By: Daniel
Hello sa lahat ng mga readers ng KM! Ako nga po pala si Daniel (hindi tunay na pangalan) isa po akong bi. Maputi ako, at salubong ang dalawang kilay ko sa mukha, 5’4 ang taas, 22 ang edad. Gabi nun. Nagreresearch po ako nun para sa article na may kaugnayan sa napili naming thesis title. Pero, nabigo po ako na makahanap ng karagdagang impormasyon. Kung kaya, napagdesisyunan kong magsearch na lamang sa Google ng mga blogs na may kinalaman sa kalibugan. Kaya, nahanap ko ang site na ito. Nabasa ko na rin ang ilang mga karanasan ng ibang tao na pinadala nila ditto. Nag- enjoy ako ng sobra sa pagbabasa ng kani- kanilang sariling kwento. Kaya, pumasok sa isip ko na ibahagi din ang aking karanasan sa piling ng aking tinuturing na kuya at kaibigan na si kuya Alex.
Ok. Start na po ako sa aking kwento. ‘’Nung magsimula ako na pumasok ng kolehiyo batid ko ng bi ako’’. Kaya patuloy ko pa din na itinatago sa mga magulang, kapatid, at mga kaibigan ko ang pagiging ganito ko. Ayaw kong laitin, pag tawanan ng ibang tao lalo na ang mga kapitbahay namin, na alam ko naman na mahilig sumagap ng tsismis. Nung time na yun, ang dalawa kong lola na soltera ang nagsilbing kasama ko sa bahay. Bale hindi ko naman talaga sila totoo na lola ( kapatid nila yung totoo ko na lola na ina ng aking ama) in short tiyahin ko sila. Sila yung nagpa- aral sa akin nung magko kolehiyo na ako. Dahil, sa ibang bahay ako nakatira. Sinikap kong makisama sa kanila ng maayos. Tumutulong din naman ako sa paglilinis ng bahay, pagdidilig ng mga halaman at iba pa. Tumagal ako sa kanila ng dalawa pang taon. Kaya, mula First year hanggang Third year ako dun kasama nila. At masasabi kong mahirap din palang makisama sa mga soltera. Minsan, ok sila sa akin. Minsan di ko alam, mainit na pala ang ulo sa akin.





















