mga kaklase ko sa States. Gayunpaman, pansin na agad kung sino ang may potential na maging pinakakilala sa amin at malamang sa malamang hindi ako iyon.

10:30 am na at biglang dumating ang professor namin sa period na ito at nagsiayos kaming lahat. Nagpakilala siya at nagbigay impormasyon sa mga tatalakayin namin sa subject nya pati na rin ang grading system at house rules. At syempre di mawawala ang pinaka-kinakatakutan kong parte sa lahat.

"So I guess it's time for you to introduce yourself. Let's start from you, man at the back." biglang dumoble ang pagtibok ng puso ko nang sa akin na nakatingin ang lahat sa kwartong iyon. Pero ang inaakala kong mabilis na tibok na iyon ay may ibibilis pa pala nang makita ko si Marcus na siya ring nakatingin sakin.

Kaklase ko pala sya? Paano? Napalunok na lamang ako ng laway dahil doon at pilit na ibinuka ang aking bibig upang magpakilala.

"H-Hello... I am Prince Jacinth L. Buenavides. Y-You can call me Jace..." ilang segundo rin akong walang nasabi pagkatapos non at ramdam ko ang matinding pamamawis ng palad at noo ko. Ilang saglit pa ay napaupo na lamang ako at tumingin sa bintana.

Akala ko ay kakayanin ko na pero hindi pa rin pala. Takot pa rin ako sa mga tao hanggang ngayon. Naalala ko lahat ng ginawa sa akin ng mga kaklase ko sa Amerika. Doon ko naranasan kumain sa banyo, mabuhusan ng pintura at harina, gumawa ng assignment at projects na di naman akin, at higit sa lahat mapagtawanan dahil sa kasarian ko. Ayokong mangyari yun ulit kaya itatago ko kung sino man ako ngayon hanggang makapagtapos ako. Di na rin ako naghahangad pa na magkaroon ng kaibigan dahil matapos mawakasan ang pagkakaibigan namin ni Marcus noon ay di na ko nagkaroon pa. Natatakot na ko magtiwala. Ayoko nang mahusgahan.

Natapos ang klase at wala kong imik matapos kong magpakilala at alam kong di na agad maganda ang first impression sa akin ng mga kaklase ko. Hindi na rin dumating ang kasunod na prof, marahil ay first day pa lang naman at hinahayaan nya muna kaming mag-adjust.

Papalabas na ko ng classroom nang mapansin kong nagkukumpulan ang ilan kong mga kaklase malapit sa pwesto ni Marcus. Nagtatawanan pa nga sila at narinig kong magbabar daw sila mamayang gabi. Di na rin ako nakinig pa at tuluyan nang umalis pero nauntog ako bigla sa isang tao pagkalabas na pagkalabas ko at muntik na akong madulas mabuti na lamang ay nasalo niya ang aking likuran.

"Sakto pala uwian mo na rin, sabay na tayo?" tanong ni Jozeph habang nasa ganoong posisyon pa rin kami at ramdam na ramdam ko ang tinginan ng mga tao sa paligid namin kaya agad akong tumayo.

"A-Ah-eh, wala ka bang ibang gagawin?" di kasi talaga ko sanay na may kasabay kaya sinusubukan kong iwasan ang mungkahi nya.
"Hmm, nothing really. Saka first day pa lang naman ngayon kaya wala naman agad akong plano." iyan na naman ang ngiti nyang yan. Napalunok na lamang ako at tumango bilang tugon.

Tulad kanina ay napakarami na namang kwento nitong si Jozeph na almost 10% lang naman ang iniintindi ko. Basta ang alam ko lang ay parehas kami ng subdivision na tinitirhan at ang pinaka-pumukaw ng atensyon ko sa mga sinabi nya ay sa parehong eskwelahan kami naghigh school sa Amerika. Tinanong ko sya kung bakit di pa niya tinuloy sa Amerika ang pagkokolehiyo at ang tanging sinabi nya lang ay dahil daw sa narito na raw sa Pilipinas ang inspirasyon nya na sya namang ikinagulo ng isipan ko.

Nagpresinta pa nga siyang ihatid ako hanggang sa bahay namin pero tumanggi na ko dahil alam kong mapapalayo pa sya. Pagdating ko sa bahay ay inabutan ko na lamang si kuya Francis na nagluluto sa kusina.

"Nandyan ka na pala, di kayo nagsabay ni Marcus?" tanong ni kuya nang mapansin niyang nakauwi na ako.

"Hindi po kuya, baka po may plano pa sila ng mga kaibigan nya. Uhm, sige magbihis po muna ko." nagtungo naman agad ako sa kwarto ko at nag-ayos ng sarili.

Sumalampak ako saglit sa kama at kinuha mula sa bedside table ang binabasang libro kanina.

Apollo and Hyacinthus

I was moved by their story, kahit na namatay si Hyacinthus hindi sya nakalimutan ni Apollo at hanggang ngayon ang Hyacinth flower ang tanda ng pagmamahal sa kanya ni Apollo.

Napangiti naman ako bigla dahil mukhang alam ko na ang bulaklak na ipapalit ko next week sa flower vase ni tita.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This