By: Shy Chinito
Magandang araw. Isa po akong avid fan ng site at ilang beses sa isang araw ako magbasa ng mga kwento rito. Ngayon lang din po ako nakapag lakas loob na magsulat. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwento ko. Base po ito sa karanasan ko last year po.
Itago niyo nalang po ako sa pangalang Kris. Maputi, may katangkaran (siguro ay nasa 5’8” ako), at slim ang katawan. Sa isang recruitment agency po ako nagtatrabaho sa Makati, kung kaya’t naisipan ko na rin mangupahan sa malapit sa opisina. May nahanap akong one-bedroom sa isang two-storey apartment building, at dito ko nakilala ang lalaking ikwkwento ko- si Mang Robin.
Si Mang Robin ang gwardang nakabantay sa apartment noong unang araw ng paglipat ko sa apartment. Mabait si Mang Robin, palangiti, mapagbiro, at matulungin. Siya ay nasa 33 years old, Moreno, at Malaki ang katawan. Kitang-kita ang hubog ng muscles nito sa braso sa suot na uniform.
Umarkila ako ng jeep na pagmamay-ari ng kaibigan ng aking tatay. At dahil ako mahilig mag-ipon ng gamit, madami dami akong mga gamit na ibinababa sa jeep at inaakyat sa apartment na lilipatan. Siya nga pala, sa second floor ang kwartong kinuha ko, sa dulo ng hallway, kaya medyo pahirapan ang paglipat ng mga gamit. Aakyat, bababa, maglalakad hanggang sa dulo ng hall, bababa muli, tapos aakyat ulit. Naka limang balik na ata ako, at di pa nangangalahati ang mga gamit na naililipat ko mula sa jeep. Pawisan na ako at ang puti kong t-shirt ay madumi na. May one hour na rin siguro akong naglilipat. Napansin ito ni Mang Robin. Lumapit ito sa akin, at ngumiti.
“Sir, mukhang pagod na kayo ah.” Sa malapitan ay kita ang kagwapuhan ni Mang Robin, siguro ay pupwede siyang mapagkamalang malayong kapatid ni Cesar Montano. Nalimutan ko ang pagod ko sa paglapit nito sa akin at nakatitig lang ako sa kanya. Nakita niyang nakatitig ako sa kanya at ngumiti ng mas malaki. “Sa sobrang pagod eh natutulala na yata kayo ah.”
























