By: Nickolai214
Nathan's POV
Hindi ko alam ngunit sa isang iglap ay mabilis na natahak ng mga labi ni Mark ang napakalapit na pagitan ng mga labi ko.
Naramdaman ko na lamang na hinahalikan na niya ako at nahanap ko na lamang ang sarili ko na tinutugon ang bawat paggalaw ng mga labi niya.
Napakainit ng katawan ni Mark. Init na nakakapaso ngunit hindi madaling iwasan. Sa halip ay para pa iyong magnet na humihigop sa akin para hawakan ang katawan niya.
Gumalaw ang kaliwang palad ko mula sa braso niya at pinagapang ko iyon paakyat sa matigas niyang biceps hanggang sa malapad niyang balikat.
Nakasando lamang si Mark at kitang-kita ng mga mata ko kung gaano siya kakisig.
Kumalas siya sa paghalik sa akin saka niya ako muling tinitigan habang hawak niya pa rin ang ulo ko.
Nakaawang ang mga labi niya na napakasarap humalik. Nakikita ko sa mga mata niya ang matinding pagnanasa habang nakatitig siya sa akin.
Kakaibang kilabot ang dumaloy sa buong katawan ko lalo na nang muli niyang angkinin ang mga labi ko.
Masuyo. Mapaghangad. May lambing. At sa bawat paggalaw ng mga labi niya ay para akong nalulunod sa sarap. Nagpapaubaya. Tumutugon sa maiinit na halik ng nag-iisang lalaki na minahal ko.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pag-angat ng katawan niya sa kama at sa isang iglap lang ay nakapaibabaw na siya sa akin.
Puno ng passion ang mga mata niya habang pinagmamasdan niya ako. Kapwa pa kami hinihingal dahil sa tagal ng halik na pinagsaluhan namin.
"Nat," he whisper.
"Mark," ganting bulong ko sa kanya.
Nakita ko ang paghawak ng dalawang kamay niya sa laylayan ng sando niya. Mabilis na dumapo ang mga kamay ko doon at sabay naming hinubad ang manipis na damit niya.
Bumungad sa akin ang napakagandang hubog ng katawan niya. Maputi. Makinis. Nasa hulma ang mga muscles.
Dumapo ang palad ko sa abs niya paakyat sa kaliwang dibdib niya.
Nahawakan ko ang nakausli niyang nipple at ginabayan niya ang kamay ko patungo sa kabila.
Ilang sandali pa ay dahan-dahan na siyang muling dumapa sa akin. Papalapit na ang mga labi niya upang muling angkinin ang mga labi ko.
Napasinghap ako kasabay ng mabilis kong pagbangon. Napaungol ang natutulog na si Mark dahil sa biglang pagbangon ko habang nakayakap siya sa akin.
"Napakalikot mo naman Nat. Natutulog pa ako eh." reklamo niya habang napapakamot siya sa ulo niya.
Dinampot ni Mark ang unan. Niyakap niya iyon saka siya muling bumalik sa pagtulog niya.
Napailing ako saka ko siya muling sinulyapan. Natutulog pa rin si Nat at suot pa rin niya ang sando niya na hinubad namin pareho sa mapangahas na imahinasyon ko.
Napapikit ako at mabilis kong pinagalitan ang sarili ko dahil sa kalokohan na naisip ko.
Halos mapatalon pa ako sa pagkagulat nang sunud-sunod na katok sa pinto ang narinig ko.
"Nathaniel bumangon na kayo diyan. Mag-aalmusal na tayo." sigaw ni Lola.
"Opo!" sagot ko saka na ako tuluyang bumaba ng higaan.
Sa mga sumunod na araw ay naging balisa ako dahil sa mga naimagine ko nung umagang iyon.
Sinikap ko na iwasan ang mapalapit kay Mark. Hanggang sa isang beses ay hinawakan niya ako sa braso. Para akong napaso na mabilis kong naialis ang kamay niya.
"Ano bang problema mo?" medyo inis na tanong niya.
"S-sorry! Nabigla lang ako." nauutal na sagot ko.
"Ang weird mo ngayon." sambit niya.
Salubong ang kilay na pinagmasdan niya ako ngunit wala naman siyang sinabi pa na iba.
Mula sa araw na iyon na napansin ako ni Mark ay sinikap ko na ayusin ang sarili ko. Sinikap ko na ibalik sa dati ang mga kilos ko.
Hindi naman ako nabigo lalo pa at naging abala na rin kami sa Drama Club. Sina Mark naman ay naging busy na rin sa basketball.
Third year highschool na kami nang lumipat sa school namin si Trevor. Naging instant crush kaagad siya ng mga kaklase namin dahil sa taglay niyang charm at kakisigan.
Kung hindi lang sana ako in love sa bestfriend ko ngayon ay malamang na isa rin ako sa mga magkakagusto kay Trevor.
