By: Irvin
Alam kong mali pero bakit masaya ako sa nararamdaman ko at sa mga nangyayari. Alam kong hindi ito ang dapat na nangyayari pero paano ko pipigilan? Hindi ko alam pero sobra na akong naguguluhan. Nalilito ako hindi dahil hindi ko alam ang gagawin ko, kundi ayokong gawin yung dapat kong gawin dahil alam kong ako din ang mahihirapan.
“Tama, wala naman kaming ginagawang masama, naghahanap siya ng kalinga ng isang ama, at ako naman ay sabik sa kapatid dahil may katagalan na rin kaming walang bonding ng bunso namin. Iyon lamang naman yun diba?” bulong ko sa sarili ko. Kahit alam ko namang higit pa sa isang kapatid ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero ano yun? Hindi pwedeng mahal ko siya dahil pareho kaming lalake, kahit minsan hindi ako nagduda sa pagkalalake ko. Kahit kailan hindi ko inisip na magkakagusto ako sa kapwa ko lalake. Saka hindi talaga pwede, hindi pwedeng mangyari ang lahat ng iyon. alam kong hindi iyon matatanggap ng aking pamilya, pagtatawanan ako ni Gigi. Kaya lang ayoko namang matapos ang kasiyahang ngayon ko lamang nararanasan. Ayokong mawala na lamang ang magandang samahan namin ng batang ito, kahit ano pa ang sabihin gusto ko pa ring kasama at kausap siya. Gusto ko pa ring napagmamasdan ang maamo niyang mukha at mapupungay na mga mata. Gusto ko paring madinig ang mga walang katapusan niyang kwento at at gusto ko pa ring maranasan ang mga pangungulit niya.
Pumasok ako sa kwarto ay inayos ko ang cover nito, naglabas din ako ng bagong labang kumot at pinalitan ang punda ng unan. Naghanda rin ako ng towel, saka ko ini on ang aircon.
“O sir, ito ba ang kwarto mo? ang linis ah, nahiya naman ako, kasi nakita mo na room ko, napaka gulo.”
“Sira, don sa kabila ang room ko, walang gumagamit nito, pero dito natutulog sina Mama at Papa kapag lumuluwas sila,” paliwanag ko.