By: AlterTeacher
Matapos ang nangyari sa agahan, alam ko na may pinapasok akong dalawang bagay: una, mas magiging mapusok ang tatlong ito dahil nabigyan na sila ng permiso at pangalawa, mas kailangan kong mag-ingat dahil baka magsumbong sila Tay Argo o kaya naman, mahuli ako ng asawa ko.Simula ng araw na pumunta sila tatay, at sa araw-araw na nakikita ko silang halos hubaran ako sa kanilang mga tingin, naging mabilis ang mga pangyayari at kinagat ko ang kanilang pain. Dun ko lang din naisip na nasa delikadong sitwasyon na ako. Dahil sa libog. Dahil sa tawag ng laman. Mababaw at nakakahiya kung isipin.
Kaso… ito ang malaking problema ko. Nung kinasal kami at naging mag-asawa, inaamin ko na madaming temptasyong lumapit. Lahat yun ay kinaya ko. Lahat yun ay nilagpasan ko. Kasi, naguumpisa pa lang kami. Wala pang anak at nakatuon pa ang bawat oras at sandali sa isa’t isa. Kaya ko nasabing mahal ko si Sab.
Yun nga lang, wala namang permanente. Nung nabuntis siya, hindi na kaming muling nagtalik. Sabi nya mas magandang i-focus ang atensyon sa anak namin. Hanggang sa pinanganak si Malik, sobrang saya namin dahil sa wakas, nagbunga ang aming pagmamahalan. Akala ko rin, pagkatapos nito, babalik kami sa tulad ng dati pero mas matured na. Kaso wala eh. Mas nanaig ang pagiging ina ng aking asawa kaya naman mas pinili nyang wag munang makipagsiping at baka daw kasi masundan. Sinunod ko sya dahil mahal ko sya. Nagpa-busy ako sa trabaho at mas binigyan din ng tugon ang pagiging ama ko kay Malik.
Nagtagal ang ganitong sistema. At sa maniwala man kayo o hindi, tatlong taon ang aking tiniis. Puro jakol lang ang aking nagagawa at dumarating din talaga sa punto na maghahanap ka ng mas nakakasabik kesa sa paggamit ng iyong palad.

