Sakto naman na sa section namin siya napabilang kaya laking tuwa ng mga kaklase naming babae.
Dahil Salvador ang apelyido niya ay sa akin siya naitabi. Hindi nakaligtas sa akin ang pagsimangot ni Mark habang nakatingin siya kay Trevor na noon ay naupo na sa tabi ko.
"Hi, I'm Trevor!" nakangiting pakilala sa akin ni Trevor saka niya inilahad ang kamay niya.
Tatanggapin ko na sana iyon pero nabigla ako nang biglang hawakan ni Mark ang kamay ko at hinila palapit sa kanya.
"Siya si Nat, pare! Ako si Mark. Hindi mo na kailangang hawakan pa ang kamay niya kung magpapakilala ka lang." maangas na sabi niya.
"Sorry!" nasabi na lang ni Trevor.
"No. It's okay! Nice to meet you Trevor!" masiglang sabi ko saka ko siya nginitian.
Ngiti lang din ang isinagot niya sa akin. Marahil ay naninimbang na siya dahil sa inasta ni Mark.
Siniko ko ng bahagya si Mark saka ko binawi sa kanya ang kamay ko na hawak niya.
"Uy si Mark bumabakod na. Parang totoo nga yung hinala mo Joey." narinig kong sabi ni Errol mula sa likuran namin saka sila naghagikgikan.
Binalingan sila ng nakamamatay na tingin ni Mark kaya bigla silang nanahimik.
Dumating ang araw ng intramurals namin. Kasama sa team nina Mark si Trevor. Sumali siya sa basketball team.
Nakalaban nila ang team ng kabilang school at natutuwa naman ang lahat dahil lamang ang team namin.
Ngunit kapansin-pansin din si Mark na hindi mannlang pinapasahan ng bola si Trevor. Mabuti na lamang at pare-pareho silang magagaling.
Halfbreak na nang lumapit sa gawi namin si Trevor. Malapit kasi sa kinauupuan ko ang bag niya.
Ngumiti ako sa kanya na tinugon naman niya bago siya uminom ng tubig sa tumbler niya.
Sa halos tatlong buwan na pagiging magkaklase namin ni Trevor ay naging malapit naman kami kahit papano.
Pero dahil parang ayaw sa kanya ni Mark ay madalas na hindi rin kami gaanong nakakapag-usap.
Matapos makainom ng tubig ni Trevor ay lumaput siya sa akin at nakiusap na kung pwede ay punasan ko ng bimpo ang likod niya.
Dahil wala naman ibang gagawa ay ginawa ko na. Kinuha ko ang bimpo na iniabot niya pagkatapos ay naghubad siya ng jersey niya.
Sinimulan kong punasan ang likod niya. Patapos na kami nang isang malakas na tama ng bola ang tumama sa mukha ni Trevor na ikinagulat ng lahat.
Napatili pa ang ibang kababaihan na nakakita ng nangyari. Sabay kaming napatingin ni Trevor sa lugar na pinanggalingan ng bola.
Nakita namin na nakatayo doon si Mark at matalim na nakatitig sa amin ni Trevor.
"Mark?" nabibiglang sambit ko sa pangalan niya.
"Gago pala tong kaibigan mo eh." galit na sabi sa akin ni Trevor saka niya sinugod ng suntok si Mark.
Hindi naman nagpalamang si Mark. Ilang beses silang nakapagpalitan ng suntok hanggang sa awatin na sila ng mga tao na naroon.
Sumakit ang ulo ko sa pangyayaring iyon? Ano ba ang problema ni Mark?
Matapos silang maawat ay mabilis na umalis si Mark sa gymnasium. Hindi na niya tinapos ang laro.
Matapos ang intramurals ay nalaman ko na lamang na suspended na si Mark dahil siya ang napatunayan na nanguna sa gulo.
Hindi na siya nagpakita man lang sa akin. Tinatawagan ko ang cellphone niya pero hindi niya sinasagot.
Nalaman ko na balak palang ipa-blotter ni Trevor si Mark kaya mabilis ko siyang kinausap at sinabi ko sa kanya na ibalato na sa akin si Mark.
Matagal na nag-isip si Trevor pero sa huli ay pumayag din siya sa pakiusap ko pero sa sandaling maulit daw iyon ay hindi na siya makukuha sa pakiusap ko.
Sa ikalawang araw ng suspension ni Mark ay nagulat na lamang ako nang bigla niya akong abangan sa labas ng school pagkadismiss ng klase namin.
Dahil sa inis ko sa kanya ay nilampasan ko siya at balak ko sanang sumakay na ng tricycle pauwi pero hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako.
Napahinto ako sa paglakad ngunit hindi ko siya nilingon.
"Galit ka rin ba sakin?" aniya sa malumanay na tinig.
Hindi ko siya sinagot. Nanatili lamang ako na nakatayo doon habang hawak niya ang braso ko.
"Kausapin mo naman ako Nat. Hindi ko gusto na ganito tayo." pakiusap niya.
Marahan ko na siyang hinarap saka ko sinalubong ang malungkot niyang mga mata.
"Bakit mo ba kasi ginawa iyon?" mahina ngunit mababakas sa tinig ko ang kalamigan.
Napayuko si Mark. Ilang sandaki muna siyang tila nag-isip ng isasagot bago siya muling nag-angat ng tingin sa mga mata ko.
"Mas mabuti siguro kung sa tahimik na lugar tayo mag-usap." sabi niya.
Hindi na ako nagdalawang-isip na sumama sa kanya. Gusto ko rin kasing malaman ang side ni Mark.
Kilala ko si Mark. Hindi siya magkakaganito nang walang mabigat na dahilan. May problema na naman ba siya sa pamilya niya?
Umangkas ako sa motor niya at dinala niya ako sa lugar kung saan unang nabuo ang pagkakaibigan namin.
Malapit sa lugar kung saan kami nagstargazing ay isang malawak na lawa. Doon ako dinala ni Mark.
Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa bago ko siya sinulyapan.
"Naghihintay ako ng paliwanag mo." sabi ko sa mahinahon na tinig.
Nagpakawala muna ng malalim na paghinga si Mark bago siya nagsalita.
"Ano ba ang gusto mong sabihin ko?" tanong niya.
"Bakit mo hinagisan ng bola si Trevor?" ganting tanong ko sa kanya.
"Masyado siyang mayabang. Hindi ko gusto ang angas niya. Dikit pa siya ng dikit sayo kaya lalo akong naiirita sa kanya." inis na paliwanag niya.
Hindi ko muna agad siya sinagot. Inaanalisa ko sa utak ko ang mga sinabi niya.
"Napakababaw ng dahilan mo Mark. Hindi na ba ako pwedeng makipagkaibigan sa iba bukod sayo?" seryosong tanong ko.
"Hindi naman sa ganun." mahinahon niyang sagot. "Natatakot lang kasi ako."
"Natatakot saan?" mabilis na sagot ko.
"Natatakot ako na baka mawala ka na sa akin. Mula kasi nang dumating ang Trevor na yan siya na lang palagi ang nakikita mo. Hindi ka na nga tumatawa sa mga jokes ko. Pero kapag sa kanya kahit corny tinatawanan mo. Kapag may mga lakad ka siya kaagad ang tinatanong mo pero ako hindi mo na naaalala. Masakit kaya yun. Lalo na bestfriend pa naman kita."
"Syempre automatic na yun kapag ikaw. Sira ka ba? Kailan ka ba nawala sa mga lakad ko? Ikaw lang naman ang tumatanggi minsan." sagot ko.
"Alam mo ba na balak kang ipa-blotter ni Trevor? Pinigilan ko lang siya dahil ayoko na magkarecord ka. Palagi mo rin tatandaan na parte ka na ng buhay ko kahit ano pa man ang mangyari. Hindi ka na mawawala dito." sabi ko saka ko tinuro ang dibdib ko.
"I'm sorry Nat!" bulong niya.
"Huwag mo nang isipin iyon." sabi ko. "Pero huwag mo na rin uulitin dahil baka hindi na kita maisalba." babala ko sa kanya.
"Promise!" nakangiting sabi niya saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Dabest ka talaga. Kaya nga ikaw ang pinili ko na maging bestfriend eh." dagdag pa niya saka niya ako hinalikan sa pisngi.
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Hindi na ako nakapagsalita pa at nararamdaman ko na bahagya akong nakadama ng pamumula ng pisngi.
"Tara maligo tayo sa lawa." sabi sa akin ni Mark.
"H-ha?" pero wala akong dalang damit.
Ngumisi naman siya saka niya ako niyakap ng mahigpit pagkatapos ay tumalon siya sa tubig kasama ako.
Masaya kaming naligo sa lawa na iyon hanggang sa abutan na kami ng sunset doon.
Nang mapagod kami ay humiga kami sa damuhan habang sabay na pinapanood ang paglubog ng araw.
"Napakaganda ng sunset no?" masiglang bulong ko.
"Mas magandang lalaki ako." sagot naman niya.
Natawa ako sa sinabi niya. Bumangon ako saka ko tinampal ang bibig niya.
"Yabang mo!" sabi ko.
"Bakit hindi ba totoo?" natatawang tanong niya saka na rin siya bumangon.
Hindi ko na siya sinagot dahil sa mga kayabangan niya. Pero deep inside ay totoo naman talaga na gwapo siya. Kailangan ko lang ikaila sa sarili ko iyon para mapagtakpan ang nararamdaman ko sa kanya.
"Tara na, baka pagalitan na ako ng lola mo." sabi niya saka na kami tumayo para makauwi na sa amin.

No comments:
Post a Comment